22
Ikalimang Yugto: I. Ang Pagpasok ng Estados Unidos

Ang Pagpasok sa Estados Unidos

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

Ikalimang Yugto:I. Ang Pagpasok ng

Estados Unidos

Page 2: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

Bago tayo magsimula…Gabay sa mga mahahalagang impormasyon:

Pula – mahahalagang impormasyon na tumutukoy sa mga Kastila.Asul – mahahalagang impormasyon na tumutukoy sa mga Amerikano.Lila - mahahalagang impormasyon na tumutukoy sa mga Pilipino.

Page 3: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

Digmaang Espanyol - AmerikanoPebrero 15, 1898 – paglubog ng USS Maine sa baybayin ng Havana sa Cuba na ikinamatay ng higit sa 260 na katao.

*Naging isa ito sa mga sanhi at hudyat upang labanan ng mga Amerikano ang mga Espanyol.

Abril 25, 1898 – deklarasyon ng Estados Unidos ng digmaan laban sa Espanya.

Page 4: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

Paglubog ng USS Maine

Page 5: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

• Digmaan sa Look ng MaynilaBago naganap ang digmaan sa Pilipinas…Abril 14, 1898 – binalaan ng pamahalaang Kastila ang Gobernador – Heneral na Kastila sa Pilipinas tungkol sa plotiya ng pagsalakay ng Amerika sa archipelago.Inutos ni Gobernador – Heneral Basilio Augustin ang pag – uurong ng pwersa sa Mindanao at pagtutuon ng pansin sa pagtatanggol sa Luzon at Visayas.

Page 6: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

• Digmaan sa Look ng Maynila Komandante George Dewey – pinuno ng hukbong – dagat ng Amerikano sa Asya.

Habang siya ay nasa Hong Kong, natanggap niya ang balita tungkol sa digmaan. Inutusan siyang pumunta sa Pilipinas upang puksain ang mga Espanyol.

Page 7: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

• Digmaan sa Look ng MaynilaMayo 1, 1898 – naganap ang digmaan sa pagitan ng mga Kastila at Amerikano sa Look ng Maynila. Nagsimula ang laban ng 5:30 ng umaga at natapos ito ng 12:30 ng tanghali.Almirante Patricio Montojo – pinuno ng hukbong dagat ng mga Kastila.Komandante George Dewey – pinuno ng hukbong dagat ng mga Amerikano.13 barko – bilang ng barko sa panig ng Kastila sa digmaan.9 barko – bilang ng barko sa panig ng Amerikano sa digmaan.Maria Cristina – punong barko ng mga Kastila. Makalipas ng dalawang oras, ito ay nagliyab. Olympia – punong barko ng mga Amerikano.

Page 8: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

Espanyol Amerikano

Almirante Patricio Montojo

Maria Cristina

USS Olympia

Komandante George Dewey

Page 9: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

Ruta ni Komandante George Dewey patungong Look ng Maynila

Page 10: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

• Digmaan sa Look ng MaynilaNagsimula ang laban ng 5:30 ng umaga.

Sa ganap na 12:30 ng hapon, ganap na tumigil ang hukbong Kastila. Mahigit 400 na katao ang namatay at nasugatan sa ilalim ng pamumuno ni Montojo. Nawasak ang buong plotiya ng almiranteng Kastila. Habang 10 na katao lamang ang nasugatan at maliit ang pinsalang natamo ng plotiyang Amerikano.

7 barko - bilang ng barko ng mga Kastila na napalubog ng Estados Unidos.

Page 11: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

Digmaan sa Look ng Maynila

Page 12: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

• Digmaan sa Look ng MaynilaNagpadala ng mensahe si Dewey sa bagong gobernador – heneral ng Espanya na si Fermin Juadenes na humihingi ng pagsuko ng lahat ng bangkang torpedo at iba pang sasakyang pandigma ng Kastila. Inihayag ng mga Amerikano na sila ay handang tumanggap sa mga emisaryong Kastila upang talakayin ang mga kondisyon sa pagsuko.Mayo 13, 1898 – opisyal na inihayag ni Pangulong McKinley ang pagsasara sa Maynila ng idineklara ni Komandante George Dewey noong Mayo 1. Hunyo 27, 1898 – opisyal na humakbang ang pamahalaang Kastila para sa kapayapaan at inihayag ang pagkatalo ng Kastila sa mga kamay ng Pilipino at Amerikano.Nilagdaan nina Gobernador – Heneral Jaudenes at Heneral Meritt ang unang kasunduan sa pagsuko ng mga Kastila.

Page 13: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

• Ang Pagbabalik ni Aguinaldo at Deklarasyon ng Kalayaan

Sa mga panahon na nasa Hong Kong si Pang. Emilio Aguinaldo dahil sa Kasunduan sa Biak na Bato…

Hinimok ni Heneral Spencer Pratt na pumanig si Emilio Aguinaldo sa Estados Unidos kapalit ng armas at awtonomiya. Sumang – ayon si Aguinaldo sa kasunduan at nanawagan sa mga Pilipino na tulungan ang mga Amerikano laban sa mga Kastila.

Page 14: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

• Ang Pagbabalik ni Aguinaldo at Deklarasyon ng Kalayaan

Mayo 19, 1898 – pagbalik ni Emilio Aguinaldo sa Cavite. Barkong McCulloch – barkong lulan ni Aguinaldo pabalik sa Pilipinas.Komandante George Dewey – nagbigay ng transportasyon kay Aguinaldo.Bumalik agad sa posisyon si Aguinaldo at nilusob ang Maynila. Nahuli ng mga Pilipino ang mga natitirang sundalong Kastila at ikinulong sa Intramuros.

Page 15: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

• Ang Pagbabalik ni Aguinaldo at Deklarasyon ng Kalayaan

Mayo 24, 1898 – nagdeklara si Aguinaldo ng Pamahalaang Diktatoryal alinsunod sa payo ni Ambrosio Rianzares Bautista at Rounsville Wildman (isang Amerikanong konsul sa Hong Kong).Hunyo 12, 1898 – naganap ang deklarasyon ng kalayaan ng Pilipinas mula sa kolonya ng mga Kastila. Ito ay naganap sa Cavite el Viejo (Kawit, Cavite). Marcela Agoncillo – nagtahi sa iwinagayway na watawat ng Pilipinas. Marcha Filipina Magdalo (naging Marcha Nacional Filipina) – pinatugtog sa deklarasyon na sinulat ni Julian Felipe. Ambrosio Rianzares Bautista – sumulat sa makasaysayang dukumento ng proklamasyon.98 na katao – bilang ng mga pumirma sa dokumento kabilang ang isang Amerikano na si Kolonel L.M. Johnson.* Nakasaad sa dokumento na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng proteksyon ng Estados Unidos.Hunyo 23, 1898 – pinalitan ng Pamahalaang Rebolusyonaryo ang Pamahalaang Diktatoryal alunsunod sa payo ni Apolinario Mabini.

Page 16: Ang Pagpasok sa Estados Unidos
Page 17: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

• Kasunduan ng ParisLabing – pitong Artikulo (17) – bilang ng mga artikulong nakapaloob sa kasunduan.

Ayon sa Artikulo 5 ng Peace Protocol (nilagdaan noong Agosto 12, 1898) sa pagitan ng mga Amerikano at Espanyol, bawat panig ay magpapadala ng 5 komisyoner sa Paris upang pag – usapan ang nasabing kasunduan.Ang mga nasabing artikulo ay mabibigyan ng aprubasyon ayon sa constitutional forms ng dalawang bansa.

Felipe Agoncillo – abogadong delegado ng Pilipinas ngunit di pinayagan na makipagpartisipasyon sa kasunduan.

Page 18: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

• Kasunduan ng ParisMga Delegado sa Komisyon ng Espanya

1. Eugenio Montero Ríos 2. Buenaventura de Abarzuza 3. José de Garnica4. Wenceslao Ramírez de Villa-Urrutia 5. Rafael Cerero6. Jules Cambon (Diplomatikong Pranses)

Page 19: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

• Kasunduan ng ParisMga Delegado sa Komisyon ng Estados Unidos

1. William R. Day2. William P. Frye3. Cushman Kellogg Davis4. George Gray5. Whitelaw Reid

Page 20: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

• Kasunduan ng ParisDisyembre 10, 1898 – nilagdaan ang kasunduan sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos. Ito rin ang nagsilbing hudyat ng pagtatapos sa Digmaang Espanyol – Amerikano.$20,000,000 – halaga na binayaran ng Estados Unidos sa Espanya upang mabili ang Pilipinas.Cuba, Puerto Rico, Guam at Pilipinas – mga bansang nakasaad sa kasunduan na bibigyan ng kalayaan at ililipat ang pamumuno sa Estados Unidos.Cuba – bansang nakasaad sa kasunduan kung saan ito ay dapat bigyan ng kalayaan mula sa kolonyang Espanya.Puerto Rico at Guam – mga bansang nais ipalipat ng Estados Unidos ang pamumuno mula sa mga Espanyol.Pilipinas – bansang binili ng Estados Unidos sa mga Espanyol.* Ito ang nagbigay hudyat sa pagsisimula ng Estados Unidos bilang isang makapagyarihang bansa sa mundo.April 11, 1899 – ipinatupad ang kasunduan matapos ng pakikipagpalitan ng botohan at pagsasaayos ng mga kondisyon sa loob ng mga dokumento.

Page 21: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

Kasunduan ng Paris (1898)

Page 22: Ang Pagpasok sa Estados Unidos

Maraming Salamat sa pakikinig!!!

Susunod na talakayan:II. Republika ng Malolos