17
COLD WAR Ika-apat na Pangkat | Bb. Marizel Pascua | G9 Perseverance

Cold War (Group 4)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Cold War (Group 4)

COLD WARIka-apat na Pangkat | Bb. Marizel Pascua | G9 Perseverance

Page 2: Cold War (Group 4)

ANG COLD WAR

Hindi pa man nakababangon ang daigdig mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naharap na naman ito sa isang panibagong pagsubok, isang digmaang may bagong anyo at pamamaraan – ang Cold War.

Naganap ito sa pagitan ng dating magkaalyadong bansa, ang US at ang komunistang Union of Soviet Socialist Republics (USSR).

Page 3: Cold War (Group 4)

ANG COLD WAR

Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay naging magkaalyado ang US at USSR laban sa Axis Powers. Ito ay sa kabila ng kanilang kawalan ng tiwala sa isa’t isa at magkaibang ideolohiya. Ang US ay tagapagtaguyod ng demokrasya bilang Sistema ng pamahalaan at kapitalismo bilang sistemang ekonomiko. Sa kabilang banda, ang USSR ay ang unang bansang yumakap sa sosyalismo/komunismo bilang ideolohiyang political at ekonomiko.

Umusbong ang hidwaan sa pagitan ng dalawang bansa bago pa man magwakas ang digmaan. Isa sa mga dahilan ang kanilang hindi pagkakasundo sa magiging kapalaran ng Europe sa oras na magwakas ang digmaan.

Hindi tulad ng mga naunang digmaang pandaigdig ay walang tuwirang komprontasyong naganap noong Cold War.

Page 4: Cold War (Group 4)

US• Hayaan ang mga bansa sa silangang Europe

na maging Malaya• Palakasin ang ekonomiya ng kanlurang

Germany upang makapag-ambag ito sa kaunlaran ng Europe

• Palaganapin ang demokrasya at kapitalismo• Magkaroon ng control sa mga yaman ng

Europe

Page 5: Cold War (Group 4)

USSR• Kontrolin ang mga bansa sa silangang Europe upang

magsilbing buffer state o proteksiyon ang bansa sa ano mang banta

• Kunin ang mga yaman ng Germany bilang bahagi ng bayad-pinsala nito noong digmaan at gawing mahina nag Germany upang hindi na maging banta ito sa hinaharap.

• Palaganapin ang komunismo• Gamitin ang yaman ng mga bansa sa silangang

Europe upang ibangon ang ekonomiya nito.

Page 6: Cold War (Group 4)

Isa sa mga simbolo ng Cold War ay ang pagkakaroon diumano ng iron curtain na naghahati sa Europe sa dalawang panig – kanlurang Europe na kampi sa US at silangang Europe na kampi sa USSR.

ANG COLD WAR

Page 7: Cold War (Group 4)

ANG COLD WAR Nabahala ang US sa paglawak ng impluwensiya ng komunismo sa Europe. Kaya naman noong 1947 ay ipinahayag ni Pangulong Harry Truman ng US ang tinaguriang Truman Doctrine. Ayon dito ay magbibigay ang US ng suportang pinansiyal, political, at military sa mga bansang may kinakaharapna banta ng komunismo. Ito ay alinsunod sa polisiyang containment, na naglayong limitahan ang impluwensiya ng USSR at ang paglaganap ng komunismo.

Pinangambahan ng US na sa pagbagsak ng isang bansa sa komunismo ay magsususnod na ang mga karatig-bansa nito. Tinawag ang penomena na ito na domino theory. Ito ang ginamit ng US na dahilan sa pamamalakad sa iabng bansa.

Noong 1947 din ay pinasinayaan ang European Recovery Program, higit na kilala sa tawag na Marshall Plan, alinsunod sa nagpanukala nitong si Secretary George Marshall. Itinakda nito ang pagbibigay ng US ng $13 bilyong tulong sa mga bansa sa Europe na napinsal ng digmaan.

Pinagbawalan ni Joseph Stalin ng USSR ang pagtanggap ng tulong ng mga kakamping bansa mula sa US. Bumuo ang USSR ng sarili nitong bersiyon ng Marshall Plan, ang Council fro Mutual Economic Assistance o COMECON. Layunin nitong pag-isahin ang ekonomiya ng mga kasapi nitong bansa sa pamamagitan ng malayang kalkalan upang matugunan ang kakapusan sa mga produkto at paglilingkod ng naturang mga bansa.

Page 8: Cold War (Group 4)

BERLIN WALL

• Noong Agosto 1961, sa udyok ng USSR ay itinayo ng East Germany ang Berlin Wall – isang malaking pader na naghati sa East at West Berlin. Pangunahing layunin sa pagtatao ng 155 kilometrong pader na hadlangan ang mga refugee mula sa East Germany na tumungo sa West Berlin. Mahigpit na binantayan ng East Germany ang harang na ito sa pamamagitan ng mga sundalo, bomba, at matataas na kaibre ng baril. Ang Berlin Wal ay naging simbolo ng pagkakahati ng daigdig sa pagitan ng nagtutunggaling US at USSR, demokrasya at komunismo.

Page 9: Cold War (Group 4)

MGA PARAANG GINAMIT SA COLD WAR

Sa mga unang bahagi ng

Cold War ay kapuwa sumunod

ang dalawang bansa sa polisiya

ng brinkmanship o pagiging

laging handa ng hukbong

sandatahan para sa digmaan.

Page 10: Cold War (Group 4)

PAGBUO NG ALYANSA Bumuo ng alyansa ang magkalabang panig noong Cold War. Pinasimulan ito ng US nang buuin nito ang isang alyansang panseguridad, ang North Atlantic Treaty Organization (NATO), noong abril 1949. Layunin ng samahang ito na tulungan ang mga kasapingbansa sa oras na lubusin ito ng ibang bansa at upang pigilan ang paglaganap ng komunismo.

Nakipag-alyansa din ang US maging sa ibang rehiyon ng daigdig. Sa Timog-silangang Asya, pinangunahan nito ang pagbuo ng Southeast Asia Treaty Organization (SEATO) na kinabibilangan ng UK, France, Pakistan, Thailand, Australia, New Zealand, at Pilipinas. Binuo rin nito ang (Central Treaty Organization) CENTO na kinabibilangan ng Turkey, Iraq, Iran, Pakistan, at UK. Katulad ang layunin ng dalawang samahang ito sa NATO.

Anim na taon naman ang nakalipas nang nagtatag ang USSR ng sarili nitong alyansang politikal at militar – ang Warsaw Pact.

May ilang bansang tumangging pumili ng panig noong Cold War. Noong 1955, sa ginanap na Bandung Conference sa Indonesia, idineklara ng ilang bansa, kasama ang Indonesia at India, ang kanilang non-aligned position sa Cold War. Tinawag ang kilusang ito na Non-Aligned Movement.

Page 11: Cold War (Group 4)

PROPAGANDA Kapwa gumamit ng propaganda ang US at USSR upang palaganapn ang kanilang ideolohiya; makalikom ng suporta mula sa mga mamamayan at gayundin mula sa ibang bansa; at upang siraan ang katunggaling bansa.

Ginamit ng magkalabang kampo ang media upang palaganapin ang kanilnag mensahe sa telebisyon, pelikula, radyo, aklat, poster at iba pa. Tingnan sa ibaba ang mga halimbawa ng propagandang ginamit noong Cold War.

Bunsod ng epektibong paggamit ng propaganda ng US at USSR ay lumaganap ang pangamba, takot, at pagkamuhi sa daigdig. Sa US halimbawa, nagkaroon ng tinatawag a Red Scare, o ang matindin takot sa banta ng komunismo. Sa USSR naman, nakilala ang mga Amerkinao bilang racists at mararahas na tao.

Page 12: Cold War (Group 4)

PAG-EESPIYA Nagpadala ng espiya sa magkabilang kampo ang US at ang USSR. Ito ay upang makapagnakaw sila ng mahalaga at lihim na impormasyon tungkol sa mga susunod na hakbang ng kalaban. Isinagawa ang pang-eespiya na ito ng Komitet Gosudarstvennoi Bezopasnosti (KGB) ng USSR, Central Intelligence Agency (CIA) ng US at Secret Intelligence Service (SIS) ng UK.

Isang kilalang insidente ng pang-eespiya noong Cold War ay naganap noong 1960 nang pabagsakin ng USSR ang isang U-2 spy plane ng Us at nahuli ang piloto nitong si Gary Powers.

Noong Oktubre 1962 naman, dahil din sa pang-eespiya, ay natuklasan ng US ang ilang missile sites sa Cuba na ipinatayo ng pangulo nitong si Fidel Castro – isang masugid na tagaporta ng USSR na noon ay pinamumunuan ni Nikita Khrushchev. Tinawag ang pangyayaring ito na Cuban Missile Crisis.

Page 13: Cold War (Group 4)

PALAKASAN NG ARMAS Nagtagisan ang US at USSR sa kung sino sa kanila ang higit na makapangyarihan sa pamamagitan ng pagpaparami at pagpapalakas ng armas. Tinawag ang tunggaliang ito na arms race. Bunsod ang tunggalian ng matinding takot na maaari silang salakayin ng kalaban.

Dahil sa mahigpit na tagisan kung kaya napanatili ang balance ng kaoangyarihan sa pagitan ng dalawa. Nagkaroon din ng balanse ng takot, dahilan upang hindi humantong sa digmaang nuklear ang Cold War. Kinatakutan ng dalawang panig ang pagkakaroon ng mutually assured destruction (MAD) sa pagsiklab ng isang digmaang nuklear. Ang MAD ay isang doktrinang military na nagsasabing ang paggamit ng mga armas nuklear sa isang digmaan ay walang panig ang magwawagi at mawawalan din ng pagkakataon para sa isang kasunduang pangkapayapaan. Gayunpaman, nagkaroon pa rin ng pangambang mauwi ang tunggalian sa digmaang nukleyar dahilan upang lagdaan ang sumusunod na kasunduan,.

Page 14: Cold War (Group 4)

SPACE RACEHindi rin nagpadaig ang dalawang bansa

pagdating sa agham at teknolohiya. Kapuwa sila nag-unahan na marating ang kalawakan at maipakita ang kanilang husay sa daigdig.

Page 15: Cold War (Group 4)

MGA PROXY WAR

Bagama’t walang tuwirang komprontasyong military na naganap sa pagitan ng US at USSR, nakilahok naman ang mga ito sa iba pang digmaan sa magkabilang panig – na tila sila na rin mismo ang nagtunggalian. Naganap ang pagpanig na ito sa tuwing mayroon silang interes na kailangang pangalagaan sa mga naganap na sigalot mga.

Page 16: Cold War (Group 4)

Korean War (1950-1953). Nag-ugat ang Korean War mula sa paghahating politiikal ng Korea sa 38 th parallel ng Allied Forces matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Noong ika-25 ng Hunyo 1950, nilusob ng Komunistang North Korea ang South Korea. Dinepensahan naman ng Allied Forces, kabilang ng US, ang South Korea laban sa North Korea.

Nagtapos ang digmaan sa isang armistice noong ika-27 ng Hulyo 1953.

Vietnam War (1959-1975). Sumiklab ang Vietnam War dahil sa pagkaantala ng pagbubklod ng North at South Vietnam na noon ay nahati sa 17 th parallel. Naganap itis a pagitan ng US at mga nasyonalistang Vietnamese, na ninais pagbuklurin ang Vietnam sa ilalim ng pamahalaang komunista. Matapos ang Ikalawang Digmanng Pandaigdig, ibinalik ng Allied Forces ang South Vietnam sa France na ikinagalit ng mga komunistang Vietnamese.

Sa kabila ng malakas na puwersang military ng US ay nagapi ito ng mga Viet Minh, o gerilyang Vietnamese, na pinamunuan ni Ho Chi Minh at sinupotahan ng USSR at China.

Ilan pang halimbawa ng mga proxy war ang Sandinista Revolution (1974-1979) at Contra War (1979-1990) sa Nicaragua at Afghan War (1978-1982).

MGA PROXY WAR

Page 17: Cold War (Group 4)

PAGWAWAKAS NG COLD WAR Sa ilalim ng administrasyon ni Richard M. Nixon ng US ay napalitan anng polisiyang brinkmanship na ipinatupad sa ilalim ng mga naunang pangulo na sina Eisenhower, Kennedy, at Johnson ng détente o paghupa ng tensiyon ng Cold War. Noong 1975, lumagda ang US, USSR, at 33 pang bansa sa Helsinki Accord sa Finland, bilang pangako na tutugon sila sa polisiya ng détente. Muling nagbalik ang tensiyan sap ag-upo ni Ronald Reagan bilang pangulo ng US noong 1981.

Samantala, noong 1989, tuluyan nang bumagsak ang Berlin Wall sa Germany. Sa pagbagsak ng pisikal na pader na ito ay nabuwag din ang ideolohikal na pader na naghiwalay sa kapitalistang West Germany at Komunistang East Germany. Ito ang naghudyat ng pagwawakas ng Cold War sa Germany.

Sa kabilang banda, unti-unti namang humina ang kapangyarihan ng Partido Komunista sa USSR nang ipatupad ni Mikhail Gorbachev ang patakarang glasnost, o pagiging bukas, upang labanan ang katiwalaan sa pamahalaan at Partido Komunista.

Ipinatupad din niya ang perestroika o pagsasaayos ng patakarang ekonomiko ng bansa. Sa ilalim ng bagong patakaran, pinahintulutan ang mga tao na magtayo ng negosyo at magkaroon ng ari-arian. Epekto ng mga repormang ito ay nagkaroon ang mga tao ng pagnanais na higit pang maging Malaya upang mapagpasiyahan ang aspektong ekonomiko at political sa kanilang lipunan. Bagama’t maraming teritoryo sa USSR ay nagnais ng kalayaan, ang Lithuania ang unang nagdeklara ng kalayaan nito. Bilang tugon, sinalakay ito ng puwersa ni Gorbachev upang gawing halimbawa sa iba pang magtatangkang kumalas mula sa USSR.

Sunod na naging hamon sa pamunuan ni Gorbachev ang kudeta na pinangunahan ni Boris Yeltsin. Bagama’t hindi ito naging matagumpay, nagbunsod naman ito sa pagbibitiw sa katungkulan ni Gorbachev, pagbagsak ng Partido Komunista, at pagkalas ng mga republika mula sa USSR. Mula sa pagbagsak na ito ng makapangyarihang USSR, tuluyan nang nagwakas ang Cold War.