14
PAGBASA NG BIBLIYA: (ROMA 12: 1-2, 4) Nilay-Karunungan: May iisa lang tayong layunin bilang mga tao, ito ay ang ialay ang ating sarili sa Diyos na naaayon sa kanya

Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)

  • Upload
    jmpalero

  • View
    1.313

  • Download
    39

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)

PAGBASA NG BIBLIYA:(ROMA 12: 1-2, 4)

Nilay-Karunungan:May iisa lang tayong layunin bilang mga tao, ito ay ang ialay ang ating sarili sa Diyos na naaayon sa kanya

Page 2: Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)
Page 3: Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)
Page 4: Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)

Kabanata 1: Ang Handaan (Ang

Pagtitipon)

Page 5: Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)

Paunang Gawain:

Mga Okasyong ginagawa ng aming Pamilya

Page 6: Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)

Paunang Gawain:• Sa iyong opinyon, bakit sobrang

pinapahalagahan ang paggunita sa mga pagdiriwang o okasyong iyong itinala sa graphic organizer?

Page 7: Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)

Hindi naging ugali ni Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago ang bilang paghahanda. Ngunit nang hapong iyon, nang malapit nang magtapos ang buwan ng Oktubre, ay ihinayag niyang mag-iimbit siya sa isang hapunan. Kumalat sa buong Intramuros, Binondo, at sa iba pang lugar sa Maynila ang sinabing iyon ng Don. Parang daloy ng koryente ang biglang pagkalat ng balita. Nakarating sa mga bahayag sa mga bahay ng mga linta, bangaw, at kantanod sa lipunan na dahil sa walang hanggang awa ng Diyos ay patuloy na dumarami sa Maynila. Nasa kalye ng Anloague, ngayon ay Juan Luna, ang bahay ni Kapitan Tiyago, pero hindi na matandaan ang numero nito.

Page 8: Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)

Ang bahay niya ay nasa may pampang ng Ilog Binondo na kasanga ng Ilog Pasig. Napakasaya sa bahay ni Kapitan Tiyago nang gabiyong iyon. Maliwanag ang mga ilaw at sumasabay sa magagandang tugtugin ng orkestra ang kalansingan ng mga kubyertos at pinggan. Magkahilway ang upuan ng mga lalaki at babae. Mayroon rin mga antigong larawan sa mga ding-ding. Nagpakahuling dumating ang ibang mga panauhin, kabilang na sina Dr. de Espadaña at ang kabiyak nitong si Donya Victorina. Dumating rin ang mga miyembro ng simbahan, katulad ni Padre Sibyla; Padre Damaso, paring sadyang magaslaw kumilos at magsalita; Tenyente Guevarra, tenyente ng guardia civil.

Page 9: Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)

Napag-usapan sa gabing iyon ang tungkol sa mga Indio na walang iba kundi ang mga Pilipino; ang tungkol sa pagkakatanggal ni Padre Damaso sa Parokya ng San Diego sa kabila ng paninilbihan nito ng matagal na panahon; ang tungkol sa pulbura at armas, monopolyo ng tabako at iba pa. Hindi na pinalagpas ni Padre Damaso ang pagkakataon upang ihayag niya ang matinding panlilibak sa mga Indio, na ayon sa kaniya ay mga hamak at mabababang uri ng nilalang. Ayon kay Padre Damaso, hindi dapat nakikialam ang hari ng Espanya sa pagpaparusa sa mga erehe sapagkat ito ang nararapat. Ito naman ay tinutulan ng Tenyente at inilahad na ang nangyaring parusa ay marapat lamang sa pananaw ng Kapitan Heneral.

Page 10: Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)

Ipinaliwanag din nito na ang dahilan ng kanyang pagkakalipat ay sapagkat pinahukay nito ang bangkay ng isang marangal na lalaki, na pinagbintangang erehe dahil lamang sa hindi pangungumpisal. Ang bagay na ito ay nakapagpagalit ng lalo sa pari, lalo na nang maalala nito ang mga nawaglit na mahahalagang kasulatan. Namagitan uli si Padre Sibyla upang pakalmahin ang mahahayap na pananalita ni Padre Damaso. Umalis si Tenyente Guevarra sa harapan ni Padre Damaso at pumunta sa ibang grupo. Kalaunan ay lumawig muli ang talakayan.

Page 11: Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)

Mga Kanser sa Lipunan na katatagpuan sa kabanata:

• Pagiging maluho at magastos• Racial Discrimination• Kaisipang kolonyal (Colonial Mentality)

Page 12: Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)

Mga Katanungan:• Sino si Don Santiago de los Santos?

Ano ang kanyang deklarasyon na nagdulot ng malaking kasiyahan at pananabik sa mga taong nakaalam nito?

Page 13: Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)

Mga Katanungan:• Sino si Padre Damaso? Paano niya

inilarawan ang mga Pilipino? Ipaliwanag.

Page 14: Filipino 9 (Noli Me Tangere): Kabanata 1 (Ang Pagtitipon)

Mga Katanungan:• Ano ang katotohanan na ibinunyag ni

Tenyente Guevarra hinggil sa tunay na dahilan kung bakit nilisan ni Padre Damaso ang San Diego bilang kura paroko ng bayan ng San Diego?