Upload
van-eindree-torres
View
353
Download
20
Embed Size (px)
Citation preview
MGAGANTIMPALANG
NATAMO SAATENEO DE MANILA
(1872 – 1877)
KABANATA IV
Pumasok si Rizal sa Ateneo
Hulyo 10, 1872 – araw kung kailan si Jose ay sinamahan ni Paciano papunta sa Maynila upang kumuha
ng eksamen sa Doktrinang Kristiyano, Aritmatika, at pagbasa para makapasok sa Kolehiyo ng San Juan de Letran.
San Juan de Letran (Dominiko) mahigpit na katunggali ng Ateneo de Manila.
San Juan de Letran
Ateneo MunicipalKilala noon bilang
Escuela Pia, paaralan sa Maynila na para sa mga kalalakihan na itinatag noong1817 at di kinalauna’y naging Ateneo de Manila noong 1859.
Ateneo Municipal noong 1859
Kumuha si Rizal ng eksamen sa San Juan de Letran at siya pumasa
ngunit noong siya’y nagbalik sa Calamba upang makapiling
ang kanyang pamilya, ang kanyang ama ay nagbago ng isip at siya ay
pinagpasyahang pag aralin saAteneo de Manila.
Padre Magin Ferrando – (tagapagtala sa kolehiyo) ayaw tanggapin si Jose Rizal sa kadahilanang:
(1) Huli na sa patalaan.
(2) Sakitin at maliit para sa kanyang edad.
Manuel Xerez Burgos - ang pamangkin ni Padre Jose Burgos na tumulong upang
makapasok si Rizal sa Ateneo.
Padre Jose Burgos – isa sa tatlong pareng martir na walang salang binitay.
Padre Jose Burgos
Rizal – apelyido na ginamit
ni Jose dahil pinagsususpetsahan na ng mga Opisyal ng Espanya ang Mercado.
Mercado – apelyidong ginamit ni Paciano Titay – ang matandang dalaga na nagmamay-ari
ng bahay sa may Intramuros sa labas ng Pader ng Maynila sa may kalye Caraballo na tinutuluyan ni Jose bilang pang bayad ng utang na rin sa 300 Piso na kanyang inutang sa pamilyang Rizal.
Intramuros
Ang Sistemang Edukasyong
Heswita
Mga rason kung bakit mas nakakalamang ang Sistemang Heswita sa ibang kolehiyo
Gumagamit sila ng matinding disiplina at instruksiyong panrelihiyon.
Itataguyod nito ang kulturang pisikal, humanidad at siyentipikong pag-aaral.
Bukod sa mga kursong pang-akademiko tungo sa Batsilyer ng Sining, may mga kursong bokasyonal sa agrikultura, komersiyo, pagmemekaniko at pagseserbey. Mahuhusay ang mga propesor – mga heswitang edukador ng Ateneo.
Dalawang Pangkat ng mga Estudyante saAteneo de Manila
Imperyong Romano – binubuo ng mga internos o mga mag-aaral na nangangasera sa loob ng bakuran ng Ateneo. (pulang bandila).
Imperyong Carthagena – binubuo ng mga externos o mga mag-aaral na nangangasera sa labas
ng bakuran ng Ateneo. (asul na bandila).
5 Ranggo ng Imperyo
1. Emperador – tawag sa pinakamahusay na estudyante sa bawat “Imperyo”.
2. Tribuna – tawag sa pangalawang pinakamahusay.
3. Dekuryon – tawag sa pangatlong pinakamahusay.
4. Senturyon – tawag sa pang-apat na pinakamahusay.
5. Tagapagdala ng Bandila – tawag sa panlimang pinakamahusay.
Opisyal na Uniporme ng mga Mag-Aaral ng Ateneo
• Rayadillo
– binubuo ng “pantalong mula sa mga hinabing hibla ng abaka” at “may guhit – guhit na bulak na amerikana.
– ang itinawag sa materyal na ginamit sa Amerkana na uniporme sa Ateneo.
Unang Taon ni Rizal sa Ateneo
(1872 – 1873)
Padre Jose Bech – ang unang propesor ni Jose sa Ateneo.
Si Rizal ay isang externo na napabibilang sa mga Carthagena na
nakaposisyon sa dulo ng linya ngunit pagkaraan ng unang linggo ay nagpakita ng mabilis na pag-
unlad at ng matapos ang buwan ay naging Emperador na siya.
Kolehiyo ng Santa Isabel– dito nag-aral si Jose
ng wikang Espanyol tuwing bakanteng oras kung saan nagbabayad siya ng 3 piso.
Larawang Relihiyoso – unang premyo ni Rizal na ginantimpala sa kanya dahil sa siya ang pinakamatalinong mag-aaral sa klase.
Bakasyon sa Tag-araw(1872 – 1873)
Umuwi si Rizal sa Calamba para sa kanyang bakasyon, ngunit hindi siya gaanong nagsaya
dahil nakapiit pa rin ang kanyang ina. Isinama siya ng kapatid na si Neneng (Saturnina) sa Tanawan
upang maaliw ngunit di pa rin nalunasan ang kanyang kalungkutan. Pinuntahan niya ang
kaniyang ina ng di nagpapaalam sa kanyang ama. Pagkatapos ng bakasyon ay bumalik na siya
upang sa ikalawang taon niya sa Ateneo.
Saturnina Mercado
Saturnina (1850 – 1913)
- panganay sa magkakapatid na Rizal, ang palayaw niya’y Neneng, ikinasal siya kay Manuel T. Hidalgo ng Tanawan Batangas.
Donya Pepay– isang matandang biyuda na may
biyudang anak na babae at apat na lalaki.– Pinangaserahan ni Rizal sa loob ng
Intramuros sa Blg. 6 Kalye Magallanes.
Pangalawang Taon ni Rizal
sa Ateneo(1873 – 1874)
Siya ay muling naging Emperador. Nakatanggap rin siya ng matataas na grado sa
lahat ng asignatura at gintong medalya.Noong Marso 1874, umuwi siya sa Calamba para sa
kanyang bakasyon.
Paghula sa Paglaya ng Ina
Si Doña Teodora ay nakalaya sa kulungan pagkalipas ng 3 buwan katulad ng
nangyari sa panaginip nya na ikinuwento kayRizal at ang panaginip na ito ay ipinaliwanag sa hula
ni Rizal. Joseph ng Bibliya – hinalintularan ni Doña
Teodora sa kanyang anak na si Rizal dahil sa kakayahan nitong magpaliwanag ng mga panaginip.
Hilig sa Pagbabasa
Mga Librong Nahiligang Basahin ni Rizal
• Travels in the Philippinesni Dr. Feodor Jagor
• Universal Historyni Cesar Cantus
• The Count of Monte Cristoni Alxander Dumas
Ikatlong Taon ni Rizal sa Ateneo
(1874 – 1875)
Dinalaw ni Doña Teodora sa klase si Rizal sa Ateneo upang ibalita sa anak na nakalaya na siya.
Ngunit kahit masaya na ang kanilang pamilya, hindi naging maganda ang ipinakita ni Rizal sa
kanyang pag-aaral. Nakatanggap lamang siya ng 1 medalya sa kanyang asignaturang Latin at
nanatili lamang na matataas ang grado sa lahat ng kanyang asignatura. Noong Marso 1875 ay
umuwi siya ng Calamba.
Ikaapat na Taon ni Rizal sa
Ateneo(1875 – 1876)
June 16, 1875 – naging interno sa Ateneo si Rizal.
– isang mahusay na edukador at iskolar na naging inspirasyon ng batang si Rizal para mag aral ng mabuti at sumulat ng tula.
Padre Francisco de Paula Sanchez
Padre Francisco de Paula Sanchez
– ang paborito, hinahangaan at ginagalang na guro ni Rizal.
Padre Francisco de Paula Sanchez
– pinakamahusay na propesor ng Ateneo ayon kay Rizal.
Nakatanggap si Rizal ng 5 medalya atnanguna sa lahat ng asignatura. Noong Marso 1879
ay umuwi siya ng Calamba.
Huling Taon saAteneo
(1876 – 1877)
Tunay na “ipagmamalaki ng mga Heswita” si Rizal. Siya ay naging pinakamahusay
sa lahat ng asignatura. Nagtapos siya nang nangunguna na klase,
nagkamit ng pinakamataas na grado sa lahat ng asignatura at may gradong pinakamahusay sa
lahat ng asignatura.
Noong Marso 23, 1877 ay nakamit niya ang digri ng Batsilyer sa Sining na may pinakamataas
na karangalan saedad na 16 na taong gulang.
Iba Pang Gawain sa
Ateneo
Iba Pang Mga Ginampanang Tungkulin ni Rizal sa Ateneo
• Naging “emperador” sa loob ng silid-aralan.
• Myembro ng Akademya ng mga Likas na Agham.• Myembro ng Akademya ng Literaturang Espanyol.
• Aktibong kasapi ay kalauna’y naging kalihim sa Kongregasyon ni Maria. (deboto si Rizal ng Immaculada Concepcion, ang Patron ng Kolehiyo).
• Lider sa labas ng silid-aralan.
Padre Jose Vilaclara – ang nagpayo sa kanyang tumigil nang makipag-usap sa mga Musa
at sa halip ay pagtuunan ang mga asignaturang praktikal.
Nag-aral si Rizal ng pagpinta kay Agustin Saez na isang kilalang espanyol na pintor at eskulturanaman kay Romualdo de Jesus na isa namang
bantog na eskultor.
Agustin SaezRomualdo de Jesus
Higit sa lahat ay naglaan ng panahon sa
palakasan sa pamamagitan ng pag aaral ng
gymnastics at pag-eeskrima.
Tiyo Manuel
Mga Istatwang Ginawa sa
Ateneo
Imahen ng Birheng Maria – inukit niya mula sa kahoy ng batikuling, na nagpahanga sa
mga Heswitang Pari dahil sa ganda at rikit nito.
Padre Lleonart – matandang Heswita na humiling na ipag-ukit siya ni Rizal ng Imahen ng Sagradong Puso ni Hesus.
Mga Anekdotatungkol kay
Rizal,ang Atenista
Feliz M. Roxas – isa sa mga kapanahon ni Rizal sa Ateneo na nagkwento ng isang anekdota
tungkol sa insedenteng nagpakita sa pagiging mapagpatawad ng bayani.
• Manzano at Lesaca – dalawang Atenista na nag- away at nagbatuhan ng mga aklat at
nakatama at nagpadugo sa mukha ni Rizal ng aklat.
Manuel Xeres Burgos – maybahay ng inuupahan ni Rizal bago naging interno sa Ateneo na nagkwento ng isang anekdotang nagpapakita tungkol sa pagiging matulungin ni Rizal kahit isalang pa ang sarili sa panganib.• Julio Meliza – isang tiga-iloilong estudyante na
pinakamaliit sa mga kalaro nya na pagpapalipad ng saranggola sa Azotea na pinatahan at tinulungan ni Rizal sa pagkuha ng kanyang saranggola.
Mga Tulang Isinulat sa
Ateneo
Si Donya Teodora ay nakatuklas ng talinoni Rizal sa paggawa ng tula at si
Padre Sanchez naman ang nagbigay ng inspirasyon kay Rizal.
Donya Teodora Padre Francisco de Paula
Sanchez Dr. Jose Rizal
• Mi Primera Isnpiracion (Aking Unang Inspirasyon) – unang tula na maaaring naisulat ni Rizal
bago siya maglabing-apat na gulang noong siya’y nasa Ateneo. Inihandog niya ito para sa kaarawan ng kanyang ina upang maipahayag niya ang kanyang pagmamahal.
• Felicitacion (pagbati)
• El Embarque: Himno a la Flota de Magallanes (Ang Paglisan: Himno para sa Plota ni
Magellan)
• El Combate: Urbiztondo, Terror de Jolo (Ang Labanan: Urbiztondo, Kilabot ng Jolo)
• Y Es Español: Elcano, el Primero en dar la Vuelta al Mundo (At siya ay Espanyol: Elcano, ang Unang Nakaikot sa Mundo)
• Por la Educacion Recibe Lustre la Patria (Sa Edukasyon ay Magtatamo ng Liwanag ang Bansa)
• Alianza Intima Entre la Religion y la Buena Educacion (Malapit na Ugnayan ng Relihiyon at Mabuting Edukasyon)
• Un Recuerdo a Mi Pueblo (Sa Alaala ng aking Bayan) – tulang nagbibigay dangal sa Calamba,
ang baying sinilangan ng bayani.
• El Cautiverio y el Triunfo: Batalla de Lucena y Prision de Boabdil (Ang Pagkabilanggo at ang Tagumpay: Ang Labanan ng Lucena at ang Pagkakulong ng Boabdil) – ang tulang ito ay naglalarawan sa pagkakadakip ng Boabdil, Huling Morong Sultan ng Granada.• La Entrada Triunfal de los Reyes Catolices en Granada (Ang Matagumpay na Pagpasok ng Katolikong
Monarkiya sa Granada) – ang tulang ito ay nagsasalaysay sa matagumpay na pagpasok nina Haring Fernando at Reyna Isabela sa Granada, ang
huling morong kuta sa Espanya.
• El Heroismo de Colon (Ang Kabayanihan ni Columbus) – ang tulang ito ay pumuri kay Columbus, ang tagapagtuklas ng America.• Colon y Juan II (Columbus at Juan II) – ang tulang
ito ay nagsalaysay kung paano nawala ang katanyagan at yaman ni Haring Juan II ng Portugal dahil hindi niya napinansiyahan ang mga panukalang ekspedisyon ni Columbus sa Bagong Daigdig.
• Gran Consuelo en la Mayor Desdicha (Ang Dakilang Konsuelo sa Dakilang Kamalasan) – ito ay isang alamat na patula tungkol sa trahedya ng
buhay ni Columbus.• Un Dialogo Alusivo a la Despedida de los
Colegiales (Isang Dialogo ng Pamamaalam ng mga Mag-aaral) – ito ang huling tulang isinulat ni Rizal sa Ateneo: ito ay makabagbag-damdaming tula ng pamamaalam sa kanyang mga kaklase.
Mga Tula ni Rizal Tungkol sa Edukasyon
• Por la Educacion Recibe Lustre la Patria (Sa Edukasyon ay Magtatamo ng Liwanag ang Bansa)
• Alianza Intima Entre la Religion y la Buena Educacion (Malapit na Ugnayan ng Relihiyon at Mabuting Edukasyon)
Mga Relihiyosong Tula ni Rizal
• Al Niño Jesus (Sa Sanggol na Si Hesus) – isa sa mga relihiyoso nyang tula ay ang maikling oda na
ito na isinulat nya noong 1875 noong siya ay 14 na taong gulang.
• A La Virgen Maria (Para sa Birheng Maria) – isa pa sa mga relihiyoso nyang tula na walang petsa
kung kailan naisinulat. Maaaring isinulat ito niya ito pagkaraan ng kanyang oda para sa Sanggol na si Hesus.
Mga Gawaing Panteatro ni
Rizal sa Ateneo
Hinilingan ni Padre Sanchez si Rizal na magsulat ng dula na batay sa tulang pasalaysay ni San Eustacio, Martir at natapos ito niya ito noong
Hunyo 2, 1876.
Unang Pag-ibig ni Rizal
Segunda Katigbak– isang 14 na taong
Batanguena mula sa Lipa na unang minahal ni Rizal noong 16 na taong gulang siya ngunit pinagkasundo at bandang huli ay nakasal kay Manuel Luz.
Segunda Katigbak
Mariano Katigbak – lalaking kapatid ni Segunda.
Kolehiyo ng La Concordia– lugar kung saan
nangungupahan habang nag-aaral ang pang-apat na kapatid ni Rizal na si Olympia (Malapit na Kaibigan at kaeskwela ni Segunda).
Kolehiyo ng La Concordia
The End ☻ ☻ ☻
Prepared by : Van Eindree C. Torres BSIT - II