2. ANO ANG ARALING PANLIPUNAN? Ito ay pag-aaral ng mga tao at
grupo, komunidad at lipunan, kung paano sila namuhay at namumuhay,
ang kanilang ugnayan at interaksyon sa kapaligiran at sa isat isa,
ang kanilang paniniwala at kultura upang makabuo ng pagkakakilanlan
bilang Pilipino, tao at miyembro ng lipunan at mundo at maunawaan
ang sariling lipunan at ang daigdig, gamit ang mga kasanayan sa
pagsasaliksik, pagsisiyasat, mapanuri at malikhaing pag-iisip,
matalinong pagpapasiya, likas- kayang paggamit ng
pinagkukunang-yaman at mabisang komunikasyon
3. PAMANTAYAN NG PAGKATUTO SA SIBIKA AT KULTURA (I-III)
Nagpapakita ng pagmamahal sa Diyos at sa kapwa; may pagmamalaki sa
mga pambansang pagkakakilanlan; nagtatamasa ng mga karapatan at
gumaganap ng mga tungkulin bilang Pilipino; may positibong saloobin
tungo sa paggawa; may kakayahan sa pangangalaga sa kapaligiran; at
may kasanayang makatugon sa mga hamon ng pagbabago ng daigdig
4. PAMANTAYAN NG BAWAT YUGTO (K-3) Naipamamalas ang panimulang
pag-unawa at pagpapahalaga sa sarili, pamilya, paaralan at
komunidad at mga batayang konseptong pagpapatuloy at pagbabago,
distansya at direksyon tungo sa pagbuo ng kamalayan tungkol sa
sarili at kapaligiran bilang kasapi ng isang lipunan na may
karapatan at pananagutan sa sarili sa kapwa at kapaligiran
5. INAASAHANG BUNGA SA UNANG BAITANG (SIBIKA AT KULTURA I )
Nagkakaroon ng kamalayan bilang Pilipino na may paniniwala sa Diyos
at pagpapahalaga sa kagandahan at kalikasan ng bansa at sa mga
karapatang tinatamasa at mga tungkuling dapat gampanan bilang
kasapi ng mag-anak, pamayanan at bansa.
6. GRADE LEVEL STANDARD (GRADE I) Naipamamalas ang kamalayan
bilang batang Pilipino at kasapi ng pamilya at paaralan at
pag-unawa sa batayang konseptong pagpapatuloy at pagbabago,
distansya at direksyon at ang pagpapahalaga sa kapaligiran ng
tahanan at paaralan.
7. PAKSA SA SIBIKA AT KULTURA I Pambansang Pagkakakilanlan
Pambansang Pagkakaisa Pambansang Katapatan
8. PAKSA SA ARALING PANLIPUNAN GRADE I Ako ay Natatangi Ang
Aking Pamilya Ang Aking Paaralan Ako at Aking Kapaligiran
9. BILANG NG ORAS SA PAGTUTURO 40 Minuto sa Loob ng Limang (5)
Araw
10. MGA TEMA Tao, Kapaligiran at Lipunan Panahon, Pagpapatuloy
at Pagbabago Kultura, Pagkakakilanlan at Pagkabansa Karapatan,
Pananagutan at Pagkamamamayan
11. MGA NILALAMAN NG MODYUL
12. YUNIT I: AKO AY NATATANGI PANIMULA Sa yunit na ito
matutuklasan ng mga mag-aaral ang ibat-ibang bagay na nagpapakilala
sa kanilang sarili at nagpapatunay na sila ay natatangi. Mauunawaan
din nila ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy sa pamamagitan
ng pagsusuri sa kanilang sariling buhay at paghahambing nito sa
buhay ng kanilang mga kamag-aral. Mapapahalagahan din nila ang
kanilang sarili bilang bata na may taglay na natatanging katangian
at pangarap.
13. MGA PANIMULA Unang Markahan- 13 layunin-Pagkilala sa Sarili
* Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili:
pangalan,kaarawan, edad, tirahan, paaralan * Naipakikilala ang
sarili sa pamamagitan ng larawan (self-portrait) * Nakagagawa ng
simpleng graphic organizer ng batayang impormasyon * Nasasabi ang
sariling pangangailangan * Nailalarawan at naiguguhit ang
pansariling kagustuhan tulad ng: paboritong kapatid, kamag-anak,
kulay, pagkain, damit, laruan, lugar
14. Unang Markahan-Ang Aking Kwento *Nakabubuo ng inilarawang
timeline tungkol sa sariling buhay *Nababasa ang timeline at
nakapagsasalaysay ng buhay base rito *Nakapagsasaayos ng mga
larawan ayon sa pagkakasunod-sunod *Naipakikita ang mga pagbabago
sa buhay at sa personal na gamit mula noong sanggol hanggang sa
kasalukuyang edad *Naihahambing ang sariling kwento o karanasan ng
mga kamag-aral
15. Unang Markahan-Pagpapahalaga sa Sarili *Nakagagawa ng
collage o scrapbook ng mga larawan o bagay na nagpapakilala sa
sarili *Nakapagsasaad ng mga pangarap o ninanais para sa sarili sa
pamamagitan ng graphic organizer Naipaliliwanag kung bakit mahalaga
ang mga personal na pagnanais para sa sarili
16. MGA KASANAYANG MALILINANG Komunikasyon - Pagbabahagi ng
impormasyon -Pagsasalaysay -Pakikinig sa paliwanag, kwento at
salaysay -Pakikipanayam - Pagguhit
17. Mapanuring Pag-iisip -pagsusuri -paghahambing -pagbubuo ng
timeline
18. Malikhaing Pag-iisip -paggawa ng collage -pagguhit
19. Pagpapahalaga -paggalang sa paniniwala at damdamin ng kapwa
-pakikiisa ng mga pangkatang Gawain -pagtapos sa gawain sa
takdang-oras
20. Paglahok -pagsasadula -paglalaro - -pagsali sa
talakayan
21. YUNIT 2: ANG AKING PAMILYA Sa yunit na ito matutuklasan ng
mga mag-aaral ang kanilang ugnayan sa mga grupong kanilang
kinabibilangan. Pangunahin sa mga grupong ito ang kanilang pamilya.
Matutukoy at mailalarawan rin nila ang mga kasaping bumubuo sa
kanilang pamilya at ang ibat ibang gawain ng mga kasapi.
Mapapahalagahan din nila ang pagsunod sa ibat ibang ibang
alituntunin ng pamilya.
22. IKALAWANG MARKAHAN LAYUNIN-25- Pagkilala sa mga Kasapi ng
Pamilya Natutukoy ang mga kasapi ng pamilya Nailalarawan ang bawat
kasapi sa pamamagitan ng isang likhang sining Naipakikita ang ibat
ibang papel na ginagampanan ng bawat kasapi ng pamilya sa
pamamagitan ng isang concept map o graphic organizer Nakabubuo ng
sariling kwento tungkol sa pang-araw- araw na gawain ng mga kasapi
ng pamilya
23. IKALAWANG MARKAHAN- Ang Kwento ng Aking Pamilya *Nakagagawa
ng family tree at/o album ng pamilya *Nakabubuo ng inilarawang
timeline ng mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya
*Nakapagsasalaysay ng kwento ng pamilya batay sa timeline
*Natutukoy ang mga nagbago at patuloy na tradisyon o nakagawiang
gawain ng pamilya *Napaghahambing ang mga tradisyon at nakagawiang
gawain ng pamilya noon at ngayon *Nakapaghahambing ng kwento ng
sariling pamilya sa kwento ng pamilys ng mga kamag-aral
*Napahahalagahan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pamilya
24. IKALAWANG MARKAHAN-Mga Alituntunin sa Pamilya *Nakatutugon
sa iba-ibang sitwasyon sa pang-araw- araw na buhay ng pamilya
*Nahihinuha ang mga alituntunin ng pamilya na tumutugon sa
iba-ibang sitwasyon ng pang-araw-araw na buhay ng pamilya
*Naikakategorya ang ibat ibang alituntunin ng pamilya *Nauunawaan
ang batayan ng mga alituntunin ng pamilya *Naihahambing ang
alituntunin ng sariling pamilya sa alituntunin ng pamilya ng mga
kamag-aral *Napahahalagahan ang pagtupad sa mga alituntunin ng
pamilya
25. IKALAWANG MARKAHAN- Pagpapahalaga sa Pamilya *Nakapakikinig
ng kwento tungkol sa pamilya *Nakaguguhit ng larawan ng sariling
pamilya upang makabuo ang klase ng malaking mosaic *Nailalarawan
ang batayang pagpapahalaga ng pamilya at nabibigyang katwiran ang
pagtupad sa mga ito *Nakikilala ang mga pagpapahalaga ng ibat ibang
pamilya
26. IKALAWANG MARKAHAN- Pagpapahalaga sa Pamilya *Naihahambing
ang mga pagpapahalaga ng ibat ibang pamilya *Nakalalahok sa pagbuo
ng consensus sa klase tungkol sa pagpapahalaga sa pamilya
*Nakapagbibigay ng halimbawa ng ugnayan ng sariling pamilya sa
ibang pamilya *Nakabubuo ng paglalahat tungkol sa kabutihan ng
mabuting pag-uugnayan ng sariling pamilya sa iba pang pamilya
27. MGA KASANAYANG MALILINANG KOMUNIKASYON Pagbabahagi ng
impormasyon Pagsasalaysay Pakikinig sa paliwanag, kwento at
salaysay Pakikipanayam Pagsusulat/pagbuo ng liham Pagsusulat ng
impormasyon sa chart
28. MAPANURING ISIP Pagsusuri Paghahambing Pagbubuo ng timeline
Pagbubuo ng bar graph Pagpapangkat ng mga impormasyon Pagsusuri ng
mga larawan
29. MALIKHAING PAG-IISIP Paggawa ng puppet Pagguhit Paggawa ng
family tree Paggawa ng mosaic
30. PAGPAPAHALAGA Pagkilala sa mahahalagang bahaging
ginagampanan ng bawat kasapi ng pamilya Paggalang sa paniniwala at
damdamin ng kapwa Pakikiisa sa mga pangkatang gawain Pagtapos sa
gawain sa takdang oras
31. PAGLAHOK Paglalaro Pakikilahok sa talakayan
Pagbabasa/pagbibigkas ng tula Pag-awit Pagsasadula
32. YUNIT 3 ANG AKING PAARALAN PANIMULA Sa yunit na ito
masasabi ng mga mag-aaral na ang paaralan ang isa sa mga
pangunahing grupong kinabibilangan niya. Masasabi nila na ang bawat
kasapi ng paaralan ay nagtutulungan upang mahubog ang kaisipan at
kakayahan ng mga mag-aaral. Kaugnay nito, mabibigyang-halaga ng
bawat mag-aaral ang kapaligiran ng kanilang paaralan na
nagsisilbing pangalawang tahanan nila. Mapahahalagahan din sa yunit
na ito ang kakayahan ng mga mag- aaral na matukoy at makasunod sa
ibat ibang alituntunin ng paaralan para sa pagpapanatili ng
kaayusan at masayang pagsasamahan ng mga kasapi- isa sa mga unang
hakbang sa paghubog ng isang mabuting mamamayan.
33. Mauunawan ang konsepto ng pagbabago at pagpapatuloy sa
pamamagitan ng paghahambing ng kasalukuyan at dating kalagayan ng
paaralan. Sa huli, mapahahalagahan ng mga mag-aaral ang kanilang
pag-aaral at ang papel na ginagampanan ng kanilang paaralan sa
pagpapaunlad ng kanilang kaalaman at kasanayan.
34. LAYUNIN-19 IKATLONG MARKAHAN Pagkilala sa Aking Paaralan
Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sariling
paaralan:pangalan nito, lokasyon, mga bahagi nito at taon ng
pagkatatag nito/edad Ang Kwento ng Aking Paaralan Nailalarawan ang
ang timeline ng paaralan o album ng mga larawan ng paaralan sa ibat
ibang panahon Ako Bilang Mag-aaraL; Nasasabi kung bakit
nag-aaral
35. IKATLONG MARKAHAN Mga Alituntunin sa Silid-Aralan Nasasabi
ang mga alituntunin sa silid-aralan at nabibigyang katwiran ang
pagtupad nito Pagpapahalaga sa Paaralan Nakagagawa ng kwento o
larawan tungkol sa batang nag-aaral at hindi nag-aaral
36. MGA KASANAYANG MALILINANG KOMUNIKASYON Pagbabahagi ng mga
impormasyon Pagsasalaysay Pakikinig sa paliwanag, kwento at
salaysay Pakikipanayam Pagsusulat/Pagbubuo ng liham Pagsusulat ng
impormasyon sa tsart
37. MAPANURING PAG-IISIP Pagsusuri Paghahambing Pagbubuo ng
timeline Pagbubuo ng graphic organizer Pagpapangkat ng mga
impormasyon Pagsusuri ng mga larawan Pagbubuo ng hinuha
38. MALIKHAING PAG-IISIP Pagguhit PAGPAPAHALAGA Pagkilala sa
mahalagang bahaging ginagampanan ng paaralan sa sariling buhay
Paggalang sa paniniwala at damdamin ng kapwa Pakikiisa sa mga
pangkatang gawain Pagtapos sa gawain sa takdang oras
39. PAGLAHOK Paglalaro Pagbabasa/pagbibigkas ng tula Pag-awit
Pakikilahok sa talakayan
40. YUNIT 4. AKO AT ANG UGNAYAN NG AKING PAMILYA AT PAARALAN/
AKO AT ANG AKING KAPALIGIRAN PANIMULA Sa yunit na ito, mapapalawak
ang pag-unawa ng mga mag- aaral tungkol sa kahalagahan ng ugnayan
ng mga pangunahing grupo o samahang kinabibilangan niya. Malaking
bahagi ng yunit na ito ay nakatuon sa pag-aaral ng mga batayang
konsepto sa heograpiya. Masisiyasat nila ang kapaligiran ng
kanilang tirahan at paaralan. Sa pamamagitan nito, malilinang nila
ang ilan sa mga pangunahing kasanayan sa paggawa at paggamit ng
mapa upang matukoy, mahanap at masabi ang mga pamilyar na lugar sa
paligid ng kanilang tirahan at paaralan.
41. Sa mga aralin sa yunit 4, magkakaroon ng kamalayan ang mga
mag-aaral tungkol sa kahalagahan ng ugnayan ng mga pangunahing
grupong kanilang kinabibilangan. Mauunawaan din nila ang pag-
uugnayan, pag-aasahan, at pagtutulungan ng pamilya at paaralan
upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at
kagustuhan.
42. LAYUNIN-11 IKA-APAT NA MARKAHAN- Ako at ang aking Tahanan
at Paaralan Nakagagawa ng mapa ng bahay Natutukoy ang nilalaman at
gamit sa bahay at klasrum at kung saan ang mga ito matatagpuan ang
mga ito (kanan, kaliwa, itaas, ibaba, harapan at likuran)
Nakagagawa ng mapa ng klasrum at natutukoy ang distansya ng
mag-aaral sa ibang bagay dito
43. IKA-APAT NA MARKAHAN Pangangalaga sa Kapaligiran
*Naiguguhit ang ibat ibang paraan ng pangangalaga sa kapaligiran
*Naikakategorya ang mga gawain at ugali na nakatutulong at
nakasasama sa kapaligiran *Naisasagawa ang mga paraan ng
pangangalaga sa kapaligiran
44. MGA KASANAYANG MALILINANG KOMUNIKASYON Pagbabahagi ng
impormasyon Pagsasalaysay Pakikinig sa paliwanag, kwento at
salaysay Pagsulat ng impormasyon sa tsart
45. Mapanuring Pag-iisip Pagsusuri Paghahambing Pagpapangkat ng
mga impormasyon Pagsusuri ng mga larawan Pagbubuo ng hinuha
Malikhaing Pag-iisip Paggawa ng mapa Pagguhit
46. Pagpapahalaga Pagkilala sa ugnayan ng pamilya at paaralan
Paggalang sa paniniwala at damdamin ng kapwa Pakikisaya ng mga
pangkatang gawain Pagtapos sa gawain sa takdang oras Paglahok
Paglalaro Pakikilahok sa talakayan, Pag-awit
47. HULAAN ANG MGA GAWAING ITO LGOCELA - PINAGSAMA- SAMANG
LARAWAN NA NAGPAPAKITA NG ISANG MALAKING IDEYA
48. Isa pa. ____ H___R____D___S Ito ay pagpapahula ng isang
bagay sa pamamagitan lamang ng paggawa ng aksyon nang hindi
nagsasalita
49. Halika ire pa Ipinakikita sa atin ng isang T_____________E
kung kailan naganap ang mga pangyayari at kung anu-ano ang mga
bagay na nagbago
50. Kaya mo pa ito!!!! Isa itong paraan nang pagbabahagi at
pagsasaayos ng mga ideya sa isang malikhaing paraan. GO
51. Ang Aking Mga Paboritong Bagay
52. Dagdagan pa natin??? Ito ay pagpapakita ng pagkakatulad at
pagkakaiba ng mga bagay, tao at iba pa Halimbawa: Mga Alituntunin
na Ipinapatupad ng Pamilya Santos Magkatulad na Alituntunin ng
aming Pamilya Mga Alituntunin na Ipinapatupad ng Pamilya
Dimagiba
53. Huli na ito kapatid Ano ang tawag sa pinagdikit-dikit na
larawan o bagay upang makabuo ng isang hugis o pattern???
54. Banghay-Aralin I. Layunin II. Paksang Aralin A. Tema B.
Sanggunian C. Konsepto D.Kagamitan E. Integrasyon
55. III. Pamamaraan A. Panimulang Gawain Pamukaw Siglang Gawain
B. Panlinang na Gawain 1. Paunang Pagtataya /Pagganyak 2.
Paglalahad 3. Pagtalakay 4. Paglalahat 5. Paglalapat 6.
Pagpapahalaga
56. IV. Panghuling Pagtataya V. Kasunduan
57. AKO AY GURO NA K-12 SUPPORTER UMULAN BUMAGYO AYOS LANG
BASTA BATANG PILIPINO AKING PAGLILINGKURAN DAHIL MAHAL KO ANG AKING
BAYAN