34
ARTS 1

Arts gr.3 tagalog q1

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Arts gr.3 tagalog   q1

ARTS

Unang Markahan

1

Page 2: Arts gr.3 tagalog   q1

Pagguhit

Aralin 1: Uri ng Linya at ang Katangian Nito

Nakalilikha ng disenyong geometric sa pamamagitan ngpaggamit ng dalawang uri ng linya ayon sa katangian ng mga ito

Pag-Isipan Mo Ito

Ang linya ay nabubuo mula sa dalawang tuldok na pinagkabit o pinag-ugnay. May dalawang uri ng linya, tuwid, at pakurba. Ang tuwid na linya ay maaaring pahiga, pataas, pahilis, at putol-putol. Ang pakurbang linya ay maaring paalon-alon at paikot. Ang isang linya ay maaring makapal, manipis, malawak, at makitid.

Ang mga disenyong geometric ay mula sa simpleng hugis na parihaba, tatsulok, bilog, at tuwid na linya.

Maging Malikhain

Gawain 1

Paggawa ng Pambalot ng RegaloMga Kagamitan: oslo paper, lapis, krayola, pastel colors, ruler

Pamamaraan:

1. Ihanda ang mga gamit na kailangan para sa gawaing ito.

2. Umisip ng disenyo na maaaring gawing pambalot ng regalo.

3. Pagsama-samahin ang iba’t ibang uri ng mga linya parasa iyong disenyo.

2

Page 3: Arts gr.3 tagalog   q1

4. Kulayan ang iyong ginawa para ito’y maging kaakit-akit.

5. Sikaping maging malinis at maayos ang iyong likhang sining.

Tandaan:

Nagagawa ng isang pintor na maging kaakit-akit at makabuluhan ang kanyang likhang sining gamit ang iba’t ibang uri ng linya.

Subukin Mo

Gawain 2

Malikhaing Paggawa ng Bag na PapelMga Kagamitan: papel na may kulay, glue, pambalot ng regalo, glitters, pangkulay, at mga pananda Pamamaraan: 1. Gumupit ng isang papel na may kulay na may sukat na 9.5 x 15 pulgada.2. Pagdikitin ang dalawang dulong bahagi.(Humingi ng tulong sa guro kung kinakailangan)3. Siguraduhing madikitan o malagyan ng glue ang gilid pababa.4. Itupi ang ilalim na bahagi ng papel na may sukat na 2 pulgada at muli itong itupi nang patusok.5. Ituping muli ang dalawang gilid paloob upang lumikhang isang akordiyon.6. Dikitan ang ilalim na bahagi ng bag upang tumayo ito.7. Gawin ang magkabilang hawakan.8. Idikit ang ginawang pambalot ng regalo sa papel na bag.9. Ayusin ang paggamit ng glue upang hindi masayang.10. Lagyan ng dekorasyon ang bag na papel gamit ang glitters, pangkulay, at iba pang pananda.

3

Page 4: Arts gr.3 tagalog   q1

Ipagmalaki Mo

Gamitin ang talahanayan sa ibaba upang malaman ang kakayahan mo sa paglikha ng paper bag. Lagyan ng tsek () ang angkop na kahon. Gawin ito sa sagutang papel.

Pamantayan ISKORKitang-

kita5

Kita

3

Hindi Kita

11. Ang aking likhang siningay kakaiba at malikhain.2. Ang mga uri ng linya at katangian nito ay nagamit ko sa aking ginawa.3. Ang mga disenyong geometric ay ginamit ko rin sa aking sining.4. Natapos ko ang aking ginawa nang tama sa oras.

Aralin 2: Iba’t Ibang Laki ng Tao sa Larawan

Nakikita ang pagkakaiba-iba ng laki ng mga tao sa larawan upang malaman ang distansiya nito sa tumitingin

4

Page 5: Arts gr.3 tagalog   q1

Pag-Isipan Mo Ito

Sa larawan, ang laki ng mga tao ay magkakaiba. Ipinakikita nito ang distansiya ng tumitingin. Maliit tingnan kung ito ay malayo sa tumitingin at malaki naman kung ito ay malapit.

Tandaan:

Ang larawan ng tao na malapit sa tumitingin ay iginuguhit nang malaki at maliit naman kung ito ay malayo.

5

Page 6: Arts gr.3 tagalog   q1

Maging Malikhain

Gawain 1

Pagguhit ng Iba’t ibang Tao sa LarawanMga kagamitan: lapis, bond paper, krayola

Pamamaraan: 1. Umisip at gumuhit ng isang lugar na malapit sa

sakahan otaniman.2. Dagdagan ito ng larawan ng mga tao na iba’t iba ang laki ayon sa layo o distansiya ng tumitingin.3. Kulayan ang iyong iginuhit.4. Lagyan ng angkop na pamagat ang iyong natapos na likhang-sining.5. Ipakita mo ito sa iyong mga kaklase at isalaysay ang tungkol sa iyong iginuhit na larawan.

Pamagat

Ipagmalaki Mo

Tingnang muli ang iyong likhang sining. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Lagyan ng bituin ( ) kung ito ay iyong nagawa at tatsulok ( ) kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

6

Page 7: Arts gr.3 tagalog   q1

Pamantayan /

1. Nakagawa ako ng iba’t ibang laki ng tao sa komposisyon ayon sa distansiya o layo nito sa tumitingin.2. Nakagawa ako nang maayos at malinis.

3. Nalagyan ko ng angkop na pamagat ang aking ginawa.4. Nakaramdam ako ng pagmamalaki at kasiyahan habang ginagawa ko ito.5. Nakatapos ako nang tama sa oras.

Aralin 3: Ilusyon ng Espasyo

Naipakikita ang ilusyon ng espasyo sa pagguhit ng mga bagay at mga tao na may iba’t ibang laki o sukat

Pag-Isipan Mo Ito

7

Page 8: Arts gr.3 tagalog   q1

Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay isang paraan o teknik ng pintor upang ipakita ang layo o distansiya, lalim, at lawak sa kaniyang likhang-sining. Kung malayo sa tumitingin ang isang bagay, maliit itong tingnan. Malaki naman kung ito’y malapit sa tumitingin.

Maging Malikhain

Gawain 1

Pagguhit ng Isang PamayananMga Kagamitan: lapis, bond paper, krayola

Pamamaraan:

8

Page 9: Arts gr.3 tagalog   q1

1. Lumabas ng silid-aralan at humanap ng isang lugar namakikita ang palibot ng iyong paaralan.2. Ihanda ang mga kagamitan.3. Gumuhit ng pahigang linya sa bond paper.4. Maglagay ng tuldok sa gitna, kaliwa o kanang bahagi ng papel.5. Mula sa tuldok, gumuhit ng dalawang pahilis na linya pababa upang lumikha ng isang daan ng pamayanan.6. Gumuhit muli ng dalawang pahilis na linya sa ibabaw

ng Guhit – tagpuan upang maging gabay sa pagguhit ng mga tao at iba pang bagay na matatagpuan sa paaralan. 7. Tiyaking maiguhit nang mas malaki ang mga bagay na malapit sa tumitingin kaysa sa mga bagay na malayo sa tumitingin.8. Kulayan at lagyan ng angkop na pamagat ang iyong ginawa.9. Maging malikhain sa paggawa ng iyong sining.

Tandaan: Ang paggamit ng ilusyon ng espasyo ay isang paraan upang maging makahulugan ang isang likhang sining. Sa pagguhit, kailangang maiguhit nang malaki ang mga bagay na malapit sa tumitingin at maliit naman kung ang mga ito ay malayo sa tumitingin.

Subukin Mo

Gawain 2

Pamamaraan:Lagyan ng tsek () ang patlang sa bawat bilang kung ang larawan ay nagpapakita ng ilusyon ng espasyo. Gawin ito sa sagutang papel.

9

Page 10: Arts gr.3 tagalog   q1

1.___ 2.____

3.___ 4.___

Ipagmalaki Mo

Tingnang muli ang iyong likhang sining. Sagutin ang mga tanong sa pamagitan ng paglalagay ng ( ) bituin kung ikaw ay nakagawa nang maayos at ( ) bilog kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

Pamantayan

1. Naiguhit ko ba ang mga bagay na matatagpuan sa aming pamayanan?

2. Naiguhit ko ba nang tama at maayos ang

10

Page 11: Arts gr.3 tagalog   q1

mga bagay ayon sa layo o distansiya ng tumitingin upang maipakita ang ilusyon ng espasyo?3. Nakagamit ba ako ng tamang kulay upang maging kaakit-akit ang aking likhang sining?4. Nagawa ko ba ang aking likhang sining nang malinis at tama sa takdang oras?

5. Nakadama ba ako ng kasiyahan sa aking pagguhit?

Aralin 4: Teksturang Biswal

Napahahalagahan na ang isang pintor ay nakalilikha ngteksturang biswal gamit ang mga linya, tuldok, at kulayupang bigyang buhay ang kaniyang likhang sining.

Pag-Isipan Mo Ito

Ang Still Life Drawing ay isang pamamaraan ng pagpapakita ng pagiging malikhain sa pagguhit ng mga bagay na walang buhay. Nakalilikha ang isang pintor ng teksturang biswal gamit ang cross hatch lines at pointillism upang maging makatotohanan ang tekstura

11

Page 12: Arts gr.3 tagalog   q1

ng kaniyang likhang sining. Ang cross hatch lines ay tanda ng dalawa o higit pang intersecting parallel lines. Ang pointillism naman ay ang paglalagay ng maliliit na tuldok upang makabuo ng larawan.Ang mga mata natin ang tanging nakaaalam ng teksturang biswal sapagkat hindi ito maaaring hipuin o maramdaman. Nakikita natin ang kaibahan ng tekstura ng isang bagay sa larawan sa pamamagitan nang masusing pagtingin dito.

Maging Malikhain

Gawain 1

Still Life Drawing na ginagamitan ng Cross Hatch Lines at Pointillism

Mga kagamitan: lapis, colored pencils, bond paper

Pamamaraan: 1. Ihanda ang mga kagamitan sa pagguhit.2. Ayusin ang mga bagay na iguguhit (hal. iba’t ibang uri

ng

12

Page 13: Arts gr.3 tagalog   q1

prutas, mga bote, atbp.) sa tamang pagkakahanay upanggamiting modelo. 3. Gumamit ng lapis sa pagguhit. 4. Pumili kung ano ang teknik o pamamaraang gagamitin,cross hatch lines o pointillism, para makita ang

tekstura ngmga bagay na iguguhit. Gumamit ng isang teknik lamang.5. Humingi ng tulong sa guro kung kinakailangan.6. Lagyan ng pamagat ang iyong natapos na likhang

sining.

Pamagat

Tandaan:

Ang teksturang biswal ay mapapansin lamang sa pamamagitan ng masusing pagtingin sa isang bagay. Hindi ito nahihipo o nararamdaman.

Subukin MoPamamaraan:

Umisip ng isang hayop na lumilipad o lumalangoy. Iguhit ito at gamitan ng mga cross hatch lines at pointillism para makita ang teksturang biswal. Gamitin mo ang iyong imahinasyon sa pagguhit. Gawin ito sa bond paper.

Ipagmalaki Mo

13

Page 14: Arts gr.3 tagalog   q1

Lagyan ng bituin ( ) ang bilog kung ang iyong sagot ay oo at buwan ( ) kung hindi. Ipaliwanag ang iyong sagot. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Gumamit ba ako ng cross hatch lines at pointillism sa

aking iginuhit ?

Bakit?_______________________________________________

2. Naging malikhain ba ako sa paggawa ng aking likhangsining?

Paano?_____________________________________________

3. Gumamit ba ako ng mga linya at kulay para makalikha ng teksturang biswal sa aking iginuhit?

Paano?_____________________________________________

4. Napahahalagahan ko ba ang aking ginawang sining at gawa ng iba?

Paano?_____________________________________

Aralin 5: Pagguhit Ng Tanawin

Nasasabi na sa isang larawan ng tanawin, ang harapang bahagi ang pinakamalapit; ang mga bagay na kasunod nito ang gitnang bahagi, at ang bahaging likuran ang pinakamalayo.

Pag-Isipan Mo Ito

14

Page 15: Arts gr.3 tagalog   q1

Napalalaki o napaliliit ng isang pintor ang mga bagay sa larawan ayon sa kanilang kinalalagyan o layo sa tumitingin. Ang mga bagay na nasa harapan at malapit sa tumitingin ay malalaki samantalang ang nasa likuran ay maliliit lamang dahil malayo ito sa lugar ng tumitingin. Ang iba pang mga bagay ay nasa pagitan ng harapan at likuran.

Bahaging Likuran

Gitnang bahagi

Harapan

Ang balance ay naipakikita sa larawan sa pagkakaroon ng harapan, gitnang bahagi, at likuran ng larawan.

Maging Malikhain

Pagguhit Ng Tanawin

1. Umisip ng magandang tanawin sa inyong lugar na gusto mong iguhit.2. Pag-isipan kung ano ang mga bagay na dapat isama sa iguguhit.3. Gumuhit ng tanawin na nagpapakita ng mga sumusunod: harapan, gitna, at likuran.

15

Page 16: Arts gr.3 tagalog   q1

4. Iayos ang mga bagay sa larawan upang maipakita ang balance sa kaayusan ng larawan.5. Kulayan ang iyong iginuhit at lagyan ng pamagat.

Tandaan:

Subukin Mo

Ituro ang harapan, gitna, at likurang bahagi ng mga larawan sa ibaba.

1.

2.

16

Mayroong balance sa kaayusan ng larawan kapag may harapan, gitna, at likurang bahagi.

Page 17: Arts gr.3 tagalog   q1

Ipagmalaki Mo

Lagyan ng masayang mukha ( ) kung oo ang iyong kasagutan at malungkot na mukha ( ) kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Naiguhit ko ba ang harapan, gitna, at likurang bahagi ng larawan upang maipakita ang timbang?2. Naiguhit ko ba ang tanawing matatagpuan sa aming rehiyon?3. Naipagmamalaki ko ba ang aking naiguhit na tanawin sa pamamagitan ng pagpapakita nito sa iba?4. Natapos ko ba sa oras ang aking likhang sining?

Aralin 6: Tekstura at Hugis

Nakaguguhit ng halaman, bulaklak o puno na nagpapakita ng iba’t ibang tekstura at hugis ng bawat bahagi gamit

ang lapis o itim na krayola o bolpen.

Pag-Isipan Mo

Ang sketching ay mabilis na pagtatala ng mga bagay na iyong nakikita sa paligid. Ang mga guhit na ito ay kadalasang simple ngunit maganda. Samantalang ang

17

Page 18: Arts gr.3 tagalog   q1

pagpipinta o drawing ay kalimitang tapos at nagpapakita ng buong larawan ng isang tagpo o paksa at nangangailangan ng maraming biswal na detalye. Sa pagguhit at pagpipinta, ang tekstura at hugis ay mahalaga. Ang tekstura ay isang elemento ng sining na naglalarawan ng bagay at tao ayon sa kaniyang katangiang pisikal. Ang hugis naman ay naglalarawan sa pisikal na porma ng isang bagay. Maging Malikhain

Gawain 1Pagguhit ng Halaman, Bulaklak o PunoMga kagamitan: bond paper, itim na krayola, lapis,

recycled na karton

Pamamaraan:1. Humanap ng isang halaman, bulaklak o puno na gusto mong iguhit2. Iguhit at ipinta ang mga detalye nito.3. Ipakita ang tekstura gamit ang cross hatch lines.4. Kulayan ito at pagandahin pa.5. Ipakita mo ang iyong ginawa sa klase at ibahagi ang iyong naramdaman habang ginagawa mo ang iyong likhang sining.

Tandaan:

Ang mga linya at hugis ay ginagamit sa paggawa ng mga sketches. Ang sketch ay hindi kongkretong likhang sining. Kulang ito sa detalye at kulay. Ito ay nagsisilbing gabay ng isang pintor para makabuo ng isang kongkretong likhang-sining.

Subukin Mo

Pamamaraan:

18

Page 19: Arts gr.3 tagalog   q1

Gumawa ng sketch ng isang bagay na makikita sa loob ng silid-aralan.

Ipagmalaki Mo

Bigyan ng marka ang iyong ginawa batay sa pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

Pamantayan

ISKOR

3Kitang-

kita

2Kita

1Hind

i kita

1. Gumuhit ako ng isang likas nabagay na makikita sa labas ng silid-aralan.2. Gumawa ako ng sketch ngisang bagay upang matapos ko ang aking likhang sining.3. Ang tekstura at hugis ayginamit ko sa aking drawing.4. Ibinahagi ko sa aking mgakaklase ang aking nadarama habang ako’y gumagawa.

Aralin 7: Pagguhit Gamit ang Lapis o Anumang Uring Panulat

1. Gamit ang lapis o anumang uri ng panulat, lumikha ng isang larawan na magpapakita ng mga hanapbuhay sa isang probinsiya o rehiyon sapamamagitan ng kanilang pang-araw-araw na gawain. 2. Ilarawan ang pamumuhay ng mga tao sa isang pamayanan.

Pag-Isipan Mo

19

Page 20: Arts gr.3 tagalog   q1

Tingnan ang larawan at sagutin ang mga tanong:

a. Anong uri ng hanapbuhay ang ipinakikita sa larawan?b. Mayroon din ba kayong nakikitang nagtatanim o nagsasaka sa inyong lugar? c. Gusto mo rin bang maging isang magsasaka? Bakit?d. Anong uri ng trabaho o hanapbuhay ang gusto o pangarap mo? Bakit?e. Dapat ba nating ipagmalaki ang paraan ng hanapbuhay o trabaho ng mga tao sa inyong lugar?Ang trabaho o hanapbuhay ay mahalaga upang ang bawat mamamayan ay kumita ng pera para sa ikabubuhay ng kanyang sarili at pamilya. Ang bawat probinsiya o rehiyon sa ating bansa ay may natatanging hanapbuhay o trabaho na angkop sa uri ng klima, topograpiya at kultura ng isang lugar.

Narito ang ilang uri ng trabaho o hanapbuhay sa Pilipinas.

20

Page 21: Arts gr.3 tagalog   q1

Paglililok sa Paete, Laguna Paglalala sa Aklan

Paggawa ng Banga sa Ilocos Pagpipinta sa Angono, Rizal

(Source: En.wikipedia.org; stella-arnaldo.blogspot.com; rizalprovince.ph)

Maging Malikhain

Gawain 1

Pangkatang GawainMga Kagamitan: lapis o pen, krayola o iba pang pangkulay,

manila paper

Pamamaraan:Ang bawat pangkat ay bibigyan ng activity card at pagkatapos ng limang minutong talakayan at paghahanda, ipakikita ng mga miyembro ng bawat pangkat ang kanilang ginawa.

21

Page 22: Arts gr.3 tagalog   q1

Ang paglililok, paglalala, pagpipinta, paggawa ng banga at mga basket, pag-aanluwage at iba pa ay mga uri ng trabaho o hanapbuhay sa ating bansa na dapat kilalanin at ipagmalaki. Malaking bahagi ng ikinabubuhay ng tao ay galing dito.Mga basket,

Group members should Alamin ng bawat

miyembro ang mga gawain o hanapbuhay ng mga tao sa inyong lugar.

Ipakita sa harap ng klase ang nabuong awit

na nilapatan ng kilos.

Sumulat ng maikling awitin na may kaugnayan sa

hanapbuhay o trabaho at lapatan ng tono mula

sa alinmang awitin.

Pag-usapan ang mga gawain o trabaho na ginagawa sa inyong lugar.

Pumili ng tatlong hanapbuhay na gusto

ninyong ipinta.

Ang bawat miyembro ng pangkat ay magtutulong-

tulong upang maiguhit nang maganda at

malagyan ng kaakit-akit na kulay ang mga ito.

Pumili ng lider na

magpapakita ng output sa klase.

Ipaliliwanag ng lider saklase ang kanilang

ginawang mga larawan.

Pangkat 1

Pangkat 2

Gawain 2 Gumuhit ng isang uri ng hanapbuhay na matatagpuan sa iyong probinsya o rehiyon. Gawin ito sa bond paper gamit ang lapis o anumang panulat.

Tandaan:

Ipagmalaki MoPamamaraan:

22

Page 23: Arts gr.3 tagalog   q1

Bigyan mo ng iskor ang iyong pangkat gamit ang pamantayan sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.

PamantayanISKOR

3Kitang-

kita

2Kita

1Hindi kita

1. Nagbahagi ng kaalaman ang bawat miyembro ng aming pangkat.2. Napanatili naming malinis at maayos ang lugar na aming pinaggawaan.3. Nakabuo kami ng larawan ng mga hanapbuhay sa aming lugar gamit ang lapis at iba pang panulat4. Nakinig kami at nagbigay respeto sa ideya at gawa ng iba.5. Ipinagmamalaki namin ang mga hanapbuhay sa aming rehiyon o lugar.

Aralin 8: Pagguhit ng mga Makasaysayang Bahay at Gusali

Nakaguguhit ng larawan ng makasaysayang bahay o gusali gamit ang foreground, middleground at

background

Pag-Isipan Mo

Sa pagguhit, mahalaga ang iba’t ibang uri ng linya at hugis sa pagbuo ng makabuluhang larawan. Kailangan ding tandaan ang paggamit ng foreground, middle ground, at background. Ang foreground ay ang unahang bahagi ng larawan. Malapit ito sa tumitingin kaya ang mga bagay na nakalagay dito ay mukhang malaki. Ang background naman ay ang bahaging likuran ng

23

Page 24: Arts gr.3 tagalog   q1

isang larawan. Ang middle ground ay makikita sa pagitan ng foreground at background ng tanawin.

Maging Malikhain

Gawain 1

Pagguhit ng Makasaysayang Bahay o GusaliMga Kagamitan: krayola, lapis, bond paper

Pamamaraan:1. Pumili ka ng isang makasaysayang bahay o gusali sainyong probinsiya o lugar.2. Iguhit ang napiling makasaysayang bahay o gusali

gamitang iba’t ibang uri ng linya at hugis.3. Dagdagan ng kakaibang istraktura ang iyong disenyo.4. Gumuhit ng mga bagay na gusto mong ilagay sa

24

Page 25: Arts gr.3 tagalog   q1

foreground, middleground, at background.5. Lagyan ito ng kulay at ipaskil sa pisara.

Subukin Mo

Tukuyin kung foreground, middleground, o background ang itinuturo sa larawan. Isulat sa patlang ang sagot.

Tandaan:

Makaguguhit tayo ng isang larawan ng makasaysayang bahay o gusali gamit ang iba’t ibang linya at hugis na may foreground, middleground, at background upang higit na maging maganda ang ating iginuhit na larawan.

Ipagmalaki Mo

Pagmasdan muli ang natapos mong sining. Sagutin ang mga tanong sa pamamagitan ng paglalagay ng puso ( ) kung Oo at tatsulok ( ) kung hindi.Gawin ito sa sagutang papel.

1. Napanatili ko ba ang balanse sa aking

25

Page 26: Arts gr.3 tagalog   q1

sining sa paglalagay ng foreground, middleground at background?2. Naiangkop ko ba ang paggamit ng mgahugis, linya at kulay sa aking ginawa?3. Nagawa ko ba itong kakaiba atmaganda?4. Napanatili ko ba itong malinis at

maayos?5. Nakaramdam ba ako ng kasiyahan opagmamalaki sa aking ginawa?

26