37
PAGSULAT NG TANGING LATHALAIN Inihanda ni: Gloria M. Samaniego Guro

Pagsulat ng tanging lathalain

Embed Size (px)

Citation preview

PAGSULAT NG TANGING

LATHALAIN

Inihanda ni: Gloria M. Samaniego

Guro

Katuturan ng Tanging Lathalain

1. Isang sanaysay na batay sa tunay na pangyayari na nagtataglay ng mga pagpapaliwanag, sanligan at impresyo ng sumulat.

2. Isang uri ng pamahayagan na nag-uulat ng mga makatotohanang bagay o pangyayari batay sa pag-aaral, pananaliksik o pakikipanayam at sinusulat sa isang paraang kawili-wili.

3. Isang uri ng sulatin na ang kawilihan ay nasa ibang bagay sa halip na sa mahalagang tala.

Anyo ng Piling Lathalain

1. Maaaring isulat ito sa anumang porma, anyo o istilo.

2. Maaari ring isulat sa ayos ang baligtad na piramide tulad ng sa balita o sa ayos pasalaysay ( narrative ).

Katangian ng Tanging Lathalain

1. Walang tiyak na haba, maaaring maikli, maaaring mahaba dipende sa nilalaman ng gustong itala.

2. Batay sa katotohanan na maaaring may kaugnayan sa balita.

3. Maaaring sulatin sa anumang anyo, istilo o pamamaraan, ngunit kailangan na ito ay naangkop sa nilalaman at layunin nito.

Katangian ng Tanging Lathalain

4. Ginagamitan ng makabagong pamatnubay (novelty lead) sa halip na na kabuurang pamatnubay (summary lead).5. Nasusulat sa himig ng payak na pakikipagkaibigan.6. Maaaring sulatin sa una, ikalawa at ikatlong panauhan.

Katangian ng Tanging Lathalain

7. Pinakamalayang pagsulat sa lahat ng uri ng pamahayagang akda.8. Maaaring gumamit ng pang-uri, tayutay o idyoma hangga’t kailangan.9. Nagsasaad ng mga ulat batay sa masusing pag-aaral, pananaliksik at pakikipanayam.10. Karaniwang nasusulat sa paraang pataas ang kawilihan.11. May panimula, katawan at wakas.

Mga layunin ng Tanging Lathalain

1.Magpabatid2.Magturo3.Magpayo4.Manlibang

Mga Uri ng Tanging Lathalain

1. Lathalaing Nagpapabatid (Informative Feature)- Ito’y nagbibigay ng kapaki-pakinabang na ulat, nagdaragdag ng kaalaman o karunungan at may layuning magturo o magpayo.

Halimbawa: Ang Dapat Gawin Kapag May Malakas na Lindol

Mga Uri ng Tanging Lathalain

2. Lathalaing Pabalita (News Feature)- Ito’y batay sa isang balitang nakapupukaw ng damdamin. Pinapalawak nito ang bahagi ng balita na may pangyayaring di-pangkaraniwan, may kababalaghan, o makabagong likha na nakapagbigay sa mambabasa ng kaalaman, simpatiya o kawilihan.Halimbawa: Ang Tagtuyot sa Timog Luzon

Mga Uri ng Tanging Lathalain

3. Pangkatauhang Lathalaing Dagli (Personality or Character Sketch)- Ang paksa nito’y ang paglalarawan ng mga kilalang tao, ang kanilang buhay, karanasan, gawain, patakaran sa buhay at dahilan ng kanilang tagumpay o kabiguan. Halimbawa: Lathalain ukol sa isang artista, manlalaro o mang-aawit.

Mga Uri ng Tanging Lathalain

4. Lathalaing Pangkasaysayan (Historical Feature)- Nahahawig sa lathalaing nagpapabatid subalit ang pinakapaksa nito ay isang kasaysayan ng tao, bagay o lunan.

Halimbawa: Ang Ebolusyon ng Bandilang Filipino Ang Edsa Rebolusyon

Mga Uri ng Tanging Lathalain

5. Lathalaing Pansariling Karanasan ( Personal Experience or Adventure) – Ito’y nauukol sa mga di-pangkaraniwang karanasan ng manunulat ng ibang tao ayon sa pagkakasalaysay ng may-akda.6. Lathalaing Pakikipanayam (Feature Interview) – Ang paksa nito ay ang kuru-kuro at kaisipan ng isang kilalang tao. Ang ulat hinggil sa mga kuru-kurong ito ay nakuha sa pamamagitan ng pakikipanayam.

Mga Uri ng Tanging Lathalain

7. Lathalaing Panlibang ( Entertainment Feature ) – Dahilan sa ang layunin nito’y magbigay kaaliwan, pinakapili ang paksa upang magsilbing gamot sa mga taong nalulumbay o pampalipas sa oras ng mga taong nais maglibang.

Halimbawa: Ang kahulugan ng Halik

Karaniwang Paksa Para sa Pagsulat ng Lathalain sa Pampaaralang Pahayagan1. Karanasan o Pakikipagsapalaran

( experience or adventure )2. Paglalarawan ng isang tao, lunan o

pangyayari (description)3. Kasaysayan ng isang pangyayari

(historical background)4. Pangkatauhang-dagli (personality sketch)5. Salaysayin (narrative)- kawili-wiling

kuwento o salaysay. ( Hal. Saan galing ang pangalan ng isang baryo o pook )

Karaniwang Paksa Para sa Pagsulat ng Lathalain sa Pampaaralang

Pahayagan6. Pangkaunlarang Lathalain (development feature)- tinatalakay ang kaunlaran at pagsulong angkop sa mabilis na pagbabago ng purok o bansa at ng mamamayan nito na nagbibigay-daan sa kaunlarang pangkabuhayan, panlipunan at sa lahat ng larangan para sa pagkakapantay-pantay na kalutasan ng karalitaan.7. Lathalaing “Ano” o “Paano” ang Gagawin ( How-to-do and What-to-do Articles)Halimbawa: Ang Pagluluto ng Lumpiya Ang mga Dapat Gawin kung Malakas ang Bagyo Beauty Tips

Mga Katangian

ng Manunulat ng Tanging Lathalain

1. Handang manaliksik upang mabatid ang iba’t-ibang bagay hinggil sa isang karaniwang balita o pangyayari na ikinatatanggi ng mga ito.2. Masigasig at masiyasat sa pagkuha ng mga tala hinggil sa pangyayari.3. May kakayahang magawang lathalain ang alinmang balita.4. May sariling pamamaraan at istilo sa pagsulat.

KARAGDAGAN:1. Mataas na pagmamasid2. Pangkaisipang pag-uusisa3. Kakayahang tumuklas ng lathalain sa pang-araw-araw na pangyayari4. Katambak ng mga salitang naglalarawan at idyoma5. Kakayahang humabi ng mga salita sa paglika ng mga kawili-wiling pangungusap at parapo6. Kakayahang sumulat ng mabisa at pambararilang pangungusap

Mga Payo Para sa

mga Bagong

Manunulat ng Tanging Lathalain

1. Samahan ng mga anekdota o mga natatanging pangyayari.2. Gamitin ang mga siniping sabi at ilagay ang mga iyon sa simula.3. Magbigay ng tiyak at madaling maunawaang mga halimbawa upang higit na maipadama ang diwa ng lathalain.

4. Gumamit ng usapan (conversation or dialog) at katutubong kulay (local color) upang maipadama ang mga pangyayari sa mambabasa.5. Gawing maikli ang talata.6. Tapusin sa pamamagitan ng pang-ugnay na katapusan (tie in)…..

Mga Mungkahing Panimula sa Pagsulat ng Lathalain

( Suggested Beginnings )

1. Panretorikang Tanong (Rhetorical Question)

Halimbawa:

Sino ang nagsabi na ang edad ng tao ay hadlang sa kanyang pag-aaral? Hindi ito ang paniwala ni Danilo Marcelo. Siya ay huminto sa pag-aaral pitong taon na ang nakakaraan nang matapos siya sa mababang paaralan. Ngayong pasukan, sa gulang na 30, nagbalik-paaralan si Danilo at nagpatala siya sa unang baitang sa Mataas na Paaralang Laurel.

2. Panggulantang na Pahayag ( Startling Statement)

Halimbawa:

“Hindi pa kami laos!” Ito ang pahayag na ng mga young once—mga guro, pinuno ng paaralan at mga magulang nang kanilang ipagdiwang ang Araw ng Maynila, Hunyo 24, at lumahok sila sa iba’t-ibang palatuntunan at paligsahan upang bigyang-buhay at kasayahan ang pagdiriwang.

3. Pasalaysay na Panimula ( Narrative Opening)

Halimbawa:

Matiwasay niyang pinapag-aral ang kanyang sarili at ang kanyang anim na anak. Ginagampanan niya ang tungkulin ng isang ina at ng isang ama. Siya’y si Gng. Adelfa Prado, IV-1, sa klaseng panggabi.

4. Siniping Sabi ( Quoted Remark)

Halimbawa:

“Manalig ka sa Kanya at tutulungan ka Niya.” Ngumiti siya’t sumulyap sa akin na punung- puno ng pagtitiwala sa sarili habang siya’y aking kinakapanayam.

5. Isang Kasabihan, Salawikain o Talinghaga (Maxim, Proverb, or

Aphorism)

Halimbawa:“Tubig, tubig sa lahat ng dako, ngunit kahit isang patak ay walang mainom.” Itong siniping sabi ni Samuel Coleridge

sa tulang “The Ancient Mariner” ay wala nang bisa ngayon. Kahit na tubig galing sa baha ay maiinom na. Paano? Ganito

ang paraan.

6. Suliraning dapat na pagtalunan sa artikulo, o pangyayaring dapat na

patunayan (Problems to be discussed in the article or fact to

be established)Halimbawa:

May kasagutan sa mabilis na pagtaas ng halaga ng gulay. Magtanim ka.

Mga Mungkahing Pangwakas ng Tanging Lathalain

( Suggested Endings )

1. Buod ng buong artikulo (Summary of

the Whole ArticleHalimbawa:

Makinig ka sa mga dalubhasa; ang paninigarilyo ay lubahang masama sa kalusugan. Maaaring maturingan kang tunay na lalaki dahil sa paninigarilyo mo, subalit hindi tatagal ang buhay mo upang mapatunayan mo ang iyong pagkalalaki.

2. Pahayag ng pinakamahalagang bahagi sa kauna-unahang pagkakataon (An

announcement of the main Point for the First Time)

Halimbawa:Kaya ang pinakamahalagang

bahagi ng kaunlarang pakikipagtalastasan ay ang paglinang ng kagandahang

asal, lalung-lalo na ng disiplinang pansarili at ng

makataong pag-uugali.

3. Katanungang nabuo sa kaisipan ng mambabasa (A Questions Left in the

Reader’s Mind)

Halimbawa:Ang kamay ng makabagong Pilipino ay handang marumihan. Pinaiikot

niya ang gulong ng pangkaunlaran. Iwina-wagayway niya ang bandila ng kalayaan—kalayaan laban sa

paghihikahos, at kalayaan laban sa kamang-mangan.

Ikaw ba’y may ganitong uri ng mga kamay?

4. Mungkahing ukol sa kahihinatnan (Suggested Results or Significance)

Halimbawa:Pahalagahan natin ang mga gubat kung nais iligtas sa kapahamakan ang ating

bansa, likha ng mga pagbaha at tagtuyot.

5. Isang porkast o hula ( A Forecast or Prophecy)

Halimbawa:Anim at kalahating dantaon mula

ngayon, kung hindi masusugpo ang dami ng tao, wala nang matitirang

pagtamnan ng ano mang uri ng halaman. Ang lahat ng lupa ay

gagamitin ng tao sa ibang bagay maliban sa pagtatanim. Dahil sa

kagutuman, sila-sila ay magpapatayan at maglalamunan na

parang mga hayop.

6. Pag-uulit ng panimula (Repetition of the Introduction)

Halimbawa:Nang siya’y tinanong kung

siya’y may kaalaman o karanasan sa potograpiya,

ang sagot ni Domingo Layson, “Ako’y natututo

habang kumikita at kumikita habang natututo.”

7. Pag-uulit ng mga salita sa Pamagat(Repetition of the words

found in the title or of the title itself)

Halimbawa:Paglipas ng apat na taon bilang

isang utusan sa araw at isa namang masipag na mag-aaral sa gabi, nagtapos din sa pag-

aaral si Danilo Marcelo sa Mataas na Paaralang Lakandula

kung saan niya nakamit ang karangalang salutatoryan.

8. Isang Angkop na Sinipi (An Appropriate Quotation)

Halimbawa:Hindi pinabulaanan ni Melchor ang

kanyang karalitaan. At nang tanungin siya kung bakit niya ibinigay ang kanyang

kaisa-isang piso sa pulubi, sinipi niya si “Tennyson sa tulang “The Vision of Sir

Launfal” at sa wikang Ingles:“Not what we give but what we shareFor the gift without the giver is bare,

Who gives himself with his alms feeds three

Himself, his hungering neighbor and Me.”