Transcript
Page 1: Accounting is Worth Studying For

IRISH T. BARCELONBSA-2

Kursong Sagot sa Kinabukasan at Kahirapan

Magandang umaga sa mga mahal kong kamag-aral, sa aming masipag na guro at sa lahat ng

taong naririto ngayon sa aking harapan upang lubusang making, isang pagbati ng isang

maganda at mapagpalang araw sa inyong lahat.

Ang Edukasyon ay katumbas ng imbisibol na susi, tulay, hagdan at

sandatang panghabambuhay na bitbit ng bawat isang mayroon nito na magagamit sa kani-

kanilang paglalakbay at mga labang kakaharapin sa buhay. Ito’y makakatulong sa ating

pangarap at ito rin ang paraan upang mapaunlad o mapalago ang ekonomiya ng ating bansa.

Kaya naman sa pagtungtong sa kolehiyo, kailangang sigurado ka at napag-isipang mabuti ang

iyong mapipiling maging propesyon balang-araw. Malaki ang ginagampanang papel ng kolehiyo

sa buhay at kinabukasan ng estudyante, kaakibat nito ang pagpili ng kursong tatahakin. Kaya

ngayon, ako’y narito sa inyong harapan upang hikayatin kayo na kuhain ang isa sa mga

magagandang kurso na makatutulong sainyo sa panghinaharap na buhay, ito ay ang kursong

Accountancy.

Ano nga ba ang kursong Accountancy? Anu-ano ang pinagaaralan dito?

Gaano ito kaimportante? Paano ito makakatulong sa ating bayan? Ano ang mga advantages na

maaari nating makamit sa kursong ito? Una sa lahat, ayon kina Tagaamo at Bautista, ang

Accountancy ay ang proseso ng pag-uugnay ng pinansyal na impormasyon tungkol sa isang

Entity ng negosyo sa mga gumagamit nito tulad ng mga shareholders at manedyer. Ang

Accountancy ay ang kurso na nauugnay sa asignaturang accounting. Ang accounting o

pagtutuos ay isang asignatura na may kaugnayan sa pagbabalanse ng mga bagay-bagay na

nakaka-apekto sa isang negosyo. Mayroong iba’t ibang uri ng accounting gaya ng Financial

Page 2: Accounting is Worth Studying For

accounting, Public accounting, Government accounting, Forensic accounting, Management

accounting, Tax accounting, at Internal auditing lahat ng ito ay pagaaralan pagdating sa higher

years. Importante ang accounting sa isang bansa sapagkat ito ang nagsisilbing mata ng

negosyo,nakakatulong ito upang malaman at mabantayan ang pinansyal na estado ng isang

kumpanya. Alam naman nating lahat na ang mga kumpanya,korporasyon at iba’t ibang negosyo

ang nakakapagpataas ng ekonomiya ng isang bansa. Sa tulong ng accounting nakakagawa ng

mga tamang economic decisions patungo sa ikagaganda ng estado ng Pilipinas. Kapag

natapos mo ang kursong ito, ikaw ay magiging isang ganap na accountant. Ayon sa blogger na

si Dadizon, ang Tagatuos o Accountant ay ang siyang namamahala sa mga usaping pinansiyal

ng isang Bisnes. Inihahanda nito ang pagpaplano ng badyet para sa kumpanya, pag-aayos ng

mga accounts at pagsasagawa ng mga kalkulasyon sa mga pang-araw-araw na operasyon ng

kumpanya. Maraming advantages ang isang accountant ngunit mas maganda kung maipasa

mo ang Board Exam at maging isang CPA o Certified Public Accountant. Isa sa mga

advantages nito ay ang pagkakaroon ng mas malaking sahod kumpara sa ibang trabaho. Ayon

kay Jasmin Romero, ABS-CBN News, ang mga accountant o mga nasa banking at financial

services ay may lagpas P63,000 na sweldo. Bukod dun ay maaari ka ring ipadala sa iba’t ibang

bansa ng iyong napasukang kumpanya. Marami ka ring mapagpipilian na trabaho na nais mong

pasukin , pwede ka pamasok sa Gobyerno o sa malalaking kumpanya.

Ang kursong accountancy ay masasabing isang mahirap na kurso batay

samga sinasabi ng mga nakakarami. Ngunit ito rin ang isa sa mga magandang maging

propesyon dahil bukod sa mga pakinabang na iyong makukuha mula dito ay makakatulong ka

pa sa pag papaunlad ng bansa at sa pagpigil ng korupsyon. Hindi ka rin mawawalan ng trabaho

sa kursong ito sapagkat ang accountancy ay isang kursong “in-demand” sa buong mundo. Kaya

ngayon, nasa iyong mga kamay ang desisyon kung nais mong makaahon sa kahirapan ang

ating bansa at makamit ang sariling tagumpay.

-ACCOUNTING IS WORTH stuDYING FOR-