17
Makinig Manahimik matuto

Kabanata 24 El Filibusterismo ~ MGA PANGARAP

Embed Size (px)

Citation preview

Makinig

Manahimik

matuto

KABANATA 24Mga

Pangarap

TalasalitaanNaulinigan -

narinig,naparingganSumilay- sumulpot,sumipot, dumatingMapaniil – mapang-abusoNaghulas-pagtutubig,lusaw,tunaw,tagasDaong-malaking bangka

Pagkabusabos - pagkaalipin

Sa sumunod na araw ay nakatakdang makipagkita si Isagani sa kasintahang si Paulita Gomez. Naglalakad siya sa Paseo de Maria Cristina bago pa man lumubog ang araw. Nakasalubong niya sa paglalakad ang dalawang Heswitang naging guro niya.

Mahahalagang Pangyayari

Napadaan din siya sa bantayog ni Anda at doon ay nagkita niyang may kausap si Ben

Zayb at pinag-uusapan ang biglang pagkakasakit ni Simoun sanhi upang hindi

ito makapanood ng naging pagtatanghal sa teatro. Narinig pa niyang ayaw tumanggap ni Simoun ng bisita maging mga tauhan pa

ng Kapitan Heneral. Napagtanto niyang kung ang maysakit ay isang sundalong

sugatan ay tiyak na hindi pag-aaksayahang dalawin ninuman. Talagang malaki ang

nagagawa ng yaman at kapangyarihan sa isang tao

Napabuntong-hininga si Isagani.

Ang tao talaga!

Habang hinihintay si Paulita ay naalala ni Isagani ang mga nangyari sa kanilang salu-salo upang ipagdiwang ang kamatayan ng nais itatag na Akademya ng Wikang Kastila.

“Kung ang liberal sa Espanya ay gaya ng mga nandito sa Pilipinas,mabibilang lamang sa daliri ang magiging tapat sa Inang Bayan”

Dumidilim na ang paligid ngunit wala pa rin si Paulita at nawawalan na ng pag-asa si Isagani na darating pa ang kasintahan. Pero makalipas lamang ng ilang sandali ay dumating din si Paulita lulan ng karwaheng hila ng dalawang kabayong puti. Pagkababa ni Paulita ay nasilayan ni Isagani ang masayang ngiti ng dalaga na nagpawala sa pagod at sama ng loob niya.

Kasama ni Paulita ang tiyahing si Donya Victorina na hinahanap ang asawang si Don Tiburcio. Nagsinungaling si Isagani at ang totoo ay kinupkop ng tiyuhin niyang si Padre Florentino si Don Tiburcio.

“Ano ang palagay mo kay Juanito?”

Kasama ni Paulita ang tiyahing si Donya Victorina na hinahanap ang asawang si Don Tiburcio. Nagsinungaling si Isagani at ang totoo ay kinupkop ng tiyuhin niyang si Padre Florentino si Don Tiburcio.

muling usisa ng donya. Gustuhin man ni Isagani na

pintasan ang lalaking may pagkakuba ay hindi niya ginawa.Nagsinungaling siya upang hindi magalit ang donya.

Gumawa naman ng paraan si Paulita upang magkausap sila ng sarilinan ni Isagani.

“ Kaya lamang ako nagpunta doon at pumayag na sumama kay Juanito ay upang makita ka. Ngunit halos hindi mo ako pinapansin. Tila napako ang iyong mga mata sa magagandang babae”

Sa halip na si Paulita ang magpaliwanag kay Isagani ay nagbago ang ihip ng hangin. Nagkunwari ang dalagang nagseselos sa babaing artista na isang Pranses kaya lumabas na si Isagani ang may kailangang ipaliwanag sa dalaga.

Sa gitna ng pag-uusap nila ay naisipan ni Isagani na ipagtapat ang tunay na kalagayan ni Don Tiburcio kapalit ng pangako ni Paulita hindi sasabihin kay Donya Victorina,ngunit isisiwalat din niya ito sa tamang panahon.

Maya-maya pa’y napunta ang kanilang pag-uusap tungkol sa lalawigan ni Isagani.

“Sa tuwing aking mamamasdan ang kabundukan ay nakakaramdam ako ng kalayaan. Ilang libo mang lungsod ay hindi ko ipagpapalit ang aking bayan,”

masiglang sabi ni Isagani.

Nakaramdam ng selos si Paulita kaya agad siyang pinayapa ni

Isagani.“Totoong minamahal ko ito

nang higit sa anumang bagay bago pa man kita nakilala. Nakakawili ang mga ginawa kong paglilibot at pagsasaya sa piling ng kalikasan, ang aking pagtatampisaw sa dalampasigan. Bago pa kita nakilala ay iyon ang aking mundo… ang aking pag-ibig.. Isang pangarap sa akin na Makita ang ganap na kalayaan at kaunlaran ng aking bayan. At batid kong iyon ay magkakaroon ng katuparan sa malao’t madali”.

Hindi naramdaman ni Paulita ang kasiyahang nadarama ni Isagani. Napakahirap puntahan ng lalawigang tinutukoy ni Isagani. Hindi sanay ang dalaga sa hirap at naglalakbay lamang kung sakay ng karwahe o tren.

“Darating din ang panahon na magkakaroon ng daang-bakal patungo sa aming lalawigan,”

ani Isagani.

“Kailan pa? Baka matanda na ako..”

“Hindi mo ba alam na maaari itong magawa sa loob lamang ng ilang taon? Lilingapin tayo ng Espanya sapagkat araw-gabing kumikilos ang mga kabataan . Darating din ang katarungan sa atin para sa isang magandang kinabukasan. Totoong nabigo kaming mag-aaral sa pagsusulong ng isang interes ngunit nagpapatuloy naman ang tagumpay ng ibang hanay. Nasa atin ang magandang hinahanap.”

Sinikap ng binatang patuloy na himukin si Paulita tungkol sa pag-unlad ng bayan,ang maunlad na kalakalan , ang mga daungan at katulad ng mga bansa sa Europa ay kikilos din ang industriya sa Pilipinas. Kakalingin ang mga magsasaka at magkakaroon ng batas na pantay-pantay para sa lahat.

“Pangarap ! Pangarap! Sabi ni Tiya Torina,kailanman ay hindi na mahahango sa pagkabusabos ang bayang ito,”

tutol ni Paulita sa mga naging pahayag ni isagani.

“Sapagkat isa siyang hangal na hindi maaaring

mabuhay ng walang alipin. Nabibilang na ang

araw ng mga taong katulad niya sapagkat

nabubuwag na ang kastilyong pinaghaharian ng mga mapaniil. Totoong maraming tutol,maraming kakalaban sa amin,ngunit magwawagi pa rin kami. Pasiglahin nawa ng iyong puso ang aming adhikaing

mahango ang bayang ito.”

Ngumiti si Paulita.

“Ngunit paano kung walang mangyari sa inyong ipinaglalaban?”

“ Makinig ka sa akin,Paulita. Alam mo kung gaano kita kamahal. Kung walang magyari at namatay ako sa aking paniniwala,mamamatay akong maligaya sapagkat magniningning sa iyong mga mata ang pagmamalaki. Sasabihin mo sa buong daigdig habang itinuturo ang aking bangkay na namatay ang iyong minamahal sa ipinaglalaban ang karapatan ng Inang Bayan.”

Natigil sila sa kanilang pag-uusap nang marinig ang sigaw ni Donya Victorina.

“Paulita, kailangan mo nang umuwi at baka sipunin ka na”

ang tugon ni Isagani.

Niyaya ng magtiyaga na sumabay si Isagani na siya naming pinaunlakan ng binata. Sa pagsakay, nasa harap sina Isagani’t Paulita. Hindi inaasahan ni Isagani ang ganong pangyayari, katabi niya ang nobya.

Binaybay nila ang kahabaan ng Paseo de la Sabana sa Puente de España. Habang lulan ng karwahe ay narinig niya ang boses sa likuran na nag-uusap tungkol kay Don Tiburcio de Espadaña at nababanggit din maging ang pangalan ni Juanito Pelaez. Naghiwalay sila ng direksyon nang bumaba sila sa Plaza de Sta. Cruz

MGA TAGAPAG-ULATJamaico @ Lorraine