Pamatnubay
Lead
PAMATNUBAY Ito ang paunang
pangungusap o mga pangungusap, paunang
talataan o mga talataan, ng isang
balita.
Ito ang nagtataglay ng punong-diwa
ng isang balita.
ANO?
SINO?
PAANO?
SAAN?
KAILAN?
BAKIT?
Naniniwala ba kayong likas na sa mga Pilipino ang pagbibigay ng
mabisang simula sa isang balita?
“may tainga ang lupa at may pakpak ang
balita”
“Si Roxas na ang
presidente ng
Liberal!”
“Oo, saglit
lamang ay tapos
na."
“Bakit? Tapos na
ang halalan?”
Maikli ngunit malaman at kapana-
panabik na pangungusap
PULITIKA
Kwento, dula at nobela
Balita
Maaliwalas ang langit nang ako’y dumating sa tarangkahan ng Manila
Hotel. Ika-9 n.u. nang ako’y pumasok sa bulwagang pulungan.
Ika-9:30 ay napansin kong dumating na si Sen. Roxas. Masiya siya. Kamay rito; kamay roon. Kani-
kaniyang bulungan ang mga delegado. Sa pansamantalang
pamumuno ni Sen. B. Aquino ay sinimulan na ang pulong. Buong pagkakaisang inihahalalsi Sen. G.
Roxas.
Buong pagkakaisang inihalal si Sen. G. Roxas bilang Pangulo ng Partido Liberal sa miting sa idinaos kahapon sa Manila Hotel.
Si Roxas na ang Presidente ng partido
Liberal.
Uri ng Pamatnuba
y Pamatnubay na
Komvensiyonal Pamatnubay na Di- Komvensiyonal
Pamatnubay na Komvensiyonal
Pamatnubay na karaniwang sumasagot sa
anim na tanong
Pamatnubay na
Panretorika
A. Pamatnubay na Karaniwang Sumasagot
sa Anim na Tanong
SINO?
ANO?
pAANO?
BAKIT?
SAAN?
KAILAN?
Tatlong katao ang namatay – Lourdes
Mejia Garcia, 30; Juana Garcia, 15; Jose Mari Garcia, 13 –at dalawa
ang nakaligtas – Francisco Guerrero, 38;
piloto ng eroplano, taga-Argentina, at
kasalukuyang naninirahan sa 149 G.
Soriano, San Juan, Rizal; at Elena Obiduya, 11 –
sa bumagsak na eroplano sa palaisdaang
Camus sa pagitanng Caloocan at Malabon, Rizal, kahapong ika-
5:45 n.h. dahil sa kinapos sa gasolina,
kaya’t napiliting bumaba na una nguso.
Paraang
Pabuod
Tatlong katao ang namatay at
dalawa ang nakaligtas sa bumagsak na eroplano sa palaisdaang
Camus sa pagitan ng Caloocan at
Malabon, Rizal, kahapong ika-
5:45 n.h.
Paalala ni G. JOSE CASTRO LUNA
talasan ang mga mata sa
mga detalyeng di-mahahalaga at huwag mag-atubiling alisin
iyong una.
Ilahad (nang maikli)
ang mahahalagan
g datos
Sabihin ng
tuwiran.
Tatlong katao ang namatay at dalawa ang
nakaligtas sa bumagsak na eroplano sa
palaisdaaang Camus sa pagitan
ng Caloocan, Malabon, Rizal,
kahapong ika-5:45 n. h.
Halimbawa
Pagsagot sa tanong na SINO?
Malinaw na ang tinatanong dito ay tao, pangalan ng
tao, kaya sa ganitong uri ng pamatnubay ay
pangalan ng tao, bago ang paliwanag
hinggil sa kanya.
Si Gng. Maria Cristoval Vda. De Padilla, ina ni Francisco Padilla ng pahayagang Manila Times ay namatay kahapon, ika- 8:00 ng umaga sa kanilang tahanan sa 74 P. Florentino St., Lungsod Quezon.
Pagsagot sa tanong na
Ano?
Ang isinasaad nito ay bagay, isang bagay hindi ng tao (subalit maaaring
hinggil sa tao) na mahalaga sa pangyayari.
Marahil ay mainamo na itanong sa sarili ang
ganito: “ ano’ng bagay na nakatampok sa pangyayari?”
Bibisitahin ngayong umaga ng hukumang unang dulugan ng Maynila ang isang petisyong naglalayong pagbawalan ang mga pinuno ng bangko nasyonal ng pilipinas na tumestigo sa Senado tungkol sa B-B-deal.
Pagsagot sa tanong na
Kailan?
Ang hinihinging tugon nito ay
panahon o oras.Samakatuwid, batay rito, ang pamatnubay na pangungusap ay
mag-uumpisa sa panahon.”
Idaraos sa Sabado, ika-30 ng Nobyembre, araw ni Bonifacio, sa Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham ang paligsahan sa talumpatian na pinamamahalaan ng Samahan ng mga Estudyante sa Araling Panlipunan.
Pagsagot sa tanong na
Saan?
Sa kategoryang ito, ang pamatnubay na
pangungusap ay malinaw na
pinangungunahan ng pagsasaad ng lugar o
pook.
Sta. Cruz, Laguna ang piniling lugar na paglilipatan ng Pedro Guevara National Memorial High School.
Pagsagot sa tanong na
Bakit?
Nagpapahayag ito ng sanhi o dahilan kung bakit naganap ang
isang pangyayari. Bihira ang gumagamit nito bilang
panimula ng pamatnubay ng isang balita. Gayon pa man, ang
paminsanminsang paggamit nito ay nakapagpapanibagong pananaw sa mga mambabasa,
sa gayo’y kinagigiliwan din nila.
Dahil sa kahihiyang tinamo nang siya’y kagalitan ng kanyang guro sa harap ng klase, si Marrietta Mendoza, 15, dalagita, ay biglang tumalilis palabas ng klase at tumalon sa ikatlong palapag ng gusali ng mataas na paaralan sa Espanya, Maynila.
Pagsagot sa tanong na
Paano?Ang pamatnubay ay
nagpapahayag sa simula pa lamang ng mga pangyayari. Paano
nangyari ang isang bagay? Bihira rin ang gumagamit ng ganitong panimulang pangungusap ng isang balita, gayon pa man, nakakaaliw rin itong
gamitin.
Nagpanggap na tauhan ng isang kompanya ng may-ari ng bahay, si Mariano Bayaua ng Lungsod Mandaluyong ay nakapasok sa tahanan ni Gng. Dolores San agustin sa 18 R. Pascual, San Juan, Metro, Manila kahapon ng umaga at nakatangay ng isang makinilyang de koryente na nagkakahalaga ng P7,000.00.
B. Pamatnubay na Panretorika
Limang pamamaraang panretorika na ginagamit sa panimula ng
pamatnubay ng balita.
Panretorika
Pariralang
pawatas
Parirala
ng
pandiwa
riPar
iral
ang p
ang-
uko
l
Sugnay na pang-abay
Sugnay
na
Pangngal
an
Pamatnubay na Di-
komvensiyonal o Di-
karaniwan
A.Panggulat
isang pangungusap
na maikli, subalit may di-
karaniwang pahatid
Madulang Paglalara
wan
Paglalarawan na nais ipasok ng ilang reporter
bilang isang uri ng pamatnubay.
Pagpapakita ng pagkakatulad at
pagkakaiba
Ang pagpapalitaw ng kakaiba (o pagkakatulad)
ng dalawang bagay sa pamatnubay ng balita ay madaling makatawag ng pansin ng mambabasa.
Pamatnubay na
Tanong
Nabibiting
kawilihan
Pinananabik nito ang mambabasa upang masigla
nilang ipagpatuloy ang
pagbasa.
Tahasang sabi
Ito’y isang makabuluhang
pangungusap na sinipi at
ginagamit na panimula ng isang balita
Kasabihan
Ginagamit ng ilang editor na
pamatnubay na pangungusap
ang isang angkop at makahulugang kasabihan upang
magkaroon ng bagong “putahe”,
wika nga.
Isang salita
Karaniwang binubuo ito ng
salitang pandamdam.
Maraming salamat!
Pagpalain Tayong lahat!