Ang Liga ng mga Barangay at ang Korapsyon sa sistema ng mga Barangay [Mekanismo sa pagpigil o paglaganap ng korapsyon sa mga Barangay] Steven Charles R. Ruiz 2008-60254
Panimula: Korapsyon sa barangay
Ang korapsyon ay isang problemang laganap na nangyayari sa iba’t ibang mga
bansa sa Asya, ngunit ang korapsyon sa Pilipinas ang may pinaka-politikal na
katangian o aspeto (PERC, 2008). Dahil sa pagiging struktural ng korapsyon sa
Pilipinas, maari lamang itong maintindihan at mabigyang lunas kung titingnan ito sa
konteksto ng sosyal, ekonomikal at politikal na gawain at mga institusyon na nagbibigay
ng mga kondisyon upang ito ay lumaganap (Ocampo, S., 2007)1. Ayon sa maraming
mga organisasyon at mga grupo, ang Pilipinas ay isa sa mga pinaka-korap na bansa sa
buong Asya.
Layunin ng pagaaral na ito ang pagtukoy sa ugnayan ng mga problema sa mga
barangay at ang struktural na pagkukulang ng Liga ng mga barangay bilang paraan ng
pagpigil ng korapsyon. Nais nitong saguting ang katanungan: Paano nakakapigil ang
Liga ng mga Barangay sa korapsyon na nagaganap sa lokal na antas ng pamahalaan,
partikular ang mga barangay?
Rebyu ng mga Kaakibat na Literatura
Sa pinakabagong survey na isinagawa ng Transparency International ukol sa
korapsyon, ang Corruption Perception Index o CPI, pang-apat ang Pilipinas na may
pinaka-korap na gobyerno sa Timog-Silangang Asya, kasunod ng Cambodia, Laos, at
Burma (TI, 2010). Ito ay tumutugma din sa pag-aaral na ginawa ng PERC o Political
and Economic Risk Consultancy ukol sa pananaw ng mga tao sa korapsyon, na
binanggit sa papel na ginawa ng Transparency and Accountability Network (TAN,
2011). Sa survey ng Social Weather Stations (SWS, 2008), 56% ng mga mamayanan
sa bansa, o tatlo kada limang katao, ay nagsasabing laganap ang korapsyon sa
pampublikong sektor ng bansa.
1 Ayon sa PERC, ang korapsyon sa Pilipinas ang may pinakapolitikal na korapsyon, o korapsyon na nagiging
parte na ng isang sistema o istruktura. Ayon naman kay S. Ocampo (2007), ang ganitong korapsyon, o 'struktural'
na korapsyon, ay hindi dapat tingnan bilang isang problema ng mga indibidwal sa isang sistema o struktura, kundi
bilang isang problema ng struktura mismo.
Sinasabi din ng Global Corruption Barometer 2010, isa pang pag-aaral ng
Transparency International, na sa nakaraang tatlong taon mula ng isinagawa ang
survey na ito, 69% ng kanilang mga tinanong ang nagsabing tumaas ang korapsyon sa
bansa. Inalam din kung anong partikular na sektor ng lipunan ang pinaka-korap sa
paningin ng mga tao. Ang dalawang pinaka korap ayon sa mga taong napagtanungan
ng survey, ay ang mga Pulis at mga Pulitikal na mga Pangkat o Political Parties,
sumunod ang Lehislatura at ang mga Pampublikong Opisyal o mga sibil na
manggagawa (TI, 2010).
Madalas nangyayari, at nailalathala sa balita, ang korapsyon sa mga matataas
na opisyal ng gobyerno at proyekto ng gobyerno para sa bansa. Ayon sa Philippine
Public Transparency Reporting Project (PPTRP, 2010), kada taon, nawawala ang
dalawampung porsyento (20%) ng kabuuang budget ng bansa, dulot ng korapsyon. Ito
ay posibleng nagaganap dahil sa kawalan ng tamang pag-uusisa, o Good
Transparency, dala ng pagiging lihim ng mga detalye ng mga proyektong ito sa publiko
(World Bank, 2007). Tinatayang halos tatlumpung porsyento (30%) ng lahat ng kontrata
sa mga proyekto ng gobyero ay napupunta sa korapsyon kada taon (TAN, 2011). Isang
halimbawa nito ay ang nakaraang kontrobersiya sa ZTE Broadband Deal, na kung saan
nagkaroon ng mga anomalya sa proyekto, na kung kaya’t napilitang itigil ng dating
pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang nasabing proyekto. Kasama sa mga
allegasyon ang iilang mga matataas na opisyal sa gobyerno tulad ng pinuno ng
Commission on Elections na si Benjamin Abalos sr. at ang asawa ni president Gloria
Macapagal Arroyo, si Jose Miguel ‘Mike’ Arroyo (GMA News, 2011). Marami itong mga
implikasyon sa nasyonal at lokal na antas ng pamahalaan, sa larangan ng pag-unlad at
pagbibigay ng serbisyong panlipunan.
Ngunit, para sa karaniwang mamayanan, pinaka-nararanasan ang korapsyon sa
lokal na sektor ng lipunan. Ang isa sa mga pinaka-karaniwang nararanasan at pinaka-
nakikitang uri ng korapsyon sa bansa ay ang pagsuhol o ang pagbibigay ng ‘lagay’ sa
mga manggagawa ng sibil na sektor (PCIJ, 2007). Ito ay ginagawa upang makaiwas sa
multa o upang mapabilis ang proseso sa pagkuha ng lisensya at iba pang mga serbisyo
mula sa gobyerno (TI, 2010). Kung kaya’t makikita na ang pinakamalalang problema ng
korapsyon sa bansa ay hindi lamang makikita sa nasyonal na antas ng gobyerno, kundi
sa lokal na pangkat ng lipunan din.
Sa India, ang mga ‘Panchayat’ nila ang nagsisilbing pinakamaliit na elemento ng
gobyerno nila, na katumbas ng silbi ng mga barangay sa bansa natin (Alsop, Krishnal &
Joblom, 2000). Katulad ng Pilipinas, ang India ay may malaking problema pagdating sa
isyu ng korapsyon kumpara sa ibang mga bansa (N. Charron, 2009). Maraming mga
tao ang nagsasabi na dahil sa pagkakaroon ng mataas na lebel ng korapsyon at sa
kawalan ng pampublikong paguusisa, naniniwala sila na wala silang mapapala sa mga
serbisyo nito at wala silang inpluwensya sa pamamalakad ng komunidad nila (Alsop, et
al., 2000). Bukod sa kawalan ng pampublikong paguusisa ng kilos ng mga Panchayat,
maari din maging sanhi ng korapsyon ang kakulangan sa pondo, mababang edukasyon
sa komunidad at ang lebel ng pagasa ng mga Panchayat sa mga gobyerno para sa
pondo nito. Bukod din sa hindi maayos na pagbibigay ng mga serbisyong panlipunan,
nagiging hadlang din ang korapsyon sa Panchayat sa paglaki ng ekonomiya,
nagtatanggal din ito ng tiwala sa gobyerno, at nag-aambag din sa patuloy pamumulitika
(N. Charron, 2009).
Sa Afghanistan naman, pinaka-nararamdaman din ng mga mamayanan ang
korapsyon sa paghahatid ng mga pangunahing serbisyong panlipunan; ang pagkuha ng
mga dokumento, ID, lisensya o kahit anong bagay o serbisyo mula sa gobyerno ay
nangangailangan ng kaukulang pagsuhol o lagay. Ang sinasabing sanhi ng korapsyon
dito ay malawakang kakulangan sa Transparency, o paraan ng pampublikong
paguusisa at kawalan ng inpluwensya ng pampublikong sektor (IWA, 2011). Isa pang
halimbawa ng korapsyon na nagdudulot ng malawakang problema sa serbisyong
panlipunan ay ang kaso ng korapsyon sa Burma. Ang Burma ay tinalagang isa sa mga
pinaka-korap na bansa sa mundo, ayon sa survey ng Transparency International (TI,
2010). Laganap ang korapsyon sa lokal na bureaukrasya ng Burma sa porma ng
pagbabayad ng suhol para sa anu mang serbisyo mula sa gobyerno, na tinatawag
nilang ‘Tea Money’. Ito ay sanhi ng kawalan ng Transparency, kababaan ng sweldo at
pondo ng mga LGUs, at ang kabulokan sa sistema ng gobyerno sa pag-organisa ng
mga gawain (U4 Anti-Corruption Resource Center, 2009). Sa madaling salita, ang
korapsyon ay madalas na nangyayari dahil sa problema sa sistema, at sa kakulangan
sa partisipasyon ng publiko sa pamamalakad ng gobyerno, sa lahat ng antas.
Malaki ang epekto ng korapsyon sa nasyonal na larangan ng lipunan, ngunit ang
pagsusuring ito ay mas bibigyang pansin, at iikot, sa usapin ng korapsyon sa lokal na
sektor ng lipunan, partikular ang tungkulin ng pinakamaliit na elemento ng gobyerno sa
pagbibigay ng serbisyong panlipunan, ang barangay. Dahilan nito ay, pinaniniwalaang
ang korapsyon ay pinaka-nakaaapekto at nararamdaman ng mga mamayanan sa lokal
na sektor, base sa mga nabanggit na mga datos at isyu sa Pilipinas at sa iba’t ibang
mga bansa. Pinaniniwalaan ng ilang mga iskolar na ang kadahilanan ng malawakang
korapsyon na nagaganap sa bansa ay naguugat sa kakulangan ng mga institusyon at
mga grupo na maaaring magbigay ng tamang kapasidad na ilantad sa publiko ang
gawain sa loob ng gobyerno, at ang abilidad na balansehin ang kapangyarihan na
hawak ng mga opisyal sa loob ng gobyerno. Ang tawag sa mga ito ay mga Watchdog
Entities, na maaaring manggaling at pamunuan ng mga tao mula sa pribado at
pampublikong sektor ng lipunan (Treisman, 1998; Amundsen, 1999; Fjelde & Hegre
2006) Bagama’t mayroon din naman mga mekanismo ang Pilipinas laban sa korapsyon,
tulad ng pagpapatupad ng “Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials
and Employees, Anti Graft and Corrupt Practices Act, kasama ang Ombudsman Act, at
iilang mga NGOs (T. Angeles, 1999), gustong malaman ng pagsusuring ito, kung ang
Liga ng mga Barangay, bilang pinakamalaking organisasyon ng mga LGU sa bansa, at
isang potensyal na Watchdog Entity, ay maaari din bang kumilos bilang isang
epektibong mekanismo laban sa korapsyon.
Ang pagkilos ng isang ‘liga’ ng mga organisasyon sa gobyerno bilang isang
Watchdog ay hindi malabong mangyari. Katulad ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas
na isang organisasyon ng mga barangay sa bansa, ang League of Provinces naman ay
isang organisasyon na kinasasapian ng mga gobernador ng bawat probinsya sa bansa
na nagsisilbing lugar na kung saan magpag-uusapan at mabibigyang lunas ang mga
isyu na kinakaharap ng bawat rehiyon sa bansa. Sa kasalukuyan, nakapagsagawa na
ng ilang mga programa ang nasabing organisasyon sa pagpapa-unlad ng kalidad ng
serbisyong panlipunan sa mga probinsya, at sa pag-sasagawa ng mga habkang sa
pag-pigil sa paglaganap ng korapsyon. Makikita ito sa kanilang mga programa tulad ng
Merit/Recognition Awards Scheme, STANCE Program (Strengthening Corporate Nature
of Provinces), Education Exchange Programs, at ang Provincial Sharing Program, kung
saan ang lahat ng ito ay nagbibigay diin sa importansya ng transparency at
accountability sa gobyerno(zambales.gov.ph).
Ang League of Vice-Governors naman, o liga ng mga bise gobernador ng
Pilipinas, ay may mga programa na tumutukoy sa pagpapalaganap ng Accountability at
Transparency sa lokal na antas ng pamahalaan, kasama ang malapit na pakikipag-
ugnayan sa Development Academy of the Philippines. Halimbawa ng mga ito ang
pagbibigay ng nararapat na edukasyon ukol sa tamang pamamahala ng mga opisyal ng
gobyerno, sa porma ng mga educational seminars at governance training, at ang
pagkakaroon ng Feedback Mechanism, o paraan upang mabigyan ng boses ang
kanilang mga pinagsisilbihan ukol sa kanilang pamamahala (lvgp.gov.ph). Dito makikita
ang pagkukusa ng League of Vice Governors sa pag-ako at sa pagbubukas nila ng
kanilang mga kilos sa publiko. Ang e-Governance Program din ng League of
Municipalities in the Philippines, o Liga ng mga Alkalde (Mayor) ay isang halimbawa din
ng mga programang naglalayunin na pataasin ang antas ng Transparency at
Accountability sa pamamagitan ng pagpapasigla ng partisipasyon ng mga mamayanan
sa Decision-making Process o ang proseso ng pagsasagawa ng mga desisyon sa loob
ng gobyerno (lmp.org.ph).
Bagama’t nakasaad sa mga layunin ng mga ‘liga’ na ito ang paglaban sa
korapsyon sa paraan ng pagpapatupad ng mga proyekto at programa na umiikot sa
konsepto ng pagbubukas ng mga gawain sa gobyerno sa publiko, pag-ako ng mga
gawain at proyekto, at pagbibigay importansya sa partisipasyon ng mga mamayanan sa
pamamahala, limitado lamang ang datos ukol sa tunay na epekto ng mga nasabing
proyektong ito, at ang mismong impluwensya na din ng mga institusyon na ito sa bawat
pangkat na kanilang pinanghahawakan. Naipapakita sa mga nabanggit na datos na ang
mga liga na ito ay nakapagsagawa ng mga programa at polisiyang maaaring pumuksa
ng korapsyon sa loob ng kanilang sistema, subalit sa lahat ng mga ito, wala halos datos
na makukuha sa tunay na epekto ng mga programang ito at kung ito ba ay talagang
nakakapigil ng korapsyon. Sa ganitong larangan, bibigyang pansin at iikot ang
diskusyon sa kaso ng Liga ng mga Barangay. Ang pagkukulang sa impormasyon o
datos ukol sa ugnayan ng korapsyon sa lebel ng mga Barangay, at ang istruktura ng
Liga ng mga Barangay bilang punong organisasyon ng lahat ng mga barangay, ang
magiging pinaka-sentro na problema na nais bigyang lunas ng pag-aaral na ito.
Madami na ang mga isyu ukol sa korapsyon sa antas ng Kongreso at
pagkapangulo, at iba’t ibang mga sektor ng lipunan ang nailaladha at nagiging pokus ng
pag-aaral ng maraming mga iskolar. Ngunit nais malaman ng mananaliksik kung ang
Liga ng mga Barangay bilang isang pormal na organisasayon ng gobyerno na
kinasasapian ng mga ulo ng mga Barangay ay maaring kumilos bilang isang
mekanismo laban sa korapsyon at kung ito din mismo ay pupuwedeng maging lungga
para sa korapsyon. Sa kalakihan ng Liga ng mga Barangay sa Pilipinas, hindi malabo
na magkaroon din ng malaking partisipasyon ang mga punong opisyal nito sa
pagmomobilisa at pagtataguyod ng mga ilegal na gawain, lalo na at ang barangay ang
primaryang nagtataguyod ng serbisyong panglipunan sa komunidad natin at ang
pinakamalapit sa araw-araw na aktibidad ng bawat komunidad.
Ang Barangay, bilang pinaka-maliit na elemento gobyerno, ay ang nagsisilbing
pangunahing aktor sa pagsasagawa ng mga proyekto, polisiya, programa, plano at iba
pang mga aktibidad ng gobyerno sa kaniya-kaniyang mga sektor. Dito din dinadala at
ipinipapahiwatig ng mga tao ang kanilang mga hinaing at pagmamatwiranan o
pagtatalo. Ito’y nagsisilbing paraan ng pagpapalaganap ng kaunlaran at pagpapanatili
ng seguridad sa komunidad. Binibigyang hugis din ng Local Government Code ng
bansa ang istruktura ng Barangay; ang bawat Barangay ay pamumunuan ng isang
punong Barangay, pitong sangguniang barangay, isang sangguniang kabataan
Chairman, isang tigaingat-yaman at isang secretarya (1991 Local Government Code of
the Philippines).
Ang Liga ng mga Barangay sa Pilipinas ay ang pinakamalaking pormal na
organisasyon ng mga LGU sa buong bansa. Ito ay kumakatawan sa lahat ng mga
barangay sa buong bansa na umaabot sa 42,000 ang bilang ng mga miyembro. Ang
pamunuan ng Liga ay binubuo ng mga halal na opisyal; ang Presidente, Bise-
Presidente at limang Board of Directors. Ang pagbuo nito ay nakasaad sa Section 495
ng Local Government Code ng Bansa, bilang isang paraan upang mapagusapan,
mabigyang halaga at maresolba ang mga isyu tungkol sa pagpapatakbo ng mga
barangay. Ito rin ay paraan upang malaman ng gobyerno ang kalagayan ng bawat
isang Barangay sa bansa. Bukod sa pagdidinig sa iba’t ibang mga isyu ng mga
barangay, ang Liga din ay may mga kaukulang kapangyarihan; pagbibigay suporta sa
lokal na mga proyekto ng mga barangay, pagpapalaganap ng edukasyon para sa
partisipasyon ng mga mamayanan sa komunidad, at pagtataguyod ng mga ‘partnership’
sa iba’t ibang mga sektor o grupo sa lipunan para sa kabutihan ng mga barangay
(ULAP.org).
Balankas ng Pag-aanalisa
Ang korapsyon sa gobyerno ay maraming hugis at antas ng pagtatanyag. Malimit
ito ay nagaganap sa isang posisyon na may kakulangan sa pondo o mababa lamang
ang kinikita ng mga lokal na opisyal ng pamahalaan at sa mga sektor ng gobyerno na
meron lamang kaunti o walang transparency sa mga pondo nito. Ang pagiging mababa
ng sweldo ng isang opisyal sa gobyerno ay mas may layunin upang maging korap
upang dagdagan ang mababang kita(G. Montinola, R. Jackman, 2002).
Ang isa na sa pinakamalimit na nangyayaring uri ng korapsyon ay ang Bribery o
ang pagsuhol. Madami pang ibang klase ng korapsyon tulad ng Fraud o ang panloloko
upang makamit ang isang bagay, Embezzlement o ang pangnanakaw ng pondo o
kagamitan na inilaan o ipina-asikaso, Extortion o ang pag-gamit ng kapangyarihan
bilang isang opisyal sa sapilitang pagkuha ng pera o kagamitan sa ibang tao o
organisasyon, Favoritism o ang pagbibigay ng espesyal na pagtrato sa mga personal
na kakilala sa trabaho, Nepotism o ang pagbibigay ng espesyal na pagtrato sa mga
kapamilya sa trabaho, at iba pa(N. Guwa-Ngamlana).
Pinaka-nababalitaan din ang korapsyon sa kapanahunan ng eleksyon. Malimit sa
panahon na ito nagkakaroon ng mga isyu ng korapsyon, at malaki din ang potensyal ng
mga barangay, at lalo na ang Liga ng mga Barangay na masangkot dito. Ang
koneksyon ng korapsyon at kapanahunan ng eleksyon ay mayroong malalim na kultural
at istruktural na pag-uugat, na kung kaya’t maari din nating sabihin na ang problema ng
korapsyon ay dapat tingnan bilang isang institutional na problema (E. Gyimah-Boadi,
2004). Malaking elemento ang kawalan ng transparency o ang pagiging bukas sa
publiko ng mga gawain ng gobyerno, sa paglaganap ng korapsyon, ayon kay Dr.
Johann Graf Lambsdorf (2001). Mas lalo na itong makikita sa mga gobyerno na may
imahen ng pagiging maksarili at mapaglihim (Shleifer-Vishny), tulad ng sa gobyerno ng
Pilipinas. Isa pang importanteng elemento sa paglaganap ng korapsyon sa gobyerno ay
ang kawalan din ng Accountability sa pagsasagawa ng korapsyon na may kaugnayan
sa mga pampublikong mga proyekto (J. Lambsdorf, 2001).
Dahil sa kakulangan sa mga elementong nabanggit, ang sistema ng korapsyon
sa gobyerno ay nagiging cyclical o pa-ulit ulit, at patuloy na lumalawak (J. Sison, 1961).
Ayon kay Montinola at Jackson (1999), upang maiwasan ang paglaganap ng ganitong
klaseng korapsyon sa isang sistema ng lipunan, dapat magkaroon ng mga epektibong
mekanismo ng pagkontrol, ng pagbibigay ng parusa at ng paguusisa sa iba’t ibang
sektor ng lipunan, na tinatawag na mga Watchdog Bodies. Isang halimbawa ng
paggamit ng isang Watchdog Body, ay ang pagsasagawa ng isang Executive Control
Organ, o isang administratibong institusyon na maaaring kumilos bilang isang taga-
balanse at taga-pagsuri ng mga kilos at gawain sa isang partikular na sektor ng
gobyerno mula sa itaas (Amudsen, Inge 1999). Sa ganitong larangan, ang mga ‘Liga’
na tinatawag ay may mga katangian na pinaka-sumasalamin sa isang Central
Coordinating Organ2, bilang isang Watchdog Entity laban sa korapsyon.
Ayon din kay Daniel Treisman (1998), ang mga politikal na sistema ay mas
bulnerable sa korapsyon kapag ito ay desentralisado, o Decentralized3, sapagkat sa
isang sistema na mayroong sariling awtonomiya ang bawat pangkat, mas kakaunti ang
mga sentralisadong organisasyong, o Central Coordinating Organ, na maaaring
tumutok dito. Pinaniniwalaan din ng marami iskolar na ang korapsyon ay magiging mas
laganap at mas nakabaon sa lokal na lebel ng pamahalaan dahil sa kaliitan ng bawat
2 Isang punong organisasyon na may potensyal na panghawakan ang mga kilos ng mga kinasasapian nito.
Ang isang Central Coordinating Organ ay madalas na binubuo ng mga punong opisyal ng bawat pangkat o
institusyon na pinanghahawakan mismo nito (PCIJ).
3 Tumutukoy sa desentralisasyon, o ang pag-delegado ng kapangyarihan mula sa isang sentro tungo sa
hiwahiwalay na mga pangkat
pangkat at dahil sa madalas na paguugnayan ng mga pampublikong opisyal at mga
pribadong indibidwal (Tanzi, 1995).
Natalakay sa mga kaugnay na literatura ukol sa korapsyon, na ang kawalan ng
ilang mga partikular na elemento ang nagbibigay pagkakataon na lumaganap ang
korapsyon sa isang sektor ng gobyerno, partikular ang Accountability at Transparency.
Sa ganitong paraan titingnan at aanalisahin ng mananaliksik ang Liga ng mga
Barangay, bilang isang Watchdog Body sa porma ng isang Central Coordinating Organ
na tumututok sa mga nabanggit na elemento.
Dahil sa kakulangan sa mga elementong nabanggit, ang sistema ng korapsyon sa
gobyerno ay nagiging cyclical o pa-ulit ulit, at patuloy na lumalawak (J. Sison, 1961).
Ayon kay Montinola at Jackson (1999), upang maiwasan ang paglaganap ng ganitong
klaseng korapsyon sa isang sistema ng lipunan, dapat magkaroon ng mga epektibong
mekanismo ng pagkontrol, ng pagbibigay ng parusa at ng paguusisa sa iba’t ibang
sektor ng lipunan, na tinatawag na mga Watchdog Bodies. Isang halimbawa ng
paggamit ng isang Watchdog Body, ay ang pagsasagawa ng isang Executive Control
Organ, o isang administratibong institusyon na maaaring kumilos bilang isang taga-
balanse at taga-pagsuri ng mga kilos at gawain sa isang partikular na sektor ng
gobyerno mula sa itaas (Amudsen, Inge 1999).Sa ganitong larangan, ang mga ‘Liga’ na
tinatawag ay may mga katangian na pinaka-sumasalamin sa isang Central Coordinating
Organ4, bilang isang Watchdog Entity laban sa korapsyon.
Ang pangunahing teorya na gagamitin sa pagsusuring ito ay ang konsepto ng
Organizational Institutionalism. Ayon kina DiMaggio and Powell (1983, 1991), at Scott
(2009), na binanggit ni Vargas-Hernandez sa kanyang pag-aaral ukol sa pag-o-organisa
ng mga institusyon (2009), ito ay tumitingin sa mga kaakibat na pagbabago na
isinasagawa ng mga institusyon at organisasyon bilang sagot sa presyon ng kabuuang
institusyonal na kapaligiran (Institutional Environment) na ipinapataw sa mga ito. Sa
madaling salita, sinasabi ng teorya na ito na ang mga katangian at kilos ng isang
organisasyon o institusyon ay sumasalamin sa mga kondisyon na ipinapataw dito ng
4 �Isang punong organisasyon na may potensyal na panghawakan ang mga kilos ng mga
kinasasapian nito. Ang isang Central Coordinating Organ ay madalas na binubuo ng mga punong opisyal
ng bawat pangkat o institusyon na pinanghahawakan mismo nito (PCIJ).
kabuuang istruktura o kapaligiran na pinagkikilusan nito. Isang kaakibat na konsepto ng
Organizational Institutionalism ay ang papel ng ahensya (Theory of Agency) sa
konteksto ng isang institusyon, na kung saan ang bawat kilos ng isang politikal na aktor
ay mabigat na na-i-impluwensyahan ng proseso ng pagsasanlipunan5.
Sa ganitong konsepto ipinapalagay din ng Organizational Institutionalism na may
mga norms o kaugalian na nananaig sa isang sistema, sa lokal at nasyonal na antas,
dulot ng dialektikong tunggalian ng institusyon at ahensya. Ito ang depinisyon o
paliwanag ng teoryang ito kung bakit maaaring manaig o maging ‘lehitimo’ ang mga
hindi kanais-nais na gawain ng ilang mga institusyon at ahensya sa isang sistema.
Sapagkat sa interaksyon ng mga institusyon at ahensya, na kung saan na-i-
impluwensiyahan ng kultura at politikal na kapaligiran ang kilos ng mga institusyon at
ahensya, at mayroong hindi pagkakapantay sa kapangyarihan sa dalawang ito,
nakokondisyon ang mga politikal na aktor at institusyon na tanggapin ang iba’t ibang
mga gawain bilang mga norms o kaugalian na ‘lehitimo’ o natural na sa isang sistema.
Sa ganitong larangan, titingnan din ng mananaliksik kung ang Liga ba ay sumasagot sa
mga presyon na ibinibigay ng mga barangay dito, partikular sa isyu ng korapsyon.
Titingnan din ng mananaliksik kung ang mga indibidwal na mga barangay ay may papel
din sa pagbubuo ng mga polisiya ng Liga sa pagsagot sa mga isyu na, ayon sa
Organizational Institutionalism, ay dapat na tinututukan ng Liga. At bibigyang pansin din
ng mananaliksik kung ang korapsyon ba ay naging parte na din ng norms ng sistemang
barangay, at kung ganun, susuriin ng mananaliksik kung ito ba ay sanhi ng mga
kahinaan ng Liga bilang isang institusyon, o dahil ito ay manhid sa presyon ng
kabuuang institusyonal na kapaligiran (Institutional Environment), o sadyang may
sariling interes na sinusunod ang Liga sa mga kilos nito.
METODOLOHIYA
5 � Ang proseso ng pagsasanlipunan, o socialization process, ay tumutukoy sa proseso na kung
saan ang isang indibidwal ay nagiging parte ng isang institusyon o partikular na kapaligiran, na kung saan
nagkakaroon ng kaukulang bigat ang mungkahi ng kaniyang politikal at sosyal na kapaligiran sa kanyang
mga kilos at desisyon(Vargas-Hernandes 2009).
Disenyo ng Pananaliksik
Ang metolodohiya na ginamit sa pagkolekta ng datos ay ang Grounded Theory.
Sinasabi sa Grounded Theory na ang datos ay nararapat na kunin mula sa ‘lupa’, o sa
mga mismong naaapektuhan ng problemang nais lunasan ng isang pagsusuri,
sapagkat sila ang mga itinuturing na mga eksperto ng partikular na isyu na kanilang
kinakaharap. Mas binibigyang halaga ng teoryang ito ang sosyal na karanasan ng mga
tao kaysa sa abstraktong konsepto ng isang teorya ukol sa isang isyu. Ito ay tinuturing
na isang metodolohiya na kung saan ang datos na nakolekta ang magiging pinaka-
batayan ng isang teorya; ang proseso ng pagbuo ng teorya ay magmumula sa ‘lupa’, o
mula sa mismong datos (Goulding, Christina, 1999).
Dahil sa katangian ng pagsusuring ito bilang isang evaluative research,
nagpagdesisyunan ng mananaliksik na ang pinakawastong paraan ng pag-kolekta ng
datos, upang makakuha ng pinakamakatotohanang pananaw sa mga polisiya at
katangian ng Liga ng mga Barangay ay ang Grounded Theory. Base sa Grounded
Theory, ang mga nararapat na pagkunan ng datos ay mga mismong miyembro ng mga
barangay at, kung maaari, mula sa mga opisyal mismo ng Liga ng mga Barangay. Ito ay
maisasagawa sa pag-gamit ng mga Key Informant interviews. Bagama’t ang
pagkukulang ng datos ay hindi lamang limitado sa Liga ng mga Barangay kundi sa
ibang mga liga din, mas interesado ang mananaliksik sa struktural na impluwensya ng
isang liga sa lebel o antas ng mga barangay. Dahil sa katangian ng mga barangay
bilang mga institusyon na pinakamalapit at pinakanakaaapekto sa mga mamayanan,
ang Liga ng mga Barangay ang naging pinaka-pokus ng pag-aaral na ito.
Sampling
Ang pagsusuring ito ay nangangailangan ng kaukulang datos mula sa iba't ibang
mga sektor ng gobyerno, partikular mga opisyal ng mga barangay at ang mga opisyal
ng liga ng barangay. Dahil sa pagiging sensitibo ng paksa sa pagsusuring ito,
nangangailangan maging maingat at wasto ang pagpili ng mga panggagalingan ng
datos. Upang ito ay makamit, sa mga key informant interviews at mga focus group
discussions, gagamitin ang konsepto ng Criterion Sampling, na ang pinaka-pundasyon
o criteria ay nakabase sa kaalaman ng mga kakapanayamin o ang pagiging bihasa nila
sa nasabing paksa, ang reliability ng kanilang mga pahayag, at kung ang pag-sali nila
sa pagsusuring ito ay bukal sa kanilang loob at hindi magiging hadlang o magdudulot
ng problema, pansamantala man o permanente, sa kanilang mga trabaho at buhay.
Koleksyon ng Datos
Grupo ng Datos Pagmumulan Pamamaraan
Mga posibleng
pinagmumulan ng
korapsyon sa loob ng
mga barangay
Mga katangian, kilos,
at istruktura ng Liga ng
mga Barangay
Ugnayan ng kilos at
polisiya ng mga
barangay sa pahayag
at polisiya ng liga ng
mga barangay
Pagsasalaysay ng pag-
gamit ng pondo na
inuukol sa mga
barangay
Pagsasalaysay ng pag-
gamit ng pondo na
inuukol sa liga ng mga
barangay
Epekto, o kaso, ng
korapsyon na may
Mga literatyra na
naisagawa na ukol sa
korapsyon sa lokal na
antas ng pamahalaan,
at mga opisyal ng
barangay
Mga Opisyal ng Liga,
mga barangay at mga
NGO na tumatalakay
sa korapsyon
Mga opisyal ng Liga ng
mga barangay, at mga
punong opisyal ng mga
barangay
Mga dokumento at
opisyal sa opisina ng
liga ng mga barangay
sa iba’t ibang City Hall
Key Informant
Interview
Pag-aanalisa ng mga
opisyal na dokumento
ugnayan sa panahon
ng eleksyon
Representasyon ng
bawat barangay sa liga
Antas ng impluwensya
ng bawat indibidwal na
barangay sa liga
Antas ng impluwensya
ng liga sa bawat
barangay
Dahil sa limitasyon ng mananaliksik sa oras, isang barangay lamang sa bawat
siyudad na pinili sa Metro Manila ang pinagbalakang kunan ng datos. Ang mismong
pagpili ng mga barangay na ito ay isinagawa sa pamamaraan ng random sampling,
maliban sa dalawang partikular na barangay na kung saan matatagpuan ang
Presidente at Bise Presidente ng Liga ng mga Barangay na mahalagang pagmumulan
ng datos. Ang mga barangay na pinagkunan ng datos ay nagmula sa Quezon City,
Tondo, Malabon City, at Caloocan City. At dahil din sa limitasyon ng mananaliksik sa
oras, ang mga siyudad na ito ay pinili sa kadahilanang ito ang mga pinakamalapit at
pinakakayang puntahan ng mananaliksik. Dahil na din sa kakulangan sa oras at
limitadong kakayahan ng mananaliksik, nilimitahan na lamang ng mananaliksik sa apat
(4) ang mga siyudad na ninais na pagkuhanan ng datos. May mga pagkakataon na ang
ilan sa mga napiling barangay sa pamamagitan ng Random Sampling ay hindi
pumapayag sa pakikipagkapanayam, na kung kaya’t kinailangan ng mananaliksik na
magsagawa ng pangalawang Random Sampling sa Malabon City at sa Caloocan City.
Sa siyudad ng Malabon, 21 na mga barangay ang naging kasama sa Sample. Sa
Quezon City naman, 141 na mga barangay ang naging parte ng Sample. Sa siyudad
naman ng Caloocan, 164 na mga barangay ang pinagpilian, at 259 naman mula sa
Tondo.
Para sa bawat siyudad ng Metro Manila, namili ng isa ang mananaliksik mula sa
mga listahan ng mga barangay na makikita sa mga government website6 ng mga ito.
Ang bawat barangay sa listahan ay binigyang numero ng mananaliksik at ang bawat
numerong ito ay nakasulat sa tag-isang pilas ng papel. Ang pagpili ng tig-isang numero
bawat siyudad ay isinagawa sa pamamagitan ng pagkuha ng mga papel na ito mula sa
isang kahon. Upang hindi makita ng mananaliksik ang numerong makukuha ang kahon
ay nakatakip at may butas lamang na maaaring pagkunan. Ang napiling numero ang
nagiging determinasyon ng mga barangay na kakapanayamin. Sa ganitong paraan
napili ng mananaliksik ang mga barangay na pagkukunan ng datos. Subalit dahil sa
pagtanggi ng mga napiling barangay sa Malabon at Caloocan City ay napilitang
magsagawa ng pangalawang random sampling ang mananaliksik sa mga lugar na ito.
Bago simulan ng mananaliksik ang pakikipanayam sa mga barangay captain, at ibang
mga maaaring kapanayamin, kinuha muna ng mananaliksik ang Free Prior Informed
Consent o FPIC nila, na kung saan ipinaliwanag ng mananaliksik ang tutukan ng mga
tanong sa pagsusuri bago hingin ang kanilang pahintulot na maging parte ng pagaaral
ito.
Ang kukuning mga respondent ng sarbey ay mga lider, miyembro at mga opisyal
ng mga youth organizations. Ang mga pinuno o youth leader na pinili para sa sarbey ay
kinuha mula sa iba’t ibang mga youth organizations7. Ang mga lider o pinuno ng mga
organisasyong ito ang may pinakamalapit na ugnayan sa mga barangay at siyang
nagsisilbing opisyal na tagapamuno, ayon sa mga papeles ng kanilang barangay, ng
kanilang partikular na youth organization. Kasama na din na kinuha ng mananaliksik
ang listahan ng mga opisyal ng mga youth organizations, o mga miyembrong may
pinagsisilbihang opisyal na posisyon sa organisasyon, maliban sa pagiging mismong
6 http://www.caloocancity.gov.ph/site/elected-officials/201-barangays.html,
http://www.quezoncity.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=389:quezon-city-
barangays&catid=95:content, http://www.malabon.gov.ph/barangays.html,
http://www.manila.gov.ph/bgychairmen.htm
7 Ang mga youth organizations na kinuha para sa sarbey ng pagsusuri ay mga opisyal na may kaugnayan sa
mga barangay ng mga komunidad na kinikilusan ng mga ito, na kung saan ang kabuuan ng organisasyon ay
pinamumunuan at tinataohan ng mga kabataan.
pinuno ng organisasyon. Ang listahan naman ng mga miyembro o mga kasapi ng mga
youth organizations, na nagsisilbing miyembro lamang at walang opisyal na
katungkulan sa loob ng organisasyon, ay kukunin mula sa mga barangay officials at sa
mga barangay na kinikilusan ng mga ito.
Kasama na din sa sarbey ang FPIC ng mga youth leaders na ito at personal na
ding ibinigay ng mananaliksik. Sa ganitong paraan sinabi ng mananaliksik na ang
pagsali ng mga respondent sa pagsusuring ito ay magiging confidential o lihim sa
publiko, na kung kaya’t hindi ipapakita ng mananaliksik ang pangalan ng mga
respondent at ang pangalan ng mga youth organizations na pinagkunan ng mga
respondent. Balak kumuha ng mananaliksik ng 10% na sample ng kabuuang
populasyon ng bawat organisasyon na hihingan ng partisipasyon sa sarbey. Ito’y
umaayon sa formula ng SPSS 178 para sa Chi-Square Computation nito, na kung saan
kinakailangan ng sampung porsyento (10%) ng kabuuang populasyon upang makalkula
ang kalakasan o kahinaan ugnayan ng dalawa o higit pang mga katangian na kukunin
sa sarbey. Ang pagkakalkula ng ugnayan ng mga baryable sa sarbey ay gagawin sa
dalawang grupo, ang mga opisyal at mga miyembro ng youth organizations, at
paghihiwalayin ang resulta ng bawat barangay na gagawan ng sarbey.
Paraan ng Pag-kalkula ng Sarbey
Formula of Chi Square:
Basic Computational Equation
Makikita sa Table 1 at 2 ang bilang ng mga respondent sa bawat barangay.
8 Statistical Package for the Social Sciences – na isang programa na kung saan kinakalkula ang iba’t ibang
mga baryante na makukuha sa mga sarbey upang makapagsagawa ng wastong ugnayan sa mga baryanteng ito.
Disenyo sa Pag-aanalisa ng Datos
Dahil sa kakulangan ng datos ukol sa paksa ng pagsusuring ito, at dahil din sa
pagiging sensitibo nito sa mga iinterbyuhin, ang magiging pinaka-gabay ng
mananaliksik sa gagawing pag-aaral ay ang grounded theory. Ito ay upang mabigyang
solusyon ang kahirapang magsagawa ng wastong balangkas ng pag-aanalisa ang
paksa dahil sa kakulangan sa datos tungkol sa Liga ng mga Barangay. Tinatanggap ng
mananaliksik ang mga posibleng limitasyon ng datos na makukuha, at ang posibleng
hindi pagkakatugma ng makukuhang datos at ang balangkas ng pag-aanalisa, na kung
kaya’t masasabing pinaka-wastong gamitin ang Grounded Theory upang maging bukas
at flexible ang framework ng mananaliksik sa datos na makukuha.
Pag-aanalisa ng Datos
Ang mga tanong sa sarbey na isinagawa ay nakalaan upang tukuyin ang
pananaw ng mga studyante, partikular ang mga Youth leaders/members, ng iba’t ibang
ng iba’t ibang mga Youth Organizations, sa kanilang mga komunidad at mga aktibidad
ng kanilang mga barangay. Dahil sa kakulangan sa pagtangkilik ng mga opisyal ng Liga
at sa kahirapan na makakuha ng mga respondent mula sa mga barangay official, ang
mga Youth Leader na may malapit na ugnayan sa kanilang mga komunidad ang nais
pagkunan ng kanilang mga pananaw ukol sa Liga ng mga Barangay.
Bagama’t nais ng mananaliksik na makapagsagawa din ng FGD sa mga
barangay na natakdang puntahan at pagkunan ng datos, ang mga opisyal sa loob ng
kanilang mga barangay ay hindi pumayag sa FGD, at kadalasan iilan lang din sa mga
barangay officials ang naglaan ng oras para makapanayam ng mananaliksik. Na kung
kaya’t ang mga KII na lamang sa mga barangay captain at ibang mga barangay officials
ang isinagawa ng mananaliksik. Ang barangay captain ng bawat barangay na napili sa
pamamagitan ng Random Sampling ay naging Respondent ng KII. Bukod pa dito,
kinapanayam din ng mananaliksik ang dalawang tiga-ingat yaman at isang barangay
kagawad. Ang kanilang pagsali bilang mga Respondent ng KII ay isinagawa sa
pamamagitan ng Convenience Sampling, sapagka't ang kanilang pagsali sa
pagsusuring ito ay hindi sinasadya at nangyari lamang dahil sa rekomendasyon ng
kanilang mga barangay captain, sa kadahilanang ang mga nasabing barangay officials
ay may kaalaman sa mga miting o istruktura ng Liga o personal ng nakadalo o may
interaksyon na sa mismong opisina ng Liga.
Ang mga tanong sa mga KII ay nakatuon sa iba’t ibang mga istruktural na
problema at mga isyu9 ng mga barangay, na posibleng sanhi ng kakulangan sa
impluwensya ng Liga ng mga Barangay sa araw-araw na pagkilos/gawain ng mga
barangay. Ang datos na makukuha sa mga KII ay paghahambingin sa bawat barangay
ng iba't ibang mga siyudad sa pamamagitan ng cross-case analysis, at, kung maaari, ay
ikukumpara din sa datos na makukuha sa opisina ng Liga ng mga barangay.
Mga Resulta at Diskusyon
Sarbey
Sa interes na makakuha ng datos ukol sa perception o pananaw ng isang
publikong sektor ng lipunan tungkol sa liga, nagsagawa ang mananaliksik ng isang
Sarbey na tumututok sa ilang mga salik, na kung saan ang mga respondent ng sarbey
na ito ay pawang mga Youth Leaders. Ang unang salik na nais bigyang pansin ng
sarbey ay ang Visibility at Awareness o ang pagiging kapansin-pansin ng mga kilos o
aktibidad ng Liga ng mga Barangay. Ito’y upang matukoy ang lawak ng epekto ng Liga
ng mga Barangay bilang isang institusyon na nakatoka sa mga barangay, na
pinakamalapit na organisasyon sa mga komunidad. Madaming mga salik ang
ikinonsidera ng sarbey na ito, subalit para sa interes na mabigyang pokus ang
pagpresenta ng datos, ang ipapakita lamang sa pagsusuring ito ay mga salik na may
ugnayan sa isa’t isa. 10% ang porsyento ng sample na kinuha mula sa kabuuang
populasyon ng mga youth organizations sa pagsa-sarbey. Ayon sa formula, na ginamit
ng mananaliksik (Chi-Square Computation), ang sampung porsyento ng populasyon ng
bawat organisasyon ay nararapat kunin upang magkaroon ng 90% na accuracy o
kawastuhan sa mga resulta. Sa ganitong lagay, ang bawat organisasyon na kinuhanan
ng respondent ay umabot sa dalawa hanggang tatlong katao kada organisasyon na
9 Transparency, Accountability, Community Participation, Corruption Safety Nets.
nakausap ng mananaliksik. Pinagsama-sama ng mananaliksik ang sagot ng mga
respondent ng mga magkaka-ugnay na mga youth organizations sa barangay na
kanilang kinikilusan.
Bilang ng mga Respondent sa bawat barangay
Barangay Mga lider ng
organisasyon at
miyembrong may opisyal
na posisyon
Mga miyembrong walang
posisyon sa loob ng
organisasyon
Population Sample Population Sample
Caloocan 19 6 64 6
Malabon 25 10 96 8
Tondo 14 8 47 4
Quezon City 13 6 52 4
Table 1: Dito makikita ang kabuuang bilang (sample at population) ng mga respondent
sa bawat barangay
Sample at Populasyon ng mga Youth Organizations na pinagkunan ng mga
respondent
Lokasyon
ng
Barangay
Organisasyon Mga Opisyal at Lider Mga Miyembro
Populasyon Sample Populasyon Sample
Caloocan Organisasyon
A
10 2 12 1
Organisasyon
B
4 2 21 2
Organisasyon
C
6 2 31 3
Kabuuan 19 6 64 6
Tondo Organisasyon
A
3 2 12 1
Organisasyon
B
3 2 8 1
Organisasyon
C
4 2 11 1
Organisasyon
D
4 2 14 1
Kabuuan 14 8 47 4
Malabon Organisasyon
A
5 2 23 2
Organisasyon
B
6 2 21 2
Organisasyon
C
5 2 16 1
Organisasyon
D
5 2 25 2
Organisasyon
E
4 2 11 1
Kabuuan 25 10 96 8
Quezon
City
Organisasyon
A
4 2 22 2
Organisasyon 3 2 17 1
B
Organisasyon
C
5 2 13 1
Kabuuan 13 6 52 4
Table 2: Dito ipinapakita ang bilang ng populasyon ng mga organisasyon na
pinagkuhanan ng mga respondent para sa sarbey, at ang sample o mismong bilang ng
mga respondent na kinuha.
Ang kabuuang sample ng mga youth na nagsisilbing mga opisyal ng mga
organisasyon, kasama ang mga pinuno ng mga ito, na kinuha mula sa mga barangay
ng Caloocan, Tondo, Malabon, at Quezon City, ay umaabot sa 30 na katao, mula sa 71
na kabuuang populasyon. Ang bawat lider o ulo ng organisasyon ay naging bahagi ng
sarbey, at bagama’t kakaunti lamang ang bilang ng mga miyembrong may opisyal na
posisyon sa loob ng mga youth organizations, kumuha ang mananaliksik ng isa pang
miyembro ng youth na may posisyon sa organisasyon nila maliban sa pagiging lider o
kabuuang ulo ng kanilang organisasyon. At ang kabuuang sample naman ng mga
miyembro na walang opisyal na posisyon sa organisasyon ay umabot sa bilang na 22
katao, mula sa 259 na populasyon ng mga youth organizations.
Ang mga respondent ay kinuha sa pamamagitan ng random sampling, mula sa
listahan na kinuha ng mananaliksik mula sa mga lider o pinuno ng mga youth
organizations at mula sa mga barangay hall mismo. Ang kahon na ginamit ng
mananaliksik sa pagpili ng mga barangay na pupuwedeng pagkunan ng mga
kakapanayamin, sa pamamagitan ng random sampling, ay ginamit din sa pagpili ng
mga posibleng respondent para sa sarbey. Ang mga pangalan sa listahan na ibinigay
ng mga pinuno ng mga youth organizations at ng barangay mismo, ay binigyang
numero, at ang bawat numero ay may kaukulang pilas ng papel. Upang hindi makita ng
mananaliksik ang numerong makukuha ang kahon ay nakatakip at may butas lamang
na maaaring pagkunan. Ang napiling numero ang nagiging determinasyon kung sino-
sino ang mga kukuning respondent para sa sarbey. Ngunit, katulad ng random
sampling na isinagawa ng mananaliksik sa pagpili ng mga barangay na
kakapanayamin, ang ilan sa mga napiling respondent ay hindi pumayag o hindi
makukuha para sa sarbey, sa panahon ng pagbisita ng mananaliksik. Dahil dito, ang
ilan sa mga organisasyong pagkukunan ng respondent ay kinailangang gawan ng
pangalawa, at sa isang kaso, pangatlong random sample, hanggang makumpleto ang
sampung porsyento (10%) na pangangailangan na sample mula sa kabuuang
populasyon. Ang mismong mga pinuno ng mga youth organizations ay naging parte din
sa pagsagot ng sarbey, at isinama na ng mananaliksik sa bilang ng mga Opisyal sa
pagkalkula ng mga resulta.
Resulta ng mga respondent (mga lider at opisyal ng youth organization) sa bawat
barangay para sa bawat katanungan
Resulta ng mga respondent (mga miyembrong walang posisyon sa loob ng youth
organization) sa bawat barangay para sa bawat katanungan
Tanong
sa
Sarbey
Quezon City Malabon Tondo Caloocan
Oo Hindi Null Oo Hindi Null Oo Hindi Null Oo Hindi Null
1st 0 4 2 0 6 2 2 2 0 1 3 0
2nd 2 4 0 6 2 0 4 0 0 2 2 0
Tanong
sa
Sarbey
Quezon City Malabon Tondo Caloocan
Oo Hindi Null Oo Hindi Null Oo Hindi Null Oo Hindi Null
1st 0 6 0 2 8 0 1 7 0 2 4 0
2nd 1 5 0 1 8 1 1 7 0 1 5 0
3rd 1 5 0 6 3 0 2 6 0 0 6 0
4th 0 6 0 0 10 0 4 4 0 2 4 0
6th 2 3 1 4 5 1 0 7 1 3 3 0
7th 3 3 0 4 6 0 6 1 1 0 6 0
3rd 3 3 0 3 5 0 0 4 0 0 3 1
4th 1 5 0 2 6 0 0 4 0 0 4 0
6th 2 3 1 4 4 0 2 2 0 1 2 1
7th 2 4 0 3 5 0 0 3 1 0 4 0
Bagama’t Qualitative ang ika-lima at ika-walong katanungan sa sarbey, hindi na inilagay
ng mananaliksik ang datos na ito sa table na ito.
Resulta ng Sarbey sa unang katanungan para sa mga Opisyal at lider:
Barangay Oo Hindi Walang Sagot
Quezon City 0 4 (66.66%) 2 (33.33%)
Malabon 0 6 (75%) 2 (25%)
Tondo 2 (50%) 2 (50%) 0
Caloocan 1 (25%) 3 (75%) 0
Kabuuan 3 (13.63%) 15 (68.18%) 4 (18.18%)
Resulta ng Sarbey sa unang katanungan para sa mga miyembro:
Barangay Oo Hindi Walang Sagot
Quezon City 0 6 (100%) 0
Malabon 2 (20%) 8 (80%) 0
Tondo 1 (12.5%) 7 (87.5%) 0
Caloocan 2 (33.33%) 4 (66.66%) 0
Kabuuan 5 (16.66%) 25 (83.33%) 0
Resulta ng Sarbey sa pangalawang katangunang para sa mga Opisyal at Lider:
Barangay Oo Hindi Walang Sagot
Quezon City 1 (16.66%) 5 (83.33%) 0
Malabon 1 (10%) 8 (80%) 1 (10%)
Tondo 1 (12.5%) 7 (87.5%) 0
Caloocan 1 (16.66%) 5 (83.33%) 0
Kabuuan 4 (13.33%) 25 (83.33%) 1 (3.33%)
Resulta ng Sarbey sa pangalawang katanungan para sa mga miyembro:
Barangay Oo Hindi Walang Sagot
Quezon City 2 (33.33%) 4 (66.66%) 0
Malabon 6 (75%) 2 (25%) 0
Tondo 4 (100%) 0 0
Caloocan 2 (50%) 2 (50%) 0
Kabuuan 14 (63.63%) 8 (36.36%) 0
Resulta ng Sarbey sa pangatlong katanungan para sa mga lider at opisyal:
Barangay Oo Hindi Walang Sagot
Quezon City 1 (16.66%) 5 (83.33%) 0
Malabon 6 (60%) 4 (40%) 0
Tondo 2 (25%) 6 (75%) 0
Caloocan 0 6 (100%) 0
Kabuuan 9 (30%) 21 (70%) 0
Resulta ng Sarbey sa pangatlong katanungan para sa mga miyembro:
Barangay Oo Hindi Walang Sagot
Quezon City 3 (50%) 3 (50%) 0
Malabon 3 (37.5%) 5 (62.5%) 0
Tondo 0 4 (100%) 0
Caloocan 0 3 (75%) 1 (25%)
Kabuuan 6 (27.27%) 15 (68.18%) 1 (4.54%)
Resulta ng Sarbey sa ika-apat na katanungan para sa mga lider at opisyal:
Barangay Oo Hindi Walang Sagot
Quezon City 0 6 (100%) 0
Malabon 0 10 (100%) 0
Tondo 4 (50%) 4 (50%) 0
Caloocan 2 (33.33%) 4 (66.66%) 0
Kabuuan 6 (20%) 24 (80%) 0
Resulta ng Sarbey sa ika-apat na katanungan para sa mga miyembro:
Barangay Oo Hindi Walang Sagot
Quezon City 1 (16.66%) 5 (83.33%) 0
Malabon 2 (25%) 6 (75%) 0
Tondo 0 4 (100%) 0
Caloocan 0 4 (100%) 0
Kabuuan 3 (13.63%) 19 (86.36%) 0
Resulta ng Sarbey sa ika-anim na katanungan para sa mga lider at opisyal:
Barangay Oo Hindi Walang sagot
Quezon City 2 (33.33%) 3 (50%) 1 (16.66%)
Malabon 4 (40%) 5 (50%) 1 (10%)
Tondo 0 7 (87.5%) 1 (12.5%)
Caloocan 3 (50%) 3 (50%) 0
Kabuuan 9 (30%) 18 (60%) 3 (10%)
Resulta ng Sarbey sa ika-anim na katanungan para sa mga miyembro:
Barangay Oo Hindi Walang Sagot
Quezon City 2 (33.33%) 3 (50%) 1 (16.66%)
Malabon 4 (50%) 4 (50%) 0
Tondo 2 (50%) 2 (50%) 0
Caloocan 1 (25%) 2 (50%) 1 (25%)
Kabuuan 9 (40.90%) 11 (50%) 2 (9.09%)
Resulta ng Sarbey sa ika-pitong katanungan para sa mga lider at opisyal:
Barangay Oo Hindi Walang Sagot
Quezon City 3 (50%) 3 (50%) 0
Malabon 4 (40%) 6 (60%) 0
Tondo 6 (75%) 1 (12.5%) 1 (12.5%)
Caloocan 0 6 (100%) 0
Kabuuan 13 (43.33%) 16 (53.33%) 1 (3.33%)
Resulta ng Sarbey sa ika-pitong katanungan para sa mga miyembro:
Barangay Oo Hindi Walang Sagot
Quezon City 2 (33.33%) 4 (66.66%) 0
Malabon 3 (37.5%) 5 (62.5%) 0
Tondo 0 3 (75%) 1 (25%)
Caloocan 0 4 (100%) 0
Kabuuan 5 (22.72%) 16 (72.72%) 1 (4.54%)
Resulta ng sarbey
Ayon sa mga sekondaryang datos na nakuha ng mananaliksik, ang
pinakamalimit na mga korapsyon na nangyayari ay may ugnayan sa isyu ng
Impluwensya, Transparency, at Partisipasyon ng komunidad sa pagkilos at mga
aktibidad ng kanilang primaryang institusyon na nagbibigay ng serbisyong panlipunan,
at ang kakulangan sa pag-kontrol sa mga kaso ng korapsyon. Sa pag-gamit naman ng
mananaliksik ng Quantitative tools sa pag-aanalisa ng datos, partikular ang pag-gamit
ng sarbey at ng SPSS 17 sa pag-aanalisa ng datos, makikitang mayroong ugnayan ang
mga salik na nabanggit. Subalit, ayon sa resulta ng pagkalkula sa bawat barangay, ang
ugnayan ng mga baryable na ito ay mahina lamang at hindi sa lebel na
makakapagpatunay ng koneksyon ng pananahilanan (causal relationship) sa pagitan ng
bawat baryable, na kung kaya’t hindi na isinama ng mananaliksik ang pagkalkula nito sa
pagsusuring ito. Ngunit, makikita din sa mga pinakamalimit ng baryableng nasasagot sa
mga katanungan (frequency distribution) na nakalkula sa SPSS17 na may mahina
hanggang mahina-katamtaman na halaga (weak to weak-moderate relevance), na
karamihan sa mga nagbigay ng mga tanong ukol sa Transparency sa kanilang
barangay, ay sinagot sa negatibong larangan. Karamihan ng mga sumagot ukol sa
Transparency, 72% para sa mga lider at opisyal mismo ng youth organization at 53%
para sa mga miyembro nito, ang nagsasabing walang Transparency ang kanilang mga
barangay, ganun din sa kawalan ng kaalaman o Awareness nila sa kung ano ang Liga
ng mga barangay at ang silbi nito sa sistemang barangay, 68.18% sa mga opisyal at
lider at 83.33% naman sa mga miyembro nito.
Datos Mula sa mga KII
Datos tungkol sa istruktura ng Liga at Pagbabago ng Pokus
Ang Liga ng mga Barangay bilang isang malawakang institusyon ay nahahati sa
madaming antas ayon sa heograpya at lebel ng lipunan. Bukod sa National Directorate
Board, na siyang nagsisilbing pinakamataas na mga kinatawan ng mga Barangay sa
buong bansa, ang Liga ay nahahati din ayon sa rehiyon, sa probinsya, sa lungsod (city
level), at sa munisipal na lebel. Ang bawat lebel ay may hinahalal na presidente10 na
10
Regional Chapter President, Provincial Chapter President, City Chapter President etc.
nagsisilbing kinatawan ng partikular na sektor na iyon, ngunit ang huling desisyon para
sa kabuuan ng Liga ay manggagaling sa National Directorate Board (barangay.gov.ph).
Ang Liga ng mga Barangay, ayon sa kanilang website (barangay.gov.ph), ay
nagsisilbing organisasyon na magbibigay representasyon ng mga barangay sa
sanggunian. Ito din ay nagsisilbing suporta at tagapagsagawa ng mga programa para
sa kabuuang kaunlaran ng sistemang barangay at sa mga indibidwal na barangay. Ang
pagbibigay ng edukasyon ukol sa tamang pamamahala ng mga barangay officials at sa
mga residente ng barangay upang tumaas ang partisipasyon nila sa pamamahala ng
kanilang komunidad ay parte din ng pangunahing mga layunin ng Liga ng mga
Barangay. Ayon din sa opisina ng Liga ng mga Barangay sa City Hall ng Quezon City,
ang Liga ay isang forum o pagtitipon na kung saan ang mga isyu na kinakaharap ng
pamamahala ng mga barangay ay nabibigyang hugis, naipaparating, at natatalakay sa
harap ng National Directorate Board, at sa paraang ito nakakapagsagawa ng tama,
epektibo at legal na lunas sa mga isyung ito. Ayon sa mga nakapanayam na tauhan sa
opisinang ito, nagkaroon ng resolusyon noong 2009 ang Liga na labanan ang pagkalat
ng korapsyon sa mga barangay, bilang isa ito sa mga isyu na tinalakay sa kanilang
taon-taon na forum, ngunit hindi ito parte ng pangunahing mga layunin ng Liga ng mga
Barangay.
Sa ganitong larangan, nasagot na ang pangunahing katanungan ng pagsusuring ito
ukol sa ugnayan ng korapsyon sa mga barangay at ang pamamahala ng Liga ng mga
Barangay bilang punong organisasyon na humahawak at kumakatawan sa bawat
barangay sa buong bansa. Bagama't may resolusyon na naganap noong 2009, ang
mga nakapanayam na barangay captain ay hindi nakatanggap ng kahit anong tulong o
balita ukol sa mga programa o polisiyang tumututok sa korapsyon sa loob ng mga
barangay. Dahil dito nagkaroon ng pagbabago ng pokus sa pagsusuring ito ang
mananaliksik. Kung ang kawalan ng kapasidad ng Liga na bigyang lunas o magsagawa
ng mga pangunahing mga hakbang upang malunasan ang isang isyu tulad ng
korapsyon, na tinalakay at binigyang konkretong pagdedesisyon sa pamamagitan ng
isang resolusyon, magiging kwestyunable ang mismong kapasidad ng Liga na
gampanan ang katungkulan nito bilang isang forum na tagapag-dinig at tagapagbigay
ng solusyon sa mga isyu na kinakaharap ng mga barangay. Hindi lamang ang mismong
ka-akmaan at kapasidad na magbigay ng solusyon ang tiningnan ng mananaliksik,
kundi pati ang mismong proseso ng pagpaparating ng mga isyu, ang representasyon ng
mga barangay sa National Directorate Board, at pati na din ang mga partisipasyon ng
mga barangay sa mga miting at pagsasgawa ng mga polisiya ng Liga.
Kawalan ng Impluwensya
Sa mga pangunahing datos pa lamang na nakolekta ng mananaliksik, naging
maliwanag na ang Liga ng mga Barangay ay may malaking pagkukulang na gampanan
ang papel nito bilang isang organisasyon na naglalayuning pigilan ang korapsyon. Sa
katunayan, hindi lamang ang kawalan ng Political Will11 ang naging kwestyunable, kundi
ang mismong impluwensya, o ang kakayahan ng Liga na magkaroon ng impluwensya,
sa mga barangay ang naging mas makinang na isyu. Sa panahong ito nagkaroon ng
pagbabago ng pokus ang mananaliksik sa pagsusuri. Bagama’t ang naunang layunin
ng pagsusuri na sagutin ang katanungang “Paano napipigil ng Liga ng mga Barangay
ang korapsyon sa mga barangay?” ay nasagot na, ang naging panibagong pokus ng
pagsusuri ay iikot naman sa katanungang “Ano ang mga kadahilanan sa kawalan ng
impluwensiya ng Liga ng mga Barangay bilang isang institusyonal na organisasyon?”
“Ang Liga ng mga Barangay ay isang recommendary body lang naman.” Ito ang
depinisyon na ibinigay ng isang barangay captain na nakapanayam ng tanungin tungkol
sa impluwensiya na mayroon ang Liga sa kanilang barangay. Ayon sa mga
nakapanayam, ang Liga ng mga Barangay ay nagsisilbing taga-payo lamang sa mga
barangay. Bagama’t nakasaad sa konstitusyon ng Liga ng mga Barangay na ang hindi
pagsunod ng mga miyembro ng barangay sa mga napagdesisyunang mga polisiya at
programa ng National Directorate Board ay may kaakibat na parusa, sinasabi ng lahat
ng nakapanayam na hindi obligadong sumunod sa utos ng Liga ang mga myembrong
barangay, at hindi din naman sila pinapatawan ng kahit anong parusa sa kanilang hindi
11
Ito ay tumutukoy sa lakas ng isang motibo kagustuhan na makapagsagawa ng politikal na pagbabago
(Charney, Craig, 2009)
pagsunod. Sa madaling salita, hindi obligadong sundin ng kahit na sino ang payo o utos
ng Liga ng mga barangay.
“Natural lang na hindi sundin ang mga payo ng liga, kaya nga may hatian ang bawat
barangay eh”, sagot ng isang barangay official na na-interbyu ng kwestyunin ang hindi
pagsunod ng karamihan ng mga barangay sa mga utos ng liga. Ang paniniwala ng mga
barangay na ang awtonomiya ng bawat barangay ay hindi dapat maimpluwensiyahan
ng liga at ang kawalan ng kahit anong parusa sa hindi pagsunod ang itinuturing na
pinakamalalaking mga salik sa kawalan ng impluwensiya ng Liga ng mga Barangay.
Ang ganitong pagtingin ng mga barangay sa papel ng Liga ay isang indikasyon na ng
pagiging ‘baog’ ng institusyon na ito sa larangan ng impluwensiya.
Dagdag pa dito ang kawalan ng tiwala ng mga barangay sa kapasidad ng Liga bilang
isang mapagkakatiwalaang institusyon ng pagbabago. Ayon sa mga na-interbyu, ito ay
sanhi na din ng kawalan ng partisipasyon ng mga barangay sa proseso ng pagsagawa
ng mga desisyon, kawalan ng Transparency sa mga miting at pagkukulang ng
Accountability sa pondo.
Kawalan ng Tiwala sa Sistema ng Liga
Upang magkaroon ng konkretong aksyon ang Liga, dapat muna itong makarating sa
National Directorate Board upang pagusapan, at pagbotohan ng mga miyembro ng
National Board bago makapagsagawa ng isang desisyon ang Liga. Makikita dito ang
istruktural na kahinaan ng Liga pagdating sa proseso ng pagsasagawa ng desisyon, at
pagtangkilik sa hinaing ng mga barangay. Nagkakaisa ang mga nakapanayam na mga
Barangay captain, na sa tagal ng prosesong ito, ay hindi sila naniniwala sa kakayahan
ng Liga na makapagsagawa ng mabilis at epektibong aksyon.
Ayon sa ilang mga nakapanayam, mas madaling maiparating sa Liga ang problema ng
isang barangay kung sila mismo ang maglalapit sa opisina nito kaysa pagtiyagaan ang
mahabang opisyal na proseso na dadaan pa sa bawat lebel ng Liga. Ito ay isang
halimbawa ng pagsasagawa ng mga politikal na aktor ng mas epektibong sistema,
bagama’t impormal at hindi opisyal na proseso, bilang pagpalit sa isang opisyal na
administratibong pamamaraan, upang mapabilis at maging mas epektibo ang isang
transaksyon. Ayon sa Organisation for Economic Co-operation and Development
(OECD, 2007), ang paglaganap at paggamit ng mga impormal na mga koneksyon at
pamamaraan ay sanhi ng magastos, hindi epektibo at mabagal na administrasyon.
Aniya nga ng isang barangay captain sa Quezon City, “Bibihira naman kasi kami
lumapit doon eh. Madaming mas madaling lapitan”.
Ano ang nagaganap sa mga miting ng Liga? Ayon sa mga barangay captain na
aktibo sa pagdalo sa barangay level na mga miting ng liga, hindi nila alam ang
nagaganap sa loob ng liga pagdating sa National level na usapan. Ito ay maaaring
sanhi ng kawalan ng interes ng mga kapitan ng barangay sa nangyayari sa liga, o ang
pagiging sarado ng datos sa publiko, at sa mismong mga barangay captain.
Sinubukan ng mananaliksik na makakuha ng mga pampublikong dokumento ukol sa
mga miting ng Liga mula sa Quezon City, City Hall. Subalit, sa opisina ng liga ay
tinanggihan ang hiling ng mananaliksik sa kadahilanang ito daw ay mga opisyal na
dokumento na hindi pupuwedeng ilabas sa publiko. Dito makikita ang kakulangan sa
Transparency ng liga ng mga barangay pagdating sa mga pampublikong talaan ng
kanilang mga miting.
Tinukoy ng isang barangay captain na bagama’t ang mga dokumentong ito ay
pampubliko, kahit sila daw na mga barangay captain, bagama’t hindi opisyal ng liga, ay
hindi binibigyan ng pagkakataon na makita o ma-rebyu ang mga kaganapan sa mga
miting. Pati na din ang mga opisyal ng mas mababang lebel ng Liga, partikular ang mga
nasa munisipal na lebel, ay nagsisilbi lamang na mga taga-pagkalat ng impormasyon
mula sa National board, at walang sariling kakayahan na tingnan ang talaan ng mga
miting. Ang problema dito ay pawang mga utos o balita lamang na walang kinalaman sa
mga napag-usapan o napag-mitingan ang nagiging paksa ng mga impormasyon na
ipinapakalat ng Liga sa kanila.
Saan nanggagaling ang Pondo ng Liga at saan ito ginagamit? Sinuri din ng
mananaliksik ang pondo ng Liga sa kadahilanang, ang kakulangan sa pondo ay maaari
din na dahilan ng pagkukulang ng Liga ng mga barangay sa impluwensiya at sa
pagpapatupad ng iba’t ibang mga proyekto at programa. Hindi tulad ng ibang mga ‘liga’
na nakakapagsagawa ng ibat ibang mga proyekto12, wala pang mga proyekto o polisiya,
ayon sa pagsasaliksik, ang kasalukuyang pinaiiral o pinapatupad ng Liga ng mga
Barangay.
Subalit sa pagsusuri ng mananaliksik, natuklasan na kung pondo lamang ang magiging
batayan ng kakulangan sa proyekto, hindi dapat nagkukulang ang Liga ng mga
Barangay sa pagpapatupad ng mga ito. Ayon sa isang taga-ingat yaman (treasurer) ng
isang barangay sa Malabon, sa kaniyang pagkaka-alam, may sariling pondo dapat ang
Liga ng mga Barangay na nagmumula sa City Hall, at hindi niya alam kung saan
napupunta ang perang ibinibigay ng mga barangay. Ayon sa ibang mga nakapanayam
naman, ang bawat barangay ay namamahagi ng 55,000 pesos kada taon para sa
pondo ng Liga ng mga Barangay. Mayroong mahigit kumulang na 42,000 na miyembro
ang Liga ng mga barangay sa buong bansa. Kung ang bawat barangay ay namamahagi
ng 55,000 pesos kada taon, ang kabuuang halaga ng pondo ng Liga ng mga Barangay
ay aabot sa mahigit 2.3 Billion pesos bawat taon.
At ayon sa ilang mga na-interbyu, ang pinupuntahan ng ganitong kalaking halaga ng
pera ay hindi natutukoy. Aniya ng isang barangay captain sa may Tondo, naging mainit
na isyu ang hindi paglabas ng financial statement ng huling kabuuang presidente ng
Liga ng mga Barangay. Sa katunayan, sinubukan din ng mananaliksik na hagilapin ang
mga financial statement ng mga nakaraang mga taon mula sa City Hall ng Quezon City.
Subalit muling tinanggihan ang mananaliksik ng punong taga-pamahala sa opisina ng
Liga sa kadahilanang hindi daw “available” ang mga financial statements ng liga,
datapwat maaari naman daw itong makita sa mga publikasyon ng Liga sa kanilang
website. Ngunit sa paghahagilap ng impormasyon sa website ng Liga ng mga
Barangay, makikita na walang publikasyon ang Liga ng mga Barangay ukol sa kanilang
mga financial statements, at sa katunayan iisang artikulo lamang ang kanilang na-i-
publisa.
12
Mga proyekto at programang naisagawa ng iba’t ibang mga ‘liga’ ng mga LGU na nabanggit sa rebyu ng
mga kaugnay na mga literatura
Saan nanggagaling ang mga rekomendasyon ng Liga? Sa kadahilanang hindi
bukas sa mananaliksik at sa publiko ang nagaganap sa mga miting ng Liga, hindi din
malalaman ng may kasiguraduhan ang pinanggagalingan ng mga rekomendasyon na
ibinibigay ng Liga sa mga barangay, at ang proseso o diskurso ng pagpili ng sa tingin
nila ay, pinaka-wastong polisiya o programa na kanilang ire-rekomenda sa mga
barangay. Ngunit ayon sa ilang mga kinapanayam, ang mismong rekomendasyon na
ibinibigay ng Liga ng mga Barangay ay nanggagaling hindi mula sa kanilang mga
miting, kundi mula sa DILG. Sa ganitong larangan nararapat na bigyang pansin ang
mga sumusunod na katanungan:
1. Saan napupunta ang pondo ng Liga?
2. Kung ang rekomendasyon ay hindi nanggagaling sa mga barangay mismo,
masasabi bang akma o wasto ang mga polisiyang ipinapatupad ng Liga sa mga
barangay?
3. Ano ang nareresolba at nagaganap sa mga miting ng Liga?
4. Ano ang tunay na papel na ginagampanan ng Liga?
Ano ang pakikitungo ng mga barangay sa Liga ng mga Barangay bilang
institusyon ng pagbabago? Indibidwalismo ang nagiging moda o sagot ng mga
barangay sa mga ni-rekomendang mga solusyon ng Liga. Pakiramdam ng mga
barangay officials na bukod sa hindi pagiging akma ng mga nirerekomenda ng liga, ang
liga bilang isang organisasyon ay hindi mapagkakatiwalaan at hindi maaasahan. Ang
liga sa kanilang pananaw ay hindi isang primaryang organisasyon na maaaring hingan
ng suporta o tulong. Bagama’t pakiramdam ng mga respondent na ang perang inilalaan
nila sa Liga ay mas magagamit sana sa ibang mas mapaki-pakinabang na paraan,
kataka-taka na ang ugaling ito ng Liga ay hindi kinekwestyun ng mga barangay at
hinahayaan na lamang. Napag-alaman ng mananaliksik na ang ganitong klase ng
tunggalian sa parte ng Liga at sa mga barangay ay matagal ng nagaganap, na kung
kaya’t nakondisyon na ang mga barangay captain na nakapanayam na tanggapin na
lamang ang sitwasyon. Ang ganitong pagkokondisyon sa mga barangay ang nagbibigay
daan para sa patuloy na pagkilos ng Liga ng walang Transparency, Accountability,
Political Will at impluwensiya. Ang ganitong sitwasyon ay maituturing na din na isang
kultural na phenomena o pangyayari, na kung saan ang Liga ay nakakakilos sa kahit
anong paraan ng ligtas sa parusa (Culture of Impunity13).
Mga Konklusyon
Ayon sa mga datos na nakuha, ang Liga ng mga Barangay bilang institusyon ng
pagbabago sa loob ng sistemang barangay ay nagmimistulang baog sa iilang larangan.
Bagama't may malaking pondo ang Liga na nagmumula sa mga barangay, hindi ito
nagagamit sa tamang paraan, sa katunayan hindi alam ng mga barangay captain kung
saan napupunta ang pondo nito, at walang financial statement na inilalabas ang Liga sa
mga nakaraang taon. Bukod pa dito, ayon sa mga Barangay officials, ang kawalan ng
kahit anong sanctions o parusa sa hindi pagsunod sa mga alituntunin ng Liga ang isa
sa mga kadahilanan ng kawalan ng kahit anong organisasyonal na impluwensya ng
Liga. Dagdag pa dito na, sa tingin ng ibang mga nakapanayam, ang mga proyekto at
polisiya ng Liga ay hindi akma para sa mga problema na kinakaharap ng mga barangay
ngayon. Ang pagbibigay ng mga seminar-seminar na hindi naman lahat ng barangay
captain ay naiimbita at nakakadalo, ay hindi solusyon sa mga problemang inihahatid sa
kanilang opisina. Pero ito ay hindi na nakakapagtaka para sa mananaliksik kung
papansinin na ang mga rekomendasyon at polisiyang ipinapatupad ng Liga ay hindi
nanggagaling sa mga forum o pagpupulong nila, kundi mula sa limitadong pananaw ng
DILG na hindi sumasalamin sa mga hinaing ng mga barangay. Ito'y nagpapakita ng
kakulangan sa partisipasyon at representasyon ng mga barangay sa National
Directorate Board, at ng kawalan nila ng kapasidad na mabigyang wastong pansin at
solusyon ang mga isyung inihahatid sa kanila.
Sa madaling salita, hindi naisasakatuparan ng Liga ng mga Barangay ang mga layunin
nito bilang opisyal na administratibong organisasyon na kumakatawan at humahawak
sa mga barangay ng bansa. Makinang sa datos na nakuha na ang Liga ng mga
Barangay bilang isang institusyon ng pagkontrol at pagtingin sa kilos ng mga barangay
13
Tumutukoy sa mga kultural na kondisyon, o kondisyon na naging bahagi o parte na ng kultura, na
nagpapahintulot sa isang organisasyon na kumilos ng ligtas sa anu mang parusa
ay hindi epektibo dahil sa mga nabanggit na mga salik, partikular ang kawalan ng
impluwensya at ng konkretong kagustuhan na makapagsagawa ng politikal na
pagbabago sa sistemang barangay. Sa madaling salita, sinasalamin ng mga problema
sa loob ng Liga ng mga barangay ang mga organisasyonal na problema na makikita din
sa mga indibidwal na barangay.
Rekomendasyon
Rekomendasyon ng mananaliksik ang pagsasagawa ng ilang mga hakbang upang
mapabuti ang organisasyonal na kapasidad ng Liga ng mga Barangay na
makapagsagawa ng tunay na pagbabago sa sistemang barangay;
1. Pagbubukas ng mga pampublikong dokumento ng liga sa publiko at lalong lalo
na sa mga miyembro ng barangay at paglalabas ng mga financial statement ng
kabuuang pondo ng Liga kada taon.
2. Pagpapalaganap ng Checks and Balances sa pagitan ng mga barangay at ng
Liga ng mga barangay.
3. Pagdaragdag ng partisipasyon ng mga barangay officials na hindi opisyal ng Liga
ng mga barangay sa proseso ng pagsasagawa ng mga desisyon.
Batis:
Alsop, R, et al., (2000) Inclusion and Local Elected Governments: the Panchayat
Raj System in India. Retrieved from ttp://siteresources.worldbank.org/
INTRANETSOCIALDEVELOPMENT/873467111741676294/20502178/SD
P37.pdf (Accessed Aug. 29, 2011)
Angeles, T. (1999). An Anti-Corruption Strategy for the Philippines. Retrieved
from http://unpan1.un.org/intradoc/groups/public/documents/apcity/
unpan003637.pdf (Accessed Aug. 29, 2011)
Charron, N. (2009). The Correlates of Corruption in India: Analysis and Evidence
from the States. Retrieved from http://www.qog.pol.gu.se/publications
/Charron%20AJPS%20Forthcoming.pdf (Accessed Aug. 29, 2011)
E. Gyimah-Boadi. Universality of Corruption, Political Corruption, and Election
Related Corruption. Retrieved from the internet on July 26, 2011
Gabriella R. Montinola, Robert W. Jackman. (2002). Sources of Corruption: A
Cross-Country Study. British Journal of Political Science, Vol. 32, No. 01.
(2002), pp.147-170
GMA News (2011). Aquino won’t allow revival of Controversial NBN/ZTE Deal.
Retrieved from http://www.gmanews.tv/story/231470/nation/aquino-
won39t-allow-revival-of-controversial-nbn-zte-deal (Accessed Aug. 29,
2011)
Integrity Watch Afghanistan. (2011) Corruption in Afghanistan among the most
important problems for development. Retrieved from http://www.iwaweb.
org/Docs/News/Heinrich%20B%C3%B6ll%20Stiftung%20-20Corruption%
20in%20Afghanistan%20among%20the%20most%20important%20proble
ms%20for%20development%20%20-%2013-07-11.pdf (Accessed Aug.
29, 2011)
Johann Graf Lambsdorff (2001). How Corruption in Government Affects Public
Welfare— A Review of Theories.Retrieved from:
http://www.icgg.org/downloads/contribution08_lambsdorff.pdf (Accessed
Aug. 29, 2011)
Jose Maria Sison. (1961). Lipunan at Rebolusyong Pilipino. Retrieved from:
http://www.padepaonline.com/index.php/pag-aaral-sa-lipunan-at
-rebolusyong-pilipino/48-lipunan-at-rebolusyong-pilipino (Accessed Aug.
29, 2011)
Nontando Guwa-Ngamlana. Corruption at the local government level: Time to
crack the whip. Retrieved from the internet on July 26, 2011.
Philippine Center for Investigative Journalism (2007). Corruption’s Many
Manifestations. Retrieved from http://www.pcij.org/blog/2007/10/18/
corruptions-many-manifestations (Accessed Aug. 29, 2011)
Philippine Public Transparency Reporting Project. (2010). Corruption Clock
Retrieved from http://www.transparencyreporting.net/index.php?
option=com_content&view=article&id=73:corruption-clock&catid=35
&Itemid=80 (Accessed Aug. 29, 2011)
Philippines (1991). Local Government Code of 1991 Taken from
www.chanrobles.com/localgov.htm
Political and Economic Risk Consultation Ltd. (2008). Philippines Risk Rating
Update. Retrieved from http://www.asiarisk.com/library4.pdf
(Accessed Aug. 29, 2011)
Pradhan, J. (2007). The Many faces of corruption: tracking vulnerabilities at the
sector level. Washington, D.C. : World Bank, c2007. (Accessed Aug. 29,
2011)
Tanzi, Vito. 1994. “Corruption, Governmental Activities, and Markets,” IMF
Working Paper, Washington DC: IMF.
Transparency and Accountability Network. (2011). Corruption and Anti-
Corruption in the Philippines. Retrieved from http://www.scribd.com/
doc/51272375/TAN-Paper-on-Corruption-and-Anticorruption-in-the-
Philippines-March-2011 (Accessed Aug. 29, 2011)
Transparency International. (2010). Global Corruption Barometer. Retrieved from
http://www.transparency.org/policy_research/surveys_indices/cpi/2010
(Accessed Aug. 29, 2011)
Transparency International. (2010). Corruption Perception Index. Retrieved from
http://www.transparency.org/policy_research/surveys_indices/cpi/2010
(Accessed Aug. 29, 2011)
Treisman, Daniel. (1998). The Causes of Corruption: A Cross-National Study.
Department of Political Science University of California, Los Angeles 4289
Bunche Hall
Social Weather Stations (2009). The 2009 SWS Surveys of Enterprises on
Corruption. Retrieved from http://www.sws.org.ph/2009%20SWS%
20Surveys%20of%20Enterprises_18Feb10.pdf (Accessed Aug. 29, 2011)
Union of Local Authorities of the Philippines. Liga ng mga Barangay sa Pilipinas:
Vision-Mission. Taken from: http://www.ulap.org.ph/liga-ng-mga
-barangay.html. On July 26, 2011.
Appendices
I. Etika
Ang gagawing pananaliksik ay mahigpit na susundin ang nabanggit na mga
criteria sa pagpili ng mga kakapanayamin. Sapagkat dahil sa pagiging sensitibo ng
paksang iikotan ng pagsusuri, na pupuwedeng magdulot ng kahirapan sa trabaho at
posibleng pinasala sa mga opisyal at miyembro na kakapanayamin, bibigyang diin ng
mananaliksik ang importansya ng anonymity. Na kung kaya't ang pangalan ng mga
kakapanayamin ay hindi magiging bukas sa pampublikong pag-uusisa at hindi
mailalagay sa pagsusuring ito ng wala nilang pahintulot. Ang mismong datos ay
pananatilihin din na malinis at hindi minanipula, para sa ika-aayos at ka-wastohan ng
pagsusuri.
II. Gabay sa Pag-sagawa ng KII
Ang mga sumusunod ang gagamitin na gabay para sa KII:
A. Personal na karanasan bilang miyembro ng barangay
B. Impormasyon ukol sa Liga ng mga Barangay
C. Perception o pananaw ng isang barangay official sa tunggalian ng barangay at ng
Liga ng mga Barangay
III. Kopya ng Sarbey at Consent Form
Magandang araw! Ako po si Steven Charles Ruiz, isang magaaral ng Unibersidad ng
Pilipinas Maynila, na kasalukuyang kumukuha ng kursong Agham Pampulitika. Ang
sarbey na ito ay parte ng pagkukumpleto ng mga rekisita sa kursong Political Science
199. Ang layunin ng sarbey na ito ay malaman kung mayroon bang ugnayan ang
korapsyon sa lokal na antas ng pamahalaan, partikular ang mga barangay, at ang Liga
ng mga Barangay. Bilang mas malawak na organisasyon ng gobyerno na tumatalakay
sa pagkilos at pagre-representa sa mga barangay, nais kong malaman kung ang Liga
ng mga Barangay ay maaari din bang kumilos bilang isang mekanismo laban sa
korapsyon. Ang inyong pagsagot at inyong mga sagot sa Sarbey na ito ay mananatiling
lihim lamang, at gagamitin lamang para sa larangan ng akademiya.
Mangyari po lamang na lagyan ng Tsek ang patlang na nakalaan sa sagot na nais
ninyong piliin. Kung may mga katanungan na hindi ninyo nais sagotan, mangyari po
lamang na laktawan ito.
Pangalan: Kurso:
Organisasyon: Katungkulan/Posisyon:
Survey Questionnaire:
1. Alam mo ba kung ano ang Liga ng mga Barangay at ang halaga nito?
_______Oo _______Hindi
2. Sa tingin mo ba ay mayroong tunay na impluwensya ang Central
Government, partikular ang Liga ng mga Barangay, sa pamamalakad ng mga
indibidwal na barangay?
_______Oo _______Hindi
3. Mayroon ka bang alam na mga programa na isinasagawa ng iyong barangay
laban sa korapsyon?
_______Mayroon _______Wala
4. Epektibo bang nasusupil ng mga opisyal ng baranggay ang korupsyon sa
inyong lugar?
_______Oo _______Hindi
Bakit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Kung ang inyong sagot sa katanungan ay ‘Oo’, mangyari po lamang na
iwasang sagotan ang susunod na katanungan.
5. Ano sa palagay mo ang kadahilanan o pagkukulang ng mga barangay sa
kanilang hindi mainam pamamalakad?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
6. Bilang isang residente ng inyong komunidad, sa palagay mo ba ay may tunay
na partisipasyon ang mga residente sa mga aktibidad ng inyong komunidad
at sa pamamalakad ng inyong barangay?
_______Oo _______Hindi
7. Sa palagay mo ba ay bukas ang mga pagkilos at gawain ng inyong barangay
sa pampublikong pag-uusisa?
_______Oo _______Hindi
8. Ano sa palagay mo ang pinaka-karaniwang uri ng korapsyon ang nagaganap,
kung meron man, sa loob ng inyong barangay?
_______Pag-kotong
_______Pag-hingi ng lagay para sa pag-gawa ng mga pampublikong
dokumento
_______Nepotismo (Pamliya muna mentality)
_______Patronism (Pag-tanggap ng pera/kagamitan kapalit ng kanilang
suporta)
_______Pag-nanakaw ng pondo
Iba pa:
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Maraming Salamat po.