Upload
landerbesabe
View
1.776
Download
79
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Ma'am Ruthela Andres, this our powerpoint presentation for our project. We have chosen the topic: "Ang Rebolusyong Siyentipiko At Ang Panahon Ng Enlightenment." Prepared by: Dexter Aridedon Andreo Mangawang Joshua Edrian Acolos Mark Joseph Remetio Lander Besabe III-STAR
Ang Rebolusyong Siyentipiko
At Ang Panahon Ng ENLIGHTENMENT
Ang mga eksplorasyon ng mga manlalakbay noong ika-15 siglo ay
nagkaroon ng malaking epekto sa pagkakaroon ng interes sa pag-aaral ng agham at pilosopiya.
Malaki ang naitulong ng
Renaissance sa pag-udyok at paghubog ng
kaisipan ng mga tao sa pagtuklas
ng iba’t ibang bagay.
Ang mga salik na ito ay nagbunga ng
Rebolusyong Siyentipiko o Scientific Revolution na tumutukoy sa pagbabago sa pag-iisip at paniniwala
na nagsimula sa kalagitnaan ng ika-16 at
ika-17 na siglo.
Ang RebolusyongSiyentipiko At Ang Bagong Pagtingin
Sa Kalikasan
Ayon kay Ptolemy, ang daigdig ang sentro ng
kalawakan at ng iba pang heavenly bodies sapagkat
tinataguyod niya ang paniniwalang Kristiyano
na dinisenyo ng Diyos ang kalawakan para sa tao.
Ang teoryang ito n Ptolemy ay
tinatawag na Geocentric View. At sinuportahan siya ni Aristotle sa teoryang
ito.
Hinamon naman ni Nicolaus Copernicus
ang teorya ni Ptolemy. Ayon sa kanya, ang araw ang sentro ng
kalawakan at hindi ang daiigdig. Tinawag niya
itong Heliocentric View.
Ang teoryang ito ay sinuportahan ng iba’t ibang siyentista tulad ni Galileo Galilei na
naging ekskomulgado dahil sa kanyang
teoryang taliwas sa simbahan.
Ang PaghikayatSa Siyentipikong
Pag-aaral
Si Sir Francis Bacon ang gumawa ng Baconian kung
saan tuon dito ang inductive method. Ang inductive method ay
nagsisimula sa obserbasyo sa paligid hanggang sa
paggawa ng ekperimentasyon. Nilalayon
nito na makabuo ng makatotohanang
paliwanag.
Kabaligtaran naman ito ng deductive
method kung saan ang mga paliwanang at pangungusap ay pinatutunayan ng isang hypothesis.
Ipinaliwanag ni Renè Descartes ang suliranin sa agham sa pamamaraang
matematikal. Naging tanyag din ang kanyang mga katagang “Cogito,
ergo sum”( I think, therefore I am. Naniniwala siyang ang katuwiran ang
susi sa pagkamit ng kaalaman.
Ang Panahon NgEnlightenment
Noong ika-18 siglo , ang Enlightenment ay
tumutukoy sa grupo ng mga iskolar na
nagtangkang iahon ang mga Europeo sa kawalan
ng katuwiran at pamamayani ng
pamahiin at paniniwala noong Middle Ages.
Mga Pananaw Ukol Sa PamahalaanSa Panahon ng Enlightenment, nagtangka ang mga philosophe na maipaliwanag nag kalikasan nito. Mula rito, hangad nilang
makabuo ng mga ideyal na pamamaraan sa pamumuno, edukasyon, demokrasya, at iba
pang suliraning panlipunan.Thomas Hobbes – sinabi niyang ang tao ay likas na makasarili kung kaya palagi niyang
katunggali ang kapwa tao.Jean Jacques Rosseau at John Locke – kapwa naniniwala na ang pamahalaan ay naitatag mula sa pahintulot ng mga mamamayan.
Mga Puna Sa LipunanAng terminong encyclopaedist ay
tumutukoy sa isang grupo ng mga pilosopong French na
nagtulong tulong noong ika-18 siglo upang mabuo ang
Encyclopedie.1745 – naging patnugot ng
Encyclopedie si DENIS DIDEROT na tumipon sa halos lahat ng mahalagang manunulat na
French sa panahong ito.
1764 – CESARE BONESANA BECCARIA, isang italian
criminologist, tumuligsa sa parusang kamatayan sa kanayang
akdang Of Crimes and Punishment .at si JOHN HOWARD , english prison
reformist may impluwensya sa pgpapabuti ng kolonisayonng pangkalinisan at makataong pagtrato sa mga bilanngosa
kulungan sa Europe . Hinikayat ang House Of Commons.
Mga Kaisipan Ukol sa EdukasyonMay paniniwala ang mga pilosospo na ang kaalaman at ang edukasyon
ang magdudulot ng pag-unlad at kaligayan sa mga tao.
Sa akda ni Locke na Essay Concerning Human
Understanding(1690), tinalakay ang konsepto ng tabula rasa. Ayon dito ang utak ng tao ay parang pael na magkakaroon lamang ng laman sa pamamagitan ng limang pandama.
Ipinihayg naman ni Rousseau sa kanyang akdang
Emile(1762) ang ideya tungkol sa edukasyonm. Tinuligsaniya ang tradisyunal na ideya na
ang edukasyon ay patuturo ng lahat ng bagay sa isang bata . Ito lamang ay pagpapalabas o pagpapalitaw ng kung anuman
naroon ka.
Ang Kababaihan sa PanahonNg Enlightenment
Malaki ang naging pael ng kababaihan sa panahong ito
lalao na sa france kung saan sila ang namamahala ng
Salon,tagpuan ng mga manunulat,pilosopo,at alagad ng
sining upang maisagawa ang mga talakayang intelektwal o
magpamalas ng galing sa Sining.
Gayunpaman , bihirang mabanggit ng mga pilosopo
ang karapatan ng kababaihan. Para kay
Rosseau nasa magkaibang saklaw ang gawain ng
kalalakihan at kababaihan at sa huli ay hindi dapat
pagkalooban ng parehonh edukasyon.
Mary Wollstonecraft, tumalakaysa karapatan ng karapatan ng kababaihan sa kanyang A
Vindication of the Rights of the Women (1792),sinabi na dapat makaroon ang kababaihan ng
karapatang bumoto at posisyon sa pamahalaan. Sinabi rin niya na
dapat maging edukado ang kababaihan. Maaaring ituring siya
bilang unang peminista o tagappagtaguyod ng pantay na karaptan sa pagitan ng lalake at
babae.
Pamana Ng Rebolusyong Siyentipiko At Panahon
Ng EnlightenmentHinikayat sa mpanahong ito ang
miling pagbabalik sa estilong Greek at Roman, at simula ng pagkakaroon
ng interes sa ordinaryong mamamayan . Sa Arkitektura,
ginamit ang neoclassical na estilo, pinahalagahan ng mga alagad ng
sining ng Enlightenment ang katuwiran na sumsailalim sa ideya ng
demokrasya.
Ang panahon pagkatapos ng 1750 ay tinuturing na panahong Klasikal sa larangan ng musika. Ito ang tatlong kompositor na maipagmamalaki sa panahong
ito-Si Haydn, isa sa pangunahing
kompositor sa kalaiskal na panahon, ititnuturing na “Ama
ng symphony” at “Ama ng String Quarter”.
Mozart, bihasa sa halos lahat ng uri ng musika, maging religous. hymns. chamber
music, solo piano, symphony o opera.
Beethoven, kompositor ng musikang kalasikal,
pinakamagaling na kompositor at nagsilbing inspirasyon ng
mga sumunod na musikero at kompositor.
Pamana ng Rebolusyong Siyentipiko at Panahon ng
EnlightenmentKung pinagtutuuan ng mga iskolar ng Renaissance ang tao at ang kalikasan
tinangka naman ng mga rebolusyonryong siyentista na
maipaliwanag ang kalikasan ng to at ng daigdig. Sa pamamagitan ng ideya nina Copernicus, Galileo at Newton ,
nabuwag ang dating kaalamang ipinalaganap ng simbahan batay sa mga ideya nina Ptolemy at Aristotle.
Sa kabuuan, ang panahon ito ang humubog sa mga modernong ideya. Ito ang nagluwal sa mga henyong
musika tulad nina Haydn, Mozart at Beethoven.
Halimbawa ng panitikang isinulatsa panahong ito ang Robinson
Crusoe(1719) ni Daniel Defoe at The Adventure Of Nicholas
Experience(1776) ni Ignacy Krasiscki. Higit sa lahat sa panahong ito ang
nagluwal sa “naliliwanagang pamumuno” at dalawang dakilang
republika ang France at U.S.
Prepared By:Dexter Aridedon
Andreo Mangawang
Joshua Edrian Acolos
Mark Joseph Remetio
Lander Besabe