24
Prepared By: Jessabel Carla L. Bautista Social Studies Teacher Tagudin National High School Mabini, Pangasinan Aralin 9 Ang mga Kabihasnan sa Mesoamerica at South America

Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

  • Upload
    kheesa

  • View
    11.981

  • Download
    0

Embed Size (px)

DESCRIPTION

 

Citation preview

Page 1: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Prepared By:Jessabel Carla L. Bautista

Social Studies TeacherTagudin National High

SchoolMabini, Pangasinan

Aralin 9Ang mga Kabihasnan sa Mesoamerica at South

America

Page 2: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Sa panahon ng pinakahuling Ice Age, natakpan ng mga Glacier ang malaking bahagi ng North America at Europe. Ipinapalagay ng mga siyentista na ang Bering Strait sa pagitan ng Asya at North America ay dating isang tuyong lupain na tila nagsilbing tulay sa kontinente.

Mga Unang Ugnayang Asya-America

Page 3: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Sa pagkatunaw ng mga glacier at pagkawala ng mga tulay na lupa sa Asya , naputol ang ugnayan sa pagitan ng mga tao sa America at sa iba pang mga kabihasnang umusbong sa iba’t-ibang panig ng daigdig.

Ang pangyayaring ito, ay nakapagpaliwanag sa pagkakaiba ng mga teknilohiyang nalinang ng mga sinaunang tao sa America kung ihahambing sa iba pang mga kabihasnan.

Page 4: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Mesoamerica – hango sa katangang “meso” o gitna.

Ito ay lunduyan ng kabihasnan sa America.

Ang Mesoamerica o Central America ay ang rehiyon sa pagitan ng Sinoloa River Valley sa Gitnang Mexico at Gulf of Fonseca sa katimugan ng El Slavador.

Heograpiya ng Mesoamerica

Page 5: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Sa kasalukuyang, saklaw ng Mesoamerica ang malaking bahagi ng Mexico, Gautemala, Belize, El Salvador, at kanlurang bahagi ng Honduras.

Sa lupaing ito, ang malaking pagkakaiba sa elebasyon ng lupa at dalas ng pag-ulan ay nagdudulot ng iba’t-ibang uri ng klima at ekolohiya sa iba’t-ibang bahagi ng rehiyon.

Page 6: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Ang mga sinaunang tao ay nagtatanim ng mais at iba pang mga produkto sa matabang lupain ng Yucatan Peninsula. Sa pagsapit ng 1500 B.C., maraming taga-Mesoamerica ang nagsimulang manirahan sa mga pamayanan.

Ang mga Pamayanang Nagsasaka

Page 7: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Nagkaroon din ng ilang mga angkang pinangibabawan ang aspetong pang-ekonomiya, panreliyon.

Page 8: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Kauna-unahang kabihasnang umusbong sa Central America (at maaring sa kabuuang America)

Olmec- nangangahulugang rubber people, dahil sila ang kauna-unahang taong gumamit ng dagta ng mga punong rubber o goma.

Yumabong sa rehiyon ng Gulf Coast sa katimugang Mexico na nang lumaon ay lumawig hanggang Guatemala.

Ang mga Olmec

Page 9: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Pamayanang agrikultural, ang sistemang irigasyon na itinayo rito ay nagbigay-daan upang masaka ang kanilang lupain.

Nakagawa ng mga kalendaryo.Gumamit ng isang sistema ng pagsusulat na may pagkakatulad sa hieroglyphics ng mga Egpytians at nakalinang ng mga katangi-tanging akda ng sining.

Page 10: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Isang panritwal na laro na kahalintulad ng larong basketball, subalit ang manlalaro ay hindi maaring gumamit ng kanilang kamay upang hawakan ang bolang yari sa goma. Sa halip ay gagamit ng mga siko at baywang, tinatangka ng mga manlalaro na ihulog at ipasok ang bola sa isang maliit na ring na gawa sa bato at nakalagay sa mataas na pader.

Pok-a-tok

Page 11: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Pinaniniwalan ng mga arkeologo na ang ilang mga manlalaro ay ginawang sakripisyo matapos ang nasabing laro.

Page 12: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Kilala rin sa paglililok ng mga anyong ulo mula sa bato, maaring ang mga lilok na ito ay hango sa anyo ng kanilang mga pinuno.

Sila rin ay nakagawa ng mga templong hugis-piramide sa ibabaw ng mga umbok ng lupa, ang mga estrukturang ito ay nagsisilbing mga lugar-sambahan ng kanilang mga diyos.

Mahalaga sa paniniwalang Olmec ang hayop na jaguar na pinakakinatatakutang maninila (predator) sa Central America at South America. Ito ay nagpapakita ng lakas, katuksuhan, at kakayahang manirahan saan mang lugar. Agresibo at matapang.

Page 13: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Katulad ng iba pang mga kulturang umusbong sa America, ang kabihasnang Olmec ay humina at bumagsak. Sinasabing sila ay maaring nakihalubilo sa iba pang mga pangkat na sumakop sa kanila.

Page 14: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Isa sa mga dakila at pinakamalaking lungsod .

Teotihuacan – nangangahulugang “tirahan ng diyos”.

Ang Mga Teotihuacan

Page 15: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Ang piramide, liwasan, at lansangan ay nagbigay karangyaan, kadakilaan, at kapanyarihan sa lungsod.

Naging sentro ng pagawaan ang lungsod samantalang ito ay nagkaroon ng monopolyo sa maahahalagang produkto tulad nito cacao, goma, balahibo, at obsidian

Pag-unlad

Page 16: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Matagumpay na pinamunuan ng mga dugong bughaw o nobility ang malaking bhagdan ng populasyon. Ito ay naganap sa pamamagitan ng pagkontrol sa ekonomiya, pang-angkop sa relihiyon at pagpapasunod nang puwersahan.

QUETZALCOATL – ang Feathered Serpent God

pinakamahalagang diyos ng Teotihuacan.Tinawag na diyos ng kabihasnan,

pinaniniwalaang sa kanya nagmula ang iba’t-ibang elemento ng kabihasnan ng Teotihuacan.

Kinakatawan din niya ang puwersa ng kabutihan at liwanag. Siya rin ang diyos ng hangin.

Page 17: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Noong 600 C.E., ang ilang tribo sa hilaga ay sumalakay sa lungsod at sinunog ang Teotihuacan. Mabilis na bumagsak ang lungsod, ang paghina ng lugar ay maaring dulot ng mga banta mula sa karatig-lugar, tag-tuyot, at pagkasira ng kalikasan.

Pagbagsak

Page 18: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Namayani ang kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa timog Mexico hanggang Guatemala.

Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa pamamahala.

HALACH UINIC o “tunay na lalaki” – pinalawig ang mga pamayanang urban na sentro rin ang kanilang pagsamba sa kanilang mga diyos.Nang lumaon, nabuo rito ang mga lungsod-estado.

Kabihasnang Maya

Page 19: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Banaag sa kaayusan ng lungsod ang pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan, hiwalay ang tirahan ng mahihirap at nakaririwasa.

Ang sentro ng bawat lungsod ay isang piramide na ang itaas na bahagi ay dambana para sa mga diyos. May mga templo at palasyo sa tabi ng piramide.

Page 20: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Produktong pangkalakal ay mais, asin, tapa, pinatuyong isda, pulot-pukyutan, kahoy at balat ng hayop.

Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin.

Dahil sa kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng mga Maya, ang sinamba nilang diyos ay may kaignayan sa pagtatanim tulad ng ulan at mais.

Ekonomiya

Page 21: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Sa pagitan ng 850 C.E. at 950 C.E. ang karamihan sa mga sentrong Maya ay tuluyang inabandona o iniwan.At wala pang lubusang makapagpaliwanag sa pagbagsak ng kabihasnang ito.

Ayon sa ilang dalubhasa, maaring pagkasira ng kalikasan , paglaki ng populsyon at patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina nito.

Pagbagsak

Page 22: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Ang imperyo ng mga Toltec ay umusbong sa Central Mexico noong ika-10 dantaon C.E. kung saan ang pangunahing lungsod ay ang Tula.

Halos kakaunti lamang ang nalalaman sa mga Toltec, ito ay sa kadahilanang sinalakay ng mga Aztec ang Tula upang kunin ang mga materyales nito para sa kanilang sariling kabisera.

Ang Mga Toltec

Page 23: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

Ang kaalaman ukol sa mga Toltec ay mula sa mga alamat na hango sa mga sumusunod na kabihasnan at batay sa mga panulat ng mga Aztec.

NAHUATL – tawag sa wika ng mga Toltec, na lumaon ginamit din ng mga Aztec.

Kauna-unahang kulturang gumamit ng puwersang militar upang masakop ang kanilang mga karating-lugar.

Page 24: Aralin 9 ang mga kabihasnan sa mesoamerica at south amerika (3rd yr.)

CHALCHIUH TLATONAC – kauna-unahang hari at taga-pagtatag ng Tula.

Ang mga pinuno ng mga Toltec ay lumikha ng kaisipan na namalagi sa mga tao ng Central America.Ang mga pinuno ng mga Toltec ay pinaniniwalaang diyos.

Page 89.