19
Aralin 6 Produksyon Ang GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!

Aralin Panlipunan 6 - Produksyon

Embed Size (px)

Citation preview

Aralin 6ProduksyonAng GRADES pinaghihirapan HINDI inililimos!

Balik-aral:

Ang ekonomiks ay nakatuon sa pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang-yaman sa kabila ng walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao.

Bakit mahalaga ang pagpapasya sa pagtugon sa kagustuhan ng tao?

Produksyon

Paglikha ng kalakal o serbisyo na tumutugon sa mga pangangailangan at kagustuhan ng tao.

Proseso kung saan pinagsasama ang mga salik ng produksyon (input) upang mabuo ang isang produkto (output).

INPUT OUTPUTPROCESS

Salik ng Produksyon

Tumutukoy sa mga sangkap sa paggawa ng isang kalakal. Hindi mabubuo ang isang kalakal kung wala ang kahit isa sa mga ito.

lupa

paggawa

kapital

entreprenyur

Produkto

Lupa

Lahat ng bagay na may pakinabang sa tao na mula sa kalikasan.

Pinakagamit sa lahat ng uri ng pinagkukunang-yaman.

Paggawa (Labor) Tumutukoy sa mga taong

nag-uukol ng lakas na pisikal at mental sa paglikha ng mga kalakal o paglilingkod

Sila ang gumagamit at nagpapaunlad ng pinagkukunang yaman upang magkaroon ng kapakinabangan

Mga Uri ng Lakas-Paggawa

Propesyunal – mga nakapagtapos ng kolehiyoManggagawa

Skilled – may mataas na antas ng kaalaman, kasanayan at karanasan

Semi-skilled – ang kasanayan, kaalaman at karanasan ay higit na mababa kaysa sanay na manggagawa (skilled workers)

Unskilled – mga taong walang kaalaman, kasanayan at karanasan

SOURCE: DOLE

Kapital

Mga bagay na gawa ng tao na ginagamit sa paglikha ng mga kalakal at paglilingkod.

Uri ng Kapital ayon sa Pagpapalit Anyo

Circulating Capital – kapital na mabilis magpalit-anyo at mabilis maubos (hal. langis, kuryente, asukal).

Fixed Capital – kapital na hindi mabilis magpalit ng anyo at matagal ang gamit (hal. gusali, makinarya, sasakyan).

Entreprenyur

Tumutukoy sa mga taong namamahala sa ibang salik ng produksyon (lupa,paggawa at kapital) upang makalikha ng kalakal o serbisyo.

Tinatawag din sila bilang mga negosyante.

Mga Antas ng Produksyon

Ang produksyon ng kahit na anong kalakal ay dumadaan sa sa iba’t ibang antas: Primary stage – pagkalap ng mga hilaw na

sangkap (raw materials) Secondary Stage – pagproproseso ng hilaw na

sangkap (refining process) Final Stage – pagsasa-ayos ng mga tapos na

produkto (packaging, labeling and distribution) para mapakinabangan ng tao.

Primary Secondary Final

Halaga ng produksyon

Tumutukoy sa halagang ginagastos upang makalikha ng kalakal.

Ang halaga ng produksyon ang nagiging batayan sa pagtatakda ng presyo ng isang kalakal.

Halaga ng produksyon

renta sahod Interest tuboHalaga

ng kalakal

lupa paggawa kapital entreprenyur

Uri ng Halaga ng Produksyon

Fixed Cost (FC) – mga gastusin na hindi nagbabago kahit mataas o walang produksyon (hal. fire insurance, interest ng utang, upa sa gusali).

Variable Cost (VC) – mga gastusin na nagbabago habang tumataas ang produksyon (hal. kuryente, office supplies, pasahod sa mga manggagawa).

Total Cost (TC) – kabuuang gastusin ng produksyon. Ito ang nagiging batayan ng presyo ng kalakal

TC=FC+VC

BUOD:

Ang produksyon ay ang paglikha ng mga kalakal gamit ang pinagsama-samang salik nito.

Ang produksyon ay isang irreversible na proseso.

Tanda ng paglago ng ekonomiya ang pagtaas ng antas ng produksyon.

• Ano sa inyong palagay ang kalakal na dapat

maging priyoridad ng produksyon ng

ekonomiya.

PAGPAPAHALAGA

References:

EKONOMIKS 10 Araling Panlipunan – Modyul para sa Mag-aaral Unang Edisyon 2015

Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House

De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI

Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI

Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI