Abegail E. Ancheta

  • View
    256

  • Download
    6

Embed Size (px)

DESCRIPTION

This is my presentation about FILIPINO 113

Text of Abegail E. Ancheta

  • 1. PANANAW SA WIKANG FILIPINO Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansa bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng panghihiram sa mga wika ng Pilipinas at mga di katutubong wika at sa ebolusyon ng iba't ibang varayti ng wika para sa iba't ibang saligang sosyal at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag. (KWF RESOLUSYON BLG. 96-1, AGOSTO 26, 1996)

2. ANG KURIKULUM SA EDUKASYONG ELEMENTARYA Ang katangian ng progresibong kurikulum ng Filipino sa pagtatalakay ni Dr. Ross I. Alonzo ng U.P Diliman. a. nararapat na may integrasyon b. nagsisilbing gabay lamang ang guro sa karanasan ng pagkatuto c. aktibo ang papel ng mga mag-aaral d. may partisipasyon ang mag-aaral sa pagpaplano ng kurikulum. e. pagkatuto sa pamamagitan ng teknik na pagtuklas 3. f. pinalalalim ang intrinsikong pagganyak g. pantay na binibigyang-diin ang panlipunang pakikibahagi at akademikong pagkatuto h. ang tuon ay nasa kooperasyon ng pangkat at masining na pagpapahayag i. pagtuturo maging sa labas ng klasrum j. pagsusulit kung kinakailangan (di-tradisyonal at iba't ibang pagtataya) 4. INTEGRATIBO Ang paksang aralin sa Filipino ay naiuuganay sa iba pang mga disiplina at sa tunay na buhay. Nakapaloob din dito ang pagkatutong nakatuon sa mag-aaral at ang integrasyon ng apat na kasanayan. Ang mga estratehiyang partisipatib, fasilitatib, at konsultatib ay mga katangian ng pag-aaral na integratibo. Dito, ang guro ay tagapagpadaloy lamang ng pagkatuto samantalang tagagawa ang mga mag-aaral. 5. Ang guro ay tagagawa lamang ng iskrip ng pagkatuto, konsultant , tagagabay, tagakumpas, subalit sa kabuuan ng pag-aaral ng isang aralin, ang mag-aaral ang sentro at bida. Siya ay aktibong tagapagsalita, nakikinig, bumabasa at sumusulat kung kinakailangan. Ginagamit ng mag-aaral ang wika sa matalino, mapanuri at malikhaing paraan. Nagiging makabuluhan at kawili-wili ang pag-aaral at pagkatuto sapagkat aktibong gumagana ang kanilang pandama at pag-iisip. 6. INTERAKTIBO Makikita ang prisipyong ito kung ang klasrum ng Filipino ay nagbibigay daan sa mga mag-aaral upang sila mismo ang magtalakay ng mga paksa at nagbabahaginan ng maraming kaalaman na umiikot dito. Mahalaga ang interaksyon sa pagtuturo at pagkatuto ng wika. Hindi lamang pagpapahayag ng sariling ideya ang mahalaga kundi ang pag-unawa ng mensaheng ipinahahayag ng iba pang kasangkot sa interaksyon. Si Wells (1987), ang nagsabing, ang interaksyon sa klase ay kinapapalooban ng tatsulok na ugnayan ng tagahatid ng mensahe, tagatanggap nito at ng konteksto ng sitwasyon, pasulat man o pasalita. 7. KOLABORATIB Sa prinsipyong ito natutuhan ng mga mag-aaral ang paggalang sa kakayahan at opinyon ng iba. Natututo rin silang magtulungan, magbahaginan ng mga kaalaman, at natututong tumulong sa mga kamag-aral sa oras ng pangangailangan. Sa klasrum, nagakakaisa at nagtutulungan ang guro at mga mag-aaral upang matamo ang itinakdang gawain. Layunin nitong mabawasan ang kompetisyon at maragdagan ang kooperasyon ng mga mag-aaral. 8. Dito, nahuhubog ang magagandang pag-uugali at pakikipagkapwa ng mga mag-aaral, napatataas ang kanilang pagpapahalaga at pagtingin sa kanilang sariling kakayahan, napatataas ang pagsulong sa pagkatuto, nalilinang ang matalino at mapanuring pag-iisip, nagkakaroon ng positibong pag-uugali sa pag- aaral at mataas na motibasyon, at higit sa lahat, napalalalim ang mabuting relasyon ng guro at mag-aaral, at ng mag-aaral sa kapwa mag- aaral. 9. Pagkikintal ng mga pagpapahalagang ispiritwa, pagiging makabayan at ang pagpapaunlad ng pagiging mabuting Pilipino batay sa matibay na pananalig sa Diyos at matapat na pagmamahal sa bayan. Pagsasanay sa mga karapatan, tungkulin at responsibilidad ng mga kabataan sa demokratikong lipunan para sa aktibong pakikilahok sa isang progresibo at produktibong buhay sa tahanan at lipunan. 10. Pagpapaunlad sa mga batayang pagkaunawa tungkol sa kulturang pilipino, ang kanais-nais na tradisyon at kabutihan ng mga tao na mahalagang kailanganin sa pagtatamo ng pambansang kamalayan at pagkakaisa. Pagtuturo ng mga batayang kaalaman tungkol sa kalusugan at ang pagbubuo ng mga kasiya-siyang gawi at kasanayang pangkalusugan. Pagpapaunlad ng kaalaman sa Filipino at Ingles bilang pangunahing kasangkapan sa pagpapalawak ng pagkatuto. 11. MGA INAASAHANG BUNGA MITHIIN: nagagamit ang Filipino sa mabisang pakikipagtalastasan pasalita o pasulat; nagpapamalas ng kahusayan sa pagsasaayos ng iba't ibang impormasyon at mensaheng narinig at nabasa para sa pakinabangang pansarilu at pangkapwa at sa patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na pagbabagong naganap sa daigdig. 12. UNANG BAITANG Inaasahang nakabibigkas, nakababasa ang mag-aaral ng mga alpabeto at mga simpleng salita nang may wastong tunog; nakagagamit ng magagalang na pagbati sa pang-araw-araw na pag-uusap, naisusulat ang sariling pangalan at nakasusulat ng mga payak na pangungusap. 13. IKALAWANG BAITANG Nakapagsasabi ang mag- aaral ng pangunahing diwa ng napakinggan; nakapaglalarawan ng mga tao, bagay, pook, nakakabasa nang mat wasto ng paglilipon ng mga salita at nakasusulat ng kabit- kabit na mga tiitik na gumagamit ng wastong bantas. 14. IKATLONG BAITANG Nakapagsasalaysay ang mag-aaral ng buod ng napakinggan o nabasa; naibibigay ang sariling palagay tungkol sa isyung pinag- uusapan; nakababasa at naipapaliwanag ang kahulugan ng mga salita; natutukoy ang pagkakaiba ng opinyon at katotohanan; nakababasa nang may pag-unawa at naisusulat ang mga idinikatang iba't ibang anyo ng teksto. 15. IKAAPAT NA BAITANG Nakapagpapahayag ang mga mag-aaral ng sariling ideya at kaisipan tungkol sa mga narinig; nakapagbibigay din ng reaksyon at nakakalahok sa iba't ibang talakayan; nakagagamit ng matalinhagang salita at mga ekspersyong tuwiran at di-tuwiran; natutukoy ang mga pangyayaring nag-uugnay sa sanhi at bunga ng mga pangyayari at nakapagsusunud- sunod ang mga ideya at sitwasyon; nakilala ang iba't ibang babasahin at nakasulat ng maikling komposisyon. 16. IKALIMANG BAITANG Nakapagbubuod ang mag-aaral ng nabasa aat napakinggan; nakabubuo ng iba't ibang pangungusap; nakagagamit ng iba't ibang sanggunian sa paghahanap ng impormasyon at nakasusulat na ng iba't ibang pahayag at sulatin na may 15-20 pangungusap. 17. IKAANIM NA BAITANG Nakapag-aayos ang mag-aaral ng napakingganf teksto at nailipat ang impormasyon tungo sa iba pang anyo ng pagpapahayag; nagagamit ang iba't ibang pangungusap sa pagpapaliwanag; nakapagbibigay solusyon sa mga suliranin batay sa karanasan at mga natutunang kaalaman sa anumang sitwasyon at nakasusulat na ng ilang uri ng salaysay o dayalogo sa tulong ng mga ideya/tala na binuo ng klase. 18. ANG KURIKULUM SA EDUKASYONG SEKUNDARYA ITINAKDA NG BATAS PAMBANSA 232 NA KILALA RIN SA TAWAG NA EDUCATION ACT OF 1982 ANG SUMUSUNOD NA LAYUNION NAG EDUKASYONG SEKUNDARYA: 19. Maipagpatuloy ang pangkalahatang edukasyon na sinisimulan sa elementarya. Maihanda ang mga mag-aaral para sa kolehiyo. Maihanda ang mga mag-aaral sa daigdig ng pagtatrabaho 20. PREPARED BY: ABEGAIL E. ANCHETA