26
Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa Editha T. Honradez Pasolo Elementary School Pasolo Valenzuela City

ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

Yunit II Aralin 7:Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng

Pinagkukunang-yaman ng BansaEditha T. Honradez

Pasolo Elementary School

Pasolo Valenzuela City

Page 2: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

Sa araling ito, inaasahang:1. Matutukoy ang kahulugan ng pananagutan.2. Maiisa-isa ang mga pananagutan ng bawat kasapi sa pangangasiwa at pangangalaga ng mga pinagkukunangyaman ng bansa.3. Mahihinuha mo na ang bawat kasapi ay may mahalagang bahaging ginagampanan para sa higit na ikauunlad ng bansa.

Page 3: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

Balitaan

Page 4: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

PINOY HENYO

Page 5: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

1. Ano ang kahulugan ng pananagutan?2. Anu-ano ang mga pananagutan ng bawat kasapi sa pangangasiwa at pangangalaga ng mga pinagkukunang-yaman ng bansa.3. Anu-ano ang mahahalagang bahaging ginagampanan ng bawat kasapi para sa higit na ikauunlad ng bansa?

Page 6: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

Ang pananagutan ay itinuturing na kasingkahulugan ng mga salitang tungkulin, obligasyon, at responsibilidad. Ang pananagutan ay ang mga dapat gawin ng isang sektor o tao para sa kaniyang sarili at para sa kaniyang bayan.

Alamin Mo

Page 7: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

Ang pamahalaan bilang isa sa mga

pangunahin at mahalagang kasapi ng lipunan

ay may pananagutan sa ating mga likas na

pinagkukunang yaman. Ang pamahalaan ay

nagtalaga ng ahensiya na siyang nangunguna sa

Pangangasiwa ng ating kalikasan atKapaligiran Ito ay ang Deparment ofNatural Resources (DENR) o

Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman.

Mga Pananagutan ng Pamahalaan

Page 8: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

Mga Batas na naglalayong panatilihin at proteksyunan ang mga likas na yaman ng

Pilipinas. Artikulo II, Seksyon16 ng Saligang Batas ng 1987, “ Dapat pangalagaan at isulong ng estado ang karapatan ng sambayanan sa kanais-nais na ekolohiya na tugma sa Kalikasan.” Dahil sa nasasaad na batas sa ating Saligang Batas, napakahalagang magkaroon ng maraming batas na naglalayong panatilihin at proteksyunan ang mga likas na yaman sa Pilipinas.

Page 9: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

2. Republic Act 428 Ito ay isang batas na nagbabawal sa pagbebenta o pagbibili ng isda o ibang yamang-dagat na pinatay sa pamamagitan ng dinamita o paglalason.

Page 10: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

3. PD 705 o Selective Logging (PD 705)Ang pagpili lamang sa kung anong puno ang maaaring putulin at kung ano ang dapat iwanan.

Page 11: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

Mga Proyektong pinatupad ng pamahalaan upang lalong mapaigting ang kampanya ng pamahalan para sa

mga pinagkukunang-yaman.

Sloping Agricultural

Land Technology

(SALT),

Clean and Green Project

Oplan Sagip Gubat

Page 12: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

Pananagutan ng Paaralan

Bigyan ng mataas na uri ng edukasyon at kaalaman ang mag-aaral sa lahat ng antas ukol sa mga tamang paraan ng pangangasiwa ng bansa at yaman nito. Tungkulin ng bawat kawani ng sektor ng edukasyon lalo’t higit ng mga guro naisama sa kanilang kurikulum at pagtuturo ang pagpapahalaga sa mga yaman ng bansa.

Page 13: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

Manguna sa pakikilahok sa mga proyektonginilunsad ng pamahalaan tulad ng proyektong

Kabataan Kontra Basura

Eco Saver ng DepEd NCR,

Ilog Ko, Irog Ko

Page 14: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

Pananagutan ng Simbahan

>Manghimok sa kanilang mga kasapi na magkaroon ang mataas na pagpapahalaga sa mga likas na yaman na siya nating pinagkukunan ng yaman.

>Ipakita ang paniniwala sa pamamagitan ng mga kilos, prinsipyo, at mabuting gawa lalo na sa lahat ng bagay na may buhay gayundin ang pagtatama sa maling gawa ng mga kasapi.

Page 15: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

Pananagutan ng Pribadong Samahan Ang pangangalaga sa kapaligiran at likas na yaman ay higit na pinalawak sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga pribadong samahan o ahensiya. Pananagutan din nila na maglunsad ng mga programang pantelebisyon o panradyo na maaaring magturo ng iba’t ibang paraan ng pangangalaga sa ating mga pinagkukunang-yaman

Page 16: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

Pananagutan ng bawat pamilya na simulan sa kanilang sariling tahanan ang mga wastong paraan ng pangangalaga sa ating mga yaman.

Tungkulin ng mga magulang na hubugin ang mga anak nang may pagpapahalaga sa Kalikasan.

Pananagutan ng Pamilya

Page 17: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

Pananagutan ng mga Mamamayan• hikayatin ang bawat miyembro ng pamilya na makiisa sa pagpapaunlad at pagliligtas ng kalikasan;

• tumulong upang mabawasan ang polusyon sa hangin, sa lupa, at sa tubig;

• isabuhay ang anumang natutuhan o nalalaman ukol sa pangangasiwa ng kalikasan at mga pinagkukunang-yaman;

Page 18: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

-

• kausapin ang mga kaibigan upang makiisa sa gawaing pangkalikasan, at;• magkaroon ng sariling disiplina at gawin ang tama para sa ikabubuti ng ating mundong ginagalawan.

Pananagutan ng mga Mamamayan

Page 19: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

kasingkahulugan

pananagutan

kasingkahulugan kasingkahulugan

kasingkahulugan

1. Kopyahin ang bubble map sa notbuk. Tukuyin ang kahulugan ng salitang pananagutan. Ibigay din ang mga salitang kasingkahulugan nito.

Page 20: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

2. Kopyahin ang caterpillar map. Isulat ang mga pananagutan ng bawat kasapi sa pangangasiwa at pangangalaga ng pinagkukunang-yaman sa caterpillar map.a. pamahalaan d.pribadong samahanb. paaralan e. pamilyac. simbahan f. mamamayan

a.b. c. d. e. f.

Page 21: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

pamahalaan paaralan simbahan

Pribadong samahan pamilya mamamayan

Gawain BBasahin ang talata. Iguhit sa notbuk ang Bangka o life boat na

iyong sasakyan saganitong pagkakataon. Tayo ang mga halimbawa ng mga pinagkukunan ng yaman ng bansa. Ako si

Kabundukan, ikaw si Dagat, at siya si Kapatagan. Nakasakay tayo sa barkong naglalayag sa Dagat kanlurang Pilipinas. Kasama natin sina Pamahalaan, Paaralan, Simbahan, Pribadong Samahan, Pamilya, at Mamamayan. Maya-maya, biglang may malakas na putok tayong narinig. Unti-unting lumulubog ang ating barko. Sa ganitong pagkakataon, kaninong life boat ka sasama?

Isulat ang iyong sagot sa notbuk.1.Bakit ang bangkang iyan ang iyong napiling samahan?2. Sa iyong palagay, anong kasapi ng lipunan ang may

pinakamalakingpananagutan sa pangangasiwa at pangangalaga ng bansa?

Bakit?

Page 22: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

Gawain CBumuo ng isang pyramid gamit ang mga tatsulok sa ibaba. Sagutin ang mga tanong pagkatapos.

1. Ano ang mensaheng nais ipabatid sa atin ng gawain?2. Bakit mahalagang gampanan ng lahat ng kasapi ang kani-kanilang pananagutan?

Mamamayan

Mamamayan Mamamayan

pamahalaan

pamilya

paaralan simbahan

mamamayanPribadong samahan

Page 23: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

Ang pananagutan ay itinuturing na kasingkahulugan ng mga salitang tungkulin, obligasyon, at responsibilidad.

- Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t ibang kasapi, kabilang ditto ang pamahalaan, paaralan, simbahan, pribadong samahan, pamilya, at mamamayan.

- Ang pananagutan ay ang mga dapat gawinng isang sector o tao para sa kaniyang sarili at para sa kaniyang bayan.

- May bahaging ginagampanan ang bawat kasapi ng lipunan upang maiwasan ang tuluyang pagkawasak ng mga likas na yaman ng bansa.

Tandaan Mo

Page 24: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

Natutuhan Ko:Gamit ang mga simbolo kung sino ang gaganap sa sumusunod. Iguhit sa notbuk ang iyong sagot. - pamahalaan - pamilya - paaralan - pribadong samahan - simbahan - mamamayan

_____1. Hinuhubog ang mga anak sa tamang pangangalaga ng kalikasan._____ 2. Gumagawa ng mga bats at programa para sa kalikasan._____ 3. Tuturuan ang mga mag-aaral ng mga paraan sa wastong pangangasiwa ng mga pinagkukunang–yaman._____ 4. Magkaroon ng disiplina sa sarili.

Page 25: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

___ 5. Ipabatid sa mga tao ang tunay na kalagayan ng ating kapaligiran.___ 6. Kausapin ang mga kaibigan upang makiisa sa mga gawaing pangkalikasan.___ 7. Gumawa ng mga awit at palabas na pangkalikasan.___ 8. Disiplinahin ang mga anak.___ 9. Makibahagi sa mga proyekto ng pamayanan.__ 10. Ipinatutupad ng DENR ang mga tungkulin nito

- pamahalaan - pamilya - paaralan - pribadong samahan - simbahan - mamamayan

Page 26: ARALING PANLIPUNAN: Yunit II Aralin 7: Pananagutan sa Pangangasiwa at Pangangalaga ng Pinagkukunang-yaman ng Bansa

Takda: Sa isang ¼ illustration board o coupon bond, gumawa ng poster gamit ang temang:

“Ang Kalikasan ay ating kayamanan

Pangangalaga nito ay ating pananagutan.”