Aralin 7
Negosyo Inihanda ni: ARNEL O. RIVERAwww.slideshare.net/sirarnelPHhistory
Ano ang Negosyo? Anumang gawaing
pang-ekonomiya na may layuning kumita o tumubo.
Mga gawaing nakakalikha at nagbebenta ng kalakal o serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan ng tao.
Uri ng Negosyo
Manufacturing – pagbuo o paggawa ng kalakal
Service – pag-alok ng serbisyo sa mga mamimili
Sales – pagbebenta ng kalakal na walang binago.• Wholesale - maramihan• Retail – isahan
Organisasyon ng Negosyo
Solong pagmamay-ari
Korporasyon
Kooperatiba
Sosyohan
Solong Pagmamay-ari Negosyong pagmamay-ari at
pinamamahalaan ng iisang tao lamang.
Kabutihan Di-Kabutihan
• May kalayaan sa pagpapatakbo
• Simple• Mababang panimulang
puhunan• May benepisyo sa
buwis
• Walang limitasyon sa pananagutan
• Kakulangan ng magpapatuloy
• Mahirap kumuha ng pondo
• Pagdepende sa iisang tao
Sosyohan Negosyong pagmamay-ari ng dalawa o higit
pang tao.
Kabutihan Di-Kabutihan
• Mas maraming pinagsamang talento.
• Dagdag na pondo• Madaling buuin• Kaunting
pangangailangang legal
• Walang limitasyon sa pananagutan
• Kakulangan ng magpapatuloy
• Kahirapan ng paglilipat ng pagmamay-ari
• Posibilidad ng tunggalian
Korporasyon Negosyong nilikha ng estado. Hiwalay ang nagmamay-ari, komokontrol at
nagpapatakbo sa negosyo na may legal na pananagutan ang mga kasapi nito.
Kabutihan Di-Kabutihan
• Limitadong Pananagutan
• Tiyak ang pagpapatuloy
• May propesyunal na pamamahala
• Madaling lumaki ang pondo.
• Posibilidad ng tunggalian sa pamamahala
• Malaking halaga sa pagsisimula.
• Maraming regulasyon• Dobleng pagbubuwis
Kooperatiba Isang uri ng samahan na ang pangunahing
layunin ay matulungan ang mga kasapi nito.
Kabutihan Di-Kabutihan
• Maliit ang panimulang puhunan
• Layunin ang kagalingan ng mga kasapi.
• Makatarungan ang pamamahagi ng kinikita at yaman.
• Maliit ang interest sa mga pautang.
• Mahirap ang pamamahala.
• Kawalan ng mga propesyunal na tagapamahala.
• Malaki ang posibilidad ng pagkalugi
• Maaring maging dahilan ng hindi pagkakaunawaan
• Ano ang dapat na katangian mayroon ang
isang entreprenyur upang maging matagumpay
sa negosyo?
PAGPAPAHALAGA
REFERENCES: Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at
Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House
De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI
Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI
Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI