Download docx - hekasi 5 syllabus

Transcript
Page 1: hekasi 5 syllabus

S.Y. 2011-2012

Balangkas ng HEKASI 4IKAAPAT NA BAITANG

I. Mga LayuninSa pagtatapos ng taon, ang mga mag-aaral ay;a. nahahasa at nakatutuklas ng mga kaalaman sa Mundo, sa Pilipinas, sa mga Pilipino at sa mga katangian nito,b. nagkakaroon ng tiwala sa sarili na maipagmalaki ang sarili bilang isang mahusay na tagapangalaga ng mundo, atc. nalilinang ang kakayahang pisikal, mental, emosyonal at sosyal sa pagsasagawa ng mga gawaing pang indibidwal at pangkatan.

II. NilalamanAng Unang bahagi: ay tumatalakay sa kaalaman sa mundo, sa bahagi nito at maging sa mga bagay na nakatutulong sa pagtuklas nito tulad ng Mapa at Globo. Ito

ay naglalayong matuklasan ang mga likas na yamang taglay ng Pilipinas lalo na ang mga Rehiyon sa Luzon. Ang mga gawaing kaakibat sa araling ito ay humahasa sa kakayahan ng mga mag-aaral na taglayin ang mabubuting ugali na mahalaga sa pakikipagkapwa.

Ang Ikalawang Bahagi: ay tumutuklas sa mga natatanging lugar sa CALABARZON, MIMAROPA, BICOL Peninsula at Kabisayaan. Ito ay nakatutulong na mapalawak ang kaalaman sa mga pagdiriwang,  natatanging lugar at mahahalagang taong naninirahan dito. Layon nito na mapaunlad ang kritikal na kaisipan ng pagtukoy ng pagkakapareho at pagkakaiba ng mga Rehiyon sa Kabisayaan.

Ang Ikatlong Bahagi: ay nagmumulat sa kaisipang malaya na maunawaan ang mga bagay na may kaugnayan sa Pilipino bilang Asyano at bilang bansang Arkipelago. Gayundin, ang pagpapahalaga sa ugaling pagkakaisa magkaiba man ng pulo, kultura, relihiyon at paniniwala ngunit iisang bansa.

Ang Ikaapat na Bahagi: ay nagbibigay linaw sa proseso ng pagbabagong naganap mula noong unang panahon hanggang sa pananakop na naranasan ng bansa sa kamay ng mga dayuhan. Ang kabutihan at hindi kabutihan epekto nito sa ating kultura, gawain, relihiyon at edukasyon na ating sinusunod magpasahanggang ngayon.

Page 2: hekasi 5 syllabus

Unang Kwarter:PILIPINO NATATANGI ANG BANSA MO!I. Mga Layunin

Ang Unang bahagi: ay tumatalakay sa kaalaman sa mundo, sa bahagi nito at maging sa mga bagay na nakatutulong sa pagtuklas nito tulad ng Mapa at Globo. Ito ay naglalayong matuklasan ang mga likas na yamang taglay ng Pilipinas lalo na ang mga Rehiyon sa Luzon. Ang mga gawaing kaakibat sa araling ito ay humahasa sa kakayahan ng mga mag-aaral na taglayin ang mabubuting ugali na mahalaga sa pakikipagkapwa.

Pamagat Mga Layunin Mga Paksang Tatalakayin Mga Istratehiya

Mga Pagpapahalaga Mga Gawain Araw na

pagtalakay

Aralin 1Ang

kapaligiran ng Mundo

Nailalarawan ang mga bahaging bumubuo sa mundoNaiisa- isa ang mga guhit at bahaging bumubuo sa mapa at globo gayundin ang gamit nilaNagagamit ang Grid at Iskala sa pagtukoynsa lokasyon ng mga lugar

1. talasalitaan2. katubigan ng mundo3. kalupaan ng Mundo4. mga bagay na maaaring likhain 5. mga hemispiro at mga guhit sa

globo6. paggamit ng grid7. paggamit ng Iskala8. Mga sona ng oras sa globo9. pagguhit ng paksa

- paggamit ng mapa ng Pilipinas at Asya

- talasalitaan - Oo at Hindi - pagtukoy ng

detalye - pangkatang

gawain

Pangangalaga sa katubigan at kalupaan, atmospera o pangangalaga sa mundo

Pagbibigay halaga sa Mapa at Globo

Pakikiisa sa pangkatang gawain

Pagsuri sa pigura Pagbuo ng

paglalahat Paglista ng datos Pagbuo ng diwa ng

pangungusap Pagbuo ng

Dayagram Maikling pagsusulit Takdang Aralin (Recitation)

8 araw

Aralin 2Ang

Pilipinas at ang Metro

Manila

Nailalarawan ang mga katangiang pisikal ng Pilipinas at Metro Manila gamit ang mapang Politikal at PisikalNaiuugnay ang mga suliraning pangkapaligiran ng bansa sa maling kinagisnan ng mga PilipinoNasasabi ang mga natatanging tanawin pagdiriwang at mamamayan ng Metro Manila at kahalagahan nito sa Rehiyon

1. Pagsusuri sa awit2. talasalitaan3. kapaligiran ng Pilipinas4. Topograpiya at kabuhayan ng

Pilipinas5. Natatanging hayop sa Pilipinas6. Kalamidad sa Pilipinas7. National Capital Region8. Natatanging pagdiriwang9. Mga Pilipino sa NCR10. kahalagahan ng pag-uugnayan11. pagguhit ng tanawin

-pakikinig sa awit- pagtukoy sa mahalagang detalye- pagpapangkat- pagbuo ng balangkas

pagkakaisa naipagmamalaki ang

Pilipinas napangangalagaan ang

anyong lupa at anyong tubig sa bansa

pagtutulungan pagtataguyod ng mga

tanawin sa Pilipinas

Pagguhit ng Tanawin

Pagbuo sa tsart at paggamit ng mapa

Pag-uulat Maikling pagsusulit Takdang Aralin (aralin 1 at 2 Long

Quiz)

8 araw

Page 3: hekasi 5 syllabus

Aralin 3Ang mga

Rehiyon ng Hilagang

Luzon

Naibibigay ang mga lalawigan at Kapital nito na bumubuo sa mga Rehiyon ng Hilagang LuzonNailalarawan ang lokasyon, topograpiya, klima, kabuhayan, magagandang tanawin at iba’t ibang pagdiriwangNakabubuo ng Akurdyon na nagtatanghal sa mga angking katangiang pisikal at Kultural ng mga Rehiyon

1. pagbasa sa sanaysay2. talasalitaan3. ang mga rehiyon ng Hlagang

Luzon4. Rehiyong Ilocos5. Pagdiriwang sa Rehiyong Ilocos6. Magagandang tanawin sa rehiyong

Ilocos7. Rehiyon ng Lambak ng Cagayan8. magagandang tanawin sa Rehiyon

ng LambakCagayan9. Rehiyong CAR10. Magagandang tanawin sa

rehiyong CAR11. Rehiyong Gitnang Luzon

-paggawa ng Organizer- pagkilala ng detalye-pagsagot sa mga tanong-pagbuo ng Venn Diagram-pagbibigay ng reaksiyon

Pagiging masikap Pagpapaunlad ng

kultura Paskakaisa Paggalang sa opinion at

mungkahi ng iba Pakikinig sa nag-uulat

Pagsulat ng Talata Pagbuo ng sariling

sanaysay Pagbigay reaksiyon Pagtatambal Maikling pagsusulit Takdang Aralin (Recitation)

8 araw

Aralin 4Kababaihan mula sa mga pamayanang kultural

Nailalahad ang papel ng kababaihan para sa mga pamayanang cultural sa bansaNatutukoy ang iba’t ibang karanasan ng bawat babaeng nagmula sa Cordillera at MindanaoNakaguguhit ng mga sitwasyong ninais maganap sa mga pamayanang kultural sa bansa

1. talasalitaan 2. pakikinig sa awit3. Kababaihan mula sa pamayanang

kultural4. pagbuo ng larawan

paguo ng graphic organizer- pagpapaliwanag- pagbuo ng diwa ng pangungusap-pagsusuri-pagtukoy sa kahulugan ng salita

Paggalang sa taong nagsasalita

Mahusay na pagsusuri sa mga salita

Pagtulong sa paglutas sa problema sa kapayapaan

Pagpapalaganap ng kapayapaan

Pagguhit Pagbuo ng Venn

Diagram Pagbibigay

kahulugan sa salita Maikling pagsusulit Takdang Aralin (Aralin 3 at 4 Long

Quiz)

8 araw

Unang Lagumang pagsusulit AGOSTOUNANG MARKAHANG PAGSUSULIT 2011

Page 4: hekasi 5 syllabus

Ikalawang Kwarter: PILIPINO MAMAMAYAN KA NG MUNDO!

II. Mga LayuninAng Ikalawang bahagi: ay tumutuklas sa mga natatanging lugar sa CALABARZON, MIMAROPA, BICOL Peninsula at Kabisayaan. Ito ay nakatutulong na

mapalawak ang kaalaman sa mga pagdiriwang,  natatanging lugar at mahahalagang taong naninirahan dito. Layon nito na mapaunlad ang kritikal na kaisipan ng pagtukoy ng pagkakapareho at pagkakaiba ng mga Rehiyon sa Kabisayaan.

Pamagat Mga Layunin Mga Paksang Tatalakayin

Mga Istratehiya Mga Pagpapahalaga

Mga Gawain Araw na

pagtalakay

Aralin 1CALABARZON, MIMAROPA at Bicol Peninsula

Napaghahambing ang heograpikal at topograpikal na katangian ng Rehiyon IV-A, IV-B at Rehiyon VNatatalakay ang mga mahahalagang hanapbuhay, produkto, lugar at pagdiriwang sa tatlong RehiyonNakapagsasaliksik ng iba pang alamat ng mga lugar na matatagpuan sa tatlong rehiyon

1. Lokasyon, Komposisyon, pagdiriwang, hanapbuhay, produkto at natatanging Pilipino ng CALABARZON, MIMAROPA at Bicol Peninsula

- paggamit ng salita sa pangungusap- paggawa ng balangkas- pagsagot sa mga tanong- pagbuo ng mapa ng rehiyon

Paggawa sa abot ng makakaya

Pagsiisikap at pagtitiyaga

Pagsaliksik ng alamat (Library)

Pagbuo ng organizer Paggawa ng Comic

Strip Maikling pagsusulit Takdang Aralin (Recitation)

8 araw

Aralin 2Mga Rehiyon sa Visayas

Napaghahambing ang mga katangiang pisikal ng tatlong rehiyon ng VisayasNaiisa-isa ang mga lugar, pagdiriwang, produkto, at mga Pilipinong maipagmamalaki mula sa kabisayanNaituturo sa mapa ang mga lalawigang bumubuo sa mga rehiyon sa Visayas

1. Katangiang pisikal, mga lugar, pagdiriwang, produkto at mga Pilipinong maipagmamalaki sa Rehiyon VI, VII at VIII

-pakikinig sa musika- pagtukoy sa detalye- pagbuo sa tsart- pagtatambal- pagsagot sa palaisipan

Pagtangkilik sa produktong Pilipino

Pagmamahal sa gawang pinoy

Pagbuo ng graphic organizer at Venn diagram

Maikling pagsusulit Takdang Aralin (aralin 1 at 2 Long

Quiz)

8 araw

Aralin 3Ugnayang local at pandaigdig

Nailalahad ang uri ng ugnayang nagaganap sa pagitan ng iba’t ibang lugar sa PilipinasNatatalakay ang mga layunin, sangay,

1. Ugnayan ng lalawigan at rehiyon

2. Ugnayang pandaigdig3. Samahan ng

- pagbigkas ng mga salawikain-pagbibigay ng kahulugan sa akronim

Pagtulong sa iba

Paggawa ng web Pagsagot sa

maramihang pagpili Pagsulat ng sanaysay

8 araw

Page 5: hekasi 5 syllabus

ahensya ng Samahang Nagkakaisang bansaNapapahalagahan ang mga relasyon ng mga Rehiyon ng Pilipinas sa isa’t isa at naiuugnay ito sa kaunlaran ng bansa

nagkakaisang bansa -Pagtala ng mga datos (Recitation)

Aralin 4Ang Bahura sa Karagatan

Nailalarawan ang anyo ng isang malusog at makapal na bahura sa karagatanNaipapaliwanag ang paraan kung paano napangangalagaan ang bahura ng PilipinasNakalilikha ng tula na may dalawa hanging tatlong saknong tungkol sa bahura

1. kahalagahan ng bahura

2. pagkasira ng basura3. mga karagdagang

hakbang sa pangangalaga sa bahura

- pagsusuri sa tula-pagbibigay kahulugan sa salita at paggamit nito sa pangungusap-pagtukoy kung katotohanan o opinyon

Pangangalaga sa kalikasan

Pagtukoy kung dahilan o bunga

Pagbuo ng graphic organizer

Maikling pagsusulit Takdang Aralin (Aralin 3 at 4 Long

Quiz)

8 araw

Ikalawang Lagumang pagsusulit OKTUBREIKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT 2011

Ikatlong Kwarter: PILIPINO KAPWA PILIPINO AT ASYANO, KILALANIN MO!

III. Mga LayuninAng Ikatlong bahagi: ay nagmumulat sa kaisipang malaya na maunawaan ang mga bagay na may kaugnayan sa Pilipino bilang Asyano at bilang bansang

Arkipelago. Gayundin, ang pagpapahalaga sa ugaling pagkakaisa magkaiba man ng pulo, kultura, relihiyon at paniniwala ngunit iisang bansa.

Pamagat Mga Layunin Mga Paksang Tatalakayin

Mga Istratehiya Mga Pagpapahalaga

Mga Gawain Araw na

pagtalakay

Aralin 1Ang Rehiyon IX,

Nailalahad ang komposisyon at lokasyon ng Rehiyon IX, X at XI gamit

1. Katangiang pisikal, mga lugar,

-pagbabalita- pagsuri sa pelikula

Pagpapatunay sa pagiging

Pagbuo sa tsart Pagsulat ng reaksiyong

8 araw

Page 6: hekasi 5 syllabus

X at XI ng Mindanao

ang mapaNapaghahambing ang mga katangiang pisikal ng mga rehiyonNakasusulat ng reaksiyong papel kaugnay ng pinanood na pelikula tungkol sa mga rehiyon ng Mindanao

pagdiriwang, produkto at mga Pilipinong maipagmamalaki sa Rehiyon IX

2. Rehiyon X3. Rehiyon XI

(movie review)-pagtukoy kung dahilan o bunga

Pilipino sa pamamagitan ng pagtaguyod sa mga magagandang tanawin sa Pilipinas

papel Pagsagot sa palaisipan Pagsagot sa

maramihang pagpili Maikling pagsusulit Takdang Aralin (Recitation)

Aralin 2SOCCSKSARGEN, Caraga at

ARMM

Naituturo sa mapa ng Pilipinas ang mga nasasakupang lalawigan ng mga rehiyon ng SOCCSKSARGEN, Caraga at ARMMNaiisa-isa ang mga hanapbuhay, produkto, topograpiya at iba pang katangian ng mga rehiyon sa MindanaoNakasusulat ng sariling sanaysay tungkol sa kultura ng Muslim

1. Katangiang pisikal, mga lugar, pagdiriwang, produkto at mga Pilipinong maipagmamalaki sa SOCCSKSARGEN

2. Caraga3. ARMM

-pagbasa sa sanaysaypagsulat ng detalye-pagbibigay kahulugan ng akronim-pagkilala sa lalawigan gamit ang mapa

Paggalang sa kultura ng iba tulad ng sa Muslim at pagkilala sa kanila bilang kapatid

paggamit ng Venn Diagram

pagsulat ng sanaysay Maikling pagsusulit Takdang Aralin (aralin 1 at 2 Long

Quiz)

8 araw

Aralin 3Ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya

naituturo sa mapa ng Asya ang mga rehiyong bumubuo sa kontinente at naihahambing sa rehiyon ng Timog Silangang AsyaNailalahad ang kasaysayan at komposisyon ng Timog Silangang AsyaNasusuri sa tsart na nagpapakita sa mga datos tungkol sa mga bansang bumubuo sa rehiyon

1. Sukat at capital ng mga bansang bumubuo sa Timog Silangang Asya

2. Pagkakatatag ng ASEAN

3. Ugnayang pangkalakalan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya

-Pagsuri sa mga Brochure- pagbibigay kahulugan sa salita at paggamit nito sa pangungusapn-Pagbuo ng balangkas-pagsagot sa mga tanong

Pakikiisa sa programa ng pamahalaan sa pagtaguyod ng pag-unlad at kapayapaan sa Timog Silangang Asya

Pagbuo ng mapa Pagbuo sa tsart Maikling pagsusulit Takdang Aralin (Recitation)

8 araw

Aralin 4Ang pagpili ng

mga mamumuno sa bansa

Napatutunay ang kahalagahan ng paghalal ng pinuno sa bawat mamamayang PilipinoNakapag-uulat tungkol sa mga

1. Ang paghalal2. Mga kwalipikasyon

para makaboto3. Mga Suliraning

- -pagsuri sa Awit-pagbuo ng tsart ng datos - pagsagot ng mga

Pag-unawa sa karapatang maghalal at pagpili ng

Pag-awit Pagbuo ng awiting Rap Maikling pagsusulit Takdang Aralin

8 araw

Page 7: hekasi 5 syllabus

sitwasyon kung paano nagagamit ng mga mamamayan ng kapangyarihang maghalalNakapag-iinterbyu tungkol sa mga nagging karanasan ng bansa tungkol sa mga nagging karanasan ng bansa tungkol sa mga suliraning nauugnay sa halalan

nauugnay sa Halalan katanungan- paglilista ng mga datos- pagbuo ng paglalahat laban sa sitwasyon-pagsuri kung nararapat o hindi

karapat-dat na mamumuno sa bansa

(Aralin 3 at 4 Long Quiz)

Ikatlong Lagumang pagsusulit DISYEMBREIKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT 2011

Ikaapat na Kwarter: PILIPINO TUKLASIN IYONG KASAYSAYAN!

IV. Mga LayuninAng Ikaapat na bahagi: ay nagbibigay linaw sa proseso ng pagbabagong naganap mula noong sinaunang panahon hanggang sa pananakop na naranasan ng bansa sa

kamay ng mga dayuhan. Ang kabutihan at hindi kabutihan epekto nito sa ating kultura, gawain, relihiyon at edukasyon na ating sinusunod magpasahanggang ngayon.

Pamagat Mga Layunin Mga Paksang Tatalakayin

Mga Istratehiya Mga Pagpapahalaga

Mga Gawain Araw na pagtalakay

Aralin 1Ang

pamumuhay ng mga Unang Pilipino

Napaghahambing ang dalawang bahagi ng kasaysayan ng PilinasNatatalakay ang iba’t ibang aspeto ng pamumuhay ng mga unang PilipinoNaipapaliwanag ang kahalagahan ng arkeolohiya at antropologo sa pagtuklas sa nakaraan sa Pilipinas

1. Hindi nakasulat na kasaysayan

2. Nakasulat na kasaysayan

3. Pamumuhay ng mga unang Pilipino

4. Mga Impluwensya ng mga dayuhang Asyano sa

-Pagbasa ng Comic strip -pagpili kung kasalungat o kasingkahulugan ng salita-paglilista ng mga datos-pagtukoy sa detalye

Pagpapahalaga sa katutubong kultura sa pamamagitan ng pagsunod dito

pagpapangkat Pagbuo ng tsart Pagbuo ng paglalahat

vs sitwasyon Pagbuo ng sariling

Comics Strip Maikling pagsusulit Takdang Aralin (Recitation)

8 araw

Page 8: hekasi 5 syllabus

PilipinoAralin 2Panahon ng Pananakop

4. Nakilala ang mga mahahalagang karakter ng kasaysayan tungkol sa pagtatanggol ng mga Pilipino sa kalayaan ng bansa

5. Naipapaliwanag ang mga nagging reaksiyon ng mga Pilipino sa uri pamamalakad ng mga Espanyol sa Pilipinas

6. Nakabubuo ng timeline ng mga pangyayaring naganap sa kasaysayan ng Pilipinas mula 1520s hanggang 1900s

1. Pagdating ng mga espanyol

2. Pagdating ng mga amerikano

3. Reaksiyon ng mga Pilipino

4. Paglulunsad ng mga rebelyon

5. malawakang rebolusyon

6. timeline ng mga pangyayari sa Pilipinas

-pakikinig sa awit-pagbuo ng balangkas-pagsagot ng tanong-pag-uuri

Pagpapahalaga sa kagitingan ng mga Pilipino

Pag-awit ng wasto ng pambansang awit

pagbuo ng awit pagbuo ng timeline ng

mga pangyayari Maikling pagsusulit Takdang Aralin (aralin 1 at 2 Long

Quiz)

8 araw

Aralin 3Pag-unlad

ng Kulturang

Pilipino

Nailalahad ang mga kontribusyon ng mga ng mga dayuhang sumakop sa Pilipinas at nagging epekto ng mga ito sa kulturang PilipinoNaipahahayag ang pagkondena sa mga di mabuting epekto ng pananakop sa mga PilipinoNakikilala ang mga Pilipinong tumanggap ng GAMABA at Gawad Artista ng Bayan

1. Mga impluwensya ng Espanyol, Amerikano at Hapones sa kulturang Pilipino

2. Mga Mabuti at di-mabuting epekto ng Pananakop ng mga Dayuhan

3. Pangangalaga ng kulturang Pilipino

4. Gawad Artista ng bayan at Manlilikha ng Bayan

-pagsusuri sa mga larawan-pagtukoy kung magkasalungat o magkasingkahulugan ang mga salita-Pagbuo ng konsepto

Pagpapahalaga sa mabuting ugaling impluwensya ng dayuhan.

Pag-iwas sa gawaing masama

pagbuo ng album pagbuo ng balangkas pagtukoy ng detalye Maikling pagsusulit Takdang Aralin (Recitation)

8 araw

Page 9: hekasi 5 syllabus

5. Mga Institusyong Pangkultura

Aralin 4Hustisya at Kapayapaan para sa

mga Maralitang tagalungsod

Nailalahad ang kalagayan sa buhay ng mga maralitang tagalungsodNaipaliliwanag ang kahulugan ng mga tsart ng mahahalagang datosNatatalakay ang mga suliranin ng mga maralitang tagalungsod at kung paano lulutasin ang bawat isa sa mga ito

1. Mga sitwasyon ng mga maralitang tagalungsod

2. Mga suliranin ng mga maralitang taga lungsod

-pagsuri sa liham-pagtukoy sa kahulugan ng salita-pagbuo ng Web-pagsagot sa mga tanong –pagsagot kung tama o mali

Paglahok sa programang nakatutulong sa mga maralitang mamamayan.

pagbibigayan

pagsulat ng sanaysay pagsulat ng liham Maikling pagsusulit Takdang Aralin (Aralin 3 at 4 Long

Quiz)

8 araw

Ikaapat Lagumang pagsusulit MARSOIKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT 2012

Inihanda ni:

Guro sa Hekasi

Inaprubahan:Punong Guro

Batayan:Lazelle Rose Pelingo, Ela Rose Sablaon, Laura Z. Mendoza. Ang Lahing Pilipino Dakila at Marangal. Rex Printing Company/ Inc. 2010

Page 10: hekasi 5 syllabus

S.Y. 2011-2012

Balangkas ng HEKASI 5IKALIMANG BAITANG

I. Mga LayuninSa pagtatapos ng taon, ang mga mag-aaral ay;

a. natutukoy ang mga mahahalagang pangyayaring sa bawat panahon ng ating kasaysayan,b. naibubukas ang sarili sa pagbabagong nagaganap sa lipunan na ating ginagalawan ngayon, atc. nakabubuo ng mabuting konsepto at gawaing makakatulong sa pag-unlad ng sarili at ng bansa.

II. Nilalaman

Unang bahagi: ay naglalahad ng kasaysayan sa pinagmulan ng Pilipinas, mga pamumuhay at ugali ng unang Pilipino hanggang sa pagdating ng mga dayuhang Asyano at Kanluranin na nagbigay impluwensya sa kultura ng bansa. Iminumulat ang kaisipang makabayan mula sa kabayanihang handog ng mga ninuno nating Pilipino laban sa mga mananakop. Ang mga gawain ay nagbibigay aral sa pagpapakita ng kabutihan sa iba at sa ating bansa upang umunlad ang sarili at ang bansa.

Ikalawang Bahagi: ay tinutukoy ang pagbabagong nakabubuti at hindi nakabubuting hatid ng pananakop ng Espanyol sa bansa. Binubuksan ang kaisipang kritikal na maihalintulad ang mga pinuno o tauhan ng pamahalaan noon at ngayon maging ang epekto nito sa mamamayang Pilipino. Lumilinang ito sa kaisipan at kakayahan na makapagpahayag ng malayang damdamin sa mga nagaganap sa ating bansa.

Ikatlong Bahagi: ay tinatalakay ang positibo at negatibong pangyayari sa Panahon ng Amerikano na nagbigay daan sa pagkakaroon ng demokrsya ng ating bansa. Naiuugnay ang Ikalawang Digmaang pandaigdig sa mga kagitingan ng beteranong Pilipino sa pakikipaglaban. Nagiging bukas ang mag-aaral sa pagbabago na dapat gawin sa ikauunlad ng nakararami.

Ikaapat na Bahagi: ay naiisa isa ang mga pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas at ang mga nagawa nila para sa bansa. Nalalaman ang dahilan ng pagkakaroon ng rebolusyon tulad ng EDSA 1 at ang naidulot nito sa kasaysayan. Nakalilikha ng sariling pamantayan sa pagpili ng karapat dapat na mamumuno sa isang organisasyon o sa ating bansa.

Unang Kwarter: PANAHON NG BARANGAY

I. Mga Layunin

Page 11: hekasi 5 syllabus

Unang bahagi: ay naglalahad ng kasaysayan sa pinagmulan ng Pilipinas, mga pamumuhay at ugali ng unang Pilipino hanggang sa pagdating ng mga dayuhang Asyano at Kanluranin na nagbigay impluwensya sa kultura ng bansa. Iminumulat ang kaisipang makabayan mula sa kabayanihang handog ng mga ninuno nating Pilipino laban sa mga mananakop. Ang mga gawain ay nagbibigay aral sa pagpapakita ng kabutihan sa iba at sa ating bansa upang umunlad ang sarili at ang bansa.

Pamagat Mga Layunin Mga Paksang Tatalakayin Mga Istratehiya Mga Pagpapahalaga

Mga Gawain Araw na pagtalakay

Aralin 1Ang Pinagmulan at Pamumuhay ng mga Unang Pilipino

Naipapaliwanag ang mga Gawain ng arkeologo at antropologo sa pagtuklas ng katotohanan tungkol sa nakaraanNailalarawan at naipagmamalaki ang maayos na sistema ng pamumuhay ng mga unang Pilipino.Napagsusunod sunod ang mga yugto ng panahon

1. Kasaysayan ng tao at mga teorya sa pinagmulan ng Pilipino at Pilipinas

2. Apat na bahagi ng kasaysayan sa Panahon ng Teknolohiya

3. Antas ng kalagayan sa lipunan ng mga Unang Pilipino

4. Mga pag-uugali ng mga unang Pilipino

-Pagpapakita ng mga larawan ng mga unang tao at mga kagamitan nila at pagbibigay hinuha tungkol dito- Pagpapakita ng slides o larawan

Pagpapakita ng mabuting katangian ng kulturang Pilipino

Pagsulat ng Alamat Pagtukoy kung sang-

ayon o di-sang ayon Pagbuo ng timeline Maikling pagsusulit Takdang Aralin (Recitation)

8 araw

Aralin 2Ang Sistema ng Pamumuhay ng mga Ninuno ng Pilipino

Natutukoy ang mahahalagang detalye mula sa teksto ng aklatNatatalakay ang mga mahahalagang sistema ng pamumuhay ngmga unang Pilipino at mga epeko nito sa kanilaNabibigyang diin ang mga bahagi ng kulturang Pilipino na natatangi at maipagmamalaki ng mga Pilipino ngayon

1. Edukasyon ng mga ninuno ng Pilipino

2. Relihiyon at paniniwala ng mga Unang Pilipno

3. Mga Uri ng Pamahalaan4. Ugnayang Pangangalakal

-Pagpapakita ng mga aktuwal na mga sinaunang gamit-paglalarawan-maikling talakayan-pakikinig sa awit

Pagbibigay pagpapahalaga sa mga matatanda at mga magulang

Pag-uugnay sa paksa at detalye

Pag-uuri pagguhit Maikling pagsusulit Takdang Aralin (aralin 1 at 2 Long

Quiz)

8 araw

Aralin 3Pagdating ng

Nailalarawan ang kalagayan ng mundo sa pagsisimula sa

1. Pagkilala at pakikipagkalakalan

-pagbasa ng tula at pagguhit

Pag-unawa at

pagpapangkat pagbuo ng linya ng

8 araw

Page 12: hekasi 5 syllabus

mga Dayuhan sa Pilipinas

pananakop ng EspanyaNapagsusunod-sunod ang mahahalagang yugto sa buhay nina Magellan at legazpi sa pananatili nila sa PilipinasNatatalakay ang mga detalye hinggil sa mahahalagang pangyayaring naganap kay Magellan habang nasa Pilipinas

2. Pananakop ng mga Espanyol

3. Mga ibinunga ng ekspidisyon ni Magellan

4. Mga mahahalagang pangyayari sa ekspidisyon nina Magellan at Legazpi

-paglilista ng mga datos at pagsagot sa mga tanong-pagbuo ng konsepto

pagmamalaki sa pangyayaring naganap sa bansa

Mga tungkulin

panahon at pagbuo ng paglalahat

pagsulat ng sanaysay Maikling pagsusulit Takdang Aralin (Recitation)

Aralin 4Ang Mga Kababaihang Makabayan

Naisasalaysay ang mga natatanging yugto sa buhay ng mga piling kababaihan na nagpapatingkad sa kanilang pagiging makabayanNabibigyang halaga ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa kasaysayan ng PilipinasNaipapakita ang taglay na talent sa pagtatanghal ng maikling palabas tungkol sa buhay ng ilang kababaihan

1. Pagkilala sa kababaihang makabayan

2. Mga nagawa para sa bayan ng mga kababaihang makabayan

-pagbasa ng sanaysay-paglista ng mga datos at pagsagot sa mga tanong-pagpapangkat-pagkilala sa mga detalye-paggamit ng Venn Diagram

Paggalang sa kababaihan

Ang Pagmamahal sa sariling bayan ay hindi kumikilala ng kasarian

pag-uulat pagsasaliksik Maikling pagsusulit Takdang Aralin (Aralin 3 at 4 Long

Quiz)

8 araw

Unang Lagumang Pagsusulit AGOSTOUNANG MARKAHANG PAGSUSULIT 2011

Page 13: hekasi 5 syllabus

Ikalawang Kwarter: PANAHON NG ESPANYOLII. Mga Layunin

Ikalawang bahagi: ay naglalahad ng mga pagbabagong nakabubuti at hindi nakabubuting hatid ng pananakop ng Espanyol sa bansa. Binubuksan ang kaisipang kritikal na maihalintulad ang mga pinuno o tauhan ng pamahalaan noon at ngayon maging ang epekto nito sa mamamayang Pilipino. Lumilinang ito sa kaisipan at kakayahan na makapagpahayag ng malayang damdamin sa mga nagaganap sa ating bansa.

Pamagat Mga Layunin Mga Paksang Tatalakayin Mga Istratehiya Mga Pagpapahalaga

Mga Gawain Araw na pagtalakay

Aralin 1Mga pagbabagong inilunsad ng mga Espanyol at mga epekto nila

Naiisa-isa ang mga ipinatupad na patakarang pangkabuhayan ng pamahalaang Espanyol sa BansaNatatalakay ng maliwanag ang mga pagbabagong ginagawa ng mga dayuhan sa sistema ng EdukasyonNakagagawa ng album ng kasalukuyang paraan ng pamumuhay ng mga Pilipino na nag-uugat sa panahon ng Espanyol

1. Layunin ng Espanya sa pananakop sa Pilipinas

2. Masasamang epekto ng patakaran o programa ng pamahalaang Espanyol

3. Mga sistema ng edukasyon, pamahalaan, relihiyon na impluwensya ng dayuhan

4. Paraan ng pamumuhay

-pagsusuri sa mga larawan-pagsagot sa mga tanong-pagbuo ng mapa ng kaisipan-pagtalakay sa paksa-pag-uugnay

Pagtulong Pagmamalaki sa

mabubuting kulturang taglay ng bansa

paggawa ng web Pagbuo ng Album Pagbuo ng

pangungusap Maikling pagsusulit Takdang Aralin (Recitation)

8 araw

Aralin 2Mga Hakbang Tungo sa Pagkakaisa

Naisasalaysay ang mga naganap na pangyayaring nagbunsod sa mga Pilipino para magkaisa ayon sa pagkakasunod sunodNasasabi ang mga nagging dahilan at bunga ng bawat pangyayaring naganap sa bansa mula sa pagsisimula ng pananakop ng mga EspanyolNakalilikha ng awiting rap na nagsasalaysay ng mahalagang pangyayari kaugnay ng natapos na aralin

1. Paglulunsad ng Rebelyon2. Resulta ng Rebelyon3. Mga pangyayaring

nagbigay daan sa pagsilang ng Nasyonalismo

4. Mga samahang naitatag ng mga Pilipino para sa Kalayaan

-pakikinig sa awit-paggawa ng balangkas ng mga paksang natalakay-pag-aanalohiya-pag-uugnay-paggamit ng grap

Ang pagkakaisa ay magandang salik upang maabot ang mithiin ng isang pangkat

pag-awit ng rap Maikling pagsusulit Takdang Aralin (aralin 1 at 2 Long

Quiz)

8 araw

Page 14: hekasi 5 syllabus

Aralin 3Ang Rebolusyon ng 1986

Naisasalaysay ang mga nangyarisa panahon ng pakikipaglaban ng mga Pilipino sa kanilang KalayaanNasasabi ang dahilan at bunga ng bawat pangyayaring naganap mula 1898-1901Nakakaarte ng mahusay upang lubusang mabigyan ng buhay ang isang pangyayaring naganap sa panahon ng rebolusyon

1. Pagkatuklas ng lihim na Katipunan

2. Mga unang sigaw para sa kalayaan

3. Mga labanan sa pagitan ng mga Pilipino at Espanyol

4. Kamatayan ni Rizal5. Miting sa Tejeros6. Kamatayan ni Bonifacio7. Kasunduan sa pagitan ng

Pilipino at Espanyol8. Digmaan sa Estados

Unidos9. Kalayaan ng Pilipinas

-pagbasa sa isang duladulaan-pagbuo ng hagdan ng mga pangyayaring tinalakay-pagtatambal ng mahahalagang karakter at lugar-pagsulat ng pangungusap tungkol sa paksa-pagsagot sa mga tanong

Pagiging matapat at mapagkakatiwalaan

pagduduladulaan pagbuo ng Fishbone ng

bunga at dahilan Maikling pagsusulit Takdang Aralin (Recitation)

8 araw

Aralin 4Ang Global Warming

Natutukoy ang pag-init ng temperature ng mundo gamit ang ilang larawanNaipapaliwanag ang kahalagahan ng Kyoto Protocol sa paglutas ng lumalalang Global WarmingNakalilikha ng miyural ng mga iginuhit na larawan tungkol sa sanhi, epekto, at solusyon sa Global Warming

1. Mga sanhi ng Global Warming

2. Mga epekto ng Global Warming

3. Solusyon para sa global Warming

-pagsuri sa mga larawan-pagsagot ng Oo o Hindi-Paggawa ng Balangkas ng mga paksang Natalakay-pagpapaliwanag at pagpapahayag ng opinyon

Pagiging disiplinado sa pagtatapon ng basura

Pagbuo ng dayagram Pagbuo ng Miyural

8 araw

Ikalawang Lagumang Pagsusulit OKTUBREIKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT 2011

Ikatlong Kwarter: PANAHONG AMERIKANO

Page 15: hekasi 5 syllabus

III. Mga LayuninIkatlong Bahagi: ay tinatalakay ang positibo at negatibong pangyayari sa Panahon ng Amerikano na nagbigay daan sa pagkakaroon ng demokrsya ng ating bansa. Naiuugnay ang Ikalawang Digmaang pandaigdig sa mga kagitingan ng beteranong Pilipino sa pakikipaglaban. Nagiging bukas ang mag-aaral sa pagbabago na dapat gawin sa ikauunlad ng nakararami.

Pamagat Mga Layunin Mga Paksang Tatalakayin Mga Istratehiya Mga Pagpapahalaga

Mga Gawain Araw na pagtalakay

Aralin 1Pagpapatuloy ng Pakikipaglaban para sa Kalayaan, 1898-1901

Naisasalaysay ang mga mahahalagang pangyayaring naganap sa panahon ng pananakop ng mga AmerikanoNatutukoy ang lugar at pera kung kalian naganap ang bawat pangyayariNasusuri ang mga pangyayari sa buhay at naisusulat ito sa anyo ng Diary

1. Mga mahahalagang pangyayari noong 1898-1901

2. Artikulo tungkol sa paksang Karapatan at kalayaan sa Demokrasya

3. Pagsulat ng tungkol sa isang makatang paksa

-pagbuo ng balangkas-pagguhit ng Carricature-pagbuo ng timeline-pagpapangkat-pagbuo ng graphic organizer

Katapangan ng mga Pilipino

Pagbuo ng mga nagkakaugnay na kaisipan

Pagbuo ng diary Pagpapaliwanag maikling pagsusulit Takdang Aralin (Recitation)

8 araw

Aralin 2Mga Pagbabago sa Pamumuhay ng mga Pilipino

Natutukoy ang epekto ng mga pagbabagong isinagawa ng mga amerikano sa pamumuhay ng mga PilipinoNakapagpapahayag ng pagsang-ayon o pagkondena sa mga pagbabagong ipinatupad ng mga AmerikanoNasusuri ang mensahe at istruktura ng isang tula upang magamit sa paglikha ng sariling tula

1. Bird’s eye view2. Mga pagbabagong

naganap sa pamahalaan, edukasyon, relihiyon, pananamit, musika, libangan, pag-uugali at iba pang aspeto ng pamumuhay noong panahon ng Amerikano

3. Mabuti at di-mabuting epekto ng pamahalaang Amerikano

-pag-unawa sa mensahe ng tula-pagsagot sa tanong-pagpapangkat

Pagpapasiya Pagiging

mapanuri sa paligid

pagsulat ng tula m maikling pagsusulit Takdang Aralin (aralin 1 at 2 Long

Quiz)

8 araw

Aralin 3 Naiisa-isa ang mga batas na 1. Mga Batas sa -pagsusuri sa Pagiging pagsulat ng balita 8 araw

Page 16: hekasi 5 syllabus

Ang Komonwelt at ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

naipasa ng Estados Unidos bilang paghahanda sa pagtatag ng Komonwelt ng PilipinasNailalarawan si Pangulong Quezon sa Panahon ng komonweltNaikukwento ang naganap sa Pilipinas sa panahon ng ikalawang Digmaang Pandaigdig

Paghahanda ng Komonwelt

2. Mga proyekto sa Panahon ng Komonwelt

3. Panahon ng Digmaan4. Panahon ng Hapones

news clipping-pagbibigay reaksiyon sa isang balita-pagsusuri sa isang balita

kritiko Pagbibigay ng

mabuting puna

paggamit ng venn diagram

pagsusunod-sunod ng mga pangyayari

maikling pagsusulit Takdang Aralin (Recitation)

Aralin 4Ang Lehislatura noon at ngayon

Natatalakay ang ginagampanan ng mga Mambabatas sa pagsulong ng mga mabubuting pagbabago sa bansaNailalarawan ang kasalukuyang bumubuo sa lehislatura ng PilipinasNaipapaliwanag ang hakbang na dapat maisagawa para sa pagsulong ng mga tangkang kailangang pagbabago sa bansa

1. Kapangyarihan ng mga mamamayan

2. Mga sangay ng Pamahalaan

3. Kasaysayan ng lehislatura

4. Mga Hakbang tungo sa Pagbabago

5. Mga katangian ng kasalukuyang lehislatura

-pagsusuri ng salawikain-pagbibigay ng reaksiyon-pagbibigay obserbasyon-pagbibigay kahulugan-pagsagot sa mga tanong

Pagtutulungan at pag-uunawaan

Pagbuo ng poster Pagpapaliwanag ng

salawikain maikling pagsusulit Takdang Aralin (Recitation) (Aralin 3 at 4 Long

Quiz)

8 araw

Ikatlong Lagumang Pagsusulit DISYEMBREIKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT 2011

Ikaapat na Kwarter: PANAHON NG REPUBLIKA NG PILIPINAS

Page 17: hekasi 5 syllabus

IV. Mga LayuninIkaapat na Bahagi: ay naiisa isa ang mga pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas at ang mga nagawa nila para sa bansa. Nalalaman ang dahilan ng

pagkakaroon ng rebolusyon tulad ng EDSA 1 at ang naidulot nito sa kasaysayan. Nakalilikha ng sariling pamantayan sa pagpili ng karapat dapat na mamumuno sa isang organisasyon o sa ating bansa.

Pamagat Mga Layunin Mga Paksang Tatalakayin Mga Istratehiya Mga Pagpapahalaga

Mga Gawain Araw na pagtalakay

Aralin 1Ang Ikatlong Republika

Naiisa-isa ang mga naging pangulo at kanilang nagawa sa panahon ng Ikatlong RepublikaNaiiuugnay ang personal na buhay ng Pangulo sa kanyang nagging paglilingkod sa pamahalaanNaihahambing ang mga nagging pangulo sa ikatlong republika at ang kanilang mga nagawa at karanasan sa pamumuno sa bansa

1. Mga suliraning kinakaharap sa simula ng Ikatlong Republika

2. Ang administrasyong Roxas – Marcos

3. Mga nagawa ng bawat Administrasyon sa Ikatlong Republika

-Pagbasa ng Talumpati-pagsagot sa mga tanong-pagpapaliwanag-pagbibigay ng kahulugan-pagtatambal

Pakikiisa sa proyekto ng pamahalaan, paaralan, simbahan at tahanan

pagbuo ng tsart Pagtatalumpati maikling pagsusulit Takdang Aralin (Recitation)

8 araw

Aralin 2Ang Ikaapat na Republika at ang EDSA Uno (1)

Naihahambing sina pangulong Marcos at Aquino batay sa kanilang personal na buhay at paglilingkod bilang pangulo ng bansaNailalahad ang dahilan ng pagtalsik ni Marcos bilang pangulo noong taong 1986Naiisa-isa ang mahahalagang pangyayari at tao kung bakit matagumpay ang EDSA I

1. Ang Administrasyong Aquino at Marcos

2. Panahon ng Batas Militar3. Mga pangyayaring

nagbigay daan sa EDSA I

4. Corazon C. Aquino5. Mga suliraning kinaharap

ng Administrasyong Aquino

-Pakikinig sa awit-Pagbuo ng timeline-paglilista ng mga datos-pagtukoy sa dahilan at bunga-pagbibigay reaksiyon

Ang pagiging matapat na pinuno

Pagbuo ng sayaw Pagbuo ng Venn

diagram maikling pagsusulit Takdang Aralin (aralin 1 at 2 Long

Quiz)

8 araw

Aralin 3Ang ikalimang Republika

Nailalarawan ang nagging takbo ng pamumuno ng mga sumusunod na pangulo ng ikalimang Republika ng Pilipinas

1. Ang Administrasyong Ramos at Macapagal

2. Mga programa ng bawat Administrasyon

-pagbuo ng tsart-pagsasaliksik-pagsagot ng mga tanong

Ang pagkakaisa tungo sa pagbabago

Pagsulat ng Editoryal Paggupit ng Editoryal

Caricature sa dyaryo maikling pagsusulit

8 araw

Page 18: hekasi 5 syllabus

at ang EDSA Dos (2)

Natatalakay ang nagging kaugnayan ng personal na buhay ng mga naging pangulo sa paraan ng kanilang pamumuno sa pamahalaan ng PilipinasNaihahambing ang EDSA I at EDSA II batay sa kanilang layunin

3. Mga pangyayaring nagbigay daan sa EDSA II

4. Mga ibinunga ng EDSA II

-pagkilala sa detalye-paghahanay ng mga pangyayari-paggamit ng Venn Diagram

Takdang Aralin (Recitation)

Aralin 4Ang Repormang Agraryan, Suliranin Hanggang Ngayon

Nailalarawan ang sitwasyon ng mga magsasaka sa PilipinasNaihahambing ang mga programang ipinatupad para sa mga magsasaka ng iba’t ibang pangulo ng PilipinasNatatalakay ang balakid sa pagpapatupad ng matagumpay na programang Agraryan

1. Sitwasyon ng mga Magsasaka sa Pilipinas

2. Kasaysayan ng Problemang Agraryan

3. Mga Programang Agrikultural ng Pamahalaan

4. Mga Balakid sa Pagpapatupad ng tunay na Reporma ng Agraryan

-paggawa ng Web-pagbuo ng diwa ng pangungusap-pagbuo ng Graphic Organizer-Pag-uuri-pagpapaliwanag

Pagpapahalaga sa pagkaing biyaya ng diyos

Pagsagot ng mga katanungan sa Parabula

Pagbuo ng sariling Awit maikling pagsusulit

Takdang Aralin (Recitation) (Aralin 3 at 4 Long

Quiz)

8 araw

Ikaapat na Lagumang Pagsusulit MARSOIKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT 2011

Inihanda ni:

Guro sa Hekasi