Upload
avigail-gabaleo-maximo
View
617
Download
6
Embed Size (px)
DESCRIPTION
Palabuuan ng Pangungusap
Citation preview
PALABUUAN NG PANGUNGUSAP
SALITAIBAT-IBANG KAYARIAN NG SALITA
1) PAYAK - kung ito ay salitang –ugat lamang. - walang panlapi, hindi inuulit, at walang katambal na ibang salita. hal: bayan lahi bansa aklat ina tulog
2) INUULIT - kung ang salita ay inuulit a) Pag-uulit na ganap – buong salita b) Pag-uulit na di-ganap (parsyal) - kung ang
inuulit ay bahagi lamang ng salita hal: Ganap di-GANAP sabi-sabi ikot = iikot araw- araw usok = uusok
3) MAYLAPI - binubuo ng salitang –ugat at mga panlapi.
Hal: um alis = umalis
-in /-an tulong = tinulungan
mag-/ -um sikap = magsumikap
4) TAMBALAN - dalawang salitang pinagsama para makabuo ng isa
lamang salita.
urong-sulong
Pamatid-uhaw Ganap - dalawang salitang pinagsama ay
Balat-sibuyas nagkaroon ng panibagong kahulugan.
anak-pawis
bahag-hari di- ganap - kung nanatili ang kahulugan
bahay-kubo
PARIRALA - lipon ng salita na walang simuno at panaguri.
URI NG PARIRALA
A. PARIRALANG PANG-UKOL - pinangungunahan ng mga pang-ukol na na, sa , ng , para kay, alinsunod kay/ hinggil sa.
hal:
sa pook para sa batas hinggil sa bayan
alinsunod sa batas para sa mamamayan
B. PARIRALANG PAWATAS - binubuo ng pawatas ng pandiwa
at layon o panuring nito.
hal:
umiiwas sa bayan
umiibig sa bayan
manghabol sa bata
C) PARIRALA SA PANGNGALAN-DIWA
hal: PANDIWA PINAGHANGUAN PANGNGALAN-DIWA
naglaba maglaba paglalaba
nagbungkal magbungkal pagbubungkal
D) PARIRALANG PANDIWA
hal : nagtanim ng palay pagbubungkal ng lupa
paglilinis ng bahay nagtitinda ng mais
E) PARIRALANG PANG-URI
hal : Si Jose Rizal ang martir
pagtatanim ang mahirap
hinahangaan ang masipag
F) PARIRALANG PANG-ABAY
hal: Lumakad na patalikod
dumating kaninang umaga
uulan na naman yata
GAMIT NG PARIRALANG PAMBALARILA
A) PARIRALANG PANGNGALAN
BILANG PAKSA:
hal: Ang magpinta ng larawan ay kanyang hilig .
Ang para sa iyo ay isang magarang kotse
KAGANAPANG PANSIMUNO:
hal : Ang lapis ay para sa bata .
Ang larawan ay hinggil sa isang dakilang ina.
B) PARIRALA SA PANG-URING GAMIT
hal: Ang bahay sa burol ay isang magarang tanawin.
Ang hagdang palayan sa Banaue ay isa sa
pinakamagandang tanawin sa Pilipinas.
C) PARIRALA SA PANG-ABAY NA GAMIT
1. PANDIWA : Ang kanyang ama ay luluwas sa Maynila
Ang bata ay pumunta sa Parke.
2 . PANG-URI : Ang kanyang ina ay dakila sa mata ng tao.
Ang gurong iyan ay huwaran sa aming paaralan.
3. PANG-ABAY : Siya ay narito sa bulwagan.
Ngayon ay lunes sa kanilang kinalalagyan
SUGNAY- lipon ng mga salita na may paksa at panaguri, maaaring buo o di buo ang diwang ipinapahayag.
URI NG SUGNAY
A) SUGNAY NA MAKAPAG-IISA – may paksa at panaguri na buo ang diwang pinapahayag
hal: Nakasulat si Zanjoe ng isang mainam na sulatin.
Ang kanyang ama ay isang guro.
B) SUGNAY NA DI- MAKAPAG-IISA - may paksa at panaguri subalit di buo ang diwang ipinahahayag.
hal: nang kami ay lumuwas sa maynila
kung darating sila
nang nahhulog ang bata sa puno.
ANG GAMIT NG SUGNAY
A) PANGNGALAN – ang sugnay na di makapg-iisa ay nas pangngalang gamit kapag paksa ng pangungusap
hal; Hindi ko alam kung bakit sila nawawala.
kapag di ka naglubay ay lalo kang iiyak.
B) PANG-URI - kapag ang sugnay na di makapag-iisa ay panuring ng pangngalan na pnangungunahan ng panghalip na pamanggitna na -na, -ng .
hal: Ang Banaue Rice Terraces na binagtas nila ay
napakaganda.
Ang lalaking dumalaw sa kanila ay kasinahan ni kris.
C) PANG-ABAY - kapag ang sugnay na di makapag-iisa ay panuring ng pandiwa, pang-uri o pang-abay.
hal: Kami ay titiwalag na kung sila ay sasanib sa atin.
Ang bata ay malungkot kapag wala ang kanyang ina.
Sila ay aalis bukas kung nakabili na sila ng ticket.
PANGUNGUSAP - binubuo ng lipon ng salita na may buong diwa. - nagsisimula ito sa malalaking letra at nagtatapos sa tamang bantas.
URI NG PANGUNGUSAP
1. DI-PREDIKATIBONG PANGUNGUSAP- walang simuno o panaguri ngunit buo ang diwa.
2. PREDIKATIBONG PANGUNGUSAP – may paksa at panaguri
URI NG DI-PREDIKATIBONG PANGUNGUSAP 1. Sambitlang panawag : kuya! July!
2. Padamdam : Naku po! Aray ko!
3. Pagtawag : Kuwan! Hoy!
4. Pautos : Takbo! Alis diyan!
5. Pangkalikasan/ Penominal : Umuulan Lumilindol
6. Panagot sa Tanong: opo , ayaw ko
7. Panahon : Mamaya na, sa makalawa
8. Pagbati/ Pormularyong Panlipunan : magandang umaga po
9. Pagpapaalam : tuloy na po ako, paalam na
10. Pamuling tanong : Ano ika mo? Saan nga ba?
11. Pakiusap : Maaari ba? Sige na
12. Pampook : sa Baguio sa Luneta
13 . Eksistensyal ; May tao pa? Wala na
BAHAGI NG PREDIKATIBONG PANGUNGUSAP
PAKSA: -ito ang pinag-uusapan o sentro o pokus ng
usapan.
-inihuhudyat ng panandang ang para sa karaniwan
o pambalanang pangngalan.
-at si/ sina para sa mga pantangi o personal na
pangngalan.
Hal: Nagsusulat ng aklat ang mga guro (Paksang pangngalan)
Pinagpapala ng Diyos ang mga mababait. ( paksang pan-uri)
Pakainin mo ang mga nagsususlat.(paksang pandiwa)
B. PANAGURI - bahagi ng pangungusap na kumakatawan sa
impormasyon.
- nagbibigay kaalaman o impormasyon tungkol
sa paksa.
URI NG PANAGURI1. PANAGURING PANGNGALAN- (tiyak) kapag ang
ginagamit na panaguri ay pantangi. ( di-tiyak) kapag pambalana maliban kung may panghalip na pamatlig.
hal : Si Joseph ang aking kapatid (tiyak)
Umawit si Sarah ng kundiman (di tiyak)
Sumayaw ang tatay niya ng makabago (di tiyak)
2. PANAGURING PANGHALIP- (a) panao , (b) pamatlig
hal : siya ang kasama mo .(panao)
Ito ang bahay nina jamby. (pamatlig)
3. PANAGURING PANG-URI - maaaring isang salita, isang parirala.
hal. Masipag si Christian (isang salita)
Nakakabagot naman ang boses mo. (pariralang
panaguri).
4. PANAGURING PANDIWA
hal ; nagluluto ang kuya
naglilinis ng bahay si Ivan.
5. PANAGURING PANG-ABAY
hal : Kanina pa umalis si Joyce.
Sa Ifugao pumunta ang mga bisita.
6. PANAGURING PAWATAS
Hal : Umawit ang kinalilibangan ni Michelle.
Manggagamot ang naging trabaho nya sa lungsod.
URI NG PANGUNGUSAPA. AYON SA GAMIT
1. PATUROL - nagpapahayag ng katotohanan, kalagayan, palagay o pangyayari. Ginagamitan ito ng tuldok.
hal: Magaganap ang Eleksyon sa Mayo 10.
Nagbanta ng pagwewelga ang manggagawa kapag di
itinaas ang kanilang sahod
2. PATANONG - nag-uusisa o nagtatanong, ginagamitan ng bantas na pananong.
hal: Kumain ka na ba?
Bakit mo ginawa iyan sa kanya?
3. PAUTOS o PAKIUSAP - nag-uutos o nakikiusap, ang panlaping paki, maki ang karaniwang ginagamit.
hal: pakikuha mo nga ang gamit sa bahay.
4. PADAMDAM – nagsasaad ng matinding damdamin
hal: naku! Nahulog ang bata,
B. AYON SA KAAYUSAN 1. KARANIWANG AYOS – kapag nauuna ang panaguri sa
paksa.
hal: Masisipag at Mababait ang mga anak ni Dolly.
Matatalino silang magkakapatid.
2. KABALIKAN o DI_ KARANIWANG AYOS - kapag nauuna ang paksa sa panaguri. Ginagamitan ito ng panandang ay.
hal; Ang mga anak ni Dolly ay masisipag at matatalino.
Silang Magkakapatid ay matatalino.
C. AYON SA KAYARIAN 1. PAYAK – binubuo ng isang buong diwa o kaisipan.
hal: Ang Baguio City ay isang malamig na lugar
2. TAMBALAN- binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa, ito ay pinaguugnay ng at, ngunit, datapwat, subalit
Hal : Si Errolay sumasayaw at si Sandara ay nanonood sa kanya Ang mga guro ay nagbabakasyon ngunit ang mga mag-aaral ay nahihirapang gumawa ng kanilang proyekto.
3. HUGNAYAN - binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o higit pang sugnay na di-makapag-iisa. Ito ay pinag-uugnay ng kung, kapag, samantala, upang , nang, pagkat, dahil sa.
hal ; Nasira ang kamera habang pinipindot ng dalaga.
Kung mawawala ka sa piling ko sinta, guguho ang
mundo ko.
4. LANGKAPAN – binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa at isa pang sugnay na di-makapag-iisa.
Hal: Tataas ang grado mo at magkakaroon ka ng karangalan
kung mag-aaral ka ng mabuti.
Nang pumunta kami sa Ifugao, si Erick ay nasa palayan at si Dona ay nagluluto ng pagkain para sa tanghalian