23
Bb. Mary Ann M. Encinas Teacher UP TEACHER’S VILLAGE ELEMENTARY SCHOOL

Ict lesson epp 4 aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

Bb. Mary Ann M. Encinas

Teacher

UP TEACHER’S VILLAGE ELEMENTARY SCHOOL

Page 2: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

Dapat maging ligtas at kapakipakinabang sa lahat ang

paggamit ng kagamitan at pasilidad sa Information and Communication

Technology (ICT) katulad ng computer, email, at internet. Kailangang mahusay

na mapag-aralan ang mga gabay sa ligtas at responsableng paggamit ng

computer, internet, at email sa paaralan.

Page 3: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

Bago simulan ang gawain, subukin mong gawin ang sumusunod. Maglagay ng tsek () sa hanay ng thumbs up icon kung OO ang sagot at ng thumbs down icon kung HINDI.

Kasanayan sa Ligtas at Responsableng Paggamit ng Computer, Internet, at Email

1.Natitiyak na ligtas at maayos ang pinaglalagyan ng computer.

2.Nakauupo nang tuwid at nakalapat ang mga paa tuwing gumagamit ng computer.

3.Nakakasaliksik ng impormasyon sa mga sites sa internet.

4.Natutukoy ang mga panganib na dulot ng paggamit ng Internet at nakaiiwas dito.

5.Nakapagse-share o nagpapamahagi ng files sa mga kamag-aral upang makatulong sa paggawa ng takdang-aralin

6.Nakasusunod sa mga gabay na pinagkasunduan sa responsableng paggamit ng computer, internet, at email

Page 4: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

1. Ano-ano ang mga kagamitang nakikita mo sa bahay, paaralan, at mga lugar-pasyalan na produkto ng makabagong teknolohiya?

2. Makatutulong ba ang pagkakaroon ng mga kagamitang ito? Bakit?

Page 5: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

Information Technology (IT) pamamaraankasangkapan teknolohiya

Tumutulong sa mga tao upang makakuha ng impormasyon, maproseso ito, maitago, at

maibahagi.

Page 6: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

Itinuturing din itong Sining at Agham:• pagtatala (recording)• pag-iingat (storage)• pagsasaayos (organizing) • pakikipagpalitan (exchange)• pagpapalaganap ng impormasyon

(information dissemination).

Page 7: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

Salik sa paggamit ng Computer,Internet at

email

Exposure o pagkalantad ng mga di-naaangkop na

materyales. o Maaari kang makakita ng materyales na

tahasang seksuwal, marahas, at ipinagbabawal o ilegal.

Page 8: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

Salik sa paggamit ng Computer,Internet at

email

Viruses, Adware, at Spyware o Maaaring makakuha ng mga

virus sa paggamit ng Internet na maaaring makapinsala sa

mga files at memory ng computer at makasira sa maayos nitong paggana.

Page 9: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

Salik sa paggamit ng Computer,Internet at

email

Paniligalig at Pananakot o Harassment at Cyber bullying o Maaari ka ring makaranas ng cyber bullying o malagay sa peligro dahil sa pakikipag-

ugnayan sa mga hindi kakilala.

Page 10: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

Salik sa paggamit ng Computer,Internet at

emailPagnanakaw ng Pagkakakilanlan o

Identity Theft o Ang naibahagi mong personal na impormasyon ay gamitin ng ibang

tao sa paggawa ng krimen. Maaaring ding makuha ang impormasyon na hindi mo nalalaman o binibigyang pahintulot. Ito ang tinatawag na

identity theft o fraud.

Page 11: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

Ang ilan sa mga kasiya-siya at tamang pamamaraan sa paggamit ng computer, internet, at email ay ang sumusunod:

• Tiyakin/itakda kung aling websites ang maaaring bisitahin at kung gaano katagal maaaring gumamit ng kompyuter, internet at email.

• Magpa-install o magpalagay ng internet content filter. Magagamit ito upang ang kapakipakinabang na nilalaman lamang ang mababasa at maida-download gamit ang Internet.

• Makipag-ugnayan lamang sa mga kakilala o kaibigan tuwing online. Sundin ang tamang gabay na itinakda sa paggamit ng mga social networking, instant messaging, email, online gaming, at webcam.

Page 12: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

ILANG DAPAT ISAALANG-ALANG PARA SA LIGTAS NA PAGGAMIT NG

INTERNET

• Magkaroon ng malinaw na patakaran ang paaralan sa paggamit ng kompyuter, internet, at email.

• Ipagbawal ang pagdadala ng anumang pagkain o inumin sa loob ng computer laboratory.

• Alamin ang pagkakaiba ng publiko at pribadong impormasyon.• Ingatan lahat ng kagamitan sa loob ng computer laboratory. Sundin ang mga

direksiyon ng guro tungkol sa tamang paggamit ng anumang kagamitan.• Ang pasilidad ng internet ay para sa layuning pang-edukasyon lamang. I-access o

buksan ang internet sa pahintulot ng guro. Bisitahin lamang ang mga aprobadong sites sa internet.

• Huwag maglathala, magbigay, o mamahagi ng anumang personal na impormasyon tungkol sa iyo o sa ibang tao (katulad ng tirahan, email address, telepono).

Page 13: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

• Ipinagbabawal ang paggamit ng chat rooms na maaaring magdulot ng kapahamakan para sa mag-aaral.

• Gamitin lamang ang mga ligtas na search engine sa internet. Halimbawa: www.kidzui.com www.kids.aol.com www.surfnetkids.com

• Pumili ng password na mahirap mahulaan, at palitan ito kung kinakailangan.

• Huwag ibigay ang password kaninuman (maliban sa mga magulang) at siguraduhing naka-log-out ka bago patayin o i-off ang kompyuter.

• I-shut-down ang kompyuter at i-off ang koneksiyon ng internet kung tapos nang gamitin ang mga ito. Huwag hayaang nakabukas ang mga ito kapag hindi ginagamit.

ILANG DAPAT ISAALANG-ALANG PARA SA LIGTAS NA PAGGAMIT NG

INTERNET

Page 14: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

Gawain A: Tseklist sa Tamang Posisyon sa Paggamit ng

Computer

Page 15: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

PAMANTAYAN SA TAMANG PAGGAMIT NG COMPUTER

Isagawa ang mga sumusunod. Lagyan ng tsek () ang hanay ng icon na napili.

1. May sandalan ang upuan at maaaring i-adjust ang taas nito.

2. Habang nagta-type,mas mababa nang kaunti ang keyboard sa kamay.

3. Bahagyang nakaangat ang kabilang dulo ng keyboard.

4. Nakaupo nang tuwid at nakalapat ang mga paa. 5. Tama lang at hindi masyadong mahigpit ang

pagkakahawak sa mouse at naiki-click ito nang mabilis.

6. Walang liwanag na nakatapat sa screen ng monitor. Tinaasan o binabaan ang liwanag o

brightness ng monitor hanggang sa maging komportable na ito sa iyong paningin.

Page 16: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

Gawain B: Mag-Skit Tayo… 1. Bumuo ng anim na grupo. 2. Ang bawat grupo ay tatalakay tungkol sa responsableng paggamit ng computer, internet, email, at ang mga kaakibat na panganib na dulot nito. Tingnan ang pagkakaayos ng grupo batay sa paksang tatalakayin sa ibaba: a. Pangkat 1 at 2: Responsableng Paggamit ng Computer b. Pangkat 3 at 4: Repsonsableng Paggamit ng internet c. Pangkat 5 at 6: Responsableng Paggamit ng Email 3. Gumawa ng skit o anumang uri ng presentasyon na tumatalakay sa responsableng paggamit ng computer, internet, at email. Ipakita ito sa klase.

Page 17: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

Gawain C: Mga Gabay para sa Kasiya-siya at Responsableng Paggamit ng Internet

Makibahagi sa talakayan tungkol sa mga gabay para sa ligtas at responsableng paggamit ng internet.

Isulat sa graphic organizer sa ibaba ang mahahalagang alalahanin para sa ligtas at responsableng paggamit ng internet.

Page 18: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

Gawain D: Patakaran: Gawin Natin . . . Dapat Nating Sundin . . Gamit ang dating grupo sa Gawain D, gumawa ng tigtatlong patakaran para sa sumusunod: a. Pangkat 1 at 2: Patakaran sa Paggamit ng Computer b. Pangkat 3 at 4: Patakaran sa Paggamit ng internet c. Pangkat 5 at 6: Patakaran sa Paggamit ng Email

Isulat sa strips ng kartolina ang bawat patakarang mabubuo at idikit ang mga ito sa pader ng computer room.

Patakaran sa Paggamit ng

Computer Patakaran sa Paggamit ng

Internet Patakaran sa Paggamit ng

Email

Page 19: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

SUBUKIN MO!

A. Isulat sa notbuk ang T kung tama ang pahayag at M naman kung mali. ______1. Makatutulong sa mabilis na pagpapadala at pagkuha ng impormasyon ang paggamit ng mga ICT equipment at gadgets. ______2. Dapat gumamit ng internet sa paaralan anumang oras at araw. ______3. Maaaring magbigay ng personal na impormasyon sa taong nakilala mo gamit ang Internet. ______4. Dapat ipaalam sa guro ang mga nakita mo sa internet na hindi mo naiintindihan. ______5. Ibigay ang password sa kamag-aral upang magawa ang output sa panahong liliban ka sa klase.

Page 20: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

B. Piliin ang pinakamabuting sagot ayon sa mga dapat isaalang-alang sa paggamit ng computer. 1. Pagpasok sa computer laboratory, ang dapat kong gawin ay: a. buksan ang computer, at maglaro ng online games b. tahimik na umupo sa upuang itinalaga para sa akin c. kumain at uminom

2. May nagpapadala sa iyo ng hindi naaangkop na “online message,” ano ang dapat mong gawin? a. Panatilihin itong isang lihim. b. Tumugon at hilingin sa nagpadala sa iyo na huwag ka na niyang padalhan ng hindi naaangkop na mensahe. c. Sabihin sa mga magulang upang alertuhin nila ang Internet Service Provider.

3. Sa paggamit ng internet sa computer laboratory, alin sa mga ito ang dapat gawin? a. Maaari kong i-check ang aking email sa anumang oras na naisin ko. b.Maaari akong pumunta sa chat rooms o gamitin ang instant messaging para makipag-ugnayan sa aking mga kaibigan. c. Maaari ko lamang gamitin ang internet at magpuntasa aprobado o mga pinayagang websites kung maypahintulot ng guro.

Page 21: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

4. Kapag may humingi ng personal na impormasyon tuladng mga numero ng telepono o address, dapat mong:

a. ibigay ang hinihinging impormasyon at magalang nagawin ito.b. i-post ang impormasyon sa anumang pampublikongwebsites tulad ng Facebook, upang makita ninuman.c. iwasang ibigay ang personal na impormasyon online,dahil hindi mo batid kung kanino ka nakikipag-ugnayan.

5. Nakakita ka ng impormasyon o lathalain sa computer nasa iyong palagay ay hindi naangkop, ano ang dapatmong gawin?

a. Huwag pansinin. Balewalain.b. I-off ang computer at sabihin ito sa iyong kaibigan.c. Ipaalam agad sa nakatatanda.

Page 22: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

Maglagay ng tsek () sa hanay ng thumbs up icon kung OO ang sagot at ng thumbs down icon kung HINDI. Kasanayan sa Ligtas at Responsableng Paggamit ng Computer, Internet, at Email

• Natitiyak na ligtas at maayos ang pinaglalagyan ng computer.

• Nakauupo nang tuwid at nakalapat ang mga paa tuwing gumagamit ng computer.

• Nakahahanap ng impormasyon sa mga safe at recommended sites sa internet.

• Natutukoy ang mga panganib na dulot ng paggamit ng internet at nakaiiwas dito.

• Nakapagse-share ng files sa mga kamag-aral upang makatulong sa paggawa ng takdang-aralin.

Page 23: Ict lesson epp 4  aralin 7 ligtas at responsableng paggamit ng computer, internet at email

MARAMING SALAMAT!!!!!