Mga Aralin sa Grade 7

  • View
    1.918

  • Download
    4

Embed Size (px)

DESCRIPTION

Mga Aralin para sa Grade 7 Sanaysay Tayutay Uri ng Tula Kaantasan ng Wika

Text of Mga Aralin sa Grade 7

  • 1. Sanaysay *Isang maikling akdang pampanitikan ukol sa isang partikular na tema o paksa. Itoy paraan ng paglalahad ng mga kuro-kuro sa isang maayos at epektibong pamamaraan. * Itoy tumatalakay sa paraang tuluyan at sa malayang paraang naglalantad ng kaisipan, kuro- kuro, palagay at ng kasiyahan ng sumulat; upang umaliw, magbigay kaalaman o magturo. *Ang sanaysay ay nagmula sa pagsasalaysay ng isang nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay. (Alejandro G. Abadilla)

2. Dalawang Uri ng Sanaysay A.Pormal o Maanyo sa ganitong uri ng sanaysay, higit na maingat, maayos at mabisa ang ginagawang paglalahad ng may-akda. Piling-piling ang mga salitang ginagamit na paraan ng paglalahad.Karaniwan, ang mga pahayag ay ginagamitan ng malawak at masusing pananaliksik. * makahulugan, matalinhaga, at matayutay * seryoso ang tono ng pananalita, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro 3. B. Impormal o Palagayan may himig ng animoy pakikipag-usap lamang. Kahit anong bagay sa ating paligid at sarili ay maaari nating gawing paksa. Ito ay may malayang pamamaraan ng mga pagpapahayag. Hindi ito nangangailangan ng mga teknikal na terminolohiya. Karaniwang nakabatay ang ideya o kuro- kuro ng may-akda sa kanyang mga karanasan. Higit itong kawili-wili at magaan ang interpretasyon. Ang pananalita ay parang usapan lamang ng magkaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita, at mga mambabasa at tagapakinig, kaya madaling maintindihan. 4. Mga Bahagi ng Sanaysay A. Simula o Introduksyon - isang sawikain o pahayag - isang katanungan - nareysyon o pagsasalaysay - pangungusap na makatawag pansin B. Gitna o Katawan ng Sanaysay - dapat na kaugnay o may relasyon ang katawan ng sanaysay sa panimula - sisimulan ng may-akda ang katawan sa mga bagay na simple patungo sa mga kumplikado o sa di-gaanong importante tungo sa mas mahalagang ideya. 5. C. Wakas/ Konklusyon - nangangahulugan ng pagbubuod ng mga naipahayag na ideya - pagbabalik ng mga ideyang inihayag sa introduksyon 6. Mga Katangian ng Isang Epektibong Sanaysay 1. Ibat ibang uri sa paglalahad ang ginagamit sa pagpapahayag ng ideya. 2. May kaisahan (unity) 3. May isang paksa kung saan ang simula, katawan at wakas ay magkakaugnay. 4. Kawili-wili ang introduksyon. 5. Malinaw, tama at angkop ang mga batayan. 6. Malinaw at madaling maunawaan ng mga mambabasa. 7. Angkop ang mga salitang teknikal na ginamit. 7. TAYUTAY patalinhagang pananalita na sadyang lumalayo sa karaniwang paraan ng pagsasalita upang sa ganoon ay maging higit na maganda at kaakit-akit ang sinasabi. 8. 1. Pagtutulad(simile)- ginagamit sa paghahambing ng dalawang magkaibang bagay, tao, pangyayari, atbp. Ito ay ginagamitan ng salitang gaya, parang, kapara, kawangis, wangis, tila, katulad, tulad, animo, wari, mistula, mukha, paris, ga-, magkasing, kasing, o sing. Hal: Ang ugali ng batang iyon ay kawangis ng panahon, madaling magbago. Animo isa siyang bulaklak na namumukadkad. 9. 2. Pagwawangis(metaphor)- ito ay naghahambing din gaya ng pagtutulad ngunit ito ay tiyakang paghahambing. Hal. Ang kamay ng ama ay bakal sa tigas. Ang kanyang mga daliri ay hugis kandila. 10. 3. Pagmamalabis o Eksaherasyon- dito ay sadyang pinalalabis o pinakukulang ang kalagayan o katayuan ng tao o bagay na tinutukoy. Hal. Bumaha ng luha sa burol ng ama dahil sa matinding pagsisisi ng anak. Puputok ang tiyan ko sa kabusugan. 11. 4. Personipikasyon o Pagsasatao ito ay ginagamit upang bigyang- buhay, pagtaglayin ng mga katangiang pantao, talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay. Hal. Lumuha ang langit nang masawi ang kanyang ama. Nakasilip na ang buwan nang ako ay umuwi. 12. 5. Pang-uyam (Irony)- pagpapahayag na parang pumupuri subalit kung uunawaing mabuti ay pangungutya. Hal. Ang gara ng suot mo, ibuburol ka ba? Hindi ka pala gutom, kaya pala naubos ang pagkaing dinala ko. Ang maginoo mo naman, hindi mo man lang pinaupo iyong babae sa bus. 13. 6. Paghihimig ginagamit ang mga tunog ng mga bagay na pinagmumulan nito. Ang mga tunog na siyang kumakatawan sa mga bagay ang siyang nagiging kahulugan. Hal. Sumisirit ang tubig sa gripo. Pumapagaspas ang puno ng kawayan. Kumakalembang na ang kampana sa simbahan. 14. Uri ng Tula Batay sa Kayarian ng Taludturan 1. May Sukat at Tugmang Taludturan o Tradisyunal- Ito ang katutubong kayarian ng tulang Pilipino. Binubuo ito ng mga taludtod na may sukat at tugma. 15. Hal: Ang paglilider moy namumukod-tangi pulos halimbawat walang talumpati; iyong inaakay ang buo mong lahi sa paghihimagsik na may ibang uri. mula sa Mahatma Gandhi ni Amado V. Hernandez 16. 2. Malayang Taludturan (Free Verse) ito ang makabagong kayarian ng tula ng mga tulang walang sukat at tugma. Ito ay tinatawag na Free Verse sa Ingles. Ang ganitong uri ng tula ay karaniwang walang aliw-iw, walang tugma, at walang tiyak na sukat at tugma sa halip tuwiran ang pagsasatitik ng mga kaisipang malayang dumadaloy sa diwa ng isang makata. 17. Hal: Nagputik Ng ilog Ng lamuan Sa ulo ng lupang tibag Sa masamang sukal mula sa Buhangin ni Aniceto Silvestre 18. 3. Di-tugmaang Taludturan o Blangkong Berso Ito ay naging popular sa Inglatera mula noong 1957 bagamat hindi gaanong kilala sa ating bansa. Ito ay tulang may sukat subalit walang tugma. 19. Hal: Unti-unti lang, dahan- dahan, at simutin nang husto kakaunti yang ulam natin, mahirap humagilap ng ulam. mula sa Paksiw na Ayungin ni Jose F. Lacaba 20. Kaantasan ng Wika 1. Pormal - ito ay mga salitang pamantayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap, at ginagamit ng karamihang nakapag- aral sa wika. Ito ang kalimitang ginagamit ng paaralan at sa iba pang may pangkapaligirang intelektwal. Ang pormal na salita ay nauuri sa dalawa: 21. A. Pambansa ang mga salitang ginagamit sa mga aklat at babasahing ipinalalabas sa buong kapuluan at lahat ng paaralan. Ito rin ang wikang ginagamit ng pamahalaan at wikang panturo sa mga nagsisipag-aral. Hal. kapatid, malaki, katulong, mag-aaral, guro 22. B. Pampanitikan mga salitang matatayog, malalalim, makukulay, at sadyang mataas ang uri. Ito ang mga salitang ginagamit ng mga manunulat at dalubwika. Hal. kapusod, katuwang, moog, tanikala, dalamhati, hilahil 23. 2. Di-pormal o Impormal ito ang mga salitang karaniwan at palasak na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pakikipag- usap at pakikipagtalastasan sa mga kakilala at kaibigan. Ito naman ay nauuri sa tatlo: 24. A. Lalawiganin (Provincialism) - ito ang mga salitang kilala at saklaw ng pook na pinaggamitan nito. Kapansin-pansin ang mga lalawiganing salita, bukod sa iba ang bigkas, may kakaiba pang tono ito. Hal. tugang (Bikol), dako (Bisaya), ngarud (Ilokano), kaun (Bisaya) 25. B. Balbal (Slang) ang mga salitang ito noong una ay hindi tinatanggap ng mga matatanda at mga may pinag-aralan dahil hindi raw magandang pakinggan. Ang mga salitang balbal ay tinatawag ding salitang kanto o salitang kalye. Hal. erpat-tatay sikyo-security guard yosi-sigarilyo tsikot-kotse lispu-pulis praning-baliw 26. C. Kolokyal (Colloquial) ito ay mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagamat may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasalita. Pormal Kolokyal aywan ewan piyesta pista nasaan nasan