Bakit Matamis Ang Tsokolate?
Isinulat ni:Karen Pearl M. Mercado
Ang tsokolate ay isa sa mga popular na
pagkain sa mundo. Mapa bata man o
matanda ay nahihilig dito. Ang
pangunahing sangkap sa pag gawa nito
ay ang Kakaw. Ang tsokolate ay isa sa
mga sikat na flavor ng sorbetes, keyk,
galyetas at inumin. Marami na rin
kilalang produkto na mula sa tsokolate
nariyan ang Toblerone, Hersheys, M&M,
Kit-Kat, Cadburry, Ferrero Rocher,
Cloud 9, Goya, Choco Mallows, Curly
Tops, Flat Tops, Chocnut, Milo at
Ovaltine. Masasabi din na ito ay may
magandang epekto sa katawan gayundin
ito ay nagbibigay saya sa tao. Bakit
nga ba matamis ang tsokolate? halina’t
tuklasin natin.
Isang araw, habang
nagpapahinga sa may
bakuran si Jaiko
napatingin siya sa puno
ng Kakaw na itinanim ng
kanyang Ama. Napansin
niya ang bunga ng puno
at siya’y humanga sa
ganda nito. Agad niya
itong ipinaalam sa
kanyang ama, animo’y
nagagalak na sa
nalalapit na pagpitas ng
mga bunga nito.
Sila lamang sa lugar na iyon ang may ganoong klase ng puno. At ang
mga tao doon kailanma’y hindi pa nakatikim ng tsokolate.
Kinabukasan habang nagbabasa si Jaiko sa
kanilang bakuran, siya’y nakatulog di
naglaon ay may nakita siyang isang diwata sa
kanyang panaginip. “Alagaan ninyong mabuti
ang puno ng Kakaw hanggang ang mga bunga
nito ay maaari ng pitasin. Kapag ito ay
inyong nagawa gagantimpalaan ko kayo ng
masaganang buhay at gamitin ninyo ang
maaaning kakaw sa pag gawa ng tsokolate
dahil ang bunga nito ang magbibigay tamis
dito” sabi ng diwata. Ang huling bilin pa
nito sa kanila ay tumulong sa mga taong
nangangailangan bilang pasasalamat na din sa
kasaganahang matatamasa nila.
Pagkagising ni Jaiko, agad niyang
hinanap ang kanyang Ama at Ina
upang ipaalam ito sa kanila. Nung
una ay hindi naniniwala ang mag-
asawa sa sinabi ni Jaiko.
Hanggang sa dumating na ang
takdang araw upang pitasin na ang
mga bunga ng puno ng Kakaw. Di
naglaon naging masagana ang
kanilang buhay at ang mga tao sa
kanilang lugar ay tuwang-tuwa
sapagkat natupad na ang kanilang
kahilingan na matikman ang tamis
at sarap ng tsokolate.
Dahil sa kasaganahan na natamasa sa buhay ay tila
napabayaan na ng pamilya ang ibinilin sa kanila ng diwata
na huwag mag atubiling tumulong sa kapwa sa oras na
kailanganin nito ang tulong. “Maaari ba akong makahingi ng
bunga ng punong Kakaw? Ani ni Gardo. Ang kapitbahay nila
Jaiko. “Hindi ka maaaring makakuha ng bunga sa puno ng
Kakaw, amin lamang ito.” Sambit ng mga magulang ni Jaiko.
Hindi pinagbigyan si Gardo sa kanyang kahilingan at nakita
ng diwata ang kapabayaang ito, di nagdalawang isip ang
diwata ng bigyan ng kaparusahan ang ang pamilya ni Jaiko.
Kinabukasan, napansin ng mga tao na tila may kakaiba sa
lasa ng tsokolate na itinitinda ng pamilya ni Jaiko.
Nawalan ng sarap at tamis ang mga ito, dahil dito unti-
unti humina ang kanilang negosyo at ang puno ng Kakaw ay
hindi na nagbubunga.
“ Ano ang nangyayari sa puno ng Kakaw, at bakit
hindi na ito nagbubunga?” ang sabi ng nanay ni
Jaiko. “At ang mga paninda nating tsokolate ay
walang sarap at tamis”wika naman ng kanyang Ama.
“Marahil ito ang parusang ipinataw sa atin ng
diwata sapagkat sumuway tayo sa kasunduan.”
Sambit naman ni Jaiko sa kanyang magulang. Dahil
dito nakiusap ang pamilya ni Jaiko sa diwata na
muling ibalik ang nawala sa kanila
“Nakikiusap ako na huwag niyo nang ulitin ang kapabayaang ginawa
ninyo sa kasunduan at mangako kayong magiging mabuti kayo sa
inyong kapwa.”Wika ng diwata. Tinupad iyon ng pamilya ni Jaiko at
di naglaon ay bumalik ang tamis ng tsokolate na kanilang
ipinagbibili. At sa paglipas ng panahon napagtanto ng mga tao sa
kanilang lugar na ang Punong Kakaw ang dahilan kung bakit matamis
ang tsokolate.
-Wakas