14
Alam Mo Ba ni EDGAR P. MALANO “Edzky” Professional Education MABINI COLLEGES College of Education Daet, Camarines Norte

Alam mo ba -tula

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Alam mo ba  -tula

Alam Mo Bani

EDGAR P. MALANO “Edzky”Professional Education

MABINI COLLEGESCollege of EducationDaet, Camarines Norte

Page 2: Alam mo ba  -tula

Unang araw ng pag-obserbaNililigaw, nalilito sa’n ba pupunta

Nahihiya, kinabahan na para bang sasabog na

Mainit, nakakainip at nakakaantok pa

Page 3: Alam mo ba  -tula

Alam mo bang mahalaga itoAng makapag-obserba tayo

Tayong magiging curricularist at GuroIbat-ibang pamamaraan sa pagtuturo

Page 4: Alam mo ba  -tula

Alam n’yo ba sa unangaraw palang

Kumikililing sa taingang‘di malaman

Maiingay na bata saaking harapan

Maski si titser ‘di silamapatahan

Page 5: Alam mo ba  -tula

May iba namang tahimik ang klaseBawal makipagkuwentuhan sa katabi

Medyo istrikto si titser kasi

Pati ako tahimik lang sa huli

Page 6: Alam mo ba  -tula

Mayro’n ding klase na maingay

Palitan sila ng ideyang ibinibigay

Eksperyensya at reyalidad na bagay

Sa mga bata ay inuugnay

Page 7: Alam mo ba  -tula

Alam mo ba, Alam mo ba Dito tayo sa sitwasyong

nagkakaibaMga sitwasyong ‘wag nang tularan

paPulutin ang sa mata’y kaaya-aya

Page 8: Alam mo ba  -tula

Kung sa tingin nati’y ‘di magandaPagtuturo at istratehiya

Ang gayahin sila’y ‘wag naTayo ‘yong pagbabagong dapat

makita

Page 9: Alam mo ba  -tula

Alam mo ba, Alam nating lahatBilang curricularist sa hinaharapMaipamalas natin ang nararapat

Sa mag-aaral ng buong sangkap

Page 10: Alam mo ba  -tula

Alam mo bang dapat nating pagnilayanBilang Guro’t curricularist ng

paaralan

Mga responsibilidad sa’ting harapan

Makapagturo tayo sa tamang

paraan

Page 11: Alam mo ba  -tula

Heto na! Nakita ko na!Mga istratehiyang magaganda

Bilang bagong “kurikularista”

Na magagamit ko ‘pag ako’y nagtuturo na

Page 12: Alam mo ba  -tula

Heto na nga! Last na ito!Magpapasalamat muna ako

Kila Ma’am, Sir at sa inyoNatutunan ko’y bahagi kayo

Page 13: Alam mo ba  -tula

Salamat! Salamat!Salamat po sa inyo

Hindi ako makakalimotSaan man ako magtungo

Page 14: Alam mo ba  -tula

Maraming salamat po sa pakikinig.Sana nagustuhan n’yo ang aking Tula.

Ako po si Edgar P. MalanoSalamat po