23
Mga Batayang Kaalaman sa Pananaliksik Ang pananaliksik bilang isang disiplina ay mahalaga sa pag-unlad ng isang bansa. Ito ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-unlad ng komunidad, kalakalan, edukasyon, pulitika at iba pa.

Mga batayang kaalaman

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga batayang kaalaman

Mga Batayang Kaalaman sa Pananaliksik

Ang pananaliksik bilang isang disiplina ay mahalaga sa pag-unlad ng isang bansa. Ito ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-unlad ng komunidad, kalakalan, edukasyon, pulitika at iba pa.

Page 2: Mga batayang kaalaman

Sa kasalukuyan, maraming mag-aaral ang nahihirapan sa pagsulat ng papel sa pananaliksik at isa ito sa dahilan kaya masusi itong tinatalakay.

Page 3: Mga batayang kaalaman

Kahulugan ng Pananaliksik

Ayon kay Aquino(1974), ang pananaliksik ay isang maingat at sistematikong paghahanap ng kaukulang impormasyon o datos sa tiyak na paksang pag-aaralan.

Ipinahayag naman nina Manuel at Medel(1976) na ang pananaliksik ay isang proseso ng paglilikom ng mga datos o impormasyon para malutas ang isang partikular o tiyak na suliranin sa isang siyentipikong paraan.

Page 4: Mga batayang kaalaman

Si Perel (Sanchez, 1980) ay nagbigay ng kahulugan sa pananaliksik bilang sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat bilang pagsagot sa mga tanong na ginawa ng mananaliksik

Sina Treece at Treece (1977) ay nagbigay puna na ang pananaliksik ay isang pagtatangkang makahanap ng mga solusyon sa mga suliranin. Ito ay tinipong mga datos sa kontroladong sitwasyon para sa pagpapaliwanag at pagbibigay ng prediksyon.

Page 5: Mga batayang kaalaman

Si Parel(Sanchez 1980) ay nagbigay ng kahulugan sa pananaliksik bilang sistematikong pag-aaral o pagsisiyasat bilang pag sagot sa mga tanong na ginawa ng mananaliksik.

Sina Treece at Treece(1970) ay nagbigay ng puna na ang pananaliksik ay isang pagtatangkang makahanap ng mga solusyon sa mga suliranin.

Sina Atienza at iba pa (1996) ng Unibersidad ng Pilipinas ay bumuo ng isang praktikal na depinisyon ng pananaliksik. Ayon sa kanila, ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri, at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, problema, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.

Page 6: Mga batayang kaalaman

Batay naman sa kahulugang matatagpuan sa ensayklopidya, ang pananaliksik ay isang aktibo, matiyaga at sistematikong proseso ng pagsisiyasat para makatuklas, makapagbigay ng interpretasyon o baguhin ang katotohanan, pangyayari, asal, teorya o makagawa ng praktikal na aplikasyon sa tulong ng mga makatotohanang pangyayari, batas o teorya. Ang terminong pananaliksik ay ginagamit din sa paglalarawan ng mga tinipong impormasyon tungkol sa isang partikular na paksa.

Page 7: Mga batayang kaalaman

Bilang kongklusyon, ang pananaliksik batay sa ibinigay na iba’t ibang kahulugan ay isang sistematiko at siyentapikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-aayos, pag-oorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon at pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng tao.

Page 8: Mga batayang kaalaman

Mga Katangian ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay sistematiko. Ito’y sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso na nagbubunsod sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon sa suliranin o anuman na naglalayong matuklasan ang bagay na hinahanapan kasagutan.

Ang pananaliksik ay kontrolado. Ito’y hindi isang ordinaryong problema na madaling lutasan. Pinaplano itong mabuti at ang bawat hakbang pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula ng resulta ng pag-aaral na isinasagawa.

Page 9: Mga batayang kaalaman

Ang pananaliksik ay empirikal. Ipinapakita rito na kapag ang lahat ng mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensya ay handa na upang mapatunayan o mapatunayan o mapasinungalingan ang binuong hipotesis sa umpisa pa lamang ng pagsisiyasat. Ang mga empirikal na datos na ito ay magsisilbing batayan sa pagbuo ng kongklusyon.

Ang pananaliksik ay pagsusuri. Ito’y masusuri sa pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at kwalitatibo. Sinasabing kwantitatibo kapag ang pagsusuri ay nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang na ginagamit samantalang ang kwalitatib ay tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng kuru-kuro o interpretasyon.

Page 10: Mga batayang kaalaman

Ang pananaliksik ay obhetibo, walang kinikilingan at lohikal. Ipinakikita sa pahayag na ito na ang anumang resulta ng pag-aaral ay may sapat na batayan at hindi salig sa sariling opinyon ng mananaliksik.

Ang pananaliksik ay ginagamitan ng hipotesis. Ayon kay Gay (1976), ang hipotesis ay pansamantala o temporaryong pagpapaliwanag sa isang tiyak na kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan, pangyayaring naganap na o magaganap pa lamang.

Page 11: Mga batayang kaalaman

Tungkulin at Responsibilidad ng Mananaliksik

Ang mananaliksik ay may mga tungkulin at responsibilidad na dapat isaalang-alang upang maging matagumpay sa gagawing pananaliksik.

.

A. Katangian ng isang mananaliksik Ang isang mananaliksik ay masigasig.

Napakaraming impormasyong makukuha sa gagawing pananaliksik subalit kailangang pagtiyagaan at pagsikapang makuha ang mga aklat, dyornal, magasin, tesis at disertasyon na makakatulong sa paksang pag-aaralan.

Page 12: Mga batayang kaalaman

Ang mananaliksik ay masinop. Pagkatapos na makakuha ang lahat ng impormasyong kailangan sa gagawing pananaliksik, sikaping maging maayos at organisado ang pagtatala ng mga impormasyon.

Ang mananaliksik ay masistema. Mahihiwatigan sa kilos at gawi ng manunulat kung nakaprograma ang lahat ng gagawin niya sa pananaliksik.

Ang mananaliksik ay mapamaraan. Kailangang marunong dumiskarte sa sarili ang mananaliksik.

Ang mananaliksik ay magaling magsiyasat. Ang mga impormasyong nakuha ay tinitimbang nang mabuti kung nararapat o di- nararapat isama.

Page 13: Mga batayang kaalaman

Ang mananaliksik ay may pananagutan. Ang mga awtoridad o eksperto at ang mga manunulat na ginagamit sa pananaliksik ay dapat kinikilala.

B. Responsibilidad ng isang mananaliksik

Ang bawat pagkilos o anumang gawain ay may kaakibat na obligasyon at responsibilidad. Hindi sapat na matapos at mabuo lamang ang sulating pananaliksik nang walang obligasyon ang mananaliksik.

Page 14: Mga batayang kaalaman

Narito ang ilang responsibilidad na kailangang niyang isaalang-alang:

Huwag mangopya ng mga impormasyong gagamitin sa sulating pananaliksik. May batas tayo na nagpaparusa sa tuwirang pangongopya ng impormasyon na hindi kinikilala ang tunay na sumulat nito.

Page 15: Mga batayang kaalaman

Plagiarism – ang tuwirang pangongopya ng impormasyon. Ayon kay atienza at iba pa ang plagiarism ay :• Tuwirang paggamit ng orihinal na

termino o salita na hindi ginagamitan ng bantas na pinipi at hindi binanggit ang pinaghanguan;

• Panghihiram ng mga ideya o pangungusap at pinalitan lamang ang pagkakapahayag ngunit hindi kinilala ang pinaghanguan;

• Pamumulot ng mga ideya mula sa ibat ibang mananaliksik o manunulat at pinagsama-sama lamang ang mga ito subalit hindi itinala ang pinaghanguang datos;

Page 16: Mga batayang kaalaman

• Pagsasalin ang mga termino na nasa ibang wika na inangkin at hindi itinala na salin ang mga ito; at

• Pagnanakaw ng bahagi ng isang disenyo, banghay, himig nang hindi kinikilala ang pagbabatayan ng ibang mananaliksik subalit inangkin na siya ang naghagilap ng mga datos na ito.

Humingi ng permiso o pahintulot sa manunulat ng akdang gagamitin sa pananaliksik.

Isulat ang pangalan ng manunulat at ang taon ng pagkakalathala ng tekstong pinaghanguan ng ideya o mga impormasyon.

Page 17: Mga batayang kaalaman

Gumawa ng bibliograpiya sa mga gumamit na sangguniang bilang pagpapatunay na may sapat na batayan ang ginawang pananaliksik.

Sikaping maging matapat sa paglalahad ng resulta ng isinagawang pag-aaral.

Sundin ang prosesong inaprubahan ng tagapayo sa paggawa ng pananaliksik.

Page 18: Mga batayang kaalaman

Mga Bahagi ng PananaliksikAng sulating pananaliksik ay may

sinusunod na mga bahagi na ginagamit na gabay ng mga mananaliksik. Kontrolado ang sulating ito kaya hindi magagawa ng manunulat na manipulahin ito. Naririto ang mga bahagi na gabay sulating pananaliksik.

Kaligiran ng Pananaliksik

A. Panimula –Mababasa sa panimula ang presentasyon o paglalahad ng suliranin.

B. Paglalahad ng suliranin - Ipinaliwanag sa bahagi ng panimula ang kahalagahan ng paksang pag-aaralan at ang kaligirang kasaysayan nito kaya sa bahagi ng paglalahad ng suliranin ay makikita ang pangkalahatang suliranin ng paksang pag-aaralan.

Page 19: Mga batayang kaalaman

C. Layunin at kahalagahan ng pag-aaral – tinatalakay at kahalagahan ng buong pag-aaral at kung ano ang magiging kontribusyon nito sa larangan ng edukasyon at siyensya. Binabanggit din kung sino ang makikinabang at ang posibleng implikasyon ng pag-aaral na gagawin sa mga taong tintukoy na makikinabang .

D. Batayang konseptwal/teoretikal – Ipinaliwanag ni Kerlinger (1973) na ang teoretikal o konseptwal na balangkas na kailangan sa isang sulating pananaliksik ay tumutukoy set ng pagkakaugnay na konsepto, teorya, kahulugan at proporsyon na pagpapakita sa sistematikong pananaw ng penomena sa pamamagitan ng pagtukoy sa relasyon o kaugnayan ng mga baryabol sa paksang pag-aaralan.

Page 20: Mga batayang kaalaman

E. Saklaw at limitasyon ng pag-aaral – Inilalahad ng mananaliksik sa bahaging ito kung sino ang tagatugon na gagamitin sa isasagawang pag-aaral, saan at kailan ito gagawin.

F. Kahulugan ng mga Katawagan – May mga salita o konseptong ginagamit sa pag-aaral na kailangang isa – isahin at ipaliwanag ang kahulugan upang maunawaan ng mambabasa kung paano ginagamit ang salita o konsepto sa paksang pag-aaralan.

Page 21: Mga batayang kaalaman

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Isa sa mahalagang bahagi ng pananaliksik ang pag-aaral sa mga kaugnay sa literatura. May ibat ibang sistema sa pag-aayos ng mga kaugnay na literatura. Naririto ang pamantayan sa paghahanap ng mga datos kailangan sa pananaliksik.

A. Sikaping makabago at napapanahon ang mga sangguniang gagamitin sa pananaliksik.

B. Dapat na may kaugnayan sa isasagawang pananaliksik ang mga kukuning sanggunian.

C. Kailangang may sapat na bilang ng mga sanggunian na makatugon sa paksang pag-aaralan.

Page 22: Mga batayang kaalaman

Pamamaraan

Ipinaliliwanag ng mananaliksik sa bahaging ito ang disenyo o metodolohiya sa pagsasagawa ng pananaliksik na maaaring palarawan , historikal o kaya’y eksperimental.

Pagsusuri,Paglalahad at Interpretasyon ng mga Datos

Tinatalakay sa bahaging ito ang resulta ng pananaliksik. Makikita ang paglalaahad ng mga datos paraan ng pagsusuri nito at pagbibigay ng interpretasyon. Inilalatag din sa bahaging ito ang paggamit ng talahanayan at mga grap sa pagpapakita ng mga datos.

Page 23: Mga batayang kaalaman

Paglalagom , Kongklusyon at Rekomendasyon

Hindi lahat ng ginawa sa pananaliksik ay isinasama sa bahaging ito. Pinipili lamang ang mahalagang bahagi na punto ng pag-aaral at inilalahad ang kongklusyon sa pag-aaral na ginawa.

Sa kabilang banda dapat na maipakita ng mananaliksik ang kaibahan ng pagbibigay ng resulta sa pagbibigay ng kongklusyon.

Ipinahahayag sa rekomendasyon ang mga obserbasyon sa ginawang pag-aaral at nagbibigay ng mga mungkahi ang mananaliksik na maaaring gawin pa ng ibang mananaliksik sa paksa o porsyon na pananaliksik na maaring ipagpatuloy na hindi nagawa dahil sa limitasyon ng pag aaral .