Organiko Ito ang mga sariwa o nabulok na bahagi ng halaman, mga pinagbalatan sa kusina, dumi ng hayop, abo, at natunaw na basuraDi-Organiko Ito ang abonong nabibili sa kalakalan o handa nang gamitin. Ito ay nagtataglay ng tatlong sangkap na mahalaga sa mga halaman, puno, at bungangkahoy. Ito ay ang mga nitroheno, posporos, at potasyum.
Ang nitroheno ang umaayos sa maliliit na organismo at elektrolisis sa lupa. Pinalalaki nito ang tangkay at dahon.
Ang posporos ay siyang nagpapalaki at nagpapalago ng ugat at pinadadali ang paglabas ng ubod ng bulaklak.
Ang potasyum ang nagpaparami at nagpapahinog sa mga bunga