HeHeHeHe is is is is MyMyMyMy BoyfrieBoyfrieBoyfrieBoyfriendndndnd by MayGoddess/MaiaMaiestas
Characters:
Erie Villanueva
Odrel Lorenzo
Mycel Mendoza
Francis Alvarez
Elaine Howell
Prologue
I’m Erie Villanueva. Anak ako ng isang businessman. Yeah, we’re rich, but not that rich.
Hindi kami tulad ng mga multi-billionare na halos nagtatapon na lang ng pera sa pagbili ng
mga luho. Enough lang siguro that I can get all I that need, but not all I that want. I’m not
a spoiled brat to begin with. Sa mga exclusive schools rin ako pumapasok at sa isang
exclusive village kami nakatira.
First year high school, nagka-first boyfriend ako. Si Zace (tawag ko kay Francis) at
hanggang mag fourth year, kami pa rin. Pero after noong graduation nag-break kami, tulad
ng ginagawa ng halos karamihang magbf-gf. Ang totoo kasi ako talaga ang nakipagbreak,
alam ko kasi na mahihirapan lang kami lalo na at sa magkaibang school kami papasok ng
college. At siguro naisip niya rin na mahirap talaga ang long distance relationship kaya
pumayag na rin siya.
Hindi naman nagging mabigat sa akin ang pakikipaghiwalay sa kanya, PERO teka, hindi yun
dahil sa hindi ko sya mahal. Hindi ako user noh. Hindi pa lang siguro ako ganoon kaseryoso
sa relationship namin, kasi alam kong bata pa kami at hindi pa sure kung meant kami for
each other tulad ng sabi ng parents ko… Pero kalian ko nga ba mahahanap ang person na
meant for me?
Business management ang kinuha kong course sa college, pero wait! hindi ako tulad ng
nasa palabas sa TV na pinilit ng parents sa kursong gusto nila, ako talaga ang may gusto ng
business management. Mana lang siguro ako kay papa. Siya, ewan ko ala akong balita.
Wala kaming communication ni Zace hanggang ngayon. Nagkikita lang kami kapag
nagsasama-sama kaming magkaka-klase, close kasi batch naming eh. Mahilig kaming mag-
get-together lalo kapag merong may birthday o kaya ay pasko. Kaso di na kami masyado
nagpapansinan at huli ko na ngang kita sa kanya eh yung reunion namin 1 year after
graduation. Tapos di na sya umaattend sa sumunod pa naming mga reunions.
Hayy… Tapos na rin ang aking 2nd year sa college. Summer vacation na ulet. Last week
nagkaroon kami ng second annual reunion. Hindi na naman siya sumipot, di rin sya
nagpunta noong Christmas at noong birthday ko. Sigh. Bakit ba ganito, akala ko noong una
madali lang akong makakamove-on. Tapos ngayon 2 years na ang nakakalipas pero bakit
namimiss ko siya. Miss na miss ko na siya. Mali ba ako? Mali bang nakipag-break ako sa
kanya 2 years ago? Baka di ko namamalayan, masyado pala akong naging attached sa
relationship namin? Baka true love talaga tong nararamdaman ko para sa kanya?
Is he the one I’m looking for? The one who is meant to be with me? Is he my true love?
Chapter 1
Thousand Sunny Paradise IslandThousand Sunny Paradise IslandThousand Sunny Paradise IslandThousand Sunny Paradise Island
Hayy… Kaboring naman tong trip na ito oh. Ikaw ba naman magpunta sa isang island para
mag-relax at mag-enjoy… nang MAG-ISA!!! Sana sa Bora na lang ako nagpunta at least
doon may porsyentong may makasalubong akong kakilala. Unlike dun sa pupuntahan ko,
isang island. Duh! Kahit 0.1% di ako umaasa na may makikitang kakilala.
Ewan ko ba sa parents ko, tanggap ng tanggap ng regalo tapos mahihiya na di pumunta.
Sigh. Oo, regalo lang sa kanila ito ng isang business partner nila. Free accommodation daw,
free yung food, service, pati nga transpo. Lahat FREE. Galing ano? Parang nanalo lang sa
raffle. Hehehe. Joker na ko eh. Kaso busy daw sina mama at papa kaya ako lang
nakapunta. Si ate naman ayun gawa ng sari-saring dahilan wag lang makasama. Kaya eto
ako, mag-isa, loner, emo. Inaaliw ko nalang ang sarili ko sa pagpipicture at paglisten sa
music. Pero okay na rin to, para makapagisip-isp ako ng mga bagay ~love life~ alam niyo
na.
“Miss pa-share ha.” Sabi nung isang guy na may suot na earphone at nagtetext. Tapos di
manlang inantay yung permission ko at na-upo na sa tabi ko. Wow.
Tumingin ako sa paligid, puno na pala lahat ng seat ng bus. Di naman ako mayari nito eh so
hinayaan ko na lang siya at dedma. Pinagpatuloy ko nalang yung ginagawa ko. Oo nga pala,
ito yung parang tourist bus na magdadala sa amin sa hotel namin.
“Welcome to Thousand Sunny Paradise Island!” bati sa amin pagkababa namin sa bus.
Okay ah, turista nga eh.
Dumiretso agad ako sa may reception area para kunin yung key sa room ko.
“Miss nagpa-reserve ako dito, umm.. Erie Villanueva.”
“Okay ma’am, wait lang po” tapos tiningnan niya sa computer yung name ko.
Habang nag-iintay, narinig ko yung isang lalaki na nagrereport dun sa parang manager
siguro nila. Hula ko lang ha, di ko sure.
“Ma’am nandito po si Sir Lorenzo.” Sabi nung lalaking naka-uniform.
“Nandito si Master Henry?” sabi naman nung babae na naka-uniform din pero mukhang
mas mataas siya kumpara sa iba.
“Ah, hindi po si Sir Henry, ang anak po niyang si Sir Odrel.” Tumango yung babae.
“Si young master pala.”
Lorenzo? Henry Lorenzo? Yung may-ari nitong Island. Yung business partner nila papa na
nagregalo nitong free-whatsoever-vacation na ito. Andito daw anak niya? Yung Odrel
Lorenzo.
“Ma’am ito na po yung keys ninyo.” Oops. Naputol yung pakikichismis ko. Hay, ano ba
yan. Wala na kong manners. Bad. ;P
“Room 215 po kayo. Enjoy ma’am.”
“Thank you.” Tapos ay dumiretso na ako sa room ko para makapag-ayos at makapag-
pahinga.
Habang binubuksan ko yung pintuan ng room ko gamit yung key na binigay nila sakin,
biglang bumukas yung pintuan dun sa room 214. Napatingin ako at lumabas yung guy na
katabi ko kanina sa bus. Napatingin siya sa akin at ako din sa kanya. Tapos bumukas na
yung pinto ko kaya pumasok na ako. Malamang siya umalis na rin.
After kong mag-ayos ng gamit, bumaba ako at lumabas ng hotel para humanap ng
makakainan. Paglabas ko di ko mapigilang di mamangha. Sa loob kasi ng hotel eh di sila
paiiwan sa mga gadgets and other technologies. Pero paglabas mo naman, para ka namang
naglalakad sa Hanging Garden of Babylon. May pagka-Greek Mythology kasi yung style,
may mga columns tapos sa kaliwa mo at sa kanan ay puro ornamental plants. Tapos medyo
elevated kasi yung place kaya makikita mo sa baba yung pools, yung beach, yung bars,
yung clubs, yung mga stalls, mga cottages, etc.
Okay din dito ah. Inaamin ko maganda ang place na ito. Hindi siya boring tulad ibang
island. Hindi rin naman siya siksikan tulad ng sa boracay. Let’s say na nasa gitna siya.
Ummm..almost perfect na nga eh. Ang ganda pa ng ambiance, paradise talaga.
“Thousand Sunny Paradise Island. Bakit kaya Thousand Sunny?” na tanong ko tuloy
sa sarili ko. Wala akong idea.
Sa paglalakad ko, may nakita rin akong kainan sa wakas. At nakapangalan pa ito sa island
nila.
“Welcome to Thousand Sunny Restaurant!” bati ng isang waiter sa akin pagpasok ko.
Naupo ako sa may bakanteng table at tiningnan ang menu nila. Tapos umorder na ako.
Habang kumakain ako, biglang may naupo sa harapan ko. Tumingin ako sa kanya at…
“Again?” siya na naman. Yung guy na tumabi sa akin sa bus at yung katabi ko ng room.
Katabi ko na naman siya?!
“Hi” yun lang at tinawag niya yung waiter at umorder ng drink.
Wow. Kapal ah. Feeling close. Pero hayaan ko nalang siya. Dedma nalang ako.
“Mukhang pinagtatagpo tayo ng tadhana ah!” huh? Ako ba kausap niya.
Napatingin lang ako sa kanya tapos kumain na ulit. Tadhana ka dyan. Eh ikaw lang naman
tong lapit ng lapit sa akin eh.
“Iniisip mo siguro na ako lang ang lapit ng lapit sayo noh?” mind reader ba to?
Natawa pa siya. Siguro kasi nakita niyang nagulat ako. Hmmf. Patulan ko na kaya.
Napapahiya na ako eh.
“Alam mo destiny talaga to, kasi di naman ako tatabi sayo sa bus kung di naman
puno yung iba seats eh. Gaya rin dito.”
Tapos napatingin ako sa paligid. Oo nga occupied na lahat ng table. Pero kelangan ba sakin
maki-share? Pede naman sa iba.
“Tapos dun naman sa hotel, kasalanan ko bang magkatabi yung rooms natin?” aba
at tinaasan pa ako ng kilay. Anong point niya?
Chapter 2
Odrel Lorenzo, the one and onlyOdrel Lorenzo, the one and onlyOdrel Lorenzo, the one and onlyOdrel Lorenzo, the one and only
“Alam mo kahit di ka pa nagsasalita, cute na cute na ako sayo. Lalo na pag
nakikita ko yung mga expressions mo.”
“Are you trying to tell me na nakakatawa ako?” naiinis na talaga ako.
“Hahaha. Ayan. Sa bus serious ka. Nung kumakain ka happy ka. Tapos dumating
ako, shocked ka. Ngayon annoyed ka na. Ang cute mo talaga!”
“So what? Ano ba kailangan mo?”
“Ayan ngayon galit ka na. Pero okay lang at least narinig ko na rin yang boses
mo.” Tapos ngumiti siya. “Ang sweet ng voice mo.”
Baliw ba ito, obvious naman sa tone ng voice ko na galit ako tapos sasabihin niya sweet.
Gahhd! I’m starting to get irritated. Nagsalita ulit siya.
“You know…” may pause effect pa siya “I think… I think…” repetition?!
“I think I’m falling for you.” Oh Sh*t. Nasa Manila ba kami?! Nasa Bora?! Uso din pala
yun dito.
“Uso din pala dito ang pakikipag FLIRT sa STRANGERS?” ini-emphasize ko pa talaga
yung flirt at strangers. Para naman tantanan na ako.
“Kung flirt ang tingin mo dito, okay lang. Pero totoo yung sinasabi ko. I like you
and I want to know more about you.”
As if naman na maniniwala ako, eh gasgas na yung line na yun eh. Line yun ng mga
players, womanizers, and whatsoever you call them.
“Alam mo kung di ka titigil, irereport kita ng harassment at sure akong itatapon ka
nila sa labas.” Sabi ko habang nakaturo ako dun sa guard.
Pero natawa lang siya. Kainis!
“Sure ka bang pakikinggan ka nila?”
“And why not? We have equal rights here.” Umiling siya habang naka-smile.
“Di mo pa kasi ako kilala eh. Bago ka lang dito, pero ako madalas ako dito. Every
summer andito ko, o minsan nga kahit di summer eh andito rin ako.”
What the heck! That means kilala na siya ng mga tauhan dito sa restaurant. So sa kanya
sila papanig. Kailangan ko rin ng backer, pero sino? Si Sir Henry, pero baka malaman
niyang free lang ako dito tapos ang lakas kong manghamon. Eh kung si… ahh! bahala na
nga!
“I’m sure that they’ll listen to me. Di mo ba alam na…” di ako sure dito pero
“…na ako ang girlfriend ni O-Odrel Lorenzo.” nasabi ko na, although it was a total lie.
Eh ni hindi ko pa nga nakikita itsura nung Odrel nay un eh.
“You mean, Odrel Lorenzo anak ni Henry Lorenzo?” Nanlaki ang mata niya. Oh see?
Shock siya eh! I’m a good liar pala.
“Yup. Odrel Lorenzo, the one and only. Tagapagmana nitong Thousand Sunny.”
Ano ka ngayon? Siguro tatantanan naniya ko.
“Boyfriend mo siya?” tanong ulit niya. Shock pa rin siya pero ba’t parang may mali. Ba’t
parang masaya siya?
“Yes. Y-E-S. He Is My Boyfriend.” Sagot ko naman.
Bigla siyang tumayo. Hay, salamat at lulubayan na ako.
“Hey. Listen!” ngek! Kala ko aalis na. Ano balak niya? Ba’t siya sumigaw? Nagtinginan
samin lahat ng tao sa loob.
“I’d like to inform you that the lady in front of me…”
Oh my gosh! Don’t tell me na sasabihin niya! Don’t! Please. Don’t!
Tumingin siya sakin “…is Odrel Lorenzo’s girlfriend!”
I’m dead. O_o
“Right?” tutal pahiya na ako, itutuloy-tuloy ko na.
“Yes” nag-blush na ako sa kahihiyan.
“Girlfriend mo siya Sir Odrel?” tanong nung waiter sa lalaking nasa harap ko.
Napatingin ako sa kanya at naka-smile siya sa akin. No not smile, wide smile.
“You mean…” natakpan ko yung bibig ko ng kamay ko sa sobrang gulat.
“You are…” nilagay niya yung kamay niya sa pocket at nag-smile ng sweet.
“You are Odrel Lorenzo!” nag-nod siya.
“Odrel Lorenzo, the one and only.”
Chapter 3
Friendly advice, Friendly advice, Friendly advice, Friendly advice, Be CarefulBe CarefulBe CarefulBe Careful
Nagising ako, naligo, at nagbihis. Andun parin ako at naghahanap ulit ako ng makakainan.
Paano ba naman, tuwing naaalala ko yung nangyari sa restaurant, di ko malaman kung
paano pa haharap sa kanila. Siguradong pinagtatawanan nila ako. At lalong di ko alam kung
paano haharap sa lalaking iyon. Kainis! Di na lang niya sinabing siya si Odrel Lorenzo.
Kailangan bang ipahiya pa ako?
Eto tuloy ako palakad-lakad, di naman alam ang pupuntahan. Sana may iba pang kainan
dito.
“Miss?” may tumatawag. Lilingon ba ako?Kaso baka di ako yun, mapahiya na naman.
“Miss. Di ba ikaw yung girlfriend ni Odrel?” Ah ako pala talaga tawag niya… Oops!
Meaning nakikilala niya ako! Andoon din siya sa restaurant kahapon. Sigh.
“Ah, ako ba?” nilingon ko na, di naman ako snob eh.
“Di ba boyfriend mo si Odrel?”
“No, he’s not my boyfriend. Pero ako nga yung kasama niya kahapon.”
“Ha? Hinde? Pero ikaw nga?”
“Long story eh. Umm… Wait may alam kabang kainan dito maliban sa Thousand
Sunny Resto?”
“Meron. Gusto mo samahan kita?”
“Sure! Thanks… umm..?”
“Mycel, Mycel Mendoza.” Sabay offer ng hand.
“Thanks Mycel. I’m Erie Villanueva.” Tapos nag-shake hands kami. Ang bait niya.
Friendly.
Dinala niya ako sa Prince Restaurant. Katuwa nga eh, puro lalaki kasi ang mga waiter. At
karamihan pa, mga guwapo. Halos puro babae nga ang customers eh. Tapos umorder na
kami at kumain.
“You mean, hindi talaga kayo ni Odrel?”
“Oo. Misunderstanding lang yung kahapon. Nag-aasaran lang kami eh kaya
ayun…” Wow, nag-aasaran daw, kala mo close kami nung Odrel na iyon ah. Hayaan ko na
ngang ganoon ang alam niya.
“Ganoon? Akala talaga namin lahat doon, girlfriend ka niya.”
“Ibig sabihin hindi niya sinabi na hindi yun totoo?” hindi niya pala sinabi? Ba’t kaya?
“Hindi. Nung bigla kang umalis, maya-maya umalis na rin siya.”
“Talaga? Bakit kaya?” ano kaya ang balak niya?
“Ganoon talaga si Odrel sa mga babae. May pagka-playboy kasi.” Natahimik naman
ako. Playboy? Sabagay ganoon naman talaga ang tingin ko sa kanya…
“Ahm, Erie mag-ingat ka kay Odrel ha…” mag-ingat? Bakit?
“Bakit?”
“Basta” mukhang serious siya ah… “Friendly advice lang, be careful.” Concern siya
sakin? How thoughtful naman. Bait talaga.
Siguro marami nang nalokong babae itong si Odrel. Pero okay lang di naman ako papaloko
eh… Teka nga…
“Tanong ko lang, friends ba kayo? Odrel kasi tawag mo sa kanya eh, tapos parang
kilalang-kilala mo siya?”
“Ha?” nagulat siya sa tanong ko, ba’t kaya?
“Friends ba kayo ni Odrel?” ulit ko.
“Ah…” anong ah? “Ah! I forgot! May gagawin pala akong importante. Sorry ha,
mauna na ako.” Tapos tumayo siya.
“Nice meeting you Erie.” Tapos nag-bye siya.
“Ikaw din, thank you ha.” tapos nag-wave ako.
Bakit kaya ganoon. Obvious na umiwas siya sa tanong ko. May something siguro sila ni
Odrel. Hmmf. Naisip ko na naman siya. Kainis talaga!
Tapos na akong kumain, saan kaya ako pupunta. Maglilibot muna ako. Masaya akong
naglilibot nang…
“Love, kamusta.” …nang makita ko siya.
Kainis! Sa dinami-dami ng tao dito bakit siya pa yung nakasalubong ko. Sinimangutan ko
lang siya. Tapos naglakad na ulit ako. Kaso tama bang sundan ako!
“Di kita nakitang kumain sa Thousand Sunny ah. San ka kumain?”
Di ko pa rin siya kinikibo. Mahirap na, baka ano pang masabi ko, lalo pa kong mapahiya.
“Uy, Love pansinin mo naman ako.” WTF. Anong love?
“Love ka diyan?” naka-kunot ang kilay ko noong hinarap ko siya. To show na na-iirita na
ako.
“Love as in L-O-V-E.” aba’t ini-spell pa.
“Alam ko spell niyon, I’m not stupid.”
“Eh alam mo ba meaning nun?”
“Of course. Love- an emotion of regard and affection, a deep feeling of attraction.
Maraming meaning yun.” Proud pa akong sinabi yun.
“Wow parang dictionary ah. Nai-impress talaga ko sayo, beauty and brain ka pala.
Pero…” bigla niyang pinag-cross yung arms niya at nag-form ng X.
“Eennggk. Wrong Answer.” Napataas ang kilay ko sa kanya.“Pinagsamang initials
natin yun.”
“L.O. means Lorenzo, Odrel and V.E. means Villanueva, Erie. Pagpinagsama,
L.O.V.E. – love!” ngek ang corny naman.
“Corny naman.” Pero pano niya nalaman name ko? Toinks. Sila nga pala may-ari nito,
nagtanong pa ko.
“Hmmm…” nagbingi-bingihan pa, di tanggap na corny siya.
“Ganoon ka ba sa lahat ng pinopormahan mong babae.”
“Sayo lang ako ganito. Ikaw lang naman babae sa buhay ko eh.”
“Tigilan mo nga ako. Ang baduy mo.”
“Anong masama? Boyfriend mo naman ako.”
Tiningnan ko siya ng masama. Tama bang ipaalala pa yun! Ipahiya ba ulit ako.
“Oh bakit? Ikaw naman nagsabi nun ah.” At pinagdiinan pa.
Kainis talaga! Iwan ko na nga siya. Maglalakad na sana ako palayo kay Odrel nang may
makasalubong akong pamilyar na tao. At tingin ko, di lang ako ang nakapansin sa kanya,
pati siya ay napansin ako.
“Andito ka rin?”
Chapter 4
Work?! IWork?! IWork?! IWork?! Ikaw?!kaw?!kaw?!kaw?!
“Andito ka rin?” sabay pa kami.
Pareho kaming nagulat. Pano, sa dinami-dami ng pwedeng puntahan ngayong summer, sa
island pa. Sa dinami-dami ng island, dito pa sa Thousand Sunny.
Nagkatitigan lang kami ni Francis. Gusto ko siyang kausapin, madami akong gusting sabihin
sa kanya, i-explain, pero di ko alam kung saan mag-uumpisa. Pero na-una siyang nagsalita.
“Dito ka nagbabakasyon?” tanong niya. Di ko mabasa ang expression niya kung masaya
siyang nakita ako o galit pa rin siya sakin.
“Oo. Ikaw bakasyon ka rin dito?” nakangiti pa akong kausap siya.
“Hinde. Magtatrabaho ako dito.” Nagulat naman ako. O_o
“As in Work?! Ikaw?!” alam ko, medyo bastos ang labas nung sagot ko. Pero paano ba
naman, 4 years ko yang naging boyfriend. At alam kong prinsipe ang buhay niyan.
“Oo. Parusa sa akin ni papa eh.” Parusa? Ano kayang ginawa niya para parusahan?
“Love, kakilala mo?” Oh sh*t! Ba’t ngayon pa, baka marinig ni…
“O sige Erie, maiwan ko na kayo ng boyfriend mo.” Tapos ay mabilis siyang umalis.
Noong tuluyan nang wala si Francis, hinarap ko si Odrel. At galit ako.
“Why did you do that?” nakakunot pa ang noo ko.
“Do what?” mukhang di niya gets.
“Kilala mo ba yung kausap ko kanina?” Umiling siya. “Of all people, bakit sa harap
pa niya?” Nakataas pa rin ang kilay niya, halatang wala siyang naiintindihan sa sinasabi
ko.
“Bakit mo ginawa yun? Ba’t mo ko tinawag na love sa harap niya? Okay lang sakin
na asarin mo ko pag magkasama tayo, pero ba’t kailangang pati sa iba ipahiya mo
pa ko?” nakita kong nagulat siya sa sinabi ko at nakikita ko sa mata niya na parang nagso-
sorry siya.
“Alam mo ba kung ano ang ginawa mo, dahil sayo lalo nang walang pag-asang
magbati kami!” tapos tumakbo ako palayo sa kanya. Narining ko pa nga siyang tinawag
ako at nagsorry pero dumiretso lang ako.
Malayo na rin ako sa kanya nung tumigil ako sa pagtakbo. Ang arte ko noh. May patakbo-
takbo pa kong nalalaman. Dapat pala lumuha ako para mas madrama, parang telenovela.
Hehehe. Joke lang.
Pero tama lang yun sa kanya. Pano ba naman, ang akala tuloy ni Francis boyfriend ko si
Odrel. Baka iniisip niya, nakipag-break ako sa kanya tapos hahanap lang pala ako ng iba.
Baka akala niya… Hay!!! Pero teka asan na ba ako? Tumingin ako sa signage.
“Club?” pumasok ako since nagpupunta naman kami ng friends ko sa mga clubs eh.
Omorder ako ng drink. Kaso hindi ako masyado nag-enjoy dito kahit lively ang tugtugan.
Siguro di ako mapalagay kasi wala akong mga kasama, kaya naman lalabas na sana ako ng
may humawak sa wrist ko. Oh sh*t! Sabi ko na eh. Humarap ako sa kanya.
“Excuse me?” sabi ko sa isang lalaki na siguro nasa late 20’s na.
“Miss sayaw tayo.” Sabi niya pero di pa rin binibitawan ang kamay ko.
“Sorry pero aalis na kasi ako eh.” Kinakabahan na ako.
“Aalis ka na, sayang naman ang ganda mo kung aalis ka na dito.” Lalo pa niyang
hinigpitan ang hawak sa wrist ko. At oo, nasasaktan na ako.
“Lalong masasayang ang ganda niya kung sasama siya sayo!” si Odrel. Si Odrel?!
Ba’t andito siya?
“Sino ka bang pakielamero ka?”
“I’m her boyfriend.” Sabay hawak sa kabila kong kamay. Tapos nagtititigan sila. Tahimik
lang sila. Pareho silang nagtititigan, pero si Odrel, galit talaga yung tingin niya.
“Bitaw.” Sabi ni Odrel, pero yung tono niya ay parang haring naguutos na pag di ka
sumunod ay ipapa-patay ka.
Bigla ko namang naramdaman na bumitaw na yung lalaki sa pagkakahawak niya. Tiningnan
ko, wala na pala siya. Tapos hinila ako ni Odrel papalabas ng club. Nasa labas na kami pero
hinihila niya pa rin ako.
“Teka Odrel yung kamay ko.” Tapos tumigil siya at binitawan yung kamay ko.
“Wag ka na ulit pupunta dun ha. Lalo na pag nag-iisa ka.” Tapos humarap siya sa
akin at ngumiti.
“Kung gusto mo talaga, sabihin mo sakin para masamahan kita.” Naramdaman kong
nagblush ako sa sinabi niya, napayuko tuloy ako. Tapos nag-nod nalang ako.
“Sorry nga pala kanina ha.” Napatingin ako sa kanya, sincere naman siya sa pagsosorry.
“Okay” tapos nag smile ako sa kanya. Nag smile din siya sa akin. Wait, nag-apologize siya
at inaccept ko yun. Siguro fair lang naman na mag-thank you naman ako sa pag-save niya
sakin kanina.
“Oo nga pala, thank you kanina ha, sa pag-save mo sakin.”
“Anong thank you, di ako natanggap ng thank you.”
“Ha?” Nagulat naman ako.
“May kapalit yun, ano kah?!” kapalit? Anong kapalit?
“Teka ba’t ako, tinanggap ko naman yung sorry mo ah.”
“Eh ganoon talaga, magka-iba tayo eh.”
“Hmmf. Andaya mo!” tapos nagpout ako.
“hahaha.” Tawanan ba ako? Kung sabagay, baka kung ano pang nagyari sakin kung di siya
dumating kanina. Hay… pagbigyan na nga…
“Ano ba yun?” di naman siguro mahirap yung kapalit.
“Go out with me.” Go out with me? As in date?
“As in date?”
“Oo.”
“Ayoko ko nga.” Tama na ang isang chismis tungkol samin, ayoko ng lumaki pa yun.
“Teka hindi pwedeng umayaw…”
Nagsimula na ulit akong maglakad pabalik sa hotel. Hanggang sa bago ako pumasok sa
room ko, hindi niya pa rin ako tinatantanan. Ako naman di papatalo sa pagtanggi. Beh. :P
“Friendly date lang naman. Ano bang gusto pag nagde-date, maraming flowers,
maraming balloons? Sabihin mo lang.”
“No.” nasa loob na ako ng kwarto at nasa labas siya. Medyo nakabukas lang yung pinto.
“Please, pumayag ka na… Ano ba ang gusto mo? Kahit gaano pa ka-expensive
yan…” napatingin ako sa kanya. “…I’ll give it to you. Afford ko yan!”
“Tsss. Spoiled brat.” Tukso ko sa kanya.
At nag-defensive look agad siya. “Hindi naman lahat galing sa parents ko. May sarili
akong pera.” Pagmamalaki niya.
“May pera din ako.” sagot ko naman. Nag-pout siya.
“Hindi kita pagagastusin, sagot ko ang lahat.”
“Aba dapat lang, ikaw ang lalaki eh at ikaw ang nag-yaya.” Napangiti siya bigla.
“Is that a YES?”
“It’s a NO.” sabay sarado ko ng door.
Chapter 5
I’ll go with youI’ll go with youI’ll go with youI’ll go with you
Umaga na naman. Medyo puyat ako, naiisip ko kasi kagabi si Francis eh. Hay… sa Prince na
lang ulit ako kakain. Pagbukas ko ng pinto ng room ko, nakaabang na agad si Odrel. Ang
agaaga mangungulit na agad.
“Goodmorning Love.” Bati niya.
Talagang di niya ko titigilan ah. Siguro di niya matanggap na sa dinami-dami ng babaeng
naloko niya, di niya papayagang may makatakas na isa. Pero sorry siya, di niya ko mauuto.
“Odrel ang aga-aga, mangungulit ka na agad?”
“Ba’t ganyan ang bati mo sa boyfriend mo?” talaga bang di sya titigil sa pagpapaalala
nun. “Saka dapat Love din tawag mo sakin, name naman natin yun eh.”
“Ewan ko sayo.” Sabay liko ko ng daan pakaliwa.
“Teka saan ka pupunta, dito daan papuntang kainan ah?” nakaturo naman siya sa
kanan.
“Ha? Ah! Dun ako sa Prince kakain eh.”
“Nye! Bakit?”
“Masarap food nila dun eh.”
“Sa Thousand Sunny ba hinde?”
Ang totoo mas masarap talaga ang food dun sa Thousand Sunny Restaurant kesa sa Prince,
kaso alam nyo na, sikat na kasi ako dun eh.
“Ang sabihin mo gusto mo dun, gawa ng maraming cute.” Aba’t asarin ba ako. “Oh
nagba-blush! Totoo kasi. Kung sabihan mo ko, parang babaero ako. Yun pala ikaw
ha…”
“Luko luko ka! Hindi ako ganun.” Totoo naman eh, di ako ganoon.
“Eh ba’t kasi ayaw mo dun sa Sunny?” dapat pa ba itanong yun.
“Eh kasi…” kelangan ko ba talagang i-explain.
“Eh kasi ano?” as if naman hindi niya alam ang reason.
“Eh kasi nahihiya ako doon…”
“Bakit?” Is he playing stupid o stupid talaga siya?
“Nahihiya ako kasi ang alam nila eh… eh…” kainis! Mamaya babatukan ko na to.
“Ang alam nila ay boyfriend mo ko at hindi ko naman sinabi yung totoo, so wala
kang dapat na ikahiya. Dapat nga proud ka pa eh.”
“Ang yabang mo rin eh noh?”
“Tanggap ko yun. So, tara na dun sa Sunny.”
“Teka, sasama lang ako sa iyo sa isa ng kundisyon.”
“Ano?”
“Wag mo nakong tatawaging love.” Aba’t nag-isip pa ang mokong, ayaw pa yata
pumayag…
“Okay, in one condition din?”
“Ano?” di rin papatalo tong Odrel na to ah.
“Rie ang itatawag ko sayo, tapos ikaw Rel ang tatawag mo sakin.”
“Odrel. Rel.”
“Oo. Para Rie at Rel. O diba bagay?”
“Yeah. Whatever.” Tapos ay dumiretso na kami sa Thousand Sunny Restaurant.
Pagdating naming doon, hindi ako pinapansin ng mga tauhan doon, di tulad ng ine-expect
ko. Pati nga si Odrel eh di masyadong pinapansin. Siguro ganoon talaga sila ka professional.
Kumain kami at ang kulit nga nitong Odrel na ito. Aba’t ayaw tumingin kapag tinatawag
kong Odrel. Titingin lang kapag Rel ang tinawag ko sa kanya. Alam na rin pala niya na
business partners ang parents namin. Alam na rin niyang regalo itong vacation trip kong ito.
“Alam mo maganda siguro kung kausapin ko na si dad.” Hindi muna ako sumagot.
“Ano sa tingin mo?” sabi na nga ba eh, gusto niyang itanong ko kung bakit.
“About saan?” nakakatawa siya, nakikisakay na lang ako.
“Sasabihin kong ipa-arranged marriage tayo.”
“Ehem.” Medyo nabulunan yata ako dun sa sinabi niya.
“I’m sure papayag yun. Makakabuti sa kanila yun, business partners ang pamilya
natin eh.”
“Is that a joke?” seryoso ba siya sa sinasabi niya. Kung yung iba nga nagagalit kapag ina-
arrange ang kasal nila sa iba. Ito naman, gusto pa.
“Kung di kita madadaan sa date, eh iyon ang gagawin ko.”
“Don’t you dare do that.” Sinamaan ko siya ng tingin.
“Chill. Biro lang yun. Hahaha.”
Si Odrel talaga. Kakausapin daw niya ang Dad niya para ipa-arranged marriage kami. Luko-
luko talaga diba.
Okay rin kasama itong lalaking ito eh. Andaming kalokohang nalalaman. Gentleman din.
Pero di mo nga lang mai-aalis na isisingit niya yung tungkol dun sa ‘date-daw-namin’. Hay…
Babaero kasi eh. Pero tulad ng sinabi ni Mycel, mag-iingat pa rin ako sa kanya.
Paglabas namin ng restaurant, nakita ko si Francis na dumaan. May dala siyang box at
naka-uniform ng pang-waiter. Teka familiar yung uniform ah… sa Prince Restaurant.
Agad naman akong tumakbo para habulin siya. Tinawag ako ni Odrel pero dirediretso pa rin
ako kaya sumunod na lang siya. Nakita ko si Francis na papasok na sa Restaurant.
“Francis!” lumingon naman siya. Lumapit ako sa kanya.
“Bakit?” mukhang good timing, maaliwalas yung face niya eh.
“Gusto sana kitang maka-usap.” Biglang kumunot yung kilay niya at nakatingin sa likod
ko. Nakita pala niya si Odrel.
“Pasensya na. May trabaho pa ako eh.” Tapos tumalikod at pumasok na siya sa loob.
“Sige mamaya nalang.” Sabi ko sa kanya, ewan ko kung narinig niya.
Gabi na. Nagpunta ako sa Prince Restaurant para maka-usap si Francis pero wala na daw
siya. May nakakita daw na papuntang club. Sabi ni Odrel wag daw akong pupunta doon
mag-isa pero si Francis naman ang pupuntahan ko kaya may kasama na rin ako.
Pag-pasok ko sa loob, nagulat ako. Nakaform ng circle yung mga tao. Na-curious ako kung
anong meron. Nagulat ako ng makita kong nakatayo sa gitna… si Francis at may kahalikang
babae.
“Francis…” napatingin siya sa akin. Nagulat din siya ng makita ako.
Nakatingin lang siya sa akin. Iniwan na siya nung babae pero di parin siya gumagalaw.
Bigla na lang naramdaman kong pumapatak ang luha ko. Ewan ko ba kung bakit, di naman
ako madramang tao pero ewan ko, hindi ko mapigilang lumuha. Nakita niya sigurong
umiiyak ako kaya lalapitan niya sana ako pero tinalikuran ko siya.
Pagtalikod ko kay Francis, nagulat ako na nandoon si Odrel.
“Diba sabi ko kung pupunta ka dito, sabihin mo sakin.”
Lumapit ako kay Odrel at…
“I’ll go with you.”
“What?”
“You’re asking me to go out with you, right?” tumango si Odrel, siguro na-gets niyang
kailangan ko ng makakasama.
Ini-hug ako ni Odrel. Tapos inakbayan niya ako habang papalabas kami ng club. Bago kami
lumabas, sinulyapan ko si Francis. Andoon pa rin siya at nakatingin lang samin.
Chapter 6
Fallen angelFallen angelFallen angelFallen angel
Gising na ako pero ayaw ko pang imulat ang mata ko, masakit pa kasi eh. Kagabi kasi
pagkagaling naming sa club, hinatid ako ni Odrel. Tapos wala na akong ibang ginawa kundi
umiyak hanggang sa makatulog na ako. Kaya tuloy ang sakit ng mata ko ngayon. Pero
kailangan ko nang bumangon.
Iminulat ko ang mga mata ko at halos mahulog ako sa kama dahil sa gulat ng makita ko si…
“Rel!”
“Good morning Rie!” naka-smile niyang bati sa akin habang naka-indian sit siya sa may
dulo ng kama ko.
“Ba’t nasa loob ka ng kwarto ko?” baka may ginawa to sakin habang tulog ako.
“Alam mo di ka mukhang prinsesa kung matulog.” Aba’t nanlait pa.
“Ano naman kung di ako mukhang princess kung matulog. Wala naman akong
balak maging Sleeping Beauty eh.”
“Alam mo bang pag tulog ka, you’re like a…” aba’t dadag-dagan pa ang pang-aasar!
“… fallen angel.” Nabigla ako dun ah. Bigla din tuloy akong nag-blush.
“Uy, nagba-blush siya.”
“Che! Ba’t ka ba andito. Di ka ba naturuan na bawal manood sa taong natutulog?”
“Sorry na po. Andito lang ako para siguraduhing hindi mo ko tatakasan.”
“Tatakasan? Saan?” Anong sinasabi niya?
“Kagabi… pumayag kang makipagdate sakin.” Oo nga pala! I almost forgot! Ba’t ko ba
kasi sinabi pa iyon. Kainis! Wala tuloy akong takas.
“Wag mong itatanggi.”
“Yeah. Whatever.” Tapos nagtata-talon siyang lumabas ng room ko. Ako naman ay
naghanda na rin para dun sa date-date-tan namin.
Paglabas namin sa hotel, nagulat ako dahil nakita ko sa malayo si Francis. Pero hinila agad
ako ni Odrel. “Bilisan natin, dahil marami tayong pupuntahan.” sabi niya sakin.
Habang naglalakad kami, hindi ko mapigilang hindi maisip si Francis at yung nangyari.
“Isa sa dahilan ko sa date na ito ay para pasayahin ka Erie. Pero kung ganyan
naman ang magiging attitude mo, parang sinasayang mo lang yung pinaghirapan
ko.” Biglang nagsalita si Odrel. Napansin niya sigurong malalim ang iniisip ko.
Napatigil ako pero siya dirediretso pa rin sa paglalakad. Mahinahon niyang sinabi yon pero
ramdam kong galit siya. Isa pa tinawag niya kong… Erie.
Sumunod na rin ako sa paglalakad, pero hindi pa rin siya nagsasalita. Tama naman siya,
dapat talaga kalimutan ko muna yung tungkol kay Francis. Nagi-guilty ako, kasi kanina
masaya si Odrel pero dahil sakin, badtrip na siya.
Bigla siyang tumigil sa paglakad, nabunggo tuloy ako sa likuran niya. “Ouch!” Bigla siya
humarap sa akin at hinila ako pabalik.
Pagtigil namin, hinagisan niya ako ng jacket. Nakita ko siyang nagjacket din, kaya isinuot ko
na rin yung binigay niya. Tapos bigla siyang sumakay sa isang big bike motorcycle.
“Sakay.” Nagulat ako kaya sumunod naman ako at umangkas sa likod nung motor.
“Kumapit ka.” Kumapit naman agad ako sa kanya. Tapos bigla niyang pinaandar yung
motor, tapos pinatakbo niya ng mabilis. As in mabilis talaga! Nagulat pa nga ako eh. Kung
nagalit siya sa akin wag naman niya sana idaan dito. Pero nararamdaman ko naman na
nag-iingat pa rin siya. Maya-maya bumagal na kami at tumigil. Bumalik lang pala kami sa
harapan nung hotel! Bumaba na kami pareho.
“Siguro naman natauhan ka na at bumalik na yung aking si Rie.” Napangiti naman
ako.
“Bakit kelan ba ko umalis at nawala sa pag-iisip?” natawa rin siya. Pero sa totoo lang
effective yung ginawa niya ha. Ikaw ba naman ang biglain niya ng ganoon, pag di mo ba
naman makalimutan ang problema mo.
“Tara na, ipagpatuloy na natin yung naputol nating date.” Tapos nag-nod naman ako.
Inilibot niya ako sa Thousand Sunny Paradise Island. Tapos bawat lugar, hindi kami umaalis
ng hindi nakakapagpicture. Tapos pareho pa kaming may dalang camera, kaya ayon
kuhanan kami sa isa’t isa. Ang kulet nga ni Odrel eh. Kasi kung mag-take siya ng pictures,
pati siya nakapose na rin. Then nagpa-picture ako na naka-peace sign (yung naka-form ng
V yung index at middle finger), tapos nainggit siya at nagpa-picture din ng ganun ang pose.
After naming mag-libot, kumain naman kami dun sa may park.
“Alam mo ba kung bakit Thousand Sunny ang name nitong island?”
“Sa totoo lang hinde. Naisip ko na nga yun nung unang dating ko eh, kaso wala
talaga akong idea eh.”
“Gusto mo ba malaman kung bakit?”
“Of course naman! Bakit nga ba?”
“Later, I’ll show you.”
“Hmmf, nambibitin ka naman eh!” talaga tong si Odrel, may pa-suspense pa.
Nung makakain kami ng lunch, nagpahinga lang kami ng konti tapos nagyakag na ulit si
Odrel. At alam niyo ba anong sunod naming ginawa? Nag-horse back riding! Enjoy talaga
ako noon. Sa color brown na horse ako nakasakay, tapos si Odrel sa white na horse naman.
Parang baliktad kami noh? Pero hinayaan ko na. Napansin ko kasi na parang favorite color
niya ang white. Teka… napansin ko… Ayeee… Ano ba yan, pati sarili ko niloloko ko na.
“Di ba gusto mong malaman kung bakit Thousand Sunny ang name nitong island?”
“Oo”
“Okay, tara samahan mo ko dun.” Tapos naka-point siya sa kung saan.
Sumunod lang ako sa kanya. Magkasabay kaming nangangabayo at nagkukuwentuhan.
Tapos bigla siyang tumigil, napatigil din ako at namangha sa nakita ko. Bumaba siya sa
kabayo niya at inalalayan naman niya akong bumaba.
Manghang-mangha pa rin ako sa nakikita ko. Ang dami kasing sunflowers eh, at tabi-tabi
pa.
“Dito nakuha ang idea ng pangalanan itong Thousand Sunny Paradise Island.”
“Kaya pala Thousand Sunny eh, kasi marami ditong sunflowers.” Ang ganda talaga.
Naupo si Odrel sa damuhan tapos naupo din ako sa tabi niya.
“Alam mo ang ganda ganda dito. Paradise talaga dapat ang tawag dito.”
“Ngayon lang ito naging paradise sakin, nung dumating ka.”
“Ikaw talaga.” Napalo ko siya sa braso.
“Totoo naman eh. Hanggang ngayon ba iniisip mo pa rin na isa akong babaero, at
isang player?” sabi niya nang nagbibiro.
“Bakit hindi ba?” pabiro ko ring sagot.
“Ouch.” Sabay umacting pa siya. Tapos nagtawanan kami.
“Alam mo, bukod sa makalimutan mo yung problema mo, isa rin sa dahilan ko sa
date na ito ay para makilala mo ko.” Sabi niya ng sincere.
“Effective naman eh.” Naka-smile kong sagot sa kanya. Nakalimutan ko talaga yung
problema ko. At lalo ko ring nakilala si Odrel.
“Rel, thanks ha… thanks sa lahat ng mga ginawa mo. You’re a fallen angel para sa
akin.”
“Anghel talaga ko, at nagpahulog ako para lang sa iyo.” Tapos nag smile siya. Ba’t ba
ngayon ko lang napansin, gwapo siya ha. Lalo na pag ngumingiti siya. Actually mas gwapo
pa siya kesa kay Francis. Ang soft pa ng features ng mukha niya… WAIT! WAIT! WAIT!
STOP! Ano ba tong nararamdaman ko, remember, playboy siya! Pero ang bilis ng beat ng
heart ko. Okay, relax lang. Breath in, Breath out. Okay.
“Hapon na rin, tayo nang bumalik Rie.” Nag-nod ako.
Nakatayo na siya at naka-offer yung hand niya sa akin. Alangan namang i-snobin ko,
humawak ako sa kamay niya at ewan ko pero di ko mapigilan ang pagshake ng hand ko.
Nung nakatayo na ako, agad kong binawi yung kamay ko. Ang weird ng feeling ko ngayon.
Chapter 7
OuchOuchOuchOuch!!!!
♪TOOT TOOT♪
*1 new message.
From: Odrel
Gudmorning Rie.
Antay kita d2 restorant ha.
Luv U.
“Hay… Hindi ba talaga nagsasawa tong si Odrel sa akin. Magkasama lang kami
kahapon eh.” Tapos biglang pumasok sa isip ko yung naka-smile na face ni Odrel.
“Stop!” sabay sampal ko sa magkabilang pisngi. Ba’t ko ba kasi na-isip yun. Makapaligo na
nga.
Ilang minutes na ang lumipas pero di parin ako nakakapag-decide sa susuotin ko. Nag-try
ako ng jeans at simpleng blouse, pero feeling ko walang dating. Tapos nag-shorts ako at
off-shoulder na pang itaas, na medyo hanging kaya kita yung pusod. Kaso parang medyo
reveling. Baka isipin pa nung Odrel yun, nagpapansin ako sa kanya. Sa huli, isang white na
dress ang isinuot ko. Simple pero may dating.
Pagpasok ko sa restaurant, puno na yung mga table. Hinahanap ko siya pero di ko makita.
“Hindi naman siguro niya sinubukang iwanan ako.” Tapos biglang lumingon yung
lalaki sa harapan ko. Nakatalikod kasi siya eh.
“Ba’t ang tagal mo?” kaya pala di ko siya makita eh. Naka-bonnet cap pala siya, kaya
natatakpan yung buhok niya.
Umupo ako sa harap niya. Tapos ini-order niya ako ng food. Tiningnan ko yung suot niya,
naka-pants, t-shirt na green, at bonnet cap.
“Ba’t ganyan yung suot mo?”
“Bakit? Anong problema sa suot ko?” parang nasa bahay lang siya eh!
“Hmmf.” Inirapan ko siya.
Kainis! Ang tagal ko bago makapili ng damit na susuotin, tapos siya basta-basta lang ang
suot.
“Bakit ba? Teka, ba’t nga pala ayos na ayos ka? May-date ka ba?”
“Wala!” Mukha ba kong ayos na ayos? Hmmf! Kainis!
“Sinong ka-date mo? Sabihin mo. Di niya ba alam na may boyfriend ka na.”
“Hahaha.” Tumawa ako sarcastic. Nag-pout naman siya.
“Ba’t ba badtrip ka ngayon?”
“Siguro mero-” Oops. Alam ko ang iniisip niya. Wag na niyang ipagpatuloy ang sasabihin
niya.
“Hinde.” Tapos inirapan ko ulit siya.
“Ah, siguro kasi hindi kita sinundo kanina noh?”
“Of course not!” feeling naman siya.
“Ah! Na-miss mo k-”
“Shut up.” Mukhang napansin niyang wala ako sa mood, kaya tumahimik na siya. Pero ba’t
nga ba ako badtrip?
After naming kumain, naghiwalay muna kami ng landas ni Odrel. Dahil daw kasi pupunta
siya dun sa office dahil tatawag daw sa papa niya. Ewan ko sa kanya! Ang dami niyang
excuses. I’m sure naman, mamba-babae lang yun! Bukod sa akin, sino pa kaya ang
pinopormahan ng lalaking yun? Hmmf. Ba’t ko ba siya iniisip. Mag-gagala na nga lang ako.
Habang naglalakad ako, muling nagsalubong ang landas naming ni Francis. Nagkatinginan
kami. Para ngang may nakikita akong pain, sa expression niya. Tapos bigla siyang
tumalikod at lumakad palayo. Ako naman, eto, humabol ako sa kanya. Ako naman lagi
humahabol eh. Gusto ko kasi siyang maka-usap ng maayos.
Naglalakad lang siya, habang ako ay tumatakbo. At aabutan ko na sana siya, nang biglang
may nabunggo akong babae na maraming dalang plastic bag. Pareho kaming na-out of
balance at natumba.
“Ouch!” sabay pa kami nung girl. Napatingin naman sa amin si Francis.
Lumapit siya sa amin at tinulungang tumayo yung babae, habang ako ay nakaupo pa rin sa
daan at nakatingin lang sa kanila. Umalis na yung babae at nag-thank you kay Francis.
Kami nalang ang naiiwan at naka-upo pa rin ako. Maya-maya ay iniabot ni Francis yung
kamay niya sa akin. Napangiti naman ako, tutulungan niya akong tumayo. Ini-angat ko
yung kamay ko para abutin ang kamay ni Francis. Pero bago ko pa siya mahawakan, ay
binawi agad niya yung kamay niya. Tumalikod siya at umalis na.
Habang ako ay pinapanood siyang lumayo, nagsimula na namang tumulo ang aking mga
luha.
“Zace, bakit? Bakit?”
Chapter 8
True LoveTrue LoveTrue LoveTrue Love
Nandito ako ngayon sa may tabing dagat, naka-upo sa may batuhan. Dito ako nag-eemote,
paano di ko mapigilan yung luha ko eh. Yung kasing nagyari kanina, masakit para sakin.
“Gabi na ah, ba’t andito ka pa.” umupo sa tabi ko si Odrel.
“Gusto kong mapag-isa eh.”
“Walang mangyayari sa problem mo, kung sasarilinin mo lang.”
“Wala rin namang makaka-understand sakin eh, kahit i-share ko pa.”
“I’m not sure kung maiintindihan ko nga. But I’m sure, kung ilalabas mo yan,
makakagaan yan ng feeling.” Napatingin ako sa kanya.
“I’m willing to listen.” Sabi niya tapos nag-smile. Yumuko ako at nagkwento.
“First year high school ako nung nanligaw sa akin si Zace, tawag yun kay Francis
ng mga ka-close niya. Cute siya at mabait kaya nadeveloped agad yung feelings ko
sa kanya. Pero tulad ng sinasabi sa akin ni mama, hindi ako ganoon ka-serious sa
relationship namin kasi bata pa kami. Nagulat nga rin ako na tumagal kami ng four
years eh. Hanggang sa dumating na ang graduation. Nakipag-break ako sa kanya
kasi sa magka-iba at magkalayong school na kami papasok. Para kasing mahirap
na kapag hindi na kami magkikita, tapos mawawalan na kami ng time for each
other, eh di sa break-up din hahantong yun. Di siya pumayag noong una,
‘makakayanan daw namin yun’. But in the end, wala rin siyang nagawa. Mabilis
lang akong naka-move on after nun, pero yun ang akala ko…”
Naramdaman kong namumuo yung luha sa mata ko kaya pinunasan ko agad.
“Nagkikita na lang kami kapag may mga reunion yung batch namin. Kaso hindi na
katulad ng dati na sa akin lang yung atensyon niya, ngayon di na nya ako
pinapansin. Hanggang sa hindi na rin siya umaattend ng mga sumunod pa naming
reunions. Doon ko lang na-realize na hindi pa pala ako nakaka-move on. Nami-
miss ko na siya at nire-regret ko na napakipag-break ako sa kanya 2 years ago.”
Nakayuko parin ako tapos niyakap ko ang mga binti ko.
“Then nagkita nga ulit kami dito. Gusto ko siyang lapitan, gusto ko siyang
kausapin, gusto kong pansinin niya ulit ako. Gusto ko talagang magkausap kami
ng ayos. Gusto kong magkabati kami ulit. Kaya nga pinipilit kong lapitan siya eh,
kahit siya iwas ng iwas sa akin. Kaso ang masakit eh sa akin lang siya ganoon. I’m
the only person here na itini-treat niya ng cold. Masakit na makita na concern siya
sa iba, pero sa akin hinde. At masakit din na malaman na hinde na ako yung gusto
niya.” Tumingin ako kay Odrel.
“Sa tingin mo true love na ba tong nararamdaman ko?” napatingin ako sa mga mata
niya, there’s sadness. Oo malungkot ako ngayon, pero yung nakita kong lungkot sa mata
niya, parang doble ng nararamdaman ko ngayon. Bakit kaya? May problem din ba siya?
“Ikaw lang ang makapagsabi kung siya na nga ang true love na sinasabi mo.” Bigla
siyang umiwas ng tingin sakin. “Pero sa nakikita ko sayo ngayon, mahal mo talaga
siya.”
Si Odrel ang nagsabi nun sakin, pero ba’t parang feeling ko, labag sa loob niya yung sinabi
niya… o feeling ko lang yun.
Natahimik lang kami. Tama siya. Sa totoo lang, di pa rin naso-solusyunan yung problem ko
pero, gumaan talaga yung feeling ko nung mai-kwento ko yun sa kanya. Napa-isip lang
ako…
“Odrel, ikaw ba… may true love na?” natanong ko out of the blue. Na-isip ko lang eh.
“Ha? A-ako ba?” ba’t ganoon parang di siya sure?
“Oo. Kahit naman siguro playboy ka, may isa pa ring girl na tinuturing mong true
love.”
“There is… May nag-iisa syempre.” SHOOT! Teka, anong feeling to? Medyo na-hurt ba
ako?
“Owws. Talaga s-sino?” S2pid! Ba’t ba tinanong ko pa.
“Gusto mong malaman?” gulat niyang tinanong, parang nagtataka.
“If it’s okay?” Sus! Wag mo ng sabihin. “Kilala ko ba?” sh*t ba’t ba di ko mapigil ang
sarili kong magtanong. Tumingin siya sa dagat.
“Ewan ko kung kilala mo siya.” Eto na naman! Sumikip yata ang dibdib ko. Dahil ba
nalaman ko na hindi ako? Ba’t ba ako affected? I hate this feeling!
Di nya sure kung kilala ko? Ibig sabihin possible na na-meet ko na siya at andito rin siya sa
island. Teka hindi kaya si… si Mycel?
“Wala siya sa akin eh. Di ko naman siya pwedeng pigilan sa gusto niya.” Ha? Hindi
ko gets. Magkalayo sila? Umalis ba yung girl? So, hindi si Mycel. Sino?
Ramdam ko yung pain dun sa sinabi niya, pero ba’t pati ako naka-feel ng sakit. Siguro dahil
lang ito sa problem ko kay Francis. Pero parang iba itong pain na ito eh. Mas masakit sa
nararamdaman ko kanina. Ewan ko.
Chapter 9
My firstMy firstMy firstMy first
Nagpatuloy si Odrel.
“Nung una kaming magkita, hindi talaga ako interesado sa kanya. Hindi nga kami
nagpapansinan eh, di naman kasi kami magkakilala. Tapos siguro destiny, wala
akong choice kundi kausapin siya. Eh diba di kami magkakilala, kung ano nalang
nasabi ko sa kanya. Nagulat ako sa sinagot niya sa akin, and then I find her
interesting.” Tiningnan ko siya, nakita kong masaya siya sa kinu-kwento niya .Okay,
tapusin na niya sana to.
“Lagi ko siyang sinasamahan at lalo ko rin siyang nakilala. Last thing I know, hindi
ko na siya maalis sa isip ko. Gusto ko lagi siyang nakikitang masaya. Pati nga
problema niya, pino-problema ko na rin. Hindi ko napansin na, I’m already falling
for her.” Okay, masyado na talagang tong mahaba, gusto ko nang end-an.
“Gusto ko talaga siya. Mahal ko na nga eh. Kaya nga kahit nasasaktan na ako,
okay lang. As long na makikita ko siyang masaya. Ganun yata talaga ang love eh.
Masaya ka na rin pag nakikita mong masaya yung special someone mo.” Okay.
STOP! Alam ko na. So siya na talaga ang true love ni Odrel. Stop na. Wala na ako sa mood
making. Please…
Bigla siyang tumingin sa akin. Nagulat ako. Malungkot siya! Hinde lang, nasasaktan din
siya! Kita ko sa eyes niya, parang gusto niyang lumuha pero, pinipigilan niya.
Eh ako, nasasaktan din ako ah. Lalo pa nga akong nasaktan ngayon. Pero bakit? Bakit nga
ba?
“But it hurts… It really does.” Ganun niya ba talaga ka-mahal yung girl para maging
ganyan katindi ang emotion niya. Para masaktan siya ng ganyan katindi.
Nakatingin siya sa mga mata ko…
“I love her.” OKAY. I can’t bear it anymore! Masyado nang masakit sa akin ito. As in
super hurt na ako. Although hindi ko alam ang reason… o alam ko talaga, hindi ko lang
maamin. Pero basta!
Nararamdaman kong tutulo na ang mga luha ko, kaya tumayo ako para mag-walk-out.
Bahala na siya kung ano ang gusto niyang isipin, kailangan ko ng mahihingahan. Tumalikod
ako at lalakad na sana nang…
“Teka Rie…” hinawakan niya ako sa kamay para pigilan.
Pero dahil sa alanganin pa ang posisyon ko at nanghihina ako sa narinig ko kanina, noong
hinila niya ako, nadala agad ang katawan ko at natumba ako papunta sa kanya. And then…
TADA! Nag-kiss kami. Oo. As in kiss sa lips. For, I think, five seconds kami tumagal. Pero
after na mag-sink in sa akin na nag-kiss pala kami, agad naman akong humiwalay.
Namumula ako, I can feel it. Paano ba naman first kiss ko yun ano! Oo si Francis ang first bf
ko pero sa cheeks lang ako nagpapa-kiss noh! Kaya nga na-iyak ako nung makita ko siyang
mayka-kiss na iba, pero hindi yun ang issue ngayon eh. Ang issue ay…
Si Odrel, HE IS MY FIRST KISS!!!
Nakakahiya talaga, pero ba’t parang pati siya namumula? Don’t tell me na ito rin yung una
niyang… No! Playboy yan eh. Unbelievable naman kung sasabihin niyang…
“It’s My First.” Di kapanipaniwala niyang sinabi yun, na namumula pa.
Chapter 10
Stop running, PleaseStop running, PleaseStop running, PleaseStop running, Please
Dahil dun sa kiss namin kagabi, hindi ko alam tuloy ngayon kung paano ako haharap kay
Odrel. Pero siya hindi ganoon, lalo pa siyang naging makulit. Obvious na iniiwasan ko na
nga siya eh. Mukha na nga kaming naglalaro ng hide and seek at habulan eh. Aba’t ayaw
akong tantanan.
“Stop running, please?” hinabol talaga ako eh.
“Uy… ba’t mo ba ako iniiwasan. Ba’t ayaw mo kong kausapin. Galit ka ba?”
dirediretso pa rin ako sa paglakad.
Ang kulit naman nitong si Odrel. Kaya lang naman ako umiiwas eh ayokong maalala yung
kahapon. Hindi naman ako galit sa kanya.
Bigla niyang hinila yung kamay ko. Humarap siya sa akin, napatingin ako sa kanya, tapos
sa lips niya. Naalala ko na naman. Feel ko tuloy, nagba-blush ako, nakakahiya.
“Yung kahapon ba? Yung kiss? Nagagalit ka dahil dun. Kiss lang naman yun eh.”
Ano daw?! Kiss lang?! Anong ‘lang’ sa ‘kiss’?! Pero… tama naman siya eh. Alam ko namang
kiss lang yun, at hindi naman ako nagagalit…
Bigla niyang hinila yung isang girl na passer-by. “Ikaw?! Gusto mo ba ng KISS? Lips to
lips?” tumango naman yung babae.
…umi-iwas ako kasi nahihiya ako sayo, pero ngayon nagagalit na nga ako.
Hahalikan na sana ni Odrel yung girl ng…
…bigla kong itinulak si Odrel. Kung bakit? Ewan ko rin. Nagulat din ako sa ginawa ko kaya
tumakbo ako papalayo.
Naka-upo ako ngayon sa may bench. Sigh. Ba’t ko ba itinulak si Odrel nung hahalikan na
niya yung girl. Eh ano naman kung mag-kiss sila. Hmmf!
Maya-maya may lumapit sa akin. Pagtingala ko si Odrel pala. Inabutan niya ako ng
icecream. Kinuha ko naman at binuksan. Twin Popsicle pala yung laman.
“Kung di mo makalimutan yung kiss, idaan mo na lang sa icecream para
malamigan yang bibig mo.”
Pinutol ko sa dalawa yung icecream at isinubo ko yung isa. Masarap siya at malamig din.
Bigla kong naalala yung girl na muntik na sana niyang halikan. Naiinis na naman ako. Bigla
kong isinubo sa bibig ni Odrel yung isang icecream.
“Muntik na kasing madumihan yang bibig mo kanina. Maganda yan kasi malamig,
para mamatay yung germs.” tumawa siya bigla. Tapos tumawa na rin ako.
“Ikaw ha. Ayaw mo pala na may ibang hahalik sa akin. Dapat sinabi mo na lang.”
hay nanukso na naman.
“Asa ka pa! Kaya ko ginawa yun kasi, nainis ako dun sa girl. Pumayag ba naman
na magpahalik sa di kakilala.” Well one reason nga yun.
“Ganun na rin yon. Wag kang mag-alala di na ulit ako makikipag-kiss sa iba. Sayo
lang, kaw lang love ko eh.” at nag-wink pa sa akin.
“Hmmmf.” Di na daw? Dapat lang. “Babaero!”
“Promise ko yun.” Tapos naging serious siya. “Basta ikaw din, wag kang
magpapahalik sa iba ha? Sa taong mahal mo lang dapat.”
“Syempre naman noh! Ba’t naman ako magpapahalik sa ‘kung sino lang’.” tapos
natawa na naman siya.
Pero nag-kiss kami di ba? At hindi ‘kung sino lang’ si Odrel. Special na rin siya sa akin…
The next day…
Okay na ulit kami ni Odrel. Hindi na kami magka-away, teka hindi naman kami magkaaway
eh. Let me rephrase it. Hindi na kami nag-iiwasan. Wait, ako lang pala ang umiiwas sa
kanya. Uhmm… eto na lang. Hindi na kami nagkakailangan. Pero parang ako lang naman
ang naiilang eh, siya parang hindi. Ayyyt. Basta! Nagkaayos na kami. We’ll just forget about
the kiss. Kami ni Odrel okay na, ang hindi lang okay ay kami ni Francis.
Pagkaligo ko at pagkapalit ng damit, dumeretso na ako sa Thousand Sunny Resto para
kumain ng breakfast. Nakita ko si Odrel doon at niyaya niya akong sabayan siya. Well, wala
namang bago doon, lagi naman yata kaming sabay kumain eh.
Umorder ako ng waffles pero tinutusok ko lang iyon ng tinidor at nilalaro. Wala kasi sa isip
ko yung pagkain. Ang naiisip ko ay si Francis.
“Alam mo masamang nilalaro ang pagkain. Biyaya iyan sa atin.” Saka lang ako
natauhan.
“Ah… sorry.” Tapos isinubo ko yung ini-sliced kong waffle.
“May problema ba? Siya ba ang iniisip mo?” Huh? Dapat ko bang sabihin sa kanya?
Kung sabagay, nai-kwento ko na rin naman sa kanya eh. Then, nag-nod ako. Pero nakatuon
pa rin ang tingin ko dun sa food ko.
“Since alam ko na ang story behind this… gusto kitang tulungan.” Nagulat naman
ako at napatingin sa kanya.
“Tulong?” tanong ko naman. ”Ano namang tulong ang gagawin mo?” hindi ko kasi
maiisip kung paano niya ko tutulungan.
“Siguro nga di ko siya kilala pero minsan ko na siyang na-meet. At nung nakita
niya tayo, basang-basa ko sa itsura at reaction niya na nagseselos siya.”
Napataas ang kilay ko. Nagseselos? Si Francis? “Paano mo nasabi?”
“Siguro kayong girls hindi niyo maintindihan minsan ang mga lalaki…” hindi pa siya
tapos pero…
“Actually MADALAS.” …sinignitan ko siya.
“Okay madalas. Pero kaming mga lalaki, alam namin kung ano ang iniisip ng isa.
Nababasa namin kung special ang pagtingin niya sa isang girl.”
“Talaga.” Nice, additional information.
“Oo” tapos tumungo siya at ini-slice yung bacon niya. “And I know, mahal ka pa rin
nun.”
Ako mahal parin ni Francis?! Hindi ko alam kung paano mag-rereact. “Then, bakit ganoon
siya ka-cold sa akin.” Hindi ko kasi talaga ma-gets eh.
“Pride.” Tapos tumingin ulit siya sakin. “Ma-pride kasi kaming mga lalaki eh.
Nasasaktan na kami eh, away pa naming ipakita.”
Tapos natahimik ako at nag-isip. Iyon kaya ang dahilan kaya ganoon si Francis.
“Ano payag ka nang tulungan kita?” Naka-smile pa siya nangtodo-todo. “May plan na
nga ako eh.”
Chapter 11
PlanPlanPlanPlan
Eto kami ngayon sa loob ng Prince Restaurant. Nakareserved na ang buong resto para sa
date namin. At may isang specific na waiter na magse-served sa amin. Walang iba kung
hindi si Francis. Ang galing ni Odrel ano? Palibhasa anak ng may-ari, kaya lahat kontrolado
niya. Kaya naman ang awkward ng feeling ko ngayon. Nakaupo ako sa may table sa gitna
at nasa harap ko ang ka-date kong si Odrel, habang si Francis naman ay nakatayo lang sa
gilid namin at nag-aantay ng order.
Pero bago ang lahat, eto yung plano ni Odrel: ~Since marami na rin ang nakaka-alam na
boyfriend ko si Odrel, magde-date daw kami at ang napili naming lugar ay ang Prince.
Kailangan ay isang waiter lang ang magse-serve sa amin at sino pa nga ba ang target ng
plan na ito kundi si Francis. Aarte daw kami ni Odrel na sweet kami at pagseselosin si
Francis. Ewan ko kung paano, basta maki-ride na lang daw ako. And since kaming tatlo lang
sa loob, wala siyang lulusutan. Tapos ganoon lang, hanggang sa mapuno na siya at aminin
yung nararamdaman niya… sana.~ Ewan ko nga kung bakit ako pumayag eh. Gusto ko na
ngang umurong ngayon. Hay… kung pwede lang. Kaso eto na eh…
“Nagustuhan mo ba ang surprise ko?” sweet na tanong ni Odrel.
“Yeah… sure.” Oo gustong gusto ko… gustong gusto ko nang mag-backout!
“You look beautiful. Hindi ako nagsisisi at naging girlfriend kita.” Ha?! Ano na
naman ba yun? Anong isasagot ko? Pupurihin ko rin ba siya?
“Thanks.” Pinilit kong magsmile.
“Ikaw hindi ka ba nagsisisi at naging boyfriend mo ko?” What kind of question is
that? Ano ba naman itong si Odrel. Baka instead na magselos, magalit lalo si Francis kasi
akala niya pinariringgan ko siya.
“Hindi ka makasagot?” Tapos umarte pa siya na nagtatampo. Hmmf. Asar!!!
“I’m glad… that you are… my boyfriend.” Then nag-smile na siya. HAY!!!
Pinagpapawisan ako. Parang nasa hot seat ako ah. Hindi tuloy ako makatingin kay Francis…
di ko kaya. Ito kasing si Odrel, over ang acting eh.
“Gutom ka na siguro, kumain na tayo.” Tapos tumingin siya kay Francis saglit then
binalik na sa akin. “Anong gusto mo?”
“Bahala ka na.” pa-safe kong answer. Tapos tumingin siya sa akin ng malalim. Hindi galit
yung tingin niya, nangDIDIKTA. Natakot naman ako, ewan ko kung bakit, siguro kasi
kabado. “Uhmm, i-surprise mo na lang ako.” Tapos nagsmile ako ng pinaka-sweet kong
smile, although pilit. Hirap palang umarte na sweet, lalo sa harap ng ex-bf mo.
“Okay.” Tapos sinabi niya kay Francis yung order. Tapos si Francis naman ay naglakad na
palayo para kunin yung food na order namin. Saka lang ako lumingon at tiningnan siya
noong nakatalikod na siya.
“Rie, dapat sweet ka rin.” bulong niya sa akin.
“Ang pangit naman kasi ng mga lines mo eh. Obvious na nagpaparinig ka sa
kanya.” Bulong ko rin.
“Eh di ba yun naman talaga ang balak natin, ang paringgan siya para matauhan?”
depensa niya.
“Oo nga pero halatang halata eh, feeling ko nga napansin niya na uma-acting lang
tayo.” Depensa ko naman. At medyo napalakas yata yung voice ko.
“Shhh. Quiet.” Tapos nilapit niya yung ulo niya sa akin at bumulong ulit. “Ayusin mo kasi
yung acting mo, dapat realistic.”
Nilapit ko rin yung face ko sa kanya. “Yung lines mo kasi ang hindi realistic, hindi
naman ganun ang pinag-uusapan pag nagde-date.”
“Hindi naman pare-pareho ang pinaguusapan ng mga nagde-date eh.” Pinaglalaban
pa rin niya yung kanya. Hindi niya ba ko nage-gets?! Kainis.
“Ang sinasabi ko…” medyo lumakas ng konti yung boses ko, pero naputol yung sinasabi
ko…
“Excuse me ma’am, sir. Here’s your food.” Si Francis at yung tingin niya, cold pa rin as
usual. Then saka ko narealize yung position namin ni Odrel, pareho kaming naka-lean sa
table at magkalapit pa yung mukha namin. Baka akala niya…Waahh! Nakakahiya!
“Ano yung sinasabi mo?” biglang tanong ni Odrel. Naalala ko yung nabitin kong line, I’m
sure narinig yun ni Francis kaya kailangan kong ipagpatuloy.
“Ang sinasabi ko…” anong sasabihin ko? Alangan namang aminin ko yung totoo.
“Ang sinasabi ko…” tumango si Odrel na parang inaantay yung next kong sasabihin.
“…m-ma… m-masaya kong…i-ikaw ang kasama ko ngayon.” Tapos napangiti si
Odrel, mukhang nagulat din siya sa sinabi ko.
“Ahem.” Naalala ko si Francis na dala na yung food. Then inayos na namin ni Odrel yung
pagkaka-upo namin at nagsimula ng kumain.
Hindi nga ako makakain ng maayos, ngayong nasa harap ako ni Francis at narinig niya pa
yung sinabi ko kanina. Ano kaya ang iniisip niya?
“Eto oh…” tapos ino-offer ni Odrel yung fork niya na may nakatusok na small cut ng meat.
Nanlaki tuloy yung mata ko. Gusto niya bang isubo ko yun?! Sa harap ni Francis? NO WAY!
Nakakahiya! Kumunot yung kilay ko to show na ayaw ko nung idea niya.
“Please.” Tapos nag ‘I-beg-you’ look siya. Hay… for the sake of ACTING. Sinubo ko yung
inalok niya and I swear, nagba-blush ako sa hiya. Tapos nakita ko siya na tuwang tuwa.
Teka, pinaglalaruan ba ako nitong si Odrel?! Hindi ako papayag! Gaganti ako.
Kumuha rin ako ng piece of meat, pero hindi ko hiniwa. Hinayaan ko lang na malaki siya.
Yung tipong kailangan niyang ibuka ng malaking malaki yung mouth niya para lang maisubo
ito. Then siya naman yung inalok ko.
“Ito naman Rel.” halata kong nagulat siya dahit sa malaki yung meat na nasa fork ko.
Tapos nakatingin lang siya na parang nagtatanong kung bakit ganito yung inaalok ko.
“Please.” Ako naman yung nag-beg, tapos nagpa-cute pa ako. I’m sure hindi niya ko
tatanggihan. At tama nga ako, isinubo niya yung meat, ang tagal nga niyang nginuya iyon
at kita mo na punong puno yung bibig niya. Nakakatawa yung itsura niya, kaya nahihirapan
akong pigilan yung tawa ko.
Noong naubos na niya yung laman ng bibig niya, uminom siya ng tubig. “Bakit ka
tumatawa?” tinanong niya na parang wala lang sa kanya yung ginawa ko.
“Hindi naman ah.” Nag-deny pa ako, kahit obvious na natatawa pa rin ako hanggang
ngayon. Tapos nakita ko yung mata niya na tumingin sandali kay Francis. Naalala ko bigla
na may plano nga pala kami.
“Ang totoo, kaya ako natatawa kasi…” paano ba ko lulusot dito? “… kasi ang cute
mong tingnan habang kumakain.” Ang galing ko noh? Well, partly true. Ang cute niyang
tingnan kanina. Pero hindi talaga yun ang dahilan. Pero lusot na rin yon.
Tapos biglang nag-lean si Odrel sa table at hinawakan niya yung right cheek ko. Nakatingin
siya sa eyes ko at serious siya. “Gusto ko ring pinapanood ka habang kumakain.”
Bigla na naman akong namula, ito na naman yung kakaibang feeling. “Cute ka rin kasing
tingnan.” Tapos ngumiti siya at bumalik na sa seat niya.
Bakit feeling ko may mga sinasabi siya na seryoso siya? Naguguluhan na ako. Hindi ko na
alam kung part pa rin ba to ng pag-arte namin o kung isa lang sa mga biro niya o… totoo na
ba.
Biglang naging tahimik. Hindi nagsasalita si Odrel at patuloy lang sa pagkain. Si Francis
naman ay nakatayo lang sa tabi ng table namin at kanina pa tahimik. Ang awkward na
naman ng feeling. Ba’t ba walang nagsasalita? Ayoko ng ganito, ako na lang ang
magsisimula. Pero ano naman ang sasabihin ko? Hay… Bahala na nga… Binaba ko yung
kamay ko sa table at huminga ng malalim.
“…” wala pa akong nasasabi nang biglang ipinatong ni Odrel yung hand niya sa hand ko na
nakarest sa table. At nasa harap pa ni Francis yun kaya sure akong nakita niya.
Nagulat ako at nakita ko rin na nagulat si Francis pero sandali lang at naging blank na
naman yung expression niya. Biglang humigpit yung hawak ni Odrel sa kamay ko.
“Gusto kong marinig galing sayo…” seryoso na naman yung mukha niya. “… do you
love me?”
Nagulat ako sa tanong niya. Do I love him? Mahal ko ba siya? Anong isasagot ko? Ano na
naman bang pumasok sa isip ni Odrel at nagtanong na naman ng kung ano? Tiningnan ko
siya at nakatingin siya sa akin ng seryoso. Nag-aantay siya ng sagot ko. Pero, hindi ako
makasagot. Hindi ko alam ang isasagot!
Napansin kong may gumalaw sa gilid, si Francis. Teka, part ba ito ng acting namin? Kung
part nga, anong dapat kong isagot? Plano namin ang pag-selosin si Francis so dapat ‘I love
you’ ang isagot ko. Pero hindi ko alam kung makabubuti ba talaga yun. Paano kung lalo
niya kong layuan?
“I…” Susundin ko ba kung ano ang nasa plano? “…I…” O susundin ko kung ano ang
makabubuti? “…I…” O susundin ko kung ano ang totoo. “…uh.” Pero ano ba ang totoo?!
Naguguluhan na ako, gulong gulo na ako.
Do I love him?
“Bullsh*t.” Pareho kaming napatingin kay Francis. Tapos hinagis niya yung tray na hawak
niya sa may bakanteng table. Tumalikod siya na parang lalabas na pero tumigil siya saglit.
“Tapos na ba ang palabas ninyo?” Nagulat kami ni Odrel, ibig sabihin alam niya na
palabas lang ito lahat. “Kung ano man ang plano ninyo, hindi ako tanga para hindi
yun mapansin. This is so pathetic.” Then nagsimula na siyang maglakad.
“Zace!” Tinawag ko siya para sana mag-explain pero di siya lumilingon.
“Francis!” si Odrel naman ang tumawag “Francis Alvarez!” bigla siyang tumigil.
“Wala akong pakialam kung tanggalin mo ko sa trabaho.” Tapos humarap siya at
tumingin sa akin. “Maganda nga iyon eh, para hindi na ulit tayo magkita.” At tuluyan
na siyang lumabas.
Bigla na lang akong niyakap ni Odrel at hinimas yung likod ko na parang ikino-comfort ako.
Noon ko lang napansin na tumutulo na pala ang mga luha ko.
Chapter 12
Your Guardian AngelYour Guardian AngelYour Guardian AngelYour Guardian Angel
MOVE ON. Masyado siguro akong napagod kagabi, ang dami kasing nagyari eh.
*flashback
“Maganda nga iyon eh, para hindi na ulit tayo magkita.”
Kung nakapag-explain lang ako, eh di sana… Hay! Ewan! Ang aga pa, wala pa ko sa mood
bumangon. Anong oras na ba? Tumingin ako sa may wall cock.
WHAT!?! 1:05 pm? Mali yata yung sabi kong ma-aga pa. Tanghali na pala, or should I say
hapon na pala. Mas tama nga yon, hapon na. Grabe, nakakahiya naman tulog mantika ako
eh. Sigh. I’m really really hungry tuloy. Dalawang lunch yung na-skipped ko eh.
Pagkabangon ko, napansin ko kaagad yung card dun sa side table ko na may nakasulat na
name ko. Binasa ko yung laman.
Rie,
Later kakausapin ka ni Phemia. Just follow her, okay. Don’t worry akong bahala sayo. See
you nalang mamaya. Take care. Love you.
Your one and only, Odrel
Ano na namang pakana nitong si Odrel? Teka, sino pala si Phemia? Ano ba ipapagawa niya?
Ba’t ko naman siya susundin? Teka may nakalagay pa pala sa baba…
P.S. Follow her, okay. Follow her.
Hanggang sa sulat ang kulit pa rin talaga ni Odrel eh. Ano kayang plano nito? Bahala na
nga…
Tapos kumain na ako, ang dami nga ng kinain ko eh. Kahiya tuloy, eh ano magagawa ko,
gutom ako eh. Tapos ay nag-ikot uli ako dito, pero siyempre may iniiwasan pa rin ako.
Iniiwasan kong pumunta sa Prince o mapalapit lang dun. Baka kasi makita ko pa si you-
know-who. Katamad nga eh, ang dami ko pang di napupuntahan dito pero parang
napapagod lang naman ako. Hindi naman ako nag-eenjoy kaya bumalik nalang ako sa
hotel, gabi na rin naman. Pagpasok ko palang…
“Miss Erie Villanueva.” Bungad sa akin ng isang babae na medyo matanda na. She looks
familiar. Wait! I know! Sa kanya ko narinig yung pangalan ni Odrel nung bagong dating ako
dito.
“Kanina ko pa kayo hinahanap.” Teka ako? Bakit? Sino ba siya? Katakot naman siya,
parang principal eh.
“Uhmm… Ako po?” toinks… Erie Villanueva nga eh, sino pa ba? “I mean, bakit po?”
Hindi niya ako sinagot, tapos ay hinila nalang ako nung dalawang babae na kasama niya.
Inayusan nila ako, I mean make-over ba. Tapos may pinasuot silang magandang dress sa
akin. Nagsalamin ako para tingnan yung itsura ko. And yes, I like the style. And a big YES, I
like my looks. Pero ano ba ang meron?
Tapos humarap ako dun sa babae na medyo ma-edad na. Tiningnan niya ako, from head to
foot. Tapos nag-smile siya. “Sumunod ka sa akin.”
Medyo na-iinis na ako ha. Sana manlamang sinasabi niya kung anong meron diba. Para
hindi naman ako dito mukhang naliligaw na bata. Pero dahil sa nakakatakot siya,
napasunod na lang ako. Naglakad kami, tapos sumakay sa elevator. Ang tahimik nga eh.
“Would you mind, if I ask…” tumingin siya sa akin, kakatakot talaga, para talaga siyang
principal sa school. “…saan ba tayo pupunta?” hindi siya sumagot.
Ano bang problema kung malaman ko kung anong meron at kung saan kami pupunta.
Kainis na ha! Tapos lumabas siya ng elevator at lumabas din ako. Papasok na siya dun sa
may pinto…
“I’m not coming!” tapos tumingin siya sa akin. “If you won’t tell me what is this all
about, then hindi ako sasama sa iyo! Babalik na ako.” And I’m serious.
“Hindi ba sinabi sayo ni young master?” nagtataka niyang sinabi.
“Si Odrel?” nagtaka rin ako, tapos naalala ko yung sulat ni Odrel. ‘Follow her, okay. Follow
her.’
“Don’t tell me na you are Phemia?” sabi ko habang naka-point pa yung index finger sa
kanya. Nag-nod siya.
“I’m Phemia Madrigal, the manager of this hotel. At ako rin ang inutusan ni young
master na maghatid sa inyo.” Oopps. Okay, sabi ko nga eh, susunod na ako.
“Uhmm, okay… po.” Tapos ay sumunod na lang ulit ako sa kanya. Maya maya tumigil siya
at nag-give way sa akin dun sa may door. Tapos nag-paalam na siya.
Pag-bukas ko naman sa pinto, namangha talaga ako. Nasa rooftop na ako! Tapos ang
daming flowers at may mga candles pa. Tapos naglakad ako at sinundan ko yung path. Ang
tahimik dito sa taas. Then sa gitna ay may table na may dalawang seat. Napa-smile naman
ako. Dinner date sa rooftop, sa ilalim ng stars, sa palibot ng flowers and candles… sweet!
Hindi ko alam kung paano i-explain, pero ang cute. At oo, aaminin ko… kinikilig ako. Ang
sweet niya naman kasi eh. Teka, speaking of ‘him’, nasaan na ba si Odrel?
Tapos biglang may tumugtog. I know that song ah… Your Guardian Angel. Tapos lumingon
ako sa likod ko at nakita ko si Odrel. Nakatayo siya sa likod ko, medyo malayo sa akin.
Naka-suot siya ng long sleeves shirt, at may nakapatong na black na parang vest. Simple
but, ayoko mang aminin sa sarili ko, he’s so handsome. Tapos may dala siyang guitar, at
siya yung tumutugtog.
Chapter 13
Closer Closer Closer Closer You And IYou And IYou And IYou And I
Nakatingin siya sa akin at parang may gustong sabihin. Then nagsimula na siyang
kumanta…
When I see your smile, tears run down my face
I can’t replace, and now that I’m stronger I’ve figured out
How this world turns cold and it breaks through my soul
And I know I’ll find deep inside me, I can be the one
I will never let you fall, I’ll stand up with you forever
I’ll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven
It’s okay, it’s okay, it’s okay
Seasons are changing and waves are crashing
And stars are falling all for us
Days grow longer and nights grow shorter
I can show you I’ll be the one
I will never let you fall, I’ll stand up with you forever
I’ll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven
Cause you’re my, you’re my, my
My true love, my whole heart, please don’t throw that away
Cause I’m here for you, please don’t walk away
And please tell me, you’ll stay, stay
Use me as you will, pull my strings just for a thrill
And I know I’ll be okay, though the stars are turning gray
I will never let you fall, I’ll stand up with you forever
I’ll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven
I will never let you fall, I’ll stand up with you forever
I’ll be there for you through it all
Even if saving you sends me to heaven
After niyang kumanta, nagsmile siya sa akin. Kakaiba yung feeling ko, parang yung song na
yun eh, sinasabi niya talaga para sa akin.
“The song speaks for me. I will never let you fall~. Tandaan mo Rie, hinding hindi
kita pababayaan. I you feel like hindi mo na kaya, then andito ako… kakayanin ko
para sa iyo.
I’ll stand up with you forever~. I will always be here beside you. If you need a
shoulder, naka-reserved na yung akin para sa iyo. Kung kailangan mo ng kakampi,
naka-ready lang ako dito.
I’ll be there for you through it all, even if saving you sends me to heaven~. Lahat
Rie, lahat. I’ll do everything para mapasaya ka. Okay lang kung masaktan ako, but
not you.”
“Isa lang talaga. Just one. Please tell me, you’ll stay.”
Seryoso siya habang sinasabi niya yun, at nakikita ko ang sincerity sa eyes niya.
“Sorry dun sa nangyari kahapon ha. Instead na matulungan kita, lalo pang
lumala.”
Umiling naman ako. “Wala ka namang kasalanan eh, dapat nga mag-thank you pa
ako sayo eh kasi, tinutulungan mo ko.”
“Thank you? Eh wala naman akong nagawa eh.” Nag-smile ako sa kanya. Hindi Odrel,
marami ka nang nagawa para sa akin.
“Basta, thanks. Kalimutan na lang natin yung kahapon.”
“Okay.” Nag-smile din siya. Tapos ay pina-upo niya ako sa chair, ang gentleman nga eh.
Hindi muna siya naupo tapos, kinantahan ulit ako. Closer You And I naman ngayon.
Hey, there's a look in your eyes
Must be love at first sight
You were just part of a dream
Nothing more so it seemed
But my love couldn't wait much longer
Just can't forget the picture of your smile
'Coz everytime I close my eyes
You come alive
The closer I get to touching you
The closer I get to loving you
Give it a time Just a little more time
We'll be together You and I
Unlike nung unang song, naka-smile na si Odrel ngayon. Tapos nakatingin pa kami sa isa’t
isa, di ko tuloy mapigilang mag-smile din. Ewan ko nga kung anong feeling to eh. Ang gaan
ng pakiramdam ko, parang walang problema. Basta masaya ko ngayon. Kailan ko ba
naramdaman yung ganitong feeling? Tama, nung kasama ko si Odrel na mamasyal. Ganito
rin yung nararamdaman ko.
Then could I love you more
So much stronger than before
Why does it seem like a dream
So much more so it seems
I guess I found my inspiration
With just one smile, you take my breath away
So hold me close And say you'll stay with me now
The closer I get to touching you
The closer I get to loving you
Give it a time Just a little more time
We'll be together
Every little smile That special smile
The twinkle in your eye In a little while
Give it a time Just a little more time
So we can get closer You and I
After nung song, bigla niyang sinabi, “Narinig mo yung sabi sa kanta, Say you’ll stay
with me now.” Then lumapit na siya dun sa table namin.
“Rel, sa totoo lang ang galing mong kumanta.”
“Hindi ako magaling kumanta…” sabi niya habang ibinababa yung guitar niya, tapos ay
naupo na siya sa may tapat ko. “… puno lang talaga ng feelings ko for you yung
song.” Lalo akong napa-smile.
“Ang galing mo talaga sa mga ganito noh.”
“I know magaling ako, pero saan? madami kasi eh.” At nagyabang pa.
“Sa pambo-bola ng girls.”
“If that’s what you think, wala na kong magagawa. Pero tandaan mo, lahat ng
sinasabi ko sayo… totoo.”
“You know what? Ang cheesy mo.” Tapos tumawa ako.
“Oo na, cheesy na. Kumain na nga tayo.” Tapos nagsimula na kaming kumain.
“By the way…” napatingin ako sa kanya, na nakatingin sa akin ng seryoso.
“…you look beautiful… as always.” Napangiti naman ako nun.
“Ikaw din…” nag-smile rin siya.“… you look handsome…” sasabihin ko sana ‘tonight’
pero inunahan ako…
“I know.” Ang kulit talaga ni Odrel. Natawa na lang ako at natawa rin siya.
Ini-enjoy lang namin ang gabing iyon. At okay na ulit ang feeling ko. Ba’t ba ngayon ko lang
narealize, kapag kasama ko si Odrel, lagi akong masaya at parang walang problema.
Chapter 14
SorrySorrySorrySorry
Normal lang ang sumunod na araw. Ganoon pa rin ang naging routine ko. Pagkagising ko,
kumain ako sa Thousand Sunny Resto, tapos pumunta ako sa mga lugar na di ko pa
napupuntahan. Kailangan kong sulitin itong bakasyon ko eh. Ganoon pa rin pero ang naiba
lang, wala si Odrel para samahan ako. Di ko siya makita eh. Nagtanong ako dun sa ibang
tauhan dito sa island pero ang sagot nila parati eh; “Sorry ma’am, di ko po napansin eh.”
Nung si Phemia naman ang tinanong ko ang sagot niya eh; “Baka busy po si Young master.”
Habang naglalakad-lakad ako, may nakasalubong akong familiar na tao.
“Hi Erie.” Bati sa akin ni Mycel.
“Hello.”
“Saan ka pupunta?”
“Ewan, kung saan na lang ako dalhin ng paa ko. Naggagala-gala lang naman ako
eh. Ikaw?”
Ngumiti siya, ba’t parang kakaiba yung ngiti niya. Hindi ko ma-explain pero iba? “Gaya mo
lang din, naggagala lang. Is it okay if I join you?”
“Sure.” Okay na rin ito, at least may kasama ko. Habang naglalakad kami ay
nagkukwentuhan kami.
“Teka ngayon na lang ulit tayo nagkita ah. Saan ka ba nag-stay? Umalis ka ba ng
island?” I just wonder why, kaya natanong ko siya.
“Hindi ako umalis. Actually nakikita nga kita parati eh, kasama mo palagi si
Odrel.” Naalala ko bigla yung sinabi niya sa akin sa mag-ingat ako kay Odrel. Bakit kaya?
Sa tingin ko naman mabuting tao si Odrel.
“Mycel kung hindi mo mamasamain, tanong ko lang… may something ba sa inyo ni
Odrel?” nagulat naman siya sa tanong ko at napatigil sa paglalakad. Tapos naging
malungkot siya.
“Siguro dapat ko na talagang sabihin sayo ang totoo.” Totoo? Anong totoo?
“Naging girlfriend ako ni Odrel.” Tapos parang naiiyak na siya.
“Naging kayo?” nagulat naman ako. Naging sila pala ni Odrel.
“At isa ako sa mga babaeng niloko niya.” Nilokong mga babae?
“What do you mean?” tapos hindi na niya napigilang lumuha.
“Naglalaro lang si Odrel. Gagamitin ka lang niya at pag nagsawa na siya sayo,
papalitan ka na niya. Akala mo seryoso siya, pero hindi lang ikaw ang babae niya.”
Napailing ako. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Mycel. Ganoong klaseng tao ba talaga si
Odrel.
“You mean, totoo talagang playboy siya?” bakit hindi ko matanggap.
“Oo at isa ako sa patunay.” Umiyak na siya ng tuluyan. “I’m sorry Erie.” Tapos
tumakbo siya papalayo. Ako naman ay naiwan mag-isa at hindi parin makapaniwala.
Nandito na naman ako sa may tabing dagat at nakaupo sa batuhan. Inabot na ako ng gabi,
sa kaiisip.
Marami nang babae na naloko si Odrel at isa na sa kanila si Mycel. Kaya pala parang kilala
na niya si Odrel. Kaya niya pala ako pinag-iingat, para hindi na mangyari sa akin ang
nagyari sa kanya. Bakit kaya ganoon? Matagal ko nang hinusgahan si Odrel na playboy siya,
at okay lang sa akin iyon. Pero bakit ngayong nalaman ko na ang totoo, hindi ko na
matanggap?
More than a week na ako dito sa island at more than a week ko na ring kasama si Odrel.
Ginagamit niya lang ba ako? Pinaglalaruan niya lang ba ako? Bakit kaya kahit nasa harap ko
na ang katotohanan, may malaking part pa rin sa sarili ko na naniniwala sa kanya? Siguro
dahil iba ang pagkakakilala ko sa kanya. Tama! Hindi ako maniniwala hanggang hindi ako
mismo ang nakakakita.
“Erie.” teka parang boses ni Francis yun ah. Lumingon ako at nagulat ng makita ko si
Francis na nakatayo doon sa likod ko.
“Za-…I mean, Francis.”
“Pwede tumabi?” kinaki-usap na niya ako? At tatabi pa sa akin? Sa sobrang gulat ko,
hindi na ako nakapagsalita at napa-nod na lang. Then umupo siya sa tabi ko.
Ano bang nangyayari? Kanina si Mycel at Odrel, ngayon si Francis naman. Bumaliktad na ba
ang ikot ng earth?
“I’m sorry.” Napatingin ako kay Francis pero nakayuko lang siya. “Sorry sa mga
nangyari.” Teka ibig sabihin ba nito nakikipagbati na siya? Nakakagulat talaga si Francis
ngayon.
“Gusto kong mag-explain sayo.” Since di ako makapagsalita, nakinig lang ako sa kanya.
“Noong nakipag-break ka sakin, sumama talaga ang loob ko. Sinubukan kong
mag-move on, kaya nga hindi kita pinapansin kapag nagkikita tayo sa mga
reunions eh. Pero hindi ko kaya eh. Yung nandiyan ka lang pero hindi kita
malapitan, ang hirap. Kaya nagdecide ako na huwag na lang umattend para hindi
na tayo nagkikita. Pero hindi pa rin effective eh. Kung ano-ano na nga ang
kalokohang ginawa ko, malimutan lang kita. Kaya nga pinarusahan ako ng dad ko
na magwork dito. Tapos nagulat ako nung makita kita dito, at sa sobrang tagal na
hindi kita nakita, gustong gusto kitang yakapin. But dumating si Odrel at nalaman
kong boyfriend mo na pala siya. Nasaktan ako ng malaman ko iyon. Mahal pa rin
kita eh. Kaya nga ipinagpatuloy ko na lang ang pag-iwas sa iyo. At tuwing nakikita
ko kayong magkasama nagseselos ako.” Then humarap na siya sa akin.
“Sorry kung nasaktan kita, sorry sa pag-treat ko sayo ng mali, sorry talaga.”
Sincere siya sa sorry niya. Ngayon ko lang naintindihan ang lahat. Ginagawa niya pala yun
dahil hindi niya ako malimutan, dahil mahal niya pa rin ako. At hindi lang pala ako ang
nasasaktan, pati siya. At hindi niya alam na…
“Hindi ko naman talaga boyfriend si Odrel eh, magkaibigan lang kami.” Teka bakit
parang hindi siya nagulat. Tumungo siya.
“Kaya nga dapat lalo akong humingi ng tawad eh, nagkamali ako.” Hinawakan ko
siya sa balikat at muli siyang tumingin sa akin.
“Hindi lang naman ikaw ang nagkamali eh, kahit ako nagkamali rin. Ang totoo,
kahit ako hindi pa rin nakakapagmove-on. Hindi dapat ako nakipag-break sayo
dahil lang sa napakababaw kong dahilan. Sorry din.” Tapos nagsmile ako sa kanya.
“Ako ba mapagbibigyan mo rin?” Biglang nagliwanag ang mukha niya, nagets niya ako .
“Thank you, Erie. Thank you talaga.” Then ini-hug niya ako at ini-hug ko rin siya. At
last, bati na ulit kami ni Zace.
“So, pwede na ulit kitang tawaging Zace?”
“Wala namang nagsabing bawal eh.” Oo nga eh, ako lang naman ang nagbawal sa sarili
ko eh. Nag-smile siya at napansin ko na may pasa siya malapit sa bibig niya.
“Teka, napaano yan? Bakit may pasa ka sa mukha?” sabi ko nakahawak ako sa face
niya.
“Wala lang to, napaaway lang kanina. Hindi naman malala.”
“Kahit na. Next time, wag ka nang makikipag-away.” Nasermonan ko pa tuloy. Pero
nginitian niya lang ako.
“Teka, does it mean… tayo na ulit?” Ha? Kami na ulit? Umm sabagay, di ba yun naman
talaga ang plano ko sa simula pa lang, maging kami ulit. Nag-nod ako.
“YES!” tapos ini-hug niya ulit ako, this time mas mahigpit. “I love you, Erie”
“I love you too, Zace” Ramdam na ramdam ko na masayang masaya si Zace at masaya
rin ako. Pero bakit kaya feeling ko may kulang pa rin.
Chapter 15
You Can GoYou Can GoYou Can GoYou Can Go
Kagabi nagka-usap kami ni Francis, at nagkabati na kami. In fact, kami na nga ulit eh.
Kanina nga magkasama kaming kumain, tapos sinamahan niya rin akong mamasyal.
Bumalik na yung dati naming pakikitungo sa isa’t isa. Masaya ako at kasama ko na siya.
Pero ewan ko ba kung bakit hindi ko masabing masayang masaya ako.
Since may trabaho pa si Zace, naiwan muna ulit ako mag-isa. Naalala ko na naman yung
sinabi ni Mycel, hindi talaga ako makapaniwala. Not that I’m saying na liar siya ha. Parang
feeling ko lang kasi eh hindi naman gagawin sa akin yun ni Odrel.
Pero what if… what if, malaman kong totoo yun. Anong gagawin ko? Lalayuan ko ba siya?
Wait, wait, wait. Ba’t naman ako lalayo, ba’t ba kailangang affected ako? Ano naman kung
totoo nga, eh wala namang namamagitan sa amin. At hindi rin ako masasaktan, wala
naman akong feelings for him eh. Wala nga… sana…
Papasok na sana ako sa room ko nang marinig ko si Phemia na may kausap na isang lalaki
na naka-uniform na pang waiter. If I’m not mistaken, uniform iyon dun sa club na
napasukan ko na minsan.
“Ano ba ang nangyari?” tanong ni Phemia.
“Pinigilan lang po namin si sir Odrel.” Sagot naman ng lalaki. “Kasi po kanina pa po
siya umiinom. Eh mukhang napapadami na po. Kaya po naki-alam na po kami.
Kaso po nung una ayaw papigil, pero wala naman pong nagawa. Kaya nagkalat na
lang po siya ng konti tapos umalis na.”
Umiinom pala si Odrel na alak. Bakit kaya? May problema ba siya?
“Tama lang pinigilan niyo siya.” Sagot naman ni Phemia then she sighed. “Ano bang
nangyayari kay young master? Kahapon nakipag-suntukan, ngayon naman
naglasing. Mabuti pa siguro tumawag na ako kay Miss Howell.” Teka nakipag-
suntukan si Odrel?!
Medyo nag-aalala ako kay Odrel. Nagulat ako na umiinom pala siya at nakikipag-away.
Talaga bang hindi ko pa siya kilala? Pero baka may problema lang talaga siya.
Kaya naman pinuntahan ko siya sa room niya. Hindi na ako kumatok kasi feeling ko hindi
niya lang ako pagbubuksan. Pagpasok ko nakita ko siyang naka-upo sa may sofa, hindi na
siya mukhang lasing at mukhang kontrolado niya na ang sarili niya. Alam kong napansin
niya akong pumasok pero hindi niya ako tinitingnan.
“Anong nangyari sayo, ba’t ka naglasing?” nilapitan ko siya.
“Bakit, nag-aalala ka ba?” medyo sarcastic yung sagot niya. Kainis ha. Bakit, hindi ba ko
pwedeng magtanong? Sige, pagpapasensyahan ko lang muna.
“Ano ba kasing na-isipan mo, narinig ko nakipag-away ka pa daw?” nasa harap ko
na siya ngayon. Tumingin siya sa akin. Bigla siyang tumayo at hinarap ako.
“Nagpapa-pansin lang ako sayo.” Seryoso yung tingin niya sa akin, bigla tuloy akong
kinabahan.
“H-ha?” Lumapit siya sa akin and I think ilang inches na lang ang pagitan namin. Napa-
urong tuloy ako.
“Gusto kong makuha ang attention mo. Gusto kong mag-alala ka sa akin.” Paurong
lang ako ng paurong habang siya ay pa-forward naman sa akin.
“Uhm… Rel…” Ano bang balak niya?! Lalo akong kinabahan at bumibilis pa ang tibok ng
puso ko.
“Gusto kong malaman kung anong mararamdaman mo.” Tuloy pa rin siya sa paglapit
sa akin at ako ay tuloy sa pag-urong pero… Oops!
Nakasandal na ako sa pader. Dead end na! Pero papalapit pa rin siya ng papalapit at
ngayon ay inches na lang ulit ang pagitan namin.
“Tell me, ano ba ang nararamdaman mo ngayon?” Wala na akong takas. Bakit ba kasi
nagkakaganito siya ngayon?
Ang lalim ng mga tingin niya sa akin. Para bang gusto niyang basahin ang nasa loob ko.
Nanghihina ako sa mga tingin niyang iyon. Ii-iwas ko sana yung tingin ko pero bigla niyang
itinuon yung dalawa niyang kamay sa pader. TRAP. This time wala na talaga akong kawala.
Gusto kong tumungo pero hindi ko magawa, parang naka-lock na yung tingin ko sa mga
mata niya.
Dugdug.Dugdug.Dugdug.
“Mahal kita Erie. Mahal na mahal.” Lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko, ang lakas.
“Ginawa ko na ang lahat. Kulang pa rin ba iyon sayo.” Parang defeated na yung tono
ng voice niya. “Hindi pa ba yun sapat para patunayang mahal talaga kita? Ba’t ba
ayaw mo kong paniwalaan? Ano pa bang gusto mo?”
Gusto kong maniwala Odrel. Pinipilit ko. Pero… pero…
“Hindi ko na alam ang gagawin ko.” medyo tumaas na ang boses niya “Sobrang
nasasaktan na ako.” Lalo pa siyang lumapit sa akin.
“Mahal kita. At alam ko… nararamdaman ko, na kahit konti ay may nararamdaman
ka rin para sa akin. Alam kong mahal mo si Francis. Pero, kahit katiting ay may
halaga rin naman ako sa iyo di ba?”
“Odrel…” wala akong masabi sa kanya.
“O… mali lang ako ng akala. Wala ba talaga akong halaga sa iyo?”
“That’s not it.” ngayon ay nai-iwas ko na ang tingin ko sa kanya.
Hindi mo lang kasi alam… naguguluhan na nga ako eh. Kahit ako hindi ko na rin alam. Ano
ba ang paniniwalaan ko?
“Kung ganun, gusto kong marinig…” muli akong napatingin sa kanya. “… sabihin mo.
Sabihin mong mahalaga rin ako.”
“Sabihin mo na gusto mong nasa tabi mo ko!” medyo aggressive na ang tono ng voice
niya.
Ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya? Mahal ko na nga ba si Odrel? Eh si
Francis? Gulong-gulo na talaga ako. Hindi ko na talaga alam. Naguguluhan nga ba ako o
natatakot lang ako? Natatakot na tanggapin ang totoo, dahil baka masaktan ako. Siguro
nga, ayaw kong masaktan.
Hindi ako makasagot sa kanya at siya ay mukhang nagaantay ng sasabihin ko. Kaya
nagulat ako nang medyo lumayo siya at sumigaw.
“I don’t get it! Ano ba ang dapat kong gawin para sabihin mo iyon… sabihin mo
lang!” nakita ko na naman yung pain and sadness sa eyes niya na nakita ko dati.
“Dahil ba naniniwala ka pa rin na playboy ako?! Na pinaglalaruan lang kita? Wala
ka bang tiwala sa akin.” Nagulat naman ako.
“H-hindi sa ganoon…” Tiwala… sa kanya.
“Then why?” nag-pause siya sandali “Mahirap ba para sayo ang sabihin iyon?”
Umiling siya at tumalikod sa akin. Ako naman ay hindi pa rin umaalis sa pwesto ko.
Then lumapit siya sa may bintana at tumingin sa labas. Tahimik lang kami parehas. Tapos
bigla siyang nagsalita at bigla rin akong natauhan.
“If you don’t want to stay…… you can go.” What does he mean? Pinapaalis niya na ba
ako? Siguro nga ganoon.
Then nagsimula na akong maglakad papuntang pintuan. Bakit ganito ang nararamdaman
ko? Bigla akong nakaramdam ng sakit. At bawat step ko papalayo sa kanya, lalong tumitindi
yung sakit. At noong nasa labas na ako ng room niya, tears begin to fall down my face.
Chapter 16
Elaine HowellElaine HowellElaine HowellElaine Howell
Ano na kaya ang mangyayari ngayon? Galit kaya siya sa akin? Malamang oo. Para kasing
ni-reject ko siya kahapon eh. Pero matatawag bang rejection iyon, if di ko naman sure kung
totoo yung pagtatapat niya?
*flashback
“Wala ka bang tiwala sa akin?”
Tiwala? Nagtitiwala ako kay Odrel, pero nagtitiwala rin ako kay Mycel. Pareho silang naging
mabait sa akin, kaya naman di ko alam kung sino ang paniniwalaan.
TUGGG! Oops!
“Sorry.” May nadali akong babae. Pero mukhang okay lang siya at di naman nasaktan.
Umm… Maganda siya ha, at elegante kung tingnan. Mukhang mayaman.
“No, it’s okay.” ngumiti pa siya sa akin. Mukhang mabait din. Tapos ay pumasok na siya
sa loob ng hotel.
“Ayos ka lang ba Erie?” tanong sakin ni Francis. “Kanina pa kasi mukhang malalim
ang iniisip mo eh, tapos may nadali ka pang babae. May problema ba?”
“Ah, wala may iniisip lang ako. Di naman masyadong mahalaga.” Hindi ko naman
pwedeng sabihin kay Francis eh.
“Sure ka? Oh, paano uuna na ako, may trabaho pa ko eh.” Nginitian ko siya tapos ay
hinalikan naman niya ako sa cheeks. Tapos ay nag-bye na siya.
Papasok na sana ako sa loob ng hotel ng may tumawag sa akin. Paglingon ko, si Mycel pala.
“Oh, Mycel.” Hay, di pa ko ready na makausap siya. Sa dami ng nalaman ko, ayaw ko
nang madagdagan pa ang iniisip ko.
“Erie, sorry nung isang araw ha. Noong basta na lang ako umalis. Di ko na kasi
kinaya eh.” Kung alam niya lang, di ko rin yun kinaya.
“Okay lang, kalimutan na lang natin iyon.” Tapos napatingin siya sa akin na parang
sinasabing ‘di dapat kalimutan iyon’. At iba ang isinagot niya sakin.
“Gusto lang kitang babalaan.” Naging serious siya. “Hindi ko alam kung gaano ka na
kalapit kay Odrel, pero sa tingin ko dito na natatapos ang lahat sa inyo.” Napakunot
ang kilay ko.
“What? Sorry pero, hindi ko na-gets…” anong dito na natatapos?
“Bumalik na siya.” Seryoso talaga siya.
“Who?” Sinong bumalik?
“Si Elaine, si Elaine Howell. Ang girlfriend ni-” sinong Elaine?
“Mycel?” naputol yung sinasabi ni Mycel. Paglingon namin sa likod…
“Odrel…” si Odrel pala at may kasama siyang babae, yung nabunggo ko kanina.
“Odrel.” Nagulat si Mycel, tapos bigla nalang siyang… nagwalk-out?! Bakit?!
“Teka, kakilala mo si Odrel at si Mycel?” tanong nung babae.
“H-ha?” teka ako ba ang kausap niya. Siguro nga ako, ako lang naman yung kaharap nila
eh. “Ah, oo.” Napatingin ako kay Odrel. Sinusundan niya ng tingin si Mycel, mukhang
magkakilala nga sila. Does it mean, totoo yung nangyari sa kanila?
Biglang bumaling si Odrel ng tingin sa akin at nagulat ako, kaya ini-iwas ko yung tingin ko
sa kanya. Hindi dahil sa nahihiya ako, kundi dahil sa napakalamig ng tingin niya sa akin.
Dahil ba yon sa nangyari kahapon?
“Odrel…” tinapik siya nung babae sa kanyang braso. Mukhang close sila ah. Sino ba kasi
siya? Kaano-ano siya ni Odrel, kapatid?
“Siya nga pala si Erie Villanueva…” oh, pinakilala niya ako. Nagsmile naman ako dun sa
girl. “… business partners ang family namin.” Ha? Ano yun? Oo nga, business partners
nga ang family namin, pero sana ini-introduce man lang niya ako bilang friend. Psshhhh.
Ano ba yan! Para yun lang, naiinis na ako. Eeeehhhh.
“Ah, ikaw pala si Erie. Finally, na-meet na rin kita.” Tapos nakipag-shake hands siya
sa akin. Teka, anong ibig niyang sabihin? Kilala niya ba ako?
“Erie…” Erie na ang tawag niya sakin, siguro nagalit na siya sakin. “… siya naman si
Elaine Howell.” Elaine Howell? Yung sinasabi ni Mycel? “Galing siya sa America at
kadarating lang niya ngayon.” Napatingin naman ako kay Elaine. Nagsmile siya.
“Bumalik lang ako para makasama si Odrel, miss ko na siya eh.” So, hindi siya
kapatid ni Odrel. Then… “By the way, I’m Odrel’s girlfriend.”
GIRLFRIEND? O_o Nag-smile ako, pero wala sa loob ko.
“Elaine, let’s go.”
“Ah, sige Erie. We need to go, na. Bye.”
“Sige…” habang papalayo sila, unti-unti ring nagfa-fade yung smile ko.
5…
4…
3…
2…
1…
CLEAR. Ngayon ay naiintindihan ko na. Nag-sink sa utak ko lahat nang tanong ko dati. At
iyon ang sagot. Si Elaine Howell ang sumasagot sa lahat.
Naging girlfriend ni Mycel si Odrel. Pero pinaglalaruan lang pala siya ni Odrel. Dahil may
girlfriend siyang totoo, si Elaine yun. Nasaktan si Mycel at ayaw na niyang mangyari sa iba
ang nangyari sa kanya. Kaya naman pinayuhan niya ako, at DAPAT naniwala ako.
By accident nakilala ako ni Odrel, siguro na-type-an niya ako kaya lagi niya akong
sinasamahan at kinukulet. Kung ano-ano ang sinabi niya sa akin, puro pambobola. Kung
ano-ano ang ginawa niya para sa akin, para lang makuha ang loob ko. Pero lahat yun, part
lang ng paggu-good-time niya. Gusto lang niya ng paglilibangan.
Pero dumating na si Elaine. Ang tunay na girlfriend ni Odrel. Ang tunay niyang mahal.
Naiintindihan ko na yung sinabi niya…
*flashback
“Wala siya sa akin eh. Di ko naman siya pwedeng pigilan sa gusto niya.” Ha? Hindi
ko gets. Magkalayo sila? Umalis ba yung girl? So, hindi si Mycel. Sino?
Naiintindihan ko na. Kailangang umalis ni Elaine at naiwan dito si Odrel, at hindi naman
pwedeng pigilan ni Odrel si Elaine. Pero ngayon okay na ang lahat, bumalik na siya.
Sigurado akong sa kanya na ulit ang lahat ng atensyon ni Odrel, at ako… wala lang.
Now everything is CLEAR. Hindi ko na kailangang maguluhan.
Buti na lang, hindi ako hindi ako naniwala sa kanya. Buti na lang, hindi ako nahulog sa
kanya. Buti na lang, wala akong feelings para sa kanya. Buti na lang, hindi ako nagaya kay
Mycel na naloko niya. Buti na lang hindi ako nasasaktan. Sniff. Buti na lang… Kainis… ba’t
ba ako naiiyak? Nakaka-inis naman oh!
Hindi ko mapigilan ang luha ko. Kahit anong punas ko, pumapatak pa rin. Tapos, parang
ang sikip ng dibdib ko. Ba’t ko ba kailangang i-deny pa sa sarili ko. Obvious naman eh…
Nasasaktan na ako. Nasasaktan ako sa nalaman ko. Kahit papaano, pinilit ko namang
maniwala sa kanya eh. Kahit papaano, inisip ko na totoo lahat ng pinakita niya sa akin. Pero
ngayon, hindi na mapagtatakpan pa ang katotohanan.
Lahat ng nangyari ang isa lamang laro. Laro ng isang Odrel Lorenzo, ng isang PLAYBOY.
And I am one of his toys. I’m just a plaything. :C
Yeah… inaamin ko, pinaglaruan niya ang damdamin ko. Pero, I think hindi naman niya iyon
alam. Dahil never kong inamin na nahuhulog na ako sa kanya. At hindi niya dapat
malaman. Kanina nung nagmeet kami parang walang nangyari, then dapat ako din. Hindi
niya dapat makita na naapektuhan ako sa kanya. Kahit masakit…
Chapter 17
Sama na kaySama na kaySama na kaySama na kayo?o?o?o?
“Okay rin pala dito sa Thousand Sunny Restaurant eh, masarap ang food nila dito.”
“Oh?” Talaga? Pinuri niya ito, eh di ba kalaban ng restaurant nila ito. Humble?
“Lamang nga lang ang Prince Resto, puro cute kasi kaming mga waiter dun.” Tapos
nilagay ni Zace yung kamay niya malapit sa mukha. Tapos yung thumb at index finger niya,
naka-form ng check. Parang Mr. Pogi pose.
“Magulo ba ang buhok ko?” tanong ko habang kunyari ay inaayos ko yung hair ko.
“Hindi naman, bakit?” tanong niyang nagtataka.
“Bigla kasing lumakas ang hangin dito eh, baka nagulo ang buhok ko.”
“Pshhh. Ang yabang ah.” Tapos nag-make face siya. Nakakatawa nga eh.
“Eh, ikaw naman ang unang nagyabang diba?”
“Oh? Anong yabang dun sa sinabi ko. Yung cute ako? Totoo namang cute ang
boyfriend mo eh…” bigla kong hinawakan yung magkabilang braso ko, yung parang
giniginaw.
“Zace, pahiram ng jacket.” Seryoso ko pang sinabi.
“Giniginaw ka?”
“Ewan ko kung dahil ba ito sa lakas ng hangin…” nagbago yung expression ng face
niya, siguro na-gets na niya ang sasabihin ko. “… o dahil sa sinabi mo, bigla kasi akong
kinilabutan eh.”
Tapos tumawa ako, at natawa na rin siya. Ganyan kami ni Zace noong kami pa, lokohan
lang ng lokohan, kulitan lang ng kulitan. At masaya ako na bumalik na ang dating kami.
Malapit lang ang table namin sa pinto, kaya naman narinig ko nang may binati ang isang
waiter doon. “Good morning po sir Odrel, miss Elaine. Ah, welcome back po pala
miss Elaine.” Biglang sumikip ang dibdib ko. Teka wag niyong sabihing sila…
“Thank you po, Mr. Allan. Tulad pa rin ng dati, mukhang lagi pa rin pong puno dito
ah.”
“Ah, ihahanap ko lang po kayo ng vacant na table.”
Kilala si Elaine ng mga tao dito?! Ibig sabihin… alam rin nila na hindi ako tunay na girlfriend
ni Odrel! Oh sh*t! Ang t@ng* ko naman. I’m so stupid para magpabalik-balik pa dito.
Siguro dati pa lang, pinagtatawanan na nila ako nang hindi ko alam. Nakakahiya! Nakaka-
inis! Hindi ko alam kung anong mararamdaman at parang may gustong sumabog sa loob
ko. Teka, hindi ako pwedeng mapa-iyak dito. Mukha naman ako ewan kung bigla nalang
akong mapapaluha. Inhale. Exhale. Kailangan ko itong pigilin.
“Uy, Erie!” paglingon ko nakatayo na sila sa tabi ng table namin. Si Odrel at si Elaine.
“Elaine… Odrel…” hindi ko alam kung paano ko sila babatiin.
Napatingin si Elaine kay Zace, di pa pala sila magkakilala. Pero si Zace ay nakatingin kay
Odrel, nakatingin ng MALALIM. At si Odrel naman ay nakatingin sa kung saan, basta sa iba
siya nakatingin. Eh ako? Saan ako titingin?
SILENCE.
“Umm… Erie…”
“Ah, Elaine si Francis nga pala…” sinilip ko sandali si Odrel pero sa iba pa rin siya
nakatingin “… boyfriend ko.”
Nag-abot naman si Zace ng kamay para makipag-shake hands. “I’m Francis Alvarez. My
friends call me Zace.”
“I’m Elaine Howell.” Nakipag-shake hands naman si Elaine.
“Siya ang… a-ang girlfriend ni Odrel.” Nakita ko naman na nagulat si Zace at napatingin
sa akin. Pero hindi naman niya yun masyadong pinahalata.
Okay. Ayaw ko silang makasama. Kung maaari nga, ayaw ko silang makita. Pero dahil hindi
naman ako bastos, inaya ko sila.
“Mukhang occupied na lahat ng table ah, gusto niyong maki-join?” kahit labag sa
loob ko.
“Okay lang ba?” Mukhang ayaw din ni Zace, pero di rin siya bastos eh, kaya…
“Sure. Okay lang.”
“Ano Odrel?” sa wakas, lumingon din. Kanina pa siya mukhang tuod doon na malayo ang
tingin eh.
Pero sana pala di na lang siya lumingon, kung sa akin lang pala siya titingin. Ngayon
kinikilabutan na talaga ako, dahil sa tingin niyang iyon.
“Maghanap na lang tayo ng ibang table.” Tapos tumalikod siya at deretso palabas ng
restaurant.
“Ay, pasensya na kayo kay Odrel ha. Una na kami. Sorry.” Tapos sumunod na sa
kanya si Elaine.
Teka nang-iinsulto ba siya? Tama bang ipahiya ako? Saka kung umasal siya parang may
nagawa akong kasalanan sa kanya at galit na galit siya sa akin. Eh, samantalang ako ang
dapat magalit sa kanya dahil ginamit niya ako. Di ko talaga maintindihan ang takbo ng utak
niya.
Nasa trabaho na si Zace kaya mag-isa na naman ako. At ewan ko ba, hindi naman maliit
ang island na ito, pero bakit ba lagi kaming pinagtatagpo.
“Uy, Erie.” Buti na lang di niya kasama si Odrel. Nagsmile ako sa kanya.
“Nasaan na si Francis?” huh? Ba’t interested siya kay Zace?
“Nagta-trabaho pa siya eh, sa Prince…”
“Ah. Si Odrel naman, nasa office. Tinawagan kasi ni tito, yung daddy niya.” Wow,
TITO ha, close siya sa parents ni Odrel. Eh di sila na! Ano naman kung di ko kilala parents
niya, as if naman I care. TEKA! Ano ba itong mga naiisip ko! Tsaka ba’t naman niya sinabi
kung asan si Odrel, eh di ko naman siya hinahanap.
“Uhm, ikaw anong ginagawa mo?”
“Ah, wala. Naggagala lang. Madalas ako pumupunta dito, pag wala akong kasama
eh.” Ang tinutukoy kong place ay yung tabing dagat, tapos eh pwedeng upuan yung
malalaking bato sa gilid. Pero ngayon eh, napadaan lang ako dito.
“Ah… Sama ka sa amin bukas.” Sasama? Bakit?
“Ha?”
“Sumama ka sa amin ni Odrel bukas, dun tayo sa beach.” Ayaw ko nga. Gusto ko nga
kayong iwasan eh.
“Ah… eh kasi…” paano ba ako tatanggi dito…
“Isama mo na rin si Francis, para mas masaya.” Si Zace? Kaso…
“Kaso baka hindi rin siya makasama eh, may trabaho rin yun bukas eh.” Yes! Ang
gandang dahilan!
“Si Odrel na ang bahala dun.” Ngek! May POWER nga pala si Odrel sa isla na ito. Wala
talagang takas ngayon. Teka, isip pa ko ng dahilan…
“So ano? Sama na kayo?” Nagtatanong ba talaga siya, o namimilit?
“Eh, kasi-” di ko pa nga nasasabi, pinutol na agad ako.
“Please…” Ano ba naman tong si Elaine, ba’t ang hirap niyang tanggihan!
“Baka kasi ma-istorbo ko lang kayo ni Odrel.” Ayan, sinabi ko yung isa sa dahilan kung
bakit ayaw kong sumama. Pero di sarcastic yung pagkakasabi ko ha.
“Ah… wag kang mag-alala. Di naman date yung bukas eh. Gusto ko lang makilala
yung mga friends ni Odrel, kaya ko kayo ini-invite.” Ang tanong, FRIENDS ba talaga
kami ni Odrel?
“Pero kung ayaw ninyo talaga…” yumuko siya “…okay lang.” Ba’t feeling ko pag
tinanggihan ko sya, ang sama ko? Ano ba yan, parang wala naman akong choice eh.
“Sige na nga. Sasama na kami.” Sana lang pumayag si Zace, kung hindi… di rin ako
pupunta.
“Okay. Paano, uuna na ako. Bye. Walang mang-iindian ha!” May pagka-segurista rin
tong si Elaine eh. Bagay nga sila ni Odrel, pareho sila. Bagay sila… hmmf. Bigla akong
nainis, ewan ko kung bakit. Basta!
Chapter 18
Picnic sa BeachPicnic sa BeachPicnic sa BeachPicnic sa Beach
Mabuti na lang naintindihan ako ni Zace at sinamahan niya ako. Papalapit na kami ngayon
sa kanila.
“Erie, Francis. Buti nakapunta kayo.” Nyehehe. Para namang may choice kami.
Nginitian ko siya at napansin ko yung suot niya.
“Ang cute naman ng suot mo, bagay sayo.” Naka-pink bikini siya tapos may
nakapatong na parang dress na above the knee yung haba at long sleeves. Tapos kulay
white siya at manipis, in short see-through, kaya naman kita pa rin yung skin at bikini niya.
Hirap i-explain eh, basta cute.
“Thank you. Ikaw din, bagay din sayo yung suot mo.” Okay, naka-bikini rin ako, kulay
blue. Yung normal lang, di kasing ganda ng suot niya. Pero since pinuri niya ako, eh di sige.
“Thanks, pero wala namang special sa suot ko.” Nagngitian kami.
“Wala naman sa damit yan eh, nasa nagdadala.” Naks. Kung ganito lagi,
magkakasundo kami ni Elaine.
Nagsmile ako sa kanya, bilang appreciation at ‘thank you’.
“Kaya sana di mo na sinuot, dinala mo na lang.” napatingin ako kay Odrel. Joke ba
yun? Pero sa tunog at itsura niya, mukhang HINDE. Panlalait yun! Pero tama bang sabihin
sa harap ko iyon?!
Tiningnan ko suot niya. Naka-shorts siya na may floral print, kagaya din ng suot ni Zace.
Yun nga lang green yung kay Zace, tapos yung kay Odrel, blue and white at nakasuot siya
ng… T-SHIRT???
Gusto ko siyang sagutin, pero nahihiya ako kay Elaine. Kaya palalampasin ko na lang muna.
Dedma na lang. Kaso pagtingin ko kay Zace, ang sama ng tingin niya kay Odrel. Mukhang
narinig ata yung kanina. Uh-oh! I smell war….
Biglang lumapit si Elaine kay Odrel tapos may binulong. Hindi naman sa nagre-react ako,
pero ba’t kailangang ibulong pa? Hindi ba namin pwede malaman at pabulong-bulong pa?
Tapos tumalikod si Odrel at umalis.
“Sa’n pupunta yun?” tanong ni Zace, pero tanong ko na rin.
“Ah, may pinakuha lang ako.” tapos na-upo na si Elaine, at na-upo na rin kami.
Pagdating kasi namin doon, naka-ayos na lahat. May malaking tela na nakalatag sa
buhangin, tapos may malaking payong din. May mga pagkain at inumin na rin na nakalagay
sa gitna.
“Pasensya na kayo kay Odrel kanina ha. May pagka-conservative kasi iyon sa suot
ng mga babae. Tulad sa akin, kaya ganito yung outfit ko eh.” Okay, na-gets ko ang
point niya. Ayaw ni Odrel ng masyadong revealing na suot, tulad ng two-piece bikini. Tulad
ng suot ko.
“Kaya rin ba siya naka-Tshirt, kasi konserbatibo siya?” Naunahan lang ako ni Zace,
pero tanong ko rin iyon. At alam ko ang iniisip niya tungkol kay Odrel – ‘That is so gay.’
Medyo natawa si Elaine. “No, hindi yun ang reason.” Eh ano? Ayaw niyang umitim?
Ganoon na rin iyon eh.
“Eh ano?” naunahan na naman ako ni Zace magtanong.
“Ayaw niya kasi na nasa kanya ang atensyon.” Ha? Ano daw? Di ko gets yun…
“Oh? Eh di siya na.” ba’t si Zace naintindihan?! Meaning ba slow ako?
Medyo natawa pa si Elaine sa reaction ni Zace. “Di naman sa nagmamalaki siya pero,
totoo yun.”
“Sabagay, ako man. Na-experience ko na rin yung ganoon eh.”
“Ahahaha.” Napatawa si Elaine. “Ikaw din pala eh. Eh di ikaw na…” sabi niya ng
pabiro.
Teka mukhang nagkakapalagayan na ng loob itong dalawa ah. Tapos ako, parang OP. Suko
na ako, di ako makahabol sa kwentuhan.
“Okay. I need a map. I’m lost.”
“HAHAHA!” tawanan ba ako. “Kaya pala tahimik ka lang diyan eh.”
“Di ko kasi na-gets yung sinabi mo eh.” Depensa ko.
“Alin?”
“Yung ayaw ni Odrel na nasa kanya yung atensyon.”
“Ah. Kapag kasi-”naputol si Elaine sa sinasabi.
“Hindi dapat pinaguusapan ang tao pag wala siya…” nakabalik na pala siya “…at lalo
na pag naririnig niya.”
“Wow. Ang bilis ah.” Tapos may iniabot si Odrel sa kanya na pouch bag.
“Thanks.” Tapos umupo siya sa tabi ni Elaine.
Nagsimula na kami kumain, with matching kwentuhan. Patawa nga eh. Nakabathing suit pa
kami, eh para lang naman kaming nagpi-picnic. Pero okay lang, ganun din ang ginagawa ng
iba dito eh. Picnic sa beach. Hindi nga karamihan ang tao dito eh kaya medyo tahimik. Pero
syempre dinig pa rin yung tawanan nung iba.
“Teka, pwede ba kong magtanong sa inyo. Yung parang interview ba?”
“Sure.” Ano naman kaya ang gusto nitong malaman.
“Okay, let’s start dun sa basic. Birthday.” Wow. Basic nga naman.
“February 12, 1993.” O diba, konti na lang Valentines na.
“Ako, September 27, 1995.”
“Owwss.” Sabay pa kami ni Elaine. “1995 ka dyan, baka 1985.”
“Hehehe. Oo na. 1992 ako.”
“Taga saan kayo?” Basic talaga ha?
“Taga Laguna. Sa Sta. Rosa Laguna ako.”
“Taga doon din ako, kaso ngayon college sa Manila muna ako. Doon kasi ako nag-
aaral eh.”
“Ah.” Tumatango lang si Elaine, tapos si Odrel… as usual, walang paki. “Eh, ikaw Erie.
Saan ka napasok?”
“Sa Sta. Rosa din. Sa East Creuset Academy.”
“EH?!” Bakit? Anong meron at parang nagulat si Elaine. Kahit si Odrel na walang paki,
napatingin din sa akin. Ba’t ba?
“Bakit? Alam nyo ba yung school na yun?”
“Oo naman.”Nagkatinginan sila ni Odrel. “Diba puro anak mayaman at ng mga
businessman lang napasok doon tapos, puro mga business course lang ang mga
kurso.” Ba’t nila alam yun? Oo, kilala yung school na yun, pero dun lang sa place
namin.Taga saan ba sila?
“Oo. Kaya nga di ako pumasok doon eh. Ayaw ko ng management, kaso si Erie yun
talaga ang gusto. Tuloy, nagkalayo kami.” Naalala ko tuloy yung break-up namin, pero
okay na bati na kami eh. ^_^
“Eh bakit di ka pumasok doon sa St. Andrews Colleges? Eh di ba magkalapit lang
yun, halos magkatalikuran nga lang yun eh.” Nagkatinginan na naman sila ni Odrel,
ano ba talaga meaning nun?! Parang nag-uusap sila sa tingin. May secret ba sila?!
“Parents ko ang may gusto eh.” Tapos siniko ni Odrel si Elaine ng mahina lang, hindi
nga halata eh. Pero hindi yun makakalusot sa paningin ko. Then medyo gumalaw si Odrel
na hindi ko ma-gets. Si Elaine naman nag-smile lang.
Okay. Curious na curious na talaga ako! What’s going on?! Para na akong FREAK…! WTF!!!
Ano ba ang piniputok ng butsi ko? Eh ano naman kung mag-senyasan sila ng sikreto? Eh
mag-on naman sila eh. Saka ba’t ba kailangan kong malaman?! Ano naman sa akin?
“Teka, kaw naman magshare sa inyo.”
“Kami? Simula noong pumasok kami ni Odrel, magclassmate na kami. Iisa lang
kami ng school. Hanggang sa highschool nga eh, magkasama pa rin kami sa room.
Pero ngayong college na, syempre magkahiwalay na kami ng course.” Oh? Matagal
na silang magkakilala? Eh di, gaano na kaya sila katagal? High school ba sila na? O baka
elementary pa lang gusto na nila ang isa’t isa… Hay… Sana kami ni Zace maaga ding
nagkakilala. Teka, naiinggit ba ako? Para nga. Teka diba pag naiinggit para na ring
nagseselos?! HINDIIIIIIIIIIIII!!!
“Saan ba kayo napasok?”
“Sa St. Fatima University.” Saan yun? Di familiar sa akin, malayo siguro yun?
“Saan yun?”
“Sa Manila.”
Chapter 19
JealousyJealousyJealousyJealousy
“Ang layo pala ng pinapasukan ninyo noh?” tapos nagtinginan na naman sila. Medyo
napangiti si Elaine, at si Odrel naman naging comfortable na yung expression. Bakit ba kasi
nakakaramdam ako ng ganito, ano ba ito at parang naiinis ako? Tapos parang may
bumulong sa loob ko ng salitang JEALOUSY.
NO!!!!!!!!! I’M NOT JEALOUS!!!! Bakit naman?!!!
Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan, ang dami na ngang napagusapan eh. Mula sa
birthday, address, school, hobby, talent, mga favorite, and many more. At may napansin
ako, hindi nakikisali sa amin si Odrel. Hindi siya nagshare ng tungkol sa kanya. Puro galing
kay Elaine ang information. Ganoon talaga nila kakilala ang isa’t isa? Eto na naman ang
bulong na narinig ko… JEALOUSY. NO!!!!!!!!!!!!! Saan ba kasi galing yun, sa konsensya ko?!
“Gaano na kayo katagal ni Francis?”
“Ah dapat ngayon 6 years na kami, kaso nag-break kami after grad noong
highschool eh.”
“Wow. Ang ganda ng love story. Kelan kayo nagkabalikan?”
“Sa totoo lang ngayong summer lang kami nagka-ayos.”
“Ibig sabihin dito sa island na ito?” mangha pa siya.
“Oo.”
“How?” Ikukwento ko ba sa kanya yun? Yung tulong sa akin ni Odrel. What if madulas ako
at may masabi akong iba?
“Ako ang lumapit sa kanya… Di na ko nakatiis eh…” Thanks Zace. Savior kita.
“Ang sweet naman!” tapos ang tingin niya samin ni Zace, parang nanunukso.
“Eh kayo gaano na kayo katagal?” hay… ba’t parang di ko gustong malaman.
“Ewan ko?” Nyek?! Ano yun?
“Pwede ba yun?” Napatingin tuloy sakin si Odrel ng hindi oras. OA kasi yung pagkaka-
react ko eh.
“Eh kasi di ba, bata pa lang kami magkakilala na kami. Close na kami sa isa’t isa.
Basta alam namin na special sa amin ang isa’t isa.”
“O sige, ganito na lang. Kelan kayo naging official?” Ano ba itong si Zace parang si
Boy ng the buzz kung magtanong.
“Ha… ah… eh…” ba’t parang na-confuse siya.
“Noong tinukso kami ng classmates namin noong highschool, naging official na
niya kong boyfriend.” Owww. Nagulat ako dun ah. After ng matagal niyang pananahimik
nagsalita na rin si Odrel.
“Astig pala kayo eh.” Astig nga. Pwede ba yun, tinukso lang… sila na agad. Sabagay
gusto na naman nila nag isa’t isa sa simula palang eh. Para tuloy nakakainggit… STOP. I
hate it! Nakakatatlo na tong konsensya ko ah!!!
“Ganoon? Eh teka first love ninyo ba ang isa’t isa?” Ako lang ba o sinadya ni Elaine na
baguhin ang topic?
“Nice. Kanina parang pang-biodata ang tanong, ngayon pang slambook na.”
Napatawa kami ni Elaine. “Ako, oo first love ko si Erie. Siya din ang una kong
niligawan.”
“Ikaw Erie?”
“Parang nasa hotseat ah… Oo sya din…” nakakahiya naman to… di sinasadya
napatingin ako kay Odrel. Tama ba yung nakita ko sa expression niya? Naiirita siya.
“Eh ikaw Elaine?” Okay. Payback time.
“Ano?” Anong ano? Kita nyo na, iniiwasan niya talaga na mapunta sa kanila ang topic.
“First love mo ba si…si Odrel?” Ba’t kaya parang ang hirap sabihin ng name niya?
“Ha? Ah… ang totoo, hindi.” What? Nagulat ako dun. Pero pa-simple lang syempre. “Si
Yuri ang first love ko.”
Gusto ka sanang magtanong pa kaso, nakakahiya naman kay Odrel. Di ba ang pangit pag-
usapan sa harap niya yun.
“Ikaw Odrel?” Naks ang lakas ng loob magtanong ni Zace ah. Sana lang pansinin siya.
“Hindi ko first love ang sarili ko.” Pinatulan nga kaso, pilosopo naman yung sagot.
“Hahaha, Odrel talaga. Ang totoo, hindi rin ako yung first love niya. Kaso ayaw
niyang pinaguusapan yun eh, nasasaktan kasi yan.” Sino kaya? Tsaka bakit ganoon,
parang ang dali lang kay Elaine nun? Parang ang gaan lang sa kanyang sabihin iyon?
“Kung ganoon, paano nyo nalaman na may feelings kayo para sa isa’t isa?” Kanina
ko pa napapansin, masyado ng intrigero itong si Zace. Saka parang kakaiba siya ngayon,
parang may hinahanap siya.
“Mmm… Noong ano… noong nagpatulong ako kay Odrel para kay Yuri.” Tahimik
lang si Zace at nag-aantay ng sunod na sasabihin ni Elaine. “Tapos inamin sakin ni Odrel
na gusto niya pala ako. Nagulat nga ako eh. Sinabi nya pa na matagal na pala
siyang nagtitiis, selos na selos pala siya sa amin ni Yuri.”
“Talaga?” Ayan na naman si Zace…
Kakaiba na naman ang expression ni Elaine. “Di ba Odrel… umiyak ka pa nga noon.”
Umiyak si Odrel?!
Ba’t parang nagulat si Odrel. “Umiyak?” Tapos nagtinginan sila. “Ah, oo. Masyado nang
masakit eh. Pero di ba bago yun, umamin ka na rin sa akin?”
“Ha? Kailan?” Si Elaine naman ang nagulat.
“Noong may kausap akong babae tapos nakita mo kami. After noon, hindi mo na
ko kinakausap o pinapansin. Lagi kang umiiwas. Tapos noong nacorner kita,
umamin ka na nagseselos ka kasi may kausap akong ibang girl.” May ganoong
nangyari sa kanila?
“Nagseselos?” Nag-nod si Odrel at naka-smile pa.“Eh ikaw nga, noon nalaman mo na
may gusto ako kay Yuri, muntik ka pang lumipat ng school para umiwas sakin.”
“Kaya ako muntik nang mapalipat ng school, eh kasi may nagalit sa akin na babae
kasi akala niya nanliligaw ako sa kanya, eh di naman. Naunahan lang niya akong
lumipat, kaya hindi ako natuloy.”
“Ang yabang.” Tapos sinundot niya si Odrel sa tagiliran, parang kinikiliti.
“Asus. Noon ngang nasa America ka at nalaman mong may liligawan ako, bigla
kang napa-uwi dito eh.”
“Pina-uwi kaya ako ni Phemia, kung ano-ano daw kasi ang pinag-gagagawa mo
eh.”
“Weh… Kaya pala wala pang 24 hours ang nakakalipas, nasa Pilipinas ka na agad.”
“Ang yabang! Eh, concern eh!” Tapos nagkilitian silang dalawa.
Mula kanina seryoso lang siya at hindi nakikipagkwentuhan sa amin. Tapos si Elaine lang
ang kinaka-usap niya ng tino. Tapos ngayon, nakangiti na siya at tumatawa pa… kasama si
Elaine. Bakit ganoon? Bakit may nararamdaman ako dito sa may dibdib ko? Parang ang
sakit. Nagseselos nga ba ako?
KONSENSYA=4 ERIE=0
“Ehem. Ayaw kong sirain yang lambingan ninyo…” savior ko talaga si Zace “… pero,
ang gulo naman ng kwento ninyo.”
“Ay, sorry.” Tapos tumigil na sila. Napagdesisyunan na lang naming mag-swimming.
Nasa may tubig na kaming tatlo. Si Zace nandoon sa malayo, nagsu-swimming. Tapos kami
ni Elaine, nandito lang sa mababaw na part ng dagat. Mga hanggang below the knee lang
yung tubig. Wala ako sa mood magbabad sa tubig eh. Si Elaine naman, ayaw daw niyang
mabasa yung suot niya… ayos ang dahilan diba! Naglalaro lang kami ng volleyball, pero
yung malambot na bola lang ang gamit namin. Pero hindi ko maiwasang hindi mapansin na
wala si Odrel. Hindi ko siya nakikitang naglalangoy. Wala rin siya doon sa pwesto namin
kanina. Asan siya?
Tapos biglang may narinig akong mga boses ng babae na parang kinikilig. Nanlaki ang mata
ko sa nakita ko at halos malaglag ang panga ko. Oww – Emm – Gee !!! As in, OMG talaga!
Ayun si Odrel. I think naiintindihan ko na yung sinabi ni Elaine kanina na ‘Ayaw ni Odrel na
nasa kanya ang atensyon.’ Paano ba naman kasi, kung kanina tinatanong namin kung bakit
naka-tshirt si Odrel, ngayon tinanggal na niya ang t-shirt niya. At aaminin ko, HE’S SO HOT!
Ewan ko kung ako lang ba pero, habang naglalakad siya, para siyang may MTV. Tapos lahat
ng girls nakatingin sa kanya, pero dere-deretso pa rin siya. Tapos pupuntahan niya ang
babaeng gusto niya. Grabe, di ko ma-ialis ang tingin ko sa kanya. Papalapit siya ng
papalapit, lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. This time, hindi ko talaga ide-deny, ang
GWAPO niya! Malapit na siya sa amin, lahat yata ng girls nakasunod ang tingin sa kanya.
Tapos tumigil siya… sa harap ni Elaine. :O -> :(
Sad to say, hindi ako ang bidang girl na kapartner niya sa MTV na ito. “Elaine, magsu-
swimming lang ako dun ha.”
“Okay.” Tapos deretso na sa tubig “Erie eto na yung bola.”
“Ah. Okay” Nagbalik tuloy ako sa real world, after nung daydreaming ko.
Chapter 20
Are you okay?Are you okay?Are you okay?Are you okay?
Habang naglalaro kami, napalakas yata ang tira ko doon sa bola at napunta sa may
buhangin. Pinuntahan ni Elaine, kakahiya nga eh, ako yung tumira pero siya yung kukuha.
Pero ano pa ang magagawa ko, naunahan na niya ako eh. Tinitingnan ko lang siya at
inaantay. Nakuha na niya ang bola, pero nakatayo pa rin siya at may ibang tinitingnan.
Mayamaya may lumapit sa kanyang babae. Si MYCEL!!! Naku po, baka kung anong
mangyari, pinuntahan ko na sila. Paglapit ko, mukhang galit na si Mycel. Uh-oh!
“…tingin mo? Matapos ninyo akong paglaruan at gawing tanga!” mataas na ang
boses ni Mycel.
“Mycel, di mo lang kasi naiintindihan.” Mahinahon pa rin si Elaine.
“At ako pa ngayon ang mahinang makaintindi? OH! You’re right! Mahina nga ako.
Hindi ko nga alam na niloloko ako ng matalinong si Odrel eh. Tapos ikaw…” tinuro
niya si Elaine. “… isa ka pa, hinayaan mo lang ang boyfriend mong gawin iyon.
Simula pa lang alam mo na ang nagyayari diba?”
“Mycel…”
“SHUT UP! Bakit mo hinahayaan na nakikipaglandian sa iba ang boyfriend mo?
Ayos lang sa iyo yun? Or maybe you were partners in crime? Plano nyo talaga yun
ano? Gusto ninyong pinaglalaruan ang damdamin ng iba!” Ouch! Tinamaan ako dun
sa sinabi ni Mycel ah.
“Hindi namin gustong manakit ng-”
“Oh you see?! Sa iyo na rin nanggaling, magkakuntsaba nga kayo!”
“It’s not what you’re thinking-” bilib ako, compose pa rin si Elaine.
“I don’t need your s2p*d explanations. You! YOU S¤N ΘF @ B*TCH! Arrrghhh!
D@MN YOU!” Teka sobra na si Mycel!
“Mycel, I think it’s too much.”
“Isa ka pa!” Ako naman ang tinuro niya. “Pinayuhan na kita sa kanya, pero hindi mo
ko pinansin. Hindi ko alam kung t@ng@ ka ba?” WTH! Minura nya ako?! “Oh ano ka
ngayon? Akala mo maitatago mo sa akin yang pagpapanggap mo? Alam ko
nasasaktan ka rin!” Ito grabe na talaga. Nasapul ako ni Mycel.
“You’re wrong…”
“You’re a good actress, napaniwala mo sila. Pero hindi sakin. Kita ko noong
umiyak ka.” Nakita niya yun. (see chapter 16) Napailing ako. “You can deny it, pero
hindi sa sarili mo.”
“Tumigil ka na Mycel.” Napatingin ako kay Elaine, medyo mataas na rin ang voice niya.
“Why?! Dahil ayaw mong malaman niya na pinag-”
BOOOGSH!
Tinaman si Mycel ng bola sa ulo. Yung bola ng tunay na volleyball. At mukhang malakas
yung pagkakatama sa kanya dahil natumba siya at napaluhod pa.
“Sorry! I didn’t mean it!” sigaw nung babae na kasama ng mga naglalaro ng volleyball.
Mukhang nasaktan si Mycel. Nag-offer si Elaine ng kamay para tulungang tumayo si Mycel.
Pero hindi yun pinansin ni Mycel, bigla siyang tumayo at……… SINAMPAL NIYA SI ELAINE.
Napahawak lang si Elaine sa pisngi niya at nabitawan ang bola. Samantalang si Mycel ay
galit na galit. “Bayad yan sa ginawa ni Odrel sakin.”
Itinaas niya ang kamay niya. “At ito bayad sa ginawa mo!” Sasampalin na sana ulit niya
si Elaine nang may humawak sa braso niya.
“Odrel…” sa sobrang gulat ko sa mga pangyayari, halos pabulong ko na lang nasabi ang
pangalan niya.
“ODREL-” Nanlaki ang mata ni Mycel sa gulat.
Si Odrel naman, nakatingin lang sa kanya. Pero nakakatakot ang tingin niya. Punong puno
ng galit. Parang yung tingin niya dati dun sa lalaki na namimilit sa akin sa club. Yun nga
lang di para sa akin yung ngayon. Hindi ako ang pinagtatanggol niya kundi si Elaine. Tama,
si Elaine nga.
“Huwag na huwag mong sasaktan si Elaine!”
“Odrel nasasaktan na ako!” humigpit siguro ang hawak ni Odrel sa braso niya.
“Kung galit ka sa akin, ako ang saktan mo. But don’t you dare hurt those who are
important to me.”
“I hate you. I hate all of you!” Binitawan na siya ni Odrel.
“I know, and I’m sorry.” Wala ng sinabi si Mycel at tumakbo na palayo.
Nilapitan naman ni Odrel si Elaine. “Are you okay?” Kahit wala ako sa harap niya, kitang
kita ko ang pag-aalala niya sa mata niya.
“Okay lang ako.” then nag-smile si Elaine.
“Sorry ha. Nadamay ka pa. Ikaw pa tuloy ang nasaktan.”
“Para namang hahayaan kita.”
Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila. Isa lang nasa isip ko ngayon. Mula kanina
ko pa ito nararamdaman. Inggit. Naiinggit ako dahil ang dami nilang alam sa isa’t isa na di
ko alam. Naiinggit ako sa lahat ng atensyon ni Odrel para kay Elaine. Naiinggit ako, na
hinihiling ko na sana ako na lang ang nasa position ni Elaine. Hinihiling ko na ako na lang si
Elaine. Oo, panalo na ang konsensya ko. Tama si Mycel, hindi ko maloloko ang sarili ko.
Nagseselos ako sa kanila. At nasasaktan ako.
“Erie anong nangyari?”
Teka MALI. Mali itong lahat! Mali ang naiisip ko! Bakit ako magseselos, may karapatan ba
ako? Hindi naman kami. Hindi naman niya ako mahal. Hindi ko naman siya mahal.
“Erie… are you okay?”
Isa pa, si Zace. Nandito si Zace sa tabi ko. Siya ang boyfriend ko. Bakit ako maiinggit, eh
meron naman akong akin. Merong nakakakilala sa akin. Merong nagbibigay atensyon sa
akin. Merong nagmamahal sa akin.
Noong maka-recover kami. Bumalik kami doon sa pwesto namin kanina. Tapos nagsimula
ulit magkwentuhan at parang nakalimutan agad yung nangyari kanina.
“Erie, Francis. Sama ulit kayo sa amin mamayang gabi ha.”
“Ha?” ulit?
“Dinner lang yun, sa yatch. Naka-ready na nga eh.” Wow. Ang aga magprepare ah.
“Anong meron?”
“Wala, gusto ko lang ulit kayong makasama. Sandali lang kasi ako dito, babalik na
ako sa America sa isang araw. Bonding lang, minsan lang ako may maka-close dito
eh.”
“Ano?” tinanong ako ni Zace “Okay lang sakin, wala akong trabaho sa gabi. Pero
ikaw ang bahala?”
“Uhmm…” okay lang kay Zace, meaning ako lang yung magdedesisyon. “Sorry ha, busy
kasi ako mamaya eh.” Ayaw ko nga. Ewan. Basta, parang masyadong nakaka-stress pag
kasama ko itong dalawang ito. At after ng confirmation ko ng something, ayaw ko talaga.
“Di ba magagawan ng paraan, please?” Eto na naman ang namimilit na si Elaine. Basta,
di ko na kaya kung magtatagal ko pa silang kasama.
“Elaine, hindi mo dapat pinipilit kung ayaw.” Parinig ba yun! Hindi talaga!
“O sige” Nice. Sumusuko din pala si Elaine minsan eh. “Ipa-cancel mo na lang yun
lahat Odrel.”
“O sige, ika-cancel ko. But don’t expect na babayaran ko iyon.”
What the heck! Iba talaga ang takbo ng isip ng dalawang ito. Si Elaine, ika-cancel lahat yun
dahil lang hindi kami sasama ni Zace. Tapos si Odrel naman, naka-ready na ang lahat tapos
dahil sa ika-cancel niya at wala naman siyang napala eh hindi niya babayaran yung mga
naghirap doon. Kawawa naman yung mga naghanda dun. Nakokonsensya naman ako. Hay…
again, no choice ako.
Hawak na ni Odrel yung phone niya at nagda-dial ng number. “Wait! Wait. Sasama na
ko.” Napatingin lang sa kin si Odrel.
“Okay, sasama na kami.”
“Yes!” Sana lang talaga hindi ko pagsisihan ang naging desisyon ko.
Chapter 21
DinnerDinnerDinnerDinner DateDateDateDate
Nandito naman kami ngayong gabi sa yatch ni Elaine. Mas malaki yung yatch namin kesa
dito pero, yatch yun ng family namin. Eh ito, yatch ni Elaine. As in kay Elaine lang, siya ang
may-ari. Bukod pa yung sa pang-family nila. Sigurado may yatch pa silang iba at baka mas
malaki pa.
Pagdating namin ni Zace, nandoon na si Elaine at Odrel. Then kumain na kami, at the same
time nagkukwentuhan. Ewan ko nga kung paano, basta si Elaine ang nagdadala tapos
sinasabayan naman ni Zace. Ako nakikikwento lang din. Si Odrel naman, kahit papaano
nasagot na rin ng matino pag tinatanong.
Gusto ko ng umurong. Gusto ko ng umalis. Parang ang hirap magpanggap na masaya ka,
kahit sa loob-loob mo hindi naman talaga. Naiinis ako sa sarili ko, bakit ko ba ito
nararamdaman.
Mabait si Elaine, masayang kasama. Hindi ka mabo-bore sa kanya. Hindi siya maarte.
Friendly pa. Pero wala man siyang ginagawa laban sakin, hindi man niya sinasadya,
nasasaktan niya pa rin ako.
Si Odrel. Hindi tulad kanina, hindi niya pa ako pinariringgan ng kahit ano. Okay sana yun,
kaso hindi rin niya ako tinitingnan. Kahit sandali, hindi ko siya nakitang sumulyap sakin.
Pero bakit ganun, sa kabila ng lahat ng ginawa niya sakin, bakit parang hinahanap ko yung
dating Odrel na nakasama ko? Bakit masakit pa rin?
Yung nangyari kanina, yung kay Mycel. Pagkabalik ko sa hotel hanggang sa magpunta ako
dito, hindi ko iyon maalis sa isipan ko. Totoo ang mga sinabi niya tungkol sakin. Hindi ko rin
alam sa sarili ko, pero parang ayaw kong paniwalaan ang sinasabi niya tungkol kay Odrel.
Nandito nga si Zace, hindi niya ako iniiwan. Alam kong ramdam niya na ayaw kong tumuloy
dito sa dinner na ito, kaya naman lagi niya akong ini-entertain. Pero bakit parang may
itinatago siya sakin. Actually kanina pa itong umaga sa beach. Parang may iba siyang
motive sa pagsama dito.
Ang bigat na ng pakiramdam ko ngayon. Naguguluhan ako, nasasaktan ako, at nagtataka
ako. Pero parang may kasunod pa ito, may kutob akong may mangyayari pa mamaya. Sana
lang mali ang kutob ko… Sana lang mawala na ang bigat na nararamdaman ko… Sana
matapos na agad ang gabing ito…
After namin kumain, nagpunta kami sa isang room (na style living room) para magpahinga
muna. Kami ni Zace ang nakaupo sa couch na pangdalawahan. Si Elaine at Odrel naman ay
doon sa mas mahabang couch na 3 to 4 persons ang kasya.
“Erie, parang malalim yata ang iniisip mo? Is there something wrong?” tanong ni
Zace.
Napa-iling naman ako. “W-wala. Wala naman. Bakit?” Nakita ko sa mga mata niya na
concern talaga siya. Pero may isa pa akong nakita, hindi ko lang mabasa kung ano yun.
Parang takot?
“Para kasing-” hinawakan ang isa kong kamay “nagspe-space out ka eh.”
“Sorry.” Napansin niya pala…
“It’s okay.” Lalo niya pang hinigpitan ang hawak sa kamay ko “Pero kung may
problema, sabihin mo lang sakin ha.” Napatingin na lang ako sa kanya. Nakatitig siya
sakin. Napapansin na kaya ni Zace? Nararamdaman niya na kaya ang nararamdaman ko?
Alam na kaya niyang-
“Elaine.” Napatingin kami ni Zace bigla kay Odrel. Mukhang iritado na naman ang itsura
niya. Hindi naman siya nagsasalita, nakatingin lang siya kay Elaine.
“Bakit?” tanong niya nung wala pa ring sinasabi si Odrel. Medyo matagal din bago siya
sumagot.
“Gusto ko lang sabihin ang pangalan mo.” ITO. Itong sinabi na ito ni Odrel. Lalo pa
niyang pinabigat ang nararamdaman ko.
“Odrel talaga…” tinawanan lang siya ni Elaine.
“Gusto ko rin pag sinasabi mo ang pangalan ko.” HETO na NAMAN! Nadagdagan na
naman ang bigat.
“Hay…” sabay kurot sa pisngi ni Odrel “…ang ccuuuutttee mo talaga.”
Nag-pout si Odrel. “Masakit yun ah…”
“Wala yun kumpara diyan.” Sabay tulak ng index finger ni Elaine sa dibdib ni Odrel. I
don’t know kung ano ang ibig sabihin nun, pero ang tingin ko, ang ipino-point niya ay ang
puso ni Odrel. Nagtinginan silang dalawa, parang yung tinginan nila kanina dun sa beach.
Yung parang naguusap sila sa tingin.
Napahawak ako sa dibdib ko. Puno na talaga ako. Masakit na siya. Ewan ko kung kakayanin
ko pang tumagal.
“Erie…” tumingin siya samin “…Francis. Thank you ha. Alam ko mapilit ako kaya
pumapayag kayo, pero salamat pa rin.” Alam niya pala?
“Hindi naman. Oo, hindi nga kami makatanggi sayo. Pero nag-eenjoy din naman
kasi kami kasama nyo.” Biglang inakbayan ni Odrel si Elaine, pero nakatingin siya sakin.
At ang dating niya ay parang sinasabihan niya akong ‘masaya ka ba talaga?’.
Alam nyo ba kung anong naramdaman ko? Parang may sumaksak sa dibdib ko, pero nasa
loob lang ang sakit. Yung bigat na nararamdaman ko kanina na naipon sa dibdib ko, parang
gustong sumabog pero hindi makalabas.
“And masaya rin kami na may na-meet kaming new friends.” Bakit ganito? Ngayon
lang ako nakaramdam ng ganito katinding sakit. Noong dumating ako dito… noong nakilala
ko sila… noong maugnay ako sa kanila… noong malaman ko ang kwento nila… Iyon ang
dahilan ng lahat.
“Thanks talaga ha. Alam nyo ba, kayo ang una naming naging friends dito sa
island. Magaan kasi ang loob ko sa inyong dalawa eh.” Nag-smile ako sa kanya, isang
fake na smile “Sayang nga lang, sandali ko lang kayo makakasama.”
Alam nyo ba kung ano ang pinakamahirap? Ang hindi ko mailabas ang sakit na
nararamdaman ko. Bakit ako iiyak, hindi pwede? Bakit ako magseselos, ano bang meron
samin? Bakit ako nasasaktan, anong dahilan? Bakit ako naiilang kay Elaine, wala naman
siyang ginagawa sakin? Bakit ako naiinis kay Mycel dahil sa nagsasabi siya ng totoo? Bakit
ako nagi-guilty kay Zace? Bakit ako naaapektuhan ng ganito ng dahil lang kay Odrel?
Hindi ko alam kung paano mawawala ang sakit na ito, lalo na at alam kong wala akong
karapatang maramdaman ito. Ayoko ng ganito. Kailangang pigilan ko ito. Hindi ko dapat i-
entertain ang kung ano mang nadadama ko. Kung maaari lang kalimutan ay kakalimutan
ko.
“What if maglaro kaya tayo.”
“Ha?” Kalimutan ang LAHAT. Kung kailangan, ipagpapatuloy ko ang pagpapanggap na okay
ako. At tulad ng ngayon…
“Spin the bottle. Truth or Dare. Para mas magkakila-kilala tayo.” Teka, kelan pa
nahilig si Zace sa spin the bottle? Eh noong high school ayaw niya nun.
“Sure! Gusto ko yan. Game.”
“Di ba pang-high school lang yan.” Ayaw ko nun!
“Wala namang ganong rule.” Zace naman, please… wag mo ng ipilit…
“Alam ko na! I NEVER na lang.”
“Anong I Never?” maybe it’s better than the game of truth and dare.
“O sige, kahit ano pa yan.” Ano kaya ang naisipan ni Zace at gustong maglaro?
“Wag nyo ko isali ha.”
“Ah… Odrel, mas masaya kung mas madami.”
“Ayoko nga.”
“Odrel please…”
“Fine.”
“Okay, kasali na lahat.”
“Paano ba?”
“I Never. Magsasabi ka ng isang bagay na hindi mo pa nagagawa, na alam mong
nagawa na ng isa sa atin. Tapos kung sino yung gumawa nun, iinom ng isang
basong wine. Malalaman natin kung sino yung tinutukoy, sa kung sino ang iinom.
At remember, every round impossible na walang iinom, okay?”
“Trial nga…” mukha namang entertaining…
“Example. Never pa akong nakipag-away sa kaklase ko. Tapos sino sa inyo ang
gumawa na nun?” nagtaasan kaming tatlo ng kamay “Then, iinom kayo ng isang
baso.”
“What if walang uminom? Kung ayaw umamin?”
“Malalaman pa rin dun sa nagsabi. At kung di siya aamin, merong consequence.
Bibigyan siya ng dare.”
“Exciting pala eh. Bukingan ng secerts at kalokohan.” Pag lang may nilabas tong si
Zace, ibubuking ko rin siya.
Chapter 22
I neverI neverI neverI never
“Lets start na. Ako ang simula, next si Odrel. Paikot lang ha.” Nilagyan na namin ng
laman ang baso namin, at nagsimula na kami.
“I never walked-out cause hindi na ako masakyan ng mga kasama ko dahil sa ka-
corny-han ko.” Pagkasabi ni Elaine, kinuha agad ni Odrel yung baso niya at ininom yung
laman.
“Hahaha” hindi ko napigil at medyo napatawa ko. Tama. Si Odrel nga yun. Corny talaga
siya kahit kalian. Hehehe. Napatigil lang ako noong tiningnan niya ko.
“Tol, ikaw.”
“Yup. As in nag-walk out talaga siya. May sinabi kasi siya, tapos napatingin kami
sa kanya. Inaantay nya pala kaming mag-react, pero wala sa amin ang naka-gets.”
Pati si Elaine natatawa sa kanya.
“Oo na. Oh tama na. Turn ko na, oh…” at kahit kalian, di niya talaga matanggap na
corny siya. May nagflashback bigla sa isip ko. Nag-sigh ako. Ba’t ko ba naalala pa yun.
“Never akong umiyak, cause someone got annoyed at di ako pinansin dahil sa
kakulitan ko.” Then si Elaine naman yung uminom ng laman ng baso niya.
“Really? May na-inis sayo?” Di ko akalain, may hindi rin pala nakakaya ng kulit nya.
“Oo, pero wala pang isang oras nakipagbati na rin sakin si Odrel.” Si Odrel?! Na-inis
sa kanya si Odrel?
“Then, si Odrel pala yung nagalit?” nag-nod si Elaine.
“Kaya nga di ako natiis eh. Pinansin din agad ako.” Buti pa si Elaine, di niya natiis.
Ba’t ako, natitiis niya? Sabagay, sino nga ba naman ako? Isang laruan lang. Palipas oras
noong wala pa si Elaine.
“Nakaka-awa ka kayang tingnan noon. Tuwang-tuwa ka naman noong nilapitan
kita.” Samantalang si Elaine, si Elaine ang mahal niya.
“Oo na. You win. Oh, turn mo na Zace.” Si Zace na pala.
“Never akong tumalon sa pool wearing my p.e. uniform just to hide from my
admirer.” What the?! Ang dami-daming sasabihin, yun pa? Talaga tong si Zace… At dahil
ayaw ko ng dare, ininom ko na yung akin. Ako yun.
“Ppsshh. Hehe.” Teka, tama ba yung nakikita ko. Nagpipigil si Odrel ng tawa niya.
TINATAWANAN niya ko?! Ginagantihan yata ako sa pagtawa ko kanina sa kanya.
“I can’t imagine it. Ba’t ka naman nagtatago?” pati si Elaine di makapaniwala,
kakahiya kasi yun eh…
“Medyo nakakatakot kasi yun eh. Parang stalker na.”
“Oo nga. Kaya napa-aga rin ang pagsagot sakin ni Erie eh.Para tigilan na siya
nun.”
Natawa na lang si Elaine “Okay. Erie. Your turn.”
Hmmf. Gaganti ako kay Zace. Eto na…“I never punched a friend cause I thought, he is
gay.” At syempre, ininom ni Zace yung laman na baso niya. At si Elaine, gulat na gulat.
Pero si Odrel, wala lang. Siguro kasi ganoon din ang gagawin niya pag nangyari sa kanya
yun.
“You hate gays?” shocked na tanong ni Elaine.
“No. Akala ko kasi, he’s checking me out. Eh… nagpapatulong lang pala tong si
Erie sa kanya ng gift sa akin. So ayun…”
“Pero ba’t mo sinuntok? You can talk to him naman eh.” Mukhang minus pogi points
tong si Zace kay Elaine ah… Beh!:P Hahaha. Ganti ko yan.
“Medyo baliw din kasi yun, sinakyan ba naman yung hinala ni Zace na bakla siya,
natamaan tuloy.”
“Parang ang cute naman ng personalities ng mga school mates ninyo?” Cute daw?!
“Siguro kakaiba. But CUTE, I don’t think so. It’s your turn again.”
Siguro about kay Odrel na naman ang sasabihin niya. “Never akong natulala habang
pinapanood ko ang isang cutie na naglalakad.” Teka, parang ako yun ah. Nakita nya
yung kanina nung napatingin ako kay Odrel?! Oh my gosh! Nakakahiya naman sa kanya!
Pero baka naman hindi ako. Wait muna ako.
Nagtitinginan lang kami wala pa ring umiinom. Napatingin kami ni Zace kay Odrel, umiling
siya. That means… AKO NGA IYON! So, ininom ko na yung akin.
“Sino?” Gulat na tanong nila pareho. Pati si Odrel, interested?
“Uhmm-” Nakakahiya namang aminin. Nakakahiya kay Elaine! Mas nakakahiya kay Odrel!
At lalong lalo na kay Zace, bf ko pa naman siya.
“O-” Grabe! Di ako makahinga. Please wag… “Oh. Just a kid.” Buti naman. Hay! Bata?!
Baka isip bata. “Right, bata nga. Isip bata. Ikaw na Odrel.”
“Tsss.” Ano naman yun, parang asar siya? “Never akong umiyak dahil hindi ako
pinapansin ng ex ko.” Napatingin ako sa kanya, nakatingin din siya sa akin. Walang
kumikilos sa aming apat, nag-aantayan lang kami.
“Elaine?”
“Wala pa akong ex. Di pa kami nagbe-break ng first bf ko.” Then ako nga ang
pinariringgan niya. Ano bang problema niya at sinabi nya yun! Okay, matapos na lang ito
iinom na ako. Pero babawi ako.
“Akala ko, gusto mo ng dare eh.” Nakangisi siya. Hindi ko siya sinagot.
“Sorry dun Erie ha?”
“Wala na yun.” Di ko pa rin inaalis ang tingin ko kay Odrel. “Bilisan mo Zace, excited
na ako sa turn ko.” Sabi ko ng sarcastic.
Nagtataka si Zace sa sinabi ko. “Okay. Never akong nangonsensya para lang hindi
matanggihan ang offer ko.” Uminom si Elaine, then nagsalita na agad ako.
“My turn. Never akong nakipag-flirt sa isang stranger…” eye to eye ang tinginan
namin ni Odrel “…na nakikitabi na nga lang ako, kinukulit ko pa.”
Kinuha ni Odrel ang baso nya at ininom ang laman. Si Elaine na dapat ang sunod pero
inunahan siya ni Odrel. May sinasabi si Zace at Elaine pero hindi ko naintindihan, naka-focus
lang kasi ako sa kanya.
“Never pa akong nagPANGGAP…” pinagdiinan talaga niya “…na KASINTAHAN ng
isang tao na sa name ko lang kilala and NOT IN PERSON.” Obviously ako yun, ininom
ko na agad yung akin. Ako naman ang nagsalita.
“Is it my turn?”
“I never FORCED some girl to DATE me even though I know that that person is
INLOVE with some OTHER guy.” Kitang-kita ko ang pagkagulat niya sa sinabi ko. Agad
niyang inubos ang laman ng baso niya. At wala pang 1 second, bumawi na siya.
“Well, I never dated someone just to make my EX-boyfriend JEALOUS. So that he
will come back to me.” What the hell is he talking about! He planned it! Pero pinapalabas
niya na ako lang.
“Bro, we shouldn’t talk about that…”
Sa inis ko sa kanya, hindi ko na nainom yung isang baso ko. Gumanti na agad ako sa
kanya. “Never ko pang pinaglaruan ang feelings ng isang babae.” tumaas na ang
tension sa pagitan namin ni Odrel.
“Never ko yang ginawa!” tumaas na ang boses niya.
“Never?! Eh yung ginawa mo kay Mycel?! Sinaktan mo siya!” tumaas na rin yung
voice ko.
“Guys, what are you talking about?” “Er-”
“You know nothing Erie! It’s just a… a-”
“a what?!”
“MISUNDERSTANDING!” aaminin ko, nasindak ako dun, looks like asar na talaga siya.
“Chill. I think we should stop. Erie…” Yung nga lang… ako rin asar na.
“My God! Misunderstanding?! Eh yung sakin?! Yung… yung…”
“Yung ano?!” tinatanong niya talaga yun?! I CAN’T BELIEVE THIS GUY!
“Gusto mong sabihin ko talaga?!” hinamon ko na rin siya.
“Go!” Nanghahamon na rin siya!
“I NEVER WANT TO CONTINUE THIS GAME ANYMORE.” Natigilan kami pareho. Si
Elaine pala yung nagsalita at nakatayo na siya. Malakas yung pagkakasabi niya pero hindi
yung pasigaw. Pati yata siya na-asar na. Na-asar sa amin ni Odrel.
SILENCE…
Ngayon lang nag-sink sa utak ko ang mga pinagsasabi namin ni Odrel. Nakalimutan namin
na kasama pala namin sina Zace at Elaine, ang aking boyfriend at kanyang girlfriend.
Instead yata na maka-move on ako sa sakit, lalo lang itong tumindi. And this time hindi ko
na talaga kayang pigilan pa, di ko na kayang itago pa, di ko na kayang magpanggap pa.
Kailangan ko na itong mailabas.
“Excuse me. Punta lang ako ng washroom.” Tapos ay mabilis akong tumayo at
lumakad.
“Erie…” narinig ko pa si Zace at si Elaine bago ako makalabas ng room. “Odrel where are
you going?”
Chapter 23
GGGGoodbyeoodbyeoodbyeoodbye
Pagkalabas ko ng kwarto dumeretso ako sa labas. Pagkahawak ko sa may railings, hindi ko
na napigilan ang kanina pang gustong lumabas. Hindi ko na napigilang tumulo ang mga
luha ko. Hindi ko pinupunasan ang mga luha ko, hinahayaan ko lang silang pumatak. Hindi
ko na rin napigilang humikbi. Sa ganito ko lang kasi mailalabas ang kanina ko pang tinitiis
na sakit.
Bakit niya ba ito ginagawa sakin? Bakit niya ba ako sinasaktan ng ganito? Ang tindi kasi eh,
parang pinupunit ang puso ko. Kung alam ko lang na masasaktan lang ako, sana simula pa
lang umiwas na ko. Sana hindi ko na lang siya nakilala. Sana hindi na lang kami nag-usap.
Sana hindi na lang niya ako tinulungan. Sana hindi na lang niya ako pinasaya. Sana hindi na
lang siya naging malapit sakin. Eh di sana… sana… sana hindi ko siya hinahanap-hanap
ngayon.
UNFAIR na kung unfair para kay Zace, hindi ko naman kasi mapigil ang nararamdaman ko
eh. Wala na akong paki-alam sa lahat ng sinabi ni Mycel. I DON’T CARE sa kung ano mang
nagyari between them, wala naman iyong naitutulong sakin. Hindi ko rin ginusto na sakabila
ng pakikipag-kaibigan sakin ni Elaine, pinagSESELOSAN ko siya. Siguro nga niloko lang ako
ni Odrel, pero MISS na MISS ko na siya.
Miss ko na yung panunukso niya sakin. Miss ko na yung pagtawag niya sakin ng kung ano-
anong nickname. Miss ko na yung sabay naming pagkain. Miss ko na yung pagtawa niya.
Miss ko na yung paglalambing niya. Miss ko na yung atensyon na binibigay niya sakin noong
kami pa lang ang magkasama. Miss ko na yung Odrel na laging nasa tabi ko, na handang
tulungan ako, na handang pasayahin ako.
“Erie?” napatingin ako sa tumawag sakin. Mukhang nagulat siya ng makita akong umiiyak.
Pero sa halip na punasan ang mga luha, lalo pa akong napa-iyak.
“Anong nangyari sayo?” hindi maitatanggi sa itsura niya na tunay na nag-aalala siya.
Lumapit siya sakin at niyakap ako. Napayakap na rin ako sa kanya habang umiiyak. Tapos
niyaya niya akong umupo. Nandoon pa rin kami sa spot na iyon, sa sahig lang kami na-upo.
“Bakit ka umiiyak?” tinanong mo pa?
“Ikaw kasi eh…” nanginginig pa ang voice ko dahil sa naiyak nga ako “…galit ka ba
sakin?”
“Hinde.” Yung tono niya parang sinasabi na ‘bakit naman ako magagalit’ “Never. Kung
may nasabi-”
“Sabi mo lagi kang nandiyan sa tabi ko. Sabi mo hindi mo ko pababayaan. Sabi mo
hindi mo ko hahayaang masaktan. Huhu… sabi mo… sabi mo…” Sabi mo mahal mo
ko…
“Oo nga.” Napatingin ako sa kanya, na-gets niya yung mga sinasabi ko.
“Pero bakit parang ang layo mo na? Bakit umiiwas ka sakin? Bakit hindi mo na ko
matingnan? Bakit… bakit sinasaktan mo ko?” umiwas naman siya ng tingin.
“Pasensya ka na sa mga nasabi kong hindi maganda sayo. Hindi ko yun
sinasadya.” Pero hindi lang naman sa mga sinabi mo ako nasaktan, pati sa mga ginagawa
mo.
“Pasensya na rin kung hindi ko na matutupad ang mga sinabi ko sayo.” Muli siyang
tumingin sa mga mata ko. “Hindi na kasi pwede.” Nababasa kong nasasaktan siya.
“Hindi na pwedeng ako. May iba nang nararapat na gumawa nun.” Naiintindihan ko
ang sinabi niya. Hindi na pwedeng siya, may Elaine na siya. At may Zace naman ako na
dapat na gumawa nun. Boyfriend ko si Zace, samantalang magKAIBIGAN lang naman kami.
Selfish ba ako? Siguro nga selfish ako. Sarili ko lang ang iniisip ko. Si Zace, mahal ko siya
at mahal niya ko, pero naghahanap pa ko ng iba. Si Elaine, sa kabila ng kabaitan niya… ang
sama ko. Puro sarili lang ako. Naghahanap ako ng hindi naman sakin. At si Odrel. Hindi ko
inisip ang nararamdaman ni Odrel.
“Masaya ka ba?” nagulat ako sa tanong niya. Hindi na rin ako umiiyak, pero feeling ko
halata na pugto ang mata ko sa dami ng luhang inilabas ko kanina.
“…” hindi ko alam ang isasagot sa kanya.
“Mukha namang masaya kayo ni Francis.”
“Ha. Ah. Oo.” Bakit parang hindi ako sigurado. Umiwas ulit siya ng tingin.
Silence…
Nakakabingi ang katahimikan. Oo naririnig ko ang tunog ng kalikasan, pero hindi ako sanay
ng ganito si Odrel. Kapag kasi ganito siya… maaaring sobrang nalulungkot siya or sobrang
nasasaktan siya or galit siya………… or all of the above.
“Do you remember noong pinag-usapan natin yung tungkol sa true love natin?”
“Yeah.” bakit kaya niya natanong?
“Sabi ko di ba, wala siya sa akin…” nakikinig lang ako sa kanya, huminga siya ng
malalim “…at mukhang never na siyang magiging akin.” Teka, parang gumulo ang isip
ko sa sinabi niya. Si Elaine yun diba?
“Odrel…” nagsisimula na namang mamuo ang luha sa mata ko.
“Tinanong ko siya…” nakakaramdam ako ng sakit sa bawat salitang sinasabi niya
“…but…” ayoko… Ayoko. Ayokong marinig ang sasabihin niya!
“…she doesn’t want to stay with me.” Bakit ganoon, bakit parang alam ko kung sino
ang tinutukoy niya. Pero imposible… imposible talaga.
Si Elaine ang girlfriend niya. Si Elaine ang mahal niya. Kita ko kung gaano kalapit at kung
gaano kahalaga sila sa isa’t isa. Kaya naman imposible talaga! Imposible na ako yun!
Bigla siyang tumayo, napatingala na lang ako sa kanya. Tumingin siya sa akin at nag-smile.
A pure smile. Isang smile na puno ng pagmamahal, ngunit puno rin ng lungkot.
“I guess I have to say goodbye.” Tapos ay tumalikod na siya at naglakad papasok sa
loob. Naiwan lang akong nakatingin sa dinaanan niya. Tumulo na naman ang mga luha ko.
Kung kanina parang sinaksak ako sa dibdib, tapos parang pinupunit ang puso ko. Ngayon
parang nadudurog na ito. Alam kong hindi iyon isang simpleng goodbye, na mauuna na
siyang pumasok sa loob. Ang goodbye na iyon ay isang pamamaalam, na ito na ang huli, na
parang bibitawan na niya ang kung ano mang ipinaglalaban niya, na totally na siyang
mawawala.
Tama ba ang nasa isip ko? Tama ba ang hinala ko? Ako nga ba? Kasi kung hindi, bakit ako
nasasaktan na ganito. Hindi derekta sakin, pero sapul na sapul ako.
“Erie… Erie-” lumapit sakin si Zace at yumakap agad ako sa kanya. Alam kong nakita
niyang umiiyak ako.
“Gusto ko ng bumalik sa hotel.” Yun lang sinabi ko at hindi na rin siya nagtanong.
Chapter 24
Break UpBreak UpBreak UpBreak Up
Pagkamulat ko ng mga mata ko, nakaramdam agad ako ng sakit. Paano, buong magdamag
akong umiyak kagabi hanggang sa makatulog ako. Nag-ring ang phone ko.
“Hello. Erie?”
“Francis…” nanghihina kong sabi.
“Uhmm. Gusto mo kumain tayo ng lunch?” ewan ko pero hindi nagreregister na isip ko
yung sinasabi niya. Noong hindi pa rin ako sumasagot. “Susunduin kita…”
Medyo matagal din bago ko siya sinagot. “Nakakain na ako. Wag mo na kong
puntahan. Sige, bye.” Tapos ay binaba ko na agad. I know it’s rude pero wala talaga
akong ganang kumain ngayon, wala rin ako sa mood makipag-usap sa kahit kanino.
Tumingin ako sa orasan, past 12:00 na. Hindi pa rin ako bumabangon sa higaan ko. Hindi
rin ako kumain ng umagahan kanina. Wala rin akong balak kumain ng tanghalian ngayon.
Kung tinatanong ninyo ko kung bakit ako ganito, ewan ko rin. Pakiramdam ko, nawalan ako
ng lakas. Parang nawalan ako ng gana sa mga bagay-bagay.
Mayamaya may kumatok. Ayaw kong tumayo kaya sumigaw na lang ako. Pero sigaw man
ang ginawa ko, hindi buo ang boses na lumabas sakin.
“Pasok!” bumukas ang pinto.
“Miss Erie Villanueva, eto yung food ninyo.” Sabi ni Phemia, tapos may kasunod siya
na lalaki na tagaTS Restaurant. Hindi ko pinansin yung pagkain na nilapag sa table.
“Kanino po ito galing?” Oo. Umaasa ako na kay Odrel ito galing. Pero ngumiti lang siya.
“Mauna na po kami.” Tapos ay lumabas na silang dalawa.
Tiningnan ko lang yung pagkain, wala naman akong balak kainin iyan. Pero may nakita
akong note. Agad akong napatakbo sa may table at binasa ang sulat. Sana sa kanya…
sana… sana…
Erie,
Kumain ka na ha. Baka magkasakit ka niyan. Take care.
Zace
Akala ko siya. Sabagay, umasa pa kasi ako eh. Goodbye nga daw diba. Ang tanga ko talaga.
Dahil na medyo gutom na rin ako, kinain ko na rin yung food na dinala nila. Then nahiga
lang ulit ako. Tapos pa-ulit ulit kong naririnig ang sinabi ni Odrel sakin.
*flashback
“I guess I have to say goodbye. I guess I have to say goodbye. I guess I have to
say goodbye. I guess I have to say goodbye. …I have to say goodbye. …I have to
say goodbye. …I have to say goodbye. …say goodbye. …say goodbye. …say
goodbye. …goodbye. … goodbye. … goodbye…”
Ayoko na! I’m tired of it.
Lumabas ako para magpahangin. Dun ako nagpunta sa usual spot ko pag may problema
ako, sa may tabing dagat. Na-upo ako dun sa mga malalaking bato. Naalala ko, dito ako
unang nag-share ng problema ko kay Odrel. Dito ko rin nalaman yung tungkol sa true love
niya. At dito rin nangyari ang aming… ang aming… first kiss. Sa pag-alala ko sa mga
memories namin ni Odrel dito, bigla na namang tumulo ang luha ko. Di ko na naman
napigilang umiyak. Pero hinayaan ko lang, mula kasi noong magising ako kanina, ngayon ko
lang ulit nailabas ang sakit na nararamdaman ko. Tapos naramdaman ko na lang na may
tumabi sakin. Paglingon ko, si Zace pala.
“Hindi ko na itatanong kung may problema ka… obvious naman eh.” Ito ang isa sa
nagustuhan ko kay Zace, hindi na niya tinatanong pag alam na niya ang sagot.
“Kung okay lang, i-share mo sakin yang problem mo. I’m sure makakagaan yan
ng feeling.” Teka, ganyan din ang sinabi ni Odrel sakin dati ah…
Hindi ko siya sinagot. Umiling lang ako. “Ayaw mo?”
“Hindi sa ganoon…” yumuko ako.
“Kasi hindi pwede.” Nagulat ako at napalingon sa kanya. “Hindi pwede sakin.”
Paanong?!
Umiwas siya ng tingin. “Diba dito sa place na ito tayo nag-usap at nagkabati…”
naalala ko nga yun “…noong makita nga kita parang ang lalim ng iniisip mo eh,
parang problemado ka.” Oo, pinoproblema ko kasi si Odrel noon.
“Tapos ngayon nakita ulit kita dito. At obvious na problemado ka…” Oo,
pinoproblema ko pa rin si Odrel ngayon. “…Gusto kong makipag-usap sayo. Gusto ko
nang makipaghiwalay.” Hindi ko agad na-absorb yung sinabi niya, pero inulit niya pa. “I
want a break up.”
“Z-zace, wha-what do you mean?” nauutal pa ako sa gulat.
“Erie.” Tiningnan niya ako ng makahulugan. “Alam kong may nagyayari…” Alam niya?!
“At alam kong kaya hindi mo pwedeng i-share sakin yang problema mo ay dahil
isa ako sa pinoproblema mo. Alam kong involved tayong apat. Ako, ikaw, si Odrel,
at si Elaine.”
Meaning, napapansin niya pala?! Pero wala naman siyang kakaibang reaction pag
magkakasama kaming apat ah. Teka, paano niya nalaman? Kailan pa? Ibig sabihin,
nasasaktan rin pala siya… nasasaktan siya ng dahil sakin. Ang sama ko! Ang sama-sama ko.
“Para rin naman ito sa ikabubuti natin eh. Para sa ikabubuti mo.” Pero ang iniisip
niya pa rin ay ang para sa akin.
“Teka Zace…” sawakas nagkaboses rin ako “…oo, inaamin ko, naguguluhan ako
ngayon. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Pero Zace…” pinunasan
niya ang luha ko. “Zace, mahal kita.”
“Alam ko Erie. Pero yang nararamdaman mo sa akin ay pagmamahal lang sa isang
kaibigan.” Pagmamahal lang sa kaibigan?
“Mahal din kita Erie, pero noong makabalikan tayo, may narealize ako. Ang love ko
para sayo ay pagmamahal lang sa isang friend.” Napa-iling ako.
“Sorry kung hindi ko agad sinabi. Pansin mo noong maging tayo noong highschool,
naging close talaga tayo. Pero ang treatment natin sa isa’t isa ay parang magbest
friends lang. Hindi tayo tulad ng ibang mag-bfgf na sobrang special ang treatment
sa isa’t isa.” Ang totoo naisip ko rin iyon kahit noon pa. Yun din ang dahilan kung bakit
never pa kaming nagki-kiss sa lips.
“I think kung ano man ang nararamdaman natin, hanggang pagkakaibigan lang.
Kung hihigit man, maaaring magkapatid. I think, kaya lang ganun ang naging
reaction natin noong nag-break tayo kasi masyado nga tayong naging close sa
isa’t isa.” Unti-unti nare-realize ko yung mga sinasabi niya.
“After ng break up natin na ito, siguro pwede nating ituring ang sarili natin na
mag-bestfriend.” Mag-bestfriend?
“Zace…” hinawakan niya ang kamay ko. “Listen to your heart.” Tapos napayakap na ako
sa kanya at umiyak. “Zace, I’m sorry. Sorry.” Hinahaplos niya ang buhok ko.
“Wala ka namang dapat isorry eh. Dapat nga ako eh, kasi hindi ko agad inamin
sayo.” Nakayap pa rin ako sa kanya at hindi ko parin mapigil umiyak. Kasabay noon ay
pinakikiramdaman ko ang sarili ko. Tama nga siya. Iba ang pagmamahal na nararamdaman
ko para sa kanya. Iba ang tinitibok ng puso ko.
After kong maka-recover sa pag-iyak, naghiwalay na kami. “Zace thank you ha.”
“Wala yun. Kung noong una palang inamin ko na sayo eh di sana hindi ka na
nahihirapan ngayon.”
“Alam mo?” tumango siya.
“Oo. Mahal mo si Odrel di ba?” Hindi ko siya sinagot. “Pero hindi mo agad napansin
kasi nasa akin ang atensyon mo. Tapos ng dumating si Elaine, saka mo lang
nalaman na mahal mo talaga siya. Yun nga lang naguguluhan ka kasi ako ang
boyfriend mo.”
“Alam mo talaga lahat ng nangyari.” Tanong dapat iyon pero iba ang lumabas na tono
ng pagkakasabi ko.
“Simula pa lang, napansin ko na may something between the two of you. Lagi
kang masaya pag kasama mo siya. Lagi kang nakangiti. Parang wala kang
problema. Parang wala kang ibang iniisip. Akala ko nga hindi mo ko naiisip eh,
kaya nga nagselos ako.” medyo natawa siya sa sinabi niyang nagselos siya.
“Pero noong nagkabalikan tayo, nawala lahat ng ngiti mo. Oo ngumingiti ang mga
labi mo, but not your eyes. Tumatawa ka, but there’s no life. Tapos palaging
malalim ang iniisip mo. Then dumating pa si Elaine. Wala na ngang happiness,
puro pain pa ang nakikita ko ngayon sa mga mata mo. Alam ko kung gaano mo
kagustong umiwas sa kanila, kung gaano ka nahihirapan na magpanggap na okay
ka, kung gaano mo kagustong tumanggi sa pagsama sa kanila, pero wala kang
choice. And I know, kung gaano ka na nasasaktan. Kaya minabuti ko na rin na
ipagtapat sayo ang lahat para makabawas man lamang ako sa problema mo.”
“Wala rin naman eh.” Huminga ako ng malalim para kumuha ng lakas na maikwento sa
kanya ang lahat. “Tanda mo ba yung babae na sumampal kay Elaine sa beach?”
“Yeah. I remember.”
At ikinuwento ko nga lahat-lahat kay Zace. Kung paano kami nagkakilala ni Odrel, yung sa
self-proclaimed-boyfriend-thing. Tapos kung paano niya ako kinulit, tinulungan at pinasaya.
Pati yung mga paramdam niya sakin. Yung tungkol sa nalaman kong nangyari sa kanila ni
Mycel, na hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba. Tapos yung pagtatapat niya sa akin. Ang
pagdating ni Elaine, na girlfriend pala niya. At pati ang mga nararamdaman ko ngayon.
Chapter 25
Odrel vs ZaceOdrel vs ZaceOdrel vs ZaceOdrel vs Zace
Pumikit ako. “Hindi ko siya mahal, hindi pwede… Cause he doesn’t love me.”
“I don’t think so.”
“What do you mean Zace?”
“Ewan ko pero kita ko sa mga tingin niya na special ka sa kanya. Pati sa kilos niya,
halata na you’re someone important to him.” Ito na naman ba yung kakayahan ng
mga lalaki na mabasa ang isa’t isa?
“Tanda mo ba yung gabi na nakipagbati ako sayo? Di ba napansin mo na may pasa
ako sa mukha?” Naaalala ko yun. (See Chapter 14) “Ang totoo si Odrel ang may gawa
nun.”
“What?!” As in nagulat talaga ako. Never ko inexpect na magsusuntukan sila. Siguro yun
din yung narinig ko kay Phemia na nakipag-away daw si Odrel.
“Oo. Sa kanya ko rin nalaman na hindi talaga kayo magboyfriend-girlfriend.”
Nakatingin lang ako sa kanya, at gulat pa rin. “Ganito kasi yun…”
*flashback
~Zace’s POV~
Badtrip. Absent ako kahapon. Nagpalamig pa ko ng ulo gawa ng nangyari nung isang gabi.
Masyado akong nagpahalatang affected ako. Asar oh! Kung ano pa tuloy ang nasabi ko kay
Erie. Ang dami ko ng nagagawang kasalanan sa kanya. Yung una dun sa club, yung biglang
may humalik sakin na babae. Tapos yung dahil sa kagustuhan kong umiwas sa kanya, hindi
ko siya tinulungang tumayo noong natumba siya. Tapos noong isang gabi, nasabihan ko pa
siya ng masasakit na salita. Arrrgggh.
“Francis.” Familiar ang boses na ito ah. Lumingon ako.
“Odrel.” Lumabas siya at sumunod naman ako. “Ano?”
“Gusto kitang maka-usap.” Kita kong galit siya. Ang sama ng tingin sakin.
“Bakit tatanggalin mo na ba ako sa trabaho?” At nakakapag-init ng ulo ang tingin
niyang iyon.
“Ano bang problema mo?”
“Marami.” Alam ko kung ano talaga ang tinutukoy niya, pero nag-iinit talaga ang ulo ko.
“Pansin ko nga.” Ano daw?! Nang-aasar ba to?!
“Ano ba talaga ang ipinunta mo dito?”
“Ikaw. Sino pa bang kausap ko.” P^t@! PILOSOPO to ah!
“Anong problema mo sakin!” Bastusan pala ha, wala kong paki kung boss kita.
“Bakit ginagawa mo to kay Erie?”
“Ano bang PAKIALAM MO?!” pinagdiinan ko talaga sa kanya. At kita kong nag-init din
ang ulo niya sa sinabi ko.
“Madami!” Ibinalik niya sakin ang sinabi ko kanina.
“Pwes sakin wala kang paki! Kaya tigilan mo na ko. Nananahimik ako ta-”
PAK! Shit. Sinuntok niya ako ng malaks sa mukha. Napa-urong ako. At oo, masakit.
“Yan ang problema sayo, nananahimik ka! Wala kang ginagawa pero nasasaktan
mo pa rin siya! Hindi mo ba-”
PAK! Ako naman ang sumuntok sa may bandang tiyan niya. Napayuko naman siya.
“Ano bang alam mo ha?! Wala ka namang alam sa nangyari!”
“Wala nga akong alam sa nangyari noon, pero alam ko kung anong nagyayari
ngayon.” Tiningnan niya ako na para bang alam niya ang nasa-isip ko. Sa inis ko sinuntok
ko siya pero naiwasan niya, tapos siya naman ang sumuntok at tinamaan niya ako. Agad ko
naman siyang binawian at hindi siya nagpatalo at bumawi rin ng suntok.
“Aminin mo na ang totoo! Alam ko ang tunay na nararamdaman mo!” Napansin pala
ng baliw na to! PAK!
“Bakit ba ha?! Alam mo na pala eh! Anong napala mo?! Girlfriend mo siya ah, bakit
parang ipinipilit mo siya sakin?!” ang labo talaga niya! PAK!
“Dahil gusto kong lumigaya siya! Ayoko siyang nakikitang malungkot at
nasasaktan. Dahil kahit hindi ko talaga siya girlfriend, MAHALAGA sakin si Erie!”
Natigilan naman ako dun. Hindi niya talaga girlfriend si Erie?!
PAK! Sumuntok siya pero hindi ako gumanti. PAK! Sumuntok ulit siya.
“Nakipaghiwalay siya sayo pero na-realize niya na mali siya. Pinagsisisihan na
niya iyon, lahat naman tayo nagkakamali eh, patawarin mo siya! Ilang beses siya
nag-try para makipag-ayos sayo pero anong ginawa mo? Sinaktan mo lang siya!”
Napa-upo ako sa pagod na rin sa pakikipagsuntukan kay Odrel. Hindi birong kaaway ito,
mukhang sanay din. Naisip ko naman lahat ng sinabi niya. Akala ko ako lang, siya rin pala.
Kaya pala lagi niya akong nilalapitan kahit anong sungit at lamig ko na sa kanya.
Napa-upo na rin si Odrel “Mahal ka niya Francis. Mahal ka ni Erie.”
“Sabihin mo nga, bakit ginagawa mo to?” sumama ang mukha niya.
“Kaibigan ko siya.” Sinungaling!
“Hindi ba’t parang sobra na ito kung para sa friendship lang?” ako naman ang
tumingin ng makahulugan sa kanya. “Masyado ka naman yatang naghihimasok sa
buhay niya.” Matigas ang pagkakasabi ko.
At mabilis na mabilis, nasa harap ko na siya, hawak ng mahigpit ang kwelyo ko at
nakapwesto na ang kabilang kamay para suntukin ako. Mula ng makilala ko si Odrel, ito na
ang pinaka-masamang tingin na nakita ko sa kanya. Isang maling kilos at tatamaan ako sa
kanya. Hindi rin maganda ang pwesto ko para dumepensa. Shit. Dehado ako. Matatalo ako.
“Mali ka. Ako ang talo sa laban. Hindi niya ako kaibigan, hindi ko nga alam kung
ano talaga ko sa kanya. Pero eto ang tandaan mo, kapag sinaktan mo siya, sa
ayaw mo man o sa ayaw niya man. Ako mismo ang kukuha sa kanya.” Mukhang gigil
na gigil sa pagpigil na makasuntok sakin si Odrel.
“Sir Odrel? Francis?” nakita kami ng isa kong katrabaho. “Gino, Mike, Kevin!” at
nagtawag pa ng iba naming kasama para awatin kami ni Odrel. Lumuwag ang hawak ni
Odrel sa damit ko. At pinaghiwalay na kami ng iba.
“Talo na ko pero hindi ibig sabihin na sumusuko na ako. Hanggat hindi ko kayo
nakikitang masaya, matakot ka! Hindi mo pa ko kilala.”
*flashback ends
~Normal POV~
“Sa mga sinabi ni Odrel, dun ako natauhan kaya nakipagbati ako sayo.”
“Does it mean?” parang hindi ako makapaniwala. Parang ayokong mag-assume, tapos
hindi naman pala.
“Meaning, mahal ka rin niya. Nang higit sa isang kaibigan.” Natuwa ako pero sandali
lang nawala rin agad yun.
“Pero sumuko na siya Zace. Minsan tinanong niya ko kung masaya ko sayo.
Natural sinabi ko, OO. Hindi ko naman kasi alam eh. Kaya pala siya nag-goodbye
sakin.” Napa-iyak na naman ako.
“Erie…”
“Isa pa… nandiyan na si Elaine.” Niyakap ako ni Zace.
“Ewan ko, pero may nararamdaman akong kakaiba sa kanilang dalawa. I know
there is something wrong. Sinusubukan ko ngang malaman kung ano yun eh.”
Siguro yun yung dahilan kung bakit kakaiba si Zace pag kasama namin sila.
“Wag kang mag-alala, matatapos din lahat ng problema mo. Hindi kita iiwan,
tutulungan kita.” Lalo niya pa akong niyakap. Feeling ko tuloy may kuya na ako.
“Salamat Zace.”
Chapter 26
He’s your whatHe’s your whatHe’s your whatHe’s your what?!?!?!?!
Tama bang nandito ako? Baka hindi ko kayanin ang maka-usap siya. Baka di ko mapigil ang
sakit, baka di ko mapigil ang mga luha ko. For sure magtataka si Erie pag nangyari yun.
Ewan ko ba, hindi ko magawang tumanggi sa kanya. Isang tawag lang niya sakin na
magkita daw kami dito sa labas ng hotel, pumunta naman agad ako. Uto-uto ba ko?
Pero bakit niya kaya gustong makipagkita sakin? 5:00 am pa lang. Siguradong tulog pa
yung ibang tao. Medyo madilim pa, pero nagsisimula na ring magliwanag. Ang ganda nga
ng view dito eh. Kita ko ang pag-sikat ng araw at ang ganda pa ng effect sa dagat.
“Erie.” Ayan na pala siya.
“Oh, Elaine.” Eto na naman, magpapanggap na okay lang ako. “Bakit gusto mong
makipagkita?” nginitian niya ako.
“Gusto ko kasing ipakita sayo ang ganda ng view dito kapag ganitong oras.” Yun
lang! Pero sabagay, na-appreciate ko nga yung ganda.
Tahimik lang kaming nakatingin sa dagat at nanonood ng sunrise. Pero mayamaya nagsalita
na siya.
“Alam mo ba na maliban sakin, ikaw ang unang babaeng naging malapit kay
Odrel.” Bakit naman yun pa ang na-isip niyang topic?
“Oh.” Paano ba ko mag-rereact sa kanya? Ang awkward naman kasi ng pag-uusap namin
na ito eh.
“Ang galing mo nga eh, napakikisamahan mo siya sa mga kalokohan at kakulitan
niya.”
“Nasanay na rin ako eh.” I forced a smile.
She chuckled. “Pero sweet yang si Odrel. Kaya nga pag lagi mo siyang kasama
tapos napalayo ka sa kanya, for sure mami-miss mo siya.”
“Oo nga eh.” Nag-fake smile ako. Alam ko nga ang feeling eh, nararamdaman ko ngayon.
Tumingin si Elaine sa malayo. “Alam mo bang madalas napagkakamalan na flirt si
Odrel. Pansin mo naman siguro na attractive siya sa girls. At pag may kausap
siyang isang girl, kung ano-ano ang sinasabi para ma-please lang ang kausap niya.
Akala kasi niya, yun ang ine-expect ng girls na marinig galing sa kanya.”
Medyo napangiti naman ako sa narinig ko, kasi… “Ganoon nga rin ang naging first
impression ko sa kanya eh.”
“Really?” napatingin sa akin at parang amused pa siya.
“Oo. Bigla siyang tumabi sa akin tapos sinabihan ako ng cute then kung ano-anong
sinabi tungkol sa destiny tapos maya-maya pa, gusto na daw niya ako-” Oh! Bigla
akong napatigil. Ba’t ko ba nasabi iyon, baka malaman niya… Bigla siyang napangiti sakin.
“Okay lang sakin. Ganyan nga rin ang nangyari sa kanila ni Mycel eh.”
“Ha?” medyo nagulat naman ako sa nalaman ko.
“Ganoon din yung ginawa niya kay Mycel.” Ini-explain ni Elaine ang nangyari. “Last
summer kasi nagpunta dito yung family ni Mycel para makipagnegotiate sa
parents ni Odrel. You know, business talk. Tapos kailangang i-entertain ni Odrel si
Mycel. Then, ayun nga… Akala mo eh nakikipag-flirt sa kanya si Odrel. Pero ang
totoo eh, sinasabi niya lang kung ano ang sa tingin niyang gustong marinig ni
Mycel. Kaso si Mycel, inassume na nagpaparamdam si Odrel sa kanya at
nanliligaw. Tapos noong ipinakilala ako ni Odrel sa kanya as his girlfriend, hindi
niya matanggap.”
“You mean…” shocked pa rin ako “… hindi talaga naging sila?”
“Oo. Pero hanggang ngayon, naniniwala pa rin si Mycel na niloko siya ni Odrel.”
Nag-nod ako.
“Yun nga ang sinasabi niya.” Malinaw na sa akin. Misunderstanding lang pala ang
nangyari, lalo na sa part ni Mycel. Akala niya niloko at pinaglaruan lang siya ni Odrel, pero
hindi yun totoo. Mabait si Odrel pero nag-judge agad ako sa kanya. Mabuti pa si Elaine, may
trust siya kay Odrel.
“Hindi ganoong tao si Odrel.” Alam ko yun. “Hindi niya paglalaruan at sasaktan ang
damdamin ng iba. Ang totoo, mas gugustuhin pa nga niyang masaktan, kesa ang
mga mahahalaga sa kanya.”
Hindi manloloko si Odrel at malaki naman ang tiwala sa kanya ni Elaine. Pero ako… ako…
Hindi ko maalis sa isipan ko yung mga sinabi sa akin ni Odrel. Imposible naman na dahil
lang iyon sa gusto niyang ma-please ako. That’s impossible! Cause it felt so real. Ang
sabihan niya ako ng MAHAL niya ako at ipaRAMDAM iyon sa akin. Hindi yun alam ni Elaine.
“Ni minsan ba, walang itinago sayo si Odrel? I mean lahat ba, sinasabi niya sayo?”
“Oo. Lahat sinasabi niya sa akin. Lahat ng nagyayari sa kanya. Lahat ng nakikilala
niya. Pati ikaw, nai-kwento niya rin sa akin.” Malaki ang tiwala niya kay Odrel. Tiwala
siyang lahat sinasabi sa kanya ni Odrel.
“Lahat? Pati nararamdaman niya? Pati problema niya?”
“Yup. Ang nararamdaman niya, ang problema niya, sinasabi niya sakin yun.” Pero
yung nagyari sa amin, hindi niya yun alam.
“Pero may hindi ka alam…” at tingin ko, kailangan niyang malaman.
“I know everything.”
“No! Hindi mo alam na…” Naging mabait sa akin si Elaine. She treats me as a friend.
Ganoon din ako sa kanya. At kapag itinago ko sa kanya ito, feeling ko, I’m betraying her.
“Na ano?” I have to tell her.
“N-na… na ilang beses akong sinabihan ni Odrel na mahal niya ako at maraming
beses niyang pinaramdam sakin iyon.” Nasabi ko na.
Tahimik lang siya, at nung tiningnan ko siya… nag-smile siya sa akin. Isang smile na totoo
at walang halong galit o lungkot. “I know that.”
“What?!” ngayon lalo akong nagulat. Alam niya rin iyon. Sinabi rin sa kanya ni Odrel iyon.
“I know that and believe me… it’s true.” Kung alam niya, ibig sabihin nasasaktan din
siya. Pero…
“Bakit okay lang sayo?” bakit parang wala lang sa kanya iyon.
“Masaya ka na pag nakikita mong masaya ang mahal mo, ganoon ang love.”
*flashback
“Gusto ko talaga siya. Mahal ko na nga eh. Kaya nga kahit nasasaktan na ako,
okay lang. As long na makikita ko siyang masaya. Ganun yata talaga ang love eh.
Masaya ka na rin pag nakikita mong masaya yung special someone mo.”
Ganun din ang sinabi ni Odrel sa akin.
“Ikaw Erie, nakikita mo bang masaya ang mahal mo?” nagulat ako sa tanong niya. At
hindi rin ako makasagot.
“Bakit? Hindi ba?” kita ko sa mata ni Elaine na malungkot siya habang tinatanong ako
“Hindi ba siya masaya?” bakit parang alam niya ang sagot ko sa tanong niya?
“H-hindi sa ganoon…”
“Hindi mo ba siya pwedeng pasayahin?” bakit parang kilala niya kung sino?
“No… It’s just…”
“Hindi mo ba pwedeng pasayahin si Odrel?” bakit parang alam niya ang lahat.
“Bakit ba pinipigilan mo ang sarili mo. Ayaw mo bang maging masaya ka? Ayaw
mo bang maging masaya si Odrel? Mahal ka niya. Alam kong mahal mo rin siya.
Bakit ba pinahihirapan ninyo pa ang sarili ninyo?”
“Pero mahal mo rin siya-”
“Dahil sa akin? Dahil ayaw mong makasakit ng iba. Pero si Odrel ba hindi mo
nasasaktan? Kung may mga nagsakripisyo, dapat meron ding lumalaban. Hindi mo
ba siya kayang ipaglaban?”
Ipinaglaban ako ni Odrel, pero dahil sa kahinaan ko, nagsakripisyo na lang siya. Si Zace,
nag-sacrifice din siya para sa akin. Ganoon din ang ginagawa ni Elaine. Pero ako, walang
ginagawa. Lagi akong nasa safe. Takot gumalaw dahil baka magkamali ako at masaktan.
Pero sa halip, mas marami pa ang nasasaktan. Tama, hindi pwedeng lagi akong ganito…
“Oo… Mahal ko siya! I love Odrel! I love him very much!” tapos napa-iyak ako, halos
humagugol na nga ako eh, siguro dahil sa wakas nailabas ko na ang matagal ko nang
kinikimkim. Then Elaine hugged me.
“Sorry. I’m so sorry.” Wala akong ibang masabi sa kanya kundi iyon.
“You don’t have to say sorry.”
Matagal-tagal din akong umiyak at ngayon medyo okay na ako.
“Naguguluhan ka na noh?” nag-nod ako.
“Sabay kaming lumaki ni Odrel. Mga bata palang kami, lagi na kaming
magkasama. Wala rin kami masyadong nakakahalubilong ibang tao, kaya kami
lang talaga.” Nakikinig lang ako sa kanya.
“We’re really close and we know each other very well. And I know everything that
happened between the two of you. Like what I said, he told me everything.”
“Di ka ba… nasasaktan?” soft lang yung pagkatanong ko sa kanya.
“Hinde.” Tapos nag-smile pa siya. “Masaya nga ako eh. And the reason why I’m here
is to help him. Dati kasi, tinulungan niya rin ako sa lovelife ko.”
“Hmm?” Wala akong maibigay sa kanya kundi isang quizical look.
“Sino pa ba ang magtutulungan kundi kami. After all, we’re cousins.”
Nanlaki ang mata ko. “He’s your what?!”
“COUSIN. You heard it right. Odrel is my cousin. Magkapatid ang mama ko at papa
niya.” Shocked pa rin ako. Magpinsan silang dalawa?! Si Odrel at si Elaine?
“If he’s your cousin, then why-”
“We’re just pretending.”
Tahimik lang ako while trying to piece the pieces together in my mind. Parang puzzle na
ngayon lang nabuo. At noong napansin niyang okay na ako, tinanong ulit niya ako.
“Now that everything is clear, siguro naman wala nang magiging problema para sa
inyo?” Napayuko lang ako. Oo nga, malinaw na ang lahat, pero…
“Erie, ikaw ang una at nag-iisang babae na minahal ni Odrel.”
“Pero sinaktan ko lang siya.” Minahal niya ako pero hindi ko iyon nasuklian.
“Erie-”
“I think, huli na ang lahat para sa amin. Nag-give up na siya eh…”
*flashback
“I have to say goodbye.”
Nagpa-alam na siya sakin. Sumuko na siya. Wala na kong magagawa.
“Hindi kaya naghihintay lang siya.”
“What do you mean?”
Nag-shrugged lang si Elaine. “Maganda siguro if you’ll be the one to figure it out.”
Chapter 27
No! A big NO!No! A big NO!No! A big NO!No! A big NO!
Bago kami maghiwalay ni Erie kaninang umaga, sanabi niya sakin na tutulungan niya daw
ako. Si Zace, yun din ang sinabi sakin. Pero ano pang magagawa ng tulong nila kung
mismong si Odrel na ang may ayaw.
“Ito na ang waffles at mocha latte mo.” Nag-smile ako kay Zace.
“Thanks.”
“Sabi ko naman sayo eh. Tingnan mo, unti unti naaayos na ang lahat.” Nakwento ko
na ang nalaman ko about kay Elaine and Odrel. At ang unang reaction ni Zace ay ‘Sabi ko
na eh, kaya pala kakaiba yung closeness nila. Kaya pala hindi direct ang sagot nila sa mga
tanong ko. Magpinsan pala sila!’. Ang galing nga ni Zace eh, may hinala pala siyang ganun.
“Hi, Erie.” Si Elaine pala, na-upo siya sa tapat ko.
“Elaine. Parang masaya ka?” di kasi nawawala ang ngiti niya.
“Wala lang. By the way, hindi ko sinasabi kay Odrel na alam mo nang magpinsan
kami.”
“Bakit?” napatingin siya kay Zace na nakatayo pa rin sa tabi ng table namin. Nasa Prince
restaurant kasi kami kung saan siya nagtatrabaho.
“Hi.” Bati niya kay Zace.
“Hello.” Reply naman ni Zace sa kanya.
“Alam na nga pala ni Zace na magpinsan kayo, nakwento ko na sa kanya.”
Tumango lang siya.
“Hindi rin niya alam na… you know… yung sa inyo ni Francis.” Nasabi ko na rin kay
Elaine na nag-break na kami ni Zace at nag-usap na magiging mag-bestfriends na lang.
“Bakit di mo sanasabi sa kanya?” eh kasi, wala na rin namang sense kung
magpapanggap pa kaming lahat diba?
“Aalis tayo mamaya ha.” Eto na naman, si Elaine na yata ang reyna ng ‘change topic’.
“Kailangan bago ako umalis, maayos na kayo ni Odrel.”
“Paano?” pwede pa ba?
“You need to tell him. Sabihin mo ang true feelings mo.”
“What?! No! A big NO!” sabay iling ko pa.
“Bakit naman?”
“Like duh! Ako ang magtatapat?! Eh buti kung sasabihin ko lang ang feelings ko.
Kaso hindi eh, magmamaka-awa pa akong gustuhin niya ulit ko. Parang ako pa
ang nanliligaw nun.”
“Sino ba ang nagsabing ayaw na niya sayo?”
“Ha? Siya.” Tiningnan niya ako na parang imposible naman yun. “Okay. Hindi direct
yung pagkakasabi niya pero, nag-goodbye siya sakin at alam kong malalim ang
meaning nun.”
“Goodbye lang yun. Maybe sumuko na nga siya. Pero di niya sinabing di ka na niya
mahal.” Sabagay, may point siya dun.
“Pero kahit na. We’re not sure kung ano talaga ang iniisip niya. Mahirap mag-
assume.”
“Hay.” Ngayon ko lang narinig nag-sigh si Elaine, nakukulitan na siguro sakin. Eh kasi
naman…
“Siguro maganda kung mapapatunayan muna natin kay Erie na mahal pa rin siya
ni Odrel.”
“Right! Basta pag na-prove na namin sayo na love ka pa rin ni Odrel, kaka-usapin
mo siya at sasabihin ang totoo ha?”
“Okay.” Sana nga…
“Then, mamaya aalis tayong apat. Dapat ganun pa rin, tulad lang ng dati. Kunyari
kayo pa ring dalawa. And kunyari ang alam ninyo, kami ni Odrel. So ganun lang.”
So magpapanggap pa rin pala ako.
“Basta Erie maki-ride ka na lang ha.” Walang specific na plan?! Makiki-ride na lang ako
basta?! Para talaga siyang si Odrel, magpinsan nga sila.
“Francis, pwedeng mag-usap tayo mamaya? Para sa plan.”
“Sure.” Talagang di ako kasali sa magpaplano eh. Pero okay na rin yun, nakaka-pressure
kasi pag may planong sinusunod. Lalo akong pumapalpak.
After nun, nagkwentuhan lang kami ni Elaine saglit at si Zace naman nagtrabaho na. Ako,
walang magawa kundi ang mag-antay ng mamaya. At heto na ang hinihintay ko. Oras na…
Nagpunta kami sa kabilang isla. Malapit lang naman sa Thousand Sunny Paradise Island.
Pagdating namin doon, medyo madilim na, pa-gabi na kasi. Sabi ni Elaine, fiesta daw dito
kaya maraming tao at mga turista. Doon kami nagpunta sa parang amusement park. Yung
may Ferris wheel, may merry go round, may roller coaster, at iba pang mga rides. May
horror house, mirror house at kung ano-ano pang pwedeng pasukin. Tapos marami ring
tindahan ng iba’t ibang pagkain. Para lang siyang perya pero mas malaki yung nandito, mas
maganda, mas sosyal at mas bigatin. Pero syempre hindi kasing ganda ng nasa Enchanted
Kingdom.
“Okay saan ninyo gustong magpunta?”
“Gusto ko sa Ferris wheel.”
“Mamaya na doon, kapag malapit na ang fireworks display.” May fireworks display
mamaya?
“Oo nga.” Ano kaya ang plano ng mga ito?
“Sa roller coaster tayo.”
“Ha? Dun na agad?” ayos naman, unang una roller coaster agad? Hindi kaya umuwi agad
kami nito.
“Bakit di ka ba nasakay ng roller coaster?”
“Nasakay yan, di nga lang niya favorite yun.”
“Si Odrel din, hindi mahilig sa rides. Kung gusto ninyo maiwan muna kayo dito.”
“Hinde, okay lang sakin.” Hindi ko pa kayang samahan siya. Di ko pa kayang aminin sa
kanya noh. I’d rather join them sa roller coaster.
“Oo nga kasama naman niya ako eh.” Nakatingin si Zace kay Odrel.
Huh? Teka baka part ito ng plano. Napatingin ako kay Odrel, nakatingin lang siya sa ferris
wheel. Kaso parang di naman siya affected eh.
Sumakay nga kami. At noong andoon na ako at umaandar na ang ride paikot-ikot, isa lang
naiisip ko. Sana nagpaiwan na lang ako sa baba, kasama si Odrel. Pagbaba namin, parang
nahihilo ako. Kung mahina-hina lang ako, for sure masusuka na ako.
“Ano kaya mo pa ba Erie?” inalalayan ako ni Zace sa braso.
“Gusto mo magpahinga muna?” parang wala lang kay Elaine yung ride na iyon ah.
“Tsss. Di pala kaya, sumakay pa.” pabulong lang pero narinig namin lahat yung sinabi ni
Odrel. Dun pa rin sa FW siya nakatingin.
“Don’t worry, kaya ko naman eh. Parang nabigla lang ako kasi, unang una.” Mahal
niya ba talaga ako? Bakit niya ako pinariringgan. Parang di naman.
Tiningnan ko si Elaine at Zace para malaman ang reaction nila, pero bakit ganun? Bakit
nakangiti pa sila? Eh samantalang palpak nga yung plano nila na patunayan sakin na gusto
pa rin ako ni Odrel. Ang labo nila…
Sunod kaming sumakay sa may parang tren na pumapasok sa parang tunnel. Pagdating sa
loob ay ang cute, para kang nasa cartoons. May mga cute na characters, tapos may mga
bubbles, tapos may mga nagtwi-twinkle pang lights. Pambata talaga siya, pero hindi naman
namin alam eh. Nalaman na lang namin noong nasa loob na kami, sinundan lang kasi namin
yung isang magbabarkada na pumasok dito.
Pang dalawaan yung upuan. Kami ni Zace ang magkatabi, tapos si Elaine naman at si Odrel.
Nasa harapan kami at sumunod nasa likuran namin sina Elaine. Habang nakasakay kami,
biglang isinandal ni Zace ang ulo niya sa ulo ko.
“Bakit Zace?” Para naman kasing masyado na kaming sweet para sa mag-bestfriends.
“Pasimple, tumingin ka sa likod.” Ah, gets ko na. Para sa plano…
Tulad ng sinabi niya, pasimple akong sumilip sa likod. Pero hindi nagseselos na Odrel ang
nakita ko. Tuwang tuwa si Elaine, habang si Odrel ay kinaki-usap niya. Parang nagkukulitan
sila. Mukhang hindi naman ako tinitingnan ni Odrel. Mukhang wala naman siyang pakialam
sakin. Mukhang wala na talaga.
“Zace, tingin ko wala na ring kwenta kung ipagpapatuloy pa natin ito.” Mahina
kong sabi.
“Bakit naman?”
“Instead na mapatunayan kong gusto pa rin niya ko, ang nakikita ko ay Odrel na
walang paki sa akin.”
“Hay nako Erie. Hindi mo lang kasi napapansin.” Lumapit na si Elaine at Odrel samin.
“Sa horror house naman tayo.” Yaya ni Zace.
“Sure. Favorite yun ni Odrel. Dito lang siya nage-enjoy eh, diba?”
“Game ako. Tara na.”
“Siguro pass muna ko.” Napatingin silang tatlo sakin.
“Ah! Nakalimutan ko, ayaw na ayaw mo nga pala ng nakakatakot.” Nag-nod ako.
“Teka paano yun, di naman pwedeng maiwan ka sa labas mag-isa.”
“Okay lang ako. Sige pasok na kayo.” Kesa naman magti-tili ako sa loob diba?
“Kayo na lang ni Odrel. Sasamahan ko na lang si Erie.” Teka, ang alam ko mahilig din
si Zace sa mga ganito eh. Hay, nakokonsensya naman ako.
“Teka…” nagaantay sila sakin “…sasama na ko. Tara na Zace.”
At pumasok na nga kami sa loob. At ewan ko ba kay Elaine, kami pa talaga ang pina-unang
maglakad, si Zace naman pumayag pa. Naisip ko tuloy, sabi nila tutulungan daw nila ako.
Eh parang wala naman eh. Nage-enjoy lang sila, habang ako takot na takot.
“Awwoooo.” May tumunog, napahawak ako sa kamay ni Zace.
“Relax Erie. Katabi mo naman ako eh.”
Tapos may parang kulungan kaming dinaanan. May mga dummy na multo sa loob ng mga
kulungan. Tapos noong nasa bandang gitna na kami, bigla silang gumalaw na parang mga
nagwawala. Medyo nagulat naman ako, kaya natakot ako.
“Zace!” nakahawak na ako ngayon sa braso niya. O more on, nakayakap na ako sa braso
niya.
Tapos dumilim, wala na akong ibang makita bukod sa maliliit na ilaw na guide sa dinadaan.
“Huhuhu…” may narinig akong umiiyak “huhuhu…” parang totoo yung sounds nila.
Nakakatakot talaga.
“Ano yun? Is that a ghost? An evil spirit?” Alam ko naman na O.A. na yung sinasabi ko.
Alam ko rin na namang hindi totoo ang lahat.
“Erie...” Kaso pag nasa ganito na kong kalagayan, di ko na mapigilan ang sarili kong
maging masyadong creative ang imagination.
“Haaaahhhh….” Boses ng babae “Haaahhhh…” habang naglalakad kami lalong
lumalakas.
“Saan ba kasi nanggagaling ang s2p*d sounds na yan.” Ang tapang ko noh, pero
nanginginig ang boses ko.
“Shhh. Easy ka lang.” kita ko na medyo natatawa na si Zace sakin. Kainis, siya may
kasalanan nito eh.
Tapos medyo may nakikita na ko. May parang maliit na Japanese temple, tapos may well sa
gilid. Teka baka dun lalabas ang multo. Tinitigan kong mabuti ang well na yun, para hindi
na ako magulat pa at matakot. Napalunok ako, hindi ako magugulat, hindi ako magugulat.
Biglang may nagliwanag sa itaas. Tumingala kami. Pagtingin ko, may multo na nakalutang
na mabilis lumipad papalapit sakin!
“AAAHHHHHHHH!” lahat kami napasigaw sa gulat, di namin in-expect yun.
“Aaahhhhhh!” This time, nakayakap na talaga ko kay Zace.
“Nagulat din ako dun ah. Erie, okay ka lang.”
“Erie…”
“Ayoko ko na.” niyakap na rin niya ko.
Pinagpatuloy lang namin ang paglalakad. Pero nakayakap lang ako kay Zace, at nakapikit.
Naririnig ko lang ang mga sound effects at tili ni Elaine. Basta sinabi nalang nila na nasa
labas na daw kami.
Chapter 28
Tayo na.Tayo na.Tayo na.Tayo na.
Pagkalabas namin doon sa horror house, na-upo muna kami para magpahinga at kumain.
Napatingin ako kay Odrel, tinutukso niya si Elaine kung paano siya nagreact dun sa horror
house. Naisip ko tuloy, sa sobrang takot ko kanina hindi ko na napansin ang iba. Para
talagang walang patutunguhan ang lakad namin na ito.
“Excuse muna ha.”
“Saan ka pupunta?”
“Sa c.r.”
“Me too. Sama na ko sayo.”
At nagpunta nga kami ni Elaine sa C.R. Ewan ko ba kung okay lang na iwan yung dalawang
lalaki na magkasama. Pero no choice naman eh, wag lang sana ulit silang magbugbugan.
“Ano Erie, are you ready to clear things between you and Odrel?”
“But Elaine, I think it’s too late.”
“Too late? Bakit na naman?”
“Elaine, wala na siyang pakialam sakin. Kanina, noong sumakay tayo sa roller
coaster. Hindi ba’t pinaringgan niya ako? Tapos noong pumasok tayo sa tunnel,
nag-try kami ni Zace na pag-selosin siya pero, hindi naman niya ko tinitingnan.
Tapos sa horror house, narinig ko siyang nagkukwento kanina, parang enjoy na
enjoy siya. He doesn’t care for me. He doesn’t love me… anymore.”
“Ahahaha.” Tinawanan niya ko. “Bagay talaga kayo ni Odrel. Ang cute ninyo pareho
mag-selos. Tapos pareho rin kayong bulag sa isa’t isa. Totoo nga, love is blind.”
“Ha? What’s your point?”
“What I mean is, pareho kayong dalawa ni Odrel. Alam na ng lahat ng tao na love
ninyo ang isa’t isa, pero kayo sa sarili ninyo hindi ninyo pa makita.”
“Pero yun talaga ang nakikita ko.”
“Okay Erie, let me explain for my dear cousin. Una, yung sa roller coaster. Kaya
niya sinabi iyon kasi mas gusto niya sana na nagpa-iwan ka na lang din sa ibaba
kasama niya. Yun talaga ang ibig niyang sabihin.”
“Paano kung hindi yun ang ibig niyang sabihin?” nag-smile lang siya.
“Second, yung sa tunnel. Ang totoo lagi siyang nakatingin sayo, lalo pa’t nasa
unahan ka lang namin. Noong nakita nga niyang masyado kayong sweet ni Francis
eh, sumama yung itsura niya. I’m sure nagseselos siya. Kasi noong niloko ko siya
at tinawanan, todo deny at explain pa siya. Baka yun yung time na tinginan mo
kami.”
“Talaga?” mali yung timing ko ng pagtingin?
“And third, yung sa horror house. Alam mo ba na hindi naman talaga totoo yung
lahat ng tinutukso sakin ni Odrel kanina? Oo natakot ako at napapasigaw pero
hindi naman niya napapansin yun eh.”
“Oh?” ano yun, made-up stories lang?
“The truth is mula ng pumasok tayo sa loob ng horror house na iyon, nasa inyo
lang ang atensyon ni Odrel. Noong magka-holding hands kayo ni Francis, madilim
pero alam kong naka-kunot ang kilay niya. Kung pwede nga lang niyang
paghiwalayin ang kamay ninyo ginawa na niya. Tapos noong nakakapit ka na sa
braso ni Francis, feeling ko kulang na lang hilahin ka niya papunta sa kanya. At
noong nakayakap ka na talaga kay Francis, nako Erie, kung nakamamatay lang
ang tingin, baka wala na si Francis. Bago nga tayo makalabas sa horror house eh,
ilang bad words din ang nasabi niya eh.”
“Bad words?”
“Oo, yung mga mura. Pero pabulong lang. Kasi nga, selos na selos na siya, pero
nagpipigil lang siya.”
“What if hinde? Kasi, bakit hindi ko nakikita?” bakit laging si Elaine at Zace lang ang
nakakapansin?
“Erie please…” this time serious na si Elaine “…matagal nang nagtitiis si Odrel.
Matagal na siyang nagtitiis para sayo. Para sa akala niyang ikasa-saya mo.”
“Si Odrel…” Matagal na siyang nagtitiis? At dahil sakin?
“Tayo nang bumalik.”
Habang naglalakad kami pabalik, hindi ko maialis sa isip ko ang sinabi ni Elaine. Simula pa
lang lagi ng nandiyan si Odrel sa tabi ko. Sinabi niyang gusto niya ko, sinabi niyang mahal
niya ko, pero pinagdudahan ko lang siya. Matagal rin siyang umasa at nasaktan. At
nagpapalam na nga siya sakin. Pero totoo kayang hindi pa rin siya bumubitiw? Totoong
kayang nagtitiis pa rin siya ng sakit? Matagal na niyang tinitiis?
Malapit na kami ni Elaine sa table namin ng marinig namin si Odrel at si Zace na nag-uusap.
“…kaya mo pa?”
“May isa kong salita pare.” Usapang lalaki yata ito.
“So sumusuko ka na?” napatigil ako sa palalakad, kahit si Elaine napatigil din.
“Ano pa ba magagawa ko.”
“Eh di habang buhay ka ng ganyan.” Hindi sumasagot si Odrel. Medyo malayo kami sa
kanila, pero ramdam ko ang tension. Feeling ko ano mang oras, pwedeng sumabog si Odrel.
“Hanggang kalian mo ba kayang magtiis?” Eto na naman, ang pagtitiis na naman ni
Odrel.
“Hey, guys.” Nakaramdam na rin yata si Elaine kaya umawat na siya.
“Oh, Elaine. Ang bilis ninyo ah. Saan ba tayo sunod?”
“Malapit na ang fireworks display. Sa Ferris Wheel na tayo.”
At dumeretso na nga kami sa may Ferris wheel. Pero bago kami makasakay, may naging
problema pa si Zace.
“Teka guys, kayo na lang. Dito na lang muna ko sa baba.”
“Bakit?”
“Are you afraid of heights?”
“Hinde noh. Feeling ko kasi parang bumabaliktad ang sikmura ko eh. May mali
yata akong nakain kanina.”
“Teka lahat naman ng kinain mo, tulad lang din ng kinain namin ah?”
“Ah. Baka dahil dun sa inihaw na pusit sa pinakain ko sayo. Sorry ha, pinilit pa
kita. Di ko naman sure kung malinis yun. Sorry talaga.” Teka kalian sila bumuli ng
inihaw na pusit? Parang di ko naman napansin.
“Sige Elaine, maiwan na lang kami ni Zace dito sasamahan ko na lang siya.”
“Hindi Erie. Kanina mo pa gustong sumakay dyan eh. Ayoko ng dahil sakin, hindi
ka sasakay.”
“But Zace…” alangan naman na iwan ko siya mag-isa. Kahit di ko na yan boyfriend,
bestfriend ko naman siya.
“Ako na lang ang sasama kay Francis, tutal ako naman ang may kasalanan eh.”
“Oo nga.” Ano yun, pag kay Elaine walang angal, pag sakin ayaw?
“Ha? Ayoko rin kung mag-isa lang ako.” di ko rin enjoy pag ganun.
“Sasamahan ka ni Odrel.” Si Odrel?
“Ako?” nagulat din si Odrel.
“Pero Elaine…” mahina lang para di marinig ni Odrel “…alam mo naman na-”
“Chance mo na to.”
“Ganito na lang Erie, bibigyan kita ng pabaon.”
“Pabaon?”
“Oo. Para feel mo pa rin na nasa tabi mo ko kahit di mo ko kasama.” Ha? Ano
naman yun? Akala ko si Odrel lang ang corny, nahahawa na rin yata si Zace.
Bigla akong hinawakan ni Zace sa magkabilang balikat. Tapos unti-unti niyang inilapit ang
face niya sakin. Konti na lang ang pagitan namin. Teka balak niya ba kong halikan? Halikan
sa lips? Sa sobrang gulat ko sa ginagawa ni Zace, hindi ako makagalaw. Konti na lang
magta-touch na! Anong gagawin ko?! Ano bang balak niya?! Akala ko ba bestfriends lang
kami?! Wah?!
Bigla kong naramdaman na…
…may humila sa kamay ko. Nagulat na lang ako na hinihila na ako ni Odrel.
“Ang tagal mo. Tayo na.” teka tama ba ang naririnig ko. Kinakausap niya ko.
Hinahawakan niya ko. Pinigilan niya si Zace. Ibig sabihin ba nito…
Napatingin ako kina Zace at Elaine. Nag-thumbs up si Zace sakin at sinabihan naman ako ni
Elaine ng ‘kaya mo yan’. Alam ko na ngayon. Part lang iyon ng plano.
Chapter 29
ConfessionConfessionConfessionConfession
Tahimik lang kami habang nanonood kami ng fireworks display. Magkaharap ang upo
naming dalawa. Ewan ko ba pero parang biglang tumigil ang ikot ng ferris wheel na
sinasakyan namin. Napatingin ako sa kanya. Totoo ba Odrel?
“Totoo bang matagal ka nang nagtitiis?” kita kong nagulat siya sa tanong ko.
“Huh?”
“Matagal ka na bang nagtitiis dahil sa akin? Matagal ka na bang nahihirapan?”
ewan pero nagsimula na namang mamuo ang mga luha ko.
“… matagal ka na bang nasasaktan?” mahina pero sapat lang para marinig niya.
“Hinde noh!” nagsmile siya ng peke “Lahat ng ginagawa ko, para sayo, para sumaya
ka. Pag masaya ka, masaya na rin ako.” bakit pinipilit niya biglang maging masaya?
“Liar.” Nawala agad ang pekeng ngiti niya at naging serious na siya.
“… masaya ka ba pag kasama ko siya?” alam kong alam niya na si Zace ang tinutukoy
ko.
“Masaya ka pag kasama mo siya,” bakit ba laging para sakin? Paano siya?
“… kaya masaya na rin ako.” mahina niyang sinabi.
“Liar. Liar!” tumayo ako at napaiyak na ko ng tuluyan “Ba’t hanggang ngayon
nagsisinungaling ka? Ba’t hanggang ngayon nagtitiis ka?”
“Erie-” tumayo na rin siya, hahawakan na sana niya ko….
“Alam ko na ang lahat Odrel!” nakita kong nanlaki ang mata niya, at parang bigla siyang
natigilan. “Sinabi na sa akin ni Elaine. Alam ko nang pinsan mo lang siya. Alam ko
na rin na hindi totoo yung mga sinabi ni Mycel tungkol sayo. Ba’t hinayaan mo lang
na yun ang paniwalaan ko? Pati yung nangyari sa inyo ni Zace, alam ko na rin?
Bakit ba hindi mo sinabi sa akin yung totoo?” hindi ko na mapigil ang damdamin ko.
“At kung sinabi ko, may mangyayari ba?! Gugustuhin mo rin ba ako?! Mamahalin
mo rin ba ako?! Bakit ikaw, nagtitiis ka rin naman di ba?” ako naman ang natigilan
ngayon sa sinabi niya. Kung umpisa pa lang nalaman ko na ang totoo, ano nga kaya ang
magyayari? Tama siya…
“… Sorry, sumobra na pala ako.” binaba niya ang boses niya, napansin niya sigurong
natigilan ako.
“ Oo, nagtitiis rin ako.” napatingin siya sakin na parang hindi makapaniwala sa naririnig.
“… noon pa lang, nagtitiis na ako. Nasasaktan na ako. Oo, ayaw ako sa iyo nung
una, akala ko kasi pinaglalaruan mo lang ako. Lagi kang buntot ng buntot sakin.
Lagi mo kong inaasar. Pero masaya ko pagkasama kita. Natutuwa ako pagbinabati
mo ko. Nagtatampo ako pag di mo ko napapansin. Naiinis ako pag-iniiwan mo ko.
Nagseselos ako pag may kasama kang iba. At nasasaktan ako ngayong iniiwasan
mo ko.” Hinawakan niya ko sa magkabilang braso ko. Napapikit ako habang lumuha pa rin.
“… hindi ko na nga alam eh. Hindi ko rin maintindihan. Wala ka namang ibang
ginawa kundi ipahiya ako, tuksuhin ako, asarin ako, iligtas ako, tulungan ako,
pasayahin ako, pa-iyakin ako…” “Erie…”
“… at mahalin ako.” niyakap ko siya. Hindi ko na talaga kaya, naghihina na ako sa halo
halong emosyon na nararamdaman ko.
“… Kasalanan mo to eh, kung bakit ako nagtitiis.” Nakaub-ob ang mukha ko sa dibdib
niya habang pinapalo ko siya ng mahina sa balikat. “Noon pa lang gusto na rin naman
kita eh. Di ko lang inaamin sa sarili ko. Dahil sa hindi mo paglilinaw sa
katotohanan. Itinatanggi mong hindi yun totoo pero hindi mo naman ine-explain.
Paano ko maniniwala?”
“Sorry.” Yun lang ang nasabi niya at niyakap na rin niya ko ng mahigpit hanggang sa hindi
na ko makakilos.
“… Noong una, pinipilit mong makuha ang loob ko. Tapos sumunod, bigla mo na
lang akong itinulak kay Zace. Hindi ko alam, ano ba ang balak mo? Do you really
love me? Bakit ba kasi kailangang… sa iyo ko pa maramdaman ito? …Bakit… ikaw
pa ang minahal ko.”
Ramdam kong gulat pa siya sa confession ko. “Akala ko kasi… akala ko magiging
masaya ka. Sorry Erie. Ang totoo natakot ako…”
“…Isa kong duwag. Hindi ko kayang sabihin sayo ang totoo kasi takot akong kahit
malaman mong hindi ako ganoon, baka hindi mo pa rin ako magustuhan. I’ve
fallen for you deeply, that I’m scared that you might reject me. Sorry. I’m sorry for
being such a coward. Ang t@ng@ ko. Mas pinili kong magtiis at mahalin ka ng di
mo alam, pero pareho lang naman ang kinalabasan. Nasasaktan pa rin ako. Pero
ang hindi ko matanggap, ay ang masaktan rin ang pinakamamahal ko.” Hinawakan
niya ang mukha ko at iniharap sa kanya.
“Sorry for hurting you. If you would give me a chance, itatama ko ang lahat.”
Hinalikan niya ko sa forehead.
“I love you, Erie.” Ang sarap marinig ng sa kanya nanggaling. This time wala na akong
pag-aalinlangan.
“I love you too, Odrel.” Nag-smile siya then hinalikan niya ako sa lips.
♥
♥
♥
♥
♥
After ng moment namin ni Odrel, may naalala ko bigla.
“Umm… Odrel, may gusto pa sana akong sabihin.”
“Alin yon?”
“Actually matagal mo na itong sinabi eh, pero lately ko lang na-realize…”
*flashback
“Isa lang talaga. Just one. Please tell me, you’ll stay.”
“Narinig mo yung sabi sa kanta, Say you’ll stay with me now.”
“Sabihin mo na gusto mong nasa tabi mo ko!”
“If you don’t want to stay…… you can go.”
Ilang beses niya akong tinanong at ngayon…
“I’ll stay. I’ll stay with you.” Napangiti siya, mukhang naalala na niya.
“Promise?” ibinuka niya ang right hand niya at iniharap sakin. I did the same at inilapat ko
yung palad ko sa palad niya.
“Promise.” Tapos ay hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.
Ngayon na lang ulit ako nakaramdam ng ganitong kasayang feeling. Ngayong kasama ko na
ulit si Odrel. I know ganoon din ang nararamdaman niya ngayon. At hindi niya iyon
maitatanggi…
“So, tayo na ba?” …kasi bumalik na agad ang kakulitan niya…
“Hindi mo man lang ba ko liligawan? Por que sinabi ko na sayong mahal din kita.
Ang daya!” …at syempre papatalo ba naman ako.
“Teka matagal na kong nanliligaw ah. Unang pagkikita pa lang natin, sinusuyo na
kita eh.”
“It’s not counted.” Nag-pout ako.
“Teka, may naalala ko! Unang pagkikita pa lang natin, sinagot mo na pala ko!”
naalala ko bigla yung line ko…
*flashback
“…ako ang girlfriend ni O-Odrel Lorenzo… He Is My Boyfriend.”
Napatawa na lang ako sa sarili ko.
“Matagal nang tayo diba? And I don’t remember na nag-break na tayo.” Sabagay,
tama naman siya.
Oh well, ba’t ba patatagalin ko pa. Iisa lang naman ang patutunguhan namin eh.
“Yeah. You’re still My Boyfriend.”
“And this time, official na.”
Epilogue
Tapos na ang summer vacation. Akala ko rin tapos na ang masasayang araw namin ni
Odrel. Kasi kailangan na muna naming magkalayo kasi, pasukan na. Pero may isa siyang
kagulat gulat na ginawa na sobra kong ikina-saya.
Mag-one week na kaming di nagkikita at puro tawagan lang. 2nd monthsary pa naman
namin ni Odrel ngayon (yung day na naging official kami) at first day naman ng pagiging
3rd year college student ko. Si Odrel din, simula na ng pasukan ngayon. As usual walang
ginagawa sa first week kasi inaayos pa ang schedule, ganito lagi sa East Creuset
Academy. Wala namang klase kaya naisipan ko na lang umuwi. Pag labas ko ng room,
nagulat ako at nakita ko si Zace sa corridor. (Hindi pa nila pasukan, next week pa ang
simula ng classes ng mga schools sa Manila.) May inabot siya sakin na boquet of roses. Sabi
niya galing daw kay Odrel. Tinanong ko siya kung saan sila nagkita pero ayaw niyang
sabihin. Noong makalabas naman kami ng school building si Elaine naman ang nakita ko (sa
Manila rin siya napasok, sa St. Fatima University) at may kasama siyang guy, si Yuri ang
boyfriend niya. Tapos may binigay naman siya sakin na gift, galing din daw kay Odrel.
Tinanong ko rin siya kung nasaan si Odrel, pero di rin niya ko sinasagot. At paglabas ko ng
gate, yun ang gumulat sakin.
Nakasandal sa kotse habang nag-aantay, at nakasuot ng uniform ng St. Andrews Colleges
(ang school na halos nasa likuran lang ECA). Nang nakita niya ko, nag-smile agad siya at
tumakbo papalapit sakin.
“Happy monthsary, Erie. I miss you.” At niyakap niya ko.
“You surprised me.” Yun agad ang nasabi ko.
At pinaliwanag niya sakin ang lahat. Kung naaalala ninyo noong nasa beach kami at in-
interview kami ni Elaine (Chapter 18), sinabi ni Elaine na magkasama sila lagi ni Odrel ng
school. Pero ngayong college ay hiwalay na pala sila. Si Elaine lang pala ang napasok sa
SFU, samantalang sa SAC pala si Odrel. And one more thing. Iisa lang pala kami ng village
na tinitirahan! Sa BV din pala siya tumutuloy. Malaki naman kasing village ang BV kaya
normal lang na di ko kilala lahat ng taga-doon.
Kung bakit hindi niya agad sinabi, gusto daw niyang i-surprise ako ngayong monthsary
namin. Pero hindi lang ako na-surprise, super happy pa ko. Isa lang kasi ang ibig sabihin
nito, palagi pa rin kaming magkikita ni Odrel!
Kakaiba talaga siya diba? He’s not the ordinary type of guy. Makulit siya pero he always
makes me smile. Medyo childish pero he’s someone you can count on. He knows his own
weakness and accepts it. He shows his love trough actions and words. He make’s me feel
that I’m special. He’s the one who told me that he’s already falling for me, just in our first
meeting. He loves me for who I am.
He’s just the one I’m looking for. The one I want to stay with, to be with. He’s the one that
I love. He is Odrel Lorenzo.
And I’m proud to say that HE IS MY BOYFRIEND.
The End