56
Kasaysyan ng Daigdig

1. heograpiya ng daigdig

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: 1. heograpiya ng daigdig

Kasaysyan ng Daigdig

Page 2: 1. heograpiya ng daigdig

Heograpiya ng Daigdig

Page 3: 1. heograpiya ng daigdig

Ang Konsepto ng HeograpiyaAno ang Heograpiya?

- nagmula sa salitang Greek na “geographia”na nangangahulugang paglalarawan ng daigidig.

- siyentipikong pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig

- tinatalakay dito ang distribusyon at interaksyon ng samo’t saring pisikal, biolohikal, at kultural na katangian ng mga bagay sa ibabaw ng daigdig.

Page 4: 1. heograpiya ng daigdig

Tawag sa mga nagpapakadalubhasa sa pag-aaral ng heograpiya.

Sumusuri ng pagbabago sa daigdig at ang kaugnayan at interaksyon nito sa mga taong naninirahan dito.

Ano ang Heograpo?

Page 5: 1. heograpiya ng daigdig

Kaugnayan ng Heograpiya sa iba pang Asignatura

Kasaysayan

Ekonomiks

Agham Pampolitika

Sosyolohiya

Page 6: 1. heograpiya ng daigdig

Nakaapekto ang heograpikal ng kalagayan sa kung paano naganap ang mga pangyayari sa kasaysayan.

Halimbawa:- Dahil sa malamig na klima kung kaya

nalagas ang hukbong French ni Napoleon Bonaparte at bigong masakop ang Russia noong 1812.

Kasaysayan

Asignatura

Page 7: 1. heograpiya ng daigdig

Ang pagtakda ng hangganang politikal ng isang bansa ay saklaw ng heograpiya.

Halimbawa:- Sa naganap na armistice sa Korean War

noong 1953 ay nahati sa pamamagitan ng 38th parallel ang Korean peninsula sa dalawang politikal na yunit – ang North Korea at ang South Korea.

Agham Pampolitikal

Asignatura

Page 8: 1. heograpiya ng daigdig

Ang pagbuo at pag-unlad ng mga pamayanan ay nakasalalay rin sa lagay ng kapaligiran nito.

Halimbawa:- Ang pagiging kapuluan ng Pilipinas ay isang

salik sa pagkakaroon nito ng iba’t-ibang pangkat etnolingguwistiko na may iba’t-ibang kaugalian at tradisyon.

Sosyolohika

Asignatura

Page 9: 1. heograpiya ng daigdig

Mahalagang salik ang likas na yaman, vegetation, klima, at topograpiya ng isang teritoryo sa kabuhayan ng mga naninirahan dito.

Halimbawa:- Ang lokasyon ng Constantinople sa pagitan

ng mga rutang pangkalakalan ng Europe at Asya ay salik sa pag-unlad ng Imperyong Byzantine.

Ekonomiks

Limang Tema

Page 10: 1. heograpiya ng daigdig

Limang Tema sa Pag-aaral ng Heograpiya

Lokasyon

PaggalawInteraksyon ng Tao at Kapaligiran

RehiyonLugar

Page 11: 1. heograpiya ng daigdig

Sumasagot sa tanong na “Nasaan ito?”

Gamit sa pagtukoy ng kinaroroonan at distribusyon ng tao at lugar sa daigdig.

Lokasyon

Page 12: 1. heograpiya ng daigdig

Tiyak na Lokasyon- Eksaktong kinaroroonan ng tao o lugar ay

natutukoy sa pamamagitan ng paglandas ng line of latitude at line of longitude.

Sistemang Grid- Sistema ng pagtukoy ng lokasyon batay sa

pinagkrus na line of latitude at line of longitude.

Dalawang paraan upang matukoy ang kinaroroonan sa daigdig

Page 13: 1. heograpiya ng daigdig

Relatibong Lokasyon- Ginagamit sa pagtukoy ng kinaroroonan ng

isang tao o lugar sa pamamagitan ng mga nakapaligid dito.

Limang Tema

Page 14: 1. heograpiya ng daigdig

Sumasagot sa tanong na “Anong mayroon dito?”

Nagsasaalang-alang sa pisikal at kultural na katangian ng isang lugar na kaiba sa iba pang lugar sa daigdig.

Lugar

Page 15: 1. heograpiya ng daigdig

Pisikal na katangian- Tumutukoy sa likas na kapaligiran ng isang

lugar tulad ng kalupaan, katubigan, vegatation, klima, at likas na yaman.

Katangiang Pantao- May kinalaman sa idea, gawi at kultura ng

tao, tulad ng kabuhayan.

Dalawang Aspekto ng Lugar

Limang Tema

Page 16: 1. heograpiya ng daigdig

Sumasagot sa tanong na “Paano nagkakaiba o nagkakatulad ang mga lugar?”

Tumutukoy sa isang bahagi ng daigdig na may magkakatulad na katangian.

Ang bawat rehiyon ay pinagbubuklod ng higit sa isang pagkakatulad sa aspektong pisikal, politikal, ekonomiko, at kultural.

Rehiyon

Limang Tema

Page 17: 1. heograpiya ng daigdig

Sumasagot sa tanong na “Ano ang ugnayan ng tao sa kaniyang kapaligiran?”

Gamit ito sa pagtalakay o pag-aaral kung paano umaasa sa, nililinang ang, at umaangkop sa kapaligiran ang tao.

Intekraksyon ng Tao at Kapaligiran

Limang Tema

Page 18: 1. heograpiya ng daigdig

Sumasagot sa tanong na “Bakit at paano nagkaugnay ang mga lugar sa isa’t-isa?”

Tinatalakay kung paano ang paglipat ng kinaroroonan ng tao, ideya, bagay, at iba pang sistemang pisikal tulad ng hangin ay nakaaapekto sa ugnayan ng mga tao sa magkakaibang lugar.

Paggalaw

Page 19: 1. heograpiya ng daigdig

Distansiyang Linear - Sumasagot sa tanong na “Gaano kalayo?”

Distansya sa Oras- Sumasagot sa tanong na “Gaano katagal

ang paglalakbay?”

Distansyang Sikolohikal- Tumutukoy sa pananaw ng tao tungkol sa

distansya

Tatlong Uri ng Distansya

Page 20: 1. heograpiya ng daigdig

Heograpiyang Pisikal- Ang sangay na nakatuon sa pag-aaral ng

iba’t-ibang katangian at proseso ng pisikal na daigdig tulad ng paggalaw ng hangin at tubig.

- Karaniwang nagdidikta kung malilimitahan o mapauunlad ng tao ang kaniyang pamumuhay.

Mga Sangay ng Heograpiya

Page 21: 1. heograpiya ng daigdig

Heograpiyang Pantao- Sangay ng heograpiya na nakatuon sa pag-

aaral kung paano namumuhay ang tao sa kaniyang pisikal at kultural na kapaligiran.

- Saklaw nito ang pag-aaral sa wika, relihiyon, ekonomiya, pamahalaan, at iba pang aspekto tulad ng distribusyon ng populasyon at kalunsuran.

Page 22: 1. heograpiya ng daigdig

Daigdig- Matatagpuan sa Solar System

- Ikatlo sa walong planeta mula sa araw

- Mayroon itong natural satellite, ang buwan.

Ang Pisikal na Daigdig

Page 23: 1. heograpiya ng daigdig

Diyametro 12, 756 kilometro (km)

Tinatayang layo mula sa araw 149.6 milyong (km)

Tagal ng pag-ikot sa axis 23 oras, 56 minuto at apat na segundo

Tagal ng pag-ikot sa araw 365.26 na araw

Temperatura sa ibabaw ng daigdig 70 hanggang 55 degree celsius

Ilang Datos Tungkol sa Daigdig

Page 24: 1. heograpiya ng daigdig

Estruktura ng Daigdig

Page 25: 1. heograpiya ng daigdig

Crust- Pinakamanipis at pinakalabas na bahagi ng

daigdig may tatlo hanggang 60 km ang kapal. Binubuo ito ng lahat ng kalupaan at ocean basin.

Mantle- Makapal at mainit na layer ng semi-solid na

bato may 2900 km ang kapal.

Tatlong Pangunahing Bahagi ng Daigdig

Page 26: 1. heograpiya ng daigdig

Core- May dalawang bahagi:

- Outer Core > 2200 km ang kapal at binubuo ng tunaw na bato

- Inner Core > solido at may kapal na 1250 km.

Page 27: 1. heograpiya ng daigdig

Naglalakihang tipak ng batong bumubuo sa crust ng daigdig.

Sa paggalaw nito, nagkakaroon ng paglindol, pagputok ng bulkan, at pagbuo ng mga kabundukan – daan upang magbago ang anyo ng ga kalupaan at katubigan sa daigdig.

Tectonic Plate

Page 28: 1. heograpiya ng daigdig

Karagatan Kabuuang Sukat(sa kilometro kuwadrado)

Pacific Ocean 155 557 000

Atlantic Ocean 76 762 000

Indian Ocean 68 556 000

Southern Ocean 20 327 000

Arctic Ocean 14 056 000

Mga Karagatan sa Daigdig

Page 29: 1. heograpiya ng daigdig

Kontinente- Ang pinakamalaking masa ng lupa sa

ibabaw ng daigdig

- Karaniwang naliligiran ng malalaking anyong tubig

Mga Kontinente ng Daigdig

Page 30: 1. heograpiya ng daigdig

Pitong Tradisyunal na Kontinente ng Daigdig

Asya

AustraliaEuropeAntartica

SouthAmerica

NorthAmericaAfrica

Page 31: 1. heograpiya ng daigdig

Matatagpuan sa hilagang bahagi ng Asya ang pinakamalalamig na lugar sa daigdig.

Nasa kanlurang bahagi naman nito ang pinakamainit na rehiyon.

Ang timog-silangang bahagi ng kontinente ay may mainit at basang panahon.

Asya

Mga Kontinente

Page 32: 1. heograpiya ng daigdig

Malaking bahagi ng hilagang Africa ay binubuo ng mga disyerto.

Ang timog na bahagi nito ay may klimang disyerto, steppe, tropical savanna, at tropical rainforest.

Africa

Mga Kontinente

Page 33: 1. heograpiya ng daigdig

Nakakaranas ng malamig na klima ang North America partikular sa Alaska at Greenland

Mainit na disyerto sa timog-kanlurang bahagi nito.

Klimang tropikal sa timog-silangang kontinente, gitnang America, at Caribbean.

North America

Mga Kontinente

Page 34: 1. heograpiya ng daigdig

Mayroong klimang tropikal ang malaking bahagi nito partikular sa Amazon Basin.

Ang Columbia, Venezuela, Brazil, Bolivia, at Paraguay ay may klimang tropical savanna.

May klimang steppe at highland naman ang kanlurang bahagi nito tulad ng Andes.

South America

Mga Kontinente

Page 35: 1. heograpiya ng daigdig

Ang pinakamalamig at pinakama-yelong rehiyon sa daigdig.

Itinuturing na disyerto ang Antartica sapagkat 0.20 metro lamang ng karaniwang ulan nito sa buong taon.

Antartica

Mga Kontinente

Page 36: 1. heograpiya ng daigdig

Mayroon klimang marine coast, katamtamang temperatura tuwing tag-init at taglamig ang hilagang-kanlurang bahagi nito.

Malaking bahagi ng timog Europe ay may klimang Mediterranean.

Europe

Mga Kontinente

Page 37: 1. heograpiya ng daigdig

Mainit at karaniwang tagtuyot ang panahon sa gitnang bahagi nito.

Mas malamig at mas basa ang panahon sa mga baybaying lugar dito.

Australia

Page 38: 1. heograpiya ng daigdig

Ayon sa siyentistang German na si Alfred Wegener

Ang kontinente ng daigdig ay dating magkakadikit at bumuo sa supercontinent na tinatawag na Pangaea

Continental Drift Theory

Page 39: 1. heograpiya ng daigdig

Tawag sa pisikal na katangian ng isang lugar o rehiyon.

Topograpiya

Page 40: 1. heograpiya ng daigdig

Everest sa Nepal at China- Sa taas na 8850 metro, ito ang

pinakamataas na bundok sa daigdig.

Mga Halimbawa ng Anyong Lupa

Page 41: 1. heograpiya ng daigdig

Andes sa South America- Sa habang 8900 km, ito ang

pinakamahabang hanay ng mga bundok sa daigdig.

Page 42: 1. heograpiya ng daigdig

Tambora sa Indonesia- Itinuturing na pinakamapinsalang bulkan sa

daigdig. May 92,000 buhay ang nasawi sa pagsabog nito noong 1815.

Page 43: 1. heograpiya ng daigdig

Sahara sa Africa- Ang pinakamalawak at pinakatuyong

disyerto sa daigdig na may lawak na 8, 600, 000 km2.

Page 44: 1. heograpiya ng daigdig

Nile sa Africa- Sa habang 6695 km, ito ang

pinakamahabang ilog sa daigdig.

Mga Halimbawa ng Anyong Tubig

Page 45: 1. heograpiya ng daigdig

Caspian Sea sa Asya-Europe- Sa sukat na 311,000 km2, ito ang

pinakamalawak na lawa sa daigdig.

Page 46: 1. heograpiya ng daigdig

Angel Falls sa Venezuela- Sa taas na 979 metro, ito ang pinakamataas

na talon sa daigdig.

Page 47: 1. heograpiya ng daigdig

Wika- Mahigit 6800 na wika ang ginagamit ng tao

sa kasalukuyan

- Sa taong 2100, may sangkatlo ng mga wikang ito ang inaasahang maglalaho.

- Ang kolonyalismong Kanluranin mula ika-15 hanggang ika-20 siglo ang dahilan sa paglalaganap ng mga wikang Europeo.

Heograpiyang Pantao ng Daigdig

Page 48: 1. heograpiya ng daigdig

Ang Mandarin, English, Spanish, Hindi, at Arabic ang mga wikang may pinakamaraming gumagamit.

Page 49: 1. heograpiya ng daigdig

Halos 83% ng populasyon sa daigdig ang kasapi ng isang relihiyon.

May 20 relihiyon sa daigdig na mahigit sa isang milyon ang kasapi.

May apat na pangunahing relihiyon sa daigdig batay sa bilang ng mga kasapi nito: Kristiyanismo, Islam, Hinduism, at Buddism.

Relihiyon

Page 50: 1. heograpiya ng daigdig

Nakabatay ang pangkalahatang pangdaigdigang ekonomiya sa prinsipyong free market capitalism kung saan ang pagpapasya sa presyo, produksyon, at distribusyon ng mga produkto at serbisyo ay batay sa malayang kompetisyon sa pamilihan.

May ilang bansa tulad ng North Korea, Cuba, at Laos na ang ekonomiya ay tuwirang pinangangasiwaan ng estado.

Ekonomiya

Page 51: 1. heograpiya ng daigdig

Mula sa 80 bansa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa kasalukuyan ay may 200 malalayang estado na sa daigdig. Ang pagbabagong pampolitikang ito ay dulot ng paglisan ng mga imperyalistang Kanluranin sa mga teritoryong sinakop at ang pagbagsak ng Soviet Union noong 1991.

Pamahalaan

Page 52: 1. heograpiya ng daigdig

Ayon sa mga Hindu, paulit-ulit na nilikha ang daigdig ng diyos na si Brahma at pinananatili naman ng diyos na sa Vishnu.

Ayon sa Qur’an, nilikha ng diyos na si Allah ang langit at lupa sa loob ng anim na araw.

Ayon sa bibliya, sa Genesis, nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay sa daigdig, kabilang ang tao sa loob ng anim na araw.

Pinagmulan ng Daigdig

Page 53: 1. heograpiya ng daigdig

Teorya Deskripsyon

Planetisimal Theory ni Viktor Safronov

ng RussiaNagmula ang planeta mula sa pinagsama-

samang alikabok sa kalawakan

Nebular Hypothesis nina Immanuel

Kant ng Germany at Pierre Laplace

ng France

Nagmula ang mga planeta mula sa nebula, o malaking ulap ng gas at alikabok na gumuho

bunsod ng nagtunggaliang puwersa ng gravity at gas

Solar Disruption Theory

Nagmula ang mga planeta sa debris ng nagbanggaang araw at isa pang mga bituin

Big Bang Theory nina Georges Lemaitre ng

Belgium at Edwin Hubble ng US

Nagmula sa kalawakan at lahat ng bagay sa sandaigdigan sa singularity, o isang siksik at mainit na espasyong may walang hanggang

kakapalan, na sa kalaunan ay lumawak, lumamig, at naging manipis.

Mga Siyentipikong Paliwanag Tungkol sa Pinagmulan ng Daigdig

Page 54: 1. heograpiya ng daigdig

Tukuyin ang inilalarawan sa bawat bilang.1. Bahagi ng daigdig na may magkakatulad

na katangian.2. Siyentistang bumuo ng Continental Drift

Theory.3. Pinakamalaking masa ng lupa sa ibabaw

ng daigdig.4. Ikatlong planeta mula sa araw.5. Pinakaibabaw na bahagi ng daigdig.

ISIP, HAMUNIN

Page 55: 1. heograpiya ng daigdig

6. Pangalawang pinakamalaking kontinente sa daigdig.

7. Karagatang nasa kanluran ng North America sa South America.

8. Pinakatanyag na paliwanag tungkol sa pinagmulan ng daigdig.

9. Pinakamalaking kontinente sa daigdig.10. Diyos na lumikha ng daigdig ayon sa mga

Hindu.11. Tema ng heogarapiya na sumasagot sa

tanong na “Ano ang ugnayan ng tao sa kaniyang kapaligiran?”

Page 56: 1. heograpiya ng daigdig

12. Tema ng heograpiya na sumasagot sa tanong na “Paano nagkakaiba o nagkakatulad ang mga lugar?”

13. Pinakadulong timog na kontinente.14. Kontinente sa hilaga ng Africa.15. Pinakamahabang hanay ng mga bundok.16. Pinakamataas na bundok.17. Binubuo ng makapal at mainit na tunaw

na bato.18. Pinakaloob ng bahagi ng daigdig.19. Pinakamahabang ilog.20. Pinakamalaking lawa.