28
ARALIN17 ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

Aralin17 AP 10

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Aralin17 AP 10

ARALIN17

ANG

PAMBANSANG

EKONOMIYA

Page 2: Aralin17 AP 10

1. Nailalarawan ang ibat ibang modelo ng pambansang

ekonomiya.

2. Natutukoy ang mga sektor sa bawat modelo na

nakaiimpluwensya sa takbo o galaw ng ekonomiya;

3. Naipaliliwanag ang ugnayan at epekto ng mga

pangunahing tagapagganap o sektor sa kalakaran nito; at

4. nasusuri ang mga pamamaraan ng pagsukat ng

pambansang kita.

Page 3: Aralin17 AP 10

Sinisikap ng makroekonomics na makabuo ng pamamaraan

upang mapatatag ang pambansang ekonomiya. Sinusuri nito

kung paano nakaaapekto ang mga desisyon at kinikilos ng iba’t

ibang sektor sa pambansang ekonomiya. Sinisikap din nitong

pag- aralan ang naidudulot na katatagan o kahinaan ng

pambansang ekonomiya sa iba’t ibang sektor.

Page 4: Aralin17 AP 10

Gumagamit ng Modelo sa pagsusuri ang makroekonomiks.

Ang modelo ay representasyon ng isang ipinaliliwanag na

kosepto o kaganapan. Sa pamamagitan ng modelo, naipapakita

nang simple ang realidad. Maaaring isa rin itong abstract

generalization kung paano nag kakaugnay-ugnay ang mga

datos.

Page 5: Aralin17 AP 10

May iba’t ibang modelo ang pambansang ekonomiya.

Depende ito sa uri ng sistema ng ekonomiya. Depende rin ito

sa saklaw ng mga gawaing makikita rito. Sa araling ito, pag

tutuunan ng pansin ang mga modelo ng pambansang

ekonomiya sa loob ng sistemang pamilihan. Mamamalas sa

mga ito ang pamamaraan ng paglikom ng pambansang kita.

Page 6: Aralin17 AP 10

Ang unang modelo ay naglalarawan ng isang simpleng

ekonomiya. Ang sambahayan at bahay-kalakal ang mga

pangunahing aktor sa modelong ito. Dito ang sambahayan at

bahay-kalakal ay iisa. Ang lumilikha ng produkto ay siya ring

konsiyumer.

Page 7: Aralin17 AP 10

Halimbawang ikaw ay napunta sa pulong walang tao at sakaling

walang pagkakataon na ikaw ay makaalis agad doon, ano ang

nararapat mong gawin upang mabuhay? Maaaring gumawa ka ng

paraan upang matugunan ang sarili mong pangangailangan dahil

wala namang gagawa nito para sa iyo. Ikaw ang maghahanap ng

pagkain,gagawa ng sariling bahay,at bubuo ng sariling damit. Sa

madaling salita, ang sambahayan at bahay kalakal ay ikaw

lamang.

Page 8: Aralin17 AP 10

Ang pag-iral ng sistema ng pamilihan sa pambansang

ekonomiya ang tuon ng ikalawang modelo. Ang sambahayan

at bahay kalakal ang mga pangunahing sektor dito. Sila ay

binubuo ng iba’t ibang aktor. Sa puntong ito masasabing

magkaiba ang sambahayan at bahay kalakal.

Page 9: Aralin17 AP 10

Ang sambahayan ay may demand sa produkto. Ngunit wala

itong kakayahang gumawa ng produkto. Ang bahay-kalakal

ang tanging may kakayahang lumikha ng produkto. Ngunit

bago makalikha ng produkto, kailangan ng bahay-kalakal na

bumili o umupa ng mga salik ng produksyon .

Sa paggamit ng mga kapital na produkto, kailangang

magbayad ng interes ang bahay-kalakal. Sa paggamit ng lupa,

magbabayad ito ng renta o upa. Sa paggamit ng paggawa,

magbibigay ito ng pasahod. Ang sambahayan din ang may

suplay ng abilidad ng entreprenyur.

Page 10: Aralin17 AP 10

May kita na nakukuha ang entreprenyur sa pagpapatakbo ng

negosyo. At ang kita ng entreprenyur ay nabibilang sa kita ng

sambahayan. Apat ang pinagmulan ng kita ng sambahayan

.kumikita ang sambahayan sainteres,kita ng

entreprenyur,renta o upa at pasahod sa paggawa. Sa pananaw

naman ng bahay-kalakal, ang mga ito ay gastusin sa salik ng

produksyon.

Matapos ang produksyon, makikipag-ugnayan ang bahay-

kalakal sa sambahayan sa pamilihan ng kalakal at

paglilingkod. Dito bibili ang sambahayan ng produkto na

makatutugon sa kanilang pangangailangao kagustuhan.

Page 11: Aralin17 AP 10

Gagamitin ng sambahayan ang kanilang natanggap na kita

upang makabili ng produkto. Sa pananaw ng sambahayan, ito

ay gumagastos sa pagbili ng produkto. Kung saan gumagastos

ang sambahayan, doon kumikita ang bahay-kalakal.

Mamamalas dito ang interdependence ng sambahayan at

bahay-kalakal. Sila ay umaasa sa isa’t isa upang matugunan

ang kanilang mga pangangailangan at kagustuhan.

Page 12: Aralin17 AP 10

Ang ikatlong modelo ay mayroong dalawang pangunahing

sektor- ang sambahayan at bahay-kalakal. Isinasaalang- alang

ng sambahayan at bahay-kalakal ang kanilang mga desisyon

sa panghinaharap.

Page 13: Aralin17 AP 10

Sa ikatlong modelo, hindi ginagamit ng sambahayan ang

lahat ng kita para sa pamimili. Hindi lamang

pangkasalukuyang produksyon ang iniisip ng bahay-kalakal.

Bukod sa pamimili at paglikha ng produkto,ang pag-

iimpok(savings) at pamumuhunan(investments) ay nagiging

mahalagang gawaing pang-ekonomiya. Nagaganap ang mga

nasabing gawain sa mga pamilihang pinansyal (financial

market).

Page 14: Aralin17 AP 10

.

Tatlo ang pamilihan sa ikatlong modelo. Ang mga pamilihan

ay para sa salik ng produksyon,commodity o tapos na

produkto. At para sa mga pinansyal na kapital.

Nag-iimpok ang mga mamimili bilang paghahanda sa

hinaharap. Hindi nito gagastusin ang isang bahagi na

natanggap na kita. Ang bahagi ng kita na hindi ginastos ay

tinatawag na impok (savings). Ito ay inilalagak sa pamilihang

pinansyal. Kabilang sa naturang pamilihan ang mga

bangko,insurance company, pawnshop at stock market.

Page 15: Aralin17 AP 10

Sa pagtagal ng panahon, hindi lamang pagtubo ang iniisip ng

bahay-kalakal. Ninanais din nitong mapalawak ang negosyo

sa iba’t ibang panig ng bansa o daigdig. Maaaring hindi sapat

ang puhunan nito sa pagpapalawak ng negosyo. Ngunit

maaaring patuloy namang gaganda ang negosyo nito kung

lalawak ang sakop ng produksyon nito.

Maaring manghiram ang bahay-kalakal ng karagdagang

pinansyal na kapital . Ito ang gagamitin na puhunan sa

nasabing plano ng produksyon. Hihiram ang bahay-kalakal sa

sambahayan sa pamamagitan ng pamilihang pinansyal.

Page 16: Aralin17 AP 10

Ang bahagi ng interes na binabayaran ng bahay-kalakal ay

magiging kabayaran sa sambahayan.kumikita ng interes ang

sambahayan mula sa pag-iimpok. Ito ay dahil sa inilalagak

nitong ipon bilang puhunan ng mga bahay-kalakal. Para sa

sambahayan, ang interes ay kita. Para sa bahay-kalakal ito ay

mahalagang gastusin.

Ang pag-iimpok at pamumuhunan ay hindi orihinal na mga

gawaing pang-ekonomiya ito ay nagaganap dahil

nagkakaroon ng pagpaplano sa hinaharap ang mga naturang

aktor. Kung walang pagpaplano sa hinaharap ang mga aktor,

walang pagpaplano at pamumuhunan.

Page 17: Aralin17 AP 10

Ito ang modelo ng ekonomiya na kung saan ang pamahalaan

ay lumalahok sa sistema ng pamilihan. Maaaring maliit ang

gampanin ng pamahalaan dito. Maaaring malaki rin at

aktibo ang pamahalaan dito.

Page 18: Aralin17 AP 10

Kung ang unang gampanin ang pagbabatayan, ang

pamahalaan ay pamahalaan ay kabilang sa polital na sektor.

Labas ang pamahalaan sa usapin ng pamilihan. Kung ang

huli ang pagbabatayan, papasok ang pamahalaan bilang

ikatlong sektor ng modelo. Ang naunang dalawang sektor ay

ang sambahayan at bahay-kalakal.

Bukod sa pag-iimpok at pamumuhunan, ang pagbabayad ng

buwis ay nagiging karagdagang gawain sa ekonomiya.

Page 19: Aralin17 AP 10

Ang pagbabayad ng buwis ay hindi gawain ng sambahayan at

bahay-kalakal sa sa isang pamilihan.

Sumisingil ng buwis ang pamahalaan upang kumita. Ang kita

mula sa buwis ay tinatawag na public revenue. Ito ang

ginagamit ng pamahalaan upang makalikha ng pampublikong

paglilingkod. Ang mga pampublikong paglilingkod ay nauuri

sa pangangailangan ng sambahayan at bahay-kalakal. Sa

ikaapat na modelo ang kita ng pambansang ekonomiya ay

maitatakda sa kabuuang gastusin ng sambahayan,bahay-

kalakal at pamahalaan.

Page 20: Aralin17 AP 10

Maitatakda rin ang pambansang kita sa pamamagitan sa

pamamagitan ng kabuuang kita ng sambahayan,bahay-kalakal

at pamahalaan.

Ang paglago ng pambansang ekonomiya ay may tatlong

pinagbabatayan: una, ang pagtaas ng produksyon; ikalawa,

ang produktibidad ng pamumuhunan; at ikatlo, ang

produktibidad ng gawain ng pamahalaan.

Page 21: Aralin17 AP 10

Sa naunang apat na modelo, ang pambansang ekonomiya ay

sarado. Ang saradong ekonomiya ay hindi nakikipag-

ugnayan sa mga dayuhang ekonomiya. Ang tuon lamang ng

mga naunang talakayan ay ang panloob na takbo ng

ekonomiya. Ang perspektiba sa saradong pambansang

ekonomiya ay domestik. Iba pang usapin kapag ang

pambansang ekonomiya ay bukas. May kalakalang panlabas

ang bukas na ekonomiya.

Page 22: Aralin17 AP 10

Ang kalakalang panlabas ay ang pakikipagpalitan ng

produkto at salik ng pambansang ekonomiya sa mga

dayuhang ekonomiya. Ang perspektiba sa pambansang

ekonomiya na bukas ay internasyonal.

Page 23: Aralin17 AP 10

Ang pambansang ekonomiya ay tinatawag na home

economy.

Ang ekonomiyang kaugnay nito ay tinatawag na dayuhang

ekonomiya o foreign economy.

May mga sambahayan at bahay-kalakal ang pambansang

ekonomiya. Pareho din sila na may pinagkukunang-

yaman.Maaaring magkaiba ang kaanyuan at dami nito bilang

salik ng produksyon. Ang pangangailangan sa

pinagkukunang-yaman ay isang basehan sa

pakikipagkalakalan.

Page 24: Aralin17 AP 10

May mga pinagkukunang-yaman na gumagamit bilang

sangkap ng produksyon na kailangan pang angkatin sa

ibang bansa.

Lumilikha ng produkto mula sa pinagkukunang-yaman ang

pambansang ekonomiya. Gayundin ang dayuhang

ekonomiya. Maaaring magkapareho ang kanilang produkto.

Maaari din namang magkaiba. Nakikipagpalitan ang

dalawang ekonomiya ng produkto sa isa’t isa.

Page 25: Aralin17 AP 10

Ang modelo ay representasyon ng isang konsepto o kaganapan. Ito

ay nagbibigay ng konteksto sa pagsusuri ng pambansang

ekonomiya sa makroekonomiks.

Ang modelo ng pambansang ekonomiya ay naglalarawan ng

interdependence ng lahat ng aktor sa isang ekonomiya.

Ang saradong ekonomiya at bukas na ekonomiya ang dalawang

perspektiba sa pagsusuri ng pambansang ekonomiya.

Page 26: Aralin17 AP 10

Sarado ang ekonomiya kapag ang pambansang ekonomiya ay hindi

nakikilahok sa kalakalang panlabas.

Ang simpleng ekonomiya ay ang modelo kung saan kung saan ang

sambahayan ay siya ring bahay-kalakal. Ang lumilikha ng

produkto ay siya ring konsyumer.

Bukas ang ekonomiya kapag ito ay nakikilahok sa kalakalang

panlabas.

Pambansang ekonomiya at dayuhang ekonomiya ang tawag sa mga

nakikipagkalakalang bansa.

Page 27: Aralin17 AP 10

Ang kita ng sambahayang hindi ginagasta ay magiging impok na

ilalagak swa Bangko.Nagkakaroon ng karagdagang puhunan sa

sistema sa pamamagitan ng pangungutang ng bahay-kalakal sa mga

bangko at iba pang institusyong pinansyal.

Ang pamahalaan ay nangongolekta ng buwis sa sambahayan at

bahay-kalakal upang makabuo ng kalakal at serbisyong

pampubliko.

Dahil sa panlabas na sektor, nagaganap ang pag-angkat at

pagluluwas sa pagitan ng mga bansa.

Page 28: Aralin17 AP 10