12
Ano ang kooperatiba? Ibigay ang mga layunin nito. Nakakatulong ba ito sa pag- unlad ng mag-anak sa pamayanan?

Aralin 80 mga salik na dapat isaalang-alang sa pagtatatag ng tindahang kooperatiba epp 4th quarter

Embed Size (px)

Citation preview

Ano ang kooperatiba?

Ibigay ang mga layunin nito.

Nakakatulong ba ito sa pag-unlad ng mag-anak sa pamayanan?

PAG-AALIS NG SAGABAL:1. SALIK – mahalagang elemento, bahagi, sangkap2. PUHUNAN – kapital, perang naipon o nakamit para gamiting pang umpisa ng negosyo para lalo pa itong lumago.3. STOCK – isang klase ng pagmamay-ari na may mataas na claim sa mga asset at kita.

PAG-AALIS NG SAGABAL:4. ALITUNTUNIN – kaparaanan, regulasyon, kautusang ipinapatupad upang maging maayos ang takbo ng isang gawain.5. BUWIS - ito ang perang binibigay ng mga taong may mga negosyong pag-aari sa pamamagitan ng tax na binibigay nila sa BIR. - ito ay isang pananagutang pampananalapi na ipinapataw ng gobyerno.

MGA SALIK NA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGTATATAG NG TINDAHANG

KOOPERATIBA:1. LUGAR - ang pagtatayuan ng tindahan ay dapat matao at naipapaabot ang paglilingkod o serbisyo. - kung matao ang lugar, makakaasa ng pagtangkilik ang itatayong kooperatiba.

2. PUHUNAN - ay ang nalikom na halaga mula sa sapi o sosyo ng mga kasapi. Ang tawag dito ay di-pantaong puhunan. - ang paglilingkod o serbisyo ay mabibilang din sa puhunan. - ang kooperatiba ay nangangailangan ng sapat na puhunan para matugunan ang pangangailangan ng mga kasapi. - hindi maitatatag ang kooperatiba na walang puhunan.

3. KASAPI -kailangan ng isang kooperatiba ng mga kasaping matapat, matulungin, mapagtangkilik sa lahat ng mga napagkasunduan.

4. MAMIMILI - ay maaaring kasapi o di-kasapi ng kooperatiba ngunit ang may unang karapatang mamili ay ang kasapi. - Dapat din tingnan o isaalang-alang ang kakayahan ng mga mamimili at ang kanilang hilig sa pamimili.

5. PARAAN NG PAGTITINDA at PAMIMILI - mayroong tingian kung saan ang pagtitinda ay pira-piraso o kaunting dami. Mayroon namang maramihan o pakyawan. - Ang pagtukoy sa paraan ng pagtitinda o pamimili ay nakasalalay sa uri ng mamimili.

URI NG TINDAHAN SA PAMAYANAN AT SENTRO NG KOMERSYO:1. Tindahang nilalako2. Tindahang semi-permanente3. Tindahang permanente

TANDAAN:1. Ang kooperatiba ay hindi tatakbo

ng walang puhunan.2. Ang lugar na pagtatayuan ng

tindahang kooperatiba ay dapat mataong pook.

3. Isinaalang-alang ang kakayahan at ugali ng mamimili sa pagtatatag ng kooperatiba.

PAGTATAYA: Si Mang Teban ay may planong magtatag ng tindahang kooperatiba. Anong mga salik ang dapat niyangisaalang-alang? Ipaliwanag ang mga ito sa kalahating papel.

TAKDA: Pag-aralan ang mga ugali sa pamimili ng mga tao sa inyong pook. Iulat ito sa klase sa susunod na sesyon.