25
ARALIN 9: MGA SALIK SA MABUTING PANGANGASIWA

Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

ARALIN 9: MGA SALIK SA

MABUTING PANGANGASIWA

Page 2: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

Ano ang kahulugan ng mabisang pangangasiwa?

Page 3: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

Ang Mabuting Pangangasiwa: - ay laging isinasaisip ang kabutihan at kapakanan ng bawat kasapi ng mag-anak.

Page 4: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

Pag-usapan ang paraan ng pangangasiwa ng tahanang kinabibilangan ninyo:A. Buhay pa ang nanay at tatay at sila ang

nangangasiwa ng tahanan.B. Buhay pa ang mga magulang pero yaya ang

nangangasiwa ng tahanan.C. Ulila at kinupkop ng

lola/guardian/nakakatandang kapatid/kamag-anak.

Page 5: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

Sagutin ang mga tanong:1. Natugunan ba ng tama ang mga pangunahing

pangangailangan? Bakit?2. Angkop ba sa kakayahan, kalusugan at gulang

ang gawaing iniatas sa bawat kasapi ng grupo? Patunayan.

3. May sapat bang panahon ang bawat kasapi ng mag-anak sa pagsasagawa ng tungkulin sa tahanan?

Page 6: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

Mga Salik sa Mabuting Pangangasiwa:1. Layunin o hangarin - ay adhikain, hangarin, o mithiing nais makamit ng isang tao, mag-anak o bansa. - lakas na nagtutulak upang sikaping umunlad ang buhay at matupad ang mithiin. - isang hamon upang magpatuloy ang tao sa paggawa at paglutas ng mga suliraning kinakaharap sa buhay hanggang sa marating ang tagumpay.

Page 7: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

Dalawang Uri ng Layunin:1. Pansariling layunin - iisang tao ang nag-iisip, nagbabalak, at naglalayon para sa kanyang pansariling kapakanan.2. Layuning pangmag-anak - lahat ng kasapi ng mag-anak ang nagbabalak, nag-iisip, at nagkakaisa sa paggawa para sa kanilang ikauunlad.

Page 8: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

Layuning Pangmadalian - kailangan lamang ang ilang oras o araw upang ito ay matupad. Halimbawa: * pagsasaulo ng tula para sa isang palatuntunan * magbalik-aral para sa isang pag-uulit * paghuhurno ng cake para sa kaarawan

Page 9: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

Layuning Pangmatagalan: - layunin na inaabot ng buwan, o taon bago matupad. Halimbawa: * pagtatapos ng pag-aaral, kurso * makabili ng lupa at bahay para sa mag-anak at iba pa.

Page 10: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

1. Pangangailangan - mga bagay na kailangan ng tao upang mabuhay. - nagtutulak sa tao upang magtiyaga, magtiis, at magpakatatag sa pagharap sa pagsubok sa buhay. - nagbubunsod upang ang tao ay magpakabuti o magpakasama, magtagumpay o mabigo.

Page 11: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

Halimbawa: pagkain, tirahan, pananamit, gamot2. Kagustuhan - mga bagay na ninanais ng tao o mag-anak upang maging madali o maalwan ang kanilang pamumuhay. - ito ay mga bagay na mayroon man o wala, patuloy pa ring mabubuhay ang mag-anak.

Page 12: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

Halimbawa: kotse, stereo, telebisyon at iba pang bagay.3. Pagpapahalaga - ay mga bagay na binibigyang halaga ng isang tao nang higit kaysa ibang bagay.Halimbawa: * dangal kaysa salapi, * karangalan kaysa katanyagan,

Page 13: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

* makapag-aral kaysa luho ng katawan * payak ngunit tahimik na pamumuhay kaysa marangya ngunit magulong buhay4. Pinagkukunan - mga bagay na ginagamit ng tao omag-anak upang mapaayos at mapabuti ang pamumuhay. - ginagamit ng tao upang matupad ang

Page 14: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

kanyang mga layunin.Halimbawa: *salapi, dunong, lakasKahalagahan ng Mabuting Pangangasiwa sa Tahanan:- Mapanatili ang kaayusan at katiwasayan sa

pamumuhay.- Maiiwasan ang inggitan, alitan at di

pagkakaunawaan.

Page 15: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

Mga Dapat Tandaan sa Paghahati-hati ng mga Gawain sa Tahanan:1.Pangangailangan2.Kakayahan3.Gulang4.Kalusugan5.Panahon

Page 16: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

Hakbang ng Gawaing Pamamahala:1. Pagbabalak - masusing pag-aaral ng anumang gawaing ninanais upang maging matagumpay ang layunin o adhikain sa paggawa nito.2. Pagbubuo at Pagtatakda ng Tungkulin - ang gawaing binabalak ay dapat

Page 17: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

isaayos upang makagawa ng tamang hakbang upang makamit ito. - ang mga gawain ay dapat itakda sa bawat kasapi upang maiwasan ang sisihan at di-pagkakaunawaan. Mahalaga na hati-hatiin ang mga gawain ayon sa gulang, kasarian at kakayahan ng bawat kasapi upang matiyak na maisasagawa ang mga ito.

Page 18: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

3. Pagsasagawa at Pagpapatnubay - ang masusing pagsubaybay ng isang tagapangasiwa sa pagsasakatuparan ng binalak na gawain ay nararapat upang matiyak na naisagawa ito ng maayos. - dapat bigyang pansin ang pamamaraan sa pagsasagawa nito upang mapagbuti o mapaunlad pa kung kinakailangan.

Page 19: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

- Makatutulong ng malaki ang pagsubaybay sa mga gumagawa upang mapaunlad ang kanilang pagkatao, matuklasan ang kanilang layunin, at makagawa ng pansariling pagbabalak at pagpapasya.

Page 20: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

4. Pagpapahalaga - ay kailangan sa anumang gawain upang malaman kung ito ay naging matagumpay o bigo nang sa gayon maging batayan ito sa mga balakin sa hinaharap.

Page 21: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

Pagdebelop ng Valyus: Kung kayo ay bibigyan ng pagkakataong mangasiwa sa inyong tahanan, ano ang gagawin ninyo para maiwasan ang sisihan, inggitan at di-pagkakaunawaan ng mga kasapi ng mag-anak?

Page 22: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

TANDAAN:1. Ang pagpapahalaga ay ang higit na pagtingin

ng isang tao sa isang bagay, paniniwala o gawain.

2. Ang layunin ay adhikain o hangarin na nais marating ng isang tao o mag-anak na nagtutulak upang magsikap, magtiyaga at makibaka sa hamon ng buhay upang maging maunlad at matagumpay.

Page 23: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

Ebalwasyon:1. Bakit di-natugunan nang tama ang mga

pangunahing pangangailangan ng mag-anak?

2. Kailan pa maaring makatulong sa pangangasiwa ng tahanan ang isang maliit na bata?

3. Bakit nakatutulong ang kalusugan ng mag-anak sa mabisang pangangasiwa?

Page 24: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

4. Ano ang maaaring mangyari kapag di-napangasiwaan nang husto ang mga pinagkukunan ng mag-aaral.

Page 25: Epp 6 he aralin 9- mga salik sa mabuting pangangasiwa

TAKDANG ARALIN: Paano pinapangasiwaan ng inyong mga magulang ang inyong tahanan?