57
PAG-AARAL NG MGA KONTEMPORARYONG ISYU

AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

PAG-AARAL NG MGA KONTEMPORARYONG ISYU

Page 2: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Aralin at Sakop ng Modyul

Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

1. Ang Lipunan

2. Isyung Personal at Isyung Panlipunan

Page 3: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Aralin: Kaligiran at Katangian ngmga Isyu at Hamong Panlipunan

Page 4: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Gawain 1.Headline-Suri Makibahagi sa iyong pangkat, suriin ang larawan ng

headline naitalaga sa inyo. Sagutin ang tanong na: Bakit ito ay maituturing na isyu o suliraning panglipunan? Isulat ang sagot sa diagram.

Page 5: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan
Page 6: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Pamprosesong mga Tanong

1. Ano-ano ang pananaw ng inyong grupo saheadline na napunta sa inyo?

2. Maituturing mo bang isyung panlipunan angipinakikita ng bawat headline? Bakit?

3. Bakit mahalaga na maunawaan mo ang iba’t ibangisyung panlipunan?

Page 7: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Basahin ang teksto sa ibaba na hinango mula sa artikulo ni Leile B. Salaverria tungkol sa antas ng korapsyon sa Pilipinas.

Page 8: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Sa artikulong isinulat ni Leila B. Salaverria na nailathala sa Philippine Daily Inquirernoong Disyembre 5, 2012, tinalakay niya ang resulta ng pag-aaral ng TransparencyInternational tungkol sa persepsyon ng korapsyon sa Pilipinas. Sa nasabing pag-aaral, nagtala ang Pilipinas ng iskor na tatlumpu’t apat sa kabuuang 100 kung saanang 100 ay may deskripsyon na “very clean”.

Bahagyang tumaas ang marka ng Pilipinas noong 2013 sa iskor na tatlumpu’tanim.Kung tutuusin, mababa pa rin ang markang ito kung ihahambing sa mgabansang Denmark, Finland, New Zealand, Sweden, at Singapore na may matataas namarka at itinuturing na “very clean”. Nagbibigay ito ng mensahe na ang Pilipinas ayisa pa rin sa mga bansa sa daigdig na may malaganap na korapsyon sa pamahalaan.

Basahin ang teksto sa ibaba na hinango mula sa artikulo ni Leile B. Salaverria tungkol sa antas ng korapsyon sa Pilipinas.

Page 9: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Basahin ang teksto sa ibaba na hinango mula sa artikulo ni Leile B. Salaverria tungkol sa antas ng korapsyon sa Pilipinas.

Ang isyu ng korapsyon ay hindi lamang nararanasan saating bansa. Sa katunayan, ayon sa nasabi ring pag-aaral,higit na mataas ang marka ng Pilipinas kung ihahambingsa mga karatig-bansa sa Asya tulad ng Vietnam,Indonesia, Bangladesh, at ng North Korea na kasamasa “five most corrupt countries” sa daigdig. Subalit hindiito dahilan upang itigil natin ang paglaban sa korapsyon.

Ayon kay Rosalinda Tirona, ang pangulo ng TransparencyInternational sa Pilipinas, kailangan pa ang mas maramingpagkilos upang labanan ang korapsyon. Ngunit, hindilamang korapsyon ang dapat na bigyang pansin kundiang transpormasyon ng lipunang Pilipino upang makamitang tunay napagbabago.

Page 10: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Korapsyon Ang korapsyon ay makikita sa mga simpleng serbisyong

pampamahalaan tulad ng pagkuha ng permit para sapagbubukas ng negosyo hanggang sa mga malawakan atmalakihang proyekto tulad ngpagpapagawa ng kalsada,tulay, at mga gusaling pampubliko.

Maraming mamamayan ang nag-aakala na wala itongdirektang epekto sa kanila subalit, ang katotohanan lahattayo ay apektado nito.

Ganito rin ang persepsyon ng ibang mamamayan sa ibapang isyu at hamong panlipunan na nararanasan sa atingbansa tulad ng paglabag sa karapatang pantao, malayangkalakalan, pang-aabuso sa mga kababaihan, at mgasuliraning pangkapaligiran na dulot ng malingpangangalaga sa kalikasan.

Bunga nito, hinihiwalay ng mga mamamayan angkanilang sarili sa mga isyu at hamong panlipunan upangmatugunan ang mga personal na hamon atpangangailangan.

Page 11: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Korapsyon Bilang mag-aaral, mahalagang magkaroon ka ng malawak

na pangkapaligirankaalaman sa mga isyu at hamongpanlipunan upang maunawaan ang mga sanhi atbunganito sa isang lipunan at sa bansa.

Mahalaga ring maunawaan na lahat tayo ay maybahaging ginampanan sa pagkakaroon ng mga suliraning.

Mahalaga ring maunawaan mo ang epekto nito saindibiduwal, sa iba’t ibang pangkat ng tao, at sa lipunansa kabuuan.

Higit sa lahat, makatutulong din ito upang magingaktibong bahagi ka ng mga programa at polisiya nanaglalayong bigyan ng katugunan ang mga suliranin.

Ang mga mamamayang mulat at tumutugon sa kanilangmga tungkulin ay kailangan sa pagkamit ng ganap natranspormasyon ng indibiduwal at lipunan.

Page 12: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Ang Lipunan

Page 13: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Ano nga ba ang ibig sabihinng lipunan?

Page 14: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Ang lipunan

Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong samasamangnaninirahan sa isang organisadong komunidad na mayiisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.

Halos ganito rin ang pagpapakahulugan ng ilang mgasosyologo tungkol sa lipunan.Ilan sa kanila ay sinaEmile Durkheim, Karl Marx, at Charles Cooley.

Page 15: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Emile Durkheim

“Ang lipunan ay isang buhay na organismokung saan nagaganap ang mga pangyayari atgawain.

Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago.Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalitmagkakaugnay na pangkat at institusyon.

Ang maayos na lipunan ay makakamit kungang bawat pangkat at institusyon aygagampanan nang maayos ang kanilangtungkulin.”(Mooney, 2011)

Page 16: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Karl Marx

“Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ngkapangyarihan.

Ito ay nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mgatao sa limitadong pinagkukunang- yamanupang matugunan ang kanilangpangangailangan.

Sa tunggalian na ito, nagigingmakapangyarihan ang pangkat nakumokontrol sa produksyon.

Bunga nito, nagkakaroon ng magkakaiba athindi pantay na antas ng tao sa lipunan nanakabatay sa yaman atkapangyarihan.”(Panopio, 2007)

Page 17: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Charles Cooley

“Ang lipunan ay binubuo ng tao na maymagkakawing na ugnayan at tungkulin.Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao angkaniyang sarili sa pamamagitan ngpakikisalamuha sa iba pang miyembro nglipunan.

Makakamit ang kaayusang panlipunan sapamamagitan ng maayos na interaksiyon ngmga mamamayan.”(Mooney, 2011)

Page 18: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Magkakaiba man ang pagpapakahulugan sa lipunan,makikita na ang mga sosyologong ito ay nagkakaisa naang lipunan ay binubuo ng iba’t ibang institusyon,ugnayan, at kultura.

Bilang mag-aaral, mahalagang maunawaan mo kungano-ano ang bumubuo sa lipunan.

Page 19: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Ang Istrukturang Panlipunan at Kultura IPAGPALAGAY NA ANG LIPUNAN AY TULAD NG ISANG BARYA NA MAYDALAWANGMUKHA: ANG ISANG MUKHA AY TUMUTUKOY SA MGAISTRUKTURA NG LIPUNAN AT ANG ISA NAMAN AY TUMUTUKOY SAKULTURA. BAGAMA’T ANG DALAWANG MUKHA AY MAGKAIBA AT MAYKANI-KANIYANG KATANGIAN, MAHALAGA ANG MGA ITO AT HINDIMAAARING PAGHIWALAYIN TULAD NA LAMANG KAPAG PINAG-UUSAPAN ANG LIPUNAN.

Page 20: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Mga Elemento ng Istrukturang Panlipunan

Ang mga elemento ng istrukturangpanlipunan ay ang mga sumusunod:

1. INSTITUSYON

2. SOCIAL GROUPS

3. STATUS (SOCIAL STATUS)

4. GAMPANIN (ROLES)

Page 21: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Institusyon

LIPUNAN

Binubuo ng mga institusyon.

Ang institusyon ay organisadong sistema ng ugnayansa isang lipunan. (Mooney, 2011).

PAMILYA

Isa sa mga institusyong panlipunan, dito unangnahuhubog ang pagkataong is ang nilalang.

EKONOMIYA

Mahalaga ang ekonomiya salipunan dahil pinag-aaralan dito kung paano matutugunan angmgapangangailangan ng mga mamamayan.

Page 22: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Social Group Ang mga institusyong panlipunan ay binubuo naman ng mga social

group.

Tumutukoy ang social group sa dalawa o higit pang taong maymagkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isaat bumubuo ng isang ugnayang panlipunan. May dalawang uri ngsocial group:

PRIMARY GROUP at SECONDARY GROUP. (Mooney, 2011).

PRIMARY GROUP

Tumutukoy sa malapit at impormal na ugnayan ng mga indibiduwal.Kadalasan, ito ay mayroon lamang maliit na bilang.

Halimbawa nito ay ang pamilya at kaibigan.

SECONDARY GROUP

binubuo ng mga indibiduwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa.Karaniwang nakatuon sa pagtupad sa isang gawain ang ganitong uring ugnayang panlipunan.

Isang halimbawa nito ay ang ugnayan sa pagitan ng amo at ngkaniyang manggagawa, gayundin ang ugnayan ng mgamanggagawa sa isa’t isa.

Page 23: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Social Group Nagkakaroon ng hindi magandang ugnayan

ang mga bumubuo sa isang social group nanagdudulot ng ilang isyu at hamongpanlipunan.

Halimbawa ang malawakang pagwewelgang ilang manggagawa ay isang isyungpanlipunan na dulot ng pagkakaroon nghindi magandang ugnayan ng mgamanggagawa at may-ari ng kumpanya.

Page 24: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Status Kung ang mga institusyong panlipunan

ay binubuo ng mga social groups, angmga social groups naman ay binubuo ngiba’t ibang status.

Ang status ay tumutukoy sa posisyongkinabibilangan ng isang indibiduwalsalipunan.

Ang ating pagkakakilanlan o identidaday naiimpluwensiyahan ng ating status.

May dalawang uri ng status: ito ay angascribed status at achieved status .

Page 25: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Status Paano nga ba nagkakaugnay ang dalawang uri ng

status?

Maaaring makaapekto ang ascribed status ng isangindibiduwal sa kaniyang achieved status.

Halimbawa, ang isang indibiduwal ay ipinanganak namahirap.

Ang pagiging mahirap niya sa pagkakataong ito aymaituturing na ascribed status.

Ang ascribed status na ito ay maaaring maginginspirasyon sa kaniyang hangarin na makatapos ng pag-aaral o kaya ay maging isang propesyunal upangmakaahon sa hirap ng buhay.

Ang pagiging isang college graduate o propesyunal aymaituturing naachieved status.

Page 26: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Status

May mga isyu at hamong panlipunan na maykaugnayan sa status ng tao sa lipunan.

Karaniwan, nagkakaroon ng mas malawak napagkakataon sa magandang kalidad ng edukasyonang mga taong ipinanganak na mayaman kungikukumpara sa mga mahihirap.

Sa kabila nito, mayroon din namang mga mahihirapna naging tuntungan ang ganitong kalagayanupang lalong magsumikap para mabago ang estadosa buhay.

Page 27: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Gampanin (Roles)

May posisyon ang bawat indibiduwal sa loob ng isang socialgroup. Ang bawat posisyon ay may kaakibat na gampanin oroles.

Tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan,obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ngposisyon ng indibiduwal.

Sinasabing ang mga gampaning ito ang nagiging batayan dinng kilos ng isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan.

Halimbawa, bilang isang mag-aaral inaasahanggagampanan mo ang mga tungkulin ng isang mabuting mag-aaral at inaasahan mo rin na gagampanan ng iyong guro angkaniyang mga tungkulin tulad ng pagtuturo nang mahusay atpagbibigay ng pagsusulit sa klase.

Page 28: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Gampanin (Roles)

Ang hindi pagganap sa mga inaasahang gampanin ng isangindibiduwal o isang grupo ay maaaring magdulot ng ilangisyu at hamong panlipunan.

Halimbawa, ang isang mamamayan ay may tungkulingdapat gampanan sa lipunan. Kung ito ay hindimagagampanan nang maayos, magdudulot ito ng ilang isyu athamong panlipunan.

Tungkulin ng mga mamamayan na sumunod sa batas ngpagtatapon ng basura.

Ang hindi pagsunod sa batas na ito ay makapagdudulotng ilang mga suliraning pangkapaligiran tulad ng polusyon nabanta sa kalusugan ng mga mamamayan.

Page 29: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Gampanin (Roles)

May mga pagbabago rin sa lipunan na magdudulot ngpagbabago sa roles ng bawat isa. Isang magandang halimbawanito ang pagkakaroon ng mga househusband sa kasalukuyan.

Ito ay mga asawang lalaki na siyang gumagawa ng mga gawainsa loob ng tahanan habang ang kaniyang asawang babae angnaghah anapbuhay.

Marami ring pagkakataon na ang asawang lalaki at asawangbabae ay kinakailangang parehong magtrabaho upangmatugunan ang pangangailangan ng pamilya.

Makikita sa ganitong sitwasyon ang pagbabago ng gampaninng mga kalalakihan at kababaihan bilang tugon sanagbabagong panahon.

Page 30: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Gawain 2. Timbangin MoBasahin at unawain angmga pahayag. Isulat angA kung tama angnilalaman ng una atikalawang pahayag; Bkung tama ang nilalamanng unang pahayag at maliang ikalawa; C kung maliang nilalaman ng unangpahayag at tama angikalawa; D kung mali angnilalaman ng una atikalawang pahayag.

Page 31: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Gawain 3. Photo Essay

Sa isang oslo paper ay gumawa ng Photo Essay nanagpapakita ng iba’t ibang isyu at hamongpanlipunan na dulot ng mga elemento ngistrukturang panlipunan.

Maaaring gumupit ng mga larawan sa magazine okumuha ng mga ito sa internet.

Gawing batayan ang rubric sa pagmamarka bilanggabay sa pagtupad ng gawaing ito.

Page 32: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

HALIMBAWA

Page 33: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan
Page 34: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Katuturan ngKultura

Page 35: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Katuturan ng Kultura

Sa pag-aaral ng lipunan, mahalagang pagtuunandin ng pansin ang kultura.

Ayon kina Andersen at Taylor (2007),ang kultura ayisang kumplikadong sistema ng ugnayan nanagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhayng isang grupong panlipunan o isang lipunan sakabuuan. Sa isang lipunan, binibigyang-katwiranng kultura ang maganda sa hindi, ang tama sa maliat ang mabuti sa masama.

Page 36: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Pinatutunayan din ni Panopio (2007) ang naunangkahulugan ng kultura sa pamamagitan ngpagsasabing “ito ang kabuuang konseptong sangkapsa pamumuhay ng mga tao, ang batayan ng kilos atgawi, at ang kabuuang gawain ng tao”.

Ayon naman kayMooney (2011), ang kultura aytumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhayna naglalarawan sa isang lipunan. Samakatuwid angginagawa natin sa ating pang-araw-araw napamumuhay mula paggising hanggang bagomatulog ay bahagi ng ating kultura. May dalawanguri ang kultura. Ito ay ang materyal na kultura at hindimateryal na kultura.

Katuturan ng Kultura

Page 37: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Pigura 2: Dalawang Uri ngKultura

Page 38: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Mga Elementong Kultura

Page 39: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Mga Elemento ng Kultura Kung ang mga institusyong panlipunan ay

tumutukoy sa mga istruskturang bumubuosa isang lipunan, ang kultura naman aytumutukoy sa kahulugan at paraan ngpamumuhay ng mga mamamayan sa isanglipunan.

Naglalarawan ito sa isang lipunan. Nag-iibaang paglalarawan ng bawat lipunan batayna rin sa kultura nito.

Binubuo ang kultura ng mga paniniwala(beliefs), pagpapahalaga (values), norms, atsimbolo.

Page 40: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Paniniwala (Beliefs)

Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanagtungkol sa pinaniniwalaan at tinatanggap natotoo.

Maituturing itong batayan ng pagpapahalagang isang grupo o lipunan sa kabuuan.

Nakakaapekto sa mga isyu at hamongpanlipunan ang paniniwala ng isangindibiduwal o pangkat ng tao.Halimbawa, angisang lipunang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng mga tao anoman ang kasarian aymagbibigay ng mga oportunidad para sa pag-unlad ng tao anuman ang kasarian nito.

Page 41: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Pagpapahalaga (Values)

Ang pagpapahalaga ay hindi maaaring maihiwalaysa paniniwala ng isang lipunan.

Maituturing itong batayan ng isang grupo o nglipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi.

Batayan ito kung ano ang tama at mali, magandaat kung ano ang nararapat at hindinararapat(Mooney, 2011).Bagama’t may iba’t ibangpagpapahalaga ang bawat lipunan, marami sapagpapahalaga ay kanilang pinagsasaluhan.

Kapag ang isang situwasyon o gawain ay labag samga pagpapahalaga, itinuturing ito na isyu ohamong panlipunan.

Page 42: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Norms Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na

binuo at nagsisilbing pamantayan sa isanglipunan.

Ang mga norm ang nagsisilbing batayan ngmga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isangindibiduwal sa lipunang kaniyangkinabibilangan.

Mauuri ang norms sa folkways at mores.

Ang folkways ay ang pangkalahatang batayanng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isanglipunan sa kabuuan.

Page 43: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Norms Sa kabilang banda, ang mores ay tumutukoy sa

mas mahigpit na batayan ng pagkilos.

Ang paglabag sa mga mores ay magdudulot ngmga legal na parusa (Mooney, 2011).

Ang kawalan ng batayan ng pagkilos sa isanglipunan ay maaaring magdulot ng kaguluhan.

Halimbawa, ang mga batas trapiko ay inilaanupang magkaroon ng kaayusan at kaligtasan angmga tao sa lansangan. Batayan ito ng pagkilos ngmga tao.

Ang hindi pagsunod sa mga batas na ito ay maykaukulang kaparusahan.

Page 44: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Simbolo (Symbols) Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang

bagay ng mga taong gumagamit dito. (White, 1949)

Kung walang simbolo, walang magaganap nakomunikasyon at hindi rin magiging posible anginteraksiyon ng mga tao sa lipunan.

Ang mga halimbawa ng simbolo ay wika, mgapagkumpas (gestures), at iba pang bagay nanauunawan ng mga miyembro ng isang lipunan.

Halimbawa, isang gawi ng mga Pilipino angpagmamano.

Ang gawing ito ay sumisimbolo sa isang paraan ngpagpapakita ng paggalang ng mga Pilipino sa mganakatatanda.

Page 45: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Simbolo (Symbols) Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan sa isang

bagay ng mga taong gumagamit dito. (White, 1949)

Kung walang simbolo, walang magaganap nakomunikasyon at hindi rin magiging posible anginteraksiyon ng mga tao sa lipunan.

Ang mga halimbawa ng simbolo ay wika, mgapagkumpas (gestures), at iba pang bagay nanauunawan ng mga miyembro ng isang lipunan.

Halimbawa, isang gawi ng mga Pilipino angpagmamano.

Ang gawing ito ay sumisimbolo sa isang paraan ngpagpapakita ng paggalang ng mga Pilipino sa mganakatatanda.

Page 46: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Gawain 4. Modified True or False

Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap; kungito ay mali, itama ang salitang may salungguhit upang maiwastoang pahayag. Isulat ang iyong sagot sa patlang. __________1. Angkultura ay tumutukoy sa kahulugan at paraan ng pamumuhay ngmga mamamayan sa isang lipunan.

__________2. Ang paniniwala ay isang elemento ng kultura natumutukoy sa mga asal, kilos o gawi na nagsisilbing pamantayanng pagkilos sa isang lipunan.

__________3. Ang pagpapahalaga ay batayan ng pagkilos nakatanggap- tanggap sa grupo ng mga tao o lipunan sa kabuuan.

__________4. Ang hindi pagsunod sa norms ng isang lipunan aymay kaukulang kaparusahan o sanctions.

__________5. Ang kultura aynaglalarawan sa isang lipunan.

Page 47: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Isyung Personal at Isyung Panlipunan

Page 48: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Ang Sociological Imagination

Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung panlipunan,mahalaga ang pagunawa sa mga istrukturangbumubuo rito maging ang kulturang naglalarawan saisang lipunan.

Mahalaga ring makita ng bawat isa ang kaugnayan ngistrukturang panlipunan at kultura sa pagkakaroon ngmga suliranin at isyung panlipunan.

Ayon kay C. Wright Mills (1959), mahalagang malinangang isang kakayahang makita ang kaugnayan ng mgapersonal na karanasan ng isang tao at ang lipunangkanyang ginagalawan.

Tinawag niya itong Sociological Imagination. Kapagnalinang sa atin ang abilidad na ito, masusuri natin angkoneksiyon at interseksiyon ng mga isyung personal atisyung panlipunan.

Mahalaga rin ito sa pagbibigay ng koneksyon sa mgapangyayari sa ating buhay bilang isang indibiduwal atsa pangkalahatang kaganapan sa lipunang atingginagalawan.

Page 49: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Ang Sociological Imagination

Isang halimbawa nito ang problemangkinakaharap ng mga Pilipino sa usapingpantrapiko lalo na sa Kamaynilaan at mgakaratig-lugar.

Sa simula, maaaring isisi sa tao angpagiging huli niya sa pagpasok sapaaralan, subalit kung susuriin ang isyungito, masasabing ang palagiang pagpasoknang huli ay bunga ng malawakangsuliraning pantrapiko.

Kung gagamitin ang SociologicalImagination, maiuugnay na hindi lamangpersonal na isyu ang dapat harapin kundiisang isyung panlipunan na nakaaapektosa isang indibiduwal.

Page 50: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Ano nga ba ang kaibahan ngisyung personal at isyungpanlipunan?

Page 51: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Isyung Personal at Isyung Panlipunan

Ang mga isyung personal ay sinasabingnagaganap sa pagitan ng isang tao atilang malalapit sa kanya.

Ang solusyon sa isang isyung personal aynasa kamay ng indibiduwal. Maituturingang isyung ito na pribadong bagay nanararapat solusyunan sa pribadongparaan.

Samantala ang isyung panlipunan ay isangpampublikong bagay. Karaniwang kaugnayito ng krisis o suliranin sa mga institusyongpanlipunan.

Mga suliranin ito na nakakaapekto hindilamang sa isang tao kundi sa lipunan sakabuuan.

Page 52: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Isyung Personal at Isyung Panlipunan

Mahalagang malaman mo na sa kabila ngpagkakaiba ng isyung personal at isyungpanlipunan, ang dalawang ito aymagkaugnay.

Isang halimbawa nito ay ang mga hamonat isyung pangkapaligiran.

Ang makalat na bakuran ay isanghalimbawa ng isyung personal subalit kungang isang barangay o bayan ay magigingmakalat dulot ng kawalan ng maayos nasistema ng pagtatapon ng basura, ito aymaituturing na isyung panlipunan.

Idagdag pa rito ang masamang epekto sakalusugan at ekonomiya ng isang lugarkung ito ay mabaho, makalat, at walangmaayos na sistema ng pagtatapon ngbasura.

Page 53: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Isyung Personal at Isyung Panlipunan

Mayroon ding mga isyu na may kaugnayan saekonomiya.

Isang magandang halimbawang ibinigay ni C.Wright Mills (1959) ng pagkakaiba ng isyungpersonal at isyung panlipunan ay tungkol sakawalan ng trabaho.

Kung sa isang komunidad na may 100,000mamamayang maaaring maghanapbuhay aymay isang walang trabaho, maaring ituring itobilang isang isyung personal. Subalit kung saisang lipunang mayroong 50 milyong tao at 15milyon sa mga ito ay walang trabaho, maaariitong ituring na “isyung panlipunan”.

Sa malalim na pagtingin, maaaring magingkongklusyon na may kakulangan sa lipunan oistruktura nito na nagdudulot ng kawalan ngtrabaho ng maraming mamamayan dito.

Page 54: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Isyung Personal at Isyung Panlipunan

Mayroon din namang ilang pangyayari namaituturing na isyung panlipunan subalit makikitaang epekto sa personal na buhay ng isang tao.

Ang mga digmaan ay maituturing na isyungpanlipunan subalit hindi maikakaila ang epektonito maging sa personal na buhay ng mga tao salipunang puno ng kaguluhan at karahasan.

Gamit ang kasanayan na Sociological Imagination,bilang bahagi ng lipunang iyong ginagalawan,mahalagang maunawaan mo na ang mgapersonal na isyung nararanasan mo ay maykaugnayan sa isyu at hamong panlipunan.

Hindi rin maikakaila na mayroon kangmahalagang papel na gagampanan sa pagtugonsa mga isyu at hamong kinahaharap ng lipunansa kasalukuyan.

Page 55: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Gawain 5. Personal o Panlipunan?Gamit ang Venn diagram ay ibigay angpagkakatulad at pagkakaiba ng isyung personalat isyung panlipunan.

Page 56: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan

Gawain 6.Pangatuwiranan mo!Basahin ang mgasituwasyon sa unangkolum. Ipaliwanagang sanhi at epektong bawatsituwasiyon gamitang SociologicalImagination.Pagkatapos, punanng tamang sagotang kahon ngpaglalahat.

Page 57: AP 10 - Aralin – Isyu at Hamong Panlipunan