Download ppt - Panghalip (Kami, Kayo..)

Transcript
Page 1: Panghalip (Kami, Kayo..)

Kami, Tayo, Kayo at Sila

(Panghalip)

Page 2: Panghalip (Kami, Kayo..)

Tignan ang larawan ng pamilya. Ano ang napapansin niyo sa kanila?

Page 3: Panghalip (Kami, Kayo..)

Basahin natin ang isang maikling tula tungkol sa masayang pamilya Masaya

Kami ay masayaSilang lahat ay masayaKayo ba at masaya?Tayong lahat ay masayang-masayaKapag ang pamilya ay sama-sama

Page 4: Panghalip (Kami, Kayo..)

Bakit nga ba mahalaga na masaya ang isang pamilya?

Paano natin mapapanatili na masaya ang isang pamilya?

Page 5: Panghalip (Kami, Kayo..)

Basahin natin ang mga sumusunod na salita

Kami Sila

Tayo Kayo

Page 6: Panghalip (Kami, Kayo..)

Ang kami, tayo, sila at kayo ay mga salitang pamalit sa ngalan ng tao upang maging kanais-nais itong pakinggan o basahin. Tinatawag din ito na mga panghalip.

Page 7: Panghalip (Kami, Kayo..)

Kami - ginagamit bilang pamalit sa pangalan ng taong nagsasalita at ng kanyang mga kasama

Halimbawa:

Kami ay magkakamag-anak.

Page 8: Panghalip (Kami, Kayo..)

Kami ay magkakamag-anak.

Nagsasalita

Kasama

Page 9: Panghalip (Kami, Kayo..)

Tayo - ginagamit bilang pamalit sa pangalan ng taong nagsasalita at ng kanyang mga kasama at kausap.

Halimbawa:

Tayo magbabasa ng isang kwento.

Page 10: Panghalip (Kami, Kayo..)

Nagsasalita

Kasama at Kausap

Tayo ay magbabasa ng isang kwento

Page 11: Panghalip (Kami, Kayo..)

Kayo - ginagamit bilang pamalit sa pangalan ng dalawa o higit pang tao na kinakausap

Halimbawa:

Kayo po ba ang mga bisita ng aking lola?

Page 12: Panghalip (Kami, Kayo..)

Nagsasalita

Kausap

Kayo po ba ang mga bisita ng aking lola?

Page 13: Panghalip (Kami, Kayo..)

Sila - ginagamit bilang pamalit sa pangalan ng dalawa o higit pang tao na pinag-uusapan

Halimbawa:

Sila ang aming lolo at lola.

Page 14: Panghalip (Kami, Kayo..)

Nagsasalita Kinakausap

Nag-uusap

Pinag-uusapan

Sila ang aming lolo at lola.

Page 15: Panghalip (Kami, Kayo..)

Panghalip Ginagamit na pamalit sa…

Kamingalan nagsasalita at ng

kanyang kasama

Tayongalan ng nagsasalita,

kanyang kasama at kausap

Kayongalan ng dalawang tao o

higit pa na kausap

Sila ngalan ng dalawa o higit pang

tao na pinag-uusapan

Page 16: Panghalip (Kami, Kayo..)

Pagsasanay

1. Sagutan ang Subukin Pa Natin sa sa pahina 275-276 ng Pluma 1

Page 17: Panghalip (Kami, Kayo..)

Takdang Aralin

1. Sagutan ang Tiyakin Na Natin sa pahina 277-278 ng Pluma 1


Recommended