12
Kabanata 12 Placido Penitente Ikalawang Grupo

Kabanata 12

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Kabanata 12

Kabanata 12Placido Penitente

Ikalawang Grupo

Page 2: Kabanata 12

Mga Tauhan• Placido Penitente

– mag-aaral sa Pamantasan ng Sto. Tomas, nasa ikaapat na taon ng bachiller en artes

– Isa sa pinakamagaling na iskolar sa Latin at lohistiko sa kanyang bayan sa Batangas

– Itinuturing na mapanghimagsik ng mga prayle sa kanilang parokya– Placido: kalmante o mapayapa– Penitente: nagdurusa

• Juanito Pelaez– Paborito ng mga prayle– Anak ng mestisong Kastila at mayamang mangangalakal

Page 3: Kabanata 12

Mga Tauhan• Isagani

– Makatang kasintahan ni Paulita

• Paulita Gomez• Donya Victorina

– Ang mapagpanggap na isang Europea ngunit isa namang Pilipina– Tiyahin ni Paulita

• Tadeo– Pumapasok para lang alamin kung mayroong klase– Kung mayroon ay aalis at magdadahilang maysakit– Ngunit nakapapasa at paborito pa ng propesor

Page 4: Kabanata 12

Malungkot na patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente sapagkat ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi niya sa kanyang dalawang sulat sa ina. Pinakiusapan nga lamang siya ng ina na kahit bachiller en artes ay matapos niya.

Ang paghahangad ni Placido na magtigil ng pag-aaral ay palaisipan sa kanyang mga kababayang taga Tanawan. Siya ang pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio roon. Hindi naman siya sugarol, walang kasintahang magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang Basyong Makunat, masalapi.

Nagulat si Placido nang makapasok na siya sa Daang Magallanes at siya’y tapikin ni Juanito Palaez sa balikat. Si Palaez ay mapaghangin at paborito ng mga guro.

Page 5: Kabanata 12

Kinumusta ni Juanito ang bakasyon ni Placido. Pagkatapos ay ibinalita ang pagbabakasyon niya sa Tiyani, kasama si Padre Camorra. Nangharana raw sila ng magagandang babae. Wala raw bahay na hindi nila napanhik. At may ibinulong kay Placido na ikinamangha tila ng huli. Tanga raw si Basilio sa pagkakaroon ng katipang tulad ni Huli. Pero susuko rin daw si Huli kay Padre Camorra.

Nagtanong ng leksyon si Palaez kay Penitente sapagkat noon lamang siya papasok. Puro walang pasok noong nakaraang mga araw. May kaarawan ng guro, may pista ng santo, mayroong umambon.

Page 6: Kabanata 12

Ang leksyon daw nila ay ukol sa mga salamin. Niyaya ni Pelaez si Penitente na maglakwatsa. Tumutol ang huli. Nagpatuloy sila ng paglakad. May naalala si Pelaez nang makita ang maliit na parisukat sa harap ng matandang bahay sa Aduwana. Siya ay nanghingi ng abuloy para sa monumento ng isang paring Dominiko. Nagbigay si Placido ng apat na piso para magtigil na si Pelaez at alam din ng Batangueno na nakatutulong ang gayong mga abuloy sa pagpasa ng estudyante.

Page 7: Kabanata 12

Naroon si Isagani na nakikipagtalo ukol sa aralin. Ang ibang estudyante ay naniningin ng magagandang dalagang nagsisimba. Dumating ang karwahe na hila ng kilalang-kilalang mga puting kabayo. Nakita niya si Paulita Gomez, ang kanyang katipan, na kasama si Donya Victorina.

Si Donya Victorina ay ngumiti kay Juanito Pelaez. Si Tadeo ang mag-aaral na nagbilin na sabihin sa propesor na siyays may matinding karamdaman ay sumunod kay Paulita sa simbahan.

Page 8: Kabanata 12

Nagpasukan na sa paaralan ang mga estudyante. Nguni’t may tumawag kay Placido. Pinalagda si placido sa kasulatang tutol sa balak na paaralan ni Macaraig. Hindi lumagda si Placido. Walang panahong basahin ang kasulatan. Naalala niya ang tagapangulo sa kanilang bayan at ang kanyang tiyo na nawalan ng mga pag-aari nang lumagda sa isang kasulatang hindi binasa. Nguni’t sa matagal na pagpipilitan ay nahuli sa klase si Placido Petinente.

Pumasok parin si Placido. Siya ay pumasok nang hindi nagdadahan-dahan. Inakala niyang ang pagkakahuli niya ay pagkakataon na upang siya’y mapuna at makilala ng kanyang guro. Sila’y may mahigit na 150 sa klase. At siya nga’y napuna ng guro na lihim na nagbanta. Bastos magbabayad ka sa akin.

Page 9: Kabanata 12

Karagdagan ImpormasyonAng Unibersidad ng Santo. Tomas noong panahon ng

kastila ay nasa Intramuros (pinaderang lungsod), malapit sa kolehiyo ng San Juan de Letran sa kasalukuyan. Panahon na ng mga Amerikano nang ang UST ay malipat sa Espanya, Maynila. Halos lahat ng paaralan noon ay nasa Intramuros, Letran, at Ateneo.

Katatapos lamang ng bakasyon pagkatapos ng Pasko kaya bagong balik sa paaralan ang mga estudyante.

Page 10: Kabanata 12

Karagdagan ImpormasyonMga pagkakakilanlan sa mga estudyante na nag-aaral sa

tatlong kolehiyo noon:• Ateneo - Nangakadamit Europeo, mabilis lumakad,

maraming dalang aklat at kuwaderno. • Letran - Nakadamit-Pilipino, lalong marami, di gaanong

paladala ng aklat. • UST - Malinis manamit, maayos, makisig, at sa halip na aklat

ay baston ang dala. • Paaralang Pangmunisipyo (Normal) - Mga tahimik ,

makukulay ang damit, sinusundan ng mga utusan, walang biruan at mapagdala ng aklat.

Page 11: Kabanata 12

Mga Katanungan1. Bakit nais nang tumigil ni Placido sa pag-aaral?

• Apat na taon nang siya’y nag-aaral ngunit di pa siya nakikilala at napapansin ng mga guro gayong lagi siyang nag-aaral ng leksyon. Hindi sana gaanong masakit sa kanya kung siya’y walang hangad kundi ang pumasa. Ngunit siya’y matalino, ibig niyang matuto. Siya ang idolo sa katalinuhan sa kanilang bayan.

2. Ano ang kahulugan ng pangalang Placido Penitente?• Placido: Kalmante o mapayapa at penitente ay nagdurusa.

3. Bakit ayon kay Pelaez ay walang hindi nangyayari sa mga kagustuhan ni Padre Camorra sa mga babae sa Tiyani (liban kay Huli)?• Tinatakot ng prayle ang mga kapatid o magulang ng babae ay

maipabibilanggo o maipapatapon kung di masusunod ang kanyang kagustuhan. At iyon ay alam ng mga dalaga na totoong nangyayari.

Page 12: Kabanata 12

Mga Katanungan4. Bakit daw na si Huli man ay babagsak din?

• Kilala ni Pelaez ang kahayupan ni Padre Camorra at naniniwala siyang di magtatagal at makakagawa ng paraan ang kura na makuha ang ibig kay Huli.

5. Anu-ano ang puna ni Rizal sa pag-aaral ng karaniwang kabataan noon?• Karamihan noo’y walang natutuhan dahil:

a. Liban sa Ateneo, ang mga estudyante ay di nagdadala ng aklat, lalo na sa UST.b. Napakalalaki ng bilang ng mga estudyante.k. May mahabang pagpapalagay ang mga guro sa estudyante.d. Madalas ang araw na walang pasok.