7
Mga Patnubay sa Pag- aanyo

Mga patnubay sa pag aanyo

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Mga patnubay sa pag aanyo

Mga Patnubay sa Pag-aanyo

Page 2: Mga patnubay sa pag aanyo

1. Ilagay ang pinakamahalagang balita sa kanang itaas. Sa ibaba nito ay ang sumusunod na balitang may kahalagahan.

2. Paglayuin ang mga lathalaing magkasinghaba.

3. Ibahin ang anyo ng pahina sa bawat labas ng pahayagan.

Page 3: Mga patnubay sa pag aanyo

4. Iwasan ang hagdan-hagdang ayos ng mga balita.

5. Hanggang maaari, iwasan ang pagputol ng balita at ang pagpapatuloy nito sa ibang pahina. Iwasan din ang siksik na ayos.

6. Iwasan ang paglalapit ng dimagkaugnay na larawan at lathalain.

Page 4: Mga patnubay sa pag aanyo

7. Iwasan ang paglalayo ng magkaugnay ng lathalain at larawan.

8. Iwasan ang paggamit ng maraming uring tipo sa iisang pahina.

9. Iwasan ang paglalagay ng karugtong (jump story) sa itaas ng pahina o sa pabalik na pahina (Avoid bad break).

10. Iwasan ang paglalagay ng pangalan ng pahayagan sa ilalim ng lupi (below the fold) Mga Patnubay sa Pag-aanyo

Page 5: Mga patnubay sa pag aanyo

11. Iwasan ang abuhing talataan (gray areas or sea gray areas). Maiiwasan ito sa pamamagitan ng sabhed(subhead)

12. Iwasan ang paggamit ng baner o pangunahing ulo ng balita kung hindi nararapat ito sa kahalagahan ng balita. (Avoid screaming headline).

13. Huwag pabayaan na ang itaas na bahagi ng pahina ay sobrang mabigat (top heavy) dahil sa paggamit ng malalaking larawan at ulo ng balita. Maiiwasan ito sa pamamagitan ng malawakang ulo (spread head) sa ibabang bahagi ng lupi.

Page 6: Mga patnubay sa pag aanyo

14. Iwasan ang paggamit ng maraming ulo ng mga balita na may magkakaparehong tipo, laki at uri.

15. Iwasan din ang paggamit ng maliliit na ulo sa mahaba at mahalagang balita.

Page 7: Mga patnubay sa pag aanyo

16. Mula sa pito hanggang sa siyam na istorya o balita ang katamtamang bilang sa pagmukhang pahina ng tabloyd. Karaniwang may limang kolum ang isang tabloid at ang bawat kolum ay 12 ems o dalawang dali ang lapad.