1. TsinaAng Tsina o Peoples Republic of China, namatatagpuan sa
silangang bahagi ng Asya,ang isa sa pinakamalaking bansa sa
Asya.Ito ang may pinakamataas na bilang ngpopulasyon sa buong mundo
na tinatayangmay 1.3 bilyong katao na naninirahan dito.
2. Tsina
3. DalawangPangunahing Ilogsa Tsina
4. Ilog Yangtzeo Ito ang pinakamahabang ilog sa buong Asya
atpangatlo naman sa pinakamahabang ilog sabuong mundo.o Ito ay
dinaraanan ng mga barkongpangkalakalan.
5. Ilog Huang Ho pangalawa sa pinakamahabang ilog sa Tsina
tinatawag ding yellow river dahil sa kulay ngmakapal na banlik na
dala nito. tinatawag ding pighati ng Tsina dahil samalapad, malakas
at madalas itong umapawat magdala ng nakapipinsalang baha. Ang
bansag na pighati ng Tsina aynagpapatunay na mas natatandaan ng
mgatao ang hirap kaysa biyayang dala ng IlogHuang Ho.
6. Ang Ilog Huang Ho ay may malaking bahagingginampanan sa
kasaysayan ng Tsina. Sa panahon ngtag-araw, ang ilog ay nagdadala
ng banlik(silt) saHilagang Kapatagan ng Tsina. Loess Plateau o
Huangtu Plateau-ito ay dinadaananng Ilog Huang Ho kung saan
nanggagaling ang silt oloess na madaling dinadala ng hangin dahil
samalabuhanging liit ng lupang ito. Dahil agrikultura ang
pangunahing kabuhayan ngmga Tsino, nagtayo sila ng malalaking dike
at kanalupang maging harang sa pag-agos ng malakas natubig at
magsilbing dadaluyan nito.
7. Ilog Huang Ho
8. Sinaunang Kasaysayan ng Tsina Noong 4000 BCE, nagsimulang
manirahanang mga Tsino sa tabi ng Ilog Huang Ho.Pangingisda
atPagtatanim angpangunahingikinabubuhaynila noon.
9. Noong 2000 BCE, napaunlad nila angpaggamit ng bronse upang
makagawa ngmaraming bagay-bagay at kasangkapan.
10. Ang mga sinaunang Tsino ay may malakingpaggalang at
pagmamahal sa pamilya.Lumaki ang populasyong ng Tsina dahil na rin
samatandang kaisipan na pinagpala ng Diyos angpamilyang may
maraming anak.Ang mga Tsino noon ay nahahati sa limang uri:1.
iskolar2. magsasaka3. artisan o mga manggagawa4. mangangalakal5.
sundalo
11. Kabihasnan ng TsinaNaisulong ng mga Tsino ang ilan sa
mgapinakamahalagang pagbabago sa kalinanganat pamamaraan ng
pamumuhay.Ang paraan ng pamumuhay ng mga tao atpamamalakad ng
pamahalaan aynaimpluwensiyahan ng mga pilosopiyangnamayani sa
imperyo at mga dinastiyangnaitatag dito.
12. o Pinaniniwalaan ng mga Tsino na sila angsentro ng daigdig
kaya tinawag nila angkanilang bayan na Zhung-Guo o
GitnangKaharian.o Sa sinaunang kabihasnan ng Tsina umusbongang mga
Dinastiyang Xia, Shang, Zhou, Qin,Han, Tang, Sung, Yuan, Ming, at
Qing.
13. Dahil na rin sa lumalawak na kapangyarihan,angTsina ay
nagkaroon ng maayos napamahalaan.Ang pamumuno noon saTsina ay ayon
sapamamalakad ng mga dinastiya at ang mganamumuno nito ay mga paham
o pilosopo.Itinuturing ang mga emperador bilang mgadiyos o mga anak
ng langit lalo na noong mgaunang taon ng dinastiya.
14. Ang pagpapamana o pagsasalin-salin ngkapangyarihan ng
namumuno mula din saloob ng kanilang pamilya o angkan.Sunod-sunod
na pinuno mula sa isangangkan o pamilya.
16. Pinaniniwalaang ang Dinastiyang Xia angkauna-unahang
dinastiya sa kasaysayan ngTsina. Ito ay itinuturing na isang alamat
lamang ngmga Tsino dahil sa kawalan ng ebidensyangnakalap sa
kasaysayan na magpapatunay naumusbong ang ganitong dinastiya sa
Tsina.
17. Itinatag ni EmperadorYu ang dinastiyang ito.Kilalang-kilala
ang kanyang pamumuno dahil sakakayahan niyang pigilan ang pagbaha
ng tubig mula saYellow River. Ginawang kabisera niYu at ng mga
emperador ng Xiaang Erlitou, isang lalawigan sa timog Shansi.
Sinasabing payak ang naging pamumuhay ng mga taonoon at walang mga
importanteng imbensiyon nanaipakilala.
18. Ang dinastiyang Shang, kilala rin bilang dinastiyangYin, ay
namuno mula 1766 hanggang 1122 BCE. Ito ay itinatag ni Cheng Tan.
Ang panahon ng Shang ay kilala sa mga produktongyari sa tanso.Sa
unang pagkakataon din ay gumamitang mga Tsino ng chopsticks; ito
aynaimbento ni Shou Hsin.
19. Ang mga palay ay kinokolekta sa mga taobilang kabayaran
nila para sa buwis.Sa dinastiyang ito umusbong ang maramingmga
orakulo at hula.Sa panahong ito nabuo ang sistema ngpagsulat ng mga
Tsino.
20. Sinusulat ng mga pari o diviner angkanilang mga katanungan
sa buto oshell ng pawikan na tinatawag nadragon bone na kalaunay
tinawag naoracle bone.
21. Ang dinastiyang Shang ay humina dulot ngkorupsyon ng mga
sumunod na mga pinuno. Hindi nagtagal, ang kahinaan ng bansa
aynaging daan upang ito ay madaling nasakop ngmga pangkat ng tao na
kilala sa pangalangZhou noong 1027 BCE.
22. Noong 1046 BCE, pinamunuan ni Haring Wung Zhou ang 45,000
mandirigma at 300 karopapunta sa Ilog Huang Ho. Natalo nila
siHaring Di Xin ng Shang na naghudyat ngpanimula ng dinastiyang
Zhou.
23. Ang dinastiyang Zhou ang namahala sa Tsina saloob ng 900
taon. Ito ang pinakamahaba sa lahatng dinastiyang
naitala.Piyudalismo - sistemang pampulitika na nagbigayng
kapangyarihan sa mga aristokrata o pyudal napanginoon (panginoong
maylupa) sa mga lupangpag-aari ng hari.Sa panahong ito natutunan
ang pag-aararo atpaggamit ng matutulis na sandatang yari sa
bakal.Napaunlad din ang irigasyon para sa patubig ngmga
pananim.
24. Dito rin umiral ang Ginintuang Panahon ngPilosopiya na
pinangunahan nina Confucius atLao Tzu. Confucius - itinuturing na
pinakadakilangpilosopo. Siya ay tinatawag na Kung Fu Tze na angibig
sabihin ay paham o pilosopo. Naging pangunahingkatangian ng
kulturangTsino ang mga aral niConfucius sa ilalim ngdinastiyang
Zhou.
25. Ang mga aral ni Confucius ay nakabuod sakanyang aklat na
Five Classics at Four Books naitinuring ng mga Tsino na gabay sa
kanilangpamumuhay.Sa kabuuan, naniniwala ang Confucianismo
nasibilisasyono ang pagkakaroon ng mabutingpag-uugali, gawi, at
pagkilosang daan upangmatamo ang isang mabuting lipunan.
26. Lao Tzu - nagtatag ng pilosopiya atrelihiyong Taoismo,
hango sa salitang Tao naang ibig sabihin ay way of nature. Noong
ikatlong siglo, ang aral ng Taoismo ayginawang aklat na tinawag na
Tao Te Ching.Naniniwala ang Taoismo na angmabuti at masama ay
nag-iiba sapaglipas ng panahon at sa pagitanng mga grupo sa
pamayanan.
27. Sa pilosopiya ni Lao Tzu, pinahahalagahan angtao at ang
kalikasan.Ilan sa pilosopiya ng Taoismo:Upang makamit ang
kaligayahan,kinakailangang maging mapagkumbaba,mahinahon at
mapagtimpi.Ang taong nakatatalo sa iba ay magaling,ngunit ang taong
marunong tumingin sasariling pagkakamali ay mas kahanga-hanga.
28. Pagbagsak ng Dinastiyang Zhou Sa loob ng 250 taong pamumuno
ngdinastiyang Zhou, ang kaharian ay binuo ngmahigit 1 000 estadong
pyudal. Estadong pyudal - mga lupaingpinamahalaan ng isang
maharlika na angkapangyarihan ay nagmula sa hari. Sa ganitong
paraan, ang katapatan ng isangmaharlika ay nasa hari.
29. o Sa kalaunan, ginamit ng mga maharlika angkanilang mga
sundalo upang kalabanin anghari.o Ang paglakas ng kapangyarihan ng
mgapanginoong maylupa ay simula ng pagbagsaksa pamamahala ng mga
Zhou.
30. Ang panahong 456 BCE hanggang 256 BCEay tinawag na Era
ofWarring States. Umiral ang kakaibang pamamaraan atestratehiyang
militar atteknolohiya sa paglabansa mga kaaway.
31. Ang dinastiyang Qin ay nagsimulangmamuno noong 221 BCE.
Noong 256 BCE, iginupo ngmakapangyarihang estado ng Chin o Qin,
sapamumuno ng emperador na si Qin ShiHuang, ang mga pinuno ng Zhou.
Nakilala si Qin Shi Huang bilang Shi Huang-Di na nangangahulugang
unangpinakamataas na emperador.
32. Nagpatayo siya ng mga daan sa lahatng bahagi ng imperyo
upangmagkaroon ng ugnayan ang ibatibang rehiyon. Ipinatayo niya ang
Great Wall ofChina upangmagsilbingpananggalang ng mga Tsino laban
samga mananakopna barbaro.
33. Ito ay nagsimula noong ikatlong siglo. Isinasaad sa
pilosopiyang ito namasama ang tao at makasarili attanging mahigpit
na pagpapatupad ngbatas ang paraan upang mabuhay siyanang
mabuti.
34. o Hindi mahalaga sa Legalismo ang moralidad,bagkus ay
hinihikayat dito na magkaroon nglihim na paraan ang isang pinuno
upangmasigurong hindi maaagaw ang kanyangkapangyarihang pamunuan
ang isang estado.o Ang mga ideya at konsepto ng Legalismo angnaging
pamantayan ng dinastiyang Qin.o Pinasimulan nilang ipatupad ang
pilosopiyang itosa buong Tsina kaya maraming pyudal napanginoon at
tribong nawala.
35. Bilang pagsunod sa Legalismo, iniutos ngmga opisyal ng
pamahalaan angpagpapasunog sa mga aklat na iniisip nilangtaliwas sa
pilospiya ng Legalismo. Sinumangiskolar na tumutol ay ipinapapatay
oitinatakwil. Itinuring ni Shi Huang-Di na mapanganib
angConfucianism at iba pang pilosopiya, kayatkanya itong
ipinasira.
36. Naging malupit na pinuno si ShiHuang-Di at ang kalupitang
itoang nagpagalit sa mga tao labansa pamumuno ng mga Qin.Lumayo ang
kalooban ng mgamanggawa, magsasaka, atmaging ang pangkat ng
mganakapag-aral.
37. Pagkaraan ng kamatayan ni Shi Huang-Dinoong 210 BCE,
nagkaroon ng isangdigmaang sibil.Pagkaraan ng walong taong digmaan
ayisang bagong dinastiya ang namuno sabansa, ang dinastiyang
Han.
38. Ang dinastiyang Han ay namuno sa loob ng400 taon kung saan
namayani angkapayapaan at kaunlaran ng Tsina napinasimulan ng
dinastiyang Qin. Wu Di - siya ay namuno sa pagitan ng 140 at87
BCE.- ang pinakamagiting na pinuno ngdinastiyang Han dahil sa mga
matagumpay napagkuha nito ng teritoryo para sa Tsina
39. - nakuha niya ang ilang teritoryo ngKorea at napalawak ang
imperyo hanggang saIndo-Tsina.- sa kaniyang pamamahala, naitaboy
angmga mananakop na nomad at natamo angbahagi ng Korea.
40. Paggawa ng unang diksyunaryong Intsik natinawag na Shou Wen
na sinulat ni HaoShen.
41. Pagkakaroon ng aklat ukol sa sinaunangkasaysayan ng Tsina
na isinulat ni SuomaChien (Sima Qian), ang Ama ngKasaysayang
Tsino.Pagkatuklas sa paggamit ng papel.Pagpasok ng relihiyong
Buddhismo sa Tsina.
42. Ang kaunlarang dulot ng pamumuno ngmga Han ay nagbigay-daan
sa ugnayan samaraming lupain. Lumawak ang kalakalan at hangganan
ngimperyo na umabot hanggang sa timog ngVietnam at sa Mongolia.
Silk Road isang rutang pangkalakalan nanaitatag noong panahon ng
dinastiyangHan.
43. Silk Road
44. o Nagsimulang humina ang dinastiyang Hannoong ikatlong
siglo.o Naganap ito nang agawin ng malalakas namaharlika ang ilang
bahagi ng imperyo.o Pinatalsik nila ang huling hari ng Han.o
Pinasok din ng mga barbaro ang imperyo atnakontrol ang
hilagangTsina, kayat lumisan angmaramingTsino at nagtungo sa may
timog ngIlogYangtze.o Ang panahong ito ay tinawag na Panahon
ngKalituhan.
45. Ito ay itinatag ni Li Yuan Xian noong 618 A.D. Ang
dinastiyang Tang ang itinuturing naGintong Panahon ng Imperyo ng
Tsina. Tai Tsung isang emperador nanagpalawak lalo ng teritoryo
ngTsina.
46. Muling sumigla ang Tsina noong 618 BCE sapamumuno ng
dinastiyang Tang mataposang kaguluhan mula sa pagsakop ng
mgabarbaro.Nagkaroon ng kapayapaan at namulaklakang sining at
panitikan sa dinastiyang ito.Nagkaroon ng matatag na
gobyerno,maunlad na kalakalan, at mas maunlad nasistema ng
edukasyon.
47. Mahahalagang Pangyayari na naganap sa Tsinanoong panahon ng
pamamalakad ngdinastiyang Tang:Pagsisimula ng pagsusulit sa
serbisyo sibil(Civil Service Examination)Pagkakaimbento ng block
printing ni Feng Tao
48. Pagkakabuo sa pinakaunang nalimbag na aklatsa kasaysayan,
ang Diamond Sutra na isinulatni Wang Chieh.
49. Paglilimbag sa pinakamatandangpahayagan sa daigdig, ang
Peking Gazette. Kalipunan ng batas na tinawag na Kodigong Tang.
Pag-usbong ng Gintong Panahon salarangan ng panulaan.
50. o Nagkaroon ng pag-aalsa sa ilalim ngpamumuno ni Emperador
Xizong.o Nagpatuloy ang mga pag-aalsa hanggangnagwakas nang
tuluyang ang dinastiyang Tang.o Sa panahong ito inilipat ang
kapital ng Tsina saKaifeng
51. Ang dinastiyang Sung ay namuno mulanoong 960 hanggang 1280
AD. Sa panahong ito lalong pinaunlad ang sining,literatura o
pagsulat, at edukasyon. Itinuturing itong Dinastiya ng Panitikan
atLiteratura ng Tsina
52. MgaTala ng mga Bansa - aklat na isinulat niChao Ju-Kua na
naglalarawan ngpakikipagkalakalan ngTsina sa ibat ibangbansa gaya
ng Borneo, Pilipinas, Indonesia,Malaysia at iba pa.
53. Pagkatapos ng dinastiyang Sung, sinakop ngmga Mongol ang
Tsina sa ilalim ngpamumuno ni Gengis Khan o Temujin.
54. Hinalinhan siya ni Kublai Khan na nagtatag ngdayuhang
dinastiya sa Tsina.Sa panahong ito inilipat ang kapital ng Tsina
saBeijing.
55. Noong 1368 AD, nasupil ang kapangyarihanng mga Mongol dahil
sa isang pag-aalsa naginawa ng mga Tsino.Muling naibalik ang
kapayapaan sa Tsina.
56. o Ang dinastiyang ito ay itinatag ni ZhuYuanzhang.o Sa
panahong ito bumisita at nakarating saTsina si Marco Polo.o Marco
Polo ang unangtaga-Kanlurang naglakbay saSilk Road.
57. : Pagpapalakas ng pwersang pandagat ng Tsina Pagpapabalik
sa pag-aaral ng Confucianismo. Pagpapalawig ng pakikipagkalakalan
sa ibapang mga bansa gaya ng Arabia, Portugal,Pransiya, Britanya,
at Netherlands. Pagpasok ng Kristiyanismo sa bansa.
58. Nagkaroon ng pag-aalsa sa Beijing napinamunuan ni Li
Zicheng. Nagpakamatay ang huling emperador ngdinastiyang Ming, si
Emperador Chongzhenna naging marka ng pagtatapos ngdinastiyang
ito.
59. Ito ang pinakahuling dinastiya sa Tsina bagotuluyang
nabuksan ang bansa sa mgakanluranin.Ito ay itinatag ni Tai Tsing na
nagmula saManchuria noong 1644.
60. Pagbabago sa sistema ng pagsusulitsa serbisyo
sibilPagbabago sa ilang mga batasPagsasakatuparan na maging katulad
ngmga Manchu ang hitsura ng mgaIntsik kaya hinikayat nila ang
mgaito na ahitin at itirintas ang kanilangmga buhok (queue)
61. Itinuring ng mga huling pinuno ngdinastiyang Qing ang
kanilang sarilibilang divine rulers ng isang perpektongbansa.Kinuha
ni Queen Dowager ang pwestomula sa kaniyang apong emperador.Naging
madali para sa mga taga-Europana masakop ang kanilang bansa