71
EPIKO NI GILGAMESH JENITA D.GUINOO Guro sa Gr.10-Filipino

" Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

EPIKO NI GILGAMESH

JENITA D.GUINOO Guro sa Gr.10-Filipino

Page 2: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

KASANAYANG PAMPAGKATUTO

1. Nakapagsasagawa ng pananaliksik tungkol sa taglay na supernatural na kapangyarihan ng mga tauhan sa epiko

2. Natutukoy ang mga salitang nagpapahayag ng damdamin at ang uri ng mga ito

3. Nahihinuha kung bakit itinuturing na bayani sa kanilang lugar at kapanahunan ang piling tauhan sa epiko batay sa napakinggang di-inihandang talumpati

4. Naibabahagi ang sariling interpretasyon kung bakit dumaranas ng iba’t ibang suliranin ang pangunahing tauhan sa epiko

5. Napatutunayang may pagkakaiba at pagkakatulad ang mga epiko

Page 3: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

6. Napatutunayang ang mga tauhan sa epiko ay nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan7. Nagagamit nang wasto ang mga pananda sa mabisang pagpapahayag8. Napatutunayang nakatutulong ang mga pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag sa pagsulat ng iskrip ng Chamber Theater9. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng isang tunay na kaibigan10. Nakasusulat ng iskrip ng Chamber Theater batay sa bahagi ng epikong binasa11. Naisusulat ang paglalahad na nagpapatunay na ang pagkakaiba at pagkakatulad ng mga epiko ay nakasalig sa uri ng kultura ng bansang pinagmulan nito at ang bawat tauhan ng epiko ay nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan12. Nakapagtatanghal ng Chamber Theater

Page 4: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

PANITIKAN:EPIKO MULA SA

MESOPOTAMIASALIN SA INGLES NI

N.K.SANDARSSALING –BUOD SA FILIPINO NI CRISTINA S. CHIOCO

GRAMATIKA:Mga Pananda sa Mabisang Paglalahad

ng PahayagUri ng Teksto:

Nagsasalaysay

Page 5: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Ang Mesopotamia ay mula sa salitang griyego na nangangahulugang sa pagitan ng dalawang ilog.

MESOPOTAMIA

Page 6: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Meso (between) at Potamos (river)ay sinaunang rehiyon sa Silangang Mediterranean

Page 7: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

SA HILAGANG SILANGAN ANG BUNDOK ZAGROS

Sa Timog-Silangan ang Talampas ng Arabia

Page 8: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Sa kasalukuyan, ang kalakhang bahagi nito ay ang Iraq samantalang ang ilang bahagi naman ay ang Iran, Syria, at Turkey.

Ang dalawang ilog na tinutukoy ng pangalan nito ay ang Ilog Tigris at Euphrates.

Page 9: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

IRAN, IRAQ, SYRIA AT TURKEY

Page 10: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

ANG KALUPAAN AY KILALA BILANG AL-JAZIRAH (ANG ISLA) AYON SA EGYPTOLOGIST NA SI J.H. BREASTED NA SA KALAUNAN AY TINAWAG NA FERTILE CRESCENT KUNG SAAN NAGMULA ANG SIBILISASYON NG MESOPOTAMIA

Page 11: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Ang kanilang panitikan ay tunay na kasasalaminan ng kanilang angking kultura, dito malalaman ang kanilang mga paniniwala, pilosopiya, paraan ng pamumuhay, ugali at iba pa na mapagkikilanlan ng kanilang lahi.

Sa pag-aaral natin sa Epiko ay patutunayan natin na ang mga pangunahing tauhan ay nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan.

Sasanayin kayo sa paggamit ng mga pananda para sa mabisang paglalahad ng pahayag upang ikaw ay makibahagi sa pagtatanghal ng isang bahagi ng epiko sa pamamagitan ng Chamber Theater ayon sa pamantayan sa pagganap:

a) iskrip, b) pagganap, at c.)teknikal.

Page 12: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Yugto ng Pagkatuto Tuklasin

GAWAIN I: Hanapin Mo

Kolum A. Pamagat ng Epiko

Kolum B. Pangunahing Tauhan

Kolum C. Supernatural na Kapangyarihan

1. Indarapatra at Sulayman2. Ibalon3. Tuwaang4. Illiad at Odyssey5. Divine Comedy6. Song of Roland

Suriin ang sumusunod na epiko sa Kolum A. Tukuyin kung sino ang pangunahing tauhan ng mga ito at isulat ang sagot sa Kolum B. Alamin din kung ano ang supernatural na kapangyarihan nito at isulat sa kolum C.

Page 13: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Lahat ba ng tauhan ng epiko ay may supernatural na kapangyarihang taglay?

Anu-ano ang malimit na mga kapangyarihang taglay ng mga tauhan sa epiko?

Pagtatalakay sa Gawain I

Page 14: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

M MITOLOHIYA

GAWAIN 2 Kilalanin MoSa pamamagitan ng Venn Diagram, ibigay ang

pagkakatulad at pagkakaiba ng epiko at mitolohiya

EPIKO

Page 15: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

• Batay sa naging sagot sa gawain 2, pabubuuhin ang klase ng pinakaangkop na sagot sa gawain.

Page 16: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Mga Tauhang may supernatural na kapangyarihan

Page 17: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Ang Epiko ay tulang pasalaysay na nagsasaad ng kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na kadalasan ay buhat sa lipi ng mga Diyos at Diyosa.

Ang paksa ng epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang paglalakbay at pakikidigma.

Ang salitang Epiko ay mula sa salitang Griyego “Epos” na ang salawikain o awit ngunit ngayon ito’y tumutukoy sa kabayanihan na isinasalaysay.

Alam mo ba na…

Page 18: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Ang pangkalahatang layunin ng tulang epiko, samakatuwid ay gumising sa damdamin upang hangaan ang pangunahing tauhan. Anupa’t naiiba ito sa trahedya na naglalayong pumukaw sa pagkasindak at pagkaawa ng tao.

Pinakamahalaga rito ay ang pagtatagumpay laban sa mga suliraning kinakaharap, lalong magaling kung ganap ang pagtatagumpay laban sa matinding mga suliranin, dahil ito’y lalong makapagbibigay-buhay sa layunin ng tula. (Crisanto C. Rivera, 1982)

Page 19: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Ang Epiko ni Gilgamesh, isang epiko mula sa Mesopotamia ay kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Ang kasaysayan ng Gilgamesh ay nagsimula sa limang tulang Sumerian tungkol kay “Bilgamesh” (salitang Sumerian para sa “Gilgamesh”), hari ng Uruk. Mula sa magkakahiwalay na kuwentong ito ay nabuo ang iisang epiko. Ang kauna-unahang buhay na bersyon nito, kilala bilang “Old Babylonian” na bersyon, ay noong ika-18 siglo BC at pinamagatan mula sa kaniyang incipit ( unang salita ng manuskrito na ginamit bilang pamagat), Shutur eli sharri (“Surpassing All Other Kings”). Ilan lamang sa mga tablet (manuskritong nakasulat sa isang piraso ng bato, kahoy o bakal) ang nabuhay. Ang huling bersyon ay nasulat noong ika-13 hanggang ika-10 siglo BC at may incipit na Sha naqba imuru (“He who Saw the Deep”) sa makabagong salita: (“He who Sees the Unknown”)Tinatayang dalawang katlong bahagi ng labindalawang tablet na bersyon ang nakuha. Ang ilan sa magagaling na kopya ay natuklasan sa guho ng aklatan ng 7th-century BC na hari ng Assyrian na si Ashurbanipal.

The Epic of Gilgamesh, kinuha noong Nobyembre 30, 2014

mula sa en.Wikipedia. Org/wiki/Epic of Gilgamesh

Page 20: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Mga gabay na tanong:1.Paano nagsimula ang epiko? 2. Saang bansa ito nagmula?3. Anu-ano ang tanyag na epiko sa buong mundo? 4. Sinu-sino ang sumulat ng mga ito?

Page 21: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Kasaysayan ng Epiko

Mula sa about.com

Isinalin sa Filipino ni Joselyn Calibara-SaysonAng Epiko ni Gilgamesh, isang epikong

patula mula sa Mesopotamia ay kinikilala bilang kauna-unahang dakilang likha ng panitikan. Walang nakatitiyak kung may manunulat noong Medieval o Renaissance Europe na nakabasa ng Gilgamesh.

Nagsimula kay Homer ng Greece ang tradisyon ng epiko sa Europa noong 800 BC.Mahalagang mabasa ng mga mag-aaral ng literaturang Ingles ang The Illiad and Odyssey. Makikita sa isinulat ni Homer ang porma ng isang epiko, ang halimbawang uri ng mga tauhan, ang banghay, ang mga talinghaga, at iba pa. Ito’y naging inspirasyon ng iba pang kilalang manunulat ng epiko. Samantala, kilalang manunulat ng epiko sina Hesiod, Apollonius, Ovid, Lucan, at Statius.

Page 22: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Dactylic hexameter ang estilo ng pagsulat ng epiko. Ito’y karaniwang nagsisimula sa isang panalangin o inbokasyon sa isang musa at naglalaman ng masusing paglalarawan, mga pagtutulad at talumpati. Kabilang din dito ang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan tulad ng “The Fall of Troy”, The Foundation of Rome, The Fall of Man, at iba pa. Ang mga tauhan nito ay maharlika.

Si Virgil (70-19 BC) ay lumikha ng mahahalagang epiko ng emperyong Romano. Kinuha ang pangalan ng The Aeneid sa isa sa mga tauhan ng Iliad ni Homer na umalis sa Troy at nagtungo sa Italy upang hanapin ang Rome. Binasa ng mga kilalang manunulat noong Medieval at Renaissance ang The Aeneid. Ito ang ginawang modelo ni Milton nang sulatin niya ang Paradise Lost.

Page 23: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Napakaraming epikong naisulat noong Medieval , bagaman ito’y hindi madalas basahin. Nakalikha ng kanilang mga dakilang manunulat ng epiko ang bawat bansa. Sa Italy ay hindi lamang si Virgil, mayroon din silang Dante. Ang kilalang epiko ni Dante ay ang “The Divine Comedy”. Ito’y naging inspirasyon ng maraming makata at pintor sa loob ng maraming dantaon. Si T. S. Eliot ay sinasabing nagdala ng kopya nito sa bulsa ng kaniyang amerikana. Ang “Divine Comedy” ay dinisenyuhan ni Gustave Dore noong ikalabinsiyam na siglo.

Isa sa mga kilalang epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o El Cantar Mio Cid na sinulat noong 1207 ni Per Abbat. Ito ay kuwento ng pagsakop sa Valencia ni Rodrigo Diaz de Vivar na nabuhay noong panahon ng Norman Invasion (pagtatapos ng Old English period).

Isa sa mga kilalang epikong French noong Middle Ages ay ang Chanson de Roland. Ito ay kuwento ni Charlemagne at ang pag-atake sa kaniyang tropa ni Basques at Roncevaux noong 778. Ang tula ay maaaring isinulat ni Turold noong 1090.

Page 24: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Ang dalawang kilalang epikong German ay ang The Heliad, ikabinsiyam na siglong bersyon ng Gospels sa Lumang Saxon; at ang “The Nibelungenlid”. Ang huli ay kuwento ni Seigfried, Brunhild, Dietrich, Gunther, Hagen, at Attila the Hun. Ito ay nagbigay ng kakaibang impluwensiya sa literaturang German.

Ang epikong Ingles ay nagsimula sa Beowulf. Samantalang marami rin ang nasa Anglo-Norman na ang karamihan ay hindi na nababasa ngayon. Marami sa mga kuwento ng pag-iibigan ay umabot sa haba ng isang epiko, subalit hindi mauuring epiko. Ang Piers Plowman ay mahaba, subalit hindi isang epiko. Si Chaucer ay nagsulat ng epiko, ang Troilus & Criseyde, na lubhang tinangkilik sa ikalabing-apat at ikalabinlimang siglo.

Page 25: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Sa Pilipinas, tinatayang umaabot sa 28 ang kilalang epiko. Karamihan sa mga epiko ay natagpuan sa grupo ng mga tao na hindi pa nagagalaw ng makabagong proseso ng pagpapaunlad ng kultura tulad ng mga katutubo at etnikong grupo sa Mountain Province at sa Mindanao, sa grupo ng mga Muslim. Ang mangilan-ngilan ay makikita sa mga mamamayang Kristiyano.

Ang mga epiko sa Pilipinas ay kumakatawan sa mga paniniwala, kaugalian at mabubuting aral ng mamamayan. Ilan sa mga ito ay ang Ibalon ng Bikol, Hudhud ni Aliguyon ng mga Ifugao, Biag ni Lam-ang ng Ilocos at Tuwaang ng mga Bagobo at marami pang iba.

Page 26: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

GAWAIN 3: Sipiin MoMula sa binasang kasaysayan ng Epiko, Suriin ang mga

salitang nagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari ayon sa panahon, nagpapakita ng sanhi at bunga, paghahambing o kaibahan, pagdaragdag ng impormasyon, nagbibigay-diin, halimbawa at paliwanag, at mga pangatnig.

Salita Uri

1. _______________ 1. _______________

2. _______________ 2. _______________

3. _______________ 3. _______________

4. _______________ 4. _______________

5. _______________ 5. _______________

6. _______________ 6. _______________

7. _______________ 7. _______________

8. _______________ 8. _______________

9. _______________ 9. _______________

10._______________ 10. ______________

Page 27: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Linangin

Basahin mo at unawain ang epikong kasunod upang mapatunayan na ang pangunahing tauhan sa epiko ay may supernatural na kapangyarihan. Mula sa Epiko ni Gilgamesh

Salin sa Ingles ni N.K. SandarsMga Tauhan: Saling-

buod sa Filipino ni Cristina S. ChiocoAnu - Diyos ng Kalangitan; ang Diyos AmaEa - Diyos ng karunungan; kaibigan ng mga taoEnkido - kaibigan ni Gilgamesh; matapang na tao na nilikha mula sa luwadEnlil - Diyos ng hangin at ng mundoGilgamesh -Hari ng Uruk at ang bayani ng epikoIshtar - Diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang reyna ng mundoNinurta -Diyos ng digmaan at pag-aalitanShamash - Diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas ng taoSiduri - Diyosa ng alak at mga inuminUrshanabi - Mamamangkang naglalakbay araw-araw sa dagat ng kamatayan patungo sa tahanan ng UtnapishtimUtnapishtim -Iniligtas ng mga Diyos mula sa malaking baha upang sirain ang mga tao; binigyan ng mga Diyos ng buhay na walang hanggan

Page 28: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

1. Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na ang dalawang katlo ng pagkatao ay Diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang at makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kanyang pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa kaniya.

2. Tinugon ng Diyos ang kanilang dasal. Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni Gilgamesh, si Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila. Di naglaon ay naging kasa-kasama na ni Gilgamesh si Enkido sa kanyang pakikipaglaban. Una, pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar. Pinatag nila ang kagubatan. Nang tangkain nilang sirain ang Diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng pagnanasa kay Gilgamesh, ipinadala nito ang toro ng Kalangitan upang wasakin ang kalupaang pinatag nila bilang parusa. Nagapi nina Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi pinahintulutan ng mga Diyos ang kanilang kawalan ng paggalang kaya itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido na namatay sa matinding karamdaman.

Page 29: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

3. Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng loob ay nasabi niya sa kanyang kaibigan ang ganito: “Ako ang pumutol sa punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon, tingnan mo kung ano ang nagyari sa akin. Makinig ka kaibigan, nanaginip ako noong isang gabi. Nagngangalit ang kalangitan at sinagot ito ng galit din ng sangkalupaan.Sa pagitan ng dalawang ito ay nakatayo ako at sa harap ng isang taong ibon. Malungkot ang kaniyang mukha, at sinabi niya sa akin ang kaniyang layon. Mukha siyang bampira, ang kaniyang mga paa ay parang sa leon, ang kanyang mga kamay ay kasintalim ng kuko ng agila. Sinunggaban niya ako, sinabunutan, at kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa niyang pakpak ang aking mga kamay. Humarap siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla, ang Reyna ng Kadiliman, patungo sa bahay na ang sinumang mapunta roon ay hindi na makababalik.

Page 30: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

4.Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang kanilang kinakain at luad ang kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga ibon na ang pakpak ang tumatakip sa kanilang katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok ako sa bahay na maalikabok, at nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng korona habang buhay, mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang panahon. Sila na minsa’y naging mga Diyos tulad nina Anu at Enlil ay mga alipin ngayon na tagadala na lamang ng mga karne at tagasalok ng tubig sa bahay na maalikabok. Naroon din ang mga nakatataas na pari at ang kanilang mga sakristan. May mga tagasilbi sa templo, at nandun si Etana, ang hari ng Kish, na

Page 31: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

minsa’y inilipad ng agila sa kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang hari ng mga tupa, naroon din si Ereshkigal, ang reyna ng Kalaliman, at si Belit-Sheri na nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng mga Diyos at taga-ingat ng aklat ng mga patay. Kinuha niya ang talaan, tumingin sa akin at nagtanong: Sino ang nagdala sa iyo rito?Nagising akong maputlang –maputla, naguguluhan, tila nag-iisang tinatahak ang kagubatan at takot na takot.”5. Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang kaniyang luha. Umiyak siya nang umiyak. Sinabi niya kay Enkido, “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan?Maraming di-kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso? Hindi kapani-paniwala at nakatatakot na panaginip. Kailangan itong paniwalaan bagaman ito’y nagdudulot ng katatakutan, sapagkat ito’y nagpapahayag na ang matinding kalungkutan ay maaaring dumating kahit sa isang napakalusog mang tao, na ang katapusan ng tao ay paghihinagpis.”At nagluksa si Gilgamesh. “ Mananalangin ako sa mga dakilang Diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinuman sa pamamagitan ng panaginip.

Page 32: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

6. Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-araw ay palala nang palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh , “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.” Sa ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag ni Enkido si Gilgamesh upang siya’y itayo. Mahinang- mahina na siya, at ang kaniyang mga mata ay halos hindi na makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng sampung araw ang kaniyang pagdadalamhati hanggang labindalawang Araw. Tinawag niya si Gilgamesh, “Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang Diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan.7. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at gabi. Sa huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala.

Page 33: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

GAWAIN 4 Paglinang ng TalasalitaanSuriin kung anong damdamin ang nais palutangin ng may-akda sa bawat pahayag. Piliin at

salungguhitan ang salitang nagpapahayag ng damdamin sa bawat pangungusap. Isulat sa patlang sa unahan ng bilang kung anong damdamin ito.______________ 1. “Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang Diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakakahiya ang pagkamatay.”_______________ 2. “Ako ang pumutol ng Punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan, ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon tingnan mo ang nangyari sa akin?”_______________ 3. “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong karunungan? Maraming di kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng iyong puso?”_______________ 4. Mananalangin ako sa mga dakilang Diyos dahil ginamit niya ang aking kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sino man sa pamamagitan ng panaginip.”_______________ 5. “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay, ngayon ay wala na ako kahit na ano.”

Page 34: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

GAWAIN 5 Unawain Mo

Ilarawan si Gilgamesh, ang pangunahing tauhan sa epiko

Kung ikaw si Enkido, nanaisin mo bang

maging kaibigan ang isang tulad ni

Gilgamesh? Bakit?

Bakit kaya kahiya-hiya para kay Enkido

ang kaniyang kamatayan?

Kung ikaw si Gilgamesh at namatay si Enkido,

ano ang iyong mararamdaman? Bakit?

Anong mahalagang kaalaman tungkol sa

buhay ang ipinahihiwatig ng

akda?

Ipaliwanag ang mensaheng

ibinabahagi ng akda tungkol sa

pagkakaibigan

Sa inyong palagay , bakit kailangang iparanas ng may-akda ang mga suliranin sa pangunahing tauhan ng epiko? Maituturing ba silang mga bayani ng kanilang panahon? Bakit?

Nasasalamin ba sa epiko ang paniniwala ng mga taga-Ehipto tungkol sa buhay na walang hanggan? Patunayan. Ano ang kaibahan nito sa paniniwala nating mga Pilipino?

Kung bibigyan ka ng pagkakataong

baguhin ang wakas ng kuwento, paano mo

ito wawakasan?

Page 35: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

GAWAIN 6 Kapangyarihan Mo, Ipakita Mo

Isa sa mga katangian ng mga tauhan ng epiko ay ang pagkakaroon nito ng supernatural na kapangyarihan. Bagaman ang binasang epiko ay isang buod lamang, sikaping matukoy ang supernatural na katangian ng bawat tauhan. Sipiin sa iyong sagutang papel ang lobo ng diyalogo at isulat ang hinihinging impormasyon.

Ako si Gilgamesh. Ako ay may kapangyarihang

_________________________________________________________.

Page 36: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Ako si Enkido. Sa taglay kong supernatural na

kapangyarihan, kaya kong __________________________________________________________.

Page 37: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Ako si Urshanabi. Ako ay isang mamamangkang may

kapangyarihang ___________________________________________________________________.

Page 38: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Ako si Utnapishtim. Mula sa mga

Diyos, taglay ko ang

kapangyarihang __________________________________

____________.

Page 39: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

GAWAIN 7 Ipagtanggol Mo

Suriin ang mga suliraning pinagdaanan ng mga pangunahing tauhan sa epiko. Kailangan bang maranasan ng pangunahing

tauhan sa epiko ang mga suliraning ito? Pangatwiranan.

Page 40: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

GAWAIN 8: Kultura: Paghambingin

Malinaw bang nailarawan sa pamamagitan ng mga pangunahing tauhan sa epiko ang kultura ng Mesopotamia sa larangan ng paniniwala sa ikalawang buhay?

May pagkakatulad ba ito sa kultura nating mga Pilipino na masasalamin sa ating sariling mga epiko? Patunayan.

Kailangan bang maranasan ng pangunahing tauhan sa epiko ang mga suliraning pinagdaanan sa akda? Pangatwiranan.

Page 41: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

PAGSASANIB NG GRAMATIKA AT RETORIKA

Marahil ay napansin mo ang mga salitang ginamit bilang pananda sa mabisang paglalahad ng mga pahayag tungkol sa kasaysayan ng epiko. Nakatulong ba ang mga ito upang maging malinaw ang

paglalahad ng bawat impormasyon?

Tunghayan mo ang kasunod na aralin tungkol dito upang mabisang maunawaan ang gamit ng mga pananda sa mabisang paglalahad ng mga pahayag sa pagbuo ng iskrip ng Chamber Theater.

Page 42: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Alam mo ba na…Nakasalalay sa mabisang paglalahad ang pagiging

malinaw ng mga pahayag. Sa ating wika, may mga pananda o mga salitang ginagamit upang maging mabisa ang paglalahad ng mga pahayag o maging interaksyunal.

Naririto ang halimbawa ng mga salitang pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag.1. Kung nais nating ipakita ang pagkakasunud-sunod ng mga

pangyayari ayon sa panahon, maaari nating gamitin ang mga salitang:

una, pangalawa, pangatlo nang noon

pagkatapos sumunod

samantala

Page 43: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

2. Kung nais ipakita ang sanhi at bunga, gamitin ang sumusunod:

dahil ditobunga nito

resulta ng sa mga pangyayaring ito

kung gayonsamakatuwid

dulot nito sa gayon3.Kung nais ipakita ang paghahambing o kaibahan o kontradiksyon, maaaring gamitin ang mga salitang:

Sa halip na sa kabilang dako

Di tulad ng sa kabilang banda

Higit pa rito sa magkatulad na dahilan4. Kung nais ay ang pagdaragdag ng impormasyon, maaaring gamitin ang mga salitang:

kabilang dito at sakaBukod dito

karagdagan dito

Page 44: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

5. Kung nais magbigay ng diin, maaaring gamitin ang sumusunod:

Sa madaling salita sa totoo langHigit sa lahat tunay na

6. Kung nais magbigay ng mga halimbawa at paliwanag, ang sumusunod ay maaaring gamitin:

halimbawa nito dagdag pa rito

bilang karagdagan kabilang dito ang sumusunod

Page 45: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Mabisang gamit din sa malinaw na paglalahad ang mga pangatnig. May dalawang pangkat ang mga pangatnig.1. Pangatnig na nag-uugnay ng magkatimbang na

salita, parirala o sugnay na makatatayong mag-isa, tulad ng:

At ngunit ni datapwat

Saka pero maging at iba pa

O pati subalit2. Pangatnig na nag-uugnay sa mga parirala o sugnay na di makapag-iisa, tulad ng:

Kung kaya pag kapagDahil sa kung gayon palibhasa

sapagkatAt iba pa

Page 46: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Pagsasanay 1 Punan ng angkop na mga pananda sa mabisang

paglalahad ng pahayag ang talatang kasunod. Maraming epiko ang kumalat sa buong mundo. Bawat

bansa ay may 1. ________ epiko. Mababasa sa kasaysayan na ang 2. _________ epiko na naisulat ay ang Epiko ni Gilgamesh.

Sa Europe, 3. ________ ang kasaysayan ng epiko sa homer ng Greece 4. ________ 800 BC. 5.________ ang The Iliad and Odyssey. Ang mga kilalang manunulat ng epiko sa Europe ay sina Hesiod, Apollonius, Ovid, Lucan, at Statius.

Ang estilo ng pagsulat ng epiko ay dactylic hexameter. 6._________, hindi madali ang pagsulat nito. Ito’y karaniwang nagsisimula sa isang panalangin sa isang musa 7. ____________naglalaman ng masusing paglalarawan, mga pagtutulad at talumpati. 8.________ ang mahahalagang pangyayari sa

Page 47: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

kasaysayan tulad ng The Fall of Troy, The Foundation of Rome, The Fall of Man, at iba pa. Ang mga tauhan nito ay maharlika.

Sinasabing noong panahon ng Medieval, napakaraming epiko ang naisulat, 9__________ ito’y madalas basahin. Ang bawat bansa ay nakalikha ng kanilang dakilang manunulat ng epiko. Sa Italy, 10.__________ kay Virgil ay mayroon din silang Dante. Ang kilalang epiko ni dante ay ang The Divine Comedy. Ito’y naging inspirasyon ng maraming makata at pintor sa loob ng maraming dantaon, 11.________, si T.S. Eliot ay nagdala ng kopya nito sa bulsa ng kaniyang amerikana. Ang The Divine Comedy ay dinisenyuhan ni Gustave Dore noong ikalabinsiyam na siglo.

Page 48: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Isa sa mga epikong Espanyol ng Middle Ages ay ang El Cid o El Cantar Mio Cid na kuwento ng pagsakop sa Valencia ni Rodrigo Diaz de Vivar at sa French naman ay ang Chanson de Roland na kuwento ni Charlemagne at ang pag-atake sa kaniyang tropa ni Basques at Roncevaux noong 778. 12._______ ang dalawang epikong ito ay tungkol sa kabayanihan ng mga pangunahing tauhan sa pakikidigma.

13. _______, may dalawang epikong German naman ang nakilala sa buong mundo. Ito ay ang The Heliad, ikalabinsiyam na siglong bersyon ng Gospels sa Lumang saxon; at ang The Nibelungenlid. Ang 14. _______ ay kuwento ni Seigfried, Brunhild, Dietrich, Gunther, Hagen at Atila the hun, 15. ______ ganda ng pagkakasulat ng mga ito, ito ay nagbigay ng kakaibang impluwensiya sa literaturang German.

Page 49: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

PAGSASANAY 2

Basahin ang bahagi ng iskrip ng Chamber Theater sa pinamagatang “Bakit Babae ang Naghuhugas ng mga Pinggan?” Sumulat ng sariling iskrip ng maaaring susunod na pangyayari hanggang sa wakas. Sikaping gumamit ng mga pananda sa mabisang paglalahad.

Page 50: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

AngChamber Theateray may elemento ng dula at elementong salaysay. Ito ay isang dulang isinasalaysay. Tulad ng dula,

ito ay naitatanghal at may mga tauhang gumaganap. Ngunit ito ay nangangailangan pa ng isang tagapagsalaysay. Siya ay maaaring makilahok sa mga tauhang gumaganap. At ang mga tauhan ay nakikibahagi rin sa mga gawain ng tagapagsalaysay.

Sa dulang pasalaysay ay minimal lamang ang tauhan at ang paggamit ng stage props. Higit na hinahayaang ang manonood ang mag-isip at magpagalaw ng imahinasyon sa mga kilos na wari’y binubuksan ang pinto at bintana.

Narito ang bahagi ng iskrip ng “Bakit Babae ang Naghuhugas ng mga Pinggan?” na isang Chamber Theater. Pag-aralan mo at gawin ang kasunod na gawain.

Page 51: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

BAKIT BABAE ANG NAGHUHUGAS NG MGA PINGGAN? Filomena Colendrino

Isinaayos ni Jayzuz Cliefrod M. DionesioMuling isinaayos ni Joselyn Calibara- Sayson

LIGHTS ON(Nakatayo si Ka Ugong sa likuran ng mesa habang nakaupo naman si Ka Maldang sa kaliwang bahagi nito.)Tagapagsalaysay:

Sa bayan ng Sta. Rosa ay may nakatirang mag-asawa na nagngangalang Hugo at Imelda. Sa tuwing sila’y kakain ay palagi na lang nilang pinag-aawayan ang paghuhugas ng pinggan. Sa tuwing tatanggi si Hugo ay pagagalitan naman siya ni Imelda. Kung anu-anong pangalan ang itinatawag niya kay Hugo.

Page 52: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Kung mahuling sumasagot ay tutugisin naman ni Imelda ang pobreng si Hugo ng walis tingting. Kaagad namang tatakbo ang kaniyang asawa sa bahay ng kumpadre at doon magpapalipas ng galit ni Imelda. Nakasanayan nang tawagin ng mga kapitbahay ang bugnuting si Imelda ng….Ka Maldang: Ka Maldang!Tagapagsalaysay: At ang pobreng si Hugo ng _________Ka Ugong: Ka Ugong.Tagapagsalaysay: Isang araw,patapos na silang kumain, matigas na sinabi ni ka Ugong na ….Ka Ugong: Hindi na ako maghuhugas ng mga pinggan!Ka Maldang: At sino?!

Page 53: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Ka Ugong: Huwag mong sabihing

ako? Aba! Buong umaga na nga akong nag-aararo sa bukid tapos ako pa ang maghuhugas ng pinggan, hindi na ako maghuhugas ng kahit isang pinggan.

Tagapagsalaysay:Tumayo si Ka Maldang, namaywang at hinarap si Ka ugong habang natatakot sa dulo ng mesa.

Page 54: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Ka Ugong: Ikaw (Mahina niyang sagot). Ikaw ang babae. Ikaw ang dapat matrabaho sa bahay.Ka Maldang: Sige nga!!Anong gagawin mo?! Matapos mong itali iyang kalabaw mo sa bukid ay mahihiga ka na lamang, mahirap ba iyon?! Tagapagsalaysay:Malungkot na parang naglalambing namang sasabihin ni Ka Maldang.Ka Maldang:Ako na nga ang nagluluto, naglilinis ng bahay, naglalaba ng mga damit, pati pagbubunot ng sahig, ultimo pag-aayos ng kisame ako ang gumagawa. Lahat ng trabaho ng alila, inaako ko na.

Page 55: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Tagapagsalaysay:Mangingilid ang luha sabay sigaw kay Ka Ugong.Ka Maldang:Tapos ngayon, ayaw mo pang maghugas ng mga pinggan!!Tagapagsalaysay:Tinitigan si Ka Ugong at ang kanyang walis, kinuha ang walis, at akmang hahabulin si Ka Ugong.Ka Maldang: Ikaw! Tamad!Ka Ugong: Alam mo, huwag na nating pag-awayan pa ang paghuhugas ng pinggan. Daanin na lang natin sa isang paligsahan. Bawal magsalita pagkatapos kong sabihin ang salitang umpisa, at ang matatalo ay siyang laging maghuhugas ng mga pinggan.Ka Maldang: Iyon lang? Ang matatalo ay ang siyang maghuhugas ng mga pinggan ha? Kasama ng mga palayok at kawali?

Page 56: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Ka Ugong: (Sumuot si Ka Ugong sa ilalim ng mesa) Teka! Teka! Huwag mo akong paluin! May naisip na akong paraan na lulutas sa problema natin!Ka Maldang: Sige! labas d’yan! Sabihin mo ngayon kung anong paraan ‘yang sinasabi mo! (Itinago ni Ka Maldang ang walis)Tagapagsalaysay:Umupo si Ka Ugong sa tapat ni Ka Maldang.Ka Maldang: O, ano?

Page 57: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Ka Ugong: oo! Kapag nagsalita ka sa akin o kahit ano man, ikaw ang palaging maghuhugas ng mga pinggan.Ka Maldang: Napakadali niyan!Sus!  Kaya kong isara ang bibig ko kahit isang buwan. Ikaw? Kahit kalabaw kinakausap mo.Ka Ugong : Handa ka na ba?BLACKOUT(Dance: Di Bale na Lang by Gary V.)(sing/ dance: Season of Love by RENT)Entire Cast:CURTAINMay-akda: Filomena ColendrinoIsinaayos ni Jayzuz Cliefrod M. Dionesio

Page 58: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

LIGHTS ONKa Ugong: (Nakaharap sa mga manonood) Umpisa!Tagapagsalaysay: Binatukan ni Ka Maldang si Ka UgongKa Ugong: joke  lang!(Umupo sila ng tuwid)Ka Ugong: Umpisa!Tagapagsalaysay:At sila nga ay tumahik. Sila’y nagtitigan hanggang sa lumubog ang araw at nang may biglang tumawag na kapitbahay)Kapitbahay: ( Voice over) Mareng Maldang! Kumare!Tagapagsalaysay:Hindi sumasagot si Ka Maldang

Page 59: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Kapitbahay: (voice over) Pareng Ugong! Kumpare! Mareng Maldang, pahiramin mo ako ng plantsa. Siguro’y walang tao rito. Kukunin ko na lang ang plantsa tsaka ko na isusuli. SFX: footstep (Papasok sa stage, mabilis na lumapit sa mag-asawa na parang estatuwa) Ano bang nangyayari sa inyo? Kumpare?(Hindi gumalaw si Ka Ugong)Kapitbahay: Anong nangyari sa inyo? (Niyugyog ang balikat ni Ka Ugong at lumapit naman kay Ka Maldang) Magsalita ka kumare. Anong nangyari? (Niyugyog din niya ang balikat ni Ka Maldang)

Page 60: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

(Itinulak ni Ka Maldang ang kapitbahay)Kapitbahay: Ano bang nakain niyo? (Niyugyog ang balikat ng dalawa)SFX: Scary sound Tagapagsalaysay:Natakot ang kapitbahay, lumabas ng stage at tinawag ang iba pa nilang mga kapitbahay.Sinubukan ng mga kapitbahay na pagsalitain ang mag-asawa, binalaan ni Ka Maldang si Ka Ugong at bigla itong pumikit, nagagalit si Ka Maldang at matapos ay nagtulug-tulugan ito, nataranta ang kanilang kumare at sumundo ng albularyo)Albularyo: (Pumasok ng stage) Sila’y kinukulam! (Naglatag ng banig) Kayong dalawa ay mahiga rito.Tagapagsalaysay:Nahiga si Ka Ugong at natulog pero si Ka Maldang ay hindi aalis sa pagkakaupo.Albularyo: Aha! Ang espirito na nasa loob niya ay matigas ang ulo!

Page 61: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Kailangang malabanan ito!Tagapagsalaysay:Naglabas ang albularyo ng 9 na dahon ng atis, isang bunga ng areka sa kanyang bayong at kaunting apog sa isang maliit na boteAlbularyo: Ito ang espiritung nawawala sa mag-asawa! Tagapagsalaysay:Isinubo ang nganga at nang manguya ay binuga sa kanyang palad at minarkahan ng krus ang noo ni Ka Ugong.Humarap ang albularyo kay Ka Maldang at akmang mamarkahan ng krus ang noo nito ngunit hinila ni Ka Maldang ang hintuturo nito at pinilipit.Albularyo: Aray ko!!!Tagapagsalaysay: Bumalik naman ang albularyo kay Ka Ugong at paulit ulit sinasabi ang…Tagapagsalaysay: Magbalik ka Ugong! Magbalik ka!

Page 62: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

BLACKOUT(Dance: The man who can’t move on by the script)LIGHTS ONTagapagsalaysay:Humarap muli ang albularyo kay Ka Maldang at at ganoon din ang kanyang ginawaAlbularyo: Magbalik ka Maldang! Magbalik ka!Tagapagsalaysay:Takot na takot ang mga kapitbahayAlbularyo: Mahirap ang kalagayang ito, maaaring malipat ang sumpang ito sa ating mga ka-nayon. (tuloy sa gingawa) sa tagal ko ng pagiging albularyo ay ngayon lang ako nakakita ng ganitong uri ng kulam. Tingin ko ay sila’y patay na. Ang magagawa na lang natin ay pigilan ang pagkalat ng sumpa. Kumuha na kayo ng ataul! Tagapagsalaysay:Humahagulhol ang mga babaeng kapitbahay

Page 63: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

(Sumandal si Ka Maldang at ipinikit ang mga mata) Tagapagsalaysay:Kinuha ni Ka Maldang ang kanyang walis at inihataw sa ulo ni Ka Ugong at pagkatapos ay tumakbo si Ka Ugong sa mga manonood habang paulit ulit na isinisigaw ang…Ka Ugong: Nanalo ako! Nanalo ako!BLACKOUT(dance: Di Bale na Lang by Gary V.)(sing/dance: Season of Love by RENT)Entire Cast: CURTAIN!!!May-akda: Filomena ColendrinoIsinaayos ni: Jayzus Clieford M. DionisioMay-akda: Filomena ColendrinoIsinaayos ni: Jayzus Clieford M. Dionisio

Page 64: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

PAGSASANAY 3Ang “Tuwaang” ay isang epiko ng mga Manobo na

ginagawa ring libangan tuwing may libing, kasal at ritwal ng pagpapasalamat para sa saganang ani, o sa isang matagumpay na pangangaso. Sa bawat awit ng epikong Tuwaang ay ipinakilala ang mang-aawit gamit ang isang tula na tinatawag ng mga Manobo na tabbayanon, na mayroong dalawang bahagi: ang tabbayanon na nagdudulot ng interes at kadalasang naghahayag ng pag-ibig at pangarap ng mang-aawit at ang bantangon, na nagpapabatid ng simula ng pag-awit. May higit sa 50 na mga kanta ng Tuwaang, ngunit hanggang ngayon dalawang kanta pa lamang ang nailalathala.

Page 65: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Nakarating si Tuwaang at ang Gungutan sa kasal. Dumating ang Binata ng Panayangan, na nakaupo sa gintong trono, ang Binata ng Liwanon, ang Binata ng Pagsikat ng Araw, at ang Binata ng Sakadna, ang ikakasal na lalaki, at kaniyang 100 pang tagsunod. Nakiusap ang Binata ng Sakadna na linisin ang mga kalat sa kasal (o mga hindi imbitado/kailangang bisita)ngunit sinagot naman siya ni Tuwaang na may pulang dahon (mga bayani) sa okasyon.

Page 66: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Nagsimula ang mga unang seremonya ng Kasal. Binayaran ng mga kamag-anak ang mga savakan (mga bagay para sa babaing ikakasal at mga nakabalot na pagkain na inaalay ng mga kamag-anak ng lalaking ikakasal) ng babaing ikakasal, hanggang may naiwang dalawang hindi mabayaran. Umamin ang Binata ng Sakadna na hindi na niya kayang bayaran ang dalawang bagay, pero tinulungan siya ni Tuwaang gamit ng paglikha ng isang sinaunang gong bilang kapalit sa unang bagay at gintong gitara at gintong bansi (o gintong plawta) sa pangalawang bagay.

Page 67: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Pagnilayan at Unawain1.May pagkakaiba ba o pagkakatulad ang epiko ni Gilgamesh sa

iba pang epikong iyong nabasa tulad ng “Tuwaang “. Patunayan.

2.Ang mga tauhan ba sa epiko ay nagtataglay ng supernatural na kapangyarihan? Magbigay ng mga patunay.

3.Paano nakatutulong ang mga pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag sa pagsulat ng iskrip ng Chamber Theater?

Ngayong nauunawaan mo na nang lubusan kung ano ang epiko at ang mga pananda sa mabisang paglalahad ng pahayag, ilipat mo naman sa isang kapaki-pakinabang na gawain ang iyong mga natutuhan.

Page 68: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Ilipat Bilang bahagi ng pagdiriwang ng “Pagtatangi sa mga Epiko ng Bansa,” naatasan ang inyong samahan ng Performing Arts of the Philippines na itanghal sa Chamber theater ang akdang “Tuwaang at ang Dalaga ng Buhong na Langit” upang magalak at maibigan ng mga piling panauhin ang inyong pagsasadula sa Cultural Center of the Philippines (CCP) kailangang alalahanin ang sumusunod na pamantayan:A. Iskrip (50 %) 1. Orihinal, hango sa epikong ibinigay, taglay ang lahat ng element ng iskrip ng Chamber Theater, angkop ang paglalapat ng tunog at musika………………….. 50%

Page 69: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

2. Orihinal, hango sa epikong ibinigay, kulang ng isang elemento ng iskrip ng Chamber Theater, angkop ang paglalapat ng tunog at musika …………………. 40%3. Hindi orihinal, hango sa epikong ibinigay, kulang ng dalawang elemento ng iskrip ng Chamber Theater, gumamit ng tunog at musika ngunit hindi naman angkop… 30%4. Hindi orihinal, hango sa epikong ibinigay, kulang ng dalawang elemento ng iskrip ng Chamber Theater, hindi nilapatan ng tunog at musika …………………...20%

Page 70: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

B. Pagganap (50%)1. Masining, malakas ang boses, nagampanan ang pagiging

tagapagsalaysay ng mga tauhan, angkop ang mga kasuotan, angkop ang mga kagamitan o “props”

…..50%2. Masining, hindi gaanong malakas ang boses, nagampanan ang

pagiging tagapagsalaysay ng mga tauhan, angkop ang mga kasuotan, angkop ang mga kagamitan o “props” ……40%

3. Masining, hindi gaanong malakas ang boses, may mga bahaging hindi nagampanan ang pagiging tagapagsalaysay ng mga tauhan, angkop ang mga kasuotan, angkop ang mga kagamitan o “props”

…….30%4. Masining, hindi gaanong malakas ang boses, may mga

bahaging hindi nagampanan ang pagiging tagapagsalaysay ng mga tauhan, hindi angkop ang mga kasuotan, kulang ang mga kagamitan o “props”

…….20%

100%

Page 71: " Epiko ni Gilgamesh" powerpoint presentation ng aralin

Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang mga gawain sa araling ito. Kung may mga bahagi ng aralin na hindi pa rin malinaw sa iyo, maaari mo itong balikan. Magtanong ka rin sa iyong guro upang lalo mo itong maunawaan. Kung ang lahat ay malinaw na sa iyo, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na aralin.

Gng. Jenita D. Guinoo

Gr.10-Guro