16
Ang Pangkabuhayan sa Pamamahala ng mga Espanyol

Aralin 2 ang pangkabuhayan sa pamamahala ng mga espanyol

  • Upload
    connie

  • View
    1.381

  • Download
    33

Embed Size (px)

Citation preview

Ang Pangkabuhayan sa Pamamahala ng mga Espanyol

Isa rin sa binago ng mga Espanyol ang payak na paraan ng pamumuhay ng ating mga ninuno. Marami silang pinairal na mga patakaran na sinasakupan ang pangkabuhayan ng mga Pilipino- isang hakbang na unti-unting nagpapahirap sa mga katutubo. Isa na rito ang sistemang encomienda.

Narito ang iba pang patakarang pangkabuhayan na pinairal ng mga Espanyol noon, at ang naging epekto ng mga ito sa ating mga ninuno.

Ito ang kauna-unahang patakarang pinairal ng mga Espanyol pagkatapos nilang maipahayag ang pagkakaangkin sa lugar ng kanilang nasakop. Sinasabi nilang ang buwis na ito ay tungkulin bilang pagkilala sa kapangyarihan ng hari ng Espanya.

PAGBUBUWIS

May halagang walong reales hanggang piso ang ibinabayad na buwis.

Tinanggal ang pagbubuwis noong taong 1884 at pinalitan ito ng sistemang cedula. Ang lahat ng mamamayang may labingwalong taon pataas ay kinakailangang magbayad ng cedula na nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang tao.

Ito ay sapilitang paggawa ng walang kabayaran na ipinapalagay na paghahandog sa hari ng Espanya at sa simbahan. Sa sistemang ito, ang lahat ng kalalakihan na may edad labing-anim hanggang animnapu ay sapilitang pinagtatrabaho ng mga mabibigat na gawain para sa bayan. Ilan sa kanilang ginagawa ay ang paggawa ng mga kalsada, simbahan, tulay, mga paaralan, at mga gusaling pampamahalaan.

POLO Y SERVICIOS

Sa katunayan, ang itinadhana ng sistemang polo ng hari ay bayaran ang mga manggagawa; ang mga malulusog at malalakas lamang ang magtrabaho, at hindi sila malalayo sa kanilang pamilya. Subalit, sa pagmamalabis ng mga tagapangasiwa, wala sa mga alituntuning ito ang nasunod, kung kaya ito ay nagdulot ng kahirapan sa mga mamamayan.

Noon pa man ay kilala na sa pagtatanim ng tabako ang mga lalawigan ng Ilocos, Nueva Ecija at Marinduque. Ito ay sinamantala ng mga Espanyol at kanilang pinairal ang monopolyo ng tabako. Ayon sa sistemang ito, ang bawat pamilya ay dapat makapagtanim ng 40,000 halamang tabako sa isang taon.

MONOPOLYO NG TABAKO

Ang pamahalaan lamang ang may karapatang bumili ng ani nito. Kapag ang kanilang pananim ay nasalanta ng bagyo o ano pa mang disgrasya, kailangang magbayad ng multa ang mga mgasasaka. Ang pinakapagmamalabis na ginawa ng mga tagapangasiwa ay binabawian ng lupa ang magsasakang hindi nakakabayad ng multa. Nakarating ang paang-aabusong ito sa kaalaman ng hari at ipinag-utos na itigil ang monopolyo.

May dalawa at kalahating siglo ring nagkaroon ng eksklusibong ugnayang pangkomersyo ang Pilipinas at Mexico. Ito ang tinatawag na galleon trade. Ang galleon trade ay ipinangalan sa isang barkong naglalayag isang beses sa isang taon mula Maynila hanggang Acapulco sa Mexico at pabalik.

KALAKALANG GALYON

Ang galyong mula sa Maynila ay may kargang mga produkto tulad ng mga Chinese silk, mga porselana, telang yaring Pilipino, tabako at mga inukit na kahoy. Pagbalik naman nito mula Acapulco ay dalang mga salaping pilak, alak, lana, sardinas, mga opisyal na papeles, at mga taong hahawak sa puwesto sa pamahalaan. Ang galyon din ang nagdadala ng taunang subsidy o pinansyal na tulong mula sa Viceroy ng Mexico.

Naging malaki ang pakinabang sa galleon trade ng mga mangangalakal na Espanyol at ng mga opisyal na namamahala rito. Natigil ang kalakalang galyon noong 1815 nang maghimagsik ang Mexico laban sa Espanya. Nang lumaya ang Mexico sa kamay ng Espanya noong 1821 ay nagmula na sa Madrid ang pamamahala sa Pilipinas.

Naging mabuting Gobernador-Heneral si Jose Basco y Vargas. Nang maihalal siya ng hari ay marami siya pinairal na pagbabago sa ekonomiya sa Pilipinas. Unang-una ay itinatag niya ang Sociedad Economico delos Amigos del Pais (Economic Society of Friends of the Country). Ito ay binubuo ng mga mangangalakal na Espanyol na makakatulong sa proyektong ito. Ito ang naging simula ng isang sistematikong pangangasiwa ng bansa at lubusang nalinang at napaghusay ang agrikultura at industriya ng Pilipinas para tugunan ang pangangailangan ng Espanya.

GOBERNADOR-HENERAL BASCO

MGA BAGONG SALITA:1. Cedula – dokumentong nagsisilbing

pagkakakilanlan ng isang tao

2. Polo y servicios - sapilitang paggawa na ipinapahayag na paghahandog ng

serbisyo sa hari ng Espanya

3. Galleon – sasakyang dagat kung saan isinasakay ang mga kalakal galing ng Pilipinas at Mexico.

Ipaliwanag ang mga sumusunod:

1. Pagbubuwis2. Cedula3. Polo y Servicios4. Monopolyo ng Tabako5. Kalakalang Galyon

Mag-aral nang mabuti