12
Masusing Banghay sa Fillipino (Pamaraang Pasaklaw) I. Mga Layunin: Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. natutukoy kung ang panghalip na panao ay palagyo o paari; 2. naipakikita ang kahalagahan ng mga panghalip na panaong palagyo at paari ayon sa gamit; 3. nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga panghalip na panaong palagyo at paari. II. Paksang-Aralin: Paksa: Panghalip na panao at ang mga uri nito; Sanggunian: Bagong Edisyon, Tanglaw 4 p. 142-144; Kagamitan: Panturong biswal, mga larawan at chalk; Estratehiya: Pasaklaw na paraan III. Pamamaraan: Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral A. Paunang Gawain Panalangin Magsitayo ang lahat para sa panalangin. (Magtatawag ang guro ng isang mag- aaral upang pangunahan ang panalangin) Pagbati Magandang-araw mga bata! Pagsasaayos ng silid-aralan Pag tetsek ng liban at hindi liban Bago kayo umupo pakipulot Panginoon, maraming salamat po sa araw na ito na ipinagkaloob niyo sa amin, nawa’y gabayan mo po kami sa mga gawain na aming gagawin sa araw na ito. Sana po gabayan niyo rin ang aming mga guro na siyang mag tuturo sa amin. Amen. Magandang-araw Ginoong Daniel!

Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Detailed lesson plan in Filipino) (CDSGA Students)

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Detailed lesson plan in Filipino) (CDSGA Students)

Masusing Banghay sa Fillipino(Pamaraang Pasaklaw)

I. Mga Layunin:Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:1. natutukoy kung ang panghalip na panao ay palagyo o paari;2. naipakikita ang kahalagahan ng mga panghalip na panaong palagyo

at paari ayon sa gamit;3. nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga panghalip na panaong

palagyo at paari.

II. Paksang-Aralin: Paksa: Panghalip na panao at ang mga uri nito;Sanggunian: Bagong Edisyon, Tanglaw 4 p. 142-144;Kagamitan: Panturong biswal, mga larawan at chalk;Estratehiya: Pasaklaw na paraan

III. Pamamaraan:

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaralA. Paunang Gawain Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa panalangin.

(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral upang pangunahan ang panalangin)

PagbatiMagandang-araw mga bata!

Pagsasaayos ng silid-aralanPag tetsek ng liban at hindi liban

Bago kayo umupo pakipulot ang mga kalat na nasa ilalim ng inyong mga lamesa at paki-ayos ang inyong mga upuan.

Maari na kayong maupo.

Panginoon, maraming salamat po sa araw na ito na ipinagkaloob niyo sa amin, nawa’y gabayan mo po kami sa mga gawain na aming gagawin sa araw na ito. Sana po gabayan niyo rin ang aming mga guro na siyang mag tuturo sa amin. Amen.

Magandang-araw Ginoong Daniel!

(Magpupulot ng kalat ang mga mag-aaral at aayusin ang kanilang mga upuan)

Page 2: Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Detailed lesson plan in Filipino) (CDSGA Students)

Mayroon bang lumiban sa klase ngayong araw? Wala po Gg. Daniel

B. PagsasanayPiliin ang angkop na salita na naa-ayon sa larawan upang mabuo ang pangungusap.

1. ________ ay mabait na bata.

2. _________ ay mga Pilipino.

3. _________ ay aking kaibigan.

4. ________ ang lapis na ito.

5. Sa __________ ang bahay na ito.

(Inaasahang Sagot)

1. Ako ay mabait na bata.

2. Tayo ay mga Pilipino.

3. Ikaw ay aking kaibigan.

4. Akin ang lapis na ito.

5. Sa amin ang bahay na ito.

C. Balik-Aral: Paksa at Panaguri

Ano ang dalawang bahagi ng

Ako Akin Tayo

amin Ikaw

Page 3: Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Detailed lesson plan in Filipino) (CDSGA Students)

pangungusap?(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)

Pakibasa ang pangungusap sa pisara.(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)

Ano ang paksa sa pangungusap?(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)

Ano ang panaguri sa pangunugsap?(Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)

Ano ang kahulugan ng paksa? (Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)

Ano ang kahulugan ng panaguri? (Magtatawag ng isang mag-aaral ang guro)

Magaling!

Ang pangungusap ay binubuo ng paksa at panaguri.

Ang guro ay isang bayani.

Ang paksa ay ang guro.

Ang panaguri sa pangungusap ay ay isang bayani.

Ang paksa ay ang pinag-uusapan sa loob ng pangungusap.

Ang panaguri ay ang tumutukoy o naglalarawan sa paksa.

D. Panlinang na Gawain Pagganyak:

Magsitayo ang lahat at humanap ng kapareha at umawit tayo sa saliw ng awiting, Ako, Ikaw, Tayo isang komunidad.

Ako, ako, ako'y isang komunidad (3x)Ako'y isang komunidad.La la laSumayaw-sayaw at umindak-indakSumayaw-sayaw katulad ng dagatSumayaw-sayaw at umindak-indakSumayaw-sayaw katulad ng dagat(Ulitin ang awit. Palitan ang ako

Ako, ako, ako'y isang komunidad (3x)Ako'y isang komunidad.La la la

Page 4: Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Detailed lesson plan in Filipino) (CDSGA Students)

ng ikaw.... at tayo)

Magaling! Maari na kayong magsiupong

lahat.

Pagganyak na Tanong:Basahin ang pagganyak na

tanong sapisara.

(Magtatawag ang guro ng isang mag-

aaral)

E. PaglalahadAng ating aralin sa araw na ito ay tungkol sa panghalip na panao at ang dalawang uri nito.

Pakibasa ang kahulugan ng Panghalip na panao.

(Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral)

Tama! ang panghalip panao aypamalit o panghalili sa pangalan

ngtao at mayroon itong dalawang

uri.Ang palagyo at paari.

Pakibasa sa pisara ang kahulugan ng

panghalip na panaong palagyo.

(Magtatawag ang guro ng isangmag-aaral)

Sumayaw-sayaw at umindak-indakSumayaw-sayaw katulad ng dagatSumayaw-sayaw at umindak-indakSumayaw-sayaw katulad ng dagat(Ulitin ang awit. Palitan ang ako ng ikaw.... at tayo)

Ano ang panghalip na panao?Ano ang dalawang uri ng panaghalip na panao?

Ang mga panghalip na panao ay pamalit o panghalili sa mga pangalan ng tao.

Ang panghalip na panaong palagyo ay mga panghalip na ginagamit na simuno o panaguri.

Page 5: Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Detailed lesson plan in Filipino) (CDSGA Students)

Samantala ano naman ang kahulugan

ng panghalip na panaong paari?

Pakibasa ang kahulugan nito saPisara.

(Magtatawag ang guro ng isangmag-aaral)

Magaling!

May tatlong panauhanang pang halip na panao.

Nagsasabiito kung sino ang taong

kinakatawanng mga ito. Tinatawag itong una,ikalawa at ikatlong panauhan.

Tignan sa talahanayan ang mgapanauhan ng panghalip ng

panaongpalagyo.

Panauhan

Isahan

Dalawahan

Maramihan

Unang Panauhan

ako kata, kita

tayo

Ikalawang Panauhan

Ikaw, ka

kayo

Ikatlong Panauhan

siya sila

Basahin ang unang halimbawa ngpanghalip na panaong palagyo na

mayunang panauhan.

(Magtatawag ang guro ng isangmag-aaral)

Ako ay isang Pilipino. Ako anggagamiting salita kapag angtaong tinutukoy ay ang iyong

sarili.

Ang panghalip panaong paari ay mga panaghalip na ginagamit upang ipakilala ang pagmamay-ari.

1. Ako ay isang Pilipino.

2. Ikaw din ay isang mamamayang Pilipino.

Page 6: Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Detailed lesson plan in Filipino) (CDSGA Students)

Basahin ang unang halimbawa ngpanghalip na panaong palagyo na

mayikalawang panauhan.

(Magtatawag ang guro ng isangmag-aaral)

Ikaw ay ginagamit naman sa pagtukoy sa

iyong kausap.

Basahin ang unang halimbawa ngpanghalip na panaong palagyo na

mayikatlong panauhan.

(Magtatawag ang guro ng isangmag-aaral)

Sila ang mga bagong guro ngpaaralang ito. Ginagamit ang

salitangsila kapag ang tinutukoy ay ang

mgataong pinaguusapan.

Magbigay pa ng mga halimbawang

pangungusap gamit ang mga salitang

panghalip na panaong palagyo namayroong ibat-ibang panauhan

at isulatsa pisara.

(Magtatawag ang guro ng ilangmag-aaral)

Mahuhusay!

Sa ating pagpapatuloy, tignannaman natin sa talahanayan ang

mgapanauhan ng panghalip na

panaong

3. Sila ang mga bagong guro ng paaralang ito.

(inaasahang sagot)

Ikaw ba ay may matuwid at maitim na buhok?

Kayo ay Pilipino kung ang isa o parehong magulang mo ay Pilipino.

1. Akin ang bag na ito.

Page 7: Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Detailed lesson plan in Filipino) (CDSGA Students)

paari.

Panauhan

Isahan

Dalawahan

Maramihan

Unang Panauhan

akin, ko

atin, natinamin,namin

Ikalawang Panauhan

iyo, mo

kanita, kita

Inyo, ninyo

Ikatlong Panauhan

kanya, niya

kanila, nila

Basahin ang unang halimbawa ngpanghalip na panaong paari na

mayunang panauhan.

(Magtatawag ang guro ng isangmag-aaral)

Magaling!

Ginagamit ang salitang akin kapag ang

bagay na iyong tinutukoy ay sa iyo.

Basahin ang ikalawang halimbawa ng

panghalip na panaong paari na may

ikalawang panauhan.

(Magtatawag ang guro ng isangmag-aaral)

Ginagamit ang salitang mo kapag ang

bagay na tinutukoy ay sa iyong kausap.

Basahin ang ikatlong halimbawa ng

panghalip na panaong paari na may

2. Ang damit mo ay nalabhan na.

3. Kanya itong panyo.

(inaasahang sagot)

Akin ang kwadernong pula. Kanya naman ang

kwadernong kahel.

Page 8: Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Detailed lesson plan in Filipino) (CDSGA Students)

ikatlong panauhan.

(Magtatawag ang guro ng isangmag-aaral)

Ginagamit naman ang salitangkanya, Kapag ang bagay na

tinutukoyAy sa ibang tao.

Ngayon, Magbigay ng mga halimbawang

pangungusap gamit ang mgasalitang panghalip na panaong

paarina mayroong ibat-ibang

panauhanat isulat sa pisara.

(Magtatawag ang guro ng ilangmag-aaral)Pagpapalawak ng Kaalaman

Pangkatin ang klase sa dalawa. Ang unang grupo ay gagawa ng mga tatlong pangungusap gamit ang panghalip na panaong palagyo at ang kabilang pangkat naman ay gagawa ng tatlong pangungusap gamit ang panghalip na panaong paari. Isusulat ang sagot sa kartolina na aking ibibigay. Isang miyembro ng bawat pangkat ang magpi-presenta sa harapan upang basahin ito.

(Inaasahang sagot) Unang pangkat1. Mamamayan ka ng bansa

kahit nakatira ka sa Luzon, Visayas o Mindanao.

2. Tayong lahat ay nga Pilipino, kahit ibat-iba ang anyo.

3. Kata ay dapat magpasalamat sa maykapal

Ikalawang pangkat1. Ang mga taong unang

dumating sa Pilipinas ay mga ninuno rin ninyo.

2. Kanya ang mga lapis na nasa ibabaw ng lamesa

3. Sa iyo ang sapatos na ito.

Page 9: Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Detailed lesson plan in Filipino) (CDSGA Students)

Paglalahat:Ano ang panghalip na panao?

Ano ang dalawang uri nito?

Ang mga panghalip na panao ay pamalit o panghalili sa mga pangalan ng tao.

Ang panghalip na panaong palagyo ay mga panghalip na ginagamit na simuno o panaguri.

Ang panghalip panaong paari ay mga panaghalip na ginagamit upang ipakilala ang pagmamay-ari.

Pagpapahalaga:Bakit natin kailangan pag-aralan ang panghalip na panao at ang ibat-ibang uri nito?

Naintindihan niyo ba ang aralin natin sa araw na ito?

Wala ba kayong mga tanong?

(Ang mga mag-aaral ay may ibat-ibang sagot)Mahalaga ito upang magamit natin ang mga angkop na salita sa angkop nitong pag-gamit.

(inaasahang sagot)Opo Binibining. Epiz!

Wala po Bnb. Epiz!IV. Pagtataya

Kumuha ng isang buong pirasong papel at sagutan ang mga sumusunod na tanong.

A. Bilugan ang mga panghalip na ginamit sa mga pangungusap. Isulat sa kahon kung ito ay palagyo o paari.

1. Iba-iba ang anyo nating mga Pilipino dahil sa ibat-ibang anyo ng ating mga ninuno.

2. Ang mga pilipinong tulad ko ay may kayumangging balat.

3. Ikaw ba’y may matuwid at maitim na buhok?

4. Ang ating taas ay katamtaman lamang tulad ng ating mga ninuno.

5. Silang mga Malay ang pinagkukunan ng maitim na mata ng mga Pilipino.

B. Salungguhitan ang panghalip na dapat gamitin upang

3.

Page 10: Masusing Banghay Aralin sa Filipino (Detailed lesson plan in Filipino) (CDSGA Students)

mabuo ang diwa ng mga pangungusap.

1. Naniniwala (mo, ka, ninyo) ba na mas maganda at matitibay ang mga produktong imported?

2. Ibig (mo, ko, kita) rin ba ng mamulamulang buhok, matangos na ilong at maputing balat?

3. (Ako, Natin, Kanya) ay nakapapansin nakakaunti pa rin ang tumatangkilik ng mga bagay na sariling atin.

4. Mas ibig kasi (inyo, amin, natin) ng mga kagamitan at pagkaing gawa ng ibang bansa.

5. Maging sa pananamit, anyo, at wika ay ginagaya (ka, ninyo, kanya) ang mga dayuhan.

(Inaasahang sagot sa Tanong A)1. Paari,nating2. Paari,ko3. Palagyo,ikaw4. Paari,atin5. Palagyo,silang

(Inaasahang sagot sa Tanong B)1. Ka2. Mo3. Ako4. Natin5. ninyo

V. Takdang-AralinMagsulat ng tig-limang (5) pangungusap gamit ang panghalip na panaong palagyo at paari.