3
Batayan Ang Mindoro ay isang malaking isla sa may hilagang-kanluran ng Pilipinas. Sa sukat na labing isang libong parisukat kada kilometro, ang isla ay nagsisilbing rahan sa ibat-ibang uri ng hayop at halaman na inuturing ng nanganganib maubos, bukod pa sa mga tribo ng Mangyan na nakara dito na nabubuhay sa pamamagitan ng mga angking kayamanan sa lugar maraming henerasyon na ang nakalipas. Ang Mindoro ay may malaking deposito ng nikel, isang uri ng metal na ginagamit sa paggawa ng istaynless na bakal, at iba pa. Noong dekada nobenta, ang Intex (na noon ay kilala sa tawag na Mindex), isang kumpanya ng pagmimina mula sa Norway, ay nagmungkahi ng open-pit na pagmimina ng nikel sa Mindoro. Ang ipinapanukalang lugar na miminahin ay malapit sa dalawang biodiversity na lugar at napapaloob din sa watershed na bumubuhay sa apat na malalaking ilog sa isla, na siya namang pinagkukunan ng maiinom ng mga nakara sa kapatagan at irigasyon para sa mga palayan sa Mindoro. Ang Intex mine ay gagamit ng isang proseso na ang tawag ay acid leaching upang makuha ang nikel ore, na siya namang maglalabas ng milyon-milyong tonelada ng lason, na siyang sisira sa mga yamang tubig ng isla at sa kagubatan. Ang mga komunidad ng mga katutubong Mangyan sa Mindoro ay lubhang maapektuhan din ng minahan sapagkat ang pinaplanong miminahing lugar ay napapaloob sa lupa ng kanilang mga ninuno. Nang nasa parte na ng paggalugad ang proyekto, ang mga libingan ng mga katutubo ay hindi nirespeto na nagpapakita ng paglabag sa karapatan ng mga katutubo. Kahit pa na mariin na nututulan ng publiko ang pagmimina at kahit na may mga batas pa na magpoprotekta sa watersheds at lugar ng mga katutubo laban sa pagmimina, nagkamit sila ng permiso marahil dahil sa ang gobyerno ay suportado ang pagmimina sa paniniwalang ito ay isa sa mga pinakamaganda at lumalagong industriya sa bansa. Mobasyon Si Edwin Gariguez, mas kilala sa tawag na ‘Father Edu” ay isang paring Katoliko at pastor ng Mangyan Mission Catholic Church sa isla ng Mindoro. Nagmula sa probinsiya ng Quezon sa isla ng Luzon, si Gariguez ay nanirahan at nagtrabaho sa Mindoro sa maraming dekada. Siya ay kasalukuyang nagsisilbi bilang sekretarya ng Naonal Secretariat for Social Acon, Jusce and Peace ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas. Dala ng kanyang pananampalataya at manding pagnanais na matupad ang kagustuhan ng nakararami na ma-proteksyunan ang kapaligiran, ang Paring si Edu ay kasamang bumuo ng isang alyansa laban sa mina o Alliance Against Mining (ALAMIN) kung saan ang mga miyembro ay binubuo ng mga residente ng Mindoro, mga nanunungkulan sa gobyerno at simbahan, katutubo at ibat-ibang grupo sa lipunan na pawang tutumututol din sa pagmimina sa lugar. Hindi sa tutol siya sa pagmimina, ngunit siya ay naniniwala na dapat magkaroon ng mga pamamaraan para ma proteksyunan ang kapaligiran at ang mga karapatan ng mga katutubong komunidad pa na din ang pagkakaroon ng patas na pamamahagi ng mga ekonomikong benepisyo. HUWAG ILABAS BAGO MAG ABRIL 16, 2012 NG 12:01 UMAGA Isang Katolikong pari, si Edwin Gariguez ay pinangungunahan ang isang grupo na nakikipaglaban sa malakihang pagmimina ng nikel sa Mindoro upang ma-proteksyunan ang biodiversity ng isla gayundin ang mga katutubo na naninirahan dito. EDWIN GARIGUEZ PILIPINAS Tatanggap ng Parangal para sa Islands and Island Naons 2012 Contact: Ferdinand Patinio [email protected] 927 853 1920

Goldman Environmental Award 2012

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Goldman Environmental Award 2012 Mindoro Intex Nickel Mining Project

Citation preview

Page 1: Goldman Environmental Award 2012

BatayanAng Mindoro ay isang malaking isla sa may hilagang-kanluran ng Pilipinas. Sa sukat na labing isang libong parisukat kada kilometro, ang isla ay nagsisilbing tirahan sa ibat-ibang uri ng hayop at halaman na itinuturing ng nanganganib maubos, bukod pa sa mga tribo ng Mangyan na nakatira dito na nabubuhay sa pamamagitan ng mga angking kayamanan sa lugar maraming henerasyon na ang nakalipas. Ang Mindoro ay may malaking deposito ng nikel, isang uri ng metal na ginagamit sa paggawa ng istaynless na bakal, at iba pa.

Noong dekada nobenta, ang Intex (na noon ay kilala sa tawag na Mindex), isang kumpanya ng pagmimina mula sa Norway, ay nagmungkahi ng open-pit na pagmimina ng nikel sa Mindoro. Ang ipinapanukalang lugar na miminahin ay malapit sa dalawang biodiversity na lugar at napapaloob din sa watershed na bumubuhay sa apat na malalaking ilog sa isla, na siya namang pinagkukunan ng maiinom ng mga nakatira sa kapatagan at irigasyon para sa mga palayan sa Mindoro. Ang Intex mine ay gagamit ng isang proseso na ang tawag ay acid leaching upang makuha ang nikel ore, na siya namang maglalabas ng milyon-milyong tonelada ng lason, na siyang sisira sa mga yamang tubig ng isla at sa kagubatan. Ang mga komunidad ng mga katutubong Mangyan sa Mindoro ay lubhang maapektuhan din ng minahan sapagkat ang pinaplanong miminahing lugar ay napapaloob sa lupa ng kanilang mga ninuno. Nang nasa parte na ng paggalugad ang proyekto, ang mga libingan ng mga katutubo ay hindi nirespeto na nagpapakita ng paglabag sa karapatan ng mga katutubo.

Kahit pa na mariin na tinututulan ng publiko ang pagmimina at kahit na may mga batas pa na magpoprotekta sa watersheds at lugar ng mga katutubo laban sa pagmimina, nagkamit sila ng permiso marahil dahil sa ang gobyerno ay suportado ang pagmimina sa paniniwalang ito ay isa sa mga pinakamaganda at lumalagong industriya sa bansa.

Motibasyon Si Edwin Gariguez, mas kilala sa tawag na ‘Father Edu” ay isang paring Katoliko at pastor ng Mangyan Mission Catholic Church sa isla ng Mindoro. Nagmula sa probinsiya ng Quezon sa isla ng Luzon, si Gariguez ay nanirahan at nagtrabaho sa Mindoro sa maraming dekada. Siya ay kasalukuyang nagsisilbi bilang sekretarya ng National Secretariat for Social Action, Justice and Peace ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas.

Dala ng kanyang pananampalataya at matinding pagnanais na matupad ang kagustuhan ng nakararami na ma-proteksyunan ang kapaligiran, ang Paring si Edu ay kasamang bumuo ng isang alyansa laban sa mina o Alliance Against Mining (ALAMIN) kung saan ang mga miyembro ay binubuo ng mga residente ng Mindoro, mga nanunungkulan sa gobyerno at simbahan, katutubo at ibat-ibang grupo sa lipunan na pawang tutumututol din sa pagmimina sa lugar. Hindi sa tutol siya sa pagmimina, ngunit siya ay naniniwala na dapat magkaroon ng mga pamamaraan para ma proteksyunan ang kapaligiran at ang mga karapatan ng mga katutubong komunidad pati na din ang pagkakaroon ng patas na pamamahagi ng mga ekonomikong benepisyo.

HUWAG ILABAS BAGO MAG ABRIL 16, 2012 NG 12:01 UMAGA

Isang Katolikong pari, si Edwin Gariguez ay pinangungunahan ang isang grupo na nakikipaglaban sa malakihang pagmimina ng nikel sa Mindoro upang ma-proteksyunan ang biodiversity ng isla gayundin ang mga katutubo na naninirahan dito.

EDWIN GARIGUEZPILIPINAS

Tatanggap ng Parangal para sa Islands and Island Nations 2012

Contact: Ferdinand Patinio [email protected] 927 853 1920

Page 2: Goldman Environmental Award 2012

Kinalabasan Makailang beses din napagsama-sama ni Gariguez at ng kanyang grupo na ALAMIN ang libo-libong mga katutubo, magsasaka pati na din ang mga lokal na lider sa Mindoro sa mga protesta. Hindi nagpatinag sa anumang uri ng banta o pananakot mula sa mga opisyal ng pagmimina at militar kahit pa pinatay ang isa nilang kasama sa ALAMIN dahil sa kanilang pakikipaglaban—ang paring si Edu ay lalo pang nagpursige na mapalawig pa ang kanilang samahan hindi lang sa Mindoro.

Noong 2002, dahil sa matinding oposisyon ng publiko ang lokal na pamahalaan ay nagpalabas ng ordinansa na naguutos sa Intex na itigil na ang anumang gawain na may kaugnayan sa malawakang pagmimina. Ngunit binalewala ng Intex ang ordinansa at ipinagpatuloy ang kanilang gawain. Ang pagbabalewalang ito sa karapatan ng mga tao ang siyang nagtulak sa paring si Edu na pumunta sa Europa upang kausapin ang mga parliamentaryong Norwega at mga namumuhunan sa Intex. Kasama ang isang organisasyon na Norwega, ang paring si Edu ay naghain ng reklamo sa Organization for Economic Cooperation and Development.

Dahil sa negatibong atensyon na nakuha ng proyekto mula sa ibat-ibang sulok ng daigdig dahil sa paring si Edu, ang mga natakot na namuhunan sa Intex ay nagsimula ng magtanong ng mga detalye tungkol sa minahan. Ang paring si Edu naman ay hindi tinigilan ang kanyang gobyerno upang maipatupad ang mga batas at mabigyan ng karamptang pansin ang nasabing proyekto ng pagmimina. Noong 2009, pinangunahan niya ang pagsasagawa ng protesta sa pamamagitan ng hindi pagkain sa loob ng labing-isang araw hanggang sa pumayag ang kagawaran ng Environment at Natural Resources na magsagawa ng imbestigasyon sa mga nilabag ng minahan pagdating sa panlipunan at kapaligiran na aspeto. Ang nasabing ahensiya ay binawi pansamantala

ang permiso na nakuha ng Intex na nagpatigil sa minahan. Ang resulta, ang karamihan sa mga namuhunan sa Intex, kabilang ang Goldman Sachs, ay inalis ang kanilang ipinuhunan, na naging dahilan kung bakit ang Intex ay hindi naging matagumpay sa pagbenta ng halos 3 bilyong dolyar na proyekto noong 2010. Dahil dito ang pinuno ng Intex ay nagbitiw sa kanyang puwesto.

Samantala, ang President ng Pilipinas na naupo noong Hunyo 2010, ay nagsabi na lalabanan niya ang korupsyon at titingnan ng komprehensibo ang pagmimina. Ang paring si Edu naman ay nagsabi na patuloy ang gagawing pagkalampag sa gobyerno upang matupad nito ang mga pangako.

Ang Goldman Environmental Prize Ang Goldman Environmental Prize ay sumusuporta sa mga indibidwal na nakikipaglaban para sa kapaligiran gaano man ito kahirap at nagbibigay inspirasyon sa mga ordinaryong tao na gumawa ng mga ekstra ordinaryong pamamaraan para protektahan ang mundo. Ang Goldman Environmental Prize ay binuo noong 1989 ng mga civic lider at pilantropo na sina Richard N. Goldman at ang kanyang maybahay na si Rhoda H. Goldman.

Ang mga nagwawagi sa Goldman Environmental Prize ay pinipili ng mga internasyunal na lupon ng mga hurado mula sa mga nominasyon na isinumite ng ibat-ibang organisasyon na nangangalaga sa kalikasan at mga indibidwal. Ang mga nanalo ay sampung-araw na maglilibot sa San Francisco at Washington sa Amerika, kung saan magaganap ang paggawad ng parangal, ang pakikipanayam sa media at pakikipagpulong sa mga pulitiko at lider na nangunguna sa pangangalaga ng kapaligiran.

Para pa sa iba pang impormasyon bisitahin ang www.goldmanprize.org.

HUWAG ILABAS BAGO MAG ABRIL 16, 2012 NG 12:01 UMAGA

Page 3: Goldman Environmental Award 2012

Sa paanong paraan maapektuhan ng Intex mine ang mga taga Mindoro?

Sa kabuuan ang mga katutubo sa Mindoro ay tinatawag na mga Mangyan, ngunit mayroong walong klase ng tribo na nakakalat sa buong isla na may ibat-ibang uri ng pananalita at pamumuhay. Sila ay primitibo na maituturing kumpara sa mga nakatira sa mga lambak at dahil na din sa kanilang kamangmangan kung kaya’t hindi nila alintana ang mga banta sa kanilang kabuhayan. Dahil sa eksploytasyon, sila ay napilitang lumikas mula sa pampang pabalik sa kabundukan kung saan ang pinaplanong minahan ay itatayo. Hindi sila Katoliko, ngunit aming nirerespeto ang kanilang paniniwala at kung paano nila pinapahalagahan ang kapaligiran gaya ng mga puno at ilog.

Nais naming proteksyunan ang mga karapatan ng mga katutubo, gayundin ang nanganganib na ekosistema sa lugar. Ang isla ng Mindoro ay itinuturing na isa sa pinakamalaking biodiversity sa mundo, kung saan maraming uri ng nilalang ay itinuturing na malapit na maubos. Ang isla ng Mindoro ay may malawak na kabuluhan pagdating sa pag preserba ng ekosistema.

Anong papel ang ginagampanan ng relihiyon sa iyong adhikain?

Ginagawa ko ito dahil sa aking pananampalataya. Kapag ako ay nagnanais na makapagdulot ng pagbabago, ginagawa ko ito batay sa turo ng Simbahan upang makatugon sa mga napapanahong pagsubok gaya ng sa kahirapan, pagmimina at korupsyon. Sa pamamagitan ng

aming gawain sa Mindoro, ito ay hindi upang ipilit ang aming paniniwala sa iba bagkus ay upang kami ay maging pawang saksi sa pagbabago sa lipunan.

Naranasan ko na ang ibat’-ibang uri ng pagbabanta at napabilang na din ako sa listahan ng mga aktibista na nais ipapatay. Marami din akong mga kaibigan na napatay dahil sa kanilang dedikasyon sa aming pinaglalaban. Ang pagiging isang pari ko ay nagbibigay sa akin kahit paano ng seguridad at kalayaan upang maibuhos ang lahat ng aking makakaya sa aking trabaho. Kung hindi siguro ako pari, hindi ako marahil makapagbibigay ng dedikasyon sa ganitong uri ng gawain.

Paanong ang korupsyon sa gobyerno ng Pilipinas ay napayagan ang Intex mine gayong ito ay ipinagbabawal?

Ang kasalukuyang patakaran sa pagmimina ay paborable sa mga kumpanya ng minahan at dapat natin itong baguhin upang maremedyuhan ang masamang idinulot ng pagmimina sa buong Pilipinas. Ngunit nais ko din naman bigyan ng papuri ang kasalukuyang administrasyon sa kanilang pagsisikap na maalis ang korupsyon mula sa dating pamunuan. Kailangan din nating suportahan ang pagsisikap ng administrasyong ito sa pamamagitan din ng pagsusulong ng mga reporma laban sa korupsyon.

Bukod sa mga protesta at hindi pagkain, ano pa ang ibang mapayapang pamamaraan ang inyong ginamit upang mabigyang pansin ang usapin ng pagmimina sa Pilipinas?

Ginagawa namin ang lahat ng bagay na nararapat upang matugunan ang usapin. Kami ay laging nakikipag-usap sa mga namumuno sa gobyerno at sa kasalukuyan nga nasa proseso na ng pag sasapinalidad ang Alternative Mineral Management Bill, na naipresinta na sa Kongreso ng Pilipinas at dito nakalahad ang mga probisyon na magbibigay ng mas ligtas at nararapat na alternatibo. Ang pagpasa ng panukalang batas na ito ay hindi lamang magkakaroon ng epekto sa Mindoro kung hindi pati na din sa lahat ng rehiyon sa buong Pilipinas na may pagmimina.

Hindi namin hinihiling na ipagbawal ang pagminina sa kabuuan; nais lamang namin siguraduhin na hindi masasakrispisyo ang mga karapatan ng mga katutubo at ng kapaligiran sa proseso.

Tatanggap ng Parangal para sa Islands: Panayam sa Paring si Edwin Gariguez

HUWAG ILABAS BAGO MAG ABRIL 16, 2012 NG 12:01 UMAGA