Transcript
Page 1: Mga benepisyo sa paggamit ng rice-duck technology · Ang pag-aalaga ng mga itik o pato sa palayan ay sinimulan ng mga tao sa Asya ilang libong taon na ang nakararaan. Taong 1988 nang

Ang rice-duck technology ay isang paraan sa integrated farming na nakapagbibigay ng karagdagang kita sa mga magsasaka at nakatutulong sa pamamahala ng climate change.

Ang pag-aalaga ng mga itik o pato sa palayan ay sinimulan ng mga tao sa Asya ilang libong taon na ang nakararaan. Taong 1988 nang maging moderno ang pag-aalaga ng mga itik o pato sa palayan sa pangunguna ni Dr. Takao Furno ng Japan. Noong 2011, sinimulan naman ng PhilRice na pag-aralan ang rice-duck technology.

Mga benepisyo sa paggamit ng rice-duck technology

• Pinupuksa ng mga pato ang mga insekto, golden apple snail, at mga damo sa palayan

• Ang paggalaw ng mga pato o itik ay nagpapalago ng root system. Mas madaling makukuha ng palay ang mga sustansya sa lupa

• Nagbibigay ito ng karagdagang sustansya sa lupa at sa pananim

• Nagbibigay ng karagdagang kita sa mga magsasaka

• Nakakapagpataas ito ng ani

Page 2: Mga benepisyo sa paggamit ng rice-duck technology · Ang pag-aalaga ng mga itik o pato sa palayan ay sinimulan ng mga tao sa Asya ilang libong taon na ang nakararaan. Taong 1988 nang

Mga hakbang sa pagsasagawa ng rice-duck technology

Sinuri ni: Rizal Corales, Agronomy, Soils, and Plant Physiology Division

1. Sa isang ektarya, maaaring mag-alaga ng 500-1,000 pato. Iba’t-iba ang uri ng mga pato na maaaring alagaan sa bukid. Ilan sa mga ito ay ang mallard duck o itik at muscovy duck o bibi/pato.

2. Sampu hanggang labinlimang araw matapos ang pagsilang ng mga pato, maari silang pakawalan 10-20 araw matapos ang paglilipat-tanim.

3. Alisin ang pato sa palayan kapag nasa heading stage na ang palay.


Recommended