Bote, Ma. Liane Claudette C. 2011 – 25863
PI 100 X1A Nilo Ocampo
Pagsusuri ng Aklat: Etikang Tagalog – Ang Ikatlong Nobela ni Rizal
“Nakakalimot ang bawat isa sa inyo na samantalang pinapanatili ng isang bayan ang kanyang
wika ay pinapanatili rin ang sagisag ng kanyang kalayaan, tulad ng tao, nananatili ang kanyang
pamamaraan sa pag-iiisip ng mga bayan … “
Ang Etikang Tagalog ang ikatlong nobela ni Jose Rizal. Kagaya ng kanyang mga
naunang nobela tulad ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ang kwento ay tungkol sa
pamumuhay araw-araw ng mga Pilipino sa kamay ng mga kastila partikular ng mg prayle.
Mayroong isang kuro paroko (Padre Agiton) na itinuturing na pinakamakapangyarihan sa
kanilang lugar at sinasamba bilang isang Diyos (minsan ay higit pa), dalagang kay ganda na
pinagnanasaan ng kura sa katauhan ni Cecilia, mga hindi gustuhing karakter tulad ni Kapitana
Barang at tsismosang Sebya at sina Kapitan Panchong at Crispin, mga Pilipinong nagtutunggali
sa pulitika. Kung tutuusin ay kaparehas lang naman talaga ito ng mga naunang akda ni Rizal, ang
naiba lamang ay ang layunin nito. Una, sinulat ito ni Rizal labas sa mga pulitikal na konotasyon
na kalimitan ay mababasa sa kanyang mga akda kung di sa pag-aalay sa sining. Nakasaad dito
ang mga katutubong ugaling Tagalog, gawi, kagandahang asal at kasiraan ng mga Tagalog.
Sinulat ito hindi upang piñatas an ang mga Pilipino, ito ay para mamulat ang mga tao sa araw-
araw na nakasanayan na nila nang walang pagtatanong o pag-aatubiling sundan na lamang. Sa
katunayan, ginawa niya ito sa isang satirical at nakakatawang paraan upang hindi to masamain
ng mga Pilipino at talagang maintindihan nila ang mensahe nito. Pangalawa, ang target na
mambabasa ni Rizal ay mga Pilipino – mga Pilipinong ang wikang ginagamit ay ang wikang
Pilipino. Ninais ni Rizal na maipaalam sa mga Pilipino ang katotohanan na hindi lang
nanggagaling sa bulung-bulungan, tsismis or iba pang ingay. Ninais niyang mga Pilipino mismo
ang makabasa at makaintindi sa mga pangyayari sa kanilang inang bayan at sa sarili. Pinakita
niya dito na mas may bigat ang mga salita kung ito ay sa sariling wika. Ang nobelang ito ay
naiba dahil ang pokus na mambabasa nito ay ang mga Pilipino. Inilarawan ni Rizal ang araw-
araw labas sa pokus ng mga dayuhan. Maaaring masakit at mahirap man tanggapin, lahat ng nasa
nobela ay punong katotohanan. Inumpisahan niya ito na ang pangunahing layunin ay maisulat ito
sa wikang atin para nga naman tayo ang makabasa at makaintindi hindi kung sino mang
dayuhan. Nakalulungkot man, hindi ito nangyari. Bilang tanyag na polyglot, maaaring isa ito sa
mga bihirang kabiguan ng bayani. Makapagpahayag at makapagpaintindi sa maraming
lenggwahe ngunit hindi sa mga kababayan. Sa kabila ng hirap niya sa pagsulat sa tagalog,
tinuloy pa rin niya ang nobelang ito, maaaring umasa siya na sa hinaharap ay maging mas
maalam ang mga Pilipino para maisalin at maikalat na ito sa mga tao. At ngayon nga ay
naisakatuparan na ito sa salin ni Nilo Ocampo ng akda. Tinuloy niya ang orihinal na layuning
naudlot noong panahon ni Rizal.
… sa halip na magkaroon ng mithiing maging probinsya, magmithing maging bansa, sa halip na
mga kaisipang napapailalim, magkaroon ng mga kaisipang malaya …..
Ngayong naisagawa na ang layunin ni Rizal, ano naman? Bakit makabuluhan ito sa pag-aaral ng
kanyang buhay sa kursong ito?
Natutuligsa si Rizal ng mga kritiko dahil sa kanyang pagnanais na maging probinsya
lamang ng Espanya, di niya ninais na tuluyang makawala dito, at dahil sa hindi niya pagsama sa
rebolusyong pinangunahan ni Andres Bonifacio. Ngunit sa liham niyang it okay Blumentritt
bakit parang salungat ito sa nauna niyang paniniwala? Maaaring sa interpretasyon ko lamang ito
ngunit interesante pa ring madiskubre na mayroon pang mga bagay na dapat suriing maiigi, mga
bagay na dapat pang malaman para maintindihan lubos ang isang Jose Rizal upang maiwasan
ang bulag na pagsamba o pagtuligsa. Dapat isaalang-alang ang kapaligiran at mga salik sa
kanyang paglaki. Isa pa, sa nobelang ito napakitang kahit ang isang Jose Rizal ay may hindi rin
kayang gawin. Hindi niya naisulat ang nobelang ito sa wikang Filipino. Hindi man ito nakabawas
sa kanyang pagkahenyo ay nakadagdag ito sa paningin ko sa kanya bilang isang tao rin. Dahil
dito mas naging totoo siyang tao hindi lang parte ng aking leksyon sa kasaysayan.
Ang Etikang Tagalog ay isinulat noong ika19 daan taon, mahigit isang daang taon na ang
nakalipas ngunit ang mga mababasa dito ay makikita pa rin sa kasalukuyan. Maaring naging
consistent lang ang mga tao at panahon, maaari rin namang hindi pa nakakawala ang mga
Pilipino sa 300 taong pamamalakad ng mga kastila kaya naman hanggang ngayon ay naa-adapt
pa rin ito. Mas makikita ang pagkakaiba o pagkakaparehas noon sa kasalukuyan.
Una dito ang tungkol sa relihiyong katolisismo. Noon hanggang ngayon malakas pa rin
ang impluwensya ng relihiyon sa buhay ng mga Pilipino. Hanggang ngayon, hindi pa rin
nawawala ang matinding paniniwala natin sa kapangyarihan ng Diyos at ng paggawa ng mga
bagay na kanyang ikatutuwa para tayo ay mabiyayaan. Ang pagkakaiba ay ang laki ng papel ng
mga pari. Sa nobela, ang kura paroko ang hulang salita. Siya ang pinakamakapangyarihan sa
bayan ng Pili sa puntong pati ang mga nauupo sa pwesto ay may sabi siya. Ang pinakamalala pa
ay ang pagtrato nila sa kanilang kuro na higit pa sa katolisismo mismo. Naipakita ito nang
nagkaroon ng pagsusuhestiyon (pagtatanong) na makapag-asawa ang mga prayle, partikular si
Padre Agaton. At dahil nga mas mataas pa ang tingin nila sa kura kaysa sa relihiyon mismo, para
sa kanila isang birhen lamang ang karapatdapat na makatuluyan niya at yuon nga ay si Cecilia.
Si Cecilia ay ang anak ni Kapitan Panchong kaya naman maganda rin ang estado niya sa bayan
ng Pili, isa pa, maganda siya, kimi at mabait. Sa kabilang banda ay si Anday, katulad ni Cecilia
ay anak rin siya ng may mataas na posisyon. Marangya ang buhay nila hanggang sa nabaon sa
utang ang kanyang ama, naging katulong at nabuntis ng anak ng kanyang amo na tumakas sa
responsibilidad. Pinapakita rito ang hindi pantay na pagtingin sa mga kababaihan na hanggang
ngayon ay di pa rin tuluyang nawawala. Sila ay katumbas lamang ng pagkaprestihiyoso ng
kanilang pamilya o ng kanilang relasyon sa lalaki. Makikita rin dito kung gaano kadali para sa
mga lalaki ang tumalikod sa kanilang responsibilidad. At syempre, ang pulitika noon ay tulad pa
rin ng sa ngayon. Mahirap mang tanggapin, totoo talagang hindi maiiwasang magkaroon ng
dayaan sa halalan. Pagsipsip sa mga maimpluwensya, pagsusuhol sa mga taumbayan at paggawa
ng kahit ano makuha lamang ang posisyon. Kasabay nito ang ibang pagtrato sa mga kaanak,
kaibigan o anak ng mga pulitiko na ito. Imbis na bigyan ng pantay na paghusga ang mga taong
ito ay nauuna pa ang takot sa kamag-anak nilang nasa mataas na posisyon.
Sa kabuuan, ang Etikang Tagalog ay ang unang nobela na isinulat ng isang Pilipino para
sa mga Pilipino noong panahon ng pananakop ng mga kastila. Higit pa sa layuning “pagbunyag
at pagbuo”, ang akdang ito ay isa pa sa mga paraan nang pagpapakita ng kawalan ng takot ni
Rizal sa harap ng kamatayan. Hindi lang ang pagbalik sa Pilipinas ang nagpakita nito kungdi ang
paghulo ni Rizal na kailangan nang direktang ma-involve ng mga Pilipino, isang malaking
hakbang sapagkat kinasasangkutan na ito ng buong bayan. At ginawa niya ito sa pamamagitan
ng paggamit ng wikang magkakaisa sa lahat ng Pilipino, na nagpapakita ng pagkakaroon ng
kakahayang magisip ng malay para sa sarili.
Ang paglalaban sa Pili ay sa pagitan ni Kapitan Panchong at Don Crispin na parehong
tatakbo sa isang mataas na posisyon. Parehas nilang alam na kailangan nila ang supporta ng kura
kung nais talaga nilang manalo kaya naman ditto nag-umpisa ang pasip-sipan sa kura sa
pamamagitan ng pag-aamo, pagbibigay ng mga regalo at kung ano pang paraang maisip nila.
Bukod pa dito ay may mga pandaraya rin silang ginagawa tulad ng pagsuhol sa mga boboto at
pagsisiraan. Samakatwid, di lang posisyon ang pinaglalabanan nila kungdi ang basbas at
impluwensyang makakapagbigay sa kanila ng kapangyarihan galing sa kura.
Ang Kantang “Anna Lee, the healer” ng beach boys ay parehas sa pangalan ng isang
karakter sa nobela. Siya ay si Anday.
Ayon kay Ginoong Melicor, labingwalo ang bilang ng magagandang babae sa aming
klase. Itong numerong ito ay matatagpuan rin sa nobela. Labingwalong taon kailangang
magtrabaho ni Anday sa ilalim nila kapitana Barang at kapitan Panchong para mabayran ang
utang niya. Ito rin ang nabanggit na edad ng dalawang dalaga (Cecilia at Anday). Sa bisaya, ang
taliwas na termino ng maganda ay “ngil-ad, laksot o maot”.
Bilang pagkakaroon ng isang prayle at dalaga sa akdang ito, hindi na nakakagulat kung
magkaroon ng eksenang katulad nang sa “Halika, iha”. Ito ay matatagpuan sa kabanata ni Cecilia
(Kabanata 8), kung saan ang mga tanim na bulaklak ni Cecilia ang kanilang napag-usapan. Sa
metaporika pa lang ng paggamit ng mga bulaklak ay mapapansin na ang implikasyong nais
iparating ng pari. Hindi man tuwirang sinabi ni Padre Agaton ngunit sa “pagsasalikupan niya ng
paningin , unti-unting paglapit at pagngiti nang kuwa’y nagwagi na” ay makikita na ang
intension niya. Bukod pa rito mababasa sa pahina 66 ang “alok” ni Padre Agaton kay Cecilia.
“Padre Agaton: Naparito ako para asikasuhin ang isang bagay. Sabi ni Cecilia, hindi niya
maiaayos ng mga palaspas para sa Domingo de Ramos dahil hindi niya alam gumawa ng
artipisyal na bulaklak. Pero tingnan ninyo, punong-puno ang hardin na ito. Gumawa kana lang
muna sa mga bulaklak dito. Bibigyan kita ng tatlumpung piso para sa magagawamo para sa akin
at limang piso para sa aking koadhutor. Ano? Maayos ba sa iyo yun”
Ang utang ni Anday ay umabot na sa Php70.00 na kailangan niyang bayaran sa loob ng
18 taon. Ang sweldo niya ay “wala pang apat na piso”. Kung gayon:
70/18 = 3.8888 (ito ang pumapatak na sweldo ni Anday sa isang taon)
- Walong taon na siya nagsisilbi sa kanyang mga amo.
3.88 X 8 = 31.1104 (ang nabayaran na niyang utang sa loob ng walong taong pagsisilbi)
70 – 31.1104 = 38.8896 (natitira pang utang)
- Nadagdagan ng Php10.00 ang kanyang utang dahil “namantsahan” nya ang damit ni
Kapitana Barang.
(70 – 31.1104) + 10 = 48.8896
48.8896/3.8888 = 12.5745 (bilang ng taon na ipagsisilbi pa nya kila Kapitana Barang
dahil nadagdagan ang kanyang utang. Nadagdagan ng 2 pang taon ang dapat ay 10 taon na
lamang niyang pagdurusa)
Isang halimbawa ng “waldrobe malfunction” ang mababasa sa akda. Tungkol ito sa tali
ng karasonsilyo (may taling salawal) ni Don Crispin na napansin ni Kapitan Panchong sa gitna
ng kaguluhan nang magkaroon ng away dahil sa dayaang nangyari sa tuktukan sa pagitan ni
Silvino at Ape. Nasabing para daw nagnasang magluwag sa may baywang si Don Crispin para
bigyang daan ang “anumang maaring malaglag”. Gayundin, nakaramdam ang karibal niyang si
Kapitan Panchong ng dampi ng hangin sa kanyang mabalahibong balat at natawa lamang.