40
ANG ATING PANITIKANG FILIPINO Pangkat A

Ang Ating Panitikang Filipino

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Ating Panitikang Filipino

ANG ATING PANITIKANG FILIPINO Pangkat A

Page 2: Ang Ating Panitikang Filipino

PANIMULANanggaling ang salitang panitikan sa unlaping pang-

na nagiging pan- kapag ang kasunod na salitang ugat ay nagsisimula sa mga titik na d, l, r, s, at t; sa salitang ugat na titik o letra na nawawala ang simula sa pagkakasunod sa unlaping pan- at sa hulaping -an. Dito nabuo ang salitang panitikan na nangangahulugan sa Ingles na literature at sa Kastila ay literatura na batay sa Latin na litera na ang kahulugan ay letra o titik.

Page 3: Ang Ating Panitikang Filipino

ANO ANG PANITIKANG FILIPINO? Ang panitikang Filipino ay pahayag na pasalita o

pasulat ng mga damdaming Pilipino tungkol sa pamumuhay, pag-uugaling panlipunan, paniniwalang pampulitika, at pananampalatayang niyakap ng mga Pilipino.

Page 4: Ang Ating Panitikang Filipino

MGA URI NG PANITIKAN 1. Panggawaing Panitikan 2. Masining na Panitikan 3. Malikhaing Panitikan

Page 5: Ang Ating Panitikang Filipino

Panggawaing Panitikan Ang layunin ng panggawaing panitikan ay

mapalaganap ang kaalamannkol sa gayo't ganitong uri ng gawain at karunungan.

Page 6: Ang Ating Panitikang Filipino

Masining na PanitikanAng ating bait, higit kaysa ating damdamin, ang tinatawag na masining na panitikan.

Ang masining na panitikan ay may kambal na layunin a. pukawin ang guniguni't gisingin ang damdamjn; at

b. magturo o maghikayat,

Page 7: Ang Ating Panitikang Filipino

Malikhaing Panitikan Ang layunin naman ng malikhaing panitikan ay tahasang pukawin ang ating guniguni at damdamin na nakakakita ng saya sa isang paraluman (ideal). Ito binansagang gayon sapagkat:

a. Ang paksa ay hindi na isang hubad na pangyayari, kundi pangyayaring binigyang-kulay ng isang maalab na damdamin at muling hinubog guniguni ng kumatha.

b. Nauugnay ito hindi lamang sa sarili nating kapakanan o damdamin; iyon ang pangitain ukol sa kahulugan ng buhay para sa puso ng lahat ng tao sa lahat ng panahon.

Page 8: Ang Ating Panitikang Filipino

Malikhaing Panitikan

c. Sinisikap nitong pukawin sa atin ang guniguning ito at sa gayong paraa’y gisingin sa ating mga puso ang damdaming nag-uudyok dito upang lumikha at maghandog sa mambabasa.

d. Ang pamamaraan at ang diwang nilalaman ay nagdudulot ng isang kagalakang nagtataas sa ating kalagayan sa buhay.

Page 9: Ang Ating Panitikang Filipino

ANG DAHILAN KUNG BAKIT MAHALAGA ANG PAG-AARAL NG ATING SARILING PANITIKAN 1. Malalaman ng mga tao ang kanilang kalinangan at kasaysayan.

2. Mababatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag-uugali.

3. Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi.

4. Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang lalong mapayabong.

5. Magkakaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

Page 10: Ang Ating Panitikang Filipino

MGA PARAAN AT HANGARIN NG PANITIKAN

Maging tuluyan o patula man, ang apat na paraan ng pagpapahayag ay

ayon sa hinihingi ng hangarin:

1. Paglalahad - kung nais magpaliwanag.

2. Paglalarawan — kung nais magpahiwatig ng hitsura, anyo, lagay, hugis, kulay, at iba pa.

3. Pagsasalaysay — kung nais magpakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga pangyayari.

4. Pangangatwiran kung nais magpaniwala, manghikayat, o mag-paganap.

Page 11: Ang Ating Panitikang Filipino

MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYAPI SA PANITIKAN 1. Klima2. Gawaing Pang-araw-araw3. Kinatitirahan4. Lipunan at Pulitika 5. Relihiyon at Edukasyon

Page 12: Ang Ating Panitikang Filipino

DALAWANG ANYO NG PANITIKAN Ang panitikan ay may dalawang anyo: Patula at Tuluyan.

Page 13: Ang Ating Panitikang Filipino

PANITIKANG PATULA Ang panitikang patula ay masining na pagsasama-

sama ng mga piling kaisipan sa mga taludtod, may sukat at tugma o malayang taludturan.

Page 14: Ang Ating Panitikang Filipino

PANITIKANG TULUYANAng panitikang tuluyan naman ay gumagamit ng

payak at direktang paglalahad ng kaisipan at maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap.

Page 15: Ang Ating Panitikang Filipino

MGA URI NG TULA 1. Tulang Liriko o Tula ng Damdamin 2. Tulang Pasalaysay3. Tulang Patnigan4. Tulang Pandulaan

Page 16: Ang Ating Panitikang Filipino

Tulang Liriko o Tula ng Damdamin

Ito ay matatawag ding tula ng puso. Nagsasaad ito ng marubdob na karanasan, guniguni, o damdamin ng may-akda.

1. Dalit - tulang nagbibigay ng parangal sa Maykapal.

2. Soneto - tulang may labing-apat na taludtod at nagsasaad ng mga aral sa buhay.

Page 17: Ang Ating Panitikang Filipino

Tulang Liriko o Tula ng Damdamin 3. Elehiya - ang paksa nito ay ang alaala ng isang namatay, Ito ay isang uri ng panaghoy o panangis,

4. Oda - tulang liriko na pumupuri sa isang kadakilaang nagawa ng isang tao o grupo ng mga tao.

5. Awit— ang mga paksa nito ay pag-ibig, kabiguan, pag-asa, kaligayahan, at iba pa.

Page 18: Ang Ating Panitikang Filipino

Tulang Pasalaysay Ito ay tulang may kUwcnto at may mga pangunahing tauhang

gumagalaw. Ang mga kagitingan ng mga bayani sa pakikidigma ang paksa nito.

1. Epiko - mahabang tulang nagsasalaysay ng pakikipagtunggali ng isang bayani sa mga kaaway. Ito ay may mga tagpong kababalaghang hindi kapani-paniwala.

2. Awit at Korido - mga tulang nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng mga kilalang tao sa kaharian gaya ng hari, reyna, duke, prinsipe, at prinsesa. Ang awit ay may labindalawang pantig samantalang ang korido ay may wawaluhing pantig.

3. Balad - tulang inaawit habang may sumasayaw

Page 19: Ang Ating Panitikang Filipino

Tulang Patnigan 1. Karagatan - paligsahan sa tula na nilalaro bilang

parangal sa isang patay. 2. Duplo - paligsahan sa tula na karaniwang ginaganap sa

ikasiyam na gabi sa bakuran ng namatayan matapos mailibing ang patay bilang pang-aliw sa mga naulila nito.

3. Ensileda - isa pang paligsahan sa pagtula na ginagawa bilang pang-aliw sa namatayan. Ito ay ginagawa gabi-gabi hanggang sa ikasiyam na gabi.

4. Balagtasan —isapang tagisan ng talino sa pamamagitan ng palitan ng katwiran sa pamamaraang patula,

Page 20: Ang Ating Panitikang Filipino

Tulang Pandulaan Ito ay dulang isinusulat nang patula tulad ng moro-

moro at komedya.

Page 21: Ang Ating Panitikang Filipino

MGA URI NG TULUYAN 1. Maikling Kuwento2. Sanaysay3. Talambuhay 4. Dula

Page 22: Ang Ating Panitikang Filipino

Maikling Kuwento Ito ay naglalahad ng isang natatangi at mahalagang

pangyayari sa buhay ng isang pangunahing tauhan sa isang takdang panahon.

Page 23: Ang Ating Panitikang Filipino

SanaysayIto ay naglalahad ng kuru-kuro at pansariling kaisipan

ng manunulat hinggil sa anumang paksa.

Page 24: Ang Ating Panitikang Filipino

Mga Uri ng Sanaysay 1. Pormal o maanyo 2. Impormal o personal

Page 25: Ang Ating Panitikang Filipino

Pormal o Maanyo - seryoso ang tono at nakatuon sa paksa ang paglalahad at lumalayo sa katauhan ng manunulat. Ito ay may malinaw na balangkas at ginagamitan ng maingat na mga salita at mabisang pangungusap.

Page 26: Ang Ating Panitikang Filipino

Impormal o Personal - nagpapahayag ng katauhan ng manunulat at hindi seryoso ang pagkakalahad ng paksa. Parang kaswal na pakikipag-usap lamang ng awtor sa mambabasa. Ito ay tinatawag na malayang sanaysay.

Page 27: Ang Ating Panitikang Filipino

Talambuhay Ito ay isang kathang prosa tungkol sa buhay ng may-akda o

buhay ng isang tao na isinulat ng iba.

Mga Uri ng Talambuhay

1. Maikli — pinipili ang mga bahagi ng buhay na ilalakip at may tema bilang pokus sa lahat ng gagamiting mga pangyayari.

2. Mahaba — lahat ng pangyayari sa buhay ng tao ayisinasama. Ito ay nagsisimula sa kapanganakan ng isang tao, sa kanyang pakikipagsapalaran, at maging hanggang sa kanyang pagpanaw.

Page 28: Ang Ating Panitikang Filipino

DulaAng dula ay isang uri ng akda na naglalarawan

ngbuhay o ugali ng mga tao sa pamamagitan ng mga usapån o dayalogo, at sa mga ikinikilos ng mga pangunahing tauhan na ginaganap sa isang tanghalan.

Page 29: Ang Ating Panitikang Filipino

MGA AKDANG PAMPANITIKAN NA NAGPAPAKILALA NG KASAYSAYAN AT KALINANGAN NG BANSANG PINANGGALINGAN1. Banal na kasulatan mula sa Palestina at Gresia2. Koran mula sa Arabia3. Uncle Tom’s Cabin mula sa Estados Unidos4. Noli Me Tangere at El Filibusterismo mula sa Pilipinas5. Sanlibo’t Isang Gabi mula sa Arabia at Persia6. Canterbury Tales buhat sa Inglatera7. Iliad at Odyssey mula sa Gresia8. El Cid Campedor mula sa Espanya

Page 30: Ang Ating Panitikang Filipino

MGA PANAHON NG PANITIKANG FILIPINOPanahon Bago Dumating ang mnga Kastila (Bago mag ika-16 na siglo)Ibanahon ng mga Kastila (1565-1898)Panahon ng Propaganda at Himagsikan Laban sa rnga, Kastila (1872-1898)Panahon ng mga Arnerikano (1899-1941)Panahon ng Hapones (1942-1945)Panahon ng Bagong Kalayaan (Simula 1946)Panahon ng Aktibismo (Dekada '70)Panahon ng Bagong Lipunan (1972-1986)Panahon ng Bagong Demokrasya (Simula 1986)

Page 31: Ang Ating Panitikang Filipino

Panahon Bago Dumating ang mnga Kastila (Bago mag ika-16 na siglo)

Pagaling-bibig lamang ang panitikan sa panahong ito at may impluwensiyang kaisipang Malayo-lndoncsyo, Ang panitikan ng panahong ito ay nasa anyo ng alamat, kuwentong-bayan, kantahing-bayan, epiko, at mga karunungang-bayan.

Page 32: Ang Ating Panitikang Filipino

Ibanahon ng rnga Kastila (1565-1898)

Naging panrelihiyon ang paksa ng panitikan ng panahon ng rnga Kastila, Ang layunin ng panitikan sa panahong ito ay ang palaganapin ang Kristiyanisrno. Karamihan ga roga akda ay isinulat ng mga prayle, Ito ay panahon ng panunulat at pagkabaguhan ga kaigipang kanluranin.

Page 33: Ang Ating Panitikang Filipino

Panahon ng Propaganda at Himagsikan Laban sa rnga, Kastila (1872-1898)

Naging makabayan at mapanghirnagsik ang panitikan sa panahong ito.

Page 34: Ang Ating Panitikang Filipino

Panahon ng mga Arnerikano (1899-1941)

Ang panitikang Fil spino ga panahong ito ay rnay impluwensya ng kaisipang demokratiko.

Page 35: Ang Ating Panitikang Filipino

Panahon ng Hapones (1942-1945) Nakilala sa panahong ito ong molayang tula. Tinularan

ng ilang makatang Pilipino ang tulang llapon na hoccu o haiku, Pagpapaimbabaw at pagdagsa ng henyong pampanilikan ang nangyari sa panahong ito.

Page 36: Ang Ating Panitikang Filipino

Panahon ng Bagong Kalayaan (Simula 1946)

Naging masiglang muli ang panitikan sa panahong ito pagkatapos ng liberasyon ng Pilipinas. Maraming manunulat ang nagsisulat sa mga wikang Filipino at Ingles.

Page 37: Ang Ating Panitikang Filipino

Panahon ng Aktibismo (Dekada '70)Sa panahong ito'y naging maiinit ang paksa ng

panitikan, na kinapalooban ng mga tinig at titik ng protesta o paglaban sa pamahalaan o awtoridad.

Page 38: Ang Ating Panitikang Filipino

Panahon ng Bagong Lipunan (1972-1986)

Sikil ang mga panulat sa panahong Vito. Limitado ang mga paksang matatalakay. Ang mga manunulat ay hindi malayang magpahayag ng mga sariling damdamin at kanilang mga kaisipan.

Page 39: Ang Ating Panitikang Filipino

Panahon ng Bagong Demokrasya (Simula 1986)

Sumigla ang pamamahayag, Malaya ang mga mamamahayag at mga mamamayan na tumalakay at tumuligsa sa mga pangyayari sa bayan. Nagsimula ito sa isang mapayapang rebolusyon na humantong sa pagsigla ng panitikan sa iba't ibang larangan.

Page 40: Ang Ating Panitikang Filipino

Pani

tikan

URI1. Panggawaing Panitikan 2. Masining na Panitikan 3. Malikhaing Panitikan

MGA PARAAN AT HANGARIN NG PANITIKAN

Paglalahad Paglalarawan Pagsasalaysay

Pangangatwiran

MGA KALAGAYANG NAKAPANGYAYAPI SA PANITIKAN Klima

Gawaing Pang-araw-araw Kinatitirahan

Lipunan at PulitikaRelihiyon at Edukasyon

ANG DAHILAN KUNG BAKIT MAHALAGA ANG PAG-AARAL NG ATING SARILING PANITIKAN 1. Malalaman ng mga tao ang kanilang kalinangan at kasaysayan. 2. Mababatid nila ang kalakasan o kahinaan ng kanilang paniniwala at pag-uugali. 3. Magiging matatag at matibay ang kanilang pagkalahi. 4. Makikilala ang mga kapintasan at kagalingang pampanitikan upang lalong mapayabong.5. Magkakaroon ng pagmamalasakit sa ating sariling panitikan.

DALAWANG ANYO NG PANITIKAN

Panitikang Patula Panitikang Tuluyan