Download pdf - EsPGr1 LM_Q3-Q4

Transcript
Page 1: EsPGr1 LM_Q3-Q4

1

Yunit 3

Pagmamahal sa Bansa at Pakikibahagi

sa Pandaigdigang Pagkakaisa

Page 2: EsPGr1 LM_Q3-Q4

2

Aralin 1 – Pagkamasunurin

Gawin mo muna ang

iyong takdang-aralin

bago ka makipaglaro.

Opo, Inay.

Gagawin ko na

po ang aking

takdang-aralin.

Page 3: EsPGr1 LM_Q3-Q4

3

Ang Munting Gamo-gamo

Isang araw, magkasama ang mag-inang Gamo-

gamo sa pamamasyal. Nakakita si Munting

Gamo-gamo ng liwanag na nagmumula sa

ilawan. Ibig ni Munting Gamo-gamo na lumapit sa

ningas ng ilawan.

“Huwag kang lalapit sa ilaw, Anak,” ang sabi

ng Inang Gamo-gamo. “Masusunog ang iyong

mga pakpak.”

Hindi sumunod si Munting Gamo-gamo.

“Matatakutin si Inang Gamo-gamo. Hindi ako

natatakot sa ilaw,” ang sabi ng mayabang na si

Munting Gamo-gamo.

Noon din ay lumapit si Munting Gamo-gamo sa

ningas ng ilawan. At nasunog nga ang kanyang

mga pakpak.

Alamin

Narinig mo na ba ang kwento ng

munting gamo-gamo? Basahin at alamin

kung bakit napahamak ang munting gamo-gamo.

Page 4: EsPGr1 LM_Q3-Q4

4

Bakit napahamak si Munting Gamo-gamo?

Tulad ka rin ba ni Munting Gamo-gamo? Bakit?

Ano kayang mahalagang aral ang natutuunan ni

Munting Gamo-gamo?

Isaisip

Maraming bilin ang iyong mga magulang

lalo na kung sila ay wala sa iyong tabi.

Nayayamot ka na ba kung minsan dahil paulit-ulit ka

nilang pinapaalalahanan?

Hindi ba’t napansin mo rin na lagi kang sinasabihan

ng nanay mo na matulog sa tamang oras? Ang

pagligo pati na ang pagkain ng gulay ay

pinapaalala rin sa iyo.

Page 5: EsPGr1 LM_Q3-Q4

5

Ano ang dapat mong gawin sa mga inuutos nila sa

iyo? Bakit?

Ang iyong mga magulang at iba pang kasapi ng

iyong mag-anak ay nag-aalala lamang para sa

iyong ikabubuti. Nais lamang nilang lumaki kang

malusog.

Ano kaya ang maaaring nangyari sa bata kung

hindi siya nakinig sa kanyang nanay?

Page 6: EsPGr1 LM_Q3-Q4

6

Nais ng iyong mga magulang na palagi kang ligtas

sa anumang kapahamakan.

Ano naman kaya ang iyong dapat gawin kung

narinig mo na ikaw ay tinatawag ng iyong tatay?

Kung ang iyong nanay ay may iniuutos sa iyo? Tama!

Hindi ka dapat magbingi-bingihan. Tumalima ka

agad at gawin nang maluwag sa dibdib ang

kanilang iniuutos.

Mahalagang makinig sa mga sinasabi nila.

Nararapat lamang na ang mga utos at paalala nila

ay iyong sundin.

Ang batang masunurin sa tahanan ay magiging

mabuting mamamayan hindi lamang ng Pilipinas

kundi ng pandaigdigang samahan.

Page 7: EsPGr1 LM_Q3-Q4

7

Isagawa

Gawain 1

Gumawa ng checklist katulad ng nasa ibaba sa

isang malinis na papel.

Pumili ng kamag-aral. Alamin kung gaano kadalas

niya naipakikita ang kanyang pagkamasunurin.

Lagyan ng ang kolum ng kanyang sagot.

Humanda sa talakayan tungkol sa gawaing ito.

(Pangalan ng kamag-aral )_________________________

Isinagawa ni______________________________________

(Iyong Pangalan)

Ako ay: Palaging

ginagawa

Paminsan

-minsang

ginagawa

Hindi

ginagawa

1. agad na tumatalima

kung ako ay tinatawag

ng aking nanay.

2. umuuwi sa tamang

oras ayon sa bilin ng

tatay.

3. sumusunod agad

kung ako ay inuutusan

sa bahay.

Page 8: EsPGr1 LM_Q3-Q4

8

4. umuuwi sa tamang

oras pagkatapos ng

aking paglalaro.

5. kumakain at

natutulog sa tamang

oras ayon sa bilin ng

nanay.

6. sumusunod kapag

ako ay sinabihang

huwag kumpunihin ang

mga bagay na de-

kuryente.

7. nagpapaalam kung

saan ako pupunta.

8. nag-aaral nang

mabuti dahil iyon ang

bilin ng aking mga

magulang.

9. naglilinis ng aking

katawan at hindi na

kailangan pang

paalalahanan.

10. hindi

nagpapapasok ng

taong hindi ko kilala sa

aming bahay.

Page 9: EsPGr1 LM_Q3-Q4

9

Gawain 2 Ano ang gagawin mo sa mga sumusunod na

sitwasyon? Iguhit mo sa sariling papel ang iyong

gagawin.

1. Tinatawag ka ng iyong lolo upang magpatulong

sa pagbubuhat ng prutas.

2. Nais mong lumabas at makipaglaro sa iyong mga

kaibigan. Bilin ng iyong nanay na ipaalam mo sa

kanya kung saan ka pupunta.

Gawain 3

Pagmasdan ang mga larawan at basahin ang

sumusunod na diyalogo. Piliin ang diyalogo na

nagpapakita ng pagkamasunurin.

Page 10: EsPGr1 LM_Q3-Q4

10

Page 11: EsPGr1 LM_Q3-Q4

11

Gawain 4

Basahin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa

kwaderno. Ibahagi ang iyong sagot sa iyong

pangkat.

Ano ang maaaring mangyari kung:

1. hindi ka umuwi sa tamang oras buhat sa

paaralan?

2. natulog ka nang maaga bilang pagsunod sa utos ng iyong nanay?

3. hindi mo ginawa ang gawaing bahay na

nakatakda para sa iyo?

4. hindi mo sinuway ang bilin ng iyong lolo nang

sabihin niyang huwag kang maglaro sa labas ng

bahay sa katanghaliaang tapat?

Page 12: EsPGr1 LM_Q3-Q4

12

Isapuso

“Bilang ganti ay diringgin ko ang payo ng aking mga

magulang.” Natatandaan mo ba ang linyang ito?

Tama! Ito ay mula sa Panatang Makabayan.

Hindi ba’t kung ikaw ay nanunumpa sa harap ng

ating bandila ay inilalagay mo ang iyong kanang

kamay sa iyong dibdib? Dahil ito ay iyong

sinumpaan, nararapat na ito ay iyong tuparin.

TANDAAN:

Ang mga utos, bilin, at paalala sa iyo

ng mga nakatatanda ay nararapat

lamang na sundin at gawin. Ang

mga ito ay para rin sa iyong ikabubuti.

Tandaan na ang batang masunurin ay

malayo sa kapahamakan.

Page 13: EsPGr1 LM_Q3-Q4

13

Isabuhay

Ibahagi sa iyong mga kapatid ang mga paraan

upang maipakita ang pagiging masunurin sa

tahanan. Pag-usapan din ang kahalagahan nito.

Hikayatin din silang maging masunurin sa tahanan.

Subukin

Gawain 1.

Gumuhit sa iyong kwaderno ng dalawang (2)

puso kung ginagawa ang isinasaad

ng pangungusap at isang (1) puso kung hindi

ginagawa.

1. Sinusunod ko kaagad ang mga utos ng

magulang.

2. Umuuwi kaagad pagkalabas ng klase.

3. Sumasagot ako kaagad kapag tinatawag ng

lolo at lola.

Page 14: EsPGr1 LM_Q3-Q4

14

4. Iniiwasan kong gawin ang ipinagbabawal ng

aking mga magulang.

5. Kailangan pang bigyan ako ng pabuya bago ko

gawin ang ipinagbibilin ng aking mga tiya.

Gawain 2

Iguhit ang sa iyong papel kung ang sitwasyon

ay nagpapakita ng pagiging masunurin.

1)

Hindi maaari. Ang bilin

ng nanay ay umuwi ako

nang maaga. Hindi ako

maaaring sumama sa

inyo ng walang paalam

sa kanya.

Sige. Sana

makasama ka

sa isang linggo.

Magpaalam ka

sa iyong nanay.

Page 15: EsPGr1 LM_Q3-Q4

15

2)

3)

Roman, halika

na. Magtupi

na tayo ng

mga malilinis

na damit.

Magtutulog-

tulogan ako

para hindi ako

mautusan.

Sige po, Tiyo Martin.

Ikukuha ko na rin po

kayo ng saging para

sa iyong meryenda.

Maaari

bang

makahingi

ng malamig

na tubig?

Page 16: EsPGr1 LM_Q3-Q4

16

4)

5)

Maglilinis na ako ng aking

katawan bago matulog.

Matutuwa ang nanay.

Hindi na niya ako kailangan

pang sabihan.

Pagbuksan mo

si Aling Maria

ng pintuan.

Opo, Lola.

Page 17: EsPGr1 LM_Q3-Q4

17

Gawain 3

Sabihin ang pangungusap na nagsasabi ng dapat

mong gawin kung inuutusan.

1. Susunod kaagad ako kung ako ay inuutusan.

2. Sasabihin ko na iba na lang ang utusan.

3. Ako ay magbingi-bingihan.

4. Tatakbo akong palayo.

5. Ititigil ko ang aking ginagawa.

Gawain 4

Basahin ang mga sumusunod na dayalogo. Piliin ang

titik ng pangungusap na nagsasaad ng tamang

sagot.

1. Aling Gelay: Alam mong hanggang ikaapat ng

hapon ka lamang maaaring maglaro.

Iking: Pasensiya na po, Inay. Nalimutan ko ang

iyong bilin.

Ano ang dapat na gawin ni Iking?

a. Uuwi na siya sa tamang oras.

b. Magpapagabi na siya ng pag-uwi.

c. Hindi na siya kailanman maglalaro sa labas.

2. Lola Cela: Tandaan mo, apo. Ang pagsisipilyo ay

mahalaga.

Page 18: EsPGr1 LM_Q3-Q4

18

Nita: Lola, alam ko na po iyan.

Hindi pa rin sinunod ni Nita ang payo ng kanyang

lola. Ano ang mangyayari kay Nita?

a. Masisira ang kanyang ngipin.

b. Magiging malusog ang kanyang mga

c. Magiging maputi ang kanyang mga ngipin.

ngipin.

3. Aling Naty: Carlo, itapon mo na ang mga balat

ng saging sa basurahan.

Carlo: Opo, Inay.

Basta na lamang inihagis ni Carlo ang mga balat ng

saging sa basurahan. Ang iba ay nakakalat sa sahig.

Ano ang maaaring mangyari?

a. Maaaring madulas ang Nanay dahil sa

balat ng saging na nakakalat.

b. Matutuwa ang nanay kapag nakita niya ang

mga balat na nakakalat sa sahig.

c. Sasang-ayunan ng nanay si Carlo dahil sa

kanyang ginawa.

Gawain 5

Kung ikaw ay masunuring bata, ano sa palagay mo

ang maaaring maramdaman ng iyong mag-anak?

Ano kaya ang maaari nilang masabi? Iguhit o isulat

ang iyong sagot sa kuwaderno.

Page 19: EsPGr1 LM_Q3-Q4

19

Aralin 2 – Pagpapahalaga sa

Pagpapanatili ng Kaayusan

at Kapayapaan

Page 20: EsPGr1 LM_Q3-Q4

20

Alamin

Ano ang iyong mararamdaman kung sa paligid

mo ay may mga kasama kang madalas na

nagtatalo?

Madalas na sila ay hindi nagkakasundo at ito ay

nauuwi sa away.

Isaisip

Nagkaroon na ba kayo ng hindi pagkakaunawaan

sa inyong tahanan? Paano ka makatutulong sa

pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan?

Maaari mong gawin ang mga sumusunod:

1. Palaging makitungo nang may paggalang sa

mga kasapi ng iyong mag-anak.

Page 21: EsPGr1 LM_Q3-Q4

21

Pagmasdan ang bawat larawan:

2. Sumunod sa napagkasunduang tuntunin sa loob

ng tahanan, kung mayroong alituntunin na

naitakda. Nararapat lamang na ito ay iyong

sundin.

Opo, Inay. Nagawa ko na po

ang aking takdang-aralin.

Page 22: EsPGr1 LM_Q3-Q4

22

3. Maging masaya sa tagumpay ng kasapi ng

mag-anak. Hindi ba’t nararapat lamang na

matuwa ka sa tagumpay ng iyong mga

kapatid?

Tandaan na ang kanilang tagumpay ay tagumpay

mo rin.

4. Iwasan ang mainggit sa mga kasapi ng mag-

anak.

Ang pagiging maiinggitin ay hindi magandang

gawain.

Unawain ang dahilan kung bakit minsan ay hindi

napagbibigyan ang iyong kagustuhan.

Page 23: EsPGr1 LM_Q3-Q4

23

5. Maging mapagpakumbaba at mapagpatawad.

Kung minsan ay nagkakasakitan kayo ng kasapi

ng iyong mag-anak. Humihingi ka ba ng

paumanhin lalo na kung ikaw ang nakasakit?

Ang pag-amin sa pagkakamali at paghingi ng

tawad ay mabuting gawi.

Mas maigi rin na iwasan na makasakit pang muli.

May iba ka pa bang naiisip kung paano

mapananatili ang kaayusan at kapayapaan sa loob

ng inyong tahanan?

Naku! Ate! Pasensiya

na. Hindi ko

sinasadyang

matamaan ka ng bola.

Sige. Basta sa susunod ay

mag-ingat ka sa paglalaro

upang hindi ka na

makasakit ng iba.

Page 24: EsPGr1 LM_Q3-Q4

24

Isagawa

Gawain 1

Nais mo bang magkaroon ng kaayusan at

kayapaan sa inyong tahanan? Sabihin ang mga

tamang paraan upang ito ay makamit.

paggalang

pagtulong

pakikiisa

paglikha ng gulo

pagpaparaya

pagsunod sa utos

pagtupad sa tungkulin

pag-iwas sa pagiging

mainggitin

Page 25: EsPGr1 LM_Q3-Q4

25

Gawain 2

Gumuhit ng larawan na nagpapakita na may

kaayusan at kapayapaan sa loob ng tahanan.

Gawain 3

Piliin sa mga sumusunod ang maaari mong gawin

upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa

inyong tahanan:

1. Hihingi ako ng paumanhin sa aking bunsong

kapatid dahil nabangga ko siya. Sasabihin ko

na hindi ko iyon sinasadya.

2. Maglalaro ako maghapon kahit alam kong

kailangan kong umuwi bago magtanghalian.

3. Pagtutulungan naming inisin ang aming

bunsong kapatid.

4. Pauunahin ko sa paggamit ng palikuran ang

aking kapatid dahil mas maaga ang pagpasok

niya sa paaralan.

5. Iiwasan ko na makipag-away sa aking mga

kapatid.

Page 26: EsPGr1 LM_Q3-Q4

26

Gawain 4

Tanungin ang nanay o tatay ng iyong kaibigan.

Alamin kung paano napapanatili ang kaayusan at

kapayapaan sa kanilang tahanan. Ibahagi ito sa

klase.

Isapuso

Mag-isip ng sariling simbulo ng kapayapaan.

Gumupit ng larawan nito mula sa lumang magasin o

dyaryo. Idikit ito sa inyong kwaderno. Sabihin kung

bakit ito napili.

TANDAAN: Ang pagpapanatili ng kaayusan at

kapayapaan ay nagsisimula sa loob ng tahanan.

Bilang kasapi ng iyong mag-anak ay may

magagawa ka upang ang mga ito ay makamtan.

Isipin mo, kung lahat ng bata ay gagawin ito,

makatutulong ito upang magkaroon ng

pandaigdigang kaayusan at kapayapaan.

Page 27: EsPGr1 LM_Q3-Q4

27

Isabuhay

Mayroon ka bang nakagalit sa inyong mag-anak? O

di kaya naman ay nasaktan mo ang kanyang

damdamin? Sa isang pirasong papel, sumulat ng

isang maikling liham na humihingi ng paumanhin.

Maaari mo itong ibigay sa kanya.

Subukin

Gawain 1

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap.

Piliin ang mga pangungusap na sa palagay mo ay

makapagpapanatili ng kapayapaan sa isang

tahanan.

1. Hihingi ako ng paumanhin sa aking ate dahil

natabig ko nang hindi sinasadya ang kanyang

baso.

2. Dahil ako ang nakatatanda sa aming

magkakapatid, ako ang dapat kampihan ng

aking mga magulang.

Page 28: EsPGr1 LM_Q3-Q4

28

3. Maghihintay ako ng aking tamang

pagkakataon sa paggamit ng banyo.

4. Magpapaalam ako sa aking kapatid kung

kailangan kong gamitin ang kanyang

basketball.

5. Upang hindi ako mapagalitan ng aking nanay,

ililihim ko na lamang na ako ang nakabasag ng

kanyang salamin.

Gawain 2

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Sabihin

ang titik ng tamang sagot.

1. Naglalaro ang iyong mga nakababatang kapatid.

Mayamaya pa ay narinig mo na sila ay nag-

aaway na. Ano ang iyong gagawin?

a. Sisigawan ko sila.

b. Ipapaalam ko ito sa aking nanay.

c. Makikisali ako sa kanilang pag-aaway.

2. Bawat isa sa inyong magkakapatid ay may

nakatakdang gawaing-bahay. Upang maiwasan

ang di pagkakasundo ito ay

a. dapat mong gawin.

b. magreklamo sa inyong magulang.

c. hayaang gawin ito ng iyong nanay.

Page 29: EsPGr1 LM_Q3-Q4

29

3. Pinulong kayo ng inyong mga magulang. Pag-

uusapan ninyo kung ano ang dapat gawin upang

maiwasan ang hindi pagkakasunduan sa

paggamit ng computer.

a. Pakikinggan mo ang mungkahi ng

bawat isa.

b. Ipipilit mo ang gusto mong mangyari

dahil ikaw ang bunso.

c. Aalis ka sa pagpupulong upang maunahan

mo sila sa paggamit ng computer.

4. Hindi sinasadyang nauga ng iyong kapatid ang

mesa kung saan ka nagsusulat ng iyong takdang-

aralin.

a. Magagalit ka sa kanya.

b. Gagantihan mo siya.

c. Pagpapasensiyahan mo siya.

5. Malabo ang mata ng aking kapatid. Hindi na niya

gaanong nababasa ang mga salita lalo na kung

ito ay malayo.

a. Tutulungan ko siyang magbasa.

b. Itatago ko ang kanyang salamin.

c. Tutuksuhin ko ang aking kapatid.

Page 30: EsPGr1 LM_Q3-Q4

30

Gawain 3

Basahin ang bawat sitwasyon. Sabihin kung ano

ang dapat mong gawin.

1. Kailangan mo ng tambol para sa inyong

pagtatanghal sa paaralan. Alam mo na

mayroon nito ang iyong ate.

2. Naglalaro kayo ng iyong mga kapatid sa sala.

Sinabi ng iyong nanay na nagpapahinga ang

inyong tatay sa kanilang silid.

3. Gumawa ng iskedyul ng mga gawaing bahay

ang iyong nanay. Ikaw ang naatasang

tumulong sa paglilinis ng inyong silid tuwing

Sabado ng umaga.

4. Kapos kayo sa pera kung kaya’t ang bunsong

kapatid mo pa lang ang naibili ng bagong

damit para sa isang espesyal na araw.

5. Humihingi ng paumanhin ang iyong kapatid

matapos ang hindi ninyo pagkakasunduan.

Page 31: EsPGr1 LM_Q3-Q4

31

Aralin 3 – Pagkalinga Sa

Kapaligiran

Page 32: EsPGr1 LM_Q3-Q4

32

Alamin

Madalas ka bang nasasabihan ng iyong nanay na

tumulong sa paglilinis ng inyong bahay?

Pinapaalalahanan ka ba ng iyong tatay na

itapon mo sa tamang basurahan ang mga balat ng

kendi o anumang kalat?

Bakit kailangang gawin mo ang mga ito? Bakit

nga ba?

Bilang isang bata, ikaw ay may tungkulin din sa

iyong kapaligiran.

Ano- ano nga ba ang mga ito?

Paano mo maipakikita ang iyong pagkalinga sa

iyong kapaligiran?

Isaisip

Tumingin sa iyong paligid. Ano ang

iyong nakikita? Ano ang iyong naririnig? Ano ang

iyong naaamoy? Ano ang iyong nadarama?

Page 33: EsPGr1 LM_Q3-Q4

33

Ang hangin, tubig, lupa, mga hayop, at halaman

ay bumubuo ng kapaligiran.

Ang inyong bahay, bakuran, pati na ang iyong

aklat at iba pang bagay na gawa ng tao ay bahagi

ng kapaligiran.

Nararapat lamang na panatilihin mong maayos

at malinis ang ito.

Bahagi rin ba ako ng kapaligiran?

Page 34: EsPGr1 LM_Q3-Q4

34

Ay! Oo, ikaw rin ay bahagi ng kapaligiran. Hindi

ba’t alam mo na kung paano mo

mapapangalagaan ang iyong sarili?

Ngayon, alamin ang mga tamang gawain upang

maipakita mo ang iyong pagmamahal sa iyong

kapaligiran.

1. Itapon ang mga basura sa tamang lalagyan.

Bakit kaya nararapat na paghiwalayin ang mga

basurang nabubulok at hindi nabubulok?

2. Tandaan ang 3 Rs. Ito ay mga paraan upang

mabawasan ang mga basura sa inyong

kapaligiran. Reuse ay ang paggamit na muli ng

mga bagay na luma na.

Page 35: EsPGr1 LM_Q3-Q4

35

May bag ang iyong

nanay na hindi na niya

ginagamit.

Paano mo kaya ito

mapakikinabangan?

Tama! Hindi ba’t

minsan marami kang

mga gamit

na kailangang dalhin

sa paaralan?

Oooopppps…

Itatapon mo na ba

ang mga iyan?

Huwag! Maaari

mo pang gamitin

ang mga plastic na

kutsara at tinidor.

Ikaw rin, baka marami kayong bisitang darating sa

inyong piyesta. Huwag mong kalimutang hugasan

ang mga ito bago itago.

Ano- ano pa kayang mga bagay ang maaari pang

magamit ulit?

Page 36: EsPGr1 LM_Q3-Q4

36

Recycle

Eh, ito kayang basyong

garapon? Pwede kaya

itong maging regalo sa

iyong nanay sa

kanyang kaarawan?

Ang galing, hindi ba?

Sino ang mag-aakalang

ang flower vase na ito

ay dating lalagyan ng

jam?

Ang ganitong gawain ay tinatawag na recycling. Ito

ay paggamit na muli sa mga bagay para sa ibang

dahilan.

Ano pa kayang mga bagay ang maaaring magamit

muli o pwedeng i-recyle?

Page 37: EsPGr1 LM_Q3-Q4

37

Reduce

Ang pagbabawas ng paggamit sa mga bagay na

hindi naman talaga kailangan ay tinatawag na

reduce.

Ginagawa ito upang mabawasan ang basura at

makatipid na rin.

Iwasang bumili o gumamit ng mga bagay na tulad

nito.

Alam mo ba na pati na ang mga balot nito ay

iyong binabayaran? Kaya kadalasan ay

napapamahal pa ang iyong pagbili.

Sa kalaunan ay maaaring makaragdag ang mga ito

sa basura sa kapaligiran.

Kaya, tandaan ang 3 Rs – Reuse, Recylce, at

Reduce.

Nakabili ka na ba

ng isang bagay

na maraming

balot?

Ano ang

karaniwang

ginagawa sa mga

balot nito?

Page 38: EsPGr1 LM_Q3-Q4

38

Pagmasdan mo ang mga larawan sa ibaba.

Kung may refrigerator sa

bahay, huwag itong

hayaang nakabukas

palagi.

Ang madalas na

pagbubukas nito ay

nakadaragdag din sa

kuryenteng nasasayang.

Teka. Kailangan mo ba

talagang bumili ng bottled

water para dalhin sa

paaralan?

Isipin mo, kung lahat ng

batang tulad mo ay bibili nito

araw-araw. Ano kaya ang

maaaring mangyari?

Ano kaya ang nararapat

mong gawin?

Page 39: EsPGr1 LM_Q3-Q4

39

Ito ba ang iyong naiisip?

Magaling! Mas makatitipid ka pa,

hindi ba?

Siguraduhing nakasarado

nang maayos ang gripo upang

hindi maaksaya ang tubig.

Siguraduhing nakasara

ang telebisyon at iba pang

kagamitang de-kuryente

kung hindi ginagamit.

Huwag aksayahin ang

mga gamit na pampaaralan.

Paano mo kaya magagamit

ang mga pahina ng

kwadernong hindi

nasulatan?

Page 40: EsPGr1 LM_Q3-Q4

40

.

Sabi ko sa iyo, eh. Kaya mo ring maging

tagapangalaga ng iyong kapaligiran kahit ikaw ay

bata pa.

Huwag saktan

ang mga manok,

aso at iba pang

hayop. Sila rin ay

nakatutulong sa

iyong kapaligiran.

Hindi ba’t iyong

napag-aralan na

marami sa kanila

ang nagbibigay

ng iyong mga

pangunahing

pangangailangan?

Maaari mong

imungkahi sa iyong

nanay na mas

mabuting gumamit

ng lampin kaysa sa

disposable diaper

para kay Beybi.

Page 41: EsPGr1 LM_Q3-Q4

41

Isagawa

Gawain 1

Pag-aralan mo ang bawat larawan. Sagutin ang

mga tanong na kasunod nito. Ibahagi ang iyong

sagot sa klase.

Ano ang masasabi mo sa silid na ito? Ano kaya ang

maaaring mangyari kung walang kaayusan sa isang

lugar tulad nito?

Page 42: EsPGr1 LM_Q3-Q4

42

Ano kaya ang maaaring mangyari kung palaging

marumi ang inyong bakuran?

Gawain 2

Ipaliwanag kung tama o mali ang mga

sumusunod na pangungusap. Humanap ng

kapareha at pag-usapan ang inyong mga sagot.

1. Ang lahat ng basura ay dapat itapon.

2. Ang paggamit na muli ng mga bagay na hindi

na ginagamit ay makatutulong sa pagbawas

ng basura.

3. Mas maaliwalas ang kapaligiran kung ito ay

palaging malinis at maayos.

4. May epekto sa iyong kalusugan ang iyong

kapaligiran.

5. Magiging ligtas ang batang tulad mo kung

maayos ang kapaligiran.

Page 43: EsPGr1 LM_Q3-Q4

43

Gawain 3

Pag-aralan ang larawan. Tulungan mo ang bawat

bata kung saan nila dapat ilagay ang mga bagay

na kanilang hawak. Sabihin ang iyong sagot.

Page 44: EsPGr1 LM_Q3-Q4

44

Gawain 4

Makinig sa mga sumusunod na panuto na sasabihin

ng guro. Pumili lamang ng isang sasagutin.

Tandaan na kayo ay may 1 hanggang 2 minuto

lamang upang ito ay ibahagi sa klase.

1. May mga damit kang hindi mo na ginagamit.

Nabalitaan mo na may mga batang

nasunugan sa kabilang barangay.

2. Noong huli kayong namalengke ng iyong nanay

ay nalaman mo na hindi na pinapayagan ang

paggamit ng plastic bag.

3. Itatapon ng iyong kapatid ang kanyang

kwaderno. Marami pa itong pahinang hindi pa

nasulatan.

Gawain 5

Magdiriwang ng kaarawan ang iyong pinsan. Kulang

ang iyong perang pambili ng regalo para sa kanya.

Mayroon kang pwedeng gawin na hindi mo na

kailangang gumastos pa. Makagagawa ka ng isang

bagay na yari sa mga bagay na galing sa

kapaligiran.

Heto, subukin mo. Maaari kang magpatulong sa

nakatatandang kasapi ng mag-anak.

Page 45: EsPGr1 LM_Q3-Q4

45

Tandaan: Maging maingat at sundin nang

tama ang bawat paraan.

Mga kagamitan:

mga tuyong dahon glue Scotch tape

at bulaklak

sinulid puncher o gunting

pambutas

plastic cover krayola

matigas na papel

mula sa lumang

karton o cardboard

Page 46: EsPGr1 LM_Q3-Q4

46

Pamamaraan:

1. Gupitin ang matigas na papel na may sukat na

6 na pulgada ang haba at 3 na pulgada ang

lapad.

2. Idikit dito ang mga tuyong dahon at mga

bulaklak sa disenyong nais. Patuyuin. Mag-iwan

ng espasyo para sa isusulat na mensahe.

Page 47: EsPGr1 LM_Q3-Q4

47

3. Isulat ang iyong mensahe gamit ang krayola.

4. Balutan ng plastic cover sa pamamagitan ng

Scotch tape.

Page 48: EsPGr1 LM_Q3-Q4

48

5. Lagyan ng butas ang dulo ng cardboard.

6. Lagyan ng tali.

Hayan, gawa na. Ang ganda, hindi ba?

Page 49: EsPGr1 LM_Q3-Q4

49

Isapuso

Ang iyong kapaligiran ay mahalaga. Ikaw

ay bahagi nito. May magagawa ka

upang ito ay mapangalagaan.

Isabuhay

Basahin ang mga sumusunod na

sitwasyon.

1. Aayusin ko ang aking mga gamit pagkatapos

ko silang gamitin.

2. Bago ako magtapon ng mga bagay sa aming

bahay, pipiliin ko ang mga bagay na dapat

pang mapakinabangan.

3. Tutulungan kong mapalago ang mga gulay na

itinanim ng tatay sa aming bakuran.

4. Sisiguraduhin kong naisara ko ng maayos ang

gripo pagkatapos ko itong gamitin.

5. Sasabihin ko sa aking nanay na mas mabuting

gumamit ng lampin kaysa sa disposable diaper

para kay Beybi.

TANDAAN: Kung ang iyong kapaligiran ay iyong

kinakalinga, ito ay magiging maayos at malinis.

Kahit ikaw ay isang bata pa lamang, ikaw din ay

maaaring maging tagapangalaga ng Inang

Kalikasan.

Page 50: EsPGr1 LM_Q3-Q4

50

Pumili ng isang sitwasyon. Isalaysay sa klase kung

ano ang magandang ibinunga ng iyong ginawa.

Subukin

Gawain 1

Piliin ang larawan na nagpapakita ng pagmamahal

sa kapaligiran. Ipaliwanag ang iyong sagot.

Page 51: EsPGr1 LM_Q3-Q4

51

Gawain 2

Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Sabihin

ang titik ng tamang sagot.

1. Nakita mong basta na lang itinapon ng iyong

nakababatang kapatid ang mga basura sa

likod ng inyong bahay.

a. Sasabihan ko siya na sa tamang basurahan

niya dapat ito itapon.

b. Sasabihin ko sa kanya na itapon iyon sa

tabi ng bahay ng aming kapitbahay.

c. Sasabihin ko sa kanya na itapon iyon sa

bubong ng aming bahay.

2. Tutulungan mong maglinis ng sasakyan ang

iyong tiyo. Sinabi ng iyong nanay na may tubig

na pinagbanlawan ng mga damit.

a. Gagamitin ko ang tubig na pinagbanlawan

sa paglilinis ng sasakyan.

b. Mag-iipon ako ng malinis na tubig panglinis

ng sasakyan.

c. Manghihingi ako ng tubig na panlinis sa

aking tiyo.

3. Nakita mong tinatapakan ng iyong mga kalaro

ang mga tanim sa inyong halamanan.

a. Sasabihin ko sa kanila na huwag nilang

sirain ang mga halaman.

Page 52: EsPGr1 LM_Q3-Q4

52

b. Lalapit ako sa kanila at tatapak din ako sa

mga halaman.

c. Ngingiti ako at sasabihin ko na ipagpatuloy

nila ang pagtapak sa halaman.

Gawain 3

Pag-aralan ang bawat larawan. Ano ang dapat

gawin sa bawat sitwasyon? Ipaliwanag ang

iyong sagot.

Nakakalat na

naman ang

sapatos ni Bunso.

Umaapaw na ang

tubig sa balde.

Page 53: EsPGr1 LM_Q3-Q4

53

Gawain 4

Isulat ang T sa papel kung ang pangungusap ay

tama at M kung ito ay mali.

1. Hindi maaaring mapakinabangan ang

anumang basura.

2. May magagawa ka upang mapanatiling malinis

ang iyong kapaligiran.

Hindi na ito

kasya sa akin.

Nalimutan ni

Ate patayin

ang ilaw.

Page 54: EsPGr1 LM_Q3-Q4

54

3. Ang reuse ay ang muling paggamit ng mga

bagay na luma.

4. Kung may sira ang gripo, agad itong ipaalam sa

iyong tatay upang ito ay makumpuni.

5. Ang mga balat ng prutas ay mga basurang

hindi nabubulok.

Gawain 5

Makinig sa guro. Piliin ang pangungusap na

nagsasabi ng mabuting gawi sa pangangalaga ng

kapaligiran.

1. Tumutulong ako kay tatay sa pagdidilig ng

halaman.

2. Nakapasok na sa paaralan si Kuya. Nalimutan

niyang patayin ang ilaw sa kaniyang kwarto.

Hihintayin ko siyang dumating upang siya ang

magpatay nito.

3. Kukunin ko na ang mga gulay at iba pang

sangkap na gagamitin ni Nanay mula sa

refrigerator. Iiwanan kong nakabukas ang

refrigerator pagkatapos.

4. Ipapaalam ko kay Tatay na nasira ang gripo.

5. Aayusin ko ang pagbubukas ng regalo sa akin

para di masira ang pambalot. Pwede ko pang

magamit ito sa pagbalot sa iba kong regalo.

Page 55: EsPGr1 LM_Q3-Q4

55

Yunit 4

Pananalig sa Panginoon at

Preperensya sa Kabutihan

Page 56: EsPGr1 LM_Q3-Q4

56

Aralin 1 – Pananampalataya

sa Panginoon

Hello. Kumusta ka na? Ang ating

paksa sa araling ito ay tungkol sa pananampalataya

sa Diyos. Ngunit bago ang lahat, piliin ang mga

larawan na nagpapakita ng mga bagay na iyong

tinatamasa?

Page 57: EsPGr1 LM_Q3-Q4

57

Isaisip

Ang mga mabubuting bagay naipinagkakaloob

ng Diyos ay tinatawag nating mga pagpapala o

biyaya. Ilan sa mga halimbawa nito ang mga

sumusunod:

Page 58: EsPGr1 LM_Q3-Q4

58

Ang mga biyayang bigay ng Diyos ang

nagpapatatag ng ating pananampalataya. Ang

mga pagpapalang ito ay maaari nating

ipagpasalamat sa pamamagitan ng mga

sumusunod:

Isagawa

Gawain 1

Mag-isip ng mga bagay na maituturing na biyaya

mula sa Panginoon. Isulat o iguhit sa iyong

kwaderno ang sagot.

Page 59: EsPGr1 LM_Q3-Q4

59

Humanap ka ng kapartner at ibahagi ang inyong

sagot sa isa’t-isa. Piliin ang sagot ng kaklase na

dapat mo ring ipagpasalamat. Isulat o iguhit din

ang mga ito sa tabi ng inyong sagot.

Gawain 2

Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Piliin ang mga

larawan na ipinapanalangin mong makuha. Isulat

ang bilang ng tamang sagot sa inyong kwaderno.

1 2 3

4 5 6

Page 60: EsPGr1 LM_Q3-Q4

60

Gawain 3

Tingnan mong mabuti ang mga larawan na

nagpapakita ng iba’t-ibang paraan kung paano

nagpapasalamat ang mga Pilipino sa Dakilang

Maykapal. Sabihin kung ano ang ipinapakita ng

bawat larawan.

Page 61: EsPGr1 LM_Q3-Q4

61

May naiisip ka pa bang ibang paraan kung

paano nagpapasalamat ang iyong pamilya sa

Diyos? Humanap ka ng iyong kapartner at pag-

usapan ninyo ang inyong mga sagot.

Isapuso

Ang pananalig at pananampalataya sa Diyos

ay likas sa ating mga Pilipino.

Tandaan:

1. Ang mga biyaya o mga pagpapala na ating

tinatamasa ay bigay sa atin ng Diyos.

2. Ang pananalangin o pagdarasal ay isang

paraan ng pakikipag-usap sa Diyos upang

ipaabot ang ating pasasalamat at mga

kahilingan sa buhay.

3. Maraming paraan ng pagpapakita ng

pasasalamat at pakikipag-ugnayan sa Diyos

gaya ng pagdarasal, pag-awit at pagsamba.

Page 62: EsPGr1 LM_Q3-Q4

62

Isabuhay

Gumuhit ng treasure box na katulad ng nasa ibaba.

Iguhit sa loob nito ang mga bagay na mahalaga

para sa iyo at nais mong ipagpasalamat sa

Panginoon. Sumulat sa inyong kwaderno ng isang

maikling panalangin ng pasasalamat sa mga

pagpapalang inyong tinatanggap.

Page 63: EsPGr1 LM_Q3-Q4

63

Subukin

Pakinggan ang sumusunod na mga sitwasyon. Iguhit

ang puso sa inyong papel kung ito ay

nagpapakita ng pagpapasalamat sa Panginoon o

araw kung nagpapakita ng pananampalataya

sa Panginoon.

1. Tuwing gabi, sabay-sabay na nananalangin ang

Pamilya Reyes bago matulog.

2. Hindi nawawalan ng pag-asa ang Pamilya Santos

na magkakaroon sila ng sariling bahay.

3. Naniniwala sina Ginoo at Ginang Cruz na

mapagtatapos nila sa pag-aaral ang kanilang

mga anak.

4. Linggo-linggo ay maagang nagsisimba ang

Pamilya Mozol.

5. Nagtitiwala ang Pamilya Herman na makakaahon

din sila sa hirap.

Page 64: EsPGr1 LM_Q3-Q4

64

Aralin 2 – Paggalang sa Paniniwala

ng Iba

Magandang araw. Tingnan mo ang bawat

larawan. Nakakita ka na ba ng mga ito sa inyong

pamayanan? Ito ay mga gusaling pinupuntahan ng

mga tao upang sumamba. Sa araling ito,

tatalakayin natin ang paggalang sa iba’t-ibang

paniniwala ng mga Pilipino.

Page 65: EsPGr1 LM_Q3-Q4

65

Isaisip

Ang mga Pilipino ay may iba’t-ibang paniniwala

tungkol sa Dakilang Lumikha. Marami sa mga

Pilipino ang naniniwala sa Kristiyanismo. Kabilang

dito ang relihiyong Katoliko, Iglesia ni Cristo at

Protestante. Mayroon ding naniniwala sa Islam.

Bagama’t iba-iba ang mga paniniwala ng mga

Pilipino, mahalagang igalang ang mga ito. Ilan sa

mga paraan ng pagpapakita ng paggalang sa

paniniwala ng iba ay ang mga sumusunod:

Pakikipagkaibigan sa may

ibang paniniwala.

Pagkakaroon ng bukas na

isipan at pagrespeto sa

kanilang paniniwala.

Paggalang sa lugar ng

sambahan ng iba.

Paggalang sa kanilang

paraan ng pakikipag-

ugnayan o pagsamba.

Page 66: EsPGr1 LM_Q3-Q4

66

Isagawa

Gawain 1

Pag-aralan ang bawat larawan. Piliin ang larawan

na nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng

iba. Ipaliwanag ang inyong sagot.

1 2

3 4

Page 67: EsPGr1 LM_Q3-Q4

67

Gawain 2

Makinig sa mga sitwasyon na babasahin ng guro.

Iguhit sa inyong papel ang isang parisukat kung

ang sitwasyon ay nagpapakita ng paggalang sa

paniniwala ng iba at isang bilog kung hindi

nagpapakita ng paggalang sa paniniwala ng iba.

1. Maayos na kinakausap ni Beth ang bagong

kaklaseng kabilang sa Iglesia ni Cristo.

2. Pinagtatawanan ni Marco ang kanyang

kaibigan tuwing ito ay nagsisimba.

3. Magalang na nagtatanong si Alvin kay Eric

tungkol sa kanilang ibang paniniwalang

panrelihiyon.

4. Iniiwan nina Jim at Anton si Ben tuwing

maglalaro dahil siya ay Kalotiko at sila ay

Protestante.

5 6

Page 68: EsPGr1 LM_Q3-Q4

68

5. Bukas ang isipan at pakikinig ni Jamie sa mga

paniniwala ni Jezil at iginagalang niya ang mga

ito.

6. Iniiwasan si Micka sa kanilang lugar dahil iba

ang kanyang paraan ng pagsamba.

7. Hindi pinipilit ni Rosy si Eliza na magsimba dahil

ito ay may ibang paniniwala.

8. Walang pumapansin kay Amir sa kanyang klase

dahil siya ay isang Muslim.

9. Tanggap ni Rico na iba ang paraan ng

pagsamba ni Alec sa Diyos.

10. Laging tinutukso si Henry sa kanilang lugar

tuwing siya ay magpupuri sa Diyos.

Gawain 3

Paano mo ipapakita ang paggalang sa

paniniwala ng iba? Gumupit o gumuhit ng mga

larawan na nagpapakita ng paggalang sa

paniniwala ng iba. Idikit ito sa iyong papel o

kwaderno. Ipaliwanag kung ano ang nasa larawan.

Page 69: EsPGr1 LM_Q3-Q4

69

Isapuso

Ang paggalang sa paniniwala ng iba ay

mahalaga sa pamumuhay ng payapa.

Tandaan:

1. May iba’t-ibang paniniwala ang mga Pilipino

tungkol sa Dakilang Lumikha.

2. Ang paggalang at pagtanggap sa

pagkakaiba-ibang ito ay susi sa

pagkakaunawaan at pagkakaroon ng

kapayapaan.

3. Bilang isang batang Pilipino, mahalagang

maipakita mong iginagalang mo at

nirerespeto ang paniniwala ng iba.

Page 70: EsPGr1 LM_Q3-Q4

70

Isabuhay

Ano ang pinakamahalagang natutunan mo sa

araling ito? Isulat ang iyong sagot sa kwaderno.

Kumpletuhin ang pangako ng paggalang sa

paniniwala ng iba sa inyong kwaderno. Bigkasin ang

inyong pangako patungkol sa paggalang sa iba.

Makatutulong na alalahanin ang iyong mga

natutunan upang matugunan ng wasto ang mga

patlang sa ibaba.

Pangako ng Paggalang sa Paniniwala ng Iba

Ako si ____________________, ay

nangangakong igagalang ang paniniwala ng

iba. Ipakikita ko ang paggalang na ito sa

pamamagitan ng:

1. ___________________________________________

2. ___________________________________________

3. ___________________________________________

Iiwasan ko ang paggawa ng mga sumusunod

upang hindi ko masaktan ang aking kapwa:

1. ___________________________________________

2. ___________________________________________

3. ___________________________________________

_________________

Lagda

Page 71: EsPGr1 LM_Q3-Q4

71

Subukin

Tukuyin kung tama o mali ang sinasaad sa bawat

sitwasyon. Iguhit ang masayang mukha kung

tama at malungkot na mukha kung mali.

1. Nirerespeto ng mga kaklase ni Tony ang

kanyang relihiyon bagaman siya ay isang

Muslim at sila ay Kristiyano.

2. Pinagtatawanan nina Mark, Ben, at Gabby

ang kanilang kaibigang umaawit ng papuri

sa Diyos.

3. Sinusulatan nina Randy at Rico ang simbahan

ng ibang relihiyon.

4. Maingay at magulo sina Sam, Eric at Jun sa

loob ng simbahan habang nagdarasal ang

mga tao.

5. Magalang na nakikinig si Jenny sa paliwanag

ng kanyang kaibigan tungkol sa pagkakaiba

ng kanilang paniniwala.

Page 72: EsPGr1 LM_Q3-Q4

72

Aralin 3 – Pagkakaroon ng

Pag-asa

Mapagpalang araw sa iyo. Sana ay marami

kang natutunan sa ating nakaraang aralin. Sa araw

na ito ay may bago kang mapag-aaralan. Ngunit,

bago ang lahat, nais ko sanang itanong, nanonood

at nakikinig ka ba ng mga balita sa telebisyon?

Kung oo, maaring nabalitaan at nakita mo ang mga

ito.

Page 73: EsPGr1 LM_Q3-Q4

73

Ang unang larawan ay nagpapakita ng epekto

ng Bagyong Sendong. Ang ikalawang larawan

naman ay nagpapakita ng nangyari sa Cebu ng

magkaroon ng malakas na lindol. Naaalala mo ba

ang mga balitang ito? Ano ang nararamdaman mo

tuwing nakakabalita ka ng ganitong pangyayari?

Sa mga pagkakataong tulad nito, mahalaga

ang pagkakaroon ng “pag-asa”.

Paano ba nakatutulong ang pag-asa sa

pagharap sa mga problema sa buhay? Maaaring

hindi mo pa masagot ngayon ang tanong na iyan.

Kaya naman inihanda ang araling ito. Sa iyong

pagbabasa, ikaw ay inaasahang:

Page 74: EsPGr1 LM_Q3-Q4

74

a. Makatukoy ng mga inaasahan at ninanasang

mangyari sa iyong buhay.

b. Makapag-isip ng paraan upang matupad

ang iyong inaasahan.

c. Magkaroon ng positibong pagtingin sa mga

nangyayari sa iyong buhay.

Alin sa mga ito ang naranasan mo na? Lagyan

ng tsek () ang kahon kung naranasan mo na. Ano

ang iyong naisip at naramdaman ng mangyari sa iyo

ang mga sitwasyong isinasaad sa bawat bilang?

Isulat sa kwaderno ang iyong sagot.

1. Nagkaroon kayo ng pagsusulit sa inyong klase

at mababa ang nakuha mong grado.

2. Pasahan na ng inyong proyekto sa isang

asignatura ngunit hindi ka nakapagpasa ng

iyong gawa.

3. Isa ka sa mga kasali sa isang mahalagang

paligsahan sa inyong paaralan subalit hindi

ka nakasama sa laban dahil nagkaroon ka ng

sakit.

4. Sumali ka sa pagalingan sa pag-awit ngunit

hindi ka nanalo.

5. Nais mong mapabilang sa mga may

karangalan sa inyong klase ngunit hindi

umabot ang iyong grado upang mabigyan

ka ng parangal.

Page 75: EsPGr1 LM_Q3-Q4

75

Isaisip

Maaring naranasan mo na ang

mga nabanggit na sitwasyon. Ito ay halimbawa ng

mga pagkakataong maituturing nating hindi

magandang pangyayari sa ating buhay. Ang mga

ganitong pangyayari ay nagdudulot sa atin ng iba’t-

ibang damdamin tulad ng pagkalungkot,

panghihinayang, pagkainis, at galit.

Sa mga pagkakataong ito, hindi ka dapat

manatiling malungkot at nagmumukmok.

Mahalagang maghanap ng paraan kung paano mo

lulutasin ang iyong problema. Kinakailangan mong

mag-isip ng paraan kung paano ka makakabawi at

makakabangon muli. Ang isang tao ay

kinakailangang maniwalang may mabuting

mangyayari sa kanyang buhay. Ang taong ito ay

humahanap ng paraan upang matupad ang

kanyang hinahangad at ninanais. Ito ang taong

mayroong pag-asa. Hindi siya nawawalan ng

pasitibong pagtingin sa buhay.

Narinig mo na ba ang kasabihang ito – “May

bukas pa. Huwag kang mawalan ng pag-asa”.?

Ang linyang ito ay karaniwan nating maririnig bilang

payo ng mga nakatatanda. Tulad ng pagsikat ng

araw sa bawat umagang dumarating, ang pag-asa

ay nagbibigay sa atin ng magandang pakiramdam.

Page 76: EsPGr1 LM_Q3-Q4

76

Ang pag-asa ay tulad ng sikat ng araw na

nagbibigay sa atin ng malinaw na pag-iisip kung

paano haharapin ang mga problema sa ating

buhay. Gaya rin ng sikat ng araw, ito ay nagbibigay

sa atin ng kalakasang harapin ang bawat sitwasyon

– maganda man o hindi. Ang pagkakaroon ng pag-

asa ay nagdudulot din ng katatagan ng ating

pananalig sa Diyos. Umaasa tayo na may mabuting

mangyayari sa ating buhay sa gabay at patnubay

ng Panginoon.

Sa iyong mga hindi magagandang karanasan,

ano ang iyong ginawa upang hindi na ito maulit?

Paano mo nilutas ang iyong mga problema?

Isagawa

Gawain 1 Balikan natin ang mga sitwasyong iyong binasa.

Iguhit sa iyong kwaderno ang masayang mukha

sa bawat pangungusap na nagpapakita ng batang

may pag-asa.

1. Nagkaroon kayo ng pagsusulit sa inyong klase

at mababa ang nakuha mong grado.

a. Pagbubutihin ko pa ang pag-aaral at

gagawa palagi ng takdang-aralin upang

Page 77: EsPGr1 LM_Q3-Q4

77

makakuha ng mas mataas na grado sa

susunod na pagsusulit.

b. Maglalaro na lamang at manonood ng

telebisyon tuwing uuwi sa bahay dahil

hindi na mababago ang aking grado sa

paaralan.

2. Pasahan na ng inyong proyekto sa isang

asignatura ngunit hindi ka nakapagpasa ng

iyong gawa.

a. Hahayaan na lamang na walang

naipasang proyekto.

b. Makikiusap sa guro kung maaring

tapusin at ipasa ang nagawang

proyekto kahit pa huli na.

3. Isa ka sa mga kasali sa isang mahalagang

paligsahan sa inyong paaralan subalit hindi

ka nakasama sa laban dahil nagkaroon ka

ng sakit.

a. Hindi ka na sasali sa kahit anong

paligsahan kahit kalian.

b. Magpapagaling kaagad at mag-

eensayong muli upang sa susunod ay

makasama na sa paligsahan.

4. Sumali ka sa pagalingan sa pag-awit ngunit

hindi ka nanalo.

Page 78: EsPGr1 LM_Q3-Q4

78

a. Babatiin ang nanalo at pag-iibayuhin

pa ang angking talento upang sa

susunod na paligsahan ay manalo.

b. Iiyak at magagalit sa nanalo.

Kalilimutan at titigil na din sa aking

hilig.

5. Nais mong mapabilang sa mga may

karangalan sa inyong klase ngunit hindi

umabot ang iyong grado upang mabigyan

ka ng parangal.

a. Magiging lalo pang masipag at

masigasig sa pag-aaral at mga

gawaing pampaaralan.

b. Malulungkot at magagalit sa sarili.

Magmumukmok na lamang sa isang

tabi at hindi na aayusin ang pag-

aaral.

Gawain 2

Ikaw ba ay may mga pangarap sa iyong buhay?

Kaakibat ng mga pangarap ang pag-asang

magkaroon ng mabuting kinabukasan. Bilang isang

mag-aaral, ano-ano ang iyong mga pangarap? Sa

iyong kwaderno, gumawa ng dalawang hanay,

Hanay A at Hanay B. Isulat sa Hanay A ang iyong

mga pangarap, hinahangad, at ninanais. Isulat

Page 79: EsPGr1 LM_Q3-Q4

79

naman sa Hanay B ang maaari mong gawin upang

matupad ang mga ito.

Gawain 3

Ang isang taong may pangarap ay laging may pag-

asa. Ang taong ito ay mayroong positibong

pagtingin sa buhay. Alin sa mga larawang ito ang

nagpapakita ng isang taong may positibong

pananaw? Ipaliwanag sa klase ang iyong napiling

sagot.

Larawan ng isang batang

malungkot at magagalitin sa loob

ng bahay.

Page 80: EsPGr1 LM_Q3-Q4

80

Isapuso

Sa ngayon alam mo na ang

kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-asa at

positibong pagtingin sa buhay. Sa pamamagitan ng

pagguhit sa isang papel, ipakita mo ang iyong

pagkaunawa sa isang taong may pag-asa at

positibong pagtingin sa buhay.

Tandaan:

1. Ang bawat tao ay nakakaranas ng mga

problema at hindi magagandang

pangyayari sa buhay.

2. Sa bawat problema at hindi magandang

pangyayari sa buhay ng isang tao,

importante ang pagkakaroon ng pag-

asa at positibong pananaw sa buhay.

3. Ang pag-asa at positibong pananaw sa

buhay ay nagbibigay ng kalakasan at

katatagang harapin ng may pananalig

sa Panginoon ang kinabukasan.

4. Ang bawat pangarap, ninanais at

hangad ay may kaakibat na pag-asang

mapabuti ang kalagayan ng buhay sa

hinaharap.

Page 81: EsPGr1 LM_Q3-Q4

81

Isabuhay

Hayan at patapos na naman an gating aralin.

Basahin mo ang maikling tula sa ibaba. Gawan mo

ito ng aksyon at ipakita ang iyong ginawa sa

kaklase. Sa susunod na maharap ka sa isang

mahirap na sitwasyon o sa isang problema,

alalahanin mo ang tulang ito.

PAG-ASA

Sa bawat pagsubok sa ating buhay,

Pag-asa sa puso ay palaging taglay,

Sa puso mo ito ay wag kalimutan,

Lakas at tibay ng loob ay makakamtan.

Ang bawat problema ay dapat harapin,

Ng may pag-asa at tiwala sa Panginoon,

Pangarap sa buhay ay iyong kakamtin,

Dulot ng pag-asa na nasa puso natin.

Page 82: EsPGr1 LM_Q3-Q4

82

Subukin

Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan

ang titik ng iyong sagot sa bawat tanong.

1. Mayroong nalalapit na palaro sa paaralan. Sino

kaya sa tatlo ang gumagawa ng paraan upang

mapabilang sa paligsahang ito?

a. Tuwing matatapos ang klase ay

sumasama pa sa mga kaibigan si Jezil

upang maglaro at makipagkwentuhan.

b. Tuwing matatapos ang klase ay umuuwi

kaagad si Jamie upang mag-ensayo ng

kanyang kakayahan.

c. Tuwing matatapos ang klase ay maagang

umuuwi si Marnie upang magpahinga at

manuod ng paboritong telenobela.

2. Masipag mag-aral si Raymond. Lagi siyang

gumagawa ng takdang-aralin at mga proyekto

sa bawat aralin. Umaasa siyang makasama sa

magkakaroon ng karangalan sa kanilang klase.

Matupad kaya ang kanyang inaasahan?

a. Oo, dahil gumagawa siya ng paraan

upang matupad ang kanyang pangarap.

b. Hindi, dahil walang halaga ang kanyang

pagsusumikap.

Page 83: EsPGr1 LM_Q3-Q4

83

c. Maari, baka makilala siya ng kanyang

guro sa kanyang ginagawa.

3. Nais ng pamilya Reyes na magkaroon ng sariling

bahay na titirhan. Ano ang dapat nilang gawin

upang matupad ang kanilang pangarap?

a. Tumaya sa lotto at baka manalo, saka

bibili ng bahay.

b. Mangutang ng pera sa mga kakilala at

bumili ng bahay.

c. Magsipag sa pagtatrabaho at magtipid

upang makaipon at makabili ng bahay.

4. Nagkaroon ng sunog ang isang pamayanan.

Sino sa pamilyang ito ang may positibong

pananaw sa buhay?

a. Kinuha ng pamilya ni Mang Jose ang

natira sa kanilang mga kagamitan at

naghanap kaagad ng lugar na maaring

pansamantalang matitirhan.

b. Tulala si Mang Nicanor sa sinapit ng

kanilang bahay pati ang kanyang mag-

iina ay hindi matigil sa pag-iyak at

panghihinayang.

c. Lungkot at pagmumukmok lamang ang

ginagawa ng pamilya ni Mang Sidro dahil

hindi nila matanggap ang nangyari sa

kanila.

Page 84: EsPGr1 LM_Q3-Q4

84

5. Ano ang katangian ng isang taong may pag-

asa sa buhay?

a. Malungkot, takot, at laging

nagmumukmok.

b. Magagalitin, palaaway at maraming

kinaiinisan.

c. Masayahin, matatag at may magandang

pananaw sa hinaharap.


Recommended