Group 1:Audrey Jorge AngelesPrincess BuendiaElla LezadaKristine MatibagFaith ResustaEjy Villanueva
KABIHASNANG MESOPOTAMIA SA KANLURANG
ASYA
MESOPOTAMIANagmula ang ‘Mesopotamia’ sa salitang Griyego na “meso” na ang ibig sabihin ay “pagitan” at “potamos” o “ilog”. Sa madaling salita, ang ‘Mesopotamia’ ay nangangahulugang “lupain sa pagitan ng ilog”
Matatagpuan ang Mesopotamia sa rehiyon ng Fertile Crescent.
Ito ang kauna-unahang kabihasnan sa daigidig.
Ito ay isang paarkong matabang lupaing nagsisimula sa Persian Gulf hanggang sa silangang baybayin ng Mediterean Sea.
SumerIto ay isang sinaunang kabihasnan at
historikal na rehiyon sa Mesopotamia sa modernong Iraq noong mga panahong Chalcolithic at maagang panahong Tanso.
Namalagi ang mga nomadikong Sumer sa mga lupaing sakahan ng lambak-ilog.
Mga Kontribusyon ng Kabihasnang Sumer
PagsusulatCuneiform- paraan ng pagsulat sa pamamagitan ng stylus at clay o luwad na lapida
Ang pagsulat sa Sumerya ang pinakamatandang halimbawa ng pagsulat sa mundo.
Relihiyon
Naniwala sila sa maraming diyos at diyosa na anthropomorphic o may katangian at pag-uugaling tao.
Mga Teknolohiya
Gulong
Aritmetika
Mga Sistemang Irigasyon
Bangka
Kalendaryong Lunisolar
Mga kutsilyo
Mga espada
Mga Karwaheng pandigma
Agrikulturaorganisadong irigasyon
malawakang kultibasyon ng lupain
pang isahang pagtatanim
paggamit ng araro
paggamit ng espesyalisadong mga manggagawa sa ilalim ng burokratikong kontrol.
Humina ang Sumer kaya’t sinakop ito ng mga Akkadian.Si Sargon I ang namuno sa mga Akkadian.Lumawak ang teritoryo ng Akkad dahil kay Sargon I at naitatag ang kauna-unahang imperyo.Ang imperyong ito ay nagtagal ng mahigit 200 na taon bago muling nagkawatak- watak.
Babylonianisang makasaysayang lungsod-estado na naging imperyo sa Gitnang Silangang Asya. Isa itong lungsod sa sinaunang Mesopotamia.
Ang Babylon ay naging kabisera ng imperyong Babylonia.
Si Hammurabi ang naging pinuno ng lungsod na ito.
Sa panahon ng kaniyang paghahari, nasakop ni Hammurabi ang mga kaharian sa hilaga, kabilang ang kahariang Ashur.
Kontribusyon ng Kabihasnang Babylonia
ay isang batas kodigo na nilikha sa sinaunang Babylonia ng ikaanim na hari ng Babilonyang si Hammurabi. Ang Kodigo ni Hammurabi ang isa sa mga pinakaunang isinulat na batas sa kasaysayan at isinulat sa isang stela at inilagay sa lugar na pampubliko upang mabasa ng lahat.
Assyrian
Nasakop ni Tiglath- Pileser ang mga Hittites at ang hilagang Mediterranean.
Isa si Ashurbanipal
(circa 668-627 B.C.E.)
sa mga haring kinakitaan
ng maayos na
pamamahala sa
kaniyang panahon.
Ang mga Assyrian ang kauna- unahang pangkat na nakabuo ng epektibong sistema ng pamumuno sa imperyo.
Kauna-unahang
nagtatag ng isang
aklatan na may
200,000 na luwad
na naisagawa noong
panahon ng pamumuno ni Ashurbanipal.
ChaldeanSi Nabopolassar ang nagtatag ng bagong imperyo ng Babylonia matapos niyang pangunahan ang pag-aalsa laban sa Assyria.
Ang anak naman ni Nabopolassar na si Nebuchadnazzar II ang pinuno ng imperyo nang natamo nito ang rurok ng kadakilaan.
Ipinagawa niya ang Hanging Gardens of Babylon para sa kanyang asawa, ito ay kinilala ng mga Greek bilang Seven Wonders of the Ancient World.
Persian- Imperyong Achaemid
Sa ilalim ni Cyrus The Great (559-530 B.C.E.) – nagsimulang manakop ang mga Persian. Napasailalim nila ang mga Medes at Chaldean ng Mesopotamia at Asia Minor (kasalukuyang Turkey).
Darius The Great (521-486 B.C.E.) – Umabot ang sakop hanggang India.