14
Pagpapalawak ng Pangungusap

Pagpapalawak ng Pangungusap

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagpapalawak ng Pangungusap

Pagpapalawak ng Pangungusap

Page 2: Pagpapalawak ng Pangungusap

Pumunta kami ng aking kaibigan sa mall para manood ng movie at kumain sa Mcdo at bumili ng damit tapos naglakad-lakad kami at nakita namin ang isa naming kaklase sa Nat’l Book Store na kung saan ay bumibili ng Gtech dahil nawala raw ang kanyang luma kaya nanghihinayang siya rito nang grabe pero ako, naisip ko, gastos lamang nang gastos.

Page 3: Pagpapalawak ng Pangungusap

Pumunta kami ng aking matalik na kaibigan sa mall. Kami ay nanood ng bagong movie, kumain ng chicken fillet sa Mcdo, bumili ng magandang damit, at naglakad-lakad din pagkatapos. Habang naglalakad-lakad, nakita namin si Benjie, isa naming kaklase, sa Nat’l Book Store. Siya ay bumili na naman ng bagong Gtech dahil nawala raw ang kanyang luma na labis niyang pinanghinayangan. Naisip ko, siya ay nasasayangan na sa isang ballpen lamang samantalang ako ay gastos lang nang gastos.

Page 4: Pagpapalawak ng Pangungusap

Page 5: Pagpapalawak ng Pangungusap

Pagdaragdag ng mga Paningit o Ingklitik

Paggamit ng mga PanuringPagsasama ng mga Pamuno sa

PangngalanPaglalagay ng mga Kaugnay na

Parirala

Mga Paraan sa Pagpapalawak ng Pangungusap

Page 6: Pagpapalawak ng Pangungusap

Pagdaragdag ng mga Paningit o Ingklitik

Isinasama ito sa pangungusap upang mas malinaw ang mensaheng nais iparating.

Mga Halimbawa ng Ingklitikman naman kaya kasiyata sana tuloy nangba pa muna palana daw/raw din/rin lamang/lang

Page 7: Pagpapalawak ng Pangungusap

Paggamit ng mga Panuring

2 Kategorya ng mga Panuring:1. pang-uri na panuring sa pangngalan at

panghalip2. pang-abay na panuring sa pandiwa, pang-

uri, o kapwa pang-abay

Page 8: Pagpapalawak ng Pangungusap

Mga Halimbawa:

Batayang Pangungusap:Ang Great Wall of China ay simbolo ng Dinastiyang Ming.Pagpapalawak Gamit ang Pang-uri:Ang makasaysayang Great Wall of China ay simbolo ng Dinastiyang Ming.

Page 9: Pagpapalawak ng Pangungusap

Mga Halimbawa:

Batayang Pangungusap:Ang mga mamamayan ay nagbunyi sa pagbagsak ng pamahalaan.Pagpapalawak Gamit ang Pang-abay at Pang-uri:Ang mga mamamayan ay masigabong nagbunyi sa pagbagsak ng sakim na pamahalaan.

Page 10: Pagpapalawak ng Pangungusap

Pagsasama ng mga Pamuno

Pamuno -> pangngalan o pariralang pangngalang tumutukoy sa ibang katawagan para sa isa pang pangngalan.HALIMBAWA:Si Duterte, ang pangulo ng Pilipinas, ay nanawagang huwag gumamit ng droga.

Page 11: Pagpapalawak ng Pangungusap

Paglalagay ng mga Kaugnay na Parirala

Kaugnay na Parirala -> mga dagdag na salita na idinurugtong sa pangungusap o mga parirala na may parehong kahulugan sa naunang parirala.

Page 12: Pagpapalawak ng Pangungusap

Pumunta kami ng aking matalik na kaibigan sa mall. Kami ay nanood ng bagong movie, kumain ng chicken fillet sa Mcdo, bumili ng magandang damit, at naglakad-lakad din pagkatapos. Habang naglalakad-lakad, nakita namin si Benjie, isa naming kaklase, sa Nat’l Book Store. Siya ay bumili na naman ng bagong Gtech dahil nawala raw ang kanyang luma na labis niyang pinanghinayangan. Naisip ko, siya ay nasasayangan na sa isang ballpen lamang samantalang ako ay gastos lang nang gastos.

Mga dagdag na salita na idinurugtong sa pangungusap

Page 13: Pagpapalawak ng Pangungusap

Mga parirala na may parehong kahulugan sa naunang parirala

Nakalulungkot limiin na sa araw na iyon ay nailibing ang matataas na pangarap o dili kaya’y kasama ng umalimbukay na alikabok ang mga ambisyong matagal nang naikintal sa isipan. Subalit darating ang tamang panahon na tahasang malalaman ang tunay na kahulugan ng buhay, ang kahulugan ng paghihintay sa mga nakatakda, at ang kahalagahan ng pag-inog ng mundo na tiyak na daratal pagdating ng araw.

Page 14: Pagpapalawak ng Pangungusap

Gawain:

Palawakin ang mga sumusunod na batayang pangungusap. Isulat ang sagot sa kuwaderno.1. Si Ana ay nanggaling sa mahirap na pamilya.2. Dapat pag-ingatan ng lahat ang kalayaan.3. Ang mundo ay naging saksi sa pangyayaring ito.4. Ang Pilipinas ay nagdurusa.