Itinuturing na pinakamatandang
kabihasnang nananatili sa buong
daigdig hanggang sa kasalukuyan
Sa aspektong politikal, halinhinang
nakaranas ang China ng pagkakaisa
at pagkawatak-watak
Ang pangyayari ito ang humubog sa
kultura at mamamayan ng basa
hanggang sa makabagong panahon.
Ang kabihasnan ng China ay
umusbong tabing –ilog malapit sa
Yellow River o Huang Ho
Ang ilog na ito ay nagmula sa
kabundukan ng kanlurang China at
may habang halos 3000 milya
Dumadaloy patungo sa Yellow Sea
Ang dinaraanan nito ay nagpabago-
bago nang makailang ulit sa
mahabang panahon at humantong sa
pagkakabuo ng isang malawak na
kapatagan, ang North China Plain.
Ang pag-apaw ng ilog Huang Ho ay
nagdudulot ng pataba sa lupa ngunit
dahil sa pagiging patag ng North
China Plain, madalas nang
nagaganap ang pagbaha sa lugar na
ito
Xia or Hsia ang kauna-unahang
dinastiyang naghari sa China
Subalit sa kakulangan ng ebidensya, hindi
matiyak kung kailan pinsasimulan ni Yu
Si Yu ang unang pinuno ng Dinastiya
Pinaniniwalaang si Yu ang nakagawa ng
paraan upang makontrol ang pagbahang
idinudulot ng Huang Ho
Ang pangyayaring ito ay
nagbibigay daan upang
makapamuhay sa lamabak ang
mga magsasaka.
Isang sinaunang kabihasnan na nagsimula sa
lambak ng Nile River sa Egypt na nasa
hilagang-silangang bahagi ng Africa
Ang sinaunang Egypt ay nabuklod bilang
estado pagsapit ng 3100 BCE at
nakapagpatuloy sa loob halos ng tatlong
milenyo
Batay sa mga ebidensyang arkeolohikal,
mayroon ng lipunan ang Egypt bago pa
nagsimula ang kabihasnan sa lambak ng Nile
Ang Lower Egypt ay nasa bahaging
hilaga ng lupain kung saan ang ilog Nile
ay dumadaloy patungang
Mediterranean Sea
Upper Egypt naman ay nasa bahaging
katimugan mula sa Libyan Desert
hanggang sa Abu Simbel
Ang Nile River na may 4160 milya 0
6694 kilometro ang haba ay dumadaloy
mula katimugan patungong hilaga
Noon pa mang unang panahon, ang Egypt
ay tinatawag na bilang the Gift of the Nile
dahil kung wala ang ilog na ito, ang buong
lupain ay magiging isang disyerto
Dati-rati, ang malakas na pag-ulan sa lugar
na pinagmumulan ng Nile ay nagdudulot ng
pag-apaw ng ilog tuwing Hulyo bawat taon
Ang pagbahang idudulot ng Nile ay nahinto
lamang noong 1970 nang maitayo ang
ASWAN HIGH DAM upang makapagbigay
ng elektrisidad at maisasayos ang suplay
ng tubig
Sa panahong Neolitiko, ang pag-apaw ng
Nile ay nagbibigay-daan upang
makapagtanim ang mga magsasaka sa
lambak ilog.
Nag-iiwan ito ng matabang lupain na
mainam para sa pagtatanim
Kaagad magtatanim ang magsasaka sa
pagbaba ng baha
Ang putik na dala ng ilog ay unti0unting
naiipon sa bunganga ng Nile sa hilaga
upang maging latiang tinatawag na delta
Upang maparami ang kanilang
maaaring itanim bawat taon, ang mga
sinaunang Egyptian ay gumagawa ng
mga imbakan ng tubig at naghuhukay
ng mga kanal upang padaluyin ang
tubig sa kanilang mga lupaing
sinasaka
Maliban sa kahalagahan sa pagsasaka
ang Nile ay nagsilbing mahusay na
ruta sa paglalakbay noong panahong
iyon
Nagawa itong mapag-ugnay ang mga
pamayanang matatagpuan malapit sa
pampang ng ilog
Ang pagkakaroon ng mga disyerto sa
silangan at kanlurang bahagi ng ilog ay
nakapagbigay ng kaligtasan sa Egypt
sapagkat nahahadlangan nito ang mga
pagsalakay
Dahil dito, ang mga tao ay nagawang
makapamuhay nang mapayapa at
masagana sa loob ng mahabang
panahon
Maraming siyentista ang naniniwalang
may mga pangkat ng mga nangangaso o
“hunter” ang nandarayuhan mula sa
Asya patungong North America, libong
taon na ang nakaraan
Unti-unting tinahak ng mga ito ang
kanlurang baybayin ng North America
patungong timog, at nakapagtatag ng
mga kalat-kalat na pamayanan sa mga
kontinente ng North America at South
America
• Noong ika-13 siglo BCE umusbong
ang kauna-unahang kabihasnan sa
America---ang mga Olmec sa
kasalukuyang Mexico
• Naimpluwensyahan ang mga
gawaing sinimulan ng mga Olmec
ang iba pang pangkat ng mga tao sa
iba’t-ibang bahagi ng America