Transcript

Welcome to our

Doctrine Seminar

Ang Batas ng Pag-ibig na Nagbibigay Buhay

(Kabanata 15 / Session 12)

Kabanata I

Ang Moral na

Pamantayan

Ano ang isang pamantayan o batas?

Ang batas ay isang alituntunin ng katuwiran na itinakda ng mga taong may kakayahan at may kapangyarihan alang-alang sa kapakanang panlipunan.

(1)

Ang batas ay isang makatwirang pagpapasya, ibig sabihin: pinag-isipan at may dahilan, at hindi isang

bagay na nasumpungan lamang.

(2)

Itinakda: ipinahayag nang may sapat na babala sa mga

kinauukulan habang iginagalang ang kanilang karapatan at karangalan.

(3)

Sa pamamagitan ng kinauukulang tagapamahala,

o sa pamamagitan ng may lehitimong kapangyarihang

isagawa ito.

(4)

Para sa kapakanang panlipunan, sa kaayusan ng sosyal na kalagayan ng mga

nasasakupan nito.

Dalawang Katangian ng Moral na Batas

Unang Katangian

Nakaugat ang batas sa isang pananaw: Ang paghahari ng Diyos batay sa katuruan ni

Jesus tungkol sa “Mapapalad.”

Ikalawang Katangian

Nagmula ang batas at nagpapahayag ng mga

batayang pinahahalagahan.

Ang Sampung Utos ng Diyos

Ano ang ipinakikita sa atin ng Sampung Utos

ng Diyos?

(I)Paggalang sa buhay ng tao:

“Huwag kang papatay.”

(II)Paggalang sa pamilya:

“Huwag kang makikiapid.”

(III)Paggalang sa ari-arian ng tao:

“Huwag kang magnanakaw.”

(IV)Paggalang sa katotohanan:

“Huwag kang magbibintang ng mali sa kapwa.”

Bakit Kailangan Natin ang Moral na Batas?

Una

Magsisilbi itong pamantayan sa pagpapasiya kung paano

tayo dapat kumilos.

Ikalawa

Ito ang tutulong sa atin sa moral na pag-unlad, sa paghubog sa budhi, sa moral na pagkilos, at

pagpapahalagang pangtao.

Ikatlo

Nagbibigay ito ng katatagan at palagiang kaayusan sa ating

buhay, dahil may maasahang gabay na masasaligan.

Subalit dapat nating malaman, hindi lahat ng legal ay moral.

Dapat tayo mag-ingat.

Kabanata 2

Ang Batas sa Banal na Kasulatan

Ang Matandang Tipan

Tinatawag ding “Torah” na ang ibig sabihin ay

“Ang Kautusan” o “Ang Batas.”

Mula sa Salmo 19, “Ang batas ng Panginoon ay ganap at nagpapaginhawa sa kaluluwa. Ang batas ng Panginoon ay batas na walang kulang. Ito ay utos na

ang dulot sa tao ay bagong buhay. Ang Kanyang mga batas ay

napagtitiwalaan. Nagbibigay talino sa pahat na kaisipan…

Ang tuntuning ibinigay ni Yahweh ay wastong utos, liligaya ang

sinuman kapag ito ang sinunod. Ito ay wagas at matuwid pagkat mula ito sa Diyos, pang-unawa ng isipan yaong bungang idudulot. Pati mga

hatol niya ay matuwid na kahatulan, kapag siya ang humatol,

ang pasya ay pantay-pantay.”

Sa kasawiang palad, ang lubhang pagsunod sa

titik ng batas ay humantong sa “legalismo.”

Legalismo1. Ang paglalagay sa lahat ng kautusan ng

batas sa pantay-pantay na kahalagahan na naging mabigat na pataw sa mga tao (Lukas 11:46).

2. Ang paniniwala na sa pamamagitan lamang ng pagtupad ng batas ay maililigtas na ng mga tao ang kanilang sarili na hindi na kailangan ang biyaya ng Diyos.

Ang Bagong Tipan

Pagdating ng Bagong Tipan

• Ayon kay Propeta Jeremias, “Gagawa ako ng isang bagong pakikipagtipan sa Israel… Itatanim ko sa kanilang kalooban ang aking kautusan; isusulat ko sa kanilang puso” (Jer 31:31,33).

Kaganapan ng Tipan

• Ayon kay San Mateo, dumating si Kristo hindi upang pawalang bisa ang kautusan at mga aral ng mga propeta, kundi upang gawing ganap ang mga iyon (Mateo 5:17).

Bakit Kailangan pa ang Bagong Tipan?

Una

Upang ipangaral ang Mabuting Balita tungkol sa Paghahari ng Diyos.

(Lukas 16:16)

Ikalawa

Inalis ni Kristo ang mga kamaliang pinahintulutan

“dahil sa katigasan ng puso” ng mga tao. (Mateo 19:8)

Ikatlo

Ginawang ganap ni Kristo ang mga batas tungkol sa kalinisan ng pagkain at sa batas ng Sabat na napakahalaga sa mga Judio.

Ikapat

Ang batas sa kaayusan ay nasa ilalim lahat ng pag-ibig

sa Diyos at sa kapwa.

Mga Dakilang Utos• Alin ang pinakamahalagang utos sa

Kautusan?• Sumagot si Jesus: “Ibigin mo ang

Panginoong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa at nang buong pag-iisip. Ito naman ang pangalawa: ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili” (Mateo 22:37-40).

Ano ang bago sa Dakilang Utos?

Una

Ipinahayag ni Jesus ang pagkakaisa ng

pag-ibig sa Diyos at pag-ibig sa kapwa.

Ikalawa

Inihalimbawa ni Kristo sa kanyang buhay at pangangaral ang tatluhang “puso, kaluluwa

at lakas.”

Ikatlo

Nagbigay si Kristo ng radikal na bagong paliwanag sa salitang

“kapwa.”

Ikaapat

Pinaikli ni Jesus ang buong batas at mga propeta.

“Pag-ibig” ang buod ng Kautusan.

Ang Utos ni Kristo

“Mag-ibigan kayo gaya ng pag-ibig ko sa inyo.”

Mapagpalaya ang Batas ni Kristo

Ayon kay San Pablo: “Wala na ako sa ilalim ng batas ng kasalanan at

kamatayan, sapagkat pinalaya na ako ng batas ng Espiritung nagbibigay-buhay,

bunga ng pakikipag-isa kay Kristo Jesus. Ginawa ng Diyos ang hindi nagawa ng kautusan dahil sa likas na kahinaan ng tao. Sinugo niya ang kanyang sariling

Anak” (Roma 8:2-3).

Ang Tunay na Mapapalad

Aral mula sa “Mapapalad”Sinasalungat sa “Mapapalad” ang

karunungan ng daigdig: ang materyalismo o pagsamba sa kayamanan, ang pagnanasa sa kapangyarihan at pagtatagumpay, at ang walang awang paglalabanan.

Sa Kaharian ng Diyos, kabaligtaran nito ang mga pinahahalagahan.

Ang Tunay na Mapapalad sa Kaharian ng Diyos

(1)

Pagpapawalang halaga sa mga bagay, ang pagpapakumbaba

at ang kagkahabag, ang magdadala sa atin sa tunay na

kaligayahan.

(2)

Ang pagkauhaw sa katarungan para sa lahat at maawaing

pagpapatawad, ang nagdadala sa atin ng tunay na makataong pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Kabanata 3

Ang Batas ng Simbahan at ang Batas na Likas

Kabanata 3

Ang Batas ng Simbahan

at ang Batas na

Likas

Ang Batas na LikasIpinahahayag nito ang

karunungan ng Diyos sa Kanyang sangnilikha at ito ay kabilang sa mismong katangiang-likas ng mga tao, at ito ay panawagang nagmumula sa kaibuturan ng kanilang sarili.

Ang batas na likas ang pinamumulan ng mga karapatan

at tungkulin na tuwirang nagmumula sa katangiang-likas ng tao na pinagkalooban ng katwiran at kalayaan, at hindi sa palagay ng

madla o kahit ang batas na pambayan.

Tatlong Pangunahing Paninindigan ng

Batas na Likas

(I)Ang batayan ng Batas na

Likas ay ang katotohanang ang Diyos ang lumikha ng lahat at ang ugat ng lahat

ng bagay.

(II)Mauunawaan ng lahat ng tao ang moral na batayan ng Batas na Likas sapagkat ito ay nakaukit sa budhi ng

bawat tao.

(III)Isang tuwirang moral na

pagpapahalaga at turo na maaaring gawing

pangkalahatan para sa lahat ng mga taong may

mabuting kalooban.

Si Kristo at ang Batas na Likas

• Sa pagsunod sa batas na likas, sinusunod din natin ang banal na batas. • Kay Kristo, magkaugnay ang

batas na likas at ang batas ng Diyos.

Kabanata 4

Ang Moral NaPagpapasya

Proseso ng Moral na Pagpapasya

Tatlong Hakbang:1. Moral na Pagkilatis2. Paggiit ng moral na pamantayan3. Paghatol o Pagpasya

Ang Budhi at Ang Mahisterio

Ang Susi ng Kaharian ng Langit

Sinabi ni Jesus kay Simon, “Ikaw ay Pedro, at sa ibabaw ng

batong ito ay itatayo ko ang aking iglesya, at hindi

makapananaig sa kanya kahit ang kapangyarihan ng

kamatayan…

…Ibibigay ko sa iyo ang susi ng kaharian ng langit: ang

ipagbawal mo sa lupa ay ipagbabawal sa langit, at ang

ipahintulot mo sa lupa ay ipahihitulot sa langit”

(Mateo 16:18-19)

Ang tunay na batayan ay ang di mabibigong pagpatnubay ng

Espiritu Santo sa Santo Papa at sa Kasamahan ng mga Obispo tuwing ginaganap ang kanilang tungkulin

bilang tagapagturo sa pananampalataya at moral na

pamumuhay.

Ito ang namumukod tanging misyon ng mahisterio ng

Simbahan: upang maipahayag at maipaliwanag ang moral na batas sa harap ng mga tao sa

liwanag ng Ebanghelyo.

Ang ugnayan sa pagitan ng budhi ng mga Katolikong

Pilipino at at ang Katuruan ng Simbahan ay hindi laban

sa kalayaan ng budhi.

Sa mga bagay na nauukol sa pananampalataya at moral na pamumuhay, nagsasalita ang

mga Obispo sa Ngalan ni Kristo, at ang mananampalataya ay tatanggapin ang mga turo na

may magalang na katapatan ng kalooban.