15
Pangkalusugan, Pang- Edukasyon at Pangkapayapaang Paglilingkod ng Pamahalaan

Mga Paglilingkod ng Pamahalaan sa Mamamayan

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga Paglilingkod ng Pamahalaan sa Mamamayan

Pangkalusugan, Pang-Edukasyon at Pangkapayapaang

Paglilingkod ng Pamahalaan

Page 2: Mga Paglilingkod ng Pamahalaan sa Mamamayan

Mga Programang Pangkalusugan

1. BnB o Botika ng Barangay- Programa ng pamahalaan sa mga komunidad kung saan naglalagay ang pamahalaan ng mga tindahan ng mga murang gamot.

Page 3: Mga Paglilingkod ng Pamahalaan sa Mamamayan

2.EPI o Expanded Program on Immunization- Inilunsad ng pamahalaan upang ang mga bagong silang na sanggol at mga bata ay magkaroon ng pagkakataong makatanggap ng libreng bakuna.

Page 4: Mga Paglilingkod ng Pamahalaan sa Mamamayan

3. National Dengue Prevention and Control Program- Noong 1993, inilunsad ng Kagawaran ng Kalusugan ang programang ito sa Rehiyon 4 at NCR kung saan malawakan ang isinasagawa sa buong bansa taon-taong pakikipagtulungan ng WHO at UNICEF simula 1998.

Page 5: Mga Paglilingkod ng Pamahalaan sa Mamamayan

4. ALAGA KA- Noong Marso 2014, pinangunahan ni Dating Pangulong Benigno Aquino III ang paglulunsad ng programang ALAGA KA . Layunin nito na imulat ang mga kapos palad na pamilya sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng DOH at PhilHealth.

Page 6: Mga Paglilingkod ng Pamahalaan sa Mamamayan

5. Pagpapalawak ng saklaw ng mga programa ng PhilHealth- Higit n pinalawak ng pamahalaan ang saklaw o sakop ng PhilHealth at ang mga serbisyong ginagawa nito. Bukod sa pagpapatayo at pagsasaayos ng mga pasilidad, nagpadala rin ang pamahalaan ng doktor, nars, komadrona, at community health teams sa malalayong lugar upang gamutin at tulungan ang mga nangangailangan nating kababayan.

Page 7: Mga Paglilingkod ng Pamahalaan sa Mamamayan

Mga Programang Pang-edukasyon

1. Pagkakaloob ng libreng edukasyon- Bawat batang Pilipino ay may karapatang tumanggap ng libreng panimulang edukasyon o basic education.

Page 8: Mga Paglilingkod ng Pamahalaan sa Mamamayan

2. Paglulunsad ng K-12 Program- Noong 2013 ay nilagdaan ni Dating Pangulong Aquino III ang R.A. 10533 na nagsusulong ng sa pagpapatupad ng K-12 program.

Page 9: Mga Paglilingkod ng Pamahalaan sa Mamamayan

3. Pagbibigay ng iskolarsyip sa mahihirap ngunit matatalinong estudyante- Sa ilalim ng R.A. 10648, itinadhana ng pamahalaan na ang sampung nangungunang mag-aaral na magtatapos sa bawat pampublikong paaralan ay pagkakalooban ng iskolarsyip upang makapag-aral ng libre sa kolehiyo.

Page 10: Mga Paglilingkod ng Pamahalaan sa Mamamayan

4. Abot-Alam Program- Layunin ng programang ito na turuan at gawing produktibo ang mga kabataang 15-30 taong gulang na hindi nag-aaral o out-of-school youth sa tulong ng ALS o Alternative Learning System.

Page 11: Mga Paglilingkod ng Pamahalaan sa Mamamayan

5. Pagpapabuti sa kalagayan ng mga guro- Isa sa mahahalagang programa ng pamahalaan ay pagkakaloob sa mga guro ng makabuluhang pagsasana sa pamamagitan ng mga seminars at workshops hinggil sa epektibong pagpapatupad ng K-12.

Page 12: Mga Paglilingkod ng Pamahalaan sa Mamamayan

6. Pagpapatayo ng mga karagdagang silid-aralan- Sinisikap ng pamahalaan na makapagpatayo ng mga paaralan sa malalayong lugar, maging sa mga tribo o lugar ng mga minoridad.

Page 13: Mga Paglilingkod ng Pamahalaan sa Mamamayan

3. Programang Pangkapayapaan

1. Pakikipag-usap ng pamahalaan sa mga rebelde at iba pang grupo na sumasalungat sa pamahalaan.

Page 14: Mga Paglilingkod ng Pamahalaan sa Mamamayan

2. Pagpapaigting ng seguridad sa bansa sa pangunguna ng DILG

Page 15: Mga Paglilingkod ng Pamahalaan sa Mamamayan

3. Pagtuturo ng Edukasyong Pangkapayapaan o Peace Education sa mga paaralan