36

Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

Embed Size (px)

Citation preview

Page 1: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal
Page 2: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

Page 3: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

A. Katuturan ng Pangulong Tudling o Editoryal1. Isang mapanuring pagpapakahulugan ng kahalagahan ng

isang napapanahong pangyayari upang magbigay ng kaalaman, makapagpaniwala o makalibang sa mambabasa.

2. Isang pinag-aralang kuro-kuro batay sa isang tunay na pangyayari.

3. Isang komentaryong nagpapayo, nagtuturo, pumupuri o tumutuligsa tungkol sa kahalagahan ng isang pangyayari.

4. Bagama’t ang pangulong tudling ay sinulat ng isang kasapi lamang, ito’y paninindigan ng buong pamatnugutan at ng pahayagan.

Page 4: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

B. Katangian ng Pangulong Tudling

1. May kapangyarihang humikayat2. Kawili-wili at maliwanag ang paglalahad3. Makatarungang pangangatwiran at pagpapasya4. May kaiklian at hindi masalita5. Iisang paksa lamang ang tinatalakay6. Hindi nagmumura, nangangaral o nagsesermon

Page 5: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

C. Layunin ng Pangulong Tudling1. Upang magpabatid, magpakahulugan at

pumuna2. Upang magbigay-puri, magpaunawa,

manlibang, magturo o manuligsa3. Upang magpahalaga sa isang tanging

araw, tao o lunan

Page 6: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

D. Uri ng Pangulong Tudling1. Pangulong Tudling na Nagpapabatid (Editorial of Information)

- Ipinaalam ang isang pangyayari sa layuning mabigyan-diin ang kahalagahang iyon o mabigyang linaw ang ilang kalituhang bunga ng pangyayari. Ito’y naiiba sa pangulong tudling na nagpapakahulugan, sapagkat hindi hayagang nagbibigay ng pangwakas na pasya o kuro-kuro. Hindi ito tumutuligsa, hindi nakikipagtalo. Ang tanging layunin ay mabigyan ng kabatiran.

Halimbawa: Ano ang nilalaman ng isang memorandum? Paano isinasagawa ang pagpaplano ng pamilya?

Page 7: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

D. Uri ng Pangulong Tudling2. Pangulong Tudling na Nagpapakahulugan (Editorial of Interpretation)

- Nagpapaliwanag ng kahalagahan o kahulugan ng isang pangyayaring napabalita o ng isang kasalukuyang ideya, kalagayan o katayuan. Dito binibigyan ng katuturan ang mga isyu at ipinapakita ang mga taong may kaugnayan sa pangyayari at ng kanilang layunin. Kung minsa’y, ito ay nagbibigay ng mungkahi tungkol sa maaaring kahihinatnan.

Halimabawa: Ano ang kahulugan at ibubunga ng isang bagong

memorandum ng pinalabas ng punong-guro? Ano ang kabutihang maidudulot ng pagpaplano ng

pamilya?

Page 8: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

D. Uri ng Pangulong Tudling3. Pangulong Tudling na Nakikipagtalo (Editoryal of Argumentation)- Bagamat nagbibigay rin ng impormasyon at interpretasyon ang

editoryal na ito, ang tanging layunin ay ang hikayatin ang mambabasa upang pumanig sa kanyang ideya o paniniwala.

Halimbawa: Tama ang punong-guro sa pagpapalabas ng bagong

memorandum tungkol sa pagbabawal ng mahahabang buhok sa mga lalaki.

Dapat magplano ng pamilya.

Page 9: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

D. Uri ng Pangulong Tudling4. Pangulong Tudling na Namumuna (Editorial of Criticism)- Ito’y hawig sa pangulong tudling na nakikipagtalo. Subalit dito,

kapwa inihaharap ng sumulat ang mabuti at masamang katangian ng isang isyu. Tinatalakay niya ang magkabilang panig sa kabila ng katotohanang ipinagtatanggol niya ang isa sa mga ito.

Halimbawa:Ang Diborsyo: Makabubuti Ba o Makapipinsala?Ang Aborsyon, Dapat Bang Bigyang Ligalisasyon?

Page 10: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

D. Uri ng Pangulong Tudling5. Pangulong Tudling na Nanghihikayat

(Editorial of Persuasion)- Ito’y nagbibigay rin ng kahulugan, nakikipagtalo at

namumuna. Subalit ang binigyang-diin ay ang mabisang panghihikayat.

Halimbawa:Itaguyod ang Proyekto ng Punong-guro.Panukalang Batas Laban sa Diborsyo, Suportahan.

Page 11: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

D. Uri ng Pangulong Tudling6. Pangulong Tudling na Nagpaparangal o Nagbibigay-puri (Editorial of Appreciation, Commendation, or Tribute)- Pumupuri sa isang taong may kahanga-hangang nagawa;

nagpapahayag ng pagpapahalaga sa isang taong namayapa, na may nagawang pambihirang kabutihan o sa isang bayani sa araw ng kanyang kapanganakan o kamatayan.

HalimbawaMga Pumpon ng Mga Bulaklak Para sa Bagong KampeonSergio Osmena Sr., Kapurihan ng Cebu

Page 12: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

D. Uri ng Pangulong Tudling7. Pangulong Tudling na Nagpapahayag ng Natatanging Araw (Editorial of Special Occasion)- Bagamat ang uring ito ay may kalakip ding pagpapakahulugan, ito’y may ibinubukod bilang isang tanging uri. Dito ipinaliliwanag ang kahalagahan ng mga tanging okasyon tulad ng Pasko, Araw ng Kalayaan, Araw ng mga Bayani, Buwan ng Wika, Linggo ng Pag-iiwas sa Sunog.

Page 13: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

D. Uri ng Pangulong Tudling8. Pangulong Tudling na Panlibang (Editorial of Entertainment)- Ang uring ito ay hindi karaniwang sinusulat, at bihirang

malathala sa mga pahinang pang-editoryal. Dahilan sa ang layunin ay makalibang, ito’y sinusulat sa paraang di-pormal, masaya, kung minsa’y sentimental at karaniwang maikli lamang.

Halimbawa:Bagong moda sa kasuotanMga lalaking nakahikaw

Page 14: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

D. Uri ng Pangulong Tudling9. Pangulong Tudling na Nagsasaad ng Panagano (Mood Editorial)- Pambihira ring isinusulat ito. Kalimitan ang pinapaksa ay kalikasan.

Nagpapahayag ito ng pilosopiya. Hindi nakikipagtalo; hindi nagpapaliwanag.Halimbawa:Isang takipsilim, isang maya ang dumapo sa isang sanga. Ito’y humuni ng isang napakalambing na sonata. Pagkatapos, ito’y tuluyan nang natulog.Nagbigay ito ng inspirasyon sa isang mamahayag upang sumulat ng isang editoryal kung saan paglalarawan ang kanyang ginamit na pamamaraan. Ito’y winakasan niya ng isang paghahambing kung saan niya pinagtulad ang tao at ang mga hayop na kapwa naghahangad ng katahimikan at mapayapang pagtulog paglipas ng isang pagal na maghapon.

Page 15: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

D. Uri ng Pangulong Tudling10. Pangulong Tudling na Bakasan (Pooled Editorial)- ito’y sinulat ng lupon ng mga patnugot sa iba’t ibang paaralan

at kanilang sabay-sabay na nilathala sa kani-kanilang pahayagan.

Halimbawa:Pagtaas ng Matrikula, Huwag Pairalin

Page 16: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

D. Uri ng Pangulong Tudling11. Pangulong Tudling na Batay sa Tahasang Sabi (Editorial Liner)- Ang layner ay isang pangungusap o isang talatang tumatalakay

sa isang napapanahong pangyayari o balita at nasusulat sa paraang masaya, mapanukso, o di-pormal, batay sa kung ano ang hinihingi ng paksa. Ito’y nalalagay sa katapusan ng tudling pang-editoryal. Kung minsa’y hindi ito sarili ng sumulat, kundi pangungusap ng isang dakilang tao.

Halimbawa:a. Isang mahalagang pangungusap ng Pangulo ng bansa

Page 17: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

b. Pangungusap ng mga bayani na angkop sa isang kalagayan ng bansa.c. Siniping kawikaan ng angkop sa isang kalagayan.d. Matalinghagang pangungusap na may kaugnayan sa isang kalagayan o pangyayari.e. Isang palasak na kasabihang may ipinahihiwatig na aral.

Page 18: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

E. Paghahanda sa Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal1. Magkaroon ng isang tiyak na paksang tatalakayin, isang

paksang kawili-wili sa mambabasa.2. Magkaroon ng isang tiyak na layunin sa pagsulat ng

tatalakaying paksa. Ang layuning ito ay kailangang makilala sa simula pa lamang.

3. Likumin ang mga talang mahalaga sa tatalakaying paksa.4. Suriin at unawain ang suliranin.5. Isipin ang paraang gagamitin upang akitin ang

mambabasa.

Page 19: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

F. Bahagi ng Pangulong TudlingTatlong bahagi ng Pangulong Tudling:1. Panimula (Introduction)a. Balitang batayan (newspeg) o ipotesis (hypothesis)b. Reaksyon sa balitang batayan o sa ipotesis.Halimbawa:1) Ang bagong patakaran ng punong-guro na naguutos sa mga mag-aaral na nahuli sa klase na mag-aaral muna ng leksyon sa silid-aklatan habang sila ay naghihintay sa susunod na asignatura ay isang matalinong pasiya.

Page 20: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

F. Bahagi ng Pangulong Tudling

2) Isang malaking karangalan para sa paaralan ng mga batang mamamahayag ay muling nanalo sa paligsahan sa pagsulat.Ang mga nasusulat sa bold face ay mga reaksyon. Ang nasa tipong roman ay mga balitang batayan.

Page 21: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

F. Bahagi ng Pangulong Tudling2. Katawan ng Editoryal (body)Ito’y naglalahad ng mga tala, ideya o paninindigan laban sa sang-ayon sa paksa.

3. Pangwakas o kongklusyon na maaaring isang pagpapatibay sa kuro-kuro, mga tagubilin o mga mungkahi.

Page 22: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

G. Mga Tuntuning Dapat Sundin sa Pagsulat ng Pangulong Tudling/Editoryal1. Magkaroon ng kawili-wiling panimula ng maikli lamang

upang akitin ang mambabasa.2. Buuin ang katawan sa pamamagitan ng paglalahad ng mga

katibayan nang maayos at malinaw3. Iwasan ang pagbibigay ng pangkalahatang patakaran.Sa

halip ay: 1) gugamit ng mga halimbawa at paglalarawan upang pagtibayin ang simulan , 2) gumamit ng paghahambing at pag-iiba-iba, 3)gumamit ng magkatulad na kalagayan at 4) banggitin ang pinagmula ng mga inilalahad na kalagayan.

Page 23: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

G. Mga Tuntuning Dapat Sundin sa Pagsulat ng Pangulong Tudling/Editoryal4. Tapusin nang naaangkop.5. Tandaan na ang pinakamahalagang bahagi ay ang mga pinamula at ang pangwakas.6. Gawing maikli lamang.7. Huwag mangaral o magsermon (No preaching). Ilahad lamang ang katwiran at hayaan ang mambabasang gumagawa ng sariling pagpapasya.8. Sundin ang lahat ng simulan na mabisang pagsulat: kaisahan (unity), linaw (clarity), paglalaugnay-ugnay (coherence) at diin (emphasis).

Page 24: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

G. Mga Tuntuning Dapat Sundin sa Pagsulat ng Pangulong Tudling/Editoryal

9. Iwasan ang unang panauhan isahang panghalip. Gamitin ang editoryal na “tayo” (editorial “we”).10. Sulatin nang payak lamang.

Page 25: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

H. Pagsulat ng Pangulong Tudling1. Mga Paraan ng Panimula:a. Pagtatanong- Ano ang nangyari tungkol sa pinalabas na palibot liham

(circular) ng DECS na nagbabawal sa pagtataas ng matrikula?b. Payak na paglalahad ng paksa- Nagbabalak na naman ang pamahalaan upang humiram ng

pera sa ibang bansa. Napapanahon na upang tayo’y sumalungat sa binabalak ng Pangulo.

Page 26: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

c. Pagsasalaysay ng isang pangyayari o isang insidenteng may kaugnayan sa paksa- Masigla at maayos ang mock election na idinaos ng kagawaran ng araling panlipunan noong Okture 14 bilang paghahanda sa darating ng pambansang halalan na gaganapin sa Enero 20.c. Pagsipi - At sinabi ng Panginoon kay cain “Saan naroroon si abel na iyong kapatid?” At sinagot niya,” Aywan ko; ako ba’y tagapagbantay sa aking kapatid

Page 27: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

e. 1) Kapansing-pangsing panimula- Ganitong araw rin, labing-walong taon na ang nakakaraan

nang ang mga sibilyan-bata,matanda,babae,lalaki,madre at pari ay nagsama-sama sa EDSA at sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga bulaklak at ng pagrosaryo ay naibagsak nila ang isang mapanghimagsik na Pangulo.

2) Paglalahad ng mga kuru-kuro laban o sang-ayon sa paksa.

Page 28: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

3) Paglalahad ng mungkahi o tagubilin tungkol sa paksang binigyan ng kuru-kuro.-Ang pangatlo at pinakamabisang panlunas ay ang isang siyentipikong kaalaman at paraan sa pagpaplano ng laki ng pamilya.-Sang-ayon kami kay DILG Secretary Joey Lina na dapat magtulong-tulong ang lahat sa pagsugpo ng krimen.

Page 29: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

I. Mga katanungang Pansubok sa kahusayan ng Pangulong Tudling editoryal1. Angkop ba sa anyo at istilo sa nilalaman at sa layunin?2. Naisakatuparan ba ang layunin?3. Pinag-isip ba ang mambabasa4. Malinaw ba, tiyak at payak ang pagkakasulat?5. Kapapansinan ba ng sapat na kaalaman, at malinaw at makatwirang pag-

iisip6. Ito ba’y matapat?7. Maiikli ba ang paksa mambabasa?8. Mahalaga ba ang paksa sa mambabasa?9. Ang balitang panimula ba ay makatotohanan at di artipisyal10. Nailalahad ba ang paksa sa paraang hindi nanga-ngaral?

Page 30: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

ANG KURO-KURONG TUDLING(The Editorial Column)

Isang palagiang babasahin sa pahina ng pangulong tudling ay ang kuru-kurong tudling o ang tudling pang-editoryal. Sa ibang seksyon ng pahayagan ay mababasa ang tudling pampalaruan o palakasan (sports column), tudling para sa kapilitang-pahayagan (exchange column), tudling panglathalin (features column) at tudling pampanitikan (literary column).

Page 31: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

Katuturan ng Tudling/KolumAng tudling o pitak ay isang palagiang lathalain sa pahayagan na nagtataglay ng palagiang pamagat (kagaya ng Point of Order ni Joe Guevarra) at kadalasang hindi nagbabago ng lugar sa pahina sa bawat isyu.

Page 32: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

Katuturan ng Kuru-kurong Tudling(Editorial Column)

Ang kuru-kurong tudling ay isang pitak na naglalaman ng kuru-kuro; ideya, opinyon o paninindigan ng manunudling (columnist) sa isang paraang kawili-wili tungkol sa iba’t ibang paksa. Sariling opinyon ito ng manunudling, di tulad ng pangulong tudling na opinyon o paninindigan ng buong patnugutan.

Page 33: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

Katangian ng Kuru-kurong Tudling1. Napapanahon (timely)2. Tulad ng pangulong tudling, ito’y may balitang batayan (News

Peg)3. Nasusulat ayon sa istilo ng pagsulat ng manunudling.4. Karaniwang nanunuligsa; paminsan-minsan nagpapatawa,

nagpapabatid, nagtuturo, nagpapaala-ala at nanlilibang.5. Maaaring ito’y isang buong salaysay na may isang paksa

lamang. Maaari ring binubuo ng iba’t ibang paksa sa walang kaugnayan sa isa’t isa.

6. Maaaring patula o pasalaysay.

Page 34: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

Katangian ng Isang Manunudling1. Malawakang kaalaman at interes sa buhay.2. May sariling istilo at pagkapamanlikha (style and originality)3. Mahusay sa displomasya.4. May kakayahang sumulat sa pamamaraang lathalain

(feature)5. May malakas na pang-unawa sa kahalagahan ng balita.6. May dalubhasang kaalaman sa pinapaksa ng tudling.7. Makatarungang pagpapasya o paghahatold.

Page 35: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

Halimbawa:Palagiang Pamagat – Tingnan NatinPamagat ng Tudling – “Pumpon ng mga Bulaklak”Manunudling (kolumnista) – Ka Uro (Arturo S. Kabuhat)Pahayagan – The Toreh

Page 36: Pagsulat ng Pangulong Tudling o Editoryal

Tama o Mali1. Hindi lubhang kailangan ang ganap na kawastuhan (accuracy)

sa pagsulat ng pangulong tudling di gaya sa pagsulat ng balita.2. Maaari ring hindi pormal na konklusyon ang huling bahagi ng

pangulong tudling.3. Upang maging mabisa ang pangulong tudling, ito ay dapat

mangaral o magsermon.4. Hayaang bumuo ng sariling konklusyon ang isang mambabasa

kaysa idikta sa kanya ang dapat niyang panigan.5. Kailangang maging magaling na reporter muna bago maging

isang dalubhasang manunudling.