62
Araling Panlipunan Mga Gawain CL 9 – AMADO V. HERNANDEZ

Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

Araling Panlipunan

Mga Gawain

CL9 – amado V. Hernandez

Page 2: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

ARALIN 2 : Paglawak Ng Kapangyarihan Ng Europe

GAWAIN 1: Sasama Ka Ba!Panuto: Suriin ang kasunod na sitwasyon. Pagkatapos ay isulat mo sa wheel callout ang iyong sagot sa tanong.

CL 1

Panahon: 1430 Sitwasyon: Isang makulimlim na araw. Nasa isang daungan ka ng Europe at nagmamasid sa Karagatang Atlantiko. Hindi mo alam kung anong mayroon sa kabilang dako ng karagatan. ikaw ay naatasan na sumama sa isang paglalayag. Maraming kuwentong nakatatakot ang iyong narinig hinggil sa halimaw ng karagatan at mga barkong lumubog. Mayroon ding mga barkong hindi na muling nakabalik. Sa kabilang banda,may kayamanang naghihintay para sa mga indibidwal na nakibahagi sa paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain.

Page 3: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

Pamprosesong tanong1. Ano ang pabuyang possible mong ma paglalayag?

2. Ano-anong panganib ang naghihintay sa paglalayag?3. Paano kaya nabago ng paglalayag at pa pamumuhay at lipunan ng Europe?

GAWAIN 2: Suriin Mo!Panuto: Suriin ang kasunod na mga larawang kaugnay ng pang-araw-araw mong buhay. Isulat ang naiisip mong naitutulong sa iyo ng bawat isa.

Pamprosesong tanong1. Ano-ano ang nakita mo sa larawan?2. Gaano kahalaga sa iyo ang mensahe ng bawat larawan? Bakit?3. Paano nakatutulong sa iyo ang mga nakalarawan?4. Mabubuhay ka kaya sa kasalukuyan kung wala ang mga nasa larawan? Ipaliwanag.

GAWAIN 3: Bahagdan Ng Aking Pag-UnladPanuto: Sagutan ang unang kahong Ang Aking Alam at ang ikalawang kahong Nais malaman. Samantala, ang ikatlo at ikaapat na kahon Mga Natutuhan at Halaga ng Natutuhan sa Kasalukuyan ay sasagutin mo pagkatapos ng aralin.

GAWAIN 4: Maglayag Ka!

Panuto: Halina’t balikan natin ang ginawang paglalayag at pananakop ng mga Kanluranin sa Unang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin. Basahin mo at unawain ang teksto tungkol dito.

CL 2

Batay sa binasang teksto, anoano ang motibo at salik sa eksplorasyon?

Page 4: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

CL 3

MOTIBO AT SALIKSA EKSPLORASYON

Batay sa binasang teksto, anoano ang motibo at salik sa eksplorasyon?

Bakit ibig ng mga Europeo ang mga spices?Maliban sa mga spices, mayroon pa bang ibang nakukuha ang mga Europeo sa kanilang eksplorasyon?

Bakit ang Portugal ang nanguna sa paghahanap ng spices at ginto?Sino-sino ang mga Portuguese na naglayag at ano-ano ang lugar na kanilang narating?

Bakit hinangad ng Spain ang yaman sa Silangan?

Bakit hinati ni Pope Alexander VI ang mundo sa Portugal at Spain?

Ano ang mahalagang nbunga ng paglalayag ni Magellan?

Paano narating ni Magellan ang Pilipinas?

Page 5: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

GAWAIN 5: Talahanayan Ng ManlalayagPanuto: Batay sa binasa mong teksto, punan ang talahanayan ng hinihinging mga impormasyon tungkol sa mga nanguna sa eksplorasyon.

MGA NANGUNA SA EKSPLORASYON

CL 4

Paano narating ni Magellan ang Pilipinas?

Paano pinalitan ng mga Dutch ang mga Portuguese bilang pangunahing bansang kolonyal sa Asya?

Paano nakatulong sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe ang paglalayag at pagtuklas ng mga lupain?

Mabuti ba o masama ang naging epekto ng unang yugto ng kolonisasyon at imperyalismo? Patunayan.

Page 6: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

PERSONALIDAD BANSANGPINAGMULAN

TAON LUGAR NANARATING/

KONTRIBUSYONHalimbawa:Vasco Da Gama

Portugal 1498 India

Pamprosesong tanong1. Sino-sino ang personalidad na nanguna sa paglalayag? Saang bansa sila nagmula? Anong lugar

ang kanilang nakarating?2. Bakit mahalaga ang pagkakatuklas nila sa mga bagong lupain?3. Ano-anong katangian ang ipinamalas ng mga manlalayag na nanguna sa paggalugad sa daigdig? 4. Paano nakatulong ang mga manlalayag na ito sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe?

5. Kung ikaw ang naatasang maglakbay sa isang lugar na wala pang nakararating, papayag ka ba? Bakit?

GAWAIN 6: Pin The Flag

CL 5

Page 7: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

Panuto: Sa tulong ng mapa sa ibaba, tukuyin ang mga bansang Kanluranin na nanguna sa eksplorasyon sa pamamagitan ng paglalagay ng watawat nito. Gayundin, tapatan ng watawat ng Kanluranin ang mga lugar na kanilang narating at nasakop.

Matapos matukoy ang mga lupaing nasakop ng mga Kanluranin, isulat ang kanilang pangalan sa talahanayan.

BANSANG KANLURANIN BANSANG NASAKOP

1.

2.

3.

4.

5.

Pamprosesong tanong1. Ano-anong bansa ang nanguna sa Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? Ano-anong

bansa ang kanilang nasakop?2. Bakit nanakop ang mga bansang Kanluranin?3. Ano ang naidulot sa Europe ng pagkakaroon ng mga kolonyang bansa?

4. Paano nabago ang buhay ng mga mamamayang nasakop ng mga Kanluranin?5. Sa kasalukuyang panahon, katanggap-tanggap bang manakop pa rin ang mga

makapangyarihang bansa? Bakit?6. Sakaling may bansang makapangyarihan na nagnais sumakop sa iyong bansa, ano ang iyong

gagawin?

GAWAIN 7: Mabuti O Masama ?Matapos ang pagtalakay sa mga pangyayari sa unang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon, tatayain ng gawaing ito kung naunawaan mo mahahalagang konseptong tinalakay. Lagyan ng tsek ang kolum na iyong sagot.

CL 6

Page 8: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

EPEKTO NG UNANG YUGTO NG IMPERYALISMO

AT KOLONISASYON

NAKABUTI NAKASAMA DAHILAN

1. Paglakas ng ugnayan ngSilangan at Kanluran.

2. Paglaganap ngsibilisasyong Kanluranin saSilangan.

3. Pagbabago ngecosystem ng daigdigbunga ng pagpapalitan nghayop, halaman at sakit.4. Paglinang ng mgaKanluranin sa likas nayaman ng mga bansangnasakop.5. Interes sa mga bagongpamaraan at teknolohiyasa heograpiya atpaglalayag.

Pamprosesong tanong1. Ano-ano ang mabubuting epekto ng Unang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? Ano-ano

ang masasamang epekto?2. Sino ang higit na nakinabang sa Unang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon: ang mga

Kanluranin ba o ang mga sinakop na bansa? Bakit?3. Pabor ka ba na muling mapasailalim sa mga mananakop ang ating bansa? Bakit?

GAWAIN 8: Ikaw At Ako. Lahat Tayo!Panuto: Alamin ang pangyayaring kaugnay ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal. Basahin at unawain ang sumusunod na teksto. Pagkatapos ay humanda sa pangkatang gawain

CL 7

Page 9: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

CL 8

Ano ang ibig sabihin ng teoryang heliocentric?

Paano ipinaglaban nina Kepler at Galileo ang kanilang paniniwala?

Paano binago ng bagong kaisipan nina Kepler at Galileo ang pagtingin ng mga tao sa daigdig?

Ano ang paliwanag ni Hobbes tungkol sa pamahalaan?

Ano ang pagkakaiba ng paniniwala ni John Locke kay Thomas Hobbes?

Sa mga paniniwalang nabanggit, alin dito ang higit mong pinaniniwalaan?

Paano binago ng Rebolusyong Industriyal ang agrikultura at industriya sa Europe?

Ano-ano ang pagbabagong naganap sa pamumuhay ng mga taga-Europe dahil sa Rebolusyong Industriyal?

Page 10: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

Pagkatapos ng inyong presentasyon ay itala sa Data Chart ang mahahalagang kaalaman para sa mas malinaw na daloy ng impormasyon sa paksa. Magbigay ng reaksiyon tungkol sa naging presentasiyon ng kamag-aral.

DAHILAN KAGANAPAN EPEKTO/ KINALABASAN

CL 9

Bakit sa Great Britain nagsimula ang Rebolusyong Industriyal?

Ibigay ang naitulong ng sumusunod na imbensyon.

1. Steam engine –2. Telepono – 3. Telegrapo –4. Bombilya –

Ano-ano ang naging epekto ng Rebolusyong lndustriyal?

Nakatutulong ba ang mga imbensiyon ng Rebolusyong Industriyal sa pang-arawaraw mong pamumuhay? Patunayan

Page 11: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

Rebolusyong Siyentipiko

Enlightenment

Rebolusyong Industriyal

Pamprosesong tanong1. Ano-ano ang dahilan ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Industriyal?

2. Sino-sino ang mga indibidwal na nanguna sa bawat panahon?3. Ano-ano ang naging epekto ng bawat panahon sa paglawak ng kapangyarihan ng

Europe?4. Bakit naganap ang Rebolusyong Industriyal sa Great Britain?5. Bakit dapat pahalagahan ng mundo ang naiambag ng mga Rebolusyong ito sa panahon natin

ngayon?6. Maaari pa kayang magkaroon ng mga ganitong rebolusyon ngayon? Sa iyong pananaw, anong

rebolusyon ang maaaring maganap sa kasalukyan na may malaki ring maitutulong sa pang-araw-araw mong pamumuhay?

GAWAIN 9: May Ginawa Ako! Ikaw Ba?

CL 10

EPEKTO SA PAGLAWAK NG KAPANGYARIHAN NG EUROPE

Page 12: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

Panuto: Sa tulong ng mga kaalamang nakuha mo sa pag-uulat at sa mga tekstong binasa sa aralin, punan ng mahahalagang impormasyon ang talahanayan na

maglalaman ng mga naging kontribusyon sa iba’t ibang larangan ng mga personalidad. Sundan ang halimbawa upang malinaw na maisagawa ito.

PERSONALIDAD LARAWAN LARANGAN KONTRIBUSYON

Halimbawa:Galileo Galilei

Astronomiya Teleskopyo

Pamprosesong tanongCL 11

Page 13: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

1. Sino-sino ang personalidad na inyong itinala?2. Ano-ano ang naging kontribusyon nila sa kanilang larangan?3. Paano nakatulong ang kanilang kontribusyon sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe?4. Sa kasalukuyang panahon, paano tayo natutulungan ng kanilang mga kontribusyon?5. Bilang isang mag-aaral, paano mo mabigyang-halaga ang naging kontribusyon nila?

GAWAIN 10: MAGSURVEY TAYO!Panuto: Susukat ang gawaing ito ay sa lalim iyong pagkaunawa sa aralin. Sagutan ang survey form na naglalaman ng mahahalagang konseptong dapat mong naunawaan sa aralin. Suriin din ang magiging resulta ng survey na ito. Hikayatin ang mga mag-aaral na maging tapat sa pagsagot ng gawaing ito.

Eskala 3 - Lubos na Naunawaan 2 - Naunawaan 1 - Di - naunawaan

Pamantayan 3 2 11. Sa panahon ng Rebolusyong Siyentipiko, naipaliwanag ang kaibahan nglikas na agham at karunungang pangkulto.2. Ang kabuluhan ng Rebolusyong Siyentipiko at Enlightenment ay makikitasa paglalagay ng tao ng kaniyang kapalaran sa sariling mga kamay sa tulongng katuwiran.3. Mahalagang ambag ni Sir Francis Bacon sa siyentipikong pag-aaral anginductive method.4. Ipinakilala ni Nicolas Copernicus ang heliocentric view.

5. Nagsimula sa Great Britain ang Rebolusyong Industriyal.

6. Napagyaman ang mga kaisipan sa edukasyon noong panahon ngEnlightenment.7. Ang mabilis na paglaki ng populasyon ay isa sa mga epekto ngRebolusyong Industriyal.8. Sa Panahon ng Enlightenment, isinulong ang pantay na karapatan ng kalalakihan at kababaihan at ang karapatan ng kababaihang lumahok sapamahalaan.9. Ipinakilala ni Thomas Hobbes ang ideya “ang tao ay likas na makasarilikaya palagi niyang katunggali ang kapwa tao”.

CL 12

Page 14: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

10. Nakilala sa panahon ng Rebolusyong Industriyal ang dalawang uringpanlipunan - ang proletariat at bourgeoisie.

Pamprosesong tanong1. Alin sa mga kaisipang binanggit sa survey ang hindi mo naunawaan?2. Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa ang pagsagot sa survey?

3. Paano nakatulong ang survey na ito sa iyong pag-unawa ng aralin?

GAWAIN 11 : ICOLLAGE MO AKO!Panuto: Maraming naiwang pamana ang mga naganap na Rebolusyon sa ating kabihasnan ngayon. Upang maipakita ang pagbibigay-halaga lilikha kayo ng isangcollage na maglalaman ng mga naging kontribusyon o pamana ng mga naganap na Rebolusyon (Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment, at Rebolusyong Industriyal). Gawin ito nang pangkatan. Bumuo ng limang pangkat na may parehong bilang. Isaalang-alang ang mga miyembrong hindi mo pa nakasama sa bubuuing pangkat.

Markahan ang inyong ginawa batay sa kasunod na criteria.

CL 13

Page 15: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

CRITERIA NAPAKAGALING3

MAGALING2

MAYKAKULANGAN1

MARKA

IMPORMATIBO/PRAKTIKALIDAD

Ang nabuong collage aynakapagbibigay ngkumpleto, wasto atnapakahalagangimpormasyon tungkol sanaging kontribusyon opamana ng mga naganapna rebolusyon.

Ang nabuong collageay nakapagbibigay ngwastongimpormasyon tungkolsa tungkol sa nagingkontribusyon opamana ng mganaganap narebolusyon.

Ang nabuong collageay kulang sa sapat naimpormasyon tungkolsa tungkol sa nagingkontribusyon o pamanang mga naganap narebolusyon.

MALIKHAIN Ang pagkakadisenyo ngcollage tungkol sanaging kontribusyon opamana ng mga naganapna rebolusyon.

Ang pagkakadisenyong collage tungkol sanaging kontribusyon opamana ng mganaganap narebolusyon.

May kakulangan angelemento ngpagkakadisenyo ngcollage tungkol sanaging kontribusyon opamana ng mganaganap na rebolusyonat nagpapakita nglimitadong antas ngpagkamalikhain.

KATOTOHANAN Ang collage aynagpapakita ngmakatotohanangpangyayari tungkol sanaging kontribusyon opamana ng mga naganapna rebolusyon.

Ang collage aynagpapakita ngpangyayari tungkol sanaging kontribusyon opamana ng mganaganap narebolusyon.

Ang collage aynagpapakita ng iilangpangyayari lamangtungkol sa nagingkontribusyon o pamanang mga naganap narebolusyon.

Pamprosesong tanong1. Ano ang iyong masasabi sa nabuong collage?2. Paano ipinakita sa collage ang naitulong ng mga pamanang iniwan sa kabihasnan ng

mga Rebolusyong naganap sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe? 3. Sa pang-araw-araw mong pamumuhay, paano nakatutulong sa iyo ang mga pamanang ito?

CL 14

Page 16: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

GAWAIN 12: Hiwag Mo Akong Sakupin !Panuto: Itinuturing ang ika-19 na siglo bilang panahon ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. Gusto mong malaman ang mga dahilan ng kanilang pananakop? Anong uri na ng pananakop mayroon sa panahong iyon? Gaano kalawak ang imperyong Kanluranin? Sige, basahin at unawain mo na ang teksto tungkol sa aralin.

CL 15

Ano-anong lugar sa Africa ang nasakop ngmga Kanluranin? Ano-ano ang mga dahilan at uri ng

pananakop sa Ikalawang Yugto ngImperyalismo at Kolonisasyon?

Makatuwiran ba ang ginawangpangangalakal ng mga alipin? Bakit?

Bakit tinawag ng Great Britain ang India na“pinakamaningning na hiyas” ng imperyo?

Paano napasali ang United States sapananakop ng mga lupain?

Anong paraan ng pananakop ang ginamit ngmga Kanluranin sa West Indies, Australia, NewZealand at Central America?

Ano-ano ang naging epekto ng Ikalawangyugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon?

Page 17: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

GAWAIN 13: Punuan mo ako!Panuto: Matapos mong mabasa at maunawaan ang teksto ay punan mo ang hinihinging impormasyon ng Concept Map. Ibahagi sa klase ang iyong sagot at hingan ng reaksiyon ang iyong mga kamag-aral. Magpalitan rin ng mga pananaw tungkol sa mga konseptomg nakapaloob sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon.

DAHILAN URI NG MGA TERITORYONG ITINATAG

LAWAK NG KOLONYA NG MGA MANANAKOP

Reaksyon….

CL 16

IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO ATKOLONISASYON

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Page 18: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

Pamprosesong tanong1. Bakit naganap ang Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo?

2. Bakit naging madali sa mga Kanluranin ang manakop sa mga bansa?3. Alin sa mga mananakop ang pinakamahusay mamahala? Patunayan.4. Paano napasama ang United States sa pananakop ng mga bansa?5. Paano naapektuhan ng pananakop ang pag-unlad ng mga dating kolonya?6. Sa kasalukuyan, nararanasan pa rin ba ang epekto ng pananakop? Patunayan.7. Anong mga alaala ang naibahagi ng iyong mga ninuno na nakaranas ng pananakop? Ibahagi ito

sa klase.

GAWAIN 14: Talahanayan Ng PananakopSa tulong mga impormasyong natutuhan sa nakaraang gawain, sagutan ang talahanayan ng pananakop. Sundan ang halimbawa para sa maayos na pagsagot sa gawain. Itala ang mga bansang nanakop, sinakop at ang naging bunga ng pananakop sa dalawang bansa.

BANSANG NANAKOP

BANSANG SINAKOP BUNGA NG PANANAKOPSa bansang nanakop Sa bansang sinakop

Halimbawa:Great Britain

India Nakinabang ang mgahilaw na materyales ngIndia.

Nabago ang maramingaspeto ng kultura attradisyon ng India.

CL 17

Page 19: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

Pamprosesong tanong1. Sino ang higit na nakinabang sa Ikalawang yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon: ang

mga bansang nanakop o ang mga bansang nasakop? Pangatuwiranan.2. Nakaapekto ba sa kasalukuyang ugnayan ng mga bansang nanakop at sinakop ang mga

pangyayari sa panaho ng pananakop? Patunayan.3. Sa kasalukuyang panahon, makabubuti pa ba sa mga bansa ang pananakop? Bakit?

GAWAIN 15: Timbangin Mo!Naging mabuti ba o masama ang epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? Sa gawaing ito ay titingnan mo kung alin ang mas maraming epekto ng pangyayaring ito: mabuti o masama? Itala ang mga naging epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. Pagkatapos ay ilagay ito sa nakahandang eskala. Suriin kung saan kumiling ang eskala. Ibigay mo rin ang iyong reaksiyon sa gawaing ito. Matapos ang palitan ng kuro-kuro at reaksiyon sa gawain, bumuo ng kongklusyon sa naging epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon.

CL 18

Page 20: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

Pamprosesong tanong1. Alin ang mas maraming epekto ng pananakop: mabuti ba o masama? Bakit kaya?

2. Kung ikaw ang tatanungin, mabuti ba talaga o masama ang epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon? Ipaliwanag.

GAWAIN 16: Bahagdan Ng Aking Pag-UnladSa bahaging ito, ay babalikan mo ang Concept Map na sinagutan mo sa unang bahagi ng aralin. Sagutin sa pagkakataong ito ang ‘Mga Natutuhan’ at ‘Halaga ng Natutunan sa Kasalukuyan’.

GAWAIN 17: Manifest DestinyPanuto : Ang iyong mababasa ay bahagi ng paliwanag ni dating U.S. Pres. William Mckinley hinggil sa pagsakop nito sa Pilipinas. Isang pagsusuri sa pananaw ng Manifest Destiny. Pagkatapos basahin ay ibigay mo ang iyong reaksyon at saloobin hinggil sa nilalaman nito. Ito ay isusulat mo sa kasunod na kahon.

CL 19

R E A K S Y O N

Page 21: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

GAWAIN 18: Salamat Sa Iyo !Balikan ang napag-aralang mga pamana ng iba’t ibang Rebolusyong naganap sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe. Pgnilayan rin kung alin sa mga pamanang ito ang iyong nakita at nagamit na. Pagkatapos ay lumikha ng isang liham pasasalamat para sa mga pamanang ito. Makipagpalitan ng nabuong liham sa ibang kamag-aral at hingan sila ng reaksyon. Kung maaari mong ipost ang liham sa isang social media ay gawin ito upang mabasa rin ng iba pa at mabigyang-halaga din nila ang mahahalagang pamana ng mga pangyayaring naganap sa panahong tinalakay sa aralin.

CL 20

Page 22: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

Pamprosesong tanong1. Ano ang nararamdaman mo habang gingawa mo ang sulat pasasalamat? habang binabasa ng

iyong kamag-aral at ng ibang liham?2. Bilang isa sa mga nakikinabang sa mga pamanang ito sa kasalukuyan?3. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon, anong bagay ang gusto mong maipamana sa susunod na

henerasyon? Bakit?

GAWAIN 19: Aking Repleksyon !Sa puntong ito, sumulat ka ng sariling repleksyon na maglalaman ng iyong naramdaman at naranasan sa pagsagot sa mg gawain ng aralin. Itala ang mga mahahalagang bagay na iyong natutunan at kung paano ito tumutulong sa pagpapabuti ng iyong sarili. Itala rin ang mga bagay na nais mong baguhin o paunlarin tungo sa isang produktibo at

mapanagutang indibidwal.

CL 21

Page 23: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

ARALIN 3: PAGKAMULAT: KAUGNAYAN NG REBOLUSYONG PANGKAISIPAN SA REBOLUSYONG PRANSES AT AMERIKANOGAWAIN 1: Makinig, Mag-Isip, Magpahayag (3Ms)

Panuto: Pakinggan ang awiting TATSULOK. Maaari itong awitin gamit ang sumusunod na lyrics. . Pagkatapos ay suriin ang mensaheng nakapaloob dito.

Pamprosesong tanong1. Ano ang hinihiling o hinihingi ng sumulat ng awit?

CL 22

Page 24: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

2. Sino ang kinakausap sa awit?3. Sino ang kinakatawan ng batang si Totoy?4. Bakit kaya ibig ng sumulat na baliktarin ang tatsulok?5. Ano ang kahulugan ng tatsulok bilang pamagat ng awit?6. Ano kaya ang kaugnayan ng awiting ito tungkol sa aralin sa rebolusyon? Ipaliwanag ang iyong

sagot.7. Ano ang kaugnayan ng awiting ito sa kasalukuyang karanasan ng maraming Pilipino?

GAWAIN 2: Hagdan Ng KarununganPanuto: Punan ang kasunod na diagram. Isulat sa bahaging initial ang iyong nalalaman tungkol sa tanong.

GAWAIN 3: Hula- ArawanPanuto: Suriin ang kasunod na larawan at sagutin ang mga tanong. Bigyang pansin ang mga simbolong makikita na makatutulong upang higit mong maunawaan ang mensaheng ipinahihiwatig.

CL 23

Pagsasakonteksto: Ang hugis na tatsulok ay sumisimbolo sa estruktura ng lipunan kung saan ang mayayaman ay makikita sa tuktok, ang panggitnang uri sa gitna at ang mahihirap ay sa ibaba. Hinahamon ng umawit na baliktarin ang ayos ng lipunan na ang nakararaming mahihirap ay siyang ilagay sa tuktok.Ito’y mababasa sa linyang, “Totoy kumilos ka, baliktarin ang tatsulok at ang mga dukha ay ilagay mo sa tukto”.

Ngunit ano kaya ang kaugnayan ng awit na ito sa kahulugan ng salitang “rebolusyon”?

Page 25: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

Pamprosesong tanong1. Ano ang ipinakikita ng larawan?2. Sino-sino ang taong bumubuo sa larawan?3. Mayroon bang pagkakahati o pagkakapangkat ang mga taong makikita rito?4. Sino ang kinakatawan ng mga sundalo?5. Sino naman ang kinakatawan ng taumbayan?6. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng larawan?7. Mayroon ka bang naranasan, nabasa, narinig o nasaksihang katulad ng sitwasyong nasa

larawan? Ikuwento ito sa klase.8. Sa iyong pananaw, positibo ba ang mensaheng ipinakikita ng larawan? Pangatuwiranan.

PAGSUSURING PANTEKSTO

CL 24

Paano kaya nakapangyayari ang ‘balance of power’ sa isang bansang may tatlong sangay ng pamahalaan?

Sumasang-ayon ka ba sa mga philosophes sa kanilang paniniwala na maaaring maranasan ang kaginhawaan habang ikaw ay nabubuhay?

Bakit ganoon na lamang ang paghanga ni Voltaire sa pamahalaang Ingles?

Page 26: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

GAWAIN 4: Tala-hanayan (3-2-1 Chart) CHART)

CL 25

Anong aspeto ng pamahalaang Ingles ang hinangaan ni Voltaire?

Makatuwiran ba angpinaglalaban nina MaryWallstonecraft?Pangatuwiranan.

Bakit kaya hindi agadpinakinggan angipinaglalaban ng kababaihanng panahong iyon?

1. Ano ang kaibahan ngprinsipyongmerkantilismo saprinsipyo ng laissezfaire?2. Ano angpinaniniwalaan ng mgaphysiocrats?3. Paano lumaganap angkaisipang liberal sakabuuan ng Europa?

Page 27: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

PANUTO: Gawaing IndibidwalPunan ang sumusunod na chart.

Pamprosesong tanong1. Ano-anong pangkaisipang politikal, ekonomikal, medikal at pilosopikal ang

sumibol at kumalat sa malaking bahagi ng Europa?2. Paano binago ng iba’t ibang kaisipan ang pagtingin ng mga Europeo sa

kanilang pinuno at pamahalaan?3. Naging makatuwiran kaya ang mga kaisipang ipinanukala ng mga

Philosophes? Pangatuwiranan.4. Paano binago ng Rebolusyong Pangkaisipan ang pagtingin ng mga marami

sa:a. relihiyon b. pamahalaan c. ekonomiya d. kalayaan

CL 26

Page 28: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

GAWAIN 5: Pulong- IsipPANUTO: Pangkatang Gawain. Katulong ang mga miyembro ng iyong pangkat sagutin angmga tanong sa apat na learning centers na binuo ng inyong guro.

LEARNINGCENTER IAno-anong dahilanang nagtulak sa mgaAmerikanonghumingi ng kalayaanmula saGran Britanya?

LEARNINGCENTER IIPaanoisinakatuparan ngmga Amerikano angtahasang paghinging kalayaan?

CL 27

Ano ang sinisimbolo ng larawang makikita sa itaas?

Page 29: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

LEARNINGCENTER IIIPaano nakaapektoang pagtulong ngPransya sa mgaAmerikano sapagtamasa nito ngkalayaan?

LEARNINGCENTER IVAno ang nagingkinalabasan ngRebolusyongAmerikano?

Pamprosesong tanong1. Ano-ano ang pangyayaring nagbunsod sa pagsilang ng Rebolusyong Amerikano?2. Ano ang naging epekto ng labis na pagbubuwis ng Great Britain sa kamalayan ng mga

Amerikano?3. Paano hinarap ng mga Amerikano ang malakas na puwersang militar ng Great Britain?4. Paano binago ng pananagumpay ng mga Amerikano ang tingin ng daigdig sa Great Britain?

United States? Pangatuwiranan.5. Maihahantulad ba ang karanasang ito nang lumaban ang mga Pilipino para sa kalayaan mula sa

mga mananakop? Pangatwiranan.

Paano nakatulong ang prinsipyongdivine right sa pagpapanatili ngkapangyarihan ng hari ng France?

Bakit ang nasa ikatlong estate lamangang inatasang magbayad ng buwis?Makatwiran ba ito? Ipahayag ang iyongsaloobin.

CL 28

Page 30: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

GAWAIN 6: Diagram ng Pag-unawaPANUTO: Gawaing Dyad Gamit ang kasunod na diagram, tukuyin ang hinihinging mga impormasyon ayon sa iyong pagkaunawa.

CL 29

Ano ang nakatulong sa ikatlong estate upang makuha nila ang hinihingi sa hari?

Ano ang pangunahing layunin ng pamahalaan?Naniniwala ka ba dito? Bakit? Bakit mahalaga na paniwalaang inosente ang nasasakdalhanggat hindi napatutunayan ang kanyang sala? Ano ang implikasyon sa pamahalaan ng mga prinsipyongnabanggit sa Declaration of the Rights of Man?

1. Ano ang sinisimbolo ng pagbagsak ng Bastille sa kasaysayan ng monarkiya sa France?_______________________________________________________________________________________________

2. Ilarawan ang kalagayan ng France sa panahon ng rebolusyon._______________________________________________________________________________________________

Ano ang ‘reign of terror’?________________________________________________________Bakit ito lumaganap?________________________________________________________

Page 31: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

REBOLUSYONG

CL 30

PAANO NAGKAKAIBA?

Page 32: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

Pamprosesong tanong1. Paano nakaapekto ang kalagayang panlipunan ng karamihang mamamayang Pranses sa pagsibol

ng rebolusyon?2. Ano ang sinisimbolo ng pagbagsak ng Bastille sa pamahalaang monarkiya?3. Naging makatuwiran ba ang paghingi ng mga Pranses sa pagbabago ng lipunan? Pangatwiranan.4. Paano namuhay ang mga Pranses sa panahong rebolusyunaryo?5. Bakit hindi napigil ng puwersang monarkal ang rebolusyong Pranses?6. Paano kumalat ang kaisipang liberal sa kabuuan ng Europa?7. Paano binago ng Rebolusyong Pranses ang heograpiyang politikal ng Europa?8. May pagkakatulad ba ang karanasan ng mga ordinaryong Pranses sa mga Pilipino partikular sa

mataas na buwis? Pangatuwiranan.

GAWAIN 7: Turn –Back Time ( Timeline Plotting )CL 31

1. Ano ang Napoleonic Wars?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________2. Bakit inilunsad ang Napoleonic Wars?___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

1. Sino si Napoleon Bonaparte?_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________2. Ano-anong mga bansa sa Europe ang naapektuhan ng Napoleonic Wars?________________________________________________________________________________________________________________

Page 33: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

Panuto: 1.Bumuo ng timeline tungkol sa mahahalagang pangyayaring naganap sa Rebolusyong Pranses kasama ang digmaang Napoleonic. 2. Itala ang mga esensyal na pangyayaring magtutulak sa pagusbong

ng Rebolusyong Pranses kasama na ang pagtatapos nito. 3. Maaaring maglagay ng mga personalidad upang higit na maging malinaw ang timeline. 4. Basahin ang ginawang timeline sa harap ng klase at tanungin ang kanilang saloobin tungkol dito. 5. Gagamitin ang kasunod na rubric upang maging batayan ng pagmamarka sa ginawang timeline.

Pamprosesong tanong

1. Ano ang ginampanan ni Napoleon Bonaparte sa pagkakaisa ng mga bansa sa Europa?

2. Paano sinakop ni Bonaparte ang iba’t ibang bansa sa Europa?3. Bakit ninais ng mga pinuno sa Europa na ibalik ang pamahalaang monarkiya?4. Paano isinakatuparan ang pagbabalik ng kapangyarihang monarkal sa Pransya?

Katulad ba ito ng dating monarkiya? Ipaliwanag.

CL 32

Bakit pinaalis ng mga Ruso ang kanilang pinunong czar?

Bakit itinuturing na mahalaga ang pagkakaroon ng panggitnang-uri ng lipunan sa pag-usbong ng nasyonalismo?____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Bakit pagkaraan lamang ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig lumaganap ang nasyonalismo sa Africa?

Page 34: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

GAWAIN 8: Maalaala Mo Kaya ?Panuto: Tukuyin ang konsepto, personalidad o pangyayaring hinihingi sa bawat bilang. Ang initial letter ay ibinigay na bilang iyong gabay.

S_______B______ 1. Siya ang tinaguriang ‘Tagapagpalaya ng Timog Amerika’.C_______________2. Tawag sa mga ipinanganak sa Bagong Daigdig na may lahing Europeo.N_______________ 3. Tumutukoy sa digmaang ipinangalan sa isang heneral na

Pranses naglalayong magpakilala ng kaisipang rebolusyunaryo sa kabuuan ng Europa.L_______________ 4. Haring iniluklok sa Pransya matapos magapi ang puwersa ni Napoleon Bonaparte.M______R_______ 5. Siya ang pinakamabisa at aktibong miyembro ng Committee of Public Safety na nagtanggol laban sa mga nagtatangkang buwagin ito.T______J_______ 6. Siya ang manananggol na nagsulat ng Deklarasyon ng Kalayaan ng AmerikaB______________ 7. Ang kulungang ito ay sumisimbolo sa kapangyarihang monarkal ng Pransya.J_____S________ 8.Humalili kay Vladimir Lenin bilang pinuno ng USSR sa kaniyang kamatayan.P______________ 9. Sila ang naging lihim na taga-suporta ng mga rebeldeng Amerikano laban sa mga British..N____________ 10. Masidhing damdamin na nagtutulak sa isang taong ipaglaban ang kaniyang kalayaan, karangalan at karapatan.

Pamprosesong tanong1. Paano nakaapekto ang Rebolusyong Intelektuwal sa pagsibol ng damdaming nasyonalismo?2. Ano ang ginampanan ng mga kaisipang radikal sa Rebolusyong Ruso?3. Paanong nakatulong ang wikang Latin at relihiyong Katolisismo sa pag usbong ng damdaming

nasyonalismo sa Latin America?4. Naging madali ba ang pag-usbong ng damdaming nasyonalismo sa Africa? Patunayan ang iyong

sagot.5. Batay sa karanasan ng mga bansa sa iba’t-ibang bahagi ng daigdig, kailan nadarama ang

nasyonalismo?6. Ikaw, paano mo naipakikita ang iyong pagkamakabayan? Magbigay ng halimbawa.

CL 33

Page 35: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

GAWAIN 9: WHO’S WHO IN THE REVOLUTION? Personality and History (GROUP DYNAMICS)

Panuto: Upang higit mong makilala ang mga personalidad na malaki ang ginampanan sa Rebolusyong Politikal sa iba’t ibang bahagi ng daigdig, hanapin ang sumusunod gamit ang internet.

Bukod sa larawan ay hanapin ang talambuhay ng mga personalidad na itinakda sa inyong pangkat. Humanap ng mga kawili-wiling bahagi ng kanilang buhay na maaaring ikuwento sa klase . Kayo ay bibigyan ng pagkakataong iulat ang mga impormasyong nakalap sa klase. Makikita sa ibaba ang mga personalidad na inyong hahanapin.

Pangkat I- Patrick Henry Thomas JeffersonPangkat II- Napoleon Bonaparte Camille Desmoulins

Pangkat III- Vladimir Lenin Josef StalinPangkat IV- Simon Bolivar Jose de San Martin

Rubric para sa Presentasyon

Pamprosesong tanong1. Ibigay ang mga bagong impormasyong iyong nalaman sa gawaing isinagawa?2. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa mo ang talambuhay ng mga personalidad na

sangkot sa rebolusyon?3. Paano isinakatuparan ng mga taong ito ang mga radikal na ideya sa kanilang bansa.4. Sa iyong palagay lubusan bang naisakatuparan ng mga personalidad na ito ang kanilang naisin?

Pangatuwiranan.5. Kung ikaw ang nasa kanilang posisyon, gagawin mo din ba ang kanilang ginawa? Bakit oo? Bakit

hindi?

Balikan ang iyong mga sagot sa unang gawain tungkol sa pagsusuri ng awit, subukin muling sagutan ang mga katanungan.

CL 34

Criteria Natatangi 4 puntos

Mahusay 3 puntos

Medyo Mahusay 2 puntos

Hindi Mahusay 1 puntos

Kaalaman sa paksa

Kalidad ng mga impormasyon o ebidensiyaKaalaman sa kontekstong pangkasaysayanIstilo at pamamaraan ng presentasyonKabuuang Marka

Page 36: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

6. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng iyong kasagutan ?7. Higit bang naging malinaw ang kaugnayan ng awit sa aralin? Bakit?

GAWAIN 10: Hagdan Ng Karunungan …Panuto: Punan ang kasunod na diagram. Isulat sa bahaging refined ang iyong nalalaman tungkol sa tanong.

CL 35

1. Ano ang hinihiling o hinihingi ng may-akda ng awit?2. Sino ang kinakausap ng may-akda ng awit?3. Sino ang kinakatawan ng batang si Totoy?Bakit kaya ninanais ng may-akda na baliktarin ang

tatsulok?4. Ano ang kahulugan ng tatsulok bilang pamagat ng awit?5. Ano kaya ang kaugnayan ng awiting ito ukol sa aralin sa rebolusyon? Ipaliwanag ang iyong ideya.

InitialRefined

Final

Ano ang kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa Rebolusyong Amerikano at Pranses?

Page 37: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

GAWAIN 11: KUWENTONG MAY KUWENTA (Tanungin mo sila…)

CL 36

Page 38: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

Rubric Para sa Presentasyon

Criteria Natatangi 4 puntos

Mahusay 3 puntos

Medyo Mahusay 2 puntos

Hindi Mahusay 1 puntos

Kaalaman sa paksaKalidad ng mga impormasyon o ebidensiyaKaalaman sa kontekstong pangkasaysayanEstilo at pamamaraan ng presentasyon

Kabuuang Marka

Pamprosesong tanong1. Sino ang taong iyong nakapanayam tungkol sa itinakdang paksa?2. Batay sa iyong nakalap na impormasyon, ano ang naging karanasan ng iyong kinapanayam sa

kaniyang pagsama sa EDSA I?3. Nakita o naramdaman mo ba ang ‘katuwaan, kasiyahan o kalungkutan na ipinakita ng iyong

kinapanayam?4. Ano ang iyong naramdaman habang ikaw ay nakikinig sa iyong kinapanayam?5. Ibigay ang iyong natutuhan mula sa kuwentong iyong narinig mula sa kinapanayam.

GAWAIN 12: LESSON CLOSURE : A Good EndingLESSON CLOSURE

Sa araling Pagsibol ng Nasyonalismo…Isa sa mahalagang kaisipan ay…Ito ay mahalaga sapagkat…Isa pang mahalagang ideya ay…

Nararapat itong tandaan dahil…Sa pangkabuuan…

GAWAIN 13: Pangako Sa’yo (Reflection Journal)CL 37Pagkatapos ng aralin, ikaw ay hinahamong magbigay ng panata na isasabuhay ang pagiging

mapagmahal sa bayan o isasabuhay ang prinsipyo ng nasyonalismo

Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bukod sa pagbili ng mga produktong Pilipino? Paano mo mahihikayat ang iba na maging panata ang isabuhay ang prinsipyo ng

Page 39: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

GAWAIN 14: Hagdan Ng Karunungan …Panuto: Punan ng sagot ang kasunod na diagram. Isulat sa bahaging “final” ang iyong nalalaman tungkol sa tanong.

CL 38

Pagkatapos ng aralin, ikaw ay hinahamong magbigay ng panata na isasabuhay ang pagiging mapagmahal sa bayan o isasabuhay ang prinsipyo ng nasyonalismo

Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa bayan sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay bukod sa pagbili ng mga produktong Pilipino? Paano mo mahihikayat ang iba na maging panata ang isabuhay ang prinsipyo ng

Page 40: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

CL 39

Page 41: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

CL 40

Page 42: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

CL 41

Page 43: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

CL 42

Page 44: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

CL 43

Page 45: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

CL 44

Page 46: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

CL 45

Page 47: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

CL 46

Page 48: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

CL 47

Page 49: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

CL 48

Page 50: Araling Panlipunan Grade 9 - Aralin 2 : Mga Gawain

CL 49